You are on page 1of 13

JUNIOR HIGH SCHOOL

Grade 7

DIVISION ARALING PANLIPUNAN TOOLS


(DAPAT)
Unang Markahan – Aralin 3

ANG MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Baitang
Baitang 7-Araling
7-Araling Panlipunan
Panlipunan
Kompetensi:
Kompetensi: Nailalarawan
Nailalarawan ang mga
ang mga likaslikas
yamang na yaman ng(AP7Q1W3)
ng Asya Asya (AP7Q1W3)
Araling Panlipunan - Baitang 7
Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)
Araling Asyano
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) o anumang bahagi


nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon
lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay
mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)

Writer: Rio G. Castañares Jr.


Illustrators: Armand Glenn S. Lapor
Ericson L. Nudgara
Layout Artists: Armand Glenn S. Lapor
Merman Francis T. Uy
Cary M. Dolendo
Division Quality Assurance Team:
Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo
Armand Glenn S. Lapor
Andie P. Padernilla

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo Dr. Nordy D. Siason Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo

Baitang 7-Araling Panlipunan


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 7.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay pinagtulungang


sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang
mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) na


mapatnubayan ang mag aaral sa malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan
habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa.
Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga
mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal
na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa bilang


tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay
matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na
mga gawaing napapaloob sa materyal na ito. Basahin at unawain upang
masundan ang mga panuto.

Baitang 7-Araling Panlipunan


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga yamang likas ng Asya.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


• nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3);
• naibibigay ang kahulugan ng likas na yaman at ang mga uri nito;
• naisa-isa ang mga halimbawa sa bawat uri ng likas na yaman; at
• naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa bawat
rehiyon ng Asya.

Baitang 7-Araling Panlipunan 1


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
SUBUKIN

Panuto: Ibigay ang mga impormasyong hinihingi. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Ano ang likas na yaman?
2. Ano-ano ang uri ng mga likas na yaman? Kilalanin ang bawat isa.
3. Magbigay ng tatlong (3) halimbawa sa bawat uri ng likas na yaman.

LIKAS NA YAMAN NG ASYA


Ang Asya ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran. Naging malaki ang
pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na yaman na nakapaligid kabilang na
ang mga mineral, mga anyong lupa, anyong tubig, mga flora at fauna. Ang mga
likas na yamang ito ang naging pangunahing pinanggalingan ng mga
pangangailangan ng mga tao kayat hindi maitatanggi na may ugnayan ang tao
sa kaniyang kapaligiran.
Ang buhay ng tao ay nakasalalay sa ipinagkaloob ng kalikasan. Malaki
ang naging ambag ng mga likas na yaman sa pag-usad at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano. Halimbawa nito ay ang pagsasaka na naging hanap-
buhay ng mga naninirahan sa mga kapatagan at pangingisda naman ang
ikinabubuhay ng mga tao malapit sa baybaying dagat.
Alamin kung anong uri at mga halimbawa ng mga likas na yaman ang
mga nililinang ng mga Asyano sa aralin na ito.

BALIKAN

Malaki ang bahaging ginagampanan ng kapaligirang pisikal sa


pamumuhay ng mga tao. Ang patuloy na interaksyon ng tao sa kapaligiran ay
ang malaking dahilan ng pag-unlad at pag-usad ng mga kabihasnan sa Asya
mula noon hanggang ngayon. Ang ugnayang ito ay ang bibigyang-halaga sa
pamamagitan ng gawain na makikita sa ibaba.
Panuto: Balik-aralan ang kahalagahan ng ugnayan ng tao at kapaligiran sa
paghubog ng kabihasnang Asyano. Sagutin ang mga katanungan na
nakapaloob sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang kahalagahan ng ugnayan ng tao at


kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano? Magbigay ng
limang (5) kahalagahan.

Baitang 7-Araling Panlipunan 2


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
TUKLASIN

Bago ka pumunta sa nakatakdang aralin, tingnan ang mga larawan sa


ibaba. Alam mo ba kung anong likas na yaman ang mga ito?
Panuto: Ang iba’t ibang larawan ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng
kalikasan. Pag-aralan at suriin ang bawat isa. Sagutin kung anong uri
ng likas na yaman ang nakikita sa larawan at kung paano ito
nililinang ng mga tao. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5.

Baitang 7-Araling Panlipunan 3


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
SURIIN

Ang patuloy na paglinang at pakikibagay ng tao sa kapaligiran ay


nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan at kultura ng isang lipunan tulad ng
matatagpuan sa Asya.

Likas na Yaman
Ito ay mga bagay na makukuha sa kapaligiran na ginagamit ng mga tao.
Nahati sa tatlo (3) ang likas na yaman. Ito ay yamang lupa, tubig, at mineral.
1. Yamang lupa. Ito ay tumutukoy sa mga produkto, pangangailangan, at
pagkain na matatagpuan sa mga anyong lupa. Halimbawa nito ay mga alagang
hayop at pananim.
2. Yamang tubig. Ito ay tumutukoy sa mga produkto, pangangailangan, at
pagkain na matatagpuan sa mga anyong tubig. Halimbawa nito ay mga isda,
shells, korales, asin at halamang-dagat.
3. Yamang mineral. Ito ay tumutukoy sa mga produkto at pangangailangan ng
mga tao na nanggagaling sa kalikasan na karaniwang nakukuha sa pagmimina.
Halimbawa nito ay ginto, tanso, pilak, bakal, apog, petrolyo, at pilak.
Matapos mong mabatid ang kahulugan at uri ng likas na yaman, alamin
mo naman ang mga iba’t ibang likas na yaman na nililinang ng bawat rehiyon
sa Asya.

Mga Likas na Yaman sa Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Sakop nito ang


halos 30% na lupain ng daigdig. Dahil sa lawak ng Asya, nagkaroon ito ng iba’t
ibang uri ng klima at katangiang pisikal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit
sagana sa likas na yaman ang Asya na nililinang ng mga mamamayan nito.
Malaki ang pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na yaman dahil
tumutustos ito sa kanilang pangangailangan. Napagkikitaan at nililinang din
ang mga yamang ito upang mapaunlad ng tao ang kanyang kabuhayan. Kaya,
malaki ang epekto ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng mga bansa.
Hilagang Asya
Malaking bahagi ng mga lupain sa Hilagang Asya ay
disyerto at damuhan. May mga bahagi rin na halos
walang punong kahoy dahil sa tindi ng lamig. Dahil sa
malawak ang mga damuhan, ang pangunahing
industriya sa rehiyon ay pag-aalaga ng hayop katulad
ng baka, tupa, at manok. Sa mga lupang maaaring
magtanim, ang karaniwang produkto ay trigo, bulak,
barley, palay, mais, ubas, patatas, sunflower, dates,
cherry, mansanas, sesame, at pistachio.

Baitang 7-Araling Panlipunan 4


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
Mayaman din sa langis ang rehiyon na ito. Malaki rin ang depositio ng
coal, pilak, tanso, zinc, uranium, at lead. Tinatayang sa Kyrgyzstan
matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng ginto ngunit ang Uzbekistan
naman ang nangunguna sa mundo sa produksyon ng ginto. Pangunahing
industriya naman sa Turkmenistan ang natural gas.
Kanlurang Asya
Iba’t iba ang katangiang pisikal ng rehiyon na ito
katulad ng bulubundukin, matabang lupa, ilog, dagat, at
lawa. Ngunit malaking bahagi ng Kanlurang Asya ay
disyerto. Sa bahagi na maaaring makapagtanim, ang
mga tinatanim ay tabako, mais, dates, melon, cherry,
trigo, barley, bulak, tabako, mga gulay, at prutas.
Nangunguna naman ang Turkey sa produksyon ng
hazelnut, cheery, apricot, quince, at pomegranate.
Produkto naman ng mga nag-aalaga ng hayop ang keso, gatas, at wool.
Nakatuon naman sa pangingisda ang mga bansang malapit sa Mediterranean
Sea, Red Sea, at iba pang anyong tubig na nakapalibot sa rehiyon.
Sagana rin ang rehiyon sa yamang mineral lalong lalo na sa langis at
petrolyo. Dito makikita ang pinakamalaking deposito ng fossil fuel.
Matatagpuan ito sa Arabian Peninsula at sa mga bansang nakapalibot sa
Persian Gulf. Ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking produksyon ng langis
sa buong mundo kasunod ang Kuwait, Bahrain, at United Arab Emirates.
Timog Asya
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng
mga tao sa rehiyon na ito lalong lalo na sa mga lugar na
malapit sa ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra. Ang
mga ilog na ito ay nagbibigay buhay sa mga lugar na ito.
Palay ang mahalagang produkto ngunit nagluluwas rin
ng trigo, at bulak sa mga karatig-bansa at iba pang
bansa sa mundo. Ang mga gubat naman sa Sri Lanka ay
hitik sa mahogany, evergreen, ebony, satinwood at
palm. Ang Indian Ocean, Arabian Sea, at Bay of Bengal
ang naging pangunahing pinagkukunan ng isda at iba pang yamang-dagat. Ang
India ang ikaanim sa may pinakamalaking produksiyon nito sa buong mundo.
Mayaman rin sa yamang mineral ang Timog Asya. Halimbawa nito ay
bakal, tanso, manganese, nickel, chromium, lead, langis, chromite, ginto, at
barite.

Baitang 7-Araling Panlipunan 5


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
Silangang Asya
Ang Tsina ang may malaking produksyon sa
pagsasaka dahil sa mga ilog na nag-iiwan ng deposito
ng silt. Ang mga tinatanim sa rehiyon na ito ay palay,
trigo, barley, millet, prutas at gulay. Sagana sa
produksiyon ng bigas ang mga bansang Japan, Korea,
at Taiwan. Kahit na kaunti ang lupang sakahan sa Japan
ay nagawa nitong umunlad dahil sa makabagong
teknolohiya. Sila ang nangunguna sa industriya ng
telang sutlaa dahil sa pagtatanim ng mulberry. Sagana
rin sa yamang tubig ang Silangang Asya dahil sa Pacific Ocean at South China
Sea.
Mayaman rin sa yamang-mineral ang rehiyon na ito dahil na rin sa lawak
ng lupain nito. Ang Tsina ay nagtataglay ng halos lahat ng yamang mineral
katulad ng bakal, manganese, platinum, lead, nickel, graphite, uranium,
tungsten, antimony, zinc, at iba pa. Mayroon din itong depositio ng natural gas.
Timog-Silangang Asya
Dahil sa klima ng rehiyon at mga matabang
lupa, malawak ang mga lupang sakahan dito. Palay
ang pangunahing pananim kasama ang mga gulay,
mais, bulak, niyog, at mga prutas. Halimbawa ng mga
prutas ay papaya, pinya, saging, at mangga. Malawak
naman ang plantasyon ng goma sa Malaysia, Brunei,
at Indonesia. Ang Pilipinas ay kilala naman sa
produksyon ng saging at niyog. Nakatulong rin ang
klima sa pagbuo ng mga kagubatang tropikal sa
rehiyon. Ito ang itinuturing na ikalawang may
pinakamakapal na kagubatan sa mundo. Ang rehiyon na ito ay halos
napalilibutan ng mga anyong tubig kaya malaki rin dito ang industriya ng
pangingisda.
Ang mga bansang Indonesia, Malaysia, at Brunei ay may
pinakamalaking deposito ng langis at natural gas sa rehiyon. Dito nanggagaling
ang kayamanan ng bansang Brunei. Ang Malaysia naman ay kilala sa deposito
ng tin.

Baitang 7-Araling Panlipunan 6


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
PAGYAMANIN

Matapos mong mabasa ang teksto, susubukan natin ang iyong mga
natutunan sa pamamagitan ng gawain na ito.
Panuto: Tukuyin kung ano-ano ang mga pinakatangi o pangunahing likas na
yaman sa bawat rehiyon ng Asya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
MGA PANGUNAHING LIKAS NA YAMAN NG BAWAT REHIYON SA ASYA

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

ISAISIP

Ngayong natapos mo na ang aralin sa modyul na ito, ano ang


mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
• Ang likas na yaman ay mga bagay na makukuha sa kapaligiran na
ginagamit ng mga tao. Nahahati sa tatlo ang likas na yaman: yamang lupa,
yamang tubig, at yamang mineral.
• Dahil sa lawak ng Asya, nagtataglay ito ng iba’t ibang likas na yaman.
• Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagtataglay ng tatlong uri ng likas na yaman.
• Malaki ang pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na yaman. Tumutustos
ito sa pangangailangan nila upang mabuhay at nagbibigay ng
pagkakakitaan. Nakatutulong ito upang mapaunlad ng tao ang kanyang
kabuhayan.

Baitang 7-Araling Panlipunan 7


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
ISAGAWA

Matapos mong matutunan ang mga likas na yaman sa Asya ay handa


ka na upang sagutin ang mga sumusunod na gawain. Punan mo ng mga
detalye ang talahanayan.
Gawain A: Likas-Asya
Panuto: Magbigay ng limang (5) likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Timog
Silangang Hilagang Kanlurang
Silangan Timog Asya
Asya Asya Asya
Asya

TAYAHIN

Ang nakaraang gawain ay tiyak na nakatulong sa iyo na mapalawak pa


ang iyong kaalaman tungkol sa mga likas na yaman sa Asya. Ngayon ay handa
ka nang sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Ano-anong likas na yaman ang sagana sa Asya? Paano ito nakatulong
sa pag-unlad ng pamumuhay sa mga rehiyon nito?

2. Aling rehiyon ang sagana sa yamang lupa?

3. Aling rehiyon ang sagana sa yamang tubig?

4. Aling rehiyon ang sagana sa yamang mineral?

5. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng pagkakaibaiba ng mga


likas na yaman sa bawat rehiyon ng Asya?

Baitang 7-Araling Panlipunan 8


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
KARAGDAGANG GAWAIN

Sa pagtatapos ng aralin, nalaman mo ang mga iba’t ibang likas na


yaman sa bawat rehiyon ng Asya.
Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa buhay ng mga
Asyano. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Sanggunian

“Modyul 1: Heograpiya ng Asya (Project EASE).” Pasig City: Bureau of Secondary


Education, n.d.
“Modyul 1: Heograpiya ng Asya (ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba).”
Department of Education, n.d.

Baitang 7-Araling Panlipunan 9


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)
SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN
1. Ang likas na yaman ay ang mga bagay c. Yamang mineral- Ito ay tumutukoy
na makukuha sa kapaligiran na ginagamit sa mga produkto at pangangailangan ng
ng mga tao. mga tao na nanggaling sa kalikasan na
2. a. Yamang lupa-Ito ay tumutukoy sa karamihan nakukuha sa pagmimina.
mga produkto, pangangailangan, at 3. a. Yamang lupa. Hal. palay, niyog, at
pagkain na matatagpuan sa mga anyong mga gulay.
lupa. b. Yamang tubig. Hal. isda, korales, at
b. Yamang tubig- Ito ay tumutukoy sa asin.
mga produkto, pangangailangan, at c. Yamang mineral. Hal. langis, ginto, at
pagkain na matatagpuan sa mga anyong pilak
tubig.

BALIKAN
Maaring magkakaiba-iba ang mga sagot.

TUKLASIN
1. Yamang Mineral. Nililinang ito sa 4. Yamang Tubig. Nililinang ito sa
Kanlurang Asya; ginagamit rin sa mga pangingisda na pangunahing pagkain;
sasakyan, power plant, at mga pabrika. ginagamit rin sa kalakalan.
2. Yamang Lupa. Nililinang ito sa 5. Yamang Lupa. Nililinang ito sa
pagsasaka na pinagkukunan ng pagkain; pagtotroso na pangunahing pinagkukunan
ginagamit rin sa kalakalan. ng mga kahoy na ginagamit sa
3. Yamang Mineral. Nililinang ito sa konstruksyon at ginagamit rin sa paggawa
pagmimina; ginagawang mga alahas, mga ng mga bagong produkto tulad ng mga
kagamitan, at dekorasyon. upuan at mesa.

PAGYAMANIN
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga bata. Nasa guro na ang pagwawasto.

ISAGAWA
Gawain A. Maaring magkakaiba-iba ang mga sagot
TAYAHIN (Mga inaasahang sagot)
1. Dahil sa pagiging malawak ng Asya ay sagana ito yamang lupa, tubig, at mineral. Malaki ang
pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na yaman dahil tumutustos ito sa pangangailangan
nila upang mabuhay, at nililinang din ng mga tao para sa kanyang kabuhayan at paghahanap-
buhay.
2. Silangan Asya, Timog Asya o Timog-Silangang Asya
3. Silangan Asya, Timog Asya o Timog-Silangang Asya
4. Silangan Asya, Hilagang Asya o Kanlurang Asya.
5. Dahil sa lawak ng Asya ay nagkaroon ito ng iba’t ibang uri ng klima at katangiang pisikal.
Ito ay ang pangunahing dahilan sa Pagkakaiba-iba ng mga likas na yaman sa bawat rehiyon
ng Asya.
KARAGDAGANG GAWAIN
Rubric sa Pagwawasto
Ang sinulat ay may kinalaman sa aralin na ito 2
Naipaliwanag nang maayos 2
Tama ang ginamit na mga salita at mga bantas 1
Kabuuan 5 puntos

Baitang 7-Araling Panlipunan 10


Kompetensi: Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya (AP7Q1W3)

You might also like