You are on page 1of 4

Page 1 of 4

Republic of the Inihanda ni:


Philippines Breguiles, Rialyn
Practice Teacher, Pulo National High
Pulo National High School
School
Pulo, CabuyaoLaguna

LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7


Hulyo 13, 2025

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga mahahalagang salita ukol sa katangiang pisikal ng Asya.
2. Nalalaman ang kahalagahan ng heograpiya ng Asya at nakagagawa ng
konsepto ukol rito.

II. Nilalaman
Paksa: “Panimula: Katangiang Pisikal ng Asya”
Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemarie C.
Blando, et al., Eduresources Publishing, Inc., p. 11-12
Kagamitan: Projector, laptop, pentel pen, construction paper, cartolina, kulay
Pagpapahalaga: pagkakaisa at pagiging makakalikasan
Tinatayang oras: minuto

III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbabalik Tanaw sa nakaraang leksyon

GURO MAG-AARAL

Anong bansa sa Asya ang may


Pinakamataas na populasyon? China

Anong bansa ang tinaguriang Land Japan


Of the Rising Sun?

2. Pagganyak
Panuto: Bumuo ng limang pangkat na estudyante. Umisip at gumuhit ng
mga sikat na tanawin na makikita lamang sa rehiyong Asya, ilagay ito sa
cartolina at ipresenta pagkatapos.
Page 2 of 4

B. PAGLINANG NG ARALIN
a. Paglalahad ng Paksa
1. Hatiin sa limang na pangkat ang mga mag-aaral.
2. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat.
3. Isa-isang magbibigay ng ideya o mungkahi ang bawat mag-aaral sa
kung ano ang iguguhit na mga tanawin sa construction paper o
cartolina.
4. Ang guro ay magmamasid sa mga estudyante sa kanilang mga guhit
at pagkulay.
5. Maglalaan ng labinlimang minuto ang guro para sa nasabing
gawaing pang pangkat.
6. Magkakaroon ng presentasyon ang bawat grupo.
7. Ang grupo na may pinakamalikhain at magandang gawa ay siyang
tatanghalin na panalo at makakakuha ng dalawampung puntos.

GURO MAG-AARAL

Katutubo o tagapagsimula Sinauna

Maunlad na yugto ng kulturang Kabihasnan


panlipunan, moral at kultural

Malaking masa ng lupain ng mundo Kontinente

Pangunahing tagalinang ng Kultura


kapaligiran para sa kaniyang
kubuhayan at pagtugon sa
pangangailangan

Pag-aaral sa katangiang pisikal ng Heograpiya


mundo

Ang pinakamalaking kontinente sa Asya


sukat at sa populasyon

Katangiang nakikita at nahahawakan Pisikal

Kalikasan, ang ekolohikal na Kapaligiran


komposisyon ng daigdig
Page 3 of 4

b. Analisis
GURO MAG-AARAL

May dalawang minuto ang bawat Inaasahang pagkakasunod


pangkat upang pagsunod-sunurin ang sunod ng limang
mga salitang nasa papel batay sa pinakamahalagang salita:
kahalagahan nito sa kabihasnan ng ▪ Heograpiya
mga Asyano. Mag uulat ang bawat ▪ Asya
pangkat sa harapan kung bakit ▪ Kabihasnan
ganoon ang kanilang mga naging ▪ Kultura
sagot. ▪ Kapaligiran

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
GURO MAG-AARAL

Maunlad na yugto ng kulturang Kabihasnan


panlipunan, moral at kultural

Pangunahing tagalinang ng Kultura


kapaligiran para sa kaniyang
kubuhayan at pagtugon sa
pangangailangan

Pag-aaral sa katangiang pisikal ng Heograpiya


mundo

Ang pinakamalaking kontinente sa Asya


sukat at sa populasyon

Kalikasan, ang ekolohikal na Kapaligiran


komposisyon ng daigdig

b. Paglalapat

GURO MAG-AARAL

Gamit ang mga sumusunod na salita: Ang Asya ay isang kontinente na


binubuo na iba’t ibang bansa na
Kabihasnan, Kultura, Heograpiya,
may kani-kaniyang kultura. Binubuo
Asya at Kapaligiran
rin ito ng mga kabihasnan na kung
Bumuo ng konsepto o kaisipan ukol nabuo ang mga pamayanan, batay
sa kahalagahan ng pag aaral ng sa kung ano ang kanilang
heograpiya ng Asya. Isulat ito sa kapaligiran. Mahalagang pag-aralan
pisara. ang heograpiya ng Asya sapagkat
nalilinang nito ang ating kaalaman
sa pisikal na aspeto ng ating
kapaligiran.
Page 4 of 4

IV. Pagtataya
a. MULTIPLE CHOICE (5 pts.)
Panuto: Bilugan ng titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalaking kontinente sa sukat


at populasyon?
a. Asya (TAMANG SAGOT) c. Pisikal
b. kontinente d. Russia
2. Ito ay tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.
a. heograpiya (TAMANG SAGOT) c. kabihasnan
b. Asya d. Physics

3. Ito ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at


pagtugon sa pangangailangan.
a. kultura (TAMANG SAGOT) c. negosyo
b. kabihasnan d. kapaligiran

4. Tawag sa yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.


a. ugnayan c. kabihasnan (TAMANG SAGOT)
b. pananakop ng mga Kastila d. kultural

5. Tumutukoy sa kalikasan o ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig.


a. kapaligiran (TAMANG SAGOT) c. Asya
b. kalawakan d. heograpiya

b. FILL IN THE BLANKS (5 pts.)


Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat puwang ayon sa mga salitang ating
napag-aralan.

Ang kontinente ng 1. _______ (ASYA) ay ating tahanan. Bilang mamamayan nito,


mahalaga ang pag-aaral ng 2. _______ (HEOGRAPIYA) upang malinang ang ating
kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating 3. _______ (KAPALIGIRAN), gayon din sa ating
pang-araw-araw na 4. _______ (KULTURA), na syang hinubog ng ating mga ninuno sa
yugto ng kanilang 5. _______ (KABIHASNAN).

V. Kasunduan
Gamit ang iyong computer, gumawa ng document file na naglalaman ng mga
litrato at maikling deskripsyon ng mga magagandang tanawin na makikita sa
kontinenteng Asya. I print ito sa short bond paper.

Pinansin: Hulyo 14, 2025

____________________________
Pamela R. Pagcaliwangan
(Guro sa Araling Panlipunan 7, PNHS)

You might also like