Professional Documents
Culture Documents
Ang agham ay malaon ng ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman” ngunit wala pang
konsepto ng agham bilang disiplina. Noong ika-15 siglo, ang pang-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay
sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Ang ika-16-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko-
panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng pagmamasid sa sansinukob. Ang dating impluwensiya ng
Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na
pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag
ang mga tradisyunal na ideya.
Sa pagkatuklas ni Columbus sa America, nagsimula na si Copernicus na magtanong sa pangunahing paniniwala at tradisyon
ng mga tao. Batay sa kanyang pagsasaliksik, ang turo ukol sa sansinukob ay may mali sapagkat ang mundo ay bilog taliwas sa
paniniwalang patag ito. Isa pa sa inilahad niya ay ang pag-ikot ng mundo sa aksis nito habang umiikot sa araw at araw ang sentro ng
sansinukob. (Teoryang Heliocentric) Hindi niya kaagad ito inilathala sapagkat puna ito sa paniniwala ng Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomulgasyon o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng Inquisition.
EPEKTO NG IMPERYALISMO
Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubo mula sa mapaniil
na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging dahilan
din ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng
Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga ng hindi makatwirang
pagtatakda ng mga hangganan.