You are on page 1of 6

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 8
(Kasaysayan ng daigdig)
KWARTER 3
Aralin 2 - Paglawak ng kapangyarihan ng
Europe
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG
KANLURANIN

Week 3 & 4

MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:_______________________________________

Kasaysayan ng daigdig 8
ARALIN 2A: UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG
KANLURANIN
Gawain 1: Basahin at unawain ang teksto.

UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON


Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga
eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay
ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay
kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang
sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay angitinuturing na paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang
motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco
Polo (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang
(1) paghahanap ng kayamanan; yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga
(2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na
(3) paghahangad ng katanyagan at karangalan.
manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at
Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa
Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta
panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaraanan sa
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Musim.
itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241
maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa
malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal
ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, na ito ang matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang
pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at tulong ng dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang
pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay
pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng
paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. bituin.
Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng
matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag
at pagtuklas ng mga bagong lupain - ang Portugal at Spain. Nanguna
Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the
dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa Navigator na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang
pagpapalawak ng mga imperyongEuropeo. panahon. Siya ang naganyaya sa mga dalubhasang mandaragat na
magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace
kaniyang pangarap, ang makatuklas ng mga bagong lupain para sa
Estela C.Mateo et’ al pp. 241).
karangalan ng Diyos at ng Portugal.

Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan
naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng
mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sila ang
sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim
sa Granada at nagwakas ang Reconquista.

Sa ika-17 siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France at Netherlands. Ang mga ito ang
nagbigay-lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 180 - 181

Kasaysayan ng daigdig 8
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad

Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa Karagatan
ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag
ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo
sa Asya. Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa
katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na
pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of
Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa
Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda,
porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong
mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa
bansang Portugal ay kinilala siyang isang bayani at dahil sa kaniya ay nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon
sa Silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan.

Halaw mula sa : Ease Modyul 14

Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan

Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan
upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay
naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus,
isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang
ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko.

Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila
ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan.
Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong
naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians.

Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay
ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa
pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay
na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa
Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at
binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng
mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang
kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya
ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya

Kasaysayan ng daigdig 8
tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa
mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong
nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang
lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang
mga bagong diskubre na mga isla.

Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin
ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa
kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa
Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na
noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga
taga-Europe.

Ang mga Dutch Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon


Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng
Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng
Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. kolonisasyon.
Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng
bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay 1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga
pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging Español at Portuguese ang nagbigay-daan sa malawakang
epekto nito ay sapilitang paggawa na naging patakaran din ng pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga
mga Español sa Pilipinas. sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas ng
ugnayan ng Silangan at Kanluran.
Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North
America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry 2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong
Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang
Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan mga eksplorasyon.
itong New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin
himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na
sa Silangan dahil sa kolonisasyon.
pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New
York City. 4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa
Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil
America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga
sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde bansang ito. 5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa
Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop halaman, sakit
nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa pagitan ng Old World at New World. Halaw mula sa :
sa paminta at iba pang rekado.
Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina 185 - 186
Teofista L. Vivar et’al pp.244-245

Gawain 2: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga
impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon.

MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON


LUGAR NA
BANSANG
PERSONALIDAD TAON NARATING/
PINAGMULAN
KONTRIBUSYON

Kasaysayan ng daigdig 8
Halimbawa:
Vasco Da Gama Portugal 1498 India

Gawain 3: Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang kanilang
nakarating?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 4: Itala ang mga bansang kanluranin at ang kanilang mga bansang nasakop.

BANSANG KANLURANIN BANSANG NASAKOP


1.

2.
Kasaysayan ng daigdig 8
3.

4.

5.

Kasaysayan ng daigdig 8

You might also like