You are on page 1of 4

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 7
(Araling Asyano)
KWARTER 1
Aralin 5 – Ugnayan ng Tao sa
Kaniyang Kapaligiran

Week 6

MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

Iskor:_______________________________________

1
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Kwarter 1
Linggo Bilang: 6
Sanayan: 6

Layuning Pampagkatuto: Natutukoy ang ugnayan o kapakinabangan ng tao sa


kaniyang kapaligiran.

Pagsasanay 1 -Iguhit Mo Ako!

Panuto: Gumuhit sa isang short bond paper ng isang halimbawa ng likas na


yaman at sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa kapakinabangan ng
tao dito. I-attach ang gawa kasama ang worksheet na ito. Huwag kalimutan
lagyan ng iyong pangalan.
Basahin ang teksto at unawain

Ugnayan ng Tao sa Kaniyang Kapaligiran

Ang tao ay tumutukoy sa mga nilalang na nilikha ng Diyos na iba sa iba pang likha. Tayo ang
tinuturing na pinakamataas na nilalang sa lahat ng may buhay dahil sa kakayahan nating mag – isip.
Samantala, ang kapaligiran naman ay tumutukoy sa isang lugar na kinabibilangan o tinitirhan ng mga
tao.

Bilang natatanging likha, tayo lamang ang may kakayahan upang pagyamanin ang mayroon sa
ating kapaligiran. Kailangan natin na alagaan at pagyamanin ang kapaligiran sapagkat nasa kpaligiran ang
ating mga kailangan upang mabuhay. Ibig sabihin, kailangan ng kapaligiran ang tao upang mapahaba ang
kapakinabangan dito at manatili sapagkat hindi kaya ng kapaligiran na mag – isa lamang at kailangan
naman ng tao ang kapaligiran sapagkat nasa kapaligiran ang kaniyang mga pangangailangan.

Ang pangangailangan natin lalo na sa pangangailangan sa pagkain ay isa sa mga pangunahing


pakinabang ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang iba pang organismo na may buhay katulad ng mga hayop
at halaman ay nakikinabang din sa kung ano ang mayroon sa kanilang kapaligiran. Dito rin nanggagaling
ang ating kaalaman na dahil sa kyuryosidad sa mga nakapaligid sa atin ay nasusubok natin ang
hangganan ng ating kaalaman.

Dito sa Asya, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga tourist spots na
mapapakinabangan para lumago at lumawak ang turismo sa Asya para makilala at mapaunlad ang
kabuhayan ng mga mamamayan. Biniyayaan din ang Asya ng likas na yaman na kung saan ang ilan sa
mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gamitin at ang ilan ay di parin natutuklasan. Maipagmamalaki
ng Asya ang mayamang kapaligiran at likas na yaman nito. Ito ang dahilan kung bakit dito nagsimula ang
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakasapat ito sa pangangailangan ng mga sinaunang
mamamayan at nagamit sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay. Ito rin ang dahilan kung bakit ninais
ng mga taga-kanluran na masakop ang mayayamang lupain dito. Malaking bahagi na ng mga likas na
yaman ang nalinang at marami pa ang maaaring pakinabangan. Sa tulong nga teknolohiya at
pagkamalikhain ng mga Asyano, maaari pang mapaunlad ang mga ito.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan na kalikasan, abusadong paggamit nito at


kawalan ng disiplina at limitasyon sa pagpapatayo ng mga imprastraktura, maling paraan ng pagtatapon
ng mga basura, maling paraan ng pangingisda ay ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga di –
inaasahang sakuna. Halos taon – taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa,
phenomenon, at pagbabago ng klima. Tayong mga tao at lahat ng mga may buhay ang siyang
pangunahing naaapektuhan ng mga sakunang ito.

2
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Pagsasanay 2

(Hanap Salita)

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang 10 salitang may kaugnayan sa


paksang binasa. Maaring gumamit ng iba’t ibang pangkulay sa paghahanap.
Isulat sa patlang ang salitang nahanap. Pagkatapos, bumuo ng isang
pangungusap gamit ang mga salitang iyong nahanap.

Pagsasanay 3- Slogan

Panuto: Gamit ang isang malinis na short bond paper, bumuo ng isang slogan
3
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
tungkol sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran.(50 puntos)

Sanggunian
Mga Aklat:

Patrick Anthony S. De Castro, Marie Ann G. Anduyon, Rubilita A. Vasco,


Aurelia T. Molave, Evangeline S. Panganiban, PhD Araling Asyano Sibs
Publishing Hoouse Inc., Quezon City, Philippines. pp. 44

Paalala: Para sa mga karagdagang learning references para sa aralin ito


ay pumunta lamang sa Google Classrom.

4
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)

You might also like