You are on page 1of 31

8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment
at Rebolusyong Industriyal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Rebolusyong Industriyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marcosa D. Deloria


Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD / Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD
Librada M. Rubio PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 402-7003 to05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment
at Rebolusyong Industriyal
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

1
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang masuri mo ang mga dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal. Matutunghayan mo rin
dito kung paano umunlad ang paraan ng pag-iisip ng tao upang tumuklas ng mga
bagong kaalaman at gumawa ng mga bagong imbensyon, na naglunsad sa
Rebolusyong Industriyal.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


 Leksyon 1 – Rebolusyong Siyentipiko
 Leksyonn 2 – Enlightenment
 Leksyon 3 – Rebolusyong Industriyal

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal;
2. naipaliliwanag kung paano ginamit ng tao ang kanyang isip at katwiran sa
Panahon ng Enlightenment; at
3. napahahalagahan ang iba’t-ibang imbensyon noong panahon ng
Rebolusyong Industriyal.

Mga Tala para sa Guro


Higit na naging mapagtanong ang mga Europeo sa mga
nakagisnan nilang mga tradisyon na kaalaman at katuruan ng
Simbahan. Kung kaya, nagsimula silang magtanong tungkol sa
Sansinukob na pilit na iginigiit ng simbahan ang kanilang nakagisnang
paniniwalang pangrelihiyon. Ang kaganapang ito ang nagbunsod upang
mailunsad ang Rebolusyong Siyentipiko.

Matutunghayan natin sa modyul na ito ang mga pagbabagong


dulot ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong
Industriyal gayun din ang mga taong nasa likod ng mga pagbabagong ito.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang Italyanong siyentipiko na nakapag- imbento ng telescope at naging


daan sa pagpapatibay na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan?
a. Galileo Galilei c. Thomas Hobbes
b. Voltaire d. Nicolaus Copernicus

2. Sino ang Polish na nakatuklas na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at
di ang mundo?
a. Thomas Hobbes c. Nicolaus Copernicus
b. Galileo Galilei d. Francis Bacon

3. Anong makinarya na inimbento ni Eli Whitney noong 1793 upang mabilis na


mahiwalay ang buto ng bulak sa fiber?
a. Spinning Jenny c. Telepono
b. Telegrapo d. Cotton Gin

4. Sino ang kilala bilang Tagapagtatag ng Modernong Chemistry?


a. Galilei c. Lavoisier
b. Voltaire d. Copernicus

4. Sino ang nagpatunay na iisang dugo lamang ang dumadaloy sa ugat


at artery?
a. William Harvey c. Andreas Vesalius
b. Rene Descartes d. Francis Bacon

6. Sino ang Ama ng Modernong Ekonomiks?


a. Thomas Hobbes c. Cesare Beccaria
b.Denis Diderot d. Adams Smith

7. Anong panahong na kung saan dumami ang produksyon sapagkat napalitan


ng makina ang paggawa na dating ginagamitan ng kamay?
a. Rebolusyong Pangkaisipan c. Rebolusyong Industriyal
b. Rebolusyong Siyentipiko d. Repormasyon

8. Ang pinag-ugatan ng inspirasyon ng Rebolusyong Industriyal.


a. Renaissance c. Rebolusyong Agrikultural
b. Enlightenment d. Rebolusyong Siyentipiko

3
9. Anong makinarya na inimbento ni Eli Whitney noong 1793 na kung mabilis na
naihihiwalay ang buto ng bulak sa fiber?
a. Spinning Jenny c. Telepono
b. Telegrapo d. Cotton Gin

10. Sino ang nakaimbento ng steam boat na pinaaandar ng steam engine?


a. Richard Arkwright c. John Kay
b. Samuel Crompton d. Robert Fulton

11. Sino sa mga tagapagsulong ng mga bagong kaisipan sa panahon ng


Enlightenment ang nagpaliwanag at tumalakay tungkol sa Tabularasa?
a. Thomas Hobbes c. John Locke
b. Jean Jacques Rousseau d. Denis Diderot

12. Sino ang nagtibay ng kaisipan tungkol sa Social Contract?


a. Thomas Hobbes c. John Locke
b. Jean Jacques Rousseau d. Denis Dedirot

13. Sino ang nagpahayag na lahat ng tao ay may karapatang magsalita?


a. Adam Smith c. John Locke
b. Francois Marie Arouet d. Baron de Montesquieu

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik kung bakit sa Britanya nagsimula
ang Rebolusyong Industriyal?
a. Kinalalagyan c. Sapat na puhunan
b. Suporta ng Pamahalaan d. Karamihan ay may batang populasyon

15. Ano ang tawag sa makina na nagawang sabay-sabay makapagtrabaho ang


isang manghahabi gamit ang walong sinulid?
a. Flying Shuttle c. Seed Drill
b. Spinning Jenny d. Water Frame

Mahusay! Natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari mo ng


simulan ang mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga
katanungan na hindi mo nasagot mula sa panimulang pagtataya, atin itong
lilinangin sa mga tekstong iyong babasahin

4
Arali
n
3. Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment
1 at Rebolusyong Industriyal

Balikan

Maraming pagbabago ang naganap ng umusbong ang unang yugto ng


Halina Nariyan
kolonyalismo. at atingang
balikan ang ng
paglawak nag-udyok sa mga
mga teritoryong Kanluranin ng
nasasakupan upang
mga
manakop at manggalugad ng mga bansa sa Asya, Aprika at sa mga lupalop
bansang Kanluranin sa labas ng Europa na naging dahilan ng pagkakaroon ng ng
Amerika. Ano ang mahalagang dahilan ng kanilang pananakop at
kaguluhang politikal sa mga bansang sinakop at pagtatamasa ng kamal na
panggagalugad?
yaman at kapangyarihan ng mga bansang Europeo.

It’s time to rumble!


Panuto: Ayusin ang mga pinaghalung letra upang makabuo ng salita. Bigyan ng
ilang pagpapaliwanag ang iyong nabuong mga salita. Sagutin ang pamprosesong
tanong. Isulat ang lahat ng sagot sa sagutang papel.

AYAKA RAI MSO GAKAN


NAMN YISINKT ATYAN

1. 2. 3.

1.________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:

5
1.Saan nauugnay ang mga salitang iyong nabuo? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2.Paano nakamit ng mga Kanluranin ang mga salitang iyong nabuo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang mga wastong kasagutan sa isinagawang pagbabalik-aral ay sapat


na upang magpatuloy sa susunod na bahagi ng pagtuklas na kung saan ay
aalamin mo ang iyong kakayahang tukuyin ang paksang tatalakayin.

Tuklasin

Sa puntong ito, tuklasin mo ang bagong aralin sa pamamagitan ng


isang sitwasyon na kung saan ikaw lang ang maaaring magdesisyon at sa
desisyon mong ito, marahil ay may sarili kang kadahilanan. Matapos mong
magdesisyon, maari mo ng matuklasan ang bagong aralin na kung saan may
kinalaman ito sa iyong naging kasagutan at katwiran. Simulan mo na!

Kung May Katwiran Ka, Ipaglaban Mo!


Panuto: Basahin mong mabuti at unawain ang mga pahayag na nasa loob ng
kahon. Matapos mo itong mabasa, sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa sarili
mong kapasyahan at pagpapaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Noong 1633, ipinatawag si Galileo Galilei ni Papa Urban VIII


sa Roma upang harapin ang paglilitis sa Inquisition. Sa takot na
mapahirapan at maparusahan ng pagsunog ng buhay, napilitan si
Galilei na bawiin ang kanyang mga pahayag at nanumpang
tatalikuran ang kaisipan ni Copernicus na nagpapahayag na ang
araw ay ang sentro ng Sansinukob.

1. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Galileo Galilei, ipaglalaban mo ba ang iyong
mga paniniwala o natuklasan gamit ang iyong naimbento? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

6
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ang tagapaglitis sa isinagawang Inquisition, ano ang iyong magiging
desisyon hinggil sa kaso? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Sa sitwasyong iyong dinesisyunan ay maaring mo ng ipagpatuloy ang


pag-aaral gamit ang teksto na magmumulat sa iyo tungkol sa paggamit ng
siyensya, pag-iisip at imbensyon. Simulan mo na!

Suriin

Rebolusyong Siyentipiko
Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko. Ito ay matagal ng ginagamit ng mga Griyego bilang scientia na
nangangahulugang “kaalaman.” Subalit wala pang konseptong agham bilang isang
disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista.
Ang pagkakaunawa ng mga Europeo noong ika-15 na siglo tungkol sa
mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.
Naging hudyat ng pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko noong ika-16 at ika-
17 siglo ng magsimula ang panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng
panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating
impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan
at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas nakaalaman na
pinatunayan ng “bagong siyensiya.”

7
 Nicolaus Copernicus na isang Polish na
nagpasimula ng kanyang propesyong siyentipiko sa
Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492.
 Pinaniniwalaan niya na ang mga ideyang itinuro at
pinaniniwalaan ng mga tao noong panahong iyon
ukol sa Sansinukob ay may mga pagkakamali.
 Binigyan diin niya na ang mundo ay bilog di gaya ng
paniniwala noon na ito ay patag at kapag
nakarating ang isang manlalakbay sa dulo nito ay
posibleng mahulog siya.
 Inilahad ay ang ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili
nitong aksis habang ito ay umiikot sa araw.
 Ayon sa kanya, ang araw at hindi ang daigdig ang
sentro ng sansinukob. Tinawag niya ang kaisipang
ito na Teoryang Heliocentric.

 Johannes Kepler – Isang Alemang Astronomer na


sumunod sa pag-aaral at pagsusuri sa Teoryang
Heliocentric ni Copernicus.
 Bumuo siya ng isang pormula sa matematika upang
mapatunayan ang pag-ikot ng mga planeta sa araw.
 Ayon sa kanya, ang posibleng pag-ikot sa isang
paribilog ng mga planeta sa araw ay di pare-pareho
sa bilis ng kanilang paggalaw – mas mabilis habang
papalapit sa araw at mas mabagal naman habang
papalayo.

 Galileo Galilei – isang Italiyanong Katoliko na


nagkainteres na mag-aral at magsuri sa teorya ni
Copernicus.
 Noong 1609, naimbento ni Galileo Galilei ang
kanyang teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral
sa kalangitan.
 Ang kanyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni
Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y
mapasailalim sa isang imbestigasyon.
 Pinasinungalingan niya at pinintasan ang mga
kaisipan ni Ptolemy, na kung saan maging ang
Simbahan ay gumamit ng kaisipang ito sa mga
katuruang Kristiyano.
 Noong 1633, ipinatawag si Galilei ni Papa Urban
VIII sa Roma upang harapin ang paglilitis sa
Inquisition. Sa takot na mapahirapan at
maparusahan ng pagsunog ng buhay, napilitan si
Galilei na bawiin ang kanyang mga pahayag at
nanumpang tatalikuran ang kaisipan ni

8
Copernicus.
Ang dulot ng Rebolusyong Siyentipiko ay hindi lang natuon sa Astronomiya
o pag-aaral tungkol sa kalawakan, lumaganap din ito sa ibat-ibang larangan ng
Agham na naging batayan sa kasalukuyan.

Sa larangan ng Medisina

 Hindi tinanggap ang mga pag-aaral ni Galen sapagkat


ibinatay ito sa hayop at hindi sa tao
 Inilathala ang kanyang aklat noong 1543, na may
pamagat na “On the Fabric of the Human Body.”
 Nagawa niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng
katawan ng mga yumao para buksan at pag-aralan,
kung kaya’t mas tumpak ang kanyang mga pagsusuri
Andreas Vesalius sa katawan ng tao kumpara kay Galen.

 Nagpatunay na iisang dugo lamang ang dumadaloy sa


ugat (vein) at artery
 Napatunayan din niya na ang puso at hindi ang atay
ang nagpapadaloy ng dugo sa katawan. Ang mga ito
ay kanyang isinulat sa kanyang aklat na “On the
Motion of the Heart and Blood.”
William Harvey

Sa larangan ng Chemistry

Ipinakilala niya ang kanyang Boyle’s Gas Law na


nagsasabi na binubuo ang lahat ng bagay ng mas
maliit na butil, na nagsasama-sama sa ibat-ibang
paraan.
Tinagurian siyang “Ama ng Modernong Chemistry.”

Robert Boyle

Nakaimbento sa pagpapangalan ng mga chemical


elements na ginagamit pa rin natin sa kasalukuyan. -
Nakilala siya bilang “Tagapagtatag ng Modernong
Chemisty.”

Antoine Laurent
Lavoisier

9
Mga Pilosopong nanghikayat na gumamit ng pag-aaral ng siyensiya

 Nagpakilala ng Scientific Method upang masagot


at mabigyang linaw ang mga katanungan sa ating
mundo.

Sir Francis Bacon


 Sumulat ng kanyang aklat na “Discourse on
Method” noong 1637.
 Para sa kanya, sa halip na gumamit ng
eksperimento sa pagbuo ng bagong kaalaman, higit
niyang binibigyang-halaga ang paggamit ng
“Rationalismo” o katwiran o lohika. Kilala rin siya
sa pagbuo ng analytic geometry.

Rene Descartes

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay ginamit ang katwiran (reason) sa


pagpapaliwanag kung bakit at paano nangyari ang mga bagay-bagay sa pisikal na
mundo. Ang tagumpay na ito ay nagbigay ng inspirasyon at matinding pagtitiwala
sa kapangyarihan ng katwiran sa mga uring edukado ng Europa.

Panahon ng Pagkamulat o Enlightenment


Noong ika-18 siglo isang kilusang pilosopikal ang umunlad sa Europa. Ang
mga pagbabagong nakamit ng Rebolusyong Siyentipiko ang kanilang magiging
batayan upang baguhin at unawain ang lipunan ng tao, ito ang “The
Enlightenment.” Ang Enlightenment ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung
saan sinikap ng mga pilosopo na isagawa ang mga prinsipyo ng pangangatwiran at
paraang siyentipiko sa lahat ng aspeto sa lipunan. Sila ay kinabibilangan ng ibat-
ibang uri ng tao, mga manunulat, propesor, ekonomista, mamamahayag, at mga
taong nagnanais ng pagbabagong panlipunan. Ang mga taong lumahok sa
Enlightenment ay tinatawag na mga Pilosopo. Para sa mga Pilosopo, ang layunin
ng Pilosopiya ay makabuo ng isang lipunan na mabuti kaysa sa nauna. Noong
panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, nakuhang ipaliwanag ng mga siyentista ang
batas ng pisikal na daigdig gamit ang kanilang katwiran, dahil dito, naisip din ng
mga pilosopo na kung posible din bang gamitin ang katwiran upang ipaliwanag ang
batas ng lipunan ng tao.

Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga


modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at
maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga pilosopo o
pangkat ng mga intelektuwal na humihikayat sa paggamit ng katuwiran,
kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila

10
ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa
lipunan.

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika

 Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural


law na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
 Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng
kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay
kailangan ng isang absolutong pinuno upang
supilin ang ganitong mga pangyayari.
Thomas Hobbes  Inilarawan niya sa kanyang aklat na “Leviathan”
noong 1651 ang isang lipunan na walang pinuno at
ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa
magulong lipunan.
 Binigyan diin niya na ang tao ay kinakailangang
pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na
kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang
kalayaan at maging masunurin sa puno ng
pamahalaan.Dahil sa kasunduang ito,
pangangalagaan at poprotektahan ng pinuo ang
kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng
karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi
makatwiran ang pamamalakad.

11
 Ayon sa kanya, ang bawat tao ay isinilang na
tabolarasa o mayroong blankong isipan. Ang isipan
ay malalagyan lamang ng laman batay sa
impluwensya ng mga nakapaligid dito at
nararanasan ng isang tao, kung mababago ang
kapaligiran at mapapalitan natin ng mabubuting
impluwensya ang nakapaligid sa lahat ng tao mas
John Locke
magiging mabuti ang ating lipunan.
 May paniniwala siya na ang tao sa kaniyang natural
na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran,
may mataas na moral, at mayroong mga natural na
karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari.
 May sinasabi siya na ang tao ay maaaring sumira
sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay
ang kaniyang mga natural na karapatan.
 Binigyang diin din niya na kung ang tao ay
gumagamit ng pangangatuwiran sila ay
makararating sa pagbubuo ng isang pamahalaang
may mabisang ugnayan na makatutulong sa
kanilang pinuno.
 Noong 1689, isinulat niya ang kaniyang mga ideya
sa pamamagitan ng lathalaing “Two Treaties of
Government”.
 Naging tanyag ang kaniyang mga sulatin at
nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europa at
maging sa kolonya ng Inglatera, ang Kolonyang
Amerikano.
 Ang ideya niya ang naging basehan ng mga
Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Gran
Britanya.
 Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas
Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya
ng Amerika sa mga Ingles. Ito ay halaw sa mga
ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng
mga tao at pamahalaan.

 Nakilala sa kanyang paniniwala sa paghahati


ng kapangyarihan.
 Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang
lehislatura na ang pangunahing Gawain ay ang
pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na
nagpapatupad ng batas; at ang hukuman na
tumatayong tagahatol.
Baron de Montesquieu

12
• Mas kilala sa tawag na Voltaire at pinakadakilang
Pilosopo ng Enlightenment
• Para sa kanya ang lahat ng tao ay may karapatang
magsalita.
• Ang kanyang pagpapahalaga sa kalayaan sa
pagsasalita ay makikita sa kanyang kasabihan na
”Hindi man ako sumasang-ayon sa iyong sinasabi,
handa akong ipaglaban ang iyong karapatan na
Francois Marie Arouet sabihin ito.”
• Sumulat siya ng ilang lathalain laban sa Simbahan at
Korteng Royal ng Pransya .

-Ang kanyang pinakamahalagang ambag ay ang


“Classified Dictionary of Sciences, Arts and Trades”
o mas kilala sa tawag na “The Encyclopedia.” Ang
pinakaunang encyclopedia ni Diderot ay naging isang
mabisang instrumento upang ipalaganap ang mga
bagong kaisipan mula sa Renaissance, Scientific
Revolution at maging Repormasyon. Nagamit din ito
Denis Diderot
upang labanan ang mga paniniwalang pangrelihiyon at
mga makalumang kaisipan. Ang mga encyclopedia ni
Diderot ay nabasa at ipinagbili sa mga doctor, pari,
guro at mga abogado

 Ipinakilala niya ang “Social Contract Theory.”


Ayon sa “Social Contract Theory” ang pamahalaan
at mamamayan ay pumapasok sa isang kontrata.
 Ayon sa kontratang ito, ang pamahalaan ay may
obligasyong pangalagaan at pagsilbihan ang mga
Jean Jacques mamamayan. Ang mga mamamayan naman ay
Rousseau
may obligasyon na magbigay ng serbisyo at buwis
sa pamahalaan. Kinakailangan nilang sumunod sa
mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan. Sa
pagkakataon kung saan nilabag ng mga
mamamayan ang kontrata nito sa pamahalaan,
maaari siyang parusahan ng batas. Samantala,
kung ang pamahalaan naman ang lalabag sa
kontrata, ang mga mamamayan ay may karapatang
palitan ang pamahalaan.

Ang Enlightenment ay lubos na nakaapekto hanggang sa kasalukuyan.


Marami pa rin sa mga ambag na ito ay patuloy pa rin nating natatamasa. Isipin
natin, kung ano kaya ang sitwasyon ng daigdig kung hindi naganap ang
Enlightenment.

13
Rebolusyong Industriyal
Noong una, umaasa lang ang mga tao sa pagtatanim. Ito lang halos ang
pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ngunit noong huling bahagi ng ika-18 siglo at
unang bahagi ng ika-19 na siglo, pinasimulan ng Britanya ang Rebolusyong
Industriyal. Ano nga ba ang Rebolusyong Industriyal? Ito ang panahon na kung
saan gumamit sila ng mga makinarya upang makagawa pa ng iba pang produkto.
Ito rin ang panahon na lumipat ang mga tao mula sa simpleng ginagamitan ng
kamay tungo sa paggamit ng mga komplikadong makinarya. Nagdulot ito ng mas
mabilis at maraming produktong nagagawa. Ang dating lipunang umaasa lamang
sa pagsasaka ngayon ay nakadepende na sa mga bagong kagamitan o teknolohiya.
Bakit kaya sa bansang Britanya nagsimula ang Rebolusyong Industriyal? Taong
1760 na pasimulan ng Britanya ang Rebolusyong Industriyal dahil sa mga
sumusunod na kadahilanan:

 Likas na yaman – Ang Britanya ay sagana sa karbon at bakal na mahalaga


sa pagtatayo ng industriya.
 Yamang tao - Maraming lakas paggawa sa Britanya dahil maraming
manggagawa roon.
 Sapat na puhunan – May malaking silang kapital na magagamit sa
pagtatatag ng mga bagong industriya.
 Suporta ng pamahalaan – Sinuportahan ng pamahalaan ang pag-unlad ng
ekonomiya ng Britanya sa pamamamagitan ng pagtatatag ng malakas na
hukbong pandagat na sumuporta sa kanyang imperyo at kalakalang
panlabas.
 Kinalalagyan – Ang bansa ay may mainam na daungan. Ang paglalakbay sa
tubig ng mga produkto at kalakal ay mabilis na madadala sa kanyang
destinasyon kaysa sa paglalakbay sa lupa.

Ang pag-unlad ng paggamit ng mga makabagong makinarya ay lubos na


nakatulong sa mga bansa sa Europa, hindi lang sa Europa kung hindi sa ibat-
ibang panig ng mundo.

Kilalanin natin kung sino-sino ang mga taong nasa likod ng imbensyong ito.
Ano-ano ang mga makinaryang ito?

Jethro Tull – magsasakang Ingles na nakaimbento ng


“seed drill” noong 1700 na ang mga binhi ay itinatanim
nang nakahilera sa halip na ang maaksayang pagsasaboy
nito nang nakakalat.

14
John Kay – imbentor na Ingles. Inimbento niya noong
1733 ang makina na tinatawag na “flying shuttle.”
Nagpabilis ito sa paghahabi nang doble sa maaaring
gawin ng isang tao sa isang araw.

James Hargreaves – imbentor na Ingles. Nakaimbento


siya noong 1764 na tinawag niyang “spinning jenny” na
kayang maghabi ang isang tao gamit ang walong sinulid.

Richard Arkwright – imbentor na Ingles. Naimbento niya


ang isang makina na tinawag niyang “water frame,”
noong 1769, na kung saan gumamit siya ng water power
na nagmumula sa mabilis na agos ng tubig sa
pagpapatakbo ng spinning wheel.

Samuel Crompton – imbentor na Ingles. Siya ang


nakaimbento ng “spinning mule” noong 1779 na isang
makinang nakabubuo ng mas matibay, dekalidad at
pinong mga sinulid.

Edmund Cartwright – imbentor na Ingles na nakatuklas


ng higit pang pinabilis na paghahabi ng tela sa
naimbento niyang “power loom” noong 1787.

Eli Whitney – Amerikanong imbentor. Noong 1793,


naimbento niya ang “cotton gin” na nagpabilis nang
ilang beses sa pagtatanggal ng buto mula sa bulak.

15
George Stephenson – Inhinyerong Ingles. Siya ang
nakaimbento ng “steam power train” o daang bakal na
ginagamitan ng “steam engine”

James Watt – imbentor na Scottish. Siya ang


nakaimbento ng “steam engine” na isang makinang
pinatatakbo ng isang mainit na singaw o steam.
Ginagamit ito noon upang mapatakbo ang isang pabrika
o tren.

Dahil sa Rebolusyong Industriyal, may malaking naging epekto ito sa


Europa at sa daigdig noon at ngayon.

 Binago ng Rebolusyong Industriyal ang bawat bahagi ng pamumuhay ng


mga bansang naging aktibo sa industriyalisasyon.
 Matinding pananamantala at paghihirap ang naranasan ng mga
manggagawa sa mga pabrika at industriya.
 Lumaki ang pangangailangan sa mga hilaw na sangkap.
 Umunlad ang transportasyon, agrikultura at pakikipagtalastasan.
 Nagbigay ito ng maraming trabaho dulot ng industriyalisasyon na nagbunga
rin ng panganib sa kalusugan ng mga tao.
 Nagdulot din ito ng mataas na pag-angat ng kahalagahan ng pangangalakal.
 Lumago ang pamumuhay ilang mga tao.
 Nagbunga ang Rebolusyong Industriyal ng pagdami ng bilang ng populasyon
sa Europa lalo na ang mga sentro ng kalakalan at komersiyo.
 Nagdulot ng polusyon, pagsisiksikan sa mga marurumi at madidilim na mga
kabahayan na nagdulot ng paglaganap ng sakit at epidemya sa mga lugar
na tirahan ng mga mahihirap.
 Paglaki ng agwat katayuan sa buhay ng mahihirap na manggagawa at
mayayamang may ari ng lupa at pagawaan.
 Mabilis na lumago at nagsulputan ang mga lungsod.
 Nagdulot din ito ng pagkabuo ng mga samahan para sa pagbabago ng
kalagayan ng mga manggagawa, gayun din ang pagkakaroon ng mga batas
para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga ito.
 Nabuo rin ang kilusang nagsusulong sa pag-aalis ng pang-aalipin. Kasabay
rin nito ang pagkakaroon ng mga karapatan ng mga kababaihan.

16
Matapos mong suriin ang mga dahilan, kaganapan at epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal, masusubok ang
iyong kakayahan sa pagpapayaman ng kaalaman hinggil sa natapos na
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pa inihandang pagsubok para sa
iyo. Simulan mo na!

17
Pagyamanin

A. Kilalanin Mo, Ihanay Mo!


Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na personalidad at ihanay ang mga ito sa
talahanayan batay kung saang larangan sila nakilala. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

SIYENSIYA POLITIKA INDUSTRIYA

1. 6. 11.
2. 7. 12,
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

Boyle Lavoisier Hargreaves


Harvey Montesquieu Bell
Diderot Rousseau Awkwright
Stephenson Whitney Bacon
Voltaire Kay Locke

B. Gawa ko, Ipagmalaki mo!


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga imbentor ng sumusunod. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. power loom d. seed drill


1. Samuel 4. Jethro
Crompton b. spinning mule e. spinning jenny Tull

c. water frame f. flying shuttle

2. Richard 5. John
Arkwright Kay
3. James
Hargreaves

18
C. Gawa ko, Ipagmalaki mo!
Panuto: Piliin ang naiba sa grupo at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. 3.

Robert Boyle Eli Whitney


Andreas Vesalius James Watt
William Harvey Francis Bacon
James Watt George Stephenson

2. 4.

Jean Jacques Rousseau


John Locke
Cesare Beccaria
Baron de Montesquieu
Nicolaus Copernicus
Francois Marie Arouet
Denis Diderot
Galileo Galilei

5.

A. Rene Descartes
B. Johannes Kepler
C. Nicolaus Copernicus
D. Galileo Galilei

D. Sino ako?
Panuto: Kilalanin kung sino ang may gawa o may akda ng sumusunod. Piliin ang
letra ng tamang sagot sa loob ng laso at isulat sa sagutang papel.

1. Chemical Elements

2. On the Motion of the Hearth and


Blood
3.On the Fabric of the Human Body

4. Scientific Method

5. Boyle’s Gas Law

A. Robert Boyle
B. Antoine Laurent Lavoisier
C. William Harvey
D. Andres Vesalius
E. Francis Bacon
19
E. Tama o Mali?
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag. Isulat salitang Enlighten
kung tama at Reb naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________ 1. Nagdulot ng paglago ng pamumuhay ng mga tao ang Rebolusyong


Industriyal.

___________ 2. Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal, nawalan ng karapatan ang


mga kababaihan.

___________ 3. Nagdulot ng paglaki ng agwat ng katayuan sa buhay ng mahihirap


na manggagawa at mayayamang may ari ng lupa at pagawaan.

___________ 4. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng mabagal na paglago at


pagsulpot ng mga lungsod.

___________ 5. Nagbigay ang Rebolusyong Industriyal ng maraming trabaho dulotng


industriyalisasyon na nagbunga rin ng panganib sa kalusugan ng
mga tao.

F. Pamagat ko, Hanapin mo!


Panuto: Hanapin kung saan napapaloob na akda o libro ang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang tamang letra ng sagot sa sagutang papel.

1.Binubuo ang lahat ng bagay ng mas maliit na butil, na


nagsama-sama sa ibat-ibang paraan.

2. Ang pamahalaan at mamamayan ay pumapasok sa isang


kontrata.

3. Paggamit ng katawan ng mga yumao para buksan at pag-


aralan.

4. Ang puso at hindi ang atay ang nagpapadaloy ng dugo sa


katawan.

5. Nagamit ito upang labanan ang mga paniniwalang


pangrelihiyon at mga makalumang kaisipan

A. On the Fabric of the Human Body


B. Boyley’s Gas Law
C. Social Contract Theory
D. The Encyclopedia
E. On the Motion of the Hearth20and Blood
Isaisip

Isasalaysay Ko, Punan Mo!


Panuto: Punan ang mga patlang ng mga akmang salita upang mabuo ang buong
diwa ng talata. Piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang
papel.

Rebolusyong Siyentipiko Simbahan


The Enlightenment Pangangatwiran
Imbensiyon Makinarya
Britanya Rebolusyong Industriyal
Pagsusuri Produksyon

Sa pagpapasimula, nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga mamamayang


Europeo sa mga makalumang kaalaman at katuruan ng (1) _______________. Ang
pag-aalinlangang ito ay nagmula sa mga bagong tuklas na kaalaman na
pinatunayan ng mga (2) _______________ at (3) _______________ ng mga siyentista na
gaya nina Nicolaus Copernicus at Galileo Galilei. Ito ang naging pasimula ng mga
makabagong kaisipan o naging kilala sa tawag na (4) _______________. Nasundan
ito ng mga inobasyon at pagtuklas ng mga makabagong gamit na nagpabilis sa (5)
_______________ ng mga Europeo at nagpatatag ng kanilang komersiyo, kalakalan at
pangkabuhayan.

Noong ika-18 siglo, isang kilusang pilosopikal ang umunlad sa Europa. Ang
mga pagbabagong nakamit ng Rebolusyong Siyentipiko ang kanilang naging
batayan upang baguhin at unawain ang lipunan ng tao, ito ang (6)
________________. Ito ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung saan sinikap ng
mga pilosopo na isagawa ang mga prinsipyo ng (7) ________________ at paraang
siyentipiko sa lahat ng aspekto sa lipunan.

Ngunit noong huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na


siglo, pinasimulan ng bansang (8) ________________ ang (9) ________________. Ang
pag-unlad ng paggamit ng mga makabagong (10) ________________ ay lubos na
nakatulong sa mga bansa sa Europa, maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

21
Isagawa

Imbensyon mo, Iguhit mo!


Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mag-imbento ng anumang bagay na
kapaki-pakinabang sa kasalukuyang panahon, ano ang iyong lilikhain bilang sarili
mong imbento? Iguhit ito at lagyan ng paliwanag sa isang malinis na papel.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Siyentipikong Italyano na nakaimbento ng teleskopyo at naging daan upang


patunayan na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan.
a. Voltaire c. Galilei
b. Hobbes d. Newton

2. Makinang nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya at sa maraming


sisidlan.
a. Telegrapo c. Spinning Engine
b. Power Loom d. Cotton Gin

3. Nakagawa siya ng unang makina na pinatatakbo ng tubig?


a. Samuel Crompton c. Eli Whitney
b. Edmund Cartwright d. Richard Arkright

22
4. Naimbento ni John Kay para mapabili ang paghahabi ng tela.
a. Spinning Wheel c. Flying Shuttle
b. response d. Seed Drill

5. Naimbento niya Graham Bell upang magkaroon ng mabilis na


pakikipagtalastasan.
a. Telegrapo c. Spinning Jenny
b. Cotton Gin d. Telepono

6. Ang larangan ng agrikultura at industriya sa Europa at Amerika ay nabago


dahil napalitan ito ng mga makinarya.
a. Rebolusyong Teknolohikal d. Rebolusyong Agrikultural
b. Rebolusyong Siyentipiko d. Rebolusyong Industriyal

7. Ang kanyang ideya ukol sa pamahalaan ay naging basehan ng pagbubuo ng


Saligang Batas ng Amerika.
a. Thomas Hobbes c. John Locke
b. Voltaire d. Baron de Montesquieu

8. Ayon sa kanya, ang pamahalaan ay nararapat na huwag makialam sa mga


gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.
a. Cesare Beccaria c. Denis Diderot
b. Adam Smith d. Voltaire

9. Ang pag-aaal ng Agham ay lalong naging mabisa at naging sistematiko ng


kanyang ipakilala ang Scientific Method.
a. Rene Descartes c. Antoine Laurent Lavoisier
b. Francis Bacon d. Robert Boyle

10.Ayon sa kanya ang bawat tao ay isinilang na tabolarasa o mayroong blanking


isipan.
a. John Locke c. Adam Smith
b. Voltaire d. Cesare Beccaria

11.Sinulat niya ang aklat na On the Fabric of the Human Body.


a. Galileo Galilei c. Robert Boyle
b. Andreas Vesalius d. Rene Descartes

12.Sinasabi niya na ang lahat ng bagay ay binubuo ng mas maliit na butyl na


nagsama-sama sa iba’t-ibang paraan.
a. Rene Descartes c. Robert Boyle
b. Antoine Laurent Lavoisier d. Jonannes Kepler

13.Matematisiyan na bumuo ng pormula upang mapatunayan ang pag-ikot ng


mga planeta sa araw ay hindi pare-pareho sa bilis ng kanilang paggalaw.
a. Galileo Galilei c. William Harvey
b. Johannes Kepler d. Andreas Vesalius

14.Aklat na isinulat ni William Harvey na nagpapatunay na iisang dugo lamang


ang dumadaloy sa ugat at sa artery.
a. On the Fabric of the Human Body
b. Basic Human Anatomy
c. Atlas of Human Anatomy
d. On the Motion of the Heart and Blood

23
15.Pinakamahalagang ambag niya ng “classified dictionary of sciences, arts and
trades.”
a. Denis Diderot
b. Adam Smith
c. Voltaire
d. Beccaria

Karagdagang Gawain

Flex Ko Lang!
Panuto: Ipagmalaki ang mga naimbento noong Panahon ng Industriyalisasyon sa
buong mundo. Sumulat ng isang positibong ambag na hanggang sa kasalukuyan
ay ginagamit pa rin ng wasto sa inyong tahanan, paaralan o pamayanan.

Halimbawa:
Flex ko lang yung paraan ng
. pagtatanim ng mga manananim
ng palay sa barangay namin na
gumagamit ng mahabang patpat na
ginagamit na parisan o pardon upang makapagtanim
ng pantay-pantay na tudling sa palayan, na
tulad ng naimbento ni Jethro Tull “seed drill.”

Flex Ko Lang……

24
25
Subukin Pagyamanin Tayahin
A A. C
C Lavoisier C
D Boyle D
C Harvey C
A Bacon D
D Galilei D
C Diderot D
B Rousseau B
D Locke B
B Montesquieu A
D Voltaire B
B Bell C
B Hargreaves B
D Kay A
B Stephenson A
Awkwright
B.
1. B
2. C
3. E
4. D
5. A
C.
1. D
2. D
3. C
4. C
5. A
D.
1. B
2. C
3. D
4. E
5. A
E.
1. Enlighten
2. Reb
3. Enlighten
4. Reb
5. Enlighten
F.
1. B
2. C
3. A
4. E
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bibliographic Entry:
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig.
1st ed. Reprint, Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014.

“K To 12 Gabay Pangkurikulum Aaling Panlipunan Baitang 1-10”. Department of


Education, 2014.
https://ww.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/grade/8.

“Most Essential Learning Competencies (MELCs)”. Learning Resource Management


and Development System, 2020.
https:lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/18275.

Perry, Marvin, and Daniel Davis. History Of The World. Reprint, Boston,


Massachusetts: Houghton Mifflin Company, 1989.

“Project EASE: Araling Panlipunan II – Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng


Teritoryo

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/97/Copernicus-
Boissard.gif/170px-Copernicus-Boissard.gif

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/ba/
Stamps_of_Germany_%28DDR%29_1971%2C_MiNr_1649.jpg/214px-
Stamps_of_Germany_%28DDR%29_1971%2C_MiNr_1649.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/db/Galileo_Galilei.jpg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/29/Portrait_of_Andr
eas_Vesalius_(1514_-
_1564),_Flemish_anatomist_Wellcome_V0006026EL.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f8/
Portrait_of_William_Harvey_%281578_-
_1657%29%2C_surgeon_Wellcome_V0002595EL.jpg/1200px-
Portrait_of_William_Harvey_%281578_-
_1657%29%2C_surgeon_Wellcome_V0002595EL.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fa/Locke-John-
LOC.jpg/173px-Locke-John-LOC.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/24/
Thomas_Hobbes._Line_engraving_by_W._Faithorne
%2C_1668._Wellcome_V0002798.jpg/86px-
Thomas_Hobbes._Line_engraving_by_W._Faithorne
%2C_1668._Wellcome_V0002798.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fc/
Montesquieu_1.png/300px-Montesquieu_1.png

26
https://shootingparrots.co.uk/wp-content/uploads/2013/08/Francois-
Marie-Voltaire.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
John_Kay._Mezzotint_by_T._O._Barlow
%2C_1862%2C_after_T._Brooker._Wel> [Accessed 3 September 2020].

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

28

You might also like