You are on page 1of 61

P-10, Los Angeles, Butuan City

ARALING ASYANO Statement of Vision

ARALING PANLIPUNAN Northeastern Mindanao Academy has greatly


envisioned to transform the students, into
exemplary citizens and leaders by providing them
with physical, mental, social, and spiritual
trainings.

Statement of Mission

By making Christ the Bedrock of education,


Northeastern Mindanao Academy is committed to
prepare the students for higher academic pursuits
by consistently providing enhanced learning
experiences that will promote the maximum
development of the mind, body, and soul. To
inspire them in gaining the highest possible
capacity for usefulness and service in the life that
now is and in the life of the better world.

Statement of Philosophy

Northeastern Mindanao Academy conforms


to the Seventh-day Adventist belief that the
students are God’s heritage and their teachers as
His servants. Their school in all level adheres the
commission to educate the young for a true
knowledge of God and experience His
companionship in study and service. To put in
effect the Divine Plan “To restore in man the image
of God”

Name of Learner:__________________________ LYNDILOU G. CASINILLO

Grade Level:______________________________ TEACHER

Section:__________________________________ Phone Number: 09262563569 TM

Address:_________________________________ E-Mail/Messenger account:


lyndiloucasinillo@gmail.com/lyngozo-fronteras
Date:____________________________________ casinillo
Computation of Summative Assessment
Grading System
Components Weights

Written Works 30%

Performance Tasks 50%


Quarterly Assessment 20%

Modyul 1: Heograpiya ng Asya

Ang daigdig ay sadyang napakalaki. Binubuo ito ng maraming mga lupain


at mga bahagi ng katubigan. Sa mga lupain at katubigan ito naninirahan
ang lubos pang nakararaming halaman, hayop, at iba pang may buhay sa
mundo. Ang larawan ay nagpapakita ng isang bahagi ng daigdig na
tinatawag na lupalop ng Asya. Ang mapang ito ay halimbawa ng isang
mapang topograpikal kung saan ipinapakita ang mga bahagi ng lupain at mga katubigan na
mababa at mataas kaysa sa iba pang mga bahagi. Makikita rito ang mga kabundukan,kapatagan,at
mga malalalim na bahagi ng kagaratan. Ang Asya ang pinakamalaking lupalop sa daigdig.
Maraming mga halaman at hayop ang naninirahan sa Asya. Higit pa rito, ang Asya rin ay tahanan
ng maraming tao. Sa mga karagatan, kabundukan,kagubatan,at mga kapatagan nito nakakakuha
ang mga tao ng kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Sa paninirahan naman ng
mga taong ito, kanilang naaapektuhan ang kapaligiran sa Asya. Marami sa mga bahagi nito ang
nababago ng kanilang paninirahan at pagkuha ng mga kapakinabanagan. Dahil sa mga yamang
likas na nakukuha sa ibat ibang bahagi ng Asya, ang mga tao ay naninirahan at namumuhay dito.
Mahalaga sa kanila ang kanilang mga lupain at mga bahagi ng dagat. Dahil sa mga
kapakinabangan ding ito kaya yumabong ang pamumuhay ng tao rito. Ngunit mayroong mga
pagkakataon na ito ay kanilang nasisira at napapabayaan.
Bilang isang Pilipino, alam mo ba kung ano ang mga magaganda at mayamang likas ang makikita
sa Pilipinas? Napuntahan mo na ba ang mga ito? Bakit maraming mga dayuhan ang pumupunta
sa ating bansa, o maging sa iba’t ibang panig ng Asya? Ano kaya ang batayan sa paghahati nito
sa iba’t ibang rehiyon ng Asya? Ang lahat ng mga katanungang ito ay masasagot habang
tinatalakay natin ang paksang ito, kaya handa ka na ba? Simulan na natin.
Ang saklaw ng modyul na ito ay ang:

Katangiang Pisikal ng Asya

Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ito:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo na paghahating heograpiko: Kanlurang Asya,


Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya at Hilaga/Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)
2. Naiisa-isa ang mga rehiyon sa Asya at ang mga bansang napapabilang dito
3. Nailalarawan ang katangiang pisikal sa kapaligiran ng bawat rehiyon sa Asya: Kanlurang Asya,
Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya at Hilaga/Gitnang Asya
Ngayon, subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit upang
matukoy ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto
at alamin ang tamang sagot pagkatapos ng aralin. Piliin ang titik
ng tamang sagot.at isulat sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig
a. Agham b. Heograpiya c. Kasaysayan d. Araling Panlipunan
_____2. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang
na aspekto sa paghati nito?
a. Kultural at historikal b. Pisikal at kultural c. Pisikal at historikal d. Pisikal, kultural at
historical
_____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok,
kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong
halaman.
d. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano
_____4. Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?
a. Dahil napagitnaan ito ng India at China
b. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
c. Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
d. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.
_____5. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland South
East Asia at Insular South East Asia. Ano anong mga bansa ang napabilang sa Mainland South
East Asia?
a. Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia
b. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
c. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor
_____6. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya matatagpuan ang hangganan ng
kontinenteng Europe, Aprica at Asya?
a. Silangang Asya b. Kanlurang Asya c. Hilagang Asya d. Timog Asya
_____7. Ang archipelago o kapuluan ay isang pangkat ng mga pulo at matatagpuan sa Asya ang
pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo. Anong bansa ito?
a. Japan b. Indonesia c. Malaysia d. Pilipinas
_____8. Ang grassland ay isang uri ng vegetation cover. Alin sa mga sumusunod na uri ng
grassland ang may mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
a. Prairie b. Steppe c. Pampa d. Savanna
_____9. Ang steppe, tundra, taiga at savanna ay ilan lamang sa mga halimbawa vegetation cover.
Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang vegetation?
a. Dahil sa lokasyon nito
b. Dahil sa epekto ng klima ito
c. Dahil sa kapaligiran nito
d. Dahil sa lokasyon at kapaligiran nito
_____10.Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?
a. Timog Asya b. Kanlurang Asya c. Silangang Asya d. Hilagang Asya
ARALIN 1: Heograpiya: Katangiang Pisikal ng Asya

Sa isasagawang pagtalakay sa araling ito ay maaaring maitanong mo kung ano ang katangiang
pisikal ng Asya bilang isang kontinente. Ano ang mga batayan ng paghahati nito sa limang
rehiyon? Paano nahubog ang pisikal na katangian ng Asya? Malaki ba ang epekto ng katangiang
pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito? Paano ang ugnayan ng tao at
kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Simulan mo ang
pagtuklas at pagbuo ng mga paunang kasagutan sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng
sumusunod na gawain. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Balikan
Bago tayo magsimula,balikan muna natin ang inyong mga natutunan sa nakaraang
aralin.

Gawain 1: Scramble Words: Gamit ang mga gabay na tanong, ayusin ang pinaghalong letra
upang mabuo ang tamang sagot

A Y I P A R G E O H
_______________________1. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.
I T N O K E T N E N
________________________2. Pinakamalaking masa ng daigdig.
Y A A S
________________________3. Pinakamalaking kontinente ng daigdig.
I N A S A P C
________________________5. Pinakamalaking lawa sa buong mundo.

Tuklasin

Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Simulan na natin.


Gawain 2: LOOP A WORD

Mula sa krossalita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksyon, ang salita na tinutukoy sa
bawat bilang. Bilugan ang salita at pagkatapos ay isulat ito sa patlang ng bawat aytem.
_______________ 1. Pinakamalalim na lawa sa buong mundo
_______________ 2. Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig
_______________ 3. Ito ay tumutukoy sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar
_______________ 4. Tinatawag na karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng
isang lugar sa loob ng mahabang panahon
_______________ 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
_______________ 6. Ito ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short
grasses
_______________ 7. Ito isang uri ng vegetation cover na tinatawag din bilang treeless mountain
tract dahil kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito buhat ng
malamig na klima
_______________ 8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo
________________9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
_______________ 10. Tawag sa pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Pilipinas,
Indonesia at Japan.

Suriin
Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral tungkol sa Asya ang
pag-aaral din ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang
epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik
nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo,
vegetation cover), ang iba’tibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang
lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pagunlad ng kabihasnan ng mga Asyano at
patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking
dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at
bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga
o timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran
ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga
at timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude.
Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang
175° Silangang longitude
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig. Sa
kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas
nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos
sangkapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain
ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Talahanayan ng kabuuang sukat ng bawat kontinente.


Kontinente Kabuuang Sukat (kilometro kwadrado)
1.Asya 44,486,104
2.Africa 30, 269,817
3.North America 24,210,000
4. South America 17,820,852
5. Antarctica 13,209,060
6. Europe 10,530,789
7.Australia 7,862,336
Kabuuan 143,389,336
Ang Limang Rehiyon ng Asya at mga Bansang Kabilang sa Bawat Rehiyon
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at
Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-
alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at
Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa.
Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait),
Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at
Turkey.
Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at
Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri
Lanka at Maldives.
Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at Little China dahil sa
impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang 11 rehiyong ito ay nahahati sa
dalawang subregions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos,
Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East
Timor).

Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at
Taiwan.
MAPA NG ASYA AT MGA REHIYON NITO

Mga Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya


Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan ng Asya.
Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t
ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga
Asyano.
Ilalahad ngayon sa ‘yo ang ilang kaalaman tungkol sa dalawa sa mga mahahalagang salik ng
kapaligirang pisikal ng Asya, ang mga anyong lupa at mga anyong tubig nito.
Matatagpuan sa Asya ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito ay ginagamit, nililinang,
at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga Asyano.
MGA URI NG ANYONG LUPA
a. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang
umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan,
Tajikistan, at Kyrgyzstan).
b. Bundok. Ito ay mataas na anyong lupa na nagtataglay ng mga bato at lupa. Ang Mt. Everest
na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na
halos 8,850 metro, pangalawa ang Mt. K2 (8,611 metro) na nasa Pakistan/ China. Pangatlo
naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.
c. Bulkan o bundok na may butas sa pinakatuktok na nilalabasan ng maiinit na bato, lava, putik,
lahar, at abo. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang
nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa
(Indonesia ), Fuji (Japan), Pinatubo, Taal at Mayon (Pilipinas).
d. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na itinuturing na
pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of the
World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic
Plain ng India ay kilala rin.
e. Disyerto. Ito ay rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin. Ang Gobi Desert
(Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro kwadrado) na siyang pinakamalaki sa Asya at
pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita rin
dito ang mga sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
f. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang
pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000
mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
g. Pulo. Ito ay masa ng lupang napapaligiran ng tubig. Kabilang dito ang Cyprus sa kanluran;
Sri Lanka, at Maldives sa katimugan; Borneo, Java, Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas sa timog-
silangan; Hainan, Taiwan, at mga pulo ng Japan sa silangan; at New Siberian, Zemlya, at
Severnaya sa hilaga.
h. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan
ang Asya. Ilan sa mga ito ay ang Turkey at Arabiansa kanluran; India, 13 sa katimugan;
Indochina, at Malay sa Timog-Silangan; Korea, Kamchatka, at Chukotsk sa silangan; at Taymyr,
Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi ng Siberia).
i. Kapatagan. Halos sangkap at (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo -
Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.
Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong lupa
sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga
bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o
harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga
kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral -
mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy,
mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng
wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa
mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa
ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapagambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at
ng kabihasnan.
MGA URI NG ANYONG TUBIG
Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga dagat.
Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking bahagi ng hangganan ng Asya mula sa
iba pang mga kontinente ay mga anyong tubig? Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay
gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay
nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng
iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang nagsilbing lundayan
ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig. Maraming mga
ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob,
at Kolima na pawang mga nasa bahagi ng Russia at umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr at
Amur sa Russia, Huang Ho, Yangtze, at Hsi sa China, Mekong sa Vietnam, at Chao Phraya sa
Thailand ay ang mga ilog na umaagos sa Pacific Ocean. Dumadaloy naman sa Indian Ocean ang
mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges (ang sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi,
India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus sa Pakistan, at Shat al-Arab sa Timog Iraq.
Apat na katangi-tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya: ang Caspian Sea (hilagang
Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, at Gergia, 371,000 kilometro kwadrado)
na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake Baikal (timog silangang Siberia, 31,500 kilometro
kwadrado) na siyang pinakamalalim na lawa; ang Dead Sea (hanggangan sa pagitan ng mga
bansang Israel at Jordan, 1,049 kilometro kwadrado) na pangalawa sa pinakamaalat na anyong
tubig sa buong daigdig; at ang Aral Sea (hangganan ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan,
64,750 kilometro kwadrado), ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig
sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga
naninirahan doon.
ANG MGA VEGETATION COVER SA ASYA
Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan
o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng kapaligiran
nito ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang
steppe, prairie, at savanna.
Ang steppe ay uri ng ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses.
Maliliit ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan.
Mayroong mga steppe sa Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.
Ang prairie naman ay lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.

Samantala, ang savanna naman na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa


Myanmar at Thailand ay lupain nang pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Ang mga taong
naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-
aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukuhanan nila ng lana, karne, at gatas. Ang
mga lambak-ilog at mabababang burol ay ginagawa nilang pananiman.
Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa Hilagang Asya
partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil
sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
Ang tundra o treeless mountain tract ay matatagpuan sa bahagi ng Russia at sa Siberia.
Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na
klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean ang saklaw ng vegetation o behetasyong
ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical
rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-
araw.
Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ito’y bunsod rin
ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan tulad ng paggalaw ng lupa at pagputok ng
mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon o hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong
sa bagyo. Ano kaya ang mga pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligirang likas ng isang
bansa? Paano ito naghahatid ng mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga tao? Ang Asya ay
isang kontinente na palagiang nakararanas ng mga pangyayaring ito.
Ang Mga Klima ng Asya
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng klima sa mga rehiyon ng Asya.
Basahin at unawain mo itong mabuti at batay sa mga datos at paglalarawan dito ay bumuo ka ng
paghihinuha kung paanong ang klima ay nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano.

Ang Katangian ng Klima


Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga element tulad ng temperature, ulan,
at hangin. Maraming salik ang nakaaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan o dami ng mga halaman,
at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng
klima at panahon. Samantala, ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang
bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao
lalo’t higit yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito
ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.
ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA
1. Hilagang Asya
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng Europe
at Asya. Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Ang rehiyong ito
ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init, hindi kayang
tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy. Sa ilang mga bahagi ng
rehiyong ito ay may malawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at
savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous.
Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyong ito.
2. Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang
silangang bahagi ng Aprika. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito, maging
ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang masyadong
ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya.
Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier na lupain
ng kabundukan at talampas. Ang Arabiang Peninsula na isang malawak na tangway na
pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi nito ay salat sa tubig
dahil disyerto ang malaking bahagi nito, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman
ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern Tier ay
matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupa, samantalang kabaligtaran
naman nito ang Iranian Plateau sa silangang bahagi ng Northern Tier na may lupaing
tuyo.
3. Timog Asya
May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hanggganang Indian Ocean sa
timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag
ang mga bansang Afghanistan, Pakistan, at India, sa silangan ay Bangladesh, sa dakong
hilaga ay ang mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives
sa timog.
Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay makikita ang
hanay ng mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram Range sa Pakistan at
China, at ang Himalayas sa Nepal.18 Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-
Gangentic Plain na katatagpuan naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang
Deccan Plateau sa bandang timog. Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay
ang kabundukan ng Ghats: ang Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea, at ang
Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal. Mainit ang rehiyong ito maliban
sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.
4. Timog-Silangang Asya
Ang kahabaan ng Timog-Silangang Asya ay makikita sa timog ng China at Japan. Ang
India ang nasa Hilagang-Kanluran at Pacific Ocean naman sa Silangang bahagi. Dahil sa
kaaya-ayang klima nito, magubat na kabundukan ang nasa hilaga ng rehiyon at mga
lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan dito habang ang
ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.
Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya: ang Pangkontinenteng Timog-
Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South
China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at
manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang
bahagi ng China. Ang mga kabundukan at talampas na ito ay ang siyang naghihiwalay sa
bahaging ito ng Timog-Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay
dinadaluyan ng iba’t ibang ilog tulad ng Mekong at Red River. Ang Pangkapuluang
Timog-Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga kapuluang
nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East Timor. Ang
ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of
Fire dahil hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot
ng kanilang pagsabog.
5. Silangang Asya Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang
Asya partikular na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga
bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito ay
may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at ang
Himalayas. Nasa silangan naman nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan, matataba na
mga kapatagan dito, malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagamat
malawak nag China, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng
bansa na isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga
kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze at Xi Jiang ay ang tatlong
pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng
lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay
nahihiwalay sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking
isla; ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa
ang malalaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay
kabundukan.
Ang ganda ng mundo, di ba? Ngunit ang kagandahang ito ay hindi maihahambing
sa kagandahan ng langit, ang ating walang hanggang tahanan. Kaya naman,
kailangan nating magsikap na mapunta sa langit habang tayo ay naglalakbay sa
lumilipas na mundo.

Pagyamanin
Gawain 3: Punan mo Ako!

Ang Asya ay hinati sa limang rehiyong pisikal. Gamit ang talahanayan ibigay ang iba’t
ibang rehiyon sa Asya at ang mga bansang bumubuo dito.
Mga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon Mga Bansang Kabilang
1.
2.
3.
4.
5.

Sanggunian

Mga Aklat

De Leon, Zenaida M., et. al.,ASYA: Tungo sa Pag-unlad, Makabayan Serye, Vibal Publishing House,
Quezon City, 2003

Fornier Ph.D, Joselito N., et.al., Asia: History,Civilization and Culture, Anvil Publishing Inc., Pasig, City,
2007

Garrovillas, Fe S.J., Rosalie N. Nieva and Melinda C.Vidallo, Workteks sa Araling Panlipunan II:
Kasaysayan ng Asya, Innovative Educational Materials, Inc., Sta. Ana, Manila, 2008

Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura

Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya:Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House,Quezon
City, 2008, Sulyap sa Asya

Webster’s Universal Dictionary and Thesaurus, published by Geddes and Grosset, David Dale House, New
Lanark, ML11 9DJ Scotland, printed exclusively for WS Pacific Publications, Inc., Manila, Philippines,
2007
Modyul 2: Heograpiya ng Asya

Napakahalaga ng kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan ng tao.


Ngunit nauunawaan mo ba kung paano natulungan ng kapaligiran ang
pangangailangan ng tao? Paano nasisira ang kapaligiran dahil sa tao?
Ang sagot sa mga tanong na ito ay iilan lamang sa dapat mong
matuklasan upang maintindihan ang interaksiyon ng tao at ng
kapaligiran tungo sa paghubog at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
Ang saklaw ng modyul na ito ay ang:
Ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang: Pagpapahalga ng ugnayan ng
tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano (AP7HAS-Ia-1

Magkaroon nawa ng saganang butil sa lupa sa tuktok ng mga


bundok; Ang bunga nito ay yayanig gaya ng mga sedro ng
Lebanon;At yaong mula sa lunsod ay yumabong gaya ng pananim
sa lupa (Psalm 72:16).

Ngayon naman ay subukan mong sagutin ang paunang


pagsusulit upang matukoy ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Panuto: Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto at
alamin ang tamang sagot pagkatapos ng aralin. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan. Ang mga ito ay may mahalagang
papel sa pamumuhay ng mga Asyano, maliban sa?
a. Nagsisilbing likas na depensa
b. Rutang pangkalakalan at paggagalugad
c. Pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang mineral
d. Dahilan ng agawan ng teritoryo ng mga bansang nakapalibot dito
_____2. Ang Pilipinas ay bansang nakarap sa Karagatang Pasipiko kaya madalas na tatami ang
bagyo sa ilang mga lugar dito. Sa palagay mo, ano ang pinaka angkop na uri ng bahay ang bagay
rito? a. igloo b. bahay-kubo c. tree house d. bahay na kongreto
3. Alin sa mga sumusunod na baybay-ilog ang nagsilbing lundayan ng sinaunang
kabihasnan, hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
a. Tigris at Euphrates
b. Mekong, Indus, Huang Ho
c. Indus, Huang Ho, Tigris at Euphrates
d. Yang Tze, Huang Ho, Tigris at Euphrates
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng
bulubundukin sa pamumuhay ng tao?
a. Ito ay ginagawang pastulan
b. dahil ito ay binubungkal at ginagawang sakahan ng mga tao
c. Ito ay nagsisilbing proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan
d. Ito ay nagsisilbing depensa ng isang lugar at proteksyon o harang sa malalakas na
bagyo at digmaan
_____5. Sa Asya matatagpuan ang apat na katangi-tanging lawa na nakapagdudulot din ng
paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan malapit dito. Alin sa mga sumusunod
ang pinakamalaking lawa sa mundo?
a. Aral Sea c. Dead Sea
b. Caspean Sea d. Lake Baikal
_____6. Ang mga ilog Huang Ho, Yang Tze at Xi Jiang ay matatagpuan sa Tsina. Bakit
itinuturing ang mga ito na pinakamahahalagang ilog ng Tsina?
a. Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.
b. Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian.
c. Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
d. Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta para sa
pakikipagkalakalan.
_____7. Kung ikaw ay naninirahan sa isang burol, alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong
maaaring maging hanapbuhay?
a. pagsasaka c. pagpapastol
b. pagmimina d. pangingisda
_____8. Matatagpuan sa Kanlurang Asya ang Anatolian Plateau at Iranian Plateau. Bakit mas
malaki ang populasyon ng Anatolian Plateau kung ihahambing sa Iranian Plateau?
a. dahil sa matabang lupa nito
b. dahil sa kaaya-ayang klima nito
c. dahil sa magandang tanawin nito
d. dahil sa pinaghalong mataba at tuyong lupa nito
_____9. Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng Tsina. Bagama’t malawak ang Tsina,
bakit nagsisiksikan ang mga naninirahan sa silangang bahagi nito?
a. dahil ito ay isang kapatagan
b. dahil ito ay isang kabundukan
c. dahil ito ay isang talampas
d. dahil ito ay binubuo ng kabundukan at talampas
_____10. Ano anong mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang kabilang sa rehiyong tinatawag
na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean?
a. Pilipinas, Malaysia
b. Thailand, Malaysia, Indonesia
c. Pilipinas, Indonesia, East Timor
d. Pilipinas, Indonesia, Malaysia, East Timor
b. pagmimina d. paggubat
Aralin 2: Heograpiya ng Asya

Balikan

Bago tayo magsimula, balikan muna natin ang inyong mga natutunan sa nakaraang
aralin.
Gawain 1: Hula Hoops: Makikita sa loob ng mga kahon ang iba’t ibang bansa na makikita
sa Asya.Hulaan mo kung saang rehiyon ng Asya ito napabilang.

Panuto: Iguhit sa tapat ng bansa ang ito ay napabilang sa Hilagang Asya, kung
Kanlurang Asya ; kung Timog Asya ; kung Timog-Silangang Asya at .

Laos China Iran India Kazahkstan


Pakistan Singapore Turkmenistan Vietnam Jordan
Taiwan Sri Lanka Oman Uzbekistan Japa

Tuklasin
Kamusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Simulan na natin.

Gawain 2: Picture! Picture!

Tingnan at suriin ang iba’t ibang larawan na makikita sa ibaba,ang mga larawang ito ay mga
kapaligirang makikita sa Asya.Pagkatapos,sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong:


1.Ano- ano ang kadalasang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa ganitong mga uri ng
kapaligiran?

2. Sa tingin mo, ano ang pinakamainam na transportasyon sa mga lugar na ito?

3. Alin sa mga uri ng mga kapaligirang ito ang nais mong manirahan ? Bakit?
Suriin

Madali ba para sa iyo ang mga Gawain? Ano kaya ang kahalagahan ng pisikal
na kapaligiranng Asya sa paghubog ng kabihasnang Asyano? Tayo na’t
basahin…….
1. Hilagang Asya - Ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-
init, hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy. Sa ilang mga bahagi ng
rehiyong ito ay may malawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at savanna), at may
kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous. Bunsod ito ng malamig na klima
sa rehiyong ito.
2. Kanlurang Asya - Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito, maging ang pagkatuyo
ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang masyadong ulang nararanasan sa
rehiyong ito ng Asya.
Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier na lupain ng
kabundukan at talampas. Ang Arabiang Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran
ng iba’t ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi nito ay salat sa tubig dahil disyerto ang
malaking bahagi nito, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa at
saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau
na may matabang lupa, samantalang kabaligtaran naman nito ang Iranian Plateau sa silangang
bahagi ng Northern Tier na may lupaing tuyo.
3. Timog Asya - Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay
makikita ang hanay ng mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram Range sa
Pakistan at China, at ang Himalayas sa Nepal.
Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-Gangentic Plain na katatagpuan naman ng
Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan Plateau sa bandang timog. Sa kanluran at
silangan naman ng talampas na ito ay ang kabundukan ng Ghats: ang Western Ghats na nasa
panig ng Arabian Sea, at ang Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal. Mainit ang
rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.
4. Timog-Silangang Asya - Ang rehiyong ito ay may kaaya-ayang klima, may magubat na
kabundukan ang matatagpuan sa hilaga ng rehiyon at mga lambak-ilog naman sa timog. May
matabang lupa ang mga kapatagan dito habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at
matubig.
Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya: ang Pangkontinenteng Timog-
Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea
at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-nakang mga
nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China. Ang mga
kabundukan at talampas na ito ay ang siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog-Silangang
Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng iba’t ibang ilog tulad ng Mekong
at Red River. Ang Pangkapuluang Timog-Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman ay
binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia,
at East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific
Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot
ng kanilang pagsabog.

5. Silangang Asya - Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang


Asya partikular na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga bansang Japan
at Korea ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito ay may mga pisikal na
hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at ang Himalayas. Nasa silangan
naman nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan, matataba na mga kapatagan dito, malalalim ang
mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagamat malawak nag China, ang mga naninirahan
dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang
bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze
at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa
nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay nahihiwalay
sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla; ang Kyushu,
Shikoku, Hondhy, at Hokkaido. Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa ang malalaking bahagi
ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay kabundukan.
MGA URI NG ANYONG LUPA
a. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may
habang umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir ( Pakistan,
Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog
Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia), at ang Ural (Kanlurang Asya)
ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya. Kadalasang pinapangkat sa dalawa ang
kabundukan sa Asya. Ang una ay nagmumula sa hilagangsilangang dulo ng Asya malapit
sa Bering Strait na tumatahak pahilig patungong Afghanistan at Pakistan, samantalang
ang ikalawa ay nagmumula sa kanlurang bahagi ng Asya partikular sa Turkey patungong
Iran na mula sa mga bansang ito ay tumatahak pahalang patungong Himalayas, at bababa
sa Myanmar at tangway ng Malay. Ang dalawang sistema ng kabundukang ito ay
magtatagpo sa Afghanistan at Pakistan.
b. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok
sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro) na
nasa Pakistan/ China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa
Himalayas din.
c. Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire,
tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru,
Krakatoa (Indonesia ), Fuji (Japan), Pinatubo, Taal at Mayon (Pilipinas).
d. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na itinuturing na
pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of
the World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-
Gangetic Plain ng India ay kilala rin.
e. Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro kwadrado)
na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga
disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito ang mga disyerto ng Taklimakan
(China), Kara Kum (Turkmenistan), at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
f. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia,
ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang
na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
g. Pulo. Umaabot sa 1,994,300 kilometro kwadrado ang kabuuang sukat ng mga pulo sa
Asya at kabilang dito ang Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at Maldives sa
katimugan; Borneo, Java, Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas sa timog -silangan; Hainan,
Taiwan, Sakhalin, Kuril, at mga pulo ng Japan sa silangan; at Wrangel, New Siberian,
Zemlya, at Severnaya sa hilaga.
h. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa
karagatan ang Asya. Tinata yang nasa 7,770,000 kilometro kwadrado ang sukat nito. Ilan
sa mga ito ay ang Turkey sa kanluran; Arabia, India, Indochina, at Malay sa katimugan;
Korea, Kamchatka, at Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi
ng Siberia) .
i. Kapatagan. Halos sangkap at (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo
-Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong
lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at
pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng
isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga
disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay
ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at
gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na
materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka
at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga
damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri
ng anyong lupa ay nakapagambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng
kabihasnan.
Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga
dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking bahagi ng hangganan ng
Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong tubig? Ang mga karagatan at mga
dagat na ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano dahil
ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa paggagalugad,
at pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang nagsilbing
lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.
Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa
tao gaya ng Lena, Ob, Irtysh, Yenisey, Angara, Yana, Indigirka, at Kolima na pawang
mga na Russia at umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr at Amur sa Russia, Huang Ho,
Yangtze, at Hsi sa China, Song Hoi An at Mekong sa Vietnam, at Chao Phraya sa
Thailand ay ang mga ilog na umaagos sa Pacific Ocean. Dumadaloy naman sa Indian
Ocean ang mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges (ang sagradong ilog ng mga
Hindu sa Varanasi, India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus sa Pakistan, at Shat al-
Arab sa Timog Iraq, gayundin ang Salween na bumabagtas sa maraming bansa sa
pangkontinenteng Timog Silangang Asya, at ang Brahmaputra na umaagos naman sa
maraming bansa sa Timog Asya. Ang Amu Darya (pinakamahabang ilog sa Gitnang
Asya, 2,620 kilometro), Syr Darya na umaagos sa Kyrgyzstan, Uzbekistan, at Kazakhstan;
ang Tarim sa Xinjiang sa China; I-li na umaagos sa Xinjiang patungong Kazakhstan; Chu
sa Kyrgyzstan; Tedzhan sa Turkmenistan; at Gilmend sa Afghanistan ay ang ilan sa mga
ilog na matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya.
Apat na katangi-tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya: ang Caspian Sea
(hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, at Gergia, 371,000
kilometro kwadrado) na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake Baikal (timog
silangang Siberia, 31,500 kilometro kwadrado) na siyang pinakamalalim na lawa; ang
Dead Sea (hanggangan sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan, 1,049 kilometro
kwadrado) na pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang Aral
Sea (hangganan ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro kwadrado),
ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga
lawang ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan
doon.

Isaisip
Ngayong tapos mo nang pag-aralan ang kaugnayan ng tao at kapaligiran
sa paghubog ng kabihasnan, bigyang ng buod ang iyong natutunan…
Gawain 3: Paglalakbay ni Maria
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang hinggil sa “Paglalakbay ni Maria” upang
maipakita ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan.Gamitin ang mga
salita sa ibaba.
Mag pagpipilian: Silangang Asya ,malamig ,disyerto, tropikal ,lamig ,mainit na klima,
nagyeyelo, pangingisda, pagsasaka, kapuluan ,Kanlurang Asya, baybayin, turista ,bagyo.

Paglalakbay ni Maria
Si Maria ay dalagang puno ng pag-asa. Ang ___________ ng Pilipinas ay ang bayan
niyang sinisinta. Mahilig siyang mamasyal sa magagandang ___________ ng bawat
isla na nakabibighani rin sa mga ____________. Ngunit di maiwasan ang pagdating
ng ____________ na dadapo sa mga isla. Kaya minsan apektado ang hanapbuhay
nilang ____________ at _____________. Noong siya ay nagkaedad na ay
naghanapbuhay siya sa ibang bansa, napadpad siya sa mala__________ lugar ng
_____________, Doon ay naranasan niya ang _______________.Di naglaon ay
lumipat siya, napunta siya sa lugar ng _____________. Doon ay nagsusuot siya ng
makakapal na damit upang maprotektahan ang sarili sa sobrang ______________ ng
___________ lupa. Di nagtagal ay umuwi din siya sa Pilipinas dahil gusto niyang
Sanggunian
maranasang muli ang ____________ na klima. Dito ay sobrang saya niya dahil nakita
niyang
Mga muli ang biyaya at ganda ng maraming isla.
Aklat
Sanggunian
Mga Aklat

Batayang Aklat:Mateo Ph.D, Grace Estela C., et al., Asya: Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal
Publishing House Quezon City, 2008, pp. 23-29 Fornier Ph.D, Joselito N., et al., Asia: History,
Civilization and Culture, Anvil Publishing Inc., Pasig, City, 2007, pp. 9-16

Batayang Aklat: Mateo Ph.D. Grace Estela C., et. al., Asya: Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal
Publishing House Quezon City, 2008, pp. 21-22

Fornier Ph.D, Joselito N., et al., Asia: History, Civilization and Culture, Anvil Publishing Inc.,
Pasig, City, 2007, pp. 2-3

Garrovillas, Fe S.J., Rosalie N. Nieva and Melinda C. Vidallo, Workteks sa Araling Panlipunan
II: Kasaysayan ng Asya, Innovative Educational Materials, Inc., Sta. Ana, Manila, 2008, pp. 13-
14

Webster’s Universal Dictionary and Thesaurus published by Geddes and Grosset, David Dale
House, New Lanark, ML11 9DJ Scotland, printed exclusively for WS Pacific Publications, Inc.,
Manila, Philippines,2007

Batayang Aklat: Mateo Ph.D, Grace Estela C., et al., Asya: Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal
Publishing House Quezon City, 2008, pp. 22-23

Garrovillas, Fe S.J., Rosalie N. Nieva and Melinda C. Vidallo, Workteks sa Araling Panlipunan
II: Kasaysayan ng Asya, Innovative Educational Materials, Inc., Sta. Ana, Manila, 2008, p.14

Webster’s Universal Dictionary and Thesaurus published by Geddes and Grosset, David Dale
House, New Lanark, ML11 9DJ Scotland, printed exclusively for WS Pacific Publications, Inc.,
Manila, Philippines, 2007
Modyul 3: Mga Likas na Yaman ng
Asya
Malaki ang pakinabang natin sa ating likas na yaman. Ano man ang nasa
ating paligid na bahagi ng ating kalikasan ay tumutustos sa ating
pangangailangan upang mabuhay, at nalinang din ito ng tao para sa
kanyang kabuhayan at paghahanap buhay.Sa araling ito, inaasahang
matutuhan mo ang mga sumusunod:
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Nailalarawan ang Yamang Likas sa Asya. Alamin


(AP7HAS-Ie 1.5)
2. Natutukoy ang mga yamang likas sa Asya.
3. Naihahambing ang mga likas na yaman sa Asya.

Huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinitirhan, sapagka't ang


dugo ay nagpaparumi sa lupain, at walang katubusan na maaaring gawin para
sa lupain dahil sa dugong nabubo doon, maliban sa dugo ng nagbuhos doon..
Mga Numbero 35:33

Sa bahaging ito ay ating susubukin ang iyong paunang kaalaman


tungkol sa mga Yamang Likas sa Asya at pagtutuunan ng pansin
ang mga bahaging kailangan ng karagdagang paliwanag.
Sagutan ang mga tanong sa ibaba patungkol sa paksang
tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____1.Alin sa mga likas na yaman ang napabilang sa uri ng yamang kagubatan?
a. Troso b. isda c. ginto d. palay
_____2. Anong rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral partikyular na sa langis at
petrolyo?
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya
_____3. Bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang palay sa Timog
Silangang Asya?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog- Silangang Asya.
c. Sagana sa matabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
d. Galay sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
_____4. Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka, kambing at tupa
nagkakaroon ang tao ng __________________.
a. Lana, karne at gatas
b. Trigo, barley at gulay
c. Tanso, ginto at natural gas
d. Isda, damong- dagat at kabibe
_____5. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa
buong daigdig?
a. Turkey b.Kuwait c. Saudi Arabia d. Syria
_____6. Ano ang pangunahing produktong panluwas ng Heneral Santos?
a. Pinya b. Kabibe c. Niyog d. Tuna
_____7. Ano pinakamalaking kapuluan na makikita sa rehiyon ng Timog Silangang Asya?
a.Indonesia b. Pilipinas c. Singapore d. Cambodia
_____8. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog
Silangang Asya?
a. Pagsasaka at pagmimina
b. Pagsasaka at pangingisda
c. Paglililok
d. Pagnenegosyo
_____9. Dahil sa kakulangan ng Japan sa langis at depositong bakal at iba pang mineral na
mahalagang gamit sa malakihan at mabibigat na industriya, bunga nito ay;
a. Kailangang umangkat ng langis at iba pang hilaw na sangkap ang Japan.
b. Umaasa lang ang Japan sa mga mineral na mnamimina sa sariling bansa
c. Hindi na binibigyang pansin ang industriya ng bansa.
d. May malawak na lupain ang Japan.
_____10. Ano ang pangunahing yamang mineral ng Malaysia?
a. Magnesium b. Natural Gas c. Gypsum d. Liquefied Gas

Aralin 3: Likas na Yaman ng Asya

Gawain 1: Larawan Suri

Naging madali lang ba sa pagsagot sa paunang pagtataya? Nais mo bang matuto at malinang
ang iyong kaalaman tungkol sa paksa? Narito ang isa sa mga paraan upang matulungan kang
maiugnay ang iyong mga ideya sa tamang direksyon tungo sa pagtuklas mo sa bawat kaalaman
sa modyul na ito.

_________________________________ ___________________________
Pamprosesong Tanong
1.Ano ang iyong napansin sa mga larawan sa Gawain 1?

2. Ano- anong uri ng likas na yaman ang makikita mo sa mga larawan?


Tuklasin
Sa bahaging ito ay iyong susuriin ang mga larawan sa ibaba at tutukuyin kung
anong uri ng Yamang Likas ang pinapakita rito. Isulat mo sa patlang ang
iyong kasagutan

Gawain 2: Yaman Ko. Kilalanin Mo!

1.______________________ 2.________________________

3._____________________ 4.______________________
Yamang likas
Ang Asya ay biniyayaan ng masaganang likas na yaman. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng
yamang mineral ngunit pinaka sagana dito ang Kanlurang Asya. Ang mga lupain a lambak ilog
ay mainam na pagtaniman at nakakapagpoprodyus ng sapat na produktong agrikultura. Ang mga
sobrang produkto ay inululuwas sa ibang rehiyon.

Suriin

Pagbabasa ng Teksto

Para lalo mong mapapahalagahan at makilala ang mga likas na yaman ng mga rehiyon
ng Asya ang mga sumusunod na teksto sa ibaba ay iyong babasahin at susuriin.

Ang Mga Likas na Yaman sa Hilaga


Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na damuhan na mainam
pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay
halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa
rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga
sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng
ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral; ang
metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal
na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas,
pangalawa ang sa Russia sa produksiyon nito at langis, samantalang isa sa mga nangunguna sa
produksiyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan.Sa mga lambak ilog at sa mabababang
burol ng mga bundok may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo,
palay, at barley, gayundin ang bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Sa
pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng
lana, karne at gatas.
Ang Mga Likas na Yaman sa Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral particular na sa langis at petrolyo.
Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at malaki rin ang
produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait at
Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate, at iba pa. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga Kanlurang Asya ng
trigo, at barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais,
tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan ang
Israel. Panghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na
bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.
Ang Mga Likas na Yaman sa Timog Asya
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog
Asya. Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may mga patanim din ng trigo, jute, tubo
at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman sa India ay ang lupa lalo’t higit ang mga
kapatagan at lambak na pinagyayaman ng mga ilog Indus, Ganges at Brahmaputra. Malaki rin
ang reserba ng bakal at karbon sa bansang ito. Sa India rin matatagpuan ang Sundarbans, ang
pinakamalaking coastal 9 mangrove forest sa buong daigdig at ang pangalawa ay ang Pichavaram
Mangroves. Bagama’t ipinagbabawal ng pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng
opyo. Ang mga kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa mga gulod ng bukubunduking Himalayas.
Nagluluwas din ang Nepal ng oil seed, tubo, jute at tabako. Ang jute ay isang uri ng halaman na
ginagawang papel, bag, tela, sako at marami pang iba. Ang Nepal ay mayaman din sa mineral
tulad ng bakal, tanso at mica. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang mga
gubat bakawan. Makikita rin sa hangganan ng Pakistan at China ang ikalawang pinakamataas
na bundok sa daigdig, ang K2 na may taas na 28, 250 talampakan. Makapal at mayabong ang
gubat sa timog- kanlurang Sri Lanka na hitik sa puno ng Mahogany at iba’t ibang uri ng palm.
Sa dakong gitna ng pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang
evergreen satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos
nito ng iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan at Bangladesh
ay paghahayupan. Maraming species ng puno ang matatagpuan sa Bhutan tulad ng pine, oak,
willow, aspen, magnolia, cypress, fir, spruce at juniper. Nagsisilbing tahanan din ng mga hayop
tulad ng sambar deer, gaurs, rhinoceros, elepante, tigre at iba pa ang mga gubat sa Bhutan.
Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin at gypsum ay ilan sa mga
pangunahing yamang mineral ng Timog Asya.
Ang Likas na Yaman ng Timog Silangan at Silangang Asya
Sa Timog Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang malalawak na kagubatan.
Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng
unggoy, ibon at reptile. Sa kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong
teak sa buong mundo, samantalang ang maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng
apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng dapo ay
nasa kagubatan ng Pilipinas.
Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang pinakamatabang lupa sa
Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap. May iba’t ibang
pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa
produksyon ng langis ng niyog at kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok
ang karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon. Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis
at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog- Silangang Asya ay
nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.
Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas.
Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa
hydroelectric power na siya namang pinagkukunan ng kuryente.
Ang mga bansang China, North Korea at Tibet ay mayaman sa depositing mineral. Nasa China
ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin
ang reserba ng karbon dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa yamang mineral
ang Japan bagamat nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman,
nagtatanim sila ng mga punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkworm aya
nangunguna ang Japan sa industriya ng telang silk o sutla
Ang yaman ng Asya ay ipinagkaloob sa atin ng panginoon upang ating gamitin sa tamang
paraan. Huwag sana nating sayangin ang mga yamang ito o gamitin sa hindi mabuting
mga gawain.

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang
sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo
na maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing
pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang ilang
mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa
ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa
paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga
nakatira rito. ( Hango sa Asya; Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba LM p. 44)

Isaisip

Gawain 3: Magbasa Tayo!


Ilarawan ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya. Punan ang patlang ng tamang sagot
upang mabuo ang talata. Piliin sa loob ng panaknong ang kasagutan.
Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ang Hilagang Asya bagama’t dahil sa
tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay dito. Ang mga 1. ___________ (troso,
ginto) mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Ang pangunahing industriya
ng Turkmenistan ay 2. __________ ( langis, natural gas). Pagsasaka naman ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang napabilang sa Timog Asya. 3. _________ (Gulay,
Palay) ang pinakamahalagang produkto rito. Sa Timog- Silangang Asya partikular sa Myanmar
matatagpuan ang pinakamaraming 4.___________________ (punong teak, punong niyog). Sa
Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at 5.___________________ (paghahayupan,
pagmimina). Gaya ng ibang bansa sa Asya, ang Pilipinas ay isang bansang 6. ____________
(agrikultural, industriyal). 7.___________(Bigas, ginto) ang pangunahing ani ng bansa na
karaniwang ginagapas sa malaawak na kapatagan ng Luzon. Tahanan din ng di pangkaraniwang
uri ng hayop at ibon ang bansa .
Karamihan sa mga bansa sa rehiyon ng Kanlurang Asya ay walang ulan at madisyerto. Ngunit
kahit pa sa mdisyertong lokasyon nito ang mga bansa sa rehiyon ay sagana sa 8. ____________
(yamang gubat, yamang mineral) na naging pangunahing produktong panluwas ng rehiyon.
Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ang bansang 9. ___________(Saudi Arabia,
Myanmar). Bagamat may kakulangan sa matabang lupain dahil sa ma disyertong lugar ng mga
bansa sa Kanlurang Asya nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng 10. ___________
(dates, palay).
Gawain 4: Reflective Journal
Bilang mag- aaral, paano ka makatutulong upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga likas na
yaman sa ating bansa at sa inyong komunindad? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Sanggunian
Mga Aklat

Alama, F., Alamb,Q., Rezac, S., Khurshid-ul-Alamc, SM,. Salequeb, K., & Chowdhurya, H. (2017). Sourcing
Green Power in Bhutan: A Review
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-IMCS, Pasig, Philippines, 2014. pp. 36-4
Lozanta, Alfredo Jr. A., Lopez, Jodi Mylene M., Vargas, Hermes P. Araling Panlipunan sa Makabagong
Siglo: Araling Asyano 7, Don Bosco Press, Makati, Philippines, 2014. pp. 28-33.
Natural Resources & Products of South Asia. (n.d.) Retrieved from https://bit.ly/2XoAWXh
The World Bank in Bhutan. (n.d.) Retrieved from https://bit.ly/2ZtHXbO
Modyul 4: Mga Likas na Yaman ng Asya At
Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano

Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran?


Ang lahat ng ating nasa paligid, ang mga kabundukan, dagat, hayop,
halaman at mineral, ay mga likas na yaman na siyang puhunang
nililinang ng tao upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Noon pa man at magpahanggang ngayon, ang uri ng pamumuhay at
gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay
kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan. Kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ang
ikinabubuhay. Tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na
prosesong ipinagkaloob ng Diyos upang ang lahat ay mabuhay. Sa puntong ito ay simulan mo
nang suriin ang Likas na Yaman ng Asya at ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na magagawa mo ang sumusunod:

1. Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano
2. Naibibigay ang mga likas na yaman ng iba’t ibang rehiyon ng Asya
3. Nasusuri ang mga implikasyon ng yamang likas sa pamumuhay ng mga Asyano

At ang lupain, bukod dito, ay hindi ipagbibili nang tuluyan, sapagka't ang lupain ay
akin, sapagka't kayo ay mga dayuhan lamang at nakikipamayan sa akin.
Levitico 25:23

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang


matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at pag-aralan ang mga ito habang
tinatahak ang aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop na sagot mula
sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga hanapbuhay ng
Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma
_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban
dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong uri ng mineral ang mayaman
at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso
_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga
produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka
______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng
isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na
yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay
nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales na panustos sa kanilang pagawaan
_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan
ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man,
kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang mapangasiwaan ng
maayos ang pinagkukunang kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa
upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang
mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman
upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang
likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin
_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang kalupaan.
Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa pagsasaka at iba pang
gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at pagsikip ng lupa dahil hindi ito
nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan
ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang
pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya
at maghanapbuhay na lamang
_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan Plain. Alin sa
mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal
_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring
matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong
isa sa mayamang rehiyon sa Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa
Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa
ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na natatanggap ng
mga bansa sa Kanlurang Asya
_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang mga bansa
sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang pangangailangan ng mamamayan
nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa daigdig
Aralin 4: Mga Likas na Yaman ng Asya at
Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano

Kamusta! Binabati kita at natapos mo na ang aralin tungkol sa Katangiang Pisikal ng Asya at
mayroon ka na ring kaalaman tungkol sa mga yamang likas ng mga rehiyon ng Asya. Sa
pagkakataong ito ay mas lalo pang palalalimin ang iyong kaalaman tungkol sa Likas na Yaman
ng Asya at ang Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano Noon at Ngayon. Pag-aralang
mabuti ang modyul unawain ang mga bagong konsepto. Kung sakaling may mga bagay kang
mahirap intindihin huwag mag-atubiling magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy.

Balikan
Balikan ang aralin tungkol sa Katangiang Pisikal ng Asya sa pamamagitan ng
pagsagot sa gawain sa ibaba.

Gawain 1: Spider web


Ilarawan ang katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya ayon sa sukat, topograpiya, klima o
vegetation cover. Sundin ang halimbawa.

Pamprosesong Tanong:
1. Magkakatulad ba ang katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya?

2. Nakakaapekto ba sa pamumuhay ng mga Asyano ang katangiang pisikal ng rehiyon nito tulad ng

sukat, topograpiya, klima at vegetation cover? Magbigay ng halimbawa.

Bilang pinakamalawak na kontinente ng daigdig, ang Asya ay nagtataglay rin


na napakaraming likas na yaman na siyang nililinang ng mga Asyano upang
umunlad. Malaki ang kaugnayan ng mga Likas na Yaman na ito sa patuloy na
pagsulong ng pag unlad ng bansa sa bawat rehiyon ng Asya.

Bilang isang mamamayan, dapat nating pasalamatan ang may-kapal na


nagbibigay ng mga yamang ito.
Tuklasin
Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Upang higit mong maintindihan
ang mga konsepto sa araling narito ang mga talasalitaang gagamitin mo sa
araling ito:
1. Likas na Yaman ay mga bagay na nagmula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan,
kagubatan, karagatan, mga ilog at lawa maging ang mga depositing mineral.
2. Yamang Lupa ay ang mga anyong lupa at mga bagay na nakukuha dito, kagaya ng prutas,
gulay, palay, halamang gamot, atb. Pinagmumulan din ito ng alternatibong enerhiya tulad ng
geothermal energy.
3. Yamang Tubig ay mga katubigan kung saan makakakita ng mga kayamanan tulad ng mga
isda, corals at kung anu-ano pa. Ilan sa mga katubigang ito ay ang mga karagatan, ilog, dagat,
lawa, golpo, talon at iba pa. Pinagmumulan ng alternatibong enerhiyang hydroelectric energy.
4. Yamang Gubat ay yamang pinagmumulan ng iba’t-ibang species ng punongkahoy, halaman
at hayop.
5. Yamang Mineral ay yamang kinabibilangan ng ginto, pilak, tanso, mga panggatong tulad ng
petrolyo, gas at karbon.
6. Agrikultura ay isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga
halaman at hayop. Ito ay ginagawa upang makalikha ng pagkain, damit at iba pang pang produkto
na makatutulong para masustentuhan ang pamumuhay ng tao.
7. Ekonomiya ay tumutukoy sa produksiyon at pagkonsumo ng mga ipinagbibili at serbisyo sa
komunidad.
8. Panahanan ay ang estado o katunayan ng patuloy na pamumuhay ng mga mamamayan sa
kabila ng pagsubok, mahirap na kalagayan at patuloy na pagkikipag-ugnayan sa kapaligiran.

MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA


Iba’t-iba ang mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May rehiyon na maraming yamang
mineral habang ang iba ay may matabang lupa na angkop sa pagtatanim. Mayroon naming
natatabunan ng makapal na kagubatan. Ang iba ay *Bagamat bahagi ng Timog Asya sa
paghahating heograpiya, minsan ay ibinibilang sa ilalim ng Kanlurang Asya **Walang natalang
datos mayaman sa pagkaing dagat. Tatalakayin sa bahaging ito ang likas na yaman ng bawat
rehiyon sa Asya.
TIMOG ASYA
Sa mga bansa sa Timog Asya, tanging India lamang ang biniyayaan ng humigit-
kumulang na 54% na lupa na maaaring bungkalin. Kaya lupa ang itinuturing na
pinakamahalagang likas na yaman nito. Ang kapatagan ng Ganges ay isa sa mga pinakamatabang
rehiyon sa India dahil sa alluvial soil. Ang alluvial soil ay mataba at pinong lupa na dineposito o
tinambak sa lambak at bukana ng ilog matapos ang pagbaha o pag-apaw ng ilog. Samantalang
maliit lamang ang matabang lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan at sa
Sri Lanka na tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang binubungkal.
Sa matabang lupa, nagtatanim ng barley, mais, palay, trigo, oilseed, jute, kape, patatas,
kamote, bulak, kasuy, at iba’t-ibang sangkap na pampalasa tulad ng chili, cinnamon, pepper at
cloves. Ang pangunahing tanim na iniluluwas ng Nepal ay oilseed, tubo, jute at tabako at ang Sri
Lanka ay tsaa, goma, at niyog.
Sinasakop ng yamang gubat ng Nepal ang humigit-kumulang 27% ng pangkalahatang
lupain. Ang mga kagubatan ay matatagpuan sa mga gulod o matataas na pook ng bulubunduking
Himalayas. Ang gubat bakawan ng Pakistan ay matatagpuan sa mga baybaying dagat.
Makapal ang rainforest o mga mayabong na gubat sa mga maulang pook sa timog-
kanlurang Sri Lanka. Ang mga puno na matatagpuan dito ay mahogany at iba’t ibang uri ng palm
tulad ng niyog, bunga, at palmera. Sa matataas na lugar sa gitna ng pulo matatagpuan ang mga
kagubatang evergreen. Ang mga punong ebony at satinwood at matatagpuan sa hilaga at
silangan.
Ang alagang hayop sa Afghanistan ay tupang karakol at sa Bangladesh ay baka. Nahuhuli
naman mula sa Indian Ocean ang palos, tuna, dilis at hipon. Ang mga dagat ay nagtataglay ng
iba’t ibang uri ng shellfish at isda tulad ng mackerel at salmon.
*Bagamat bahagi ng Timog Asya sa paghahating heograpiya, minsan ay ibinibilang sa ilalim ng Kanlurang Asya
*Walang natalang datos.
SILANGANG ASYA
Mayaman ang China, North Korea, at Tibet sa mga depositong mineral. Nasa China ang
pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig. Ang reserbang
karbon sa China ay tinatayang 115 bilyong metriko tonelada.
Ito ay isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Bagama’t nangunguna ang Japan sa
industriyalisasyon, salat naman ito sa yamang mineral.
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas, kapatagan,
bundok, lupaing prairie sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng Yangtze River, Mongolian
steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sa Mongolia, malaking bahagi ng lupain ang
natatabunan ng buhangin o tigang na lupa.
Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang
pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig sa
produksiyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at kaoliang, isang uri ng
sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng mga alagang hayop at ginagawang
alak. Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangang Asya ay sugar beets, patatas, repolyo,
mais, soybean, bawang, red beans, at prutas tulad ng ubas, peras, at peach.
Iba’t ibang malaking hayop ang ginagamit ng China bilang katulong sa paghahanapbuhay
tulad ng kalabaw, kamelyo, buriko, at yak. Dagdag dito ang inaalagaang kabayo, kamelyo at tupa
ng Mongolia.
Ang timog-silangang baybaying-dagat sa China ay mayaman sa mga pagkaing dagat
tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon
at hito.

KANLURANG ASYA
Mayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Pangunahin dito ang
langis at petrolyo. Malawak ang mga deposito ng petrolyo at natural gas na matatagpuan sa
timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng Iran ang pangalawang
pinakamalaking reserba sa buong daigdig. Tinatayang ang Iran ay may 10% na reserba sa buong
daigdig. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ang Saudi Arabia.
Sa Iran, sangkatlo (1/3) ng lupainay bukirin bagama’t 8% lamang nito ang tinataniman.
Habang sa Israel, 20% ng lupa ay inuukol sa pagtatanim. Mataba naman ang lupa sa baybaying-
dagat ng Turkey. Sa ibang bansa, ang lupain ay tigang tulad ng sa Oman at mabuhangin gaya
ng sa United Arab Emirates. Sa Jordan, malaking bahagi ng lupain ay disyerto at steppe.
Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas, melon, trigo, barley, tabako,
ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa mga bundok ng Lebanon tumutubo ang
pinakatanyag na puno ng bansa, ang cedar. Sa mga gilid ng mga bundok pangunahing itinatanim
ang olive, fig, cherry at plum.
Sa Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa mga oasis sa silangan
kung saan ang itinatanim ay dates. Tumutubo rin ang mga punong plum sa mga oasis at sa
baybaying-dagat. Ang ibang lupain sa mga bansa ay ginagamit na pastulan ng tupa, baka, at
kambing.
Bahagi ng yamang tubig ng rehiyon ang Tigris River at Euphrates River.

TIMOG-SILANGANG ASYA
Malaking bahagi ng lupain ng Myanmar at Brunei ay kagubatan. Sa Brunei, sa halos 84%
ng kagubatan naninirahan ang iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Matatagpuan sa
kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo. Iba pang
mahalagang puno ang goma, cinchona, acacia, niyog at bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas
makikita ang maraming uri ng punong palm at matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan,
kamagon, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng dapo.
Ang pinakamatabang lupa sa Myanmar ay matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy
River at Sittang River. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap.
May iba’t ibang pananim ang rehiyon tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo, main,
soybean, niyog, cacao, kape, abaka at mga prutas. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa
buong daigdig sa produksiyon langis ng niyog at kopra.
Karaniwan ding inaalagaang mga hayop sa rehiyon ang kalabaw, baka, baboy, kabayo,
kambing, at manok. Matatagpuan sa Pilipinas ang tamaraw, iba’t ibang uri ng reptilya at ibon.
Ang Mekong River, Irrawaddy River, Sitang River at Red River, gayundin ang iba’t ibang
lawa at look ay ilan sa mga anyong tubig ng rehiyon.
Malaki ang mga deposito ng langis at natural gas sa Indonesia. Karamihan nito ay nasa
silangang baybaying-dagat ng Sumatra at Kalimantan. Ang mahigit sa 80% ng langis mula sa
Tmog-Silangang Asya ay nanggagaling sa Indonesia. Dito rin nanggagaling ang mahigit sa 35%
ng liquefied gas sa buong daigdig. Ito rin ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso
naman sa Pilipinas.
HILAGANG ASYA
Maraming yamang mineral ang mga bansa sa Hilagang Asya. Ang pinakamahalagang
yamang mineral ng Kyrgyzstan ay ginto. Ang deposito ng ginto rito ay tinataya na isa sa mga
pinakamalaki sa mundo. May tatlong uri naman ng yamang mineral ang Tajikistan. Ito ang
metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at ang
industriyal na mineral tulad ng phosphate. Ang paghango ng langis at natural gas ang
pangunahing indutriya ng Turkmenistan. Pangalawa ito sa Russia sa produksiyon ng natural
gas. Ang Uzbekistan naman ay isa sa mga nangunguna sa produksiyon ng ginto sa buong mundo.
Sa mga lamabak-ilog at sa mga mababang burol ng mga bundok nagtatanim ang mga
taga-Hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas.
Ang Uzbekistan ay isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang
produksiyon ng pagkaing butil ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley.
Ang mga hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami. Sa ganitong gawain
nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano


Agrikultura
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas niya ay
nagmula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang mga
pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng
produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya. May ilang mga
mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuahy lamang.
Ekonomiya
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa kasaganahan nito sa likas na
yaman. Ang mga ito ay pinagkukuhanan ng mga materyales na panustos sa kanilang mga
pagawaan. Maging ang mauunlad na bansa ay dito kumukuha ng mga hilaw na materyales kung
kayat halos nauubos ang kilas na yaman ng huli at hindi sila ang nakikinabang nito. Sa kabilang
banda, likas na yaman din ang kanilang iluluwas, kasabay nang paggamit ng mga tradisyonal at
makabagong teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita nang sa gayon ay
mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Panahanan
Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangilangan ng
ikabubuhay at panahanan nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian
ng likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay
hindi, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion na nagdudulot naman ng
pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang
kakayahan ng lupa at ng kanilang kapaligiran.

Gawain 2: Mag-kwentuhan Tayo!

Magsagawa ng isang interview sa pinakamatandang miyembro ng inyong pamilya


tungkol sa kanilang hindi malilimutang karanasan noong kanilang kabataan na may kaugnayan
sa likas na yaman o kalikasan ng ating bansa. Maaaring ito ay pamamasyal sa mga magagandang
tanawin, paliligo sa ilog, paglalaro sa kabukiran, pag-akyat ng kabundukan at iba pa.
Sa gagawing interview, bigyang-diin sa pagtatanong ang paghahambing sa kalagayan ng
ating yamang likas noon at ngayon. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong
sa ibaba. Gabay na Tanong
1. Ano ano ang mga lugar na inyong napuntahan na may kaugnayan sa likas na yaman ng ating
bansa?
2. Mayroon ka bang paborito sa mga lugar na ito? Bakit ito ang iyong paborito?
3. Makikita pa rin ba ang mga pook na ito sa kasalukuyan? May pagbabago ba?
4. Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang yamang likas noon at ngayon? Sa anong aspekto ito?
5. Kung mayroong pagbabago sa yamang likas noon, may malaki ba itong epekto sa kasalukuyan?
Sa anong aspekto ng pamumuhay ng tao?

Mga Sagot:
1.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop na sagot mula
sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga hanapbuhay ng
Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma
_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban
dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong uri ng mineral ang mayaman
at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso
_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga
produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka
______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng
isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na
yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay
nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales na panustos sa kanilang pagawaan
_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan
ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man,
kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang mapangasiwaan ng
maayos ang pinagkukunang kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa
upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang
mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman
upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang
likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin
_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang kalupaan.
Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa pagsasaka at iba pang
gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at pagsikip ng lupa dahil hindi ito
nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan
ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang
pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya
at maghanapbuhay na lamang
_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan Plain. Alin sa
mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal
_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring
matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong
isa sa mayamang rehiyon sa Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa
Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa
ekonomiya nito d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na
natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya
_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang mga bansa
sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang pangangailangan ng mamamayan
nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa daigdig

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba at unawain ang nais ipahiwatig nito.

_____11. Paano nakakaapekto ang larawan sa itaas sa pamumuhay ng mga Asyano?


a. natutustusan nito ang pangangailangang pinansiyal ng mga mamamayang Asyano
b. nagpapakita ito ng ebidensiya na napakayaman ng kontinente ng Asya
c. bagamat ito ay may naitutulong sa pamumuhay ng mga Asyano, maaari itong magdulot
ng pagkaubos ng likas na yaman
d. makakaapekto ito ng malaki sa mga mahihirap na mamamayan sapagkat ang mga
mayayamang mangangalakal lamang ang nakikinabang
(Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Gawing itong batayan sa pagsagot sa susunod na tanong.)

____12. Batay sa larawan, ano ang kapakinabangang makukuha ng mga Asyano sa kanilang mga
yamang tubig?
a. ito ay magdudulot ng mga suliranin tulad ng pagbaha
b. ito ay maaaring mapagkunan ng pagkain at hanapbuhay
c. ito ang nagiging pangunahing industriya ng mga mahihirap na mga bansa
d. ito ang natatanging pinagkukunang yaman ng mga mahihirap na bansa
_____13. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa ay nagmumula sa pagsasaka. Kung malawak at
mataba ang lupain, mas matutugunan ang mga pangangailangan ng bansa ngunit ang patuloy na
paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng suliranin ng kakulangan. Anong pakikiangkop ang
ginagawa ng bansa upang mapalaki ang produksiyon nito?
a. pagpapakilala ng family planning sa mga mamamayan
b. paghihikayat sa mga mamamayan ng urban/backyard gardening
c. paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki ang produksiyon
d. pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo
_____14. Ang pag-iral ng suliraning dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan ay may malaking
epekto sa yamang lupa ng ating bansa tulad sa industriya ng pagsasaka. Naging mahirap sa mga
magsasaka ang pagbebenta at pagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa hakbang na ginagawa ng mga lokal na
pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka?
a. pagtatalaga ng mga mobile market na siyang nagdadala ng mga produkto sa mga
pamayanan b. paglulunsad ng Online Market and Delivery upang mas maging madali ang
pamimili ng mga mamamayan
c. pag-aangkat ng mga lokal na pamahalaan sa mga produkto ng mga magsasaka upang
ibahagi sa mga mamamayan bilang ayuda ng pamahalaan
d. paghihikayat sa mga magsasaka na ibahagi o ipamigay na lamang ang kanilang aning
produkto upang hindi ito masira at mabulok
_____15. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng COVID-19 na
lumilimita sa paggalaw ng tao. Ang suliraning ito ay nagdudulot ng limitasyon ng mga
mamamayan sa pagkuha ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Bilang isang mag-
aaral, ano ang maaari mong gawin upang kahit papaano ay matugunan ang inyong
pangangailangan?
a. pangangampanya sa social media para sa agarang ayuda mula sa pamahalaan
b. pakikipag-uganayan sa mga non-government organization na nagbibigay ng food packs
c. pagbabadyet ng inyong konsumo sa araw-araw upang hindi kaagad maubos ang pagkain
d. paghihikayat sa inyong mag-anak na magtanim ng mga gulay na madaling anihin sa
bakuran o backyard gardening.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Modyul Para sa Mag-aaral.,
Eduresources Publishing, Inc., Pasig City, Philippines. 2014. pp. 40-43.
Mateo, Ph.D., Grace Estela C., et al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Batayang Aklat. Vibal Publishing
House, Quezon City, Philippines. 2010. pp. 36-42
Modyul 5: Kalagayang Ekolohikal ng
Asya
Batay sa iyong mga natutunan sa mga natapos na aralin, hindi
matatawaran ang kasaganaan ng yamang likas ng kontinenteng Asya.
Ngunit sa lulan nitong mahigit apat na bilyong tao na umaasa sa biyaya
ng kapaligiran upang mabuhay, iba’t ibang uri ng suliraning ekolohikal
o pangkapaligiran ang nararanasan sa buong rehiyon. Bakit ito
nangyayari? Paano mabisang matugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran? Paano
maiaayos at muling mapananatili ang ecological balance ng daigdig?

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na magagawa mo ang sumusunod:

1. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng


rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7)
2. Natatalakay ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal
(ecological balance) ng mga rehiyon sa Asya
3. Nasusuri ang mga suliraning pangkapaligirang nakaaapekto sa timbang na kalagayang
ekolohikal (ecological balance) ng Asya
4 Napapahalagahan ang pamamaraan sa pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal
(ecological balance) ng mga rehiyon sa Asya

“The earth is the Lord’s, and everything in it, the world, and all who
live in it.” - Psalm 24:1 (NIV)

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang


matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang
tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan
ng wasto at pag-aralan ang mga ito habang tinatahak ang aralin sa
modyul na ito. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop
na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.
_____1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon sa pagitan ng isang
pamayanang biyolohikal at walang buhay na organismo?
a. biome b. ecology c. ecosystem d. homeostasis

_____2. Aling yamang likas ang pinagmumulan ng mga produktong gawa sa kahoy?
a. yamang lupa c. yamang gubat
b. yamang tubig d. yamang mineral
_____3. Anong suliranin ang tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa
mga gubat?
a. pollution b. overgrazing c. deforestation d. desertification
_____4. Ano ang mangyayari kung magpapatuloy sa pagkakaingin ang mga tao sa kabundukan?
a. uunlad ang kabuhayan
b. dadami ang makukuhang prutas
c. sasapat ang pagkain para sa lahat
d. guguho ang lupa at babaha ng husto sa mababang lugar
_____5. Dahil sa pagkawala ng natural habitat ng mga hayop sa kagubatan, maaapektuhan ang
life cycle. Ano ang ipinauunawa nito?
a. maraming suliranin ang mararanasan ng tao
b. mag- alaga ng maraming hayop upang maiwasan ang pagkaubos nito
c. mababawasan ang pagkahamak ng tao mula sa mga mababangis na hayop
d. mababawasan o mauuwi sa pagkaubos ang lahat ng uri ng hayop sa kagubatan at
masisira ang life cycle
_____6. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa kontaminasyon ng lupa, tubig, at hangin
sanhi ng pagtatapon ng mga bagay na toxic mula sa mga tahanan at pagawaan?
a. polusyon c. climate change
b. deforestation d. global warming
_____7. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa Pilipinas?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 7942
b. Republic Act 9275 d. Republic Act 7586
_____8. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa polusyon sa tubig?
a. paglilinis ng mga palaisdaan
b. paggawa ng parke sa dalampasigan
c. pagkakalat at pagtapon ng dumi sa dagat
d. paggawa ng mga palaisdaan mula sa kakahuyan ng bakawan
_____9. Ayon sa Department of Health, ang maruming hangin ay nagdudulot ng non-
communicable diseases. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil
sa pagkalanghap ng hangin na may lason?
a. cancer c. acute respiratory infections
b. allergies d. acquired immunodeficiency syndrome (AIDS)
_____10.Alin ang tumutugon sa mabilis na pagtaas ng temperatura sa daigdig sanhi ng
akumulasyon ng carbon dioxide at singaw ng mainit na hangin na napigil ng masa ng malamig
na hangin sa loob ng daigdig?
a. climate change c. pollutants
b. global warming d. greenhouse gases

Aralin 5: Kalagayang Ekolohikal ng Asya

Kamusta! Binabati kita at natapos muna ang aralin tungkol sa Likas na Yaman ng Asya at ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa pagkakataong ito ay iyong mababatid ang
mga suliraning pangkapaligiran na nagiging banta sa ating mga yamang likas at balanseng
kalagayang ekolohikal ng mga rehiyon ng Asya. Pag-aralang mabuti ang modyul unawain ang
mga bagong konsepto. Kung sakaling may mga bagay kang mahirap intindihin huwag
magatubiling magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy.

Balikan
Balikan ang aralin tungkol sa Likas na Yaman ng Asya at implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan na pagsagot sa ibaba.

Gawain 1: Tayo ng Magbalik-aral!


Panuto: Isulat ang W kung sa iyong palagay ay wasto ang impormasyon sa bawat bilang. Kung
hindi wasto, isulat ang DW. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Napaliligiran ng tropical rainforest ang buong kalupaan ng Asya dahil


matatagpuan ito sa silangang bahagi ng daigdig.
_________2. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang mga bansang may pinakamalalaking reserba
ng langis sa buong kontinente.
_________3. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga Asyanong
nakatira sa mga bansang may tropikal na klima.
_________4. Magkaugnay ang likas na yaman at vegetation sa Asya.
_________5. Walang suliraning kinahaharap ang mga Asyano kaugnay ng kalagayang
ekolohikal ng Asya sa kasalukuyan.

Mga Tala para sa Guro


Ang Asya bilang pinakamalawak na kontinente ng daigdig ay nagtataglay rin
na napakaraming likas na yaman na siyang nililinang ng mga Asyano upang
umunlad. Ngunit kaakibat ng kaunlaran ay ang mga suliraning
pangkapaligiran na nagiging banta sa pagpapanatili ng balanseng kalagayan
ekolohikal ng mga rehiyon ng Asya

Tuklasin

Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Upang higit mong maintindihan


ang mga konsepto sa araling narito ang mga talasalitaang gagamitin mo sa araling ito:
1. Ecosystem-- ay tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon o ugnayan sa pagitan ng
organismong may buhay (biotic) at walang buhay na organismo (abiotic).
2. Deforestation- ay tumutukoy sa paghahawan sa kagubatan sa pamamagitan ng pagpuputol
ng mga puno.
3. Polusyon -ay tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig, at lupa na nagdudulot
ng pagkasira ng ecosystem.
4. Climate Change - ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse
gases na nagpapainit sa mundo.
5. Global Warming - ay ang pagtaas ng temperature sa daigdig dahil sa pagdami ng carbon
dioxide, methane, at iba pang uri ng gas sa kapaligiran. 6. Ecological Balance ay ang balanseng
kalagayan ng pamayanan ng mga species na umaayon sa isa’t isa.

Gawain 2: Basa-kanta!
Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awit na “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng bandang
Asin. Maaari mo itong pakinggan gamit ang CD o MP3, o sa internet sundan ang URL
https://www.youtube.com/watch?v=YLIKk9Jqs0c (Retrieved June 4, 2020). Pagkatapos ay
sagutin ang mga pamprosesong tanong.

"Masdan Mo Ang Kapaligiran"


Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit 'di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon, mga ibong gala Ay wala nang madadapuan


Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay
dahil sa ating kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit
no'ng ika'y wala pa Ingatan natin at 'wag nang sirain pa 'Pagkat 'pag
Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw,
sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Pamprosesong Tanong:

1. Pamilyar ba

2. Ano ang tinatalakay sa awit?

3. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng umaawit?

4. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos marinig o mabasa ang awit?

5. Nakaapekto ba sa iyo bilang Pilipino ang pagpapabaya sa kapaligiran/ o sa iyong bansa? Bakit?
Gawain 3: Hanapin at Buuin!
Panuto: Mula sa kahon sa ibaba ay hanapin mo sa anumang direksyon ang salita na tinutukoy sa
bawat aytem. Bilugan ang mga salitang nahanap at isulat sa patlang.

______ 1. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo. ______ 2. Pagkakaroon ng mga butil ng asin sa lupa
______ 3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay
______ 4. Malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar
______ 5. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang
kapaligiran
______ 6. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat
______ 7. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
______ 8. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat
______ 9. Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo
sa natural na kalikasan
______ 10. Ang paglawak ng lugar na inuukupa ng tao
KALAGAYANG EKOLOHIKAL NG ASYA
Ang ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon o ugnayan sa pagitan ng
organismong may buhay (biotic) at walang buhay na organismo (abiotic) sa pisikal na kapaligiran.
Kinakailangan ang ugnayang ito upang mabuhay at makapagparami ng lahi.
Mapananatili ang buhay ng mga organismo sa kapaligiran kung maayos ang ugnayan ng mga
organismong may buhay at walang buhay na bahagi nito. Kung isang bahagi ng ecosystem ay
nabago o nawala, tiyak na maaapektuhan ang iba pang bahagi.
Sa kasalukuyan, kakaunti na lamang ang mga natural na ecosystem sa daigdig. Marami sa
ecosystem ng daigdig ay mabilis na bumubulusok sa kapahamakan at nangangailangan ng
agarang proteksiyon. Sinasabing ang pangunahing dahilan nito ay ang iba’t ibang gawain ng tao.
MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA ASYA
Iba’t ibang suliraning pangkapaligiran ang hinaharap ng mga Asyano. Pangunahin na rito ang
deforestation, polusyon, climate change, at global warming.
Deforestation sa Asya
Ang kagubatan ay isang mahalagang yaman ng Asya. Ito ay nagpapanatili ng balanseng
ekolohikal sa ating kapaligiran. Bukod sa likas na yamang malilinang ng tao, nagsisilbing natural
na tirahan o natural habitat din ito ng iba’t ibang species ng halaman at hayop.
Bagama’t napakahalaga ng kagubatan, ito ay nahaharap sa mabilis na pagkawasak at pagkaubos
sa kasalukuyan. Nakaaalarma ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kagubatan dahil sa
deforestation. Tumutukoy ang deforestation sa paghahawan sa kagubatan sa pamamagitan ng
pagpuputol ng mga puno.
Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na problemang
pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan. Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong taon nang
nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling
pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng halaman at hayop ang
nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ang pagkakalbo ng
kagubatan ay nagbibigay- daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha,
erosyon ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon, at sedimentation. Ayon sa pag- aaral ng Asian
Development Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga
bansang may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahing sanhi ng problemang
ito ay ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng puno, upang gawing
panggatong, at ang pagkasunog ng gubat.
Malaki ang epekto ng deforestation sa tao at maging sa kabuuan ng ecosystem. Ipinapakita sa
Talahanayan 1.1 ang hindi mabuting dulot ng deforestation.
Talahanayan 1.1 Mga Epekto ng deforestation

Global Warming. Nanganganib na Pagkaubos ng Likas Likas na sakuna.


Umiinit ang Species. Dahil sa na Yaman. Ang walang habas na
temperature ng pagkasira ng Makararanas ng pagputol ng puno ay
daigdig dahil kanilang natural matinding gutom at nagdudulot ng
limitado ang mga habitat, ang ilan sa kahirapan ang mga pagguho ng lupa at
punong sumisipsip mga organismo ay tao kung matinding pagbaha.
ng carbon dioxide naging extinct magpapatuloy tayo Idagdag pa ang
(CO2) sa hangin. habang ang iba sa pang- aabuso sa panganib na dulot ng
naman ay itinuturing kalikasan. flashflood
bilang endangered
species.
Polusyon sa Asya
Sa kasalukuyan, polusyon ang isa sa malubhang suliraning pangkapaligiran sa daigdig.
Tumutukoy ang polusyon sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig, at lupa na nagdudulot
ng pagkasira ng ecosystem. Ang polusyon sa hangin, tubig, at lupa ay bunga ng labis na paggamit
at pagtatapon ng mga bagay na nakakalason sa kapaligiran. Ito ay nangyayari sa mga bansang
laganap ang industriyalisasyon at nagtataglay ng malaking populasyon.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng respiratory diseases,
sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at maraming pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi
naagapan, maaaring maging sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging
nalalanghap.
Polusyon sa Lupa
Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa upang patuloy na mabuhay
ang mga tao. Gayunpaman, ang kawalan ng disiplina ng mga tao, labis na paggamit ng yamang
lupa at pagtatapon ng solid waste ay nagbunsod sa pagkasira ng kalupaan.
Sa Pilipinas, ang suliranin sa solid waste ang pangunahing dahilan ng polusyon sa lupa.
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa tahanan, komersyal na establisimyento,
mga basura sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, mga basurang hindi
nakakalason, atbp. Dahil sa kawalan ng disiplina ng maraming Pilipino sa tamang pagtatapon ng
basura, mahigpit na ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o mas kilala bilang
Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Layunin nito ang wastong pamamahala ng
basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas- yaman at pagpapatupad ng
mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat Pilipino upang mabawasan ang basurang agad
lamang tinatapon.
Polusyon sa Tubig
Maraming dahilan ang polusyon ng tubig lalo na sa Metro Manila. Isa na rito ang dumi’t
basurang nanggaling sa tahanan na umaagos sa mga imburnal patungo sa ilog at mga estero.
Karaniwang hindi maayos at sapat ang mga imburnal kung kaya’t tuwiran nang itinatapon ang
mga dumi sa kanal at ilog.
Karaniwan ding ang mga palengke at matadero’y katabi ng ilog, kaya’t dito na rin
napapatapon ang kanilang mga basura. Ilang halimbawa’y ang palengke ng Quinta sa Quiapo na
katabi lamang ng ilog Pasig, ang palengke ng Pritil na malapit sa Estero de Pritil at ang palengke
ng Paco na nasa gilid ng Estero ng Paco.
Subalit ang lalong malubhang dahilan ay ang mga duming nanggaling sa mga pabrika at
planta. Gaya halimbawa ng industriya sa pagsasaka ng mga gulay at bungangkahoy, pagawaan
ng pagkain ng mga hayop, planta ng mga kemikal at softdrinks, pabrika ng papel, sabon, langis,
at mantika.

Ang mga siyudad sa Asya ay kabilang sa pinakamarurumi sa buong daigdig. Sa 15


lungsod na pinakamalala ang polusyon sa hangin, 12 rito ay mula sa Asya.
Sa lalawigan, dalawa sa mga nagdadala ng polusyon ay mga kemikal na pataba at “nitrate”
na mula sa dumi ng hayop na nagpapadumi sa lupa at tubig. Sa lungsod, ang isa sa nagpaparumi
sa hangin ay ang “lead” na ibinubuga ng mga sasakyan. Ang kemikal na ito ay nakakasama sa
katawan, partikular sa utak at sa “central nervous sytem.”
Ang pagluluto gamit ang kahoy, dumi ng hayop at mababang kalidad ng uling na siyang
karaniwanang ginagawa sa mga mahihirap na bansa ay lumilikha ng usok na di- lamang polusyon
ang hatid kundi mga sakit sa baga gaya ng tuberculosis at maging ng pagkabulag.
Global Warming at Climate Change
Ang malawakang pag- iiba- iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot
nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate
change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na
greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming.
Ang global warming ay nagdudulot ng climate change. Ito ay sa paraang patuloy na pag- iinit
ng panahon na nakaaapekto sa kondisyon hindi lamang ng atmospera kundi gayundin sa mga
glacier at iceberg na lumulutang sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti- unting
nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mga
pagbaha, at matinding pag- ulan. Ang global warming naman ay nagdudulot ng mahahabang
tag- init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Niño o kaya naman ay malawakan at matagal
na pag- ulan o La Niña.

Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o


balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya. Tumutukoy ito sa
balanseng kalagayan ng pamayanan ng mga species na umaayon
sa isa’t isa. Kabilang dito ang likas na interaksiyon at
pakikisalamuha ng lahat ng uri ng buhay sa bawat isa at sa
kanilang kapaligiran upang mapanatili ang dami ng kanilang lahi.
Anuman ang maging katayuan at kalagayaang ekolohikal ng rehiyon, tiyak na makaaapekto ito
nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Ang mga problemang
ekolohikal na nararanasan ng mga Asyano sa isang rehiyon ay posible ring maging suliranin ng
mga tao sa karatig- rehiyon o maging ng mamamayan sa buong daigdig. Sa isang bahagi ng
nailathalang artikulo nina J. Wu at C. Overton na may pamagat na “Asian Ecology: Pressing
Problems and Research Challenges” noong 2002, 25% ng kabuuang pagbuga ng carbon dioxide
sa buong mundo ay nagmula sa Asia- Pacific ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa noong 1991.
Kung magpapatuloy ito, maaaring tumaas nang hanggang 36% sa 2025 at 50% sa pagtatapos ng
ika- 21 na siglo ang pagbuga ng carbon dioxide mula sa nabanggit na rehiyon. Binibigyang- diin
nito ang katotohanang napakalawak ng problemang dulot ng pagkalat ng mga mapanganib na
greenhouse gases gaya ng carbon dioxide at iba pang mga air pollutants na kumakalat sa
pamamagitan ng hangin, kung
kaya hindi isinasaalangalang ang mga hangganan ng mga bansa o kontinente sa usapin ng lawak
ng paglaganap nito. Ang ganitong kalalang uri ng suliraning ekolohikal ay nararanasan na ng
Asya sa kasalukuyan.

Sanggunian:

https://drive.google.com/file/d/0B41NpxO8pu79dFJ6cmJjT3FpTlk/view
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/19DI_KANAIS_NAIS_NA_PAGG AMIT_SA.PDF
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_20__MGA_PANGUNAHING_I SYU.PDF
Modyul 6: Yamang Tao ng Asya

Sa nakalipas na mga aralin, ay nakilala mo na ang mga Asyano sa iba’t


ibang rehiyon sa Asya. Ngayon naman simulan mong alamin ang kapal
at dami ng mga tao sa bawat rehiyon nito. Alamin mo rin ang
komposisyon ng populasyon ng bawat bansa sa Asya at pansinin ang
mga epekto ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng
kabihasnang Asyano. Alam kong marami ka ng mga katanungan sa
iyong isipan. Nais mo bang malaman ang lahat ng kasagutan sa iyong mga tanong? Maaari ka
nang mag-umpisa sa paghahanap ng mga sagot sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng mga
gawain sa modyul na ito.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Aralin 1 – Katangian ng Populasyon sa Asya
Aralin 2 – Kahalagahan ng Populasyon

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Mabibigyang kahulugan ang mga salitang karaniwang ginagamit sa pagsusuri ng


populasyon.
2. Matutukoy ang populasyon ng mga bansa sa Asya.
3. Masusuri ang komposisyon ng populasyon ng mga bansa sa Asya sa kasalukuyang panahon.
4. Masusuri ang kahalagahan ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan
at lipunan sa isang bansa.

And God blessed them, and God said unto them, Be fruitful, and multiply,
and replenish the earth, and subdue it: and have dominion over the fish
of the sea, and over the fowl of the air, and over every living thing that
moveth upon the earth.”

G en e si s 1 :2 8

Paunang Pagtataya
Nagagalak ka na bang simulan ang iyong pag-aaral tungkol sa
mga Asyano? Bago ang lahat, subukin mong sagutan ang
panimulang pagtataya upang masubok ang lawak ng kaalaman mo
tungkol sa aralin. Habang sinasagutan ang bawat tanong ay pagtuunan mo ng pansin ang mga
sagot na hindi mo tiyak at alamin ang kasagutan ng mga ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan
sa isang lugar o bansa?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate
_____2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang bilang ng taon ng
tagal ng buhay ng isang mamamayan sa isang bansa?
a. literacy rate
b. life expectancy
c. unemployment rate
d. population growth rate
_____3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat
taon?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate
_____4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong 15
taong gulang pataas ng isang bansa na may kakayahang bumasa at sumulat?
a. literacy rate b. life expectancy c. unemployment rate d. population growth
rate
_____5. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano kaya
ang epekto nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong bahay
dahil sa perang ipapadala ng mga kamag-anak na OFW.
_____6. Sa sumusunod na usapin, alin ang direktang epekto ng maliit na bahagdan ng literacy
rate?
a. patuloy na pagbaba ng kalidad ng lakas-paggawa ng isang bansa
b. pagtaas ng kaso ng krimen dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
c. pagtaas ng antas ng buhay ng mga mamamayan dahil sa pagkakaroon ng magandang
trabaho ng mga tao
d. patuloy na pagbaba ng lebel ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa
kawalan ng oportunidad sa iba’t ibang larangan
_____7. Ang India at China ay ang mga bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya. Ano
ang maaring epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pagunlad ng kabuhayan at lipunan
ng mga bansang ito?
a. Nangangahulugang magkakaroon ng mas masikip na paligid at maruming pamumuhay
ang mga tao.
b. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaukulang
serbisyo sa mga mamamayan ng lipunan.
c. Nagbibigay solusyon sa kakulangan ng lakas-paggawa ng isang bansa na isang
mabisang paraan upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
d. Nagiging hadlang upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tungo
sa pag-angat ng kabuhayan ng mamamayan at ng lipunang kinabibilangan nito.
_____8. Paano nakakahadlang sa pag-unlad ang malaking populasyon ng bansa?
a. Nakakapagdulot ito ng kalituhan sa pamamahagi ng ayuda dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa dahil marami ang nangangailangan.
c. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat
mamamayan. d. Nagkakaroon ng problema sa kaayusan at katahimikan ng bansa dahil sa
pagtaas ng kriminalidad dulot ng kahirapan.

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga mga tanong kaugnay
nito.

_____9. Kung isasaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano
ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
a. Philippines, China, at India
b. China, India, at Philippines
c. India, Philippines, at China
d. Philippines, India, at China
_____10. Makikita sa talahanayan na ang China ang may pinakamataas na populasyon sa tatlong
bansa ngunit ito ay may pinakamababang fertility rate o ang bilang ng posibleng maging anak
ng isang babae mula edad 15 hanggang 49. Ang India at Pilipinas naman ay madalas magkaroon
ng higit sa dalawang (2) anak ang bawat babaeng nasa kaparehong edad. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
a. Ang China ay mangunguna pa rin sa pagkakaroon ng pinakamalaking populasyon sa
paglipas ng panahon.
b. Dapat ay magkaroon na ng batas kung saan iisa lamang ang maaaring maging anak ng
bawat babae sa India at Pilipinas.
c. Kahit ano pa ang gawing pag-aaral ay patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon at
pagsikip ng paligid saan man sa mundo.
d. Doble ang magiging bilis ng paglaki ng populasyon ng India at Pilipinas kumpara sa
China kapag hindi nasolusyunan ng pamahalaan ang problema sa lalong madaling
panahon.
_____11. Makikita sa talahanayan kung gaano kasikip ang isang bansa. Kung susuriin mo ito
batay sa dami ng mga tao sa bawat kilometro kwadrado, anong bansa ang mangunguna?
a. India b. China c. Pilipinas d. Timog Korea

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

_____12. Batay sa talahanayan, ang bansang Japan ang may pinakamababa na bahagdan ayon sa
bilis ng paglaki ng populasyon. Ito ay may pinakamaliit na bahagdan ng batang populasyon
ngunit may pinakamalaking bahagdan ng may edad na 15-65. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
b. Mabilis tumanda ang mga tao sa Japan.
c. Mahusay ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mabagal na paglaki ng populasyon at pagrami ng matatanda sa kasalukuyan ay
maaring maging problema sa lakas paggawa sa hinaharap.
_____13. Makikita sa talahanayan na ang India ang may pinakamalaking populasyon. Ano ang
masamang epekto nito sa kanilang bansa?
a. Masaya ang lipunan dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman.
c. Polusyon sa hangin at pagdami ng depressed area.
d. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.
_____14. Makikita sa talahanayan sa itaas na bumababa ang bilang ng mga batang populasyon
ng mga piling bansa sa Asya at makikita rin na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng
populasyon ng bansang Sri Lanka at Japan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Impluwensiya ng relihiyon.
b. Mahusay ang programa ng pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya.
c. Pagbabagong dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
d. Karamihan sa kanilang bansa ay matatanda kaya hindi na magkakaanak.
_____15. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. upang makagawang kampanya para sa migrasyon.
b. upang magkaroon ng ideya tungkol sa dami ng lakas paggawa.
c. upang magkaroon ng ideya ang mga tao kung bubuo ng maliit o malaking pamilya.
d. upang magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng patakaran o programa na
kailangang pagtuunan ng pansin.
Aralin 6: Yamang Tao ng Asya

Nahirapan ka ba sa pagsagot sa paunang pagtataya? Nais mo bang malaman kung nasa tamang
direksyon ka pa sa pagtuklas sa mga sagot sa iyong isipan? Narito ang isa sa mga paraan upang
matulungan kang maiugnay ang iyong mga ideya sa tamang direksyon tungo sa pagtuklas mo
sa bawat kaalaman sa modyul na ito.

Balikan
Gawain 1: Suri-larawan
Suriin ang dalawang magkaibang larawan. Gamitin bilang gabay sa iyong pagsusuri ang mga
pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

2. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang ipinapahiwatig ng larawan?

3. Sa iyong palagay, saan maaaring makuha ang kasagutan sa mga nabuo mong
katanungan?

Tuklasin

Sa bahaging ito, inaasahang lalawak ang iyong kaalaman at pang-unawa sa yamang tao ng Asya.
Inaasahan din na pagkatapos mo sa bahaging ito ay lalo mong mapapahalagahan ang epekto ng
populasyon sa pag-unlad ng lipunan. Maaari mong balikan ang mga kasagutan at katanungan na
nabuo mo sa mga naunang gawain sa modyul na ito upang mapagtibay ang mga ideyang nabuo
mo at maiwasto ang maling sagot o konsepto habang ikaw ay nagpapatuloy sa mga gawain.
Katangian ng Populasyon sa Asya
Upang lalong maunawaan at matugunan ang anumang pagsubok na mayroon ang Asya,
mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga bansang nasasakupan
nito. Handa ka na ba?
Sa pagtalakay ng mga bagay tungkol sa populasyon ay kinakailangan munang mabigyan ng
kahulugan ang mga salita o terminolohiya na karaniwang ginagamit sa pagsusuri ng mga datos
tulad ng mga salitang nasa talahanayan:
Talahanayan 1: Katangian ng Populasyon
Talahanayan 2: Katangian ng Populasyon
Gawain 2 Wow, haluhalo!
Sa bahaging ito, susubukin ang iyong galing sa pagsusuri ng mga datos ng populasyon ng mga
bansa sa Asya na nakatala sa kalakip na talahanayan. Pagtuunan ng pansin ang kaugnayan ng
bawat salik ng populasyon sa pagbuo at pag-unlad ng lipunang Asyano.
TASK CARD 1: Population Growth Rate
Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang datos tungkol sa population
growth rate ng mga bansa sa Asya na nasa talahanayan. Gamitin bilang gabay sa
pagsagot ang rubrik na makikita sa hulihan ng Task Card 5.

1. Ano ano ang sampung bansa sa Asya na may pinakamalaking populasyon?


Saang rehiyon ng Asya kabilang ang mga ito? Halimbawa: Pilipinas –
Timog-Silangang Asya 2. Ano ang population growth rate? Bakit mahalagang
malaman ito?
1. __________________ 6. __________________

2. __________________ 7. __________________

3. __________________ 8. __________________

4. __________________ 9. __________________

5. __________________10. __________________

2. Ano ang population growth rate? Bakit mahalagang malaman ito?

3. Bakit sinasabi na malaking suliranin ang patuloy na paglaki ng populasyo


TASK CARD 2: Literacy Rate
Sagutan ang mga tanong sa ibaba gamit ang datos tungkol sa literacy rate ng mga
bansa sa Asya na nasa talahanayan. Gamitin bilang gabay sa pagsagot ang rubrik na
makikita sa hulihan ng Task Card 5.

1. Ano anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate? Saang rehiyon sa
Asya matatagpuan ang mga bansang ito?
1. __________________ 6. __________________

2. __________________ 7. __________________

3. __________________ 8. __________________

4. __________________ 9. __________________

5. __________________10. __________________

2. Ano ang literacy rate? Bakit kailangang mabatid ang literacy rate ng bansa?

3. Nakakaapekto ba ang literacy rate sa pag-unlad ng isang bansa? Pangatwiranan.


Rubrik para sa Pagpapaliwanag
Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang I
inaasahan (5) inaasahan (4) nakamit ang nakamit ang napatuna s
inaasahan (3) inaasahan (2) y an (1) k
o

r
Nilalaman Lubos na Nakalahad ang Nakalahad ang Hindi malinaw Hindi
malinaw na mga ideya sa mga ideya sa ang ideya sa nakita ang
nakalahad ang pagsagot sa pagsagot sa pagsagot sa ginawang
mga ideya sa pangunahing pangunahing pangunahing sanaysay.
pagsagot sa paksa paksa subalit paksa. Hindi
pangunahing gayundin ang hindi sapat ang rin nakalahad
paksa gayundin lahat na pagliwanag ang
ang panlahat na paliwanag ukol dito. pagpapaliwana
pagtanaw ukol ukol dito. g ukol dito.
dito.
Diskusyon Makabuluhan at Bawat May Hindi na
mahusay ang paliwanag ay kakulangan sa debelop ang
detalye sa may sapat na detalye ang pangunahing
pagpapaliwanag detalye mga ideya.
at pagtatalakay paliwanag.
tungkol sa paksa
Organisasyo Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang
n ng mga mahusay ang subalit hindi pagkakaayosn patunay na
ideya pagkasunodsuno makinis ang g mga ideya organisado
d ng mga ideya. paglalahad. ngunit hindi ang
ganap na pagkakalahad
naipaliwanag ng mga
ng lubos. paliwanag.
Konklusyon Nakakapang Naipakita ang Hindi ganap May
hamon ang pangkalahatan na naipakita kakulangan at
konklusyon at g palagay o ang walang pokus
naipakitang pasya tungkol pangkalahatan ang
pangkalahatang sa paksa batay g palagay o konklusyon.
palagay batay sa sa mga pasya tungkol
katibayan at mga katibayan at sa paksa batay
katwiran. katwiran. sa mga
katibayan at
katwiran.

Sa pagsusuring iyong ginawa sa populasyon sa Asya sa nakalipas na mga gawain nabatid mo ang
kalagayan ng bawat bansa sa Asya. Batid mo na rin ang karaniwang suliraning kinakaharap ng
bawat bansa sa Asya dulot ng patuloy na paglaki ng populasyon. Bilang karagdagan sa iyong
kaalaman, basahin ang sanaysay at suriin ang mga datos tungkol sa naging pinsalang dulot ng
pandemyang Covid-19 sa dalawang bansa sa Asya at kung paano tumugon ang mga ito sa hamon
na dala ng nasabing virus

Ang Asya sa Panahon ng Covid-19 (Performance Task)


Ayon sa ulat ng United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population
Division, sinasabing 59.76% ng kabuuang populasyon sa mundo ay mula sa Asya. Tinatayang 4.6
bilyon ang kabuuang bilang ng populasyon sa Asya sa pagpasok ng taong 2020. Hindi
maipagkakailang higit sa kalahati ng tao sa mundo ay mula sa Asya. Patunay dito ay ang
dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon, ito ay ang China na matatagpuan sa
Silangang bahagi ng Asya at ang India na nasa katimugang bahagi. Sinasabi sa ulat na sa
kasalukuyan tinatayang nasa 1.4 bilyon ang populasyon ng China habang ang India naman ay
1.3 bilyon. Hindi magkalayo ang bilang ng tao sa dalawang bansa. Ngunit paano kung sa bansang
may pinakamaraming tao magsimula ang problemang kakaharapin hindi lamang ng Asya kundi
ng buong mundo?

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Asya habang papasok ang taong 2020 ay ang
pandemyang Covid-19 na pinaghihinalaang unang nagsimula sa China. Patuloy ang pagkalat ng
nasabing sakit na umabot din sa India. Paano nilalabanan ng dalawang bansa ang problema?
Batay sa kasalukuyang ulat ng World Health Organization, sa higit isang bilyong kabuuang
populasyon ng China higit 82,000 rito ay kumpirmadong nahawa ng virus kung saan 78,000 ang
nakarekober at mahigitkumulang 4, 000 ang namatay. Ang India naman ay may kabuuang bilang
ng populasyon na tinatayang 1.3 bilyon. Humigit-kumulang 100,000 ang kumpirmadong may
Covid-19, higit 36,000 ang nakarekober at higit 3,000 naman ang mga namatay. Ang dalawang
bansa ay parehong may malaking populasyon ngunit may ideya ka ba kung bakit mas kaunti ang
kaso ng Covid-19 sa China kumpara sa India? Marahil ay magkaiba ang pagtugon ng dalawang
bansa sa sakit na ito. Maari din namang isaalang-alang ang bahaging ginagampanan ng
katangian ng populasyon ng isang lugar o bansa sa pagharap hindi lamang sa banta ng Covid-19
kundi sa anumang hamon ng lipunan.

Source:https://www.un.org/en/development/desa/population/index.asp
https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019

Pamprosesong Tanong:

1. Anong hakbang ang ginawa ng dalawang bansa upang matugunan ang suliranin na
kinakaharap?

2. Ano ano ang mga salik na nakakaapekto sa maayos at mabilis na pagtugon ng China sa pagsugpo
ng Covid-19 na pandemya?

3. Paano nakakaapekto ang malaking populasyon sa pakikipaglaban sa Covid-19 pandemya?

Rubrik para sa Pagpapaliwanag

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang I


inaasahan (5) inaasahan (4) nakamit ang nakamit ang napatuna s
inaasahan (3) inaasahan (2) y an (1) k

r
Nilalaman Lubos na malinaw Nakalahad ang Nakalahad ang Hindi malinaw Hindi
na nakalahad ang mga ideya sa mga ideya sa ang ideya sa nakita
mga ideya sa pagsagot sa pagsagot sa pagsagot sa ang
pagsagot sa pangunahing pangunahing pangunahing ginawang
pangunahing paksa paksa subalit paksa. Hindi sanaysay.
paksa gayundin gayundin ang hindi sapat rin nakalahad
ang panlahat na lahat na ang ang
pagtanaw ukol paliwanag pagliwanag pagpapaliwana
dito ukol dito. ukol dito. g ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan at Bawat May
mahusay ang paliwanag ay kakulangan sa
detalye sa detalye ang
pagpapaliwanag may sapat na mga
at pagtatalakay detalye. paliwanag.
tungkol sa paksa.
Organisasyo Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang
n ng mga mahusay ang subalit hindipagkakaayos patunay na
ideya pagkasunodsuno makinis ang ng mga ideya organisado
d ng mga ideya paglalahad. ngunit hindi ang
ganap na pagkakalahad
naipaliwanag ng mga
ng lubos. paliwanag.
Konklusyon Nakakapangham Naipakita ang Hindi ganap na May
on ang pangkalahatan naipakita ang kakulangan at
konklusyon at g palagay o pangkalahatan walang pokus
naipakitang pasya tungkol g palagay o ang
pangkalahatang sa paksa batay pasya tungkol konklusyon.
palagay batay sa sa mga sa paksa batay
katibayan at mga katibayan at sa mga
katwiran. katwiran. katibayan at
katwiran.

Isaisip

Mga Dapat Tandaan!


Halos 60 porsyento ng populasyon ay galing Asya. Ang mabilis na paglaki ng
populasyon ay maaring sagabal sa pag-unlad ng isang bansa. Ang lumalaking
populasyon ay isang malaking hamon sa mga Asyano sa paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran na pumipinsala sa mga buhay at ari-arian. Ang
lumalaking populasyon ng Asya ay may malaking epekto sa ekonomiya, pulitika,
at kultura ng mga Asyano. Sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng mga
bansa sa Asya, dapat nating tandaan na may kinalaman ang ugnayan ng tao at
kapaligiran sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

Tayahin

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang bilang ng taon ng tagal ng
buhay ng isang mamamayan sa isang bansa?
a. literacy rate b. life expectancy c. unemployment rate d. population growth
rate
_____2. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan sa isang
lugar o bansa?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate
_____3. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong 15 taong gulang
pataas ng isang bansa na may kakayahang bumasa at sumulat?
a. literacy rate b. life expectancy c. unemployment rate d. population growth rate
_____4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat taon?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate
_____5. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano kaya ang
epekto nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong bahay dahil sa
perang ipapadala ng mga kamag-anak na OFW.
_____6. Ang India at China ay ang mga bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya. Ano ang
maaring epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pagunlad ng kabuhayan at lipunan ng mga
bansang ito?
a. Nangangahulugang magkakaroon ng mas masikip na paligid at maruming pamumuhay ang
mga tao.
b. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaukulang
serbisyo sa mga mamamayan ng lipunan.
c. Nagbibigay solusyon sa kakulangan ng lakas-paggawa ng isang bansa na isang mabisang
paraan upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
d. Nagiging hadlang upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tungo sa pag-
angat ng kabuhayan ng mamamayan at ng lipunang kinabibilangan nito.
_____7. Sa sumusunod na usapin, alin ang direktang epekto ng maliit na bahagdan ng literacy rate?
a. patuloy na pagbaba ng kalidad ng lakas-paggawa ng isang bansa
b. pagtaas ng kaso ng krimen dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
c. pagtaas ng antas ng buhay ng mga mamamayan dahil sa pagkakaroon ng magandang trabaho
ng mga tao
d. patuloy na pagbaba ng lebel ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa kawalan ng
oportunidad sa iba’t ibang larangan
_____8. Paano nakakahadlang sa pag-unlad ang malaking populasyon ng bansa?
a. Nakakapagdulot ito ng kalituhan sa pamamahagi ng ayuda dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa dahil marami ang nangangailangan.
c. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
d. Nagkakaroon ng problema sa kaayusan at katahimikan ng bansa dahil sa pagtaas ng
kriminalidad dulot ng kahirapan.
_____9. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. upang makagawang kampanya para sa migrasyon.
b. upang magkaroon ng ideya tungkol sa dami ng lakas paggawa.
c. upang magkaroon ng ideya ang mga tao kung bubuo ng maliit o malaking pamilya.
d. upang magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng patakaran o programa na kailangang
pagtuunan ng pansin.

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga mga tanong kaugnay nito.

_____10. Kung isasaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang
tamang pagkakasunod-sunod nito?
a. Philippines, China, at India
b. China, India, at Philippines
c. India, Philippines, at China
d. Philippines, India, at China
_____11. Makikita sa talahanayan na ang China ang may pinakamataas na populasyon sa tatlong bansa
ngunit ito ay may pinakamababang fertility rate o ang bilang ng posibleng maging anak ng isang babae
mula edad 15 hanggang 49. Ang India at Pilipinas naman ay madalas magkaroon ng higit sa dalawang (2)
anak ang bawat babaeng nasa kaparehong edad. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang China ay mangunguna pa rin sa pagkakaroon ng pinakamalaking populasyon sa paglipas
ng panahon.
b. Dapat ay magkaroon na ng batas kung saan iisa lamang ang maaaring maging anak ng bawat
babae sa India at Pilipinas.
c. Kahit ano pa ang gawing pag-aaral ay patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon at pagsikip ng
paligid saan man sa mundo.
d. Doble ang magiging bilis ng paglaki ng populasyon ng India at Pilipinas kumpara sa China
kapag hindi nasolusyunan ng pamahalaan ang problema sa lalong madaling panahon.
12. Makikita sa talahanayan kung gaano kasikip ang isang bansa. Kung susuriin mo ito batay sa dami ng
mga tao sa bawat kilometro kwadrado, anong bansa ang mangunguna?
a. India b. China c. Pilipinas d. Timog Korea

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

_____13. Batay sa talahanayan, ang bansang Japan ang may pinakamababa na bahagdan ayon sa bilis ng
paglaki ng populasyon. Ito rin ang may pinakamaliit na bahagdan ng batang populasyon ngunit may
pinakamalaking bahagdan ng may edad na 15-65. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. pagbaba ng ekonomiya ng bansa
b. Mabilis tumanda ang mga tao sa Japan.
c. Mahusay ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mabagal na paglaki ng populasyon at pagrami ng matatanda sa kasalukuyan ay maaring
maging problema sa lakas paggawa sa hinaharap.
_____14. Makikita sa talahanayan na ang India ang may pinakamalaking populasyon. Ano ang masamang
epekto nito sa kanilang bansa?
a. Masaya ang lipunan dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman.
c. Polusyon sa hangin at pagdami ng depressed area.
d. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
_____15. Makikita sa talahanayan sa itaas na bumababa ang bilang ng mga batang populasyon ng mga
piling bansa sa Asya at makikita rin na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng
bansang Sri Lanka at Japan. Ano ang implikasyon nito?
a. Impluwensiya ng relihiyon.
b. Mahusay ang programa ng pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya.
c. Pagbabagong dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
d. Karamihan sa kanilang bansa ay matatanda kaya hindi na magkakaanak.
Unang Markahan
Ika-pitong Baitang
S.Y. 2022-2023
Performance Task (45+5 Puntos)

Bilang isang Pilipinong makabayan, nalaman mo na mas marami sa mga Pilipino ang pumiling
mamasyal sa ibang bansa kaysa dito na lang sa Pilipinas. Dahil diyan, naisipan mong gagawa ng isang
Photo Collage kung saan maipakita mo ang ganda ng ating bansa. At para mas mahikayat pa na mamasyal
dito sa Pilipinas hindi lang ang mga Pilipino kundi ang mga banyaga na rin, kailangan mong gumawa ng
isang Tagline na makikita sa iyong photo collage. Kailangan mo ring sumulat ng isang maikling
mapanghimok na sanaysay (persuasive essay) para maging mas makabuluhan ang iyong layunin.
Maari mong isumite ang iyong gawain sa isang 1/8 illustation board. Huwag kalimutang ilagay
ang iyong pangalan, baitang, section at petsa kung kailan natapos ang gawain sa likurang bahagi nga
illustration board.
RUBRIC (Batayan sa Pagtataya):

Panukatan Pinakamahusay (15) Higit na Mahusay (8) Di-Mahusay (6)


mahusay (12)
Presentasyon Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas ng Isa lamang ang
pagkamalikhain, ng tatlo sa dalawa lamang naipamalas na
kalinawan, katumpakan apat na sa apat na kahusayan sa
at kalidad ng photo kahusayan sa kahusayan sa pagtatanghal
collage pagtatanghal pagtatanghal
Isa lamang sa
Nilalaman May tuwirang Naipamalas Naipamalas ang apat na
kaugnayan sa pananaw ang tatlo sa dalawa sa apat pamantayan ang
batay sa pamantayan apat na na Pamantayan naipamalas
tulad ng orihinal, Pamantayan
pagkakabuo,
pagkakaugnay ng ideya
at makatotohanan ang
mga ipinakita sa photo
collage Dalawa sa apat Isa lamang sa
Tatlo sa apat na pamantayan apat na
Pangkalahatang Tumpak ang mensahe sa na ang naipamalas pamantayan ang
Impact kabuuan, nakahikayat ng pamantayan naipamalas
mga manunuod, ang naisagawa
positibong pagtanggap
at maayos na reaksyon
ng mga manunuod.
Sanggunian

Asian Countries Demographics. (2019). Retrieved from http://st


(www.rcampus.com+rubric, n.d.)Statisticstimes.com/demographics/countries
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. (2014). Philippines: DepEd. (2020). Coronavirus disease
(COVID-19) pandemic. World Health Organization.

iRubric (2020). Retrieved from https://www.rcampus.com/indexrubric.cfm


Net Migration Rate by Country. (2019). Retrieved from Indexmudi.com:
https://www.indexmundi.com/map/?t=0&v=27&r=as

Quintos, K. (2018). Fertitlity Rate ng Kababaihan Bumababa. Philippines: ABS-CBN News.

The World Bank Data. (2019). Retrieved from www.worldbank.orh:


https://data.worldbank.org/indicator
Unemployment Rate Asia. (2019). Retrieved from https://tradingeconomics.com/country-
list/unemployment-rate?continent=asia
World Population Review 2019. (2019). Retrieved from www.worldpopulationreview.com:
https://worldpopulationreview.com/

You might also like