You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 5 DAY: 1

COMPETENC Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal


:
Y sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
Naitatala ang mga yamang likas na makikita sa ating probinsiya at ang
OBJECTIVES :
mga pakinabang nito.
CONTENT : Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING Aklat-Asya: Panahon,Kasaysayan at Lipunan II PP.17 , SLM-AP7-Q1-
:
RESOURCES Modyul 5, MELCS, Kagamitang Biswal
A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtatala ng mga lumiban sa klase
● Balik-aral

B. Pagganyak: (Motivation)
● Yaman Ko, Awitin Ko
● Pagpapa awit ng maka-kalikasan na awit “Kapaligiran”

C. Paglalahad: (Presentation)
● Ano ang mensahi ng awitin?
● Bakit dapat nating bigyan ng halaga ang mga likas na yaman?
D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
● Pagtatalakay sa importansya ng mga likas na yaman ng Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano
● Puwede gamitin ito - https://www.slideshare.net/jaredram55/ang-
mga-likas-na-yaman-ng-asya

E. Paghahasa (Exercises)

Pangkatang Gawain:
Panuto: Gumawa ng talahanayan ng mga yamang likas(likas na
kagandahan) na matatagpuan sa ating probinsya/lugar.
Halimbawa:
Yamang Lugar Uri Kapakinabanga Pangangalag
likas n a
Tingkawo Calingina Yaman Dahil sa turismo Huwag
b River n Norte, g Tubig nabigyan ng magtapon ng
Sevilla, hanapbuhay mga basura
Bohol ang mga taong sa ilog para
naninirahan manatili ang
malapit sa ilog likas na
kalinisan at
kagandahan
nito.
F. Paglalahat: (Generalization)
Ang likas na yaman ay ang lahat ng bagay sa likas na
kapaligiran tulad ng lupa, tubig, natural na enerhiya, kagubatan,
mineral, isda at iba pang yaman dagat, hayop at tao.
Sagana sa likas na yaman ang mga rehiyon ng Asya lalong
lalo na ang ating bansa na sakop sa Timog-Silangang Asya. Malawak
ang lupang sakahan at nagagandahan ang mga anyong lupa at anyong
tubig na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao.
G. Paglalapat (Application)
Bilang isang Filipino, paano mo pahalagahan ang mga likas na yaman
ng ating bansa?
H. Pagtataya: (Evaluation)
Sagutin ang mga sumusunod:
Pagpapagawa ng isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng mga likas na
yaman sa Asya
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Magsaliksik Tungkol sa Implikasyon ngLikas na Yaman sa Pamumuhay
ng mga Asyano.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 5 DAY: 2

Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal


COMPETENCY :
sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
Naiisa-isa ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
OBJECTIVES :
pamumuhay ng mga Asyano
CONTENT : Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba ,pp.40-42 –
:
RESOURCES SLM-AP7-Q1- Modyul 5, MELCS, Kagamitang Biswal
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtatala sa mga mag-aaral na lumiban sa klase
● Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa

B. Pagganyak: (Motivation)
Panimulang Gawain: Activity Card
C. Paglalahad: (Presentation)
● Ano – ano ang nakasulat sa activity card na inyong nakuha?
● Ano- ano ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano?

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Pagtatalakay sa mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang


likas sa pamumuhay ng mga Asyano
E. Paghahasa (Exercises)
Think-Pair-Share
Panuto: Pinapangkat sa dalawahan ang mga mag-aaral.
Binibigyan sila ng isang tanong o suliranin.
May ilang sandali silang mag-iisip tungkol sa tanong o suliranin.
Sa hudyat ng guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga
sagot sa kani-kanilang pangkat.
Pagkaraan ng kanilang talakayan sa pangkat,ibabahagi ng bawat
pangkat ang kanilang mga sagotsa klase.
Sa ganitong stratehiya, mauunawaan ng mga mag-aaralang
kahalagahan ng pagsasama-sama ng kanilang mga ideya at
pagkakasundo.

F. Paglalahat: (Generalization)
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang
mga produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka
Kung malawak at mataba ang lupain mas matutugunan nito
ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas
maraming produkto .
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod
ng kasaganaan nito sa likas na yaman.Likas din ang kanilang
iniluluwas kasabay na paggamit ng mga tradisyunal at
makabagong teknolohiya upang mapataas ang antas ng
pambansang kita nang sa gayon ay mapabuti ang pamumuhay
ng mga mamamayan.

G. Paglalapat (Application)
● Bilang isang mamamayan, paano nakaapekto ang mga pulo
ng ating bansa sa ating pamumuhay bilang mga Filipino?
● Paano nakaapekto ang mga likas na yaman sa ating
pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa?

H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Ilarawan sa apat(4) na mga pangungusap ang implikasyon
ng likas na yaman sa pamumuhay ng tao sa larangan ng agrikultura at
ekonomiya.Isulat ito sa sagutang papel.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Pag-aralan ang Implikasyon ng Likas na Yaman sa Uri ng
Bahay/Panahanan ng mga Asyano
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 1 WEEK: 5 DAY: 3

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –


COMPETENCY : heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-
Asya,Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya.
Natataya ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
OBJECTIVE : Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang
Asya, at Hilagang Asya;
CONTENT : Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating Heograpiko
LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba -pp40-42.SLM AP 7-
:
RESOURCES Q1-Modyul 5, MELCS
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin
● Pagtatala sa mga mag-aaral na lumiban sa klase
● Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa

B. Pagganyak: (Motivation)
Suri-Larawan (Guessing game)
Magpakita ng mga halimbawa ng mga damit o kagamitan sa ibat-
ibang bansa sa Asya at ipatukoy ito sa mga mag-aaral

C. Paglalahad: (Presentation)

● Alam mo ba ang damit na ito?


● Anong bansa ang may suot nito?
● Bakit kaya iba – iba ang damit ng mga bansa sa Asya?
● May kinalaman ba ang kapaligirang pisikal sa pananamit ng
mga Asyano?

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Pagtatalakay sa mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang


likas sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng pananahanan at
kultura?

Gamitin ang reference nito: https://www.slideshare.net/jaredram55/ang-


mga-likas-na-yaman-ng-asya
E. Paghahasa (Exercises)
Pangkatang Gawain:
Panuto: Magbigay ng apat (4) na rason.
Bakit kailangang iayon ng mga tao ang kanilang tirahan sa
kanilang kapaligiran?

F. Paglalahat: (Generalization)
Implikasyon ng likas na yaman sa Panahanan
Timog Asya
● Ang panahanan ng mga bansa sa Timog Asya ay nauugnay
sa uri ng topograpiya ng rehiyon.
● Topograpiya ay ang pag-aaral at paglalarawan sa pisikal na
anyo ng isang lugar tulad ng hugis, posisyon, at taas ng mga
kalupaan sa lugar na iyon.
● Sa pulo ng Sri Lanka at Maldives ang mga panahanang ang
loob ay makapagbibigay ng mas malamig na pakiramdam.
● Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahan na makatatagal sa
mahaba at napakalamig na klima.
● Sa Bangladesh, rural pa rin ang uri ng buhay. Ang mga
panahanan ay karaniwang parihaba na gawa sa luwad,
kawayan o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito ay
kinakailangang nakataas sa lupa bilang pag-iwas sa baha.
Kanlurang Asya
● Itim na tolda ang mga taong nomad ay karaniwang makikita
sa mga lugar na malapit sa oasis.
● May mga panirahang gawa sa malaking tipak na bato at
semento sa mabubundok na bansa ng Lebanon, Syria,
Turkey, Iran, at Iraq.
● Karaniwang kawani ng pagawaan ay naninirahan sa
townhouse na gawa sa luwad at semento.
Hilagang Asya
● Karamihan sa mga pamayanan ay nasa matatabang ilog at
kakaunti lamang ang nakatira sa tuyong interior ng rehiyon
Timog-Silangang Asya at Silangang Asya
● Sa mga baybaying-dagat umusbong ang mga daungang
bayan na naging tuntungan sa pagpapalaganap ng produkto
● Sa mga kapatagan malapit sa ilog nalinang ang pagsasaka.

G. Paglalapat (Application)

● Bilang isang mamamayang Filipino, paano nakaapekto ang


mga likas na yaman sa uri nang ating pamumuhay at
kulturang kinagisnan?
H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Magpaguhit ng isang larawan na ginagamit sa ating lugar na
may impluwensya mula sa kapaligirang pisikal at likas na yaman ng
inyong lugar.
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Pag-aralan ang Kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon.

You might also like