You are on page 1of 27

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)

HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.


Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No.1

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
_________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Konsepto ng Asya

 Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dahil sa lawak ng sakop ng Asya,
magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima, at vegetation cover ng mga lupaing kabilang dito.
Bunga nito, nagkakaiba rin ang uri ng pamumuhay at kultura ng mga taong naninirahan dito.
 Ang salitang "heograpiya" ay hango sa mga salitang Griyego na "geo" na nangangahulugang
"pagsulat" o "paglalarawan" ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa.
 Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, mga
pinagkukunang yaman, klima, vegetation cover, at aspektong pisikal ng populasyon nito.

Pagsasanay:
1. Ano ang heograpiya?

2. Magbigay ng 5 bansang kabilang sa kontinenteng Asya.


a.
b.
c.
d.
e.

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 2

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
_________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Anyong Lupa sa Asya

CONCEPT NOTES:
Halos lahat ng uri ng anyong lupa ay matatagpuan sa Asya. Sa Asya matatagpuan ang halos lahat ng uri
ng anyong lupa sa daigdig.
 Bundok – Sa hilagang bahagi ng Timog Asya ay matatagpuan ang hanay ng mga bundok ng Pamir.
Kabilang sa Pamir ang Himalaya, ang pinakamahabang hanay ng mga bundok sa Asya. Kabilang sa
hanay ng Himalaya ang hangganan ng Nepal at Tibet, pati na ang Mt. Everest, ang pinakamataas na
bundok sa daigdig.
 Talampas – Kabilang din sa hanay ng Pamir ang nagtataasang talampas na bumubuo sa halos ikalimang
bahagi ng kontinente. Ang Tibet ang kinikilalang pinakamataas na talampas.
 Bulkan - Sa dakong silangan naman ng kontinente ay matatagpuan ang Pacific Ring of Fire. Ang Pacific
Ring of Fire ay sonang binubuo ng magkakahanay na aktibong bulkan na pumapalibot sa Pacific Ocean.
 Kapatagan at Lambak - Ang mga lambak ng Huang River, Tigris, Euphrates, at Indus ay pawang
masasaganang lambak na sinilangan ng sinaunang kabihasnan. May mga kapatagan at lambak sa halos
lahat ng rehiyon ng kontinente.
 Tangway - May malalawak na tangway ang Asya. Ang mga tangway ng Asya ay kinabibilangan ng
subkontinente ng India.
 Pulo at Kapuluan - Ang kontinente ay mayroon ding mga pulo at kapuluan na matatagpuan sa silangan,
timog, at timog-silangang bahagi nito. Ang mga pulo ay nagiging pook daungan sa paglalakbay sa
malawak na karagatan. Ang mga kapuluan naman na karaniwang nagtataglay ng iregular na baybayin ay
madaling mapasok ng mga mananalakay.
 Disyerto - Tigang na lupaing karaniwang natatabunan ng buhangin at katatagpuan lamang ng mga
pananim na maaaring mabuhay sa mga lupaing tuyo. Ang maiinit na disyerto ng Asya ay matatagpuan sa
kanluran at timog na bahagi nito.

Pagsasanay
Sinasabing ang Asya ay lupain ng mga kasukdulan o land of extremes. Patunayan ito. Buuin ang matrix
na maghahayag sa mga kilalang anyong lupang matatagpuan sa Asya.

Anyong Lupa Mga Halimbawa Mga Katangian Bansa/Rehiyon


Mga Bundok
Mga Talampas
Mga Kapatagan at
Lambak
Mga Pulo at Kapuluan
Mga Tangway
Mga Disyerto

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No.3

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
_________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Anyong Tubig ng Asya

 Ilog - ang mga ilog na dumadaloy mula sa nagtataasang bundok at talampas sa Hilagang Asya
ay karaniwan nang bumabaybay sa higit na mataong lupain sa loob ng kontinente. Ang mga
kilalang ilog na dumadaloy sa Timog Asya ay ang mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra.
 Lawa - ay anyong-tubig na ang lahat ng bahagi ay napalilibutan ng lupa.
 Golpo, Dagat, at Kipot - ay mga bahagi ng tubig na karugtong ng karagatan. Kaiba lamang ang
golpo sa dagat sa dahilang ito ay halos naliligiran ng mga lupain, samantalang ang kipot naman
ay isang makitid na daanang tubig na nagdurugtong sa dalawang malaking bahagi ng tubig.

Pagsasanay
Buuin ang tsart ayon sa hinihingi nito.

Anyong Tubig Halimbawa/Katangian Kinalulugaran

Mga Ilog

Mga Lawa

Mga Golpo, Dagat, at Kipot

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 4

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
_________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Klima ng Asya

CONCEPT NOTES:

 Klima - ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang


panahon. Maituturing na predictable ang klima, maaari pa rin itong magbago sa bawat taon.
Maaaring mag-iba ang kondisyon ng panahon kaysa sa inaasahang dala ng klima.Maaaring higit
na mainit o malamig ang panahon sa ilang taon kaysa sa ibang taon; o di kaya ay mas maraming
ulan ang bumabagsak sa ilang taon kompara sa ibang mga taon.
 Panahon - ang kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang
oras. Ito ay ang walang katiyakang pagbabago sa hangin, temperature, at presipitasyon na
nangyayari sa isang lugar sa loob nang pang-maigsiang panahon o oras.

Pagsasanay

Ano ang kaibahan ng klima at panahon? Ipaliwanag

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 5

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
_________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Mga Salik na Sanhi ng Pagkakaroon ng Iba't Ibang Uri ng Klima sa Asya

Ang latitud ay distansya mula sa hilaga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri.

 Klimang Polar – napakalamig sa lugar dito dahil nababalot ng yelo sa loob ng anim na buwan at
dahil hindi gaanong nasisikatan ng araw.
 Klimang Temperate – ito ay klima kung saan hindi sobrang init o sobrang lamig ng lugar.
 Klimang Tropical – mayroong napakainit na klima lalo na sa tanghali dahil sa direktang sinag ng
araw na matatanggap ng mga rehiyon sa mababang latitud na siyang malapit sa ekwador.

Pagsasanay

1. Ano ang pagkakaiba ng Klimang Polar, Klimang Temperate at Klimang Polar?

2. Ano ang monsoon?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 6

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Pisikal na Katangian ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya
katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga, grasslands,
desert, tropical forest, mountain lands),
__________________________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Uri ng Vegetation Cover sa Asya

Vegetation Cover - ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng pananim na nakabalot sa lupain ng daigdig.
-Ang vegetation cover ay hayagang bunga ng klima sa isang lupain
-Ang karaniwang vegetation cover ay bunga na ng aktibong paggalaw ng tao

Ang mga Uri ng Vegetation Cover sa Asya


 Tundra - Ang tundra ay salitang Ruso na nangangahulugang "kapatagang latian" o
marshy plains.
 Taiga - Ang taiga ay salitang Ruso rin na nangangahulugang "pamayanang kagubatan."
 Grassland o Steppe - ang steppe ay malalawak na damuhang lupain.
 Disyerto - Tanging matitinik at mabababang palumpon ng mga halaman at punungkahoy
ang bumubuo sa uri ng vegetation na mayroon sa disyerto
 Tropical Rainforest - Likas sa ganitong uri ng lupain ang mga punong tropical deciduous
na nagtatagal sa klimang mayroong mahabang tuyong panahon at napakalakas na tag
ulan.

Pagsasanay

1. Ano ang vegetation cover?

2. Ibigay ang mga uri ng vegetation cover sa Asya.

3. Bilang isang Asyano paano mo mapapangalagaan ang vegetation cover?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 7

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: Agrikultura Ekonomiya Pananahanan Kultura
__________________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Likas na Yaman ng Silangang Asya/Implikasyon ng Pisikal na Katangian ng Silangang Asya

Ang Silangang Asya ay nakasasakop sa 28% ng kontinenteng Asya.

 Sa Agrikultura
- Ang mga ilog ng Huang at Yangzte ang nagsilbing buhay ng China mula pa noong sinaunang
kabihasnan. Bunga ng masaganang yamang tubig na nagmumula sa mga ilog na ito, ang China ay kilala
bilang pinakamalaking pinanggagalingan ng bigas, bulak, tsaa, at mais sa buong daigdig. Sa China rin
matatagpuan ang milyon milyong hayupan ng kambing, baboy, at tupa.
- Bigas din ang pangunahing produktong pagkain ng mga bansang Taiwan, Japan, South Korea, at North
Korea
 Sa Ekonomiya
- Mayaman ang China sa langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula sa gitna at hilagang
kabundukan nito. Ang China ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten, tin, antimony, zinc,
molybdenum, lead, mercury, at iba pang metal.
- Ang Taiwan ay mayroon namang maipagmamalaking deposito ng karbon, petrolyo, at natural gas.
Mayaman din ang bansa sa wind at solar energy na nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga industriyang
panteknolohiya.
-Masagana ang bansang Japan sa yamang tubig. Ang kapuluan nito ay nagbibigay ng malawak na
pangisdaan at mga ilog na pinanggagalingan ng hydro electric power.
- Ang South Korea ay salat sa yamang mineral maliban sa tungsten, naging maunlad ang mga
industriyang tela, plastik, abono, at mga kagamitang elektroniko sa bansa. Ang North Korea naman ay
nangunguna sa produksiyon ng graphite, tungsten, at magnesite. Mayaman din ang bansa sa carbon, ore,
at zinc.
-Mayaman naman ang Mongolia sa mineral na ginto at wolfram na iniluluwas pa sa ibang bansa.
Mayaman din ang bansa sa tanso, phosphate, at langis.
 Sa Panahanan at Kultura
- Sa hilagang kapatagan ng China, ang mga magsasaka rito ay nakatira sa pamayanang ang panirahan
ay gawa sa luwad at adobe, sa hilagang talampas ay mga panirahang animo ay kwebang nakaukit sa
mga lupaing loess na nasusuportahan ng mga adobe, sa Sichuan kung saan napakasagana ang mga
produktong pagkain, ang mga panahanan ay gawa sa ladrilyo, Kaiba naman ang panahanan at buhay sa
lambak at tabing ilog ng bansa ang mga tao rito ay naninirahan sa mga bangka. karaniwang naninirahan
sa mga condominium ang mga Tsinong nasa mga lungsod at naghahanapbuhay sa mga opisina.
-Ang mga Hapones na naninirahan sa malalayong pulo ng bansa ay karaniwan ng mangingisda at
magsasaka, naninirahan naman sa mga lungsod ng nagtataasang gusali ang mga naghahanapbuhay sa
mga sentrong gusali.

Pagsasanay

1. Ibigay ang mga likas na yaman sa Silangang Asya.

2. Naniniwala ka ba na napagtitibay ng uri ng kapaligiran ang pagpapahalaga at tibay ng isang pangkat ng


tao? Patunayan ang iyong sagot.

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 8

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: Agrikultura Ekonomiya Pananahanan Kultura
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Likas na Yaman ng Timog Asya/Implikasyon ng Pisikal na Katangian ng Timog Asya

Ang Timog Asya ay binubuo ng India, Pakistan, Bangladesh, Bhutan, Nepal, Maldives, at Sri Lanka.
Sakop ng Pamir ang mga bansang ito maliban sa Sri Lanka at Maldives.

 Sa Agrikultura
-Agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya. Pinasasagana ng Ganges River ang Gangetic Plain ng India
kung kaya't ito ay katatagpuan ng malaking bilang ng populasyon. Ang dalawa pang ilog ng bansa ay ang
Brahmaputra at Indus.
-Ang masaganang kapatagan ng Pakistan ay matatagpuan sa Punja, ang mga Pakistani ay karaniwang
mga magsasaka.
-Ang Bangladesh ang pangunahing prodyuser ng hilaw na materyales na jute at mga produktong gawa
rito.
-Pagsasaka at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga Bhutan at taga Nepal. Bigas
ang pangunahing ani ng mga bansang ito. Dagdag pa rito prodyuser din sila ng trigo, mais, barley, mga
prutas na citrus, tubo, at jute.
 Sa Ekonomiya
-Mayaman din sa kagubatan ang mga bansa sa Timog Asya. Sa mga kagubatan ng India ay matatagpuan
ang mga tanyag na teak wood at sandal wood na gamit sa konstruksiyon. Pumapang apat ang India sa
mga bansang nagtataglay ng pinakamaraming reserbang karbon sa buong daigdig. Mayaman din ito sa
iron ore, manganese, mica, bauxite, titanium, ore, chromite, natural gas, diyamante, petrolyo, at
limestone.
-Ang Bangladesh ay mayaman sa natural gas at karbon.
-Sa Pakistan mayroong natural gas, petrolyo, iron ore, tanso, at limestone.
- Sa Nepal matatagpuan ang maraming uri ng calcium carbonate, hydropower, at gypsum.
-Masagana rin ang pangisdaan ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, at Maldives.
-Ang mga ilog ng Sri Lanka ang pinagmumulan ng mga irigasyon sa sakahan at hydroelectric power.
 Sa Panahanan at Kultura
-Karaniwan na sa mga pulo ng Sri Lanka at Maldives ang mga panahanang ang loob ay makapagbibigay
ng mas malamig na pakiramdam.
-Sa Bhutan kailangan ang mga tirahang makatatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
-Rural pa rin ang uri ng buhay sa malaking bahagi ng Bangladesh. Ang mga panahanan sa pamayanan
ay karaniwang parihaba na gawa sa luwad, kawayan, o pulang ladrilyo.

Pagsasanay

1.Bakit agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya?

2. Sagutin ang "Tiyakin B" Pagbuo ng tsart sa pahina 51-52

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 9

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: Agrikultura Ekonomiya Pananahanan Kultura
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Likas na Yaman ng Timog-silangang Asya/Implikasyon ng Pisikal na Katangian ng
Timog-silangang Asya

Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang Laos, Vietnam, Cambodia, Myanmar,
Malaysia, Thailand, mga pulo ng Singapore, kapuluang Pilipinas at Indonesia, Brunei, at Timor
Leste.

 Sa Agrikultura
- Sa pangkalahatan, ang Timog-silangang Asya ay agrikultural. Ang malalawak na lambak, burol,
at kapatagan ng rehiyon na naitataguyod ng mga kapakipakinabang na mga ilog at delta ang
pinakamahalagang katangian ng mga bansa sa rehiyon.
-Mahalaga rin ang bahaging ginagampanan ng klimang monsoon sa rehiyon sa dahilang ito ang
nagbibigay ng higit na masaganang produksiyon ng bigas at iba pang produktong nakatutulong
sa paglinang ng ekonomiya ng mga bansa.
 Sa Ekonomiya
- Ang Timog-silangang Asya ay bahagi ng sistemang kalakalang pandaigdig bago pa dumating
ang mga dayuhang Europeo sa rehiyon. Naging mahalagang produkto ng rehiyon ang mga
pampalasang tulad ng paminta, luya, bawang, at nutmeg. Dahil dito, kinilala ang rehiyon bilang
"rising tiger economy" o may pinakapapaunlad na ekonomiya sa mundo.
-Ang paggawa ng mga kahoy na pangkonstruksiyon ay bumubuo sa 70% ng ekonomiya ng
Cambodia. Ganito rin ang kalagayan sa Malaysia kung saan pinakamahalaga ang industriyang
timber.
- Ang ekonomiya ng Laos ay matagumpay na nasusuportahan ng industriyang handicraft tulad
ng pagpapalayok, paghahabi, at silver smiting.
- Ang Vietnam ay kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga tela, electronics, at sasakyan.
-Ang Singapore at Brunei ay kilala bilang mayayamang ekonomiya. Ang pangunahing likas na
yaman ng Singapore ay ang malalim na daungang baybaying dagat nito. Ang Brunei ay
mayaman naman sa langis at natural gas.
 Sa Panahanan at Kultura
- Karaniwan sa mga lalawigan dito ay gumagamit ng prefabricated o pinagkakabit-kabit na
materyales sa pagbuo ng panahanan.
-Ang mga panahanang stilt na nakatayo sa tabing dagat na nasusuportahan ng mga poste ang
karaniwang tahanan ng mga mangingisda sa rehiyon.

Pagsasanay
1. Isa-isahin ang mga bansang kabilang sa Timog-silangang Asya
2. Anu-ano ang mga likas na yaman sa Timog-silangang Asya?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 10

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: Agrikultura Ekonomiya
Pananahanan Kultura
__________________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Likas na Yaman ng Kanlurang Asya/Implikasyon ng Pisikal na Katangian ng Kanlurang
Asya

Ang Kanlurang Asya ay higit na kilala bilang Gitnang Silangan o Middle East.

 Sa Agrikultura
- Ang Yemen, Iran, Cyprus, Jordan, at Syria, ay mga bansang agrikultural. Bulak ang
pinakamahalagang produkto ng Yemen bukod pa sa millet, sorghum, at sesame. Ang Iran naman
ay kilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba't ibang prutas, wheat, at barley.
- Ang mga bansa ng Armenia, Azerbaijan, at Georgia ay pawang mga bansang agrikultural din.
Ang Armenia ay pawang mga sakahan, sa tulong patubig ang mga magsasaka ng bansa ay
masaganang nakapag aani ng wheat, figs, pomegranate, bulak, apricot, olive, at barley.
Nakapaghahayupan din ng mga tupa, kambing, at kabayo. Ang Azerbaijan ay nakapag aani rin
ng mga prutas, gulay, tabako, at silkworm
- Ang mga bansang Turkey at Cyprus ay agrikultural din. Ang mga bansang ito ay
nakapagtatanim at nakapag-aani ng mais barley, at bigas.
 Sa Ekonomiya
-Pag aari ng Saudi Arabia ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo. Dahil dito,
ang bansa ay kinikilala bilang pinakamayamang bansa sa daigdig. Ang iba pang bansa sa
rehiyon gaya ng Yemen, Oman, Qatar, Kuwait, at United Arab Emirates ay mayayaman din sa
langis.
- Pinag uukulan naman ng pansin ang mga agrikultural na bansang Armenia, Azerbaijan, at
Georgia ang paglilinang ng hydroelectric power, mga yamang mineral, at industriyang
nagmumula sa kagubatan at kabundukan tulad ng paggawa ng mga alahas, aluminum smelting.
 Sa Panahanan
- Ang itim na tolda ng mga taong nomad ay karaniwang makikita sa mga lugar na malapit sa
oasis. Bukod sa tolda ng mga nomad, mayroon ding mga tirahang gawa sa luwad at bato na
karaniwan ding malapit sa oasis.
- Higit na matibay ang mga panirahang gawa sa malalaking tipak ng bato at semento sa
mabubundok na bansa ng Lebanon, ilang bahagi ng Syria, Turkey, Iran, at Iraq.

Pagsasanay
1. Paano naiiba ang mga bansang Armenia, Azerbaijan, Georgia, at Cyprus sa iba pang bansa sa
Kanlurang Asya?
2. Isa isahin ang mga bansang mayaman sa langis

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 11

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: Agrikultura Ekonomiya Pananahanan Kultura
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Likas na Yaman ng Hilagang Asya/Implikasyon ng Pisikal na Katangian ng Hilagang
Asya

Ang Hilagang Asya ay higit na kilala bilang Central Asia o Gitnang Asya. Saklaw ng rehiyon ang
malaking bahagi ng matataas na bundok ng Pamir.

 Sa Agrikultura
- Ang Kazakhstan ay kilala bilang ikaanim sa pinakamalaking pinanggagalingan ng wheat sa
mundo. Dito matatagpuan ang pinakamalaking paglobo ng populasyon sa daigdig.
-Kilala naman ang kabuuang rehiyon na pinagmumulan ng mga aning barley, bulak, sugar beets,
sunflowers, flax, iba't ibang mga prutas at gulay, at bigas
- Ang Fergana Triangle at ang lambak ng Chui River ang itinuturing na sentrong agrikultural ng
rehiyon. Ang mabababang lupaing ito ay nakasasakop sa tatlong bansa: Uzbekistan,
Kyrgyzstan, at Tajikistan.
- Ang Fergana Triangle ay bantog sa pagkakaroon ng masagana at mayamang lupain. Ang
kasaganaang ito ay bunsod ng kanais nais na klimang naaayon sa pagsasaka. Ito ay natutubigan
at pinasasagana rin ng Syr Darya River at Amu Darya River.
-Dahil sa nagtataglay ng malalawak na steppe o madamong lupain, laganap din ang
paghahayupan sa rehiyon. Ang ilan sa mga bansa sa lupain ay pinanggagalingan ng mga
produktong karne ng baka, manok, at iba pa.
 Sa Ekonomiya
- Ang mabundok na Hilagang Asya ay hindi lamang umaasa sa mga produktong agrikultural. Ang
ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon ay nasusustentuhan ng yamang mineral.
- Ang rehiyon ay bantog na mayaman sa mga mineral na tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at
natural gas.
 Sa Panahanan at Kultura
- Tradisyonal ang panahanan sa rehiyon. Karaniwan ang mga tirahan ng mga nomad at gawing
nomad ang kultura ng mga Asyanong namumuhay dito.
- Gawi ng mga nomad ang mga palarong kabayo. Karaniwan din rito ang mga produktong
handicraft at alahas na may mga disenyong kabundukan.
-Yurts ang tawag sa kanilang tirahang animo tolda.
-Ang mga nasa pook urban naman ay nananahanan sa mga pabahay na gawa sa modernong
arkitektura.

Pagsasanay
1. Ano ang tawag sa tirahan ng mga nomad na animo tolda?
2. Bansa na kilala bilang ikaanim sa pinakamalaking pinanggagalingan ng wheat sa mundo?
3. Masasabi mo bang higit na benepisyo sa halip na hadlang para sa mga taga-Hilagang Asya
ang kanilang mga bundok at katubigan?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 12
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Ecosystem ng Asya

CONCEPT NOTES:
Ecosystem
 ito ay tumutukoy sa nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga may buhay at walang buhay na
mga organismo.
 Ito ay may kinalaman sa ugnayan ng mga katangiang pisikal, kemikal, biyolohikal, mga
enerhiyang tulad ng hangin, tubig, lupa, at mga organismo. Saklaw nito ang kabuuang
kapaligirang ating ginagalawan.
 Kailangan nating maunawaan na saan man tayo naninirahan, tayo ay umaasa sa natural na
sistema o pamamaraan ng ating kapaligiran.
 Ang hangganan ng likas na yaman na maaaring gamitin ng sangkatauhan sa ecosystem ay
tinatawag na carrying capacity ng daigdig. Nadaragdagan ng teknolohiya ang kakayahang ito ng
daigdig.
 Ang kalagayan ng ating ecosystem ay inilalarawan ng Living Planet Index Report, batay sa
panukat o palatandaang inilalahad ng Living Planet Index (LPI) at Ecological Footprint. Ang mga
panukat na ito ang naglalahad ng deka dekadang bakas ng kalagayan ng ating ecosystem.
 Inilalarawan ng mga ito kung minabuti nating mamuhay sa isang malusog na ecosystem o
patuloy na inabuso ito na maaaring mauwi sa tuluyang pagkasira.

Pagsasanay
1. Ano ang ecosystem?
2. Paano mailalarawan ang kalagayan ng ecosystem?
3. Paano mo mapapanatiling malusog ang ating ecosystem?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 13

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Mga Likas na Yaman ng Asya
LEARNING COMPETENCE: : Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

CONCEPT NOTES:
 Mabilis na Pagdami ng Populasyon
- Mahigit sa kalahati ng populasyon ng daigdig ay naninirahan sa Asya. Sa kasalukuyan, nasa
Asya ang 60.02 bahagdan ng mahigit na 7 bilyong populasyon sa daigdig. Sa Asya rin
matatagpuan ang mga bansang may pinakamabilis na pagdami ng populasyon at mataas na
bahagdan at kakapalan ng tao.
 Pagbaba ng Kalidad ng Lupain
-Ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng buhay ng tao ay naaayon sa kakayahan at kasaganaan
ng lupaing pinaninirahan nito. Sanhi ng labis na pang-aabuso ng tao sa lupaing kanyang
pinaninirahan, bumababa ang kalidad o kakayahan nitong makapagbigay ng masaganang ani.
 Urbanisasyon
-Ito ay isang natural na dahilan ng paglaganap ng kasalukuyang populasyon sa mga lungsod na
karaniwang sentro ng edukasyon, pamahalaan, at ekonomiya.
 Cross-border na Polusyon
-Ang polusyon ay tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig, at lupain bunga ng
labis na paggamit at pagtatapon ng mga bagay na nakalalason sa kapaligiran.
 Climate Change at Global Warming
-Sinisira ng global warming ang ozone layer ng daigdig. Ang pagkasira nito ay nauuwi sa
pagpasok ng ultraviolet rays mula sa sinag ng araw sa loob ng daigdig. Ang labis na pagtaas ng
temperature sa panahon ng tag-init at higit na paghaba o pag-igsi ng panahon ng tag-ulan ay
nagiging sanhi ng pagkakasakit, paglala ng mga sakit o paglaganap ng mga nakahahawang sakit
sa iba’t ibang bahagi ng kontinente.

Pagsasanay
1. Anu-ano ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya?
2. Para sayo, alin ang pinakamatinding suliranin ng iyong kapaligiran?
3. Paano mo mapapanatili ng maayos at masagana ang kapaligiran?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 14

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Napapahalagahan ang yamang tao ng Asya
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Salik na Sanhi ng Mabilis na Paglaki ng Populasyon

CONCEPT NOTES:

Population explosion ang tawag sa mabilis at biglaang paglaki ng populasyon. Ayon sa mga
demographer, mga siyentistang nag-aaral ng paglaki at distribusyon ng populasyon. kailangan balanse
ang bilang ng tao at ang antas ng likas na yaman. Subalit sa patuloy na paglaki ng populasyon, mabilis
na nauubos ang ating likas na yaman.
 Pag-unlad ng Medisina
- Ang mga makabagong tuklas sa larangan ng medisina ay nagbigay-daan upang higit na
maraming bilang ng bagong panganak na ina ang maaligtas sa mga kinatatakutang sakit na dati
ay walang lunas tulad ng smallpox, cholera, chickenpox, at iba pa. Bukod sa maraming bata ang
nabubuhay, humahaba rin ang life expectancy ng tao.
 Pag-unlad ng Teknolohiya
- Maliban sa mga pagbabagong nagawa ng medisina, pinaunlad din ng teknolohiya ang
produksiyon na nakabubuhay at nakapagbibigay ng suporta ng pagkain sa higit na maraming
bilang ng populasyon.

Pagsasanay
Buuin ang dayagram upang mailarawan ang mga salik na naging sanhi ng biglaang paglaki ng
populasyon.

Population
Explosion

Mga Ebidensiya:
*
*

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 15

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa dami ng tao
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Dami at Paglaki ng Populasyon sa Asya

CONCEPT NOTES:

 Ang paglaki ng populasyon ay itinatakda ng birth rate at death rate. Ang kabuuang bilang ng tao
matapos maibawas ang death rate sa birthrate ang tinutukoy na population growth.
 Kapag nakahihigit ang bilang ng mga taong ipinanganganak sa bilang ng mga taong namamatay
sa isang bansa sa loob ng isang taon, masasabing mataas ang growth rate sa lupaing ito.
 Kung nakahihigit naman ang dami ng mga namamatay kaysa sa ipinanganganak sa loob ng
isang taon, negatibo naman ang growth rate sa bahaging ito ng daigdig.

Pagsasanay

1.Suriin ang talahanayan 1 at 2 sa pahina 85-86. Aling limang bansa ang mayroong
pinakamalaking populasyon sa Asya?
2. Bakit malaking suliranin ang ang mabilis na paglaki ng populasyon?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 16

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa: komposisyon ayon sa gulang
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Komposisyon ng Gulang ng Populasyon

CONCEPT NOTES:

Ang komposisyon ng gulang ng populasyon ng isang bansa ay nagpapakita ng takbo at pagbabago ng


fertility rate, at mortality rate ng mga nagdaang taon.
Fertility rate ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang bansa sa bawat
1,000 kababaihang kapasidad na manganak.
Mortality rate ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na batang ipinanganganak kada 1,000 bilang ng
populasyon sa loob ng isang taon.
 Ang fertility rate ang pinakamahalaga at pinakatiyak ng sukat ng gulang ng populasyon . Ang
mataas na bilang ng fertility rate sa nakalipas na taon ay nagbubunga ng higit na malapad na
sukat ng pundasyon ng piramide ng populasyon dulot ng mataas na bilang ng kabataang
ipinanganganak.
 Nangangahulugan ito na mataas ang dependency ratio ng bansa. Kabilang dito ang mga
kabataang wala pang kakayahang maghanapbuhay at ang mga matatandang wala ng kakayahang
maghanapbuhay.
 Ang mataas na dependency ratio ay nangangailangan ng higit na panustos para sa serbisyong
panlipunan tulad ng serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan

Pagsasanay

Alamin kung ano ang terminolohiyang tinutukoy. Pagkatapos ay ibigay ang implikasyon ng mga ito sa
komposisyon ng populasyon.
1. Ito ay tumutukoy sa ratio o katumbas na buhay na ipinanganganak sa isang bansa sa bawat 1,000
kababaihang may kapasidad na manganak.
Implikasyon:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga namamatay na batang ipinapanganak kada 1,000 bilang ng
populasyon sa loob ng isang taon.
Implikasyon:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may gulang 14 pababa at edad 65 pataas.
Implikasyon:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 17

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya
LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa komposisyon ng kasarian
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Komposisyon ng Kasarian ng Populasyon

CONCEPT NOTES:

 Ang komposisyon ng kasarian ng populasyon ay tumutukoy sa bilang ng kalalakihang


ipinapanganak ng buhay kada bilang ng kababaihang ipinapanganak ng buhay sa loob ng isang
bansa.
 Kapuna-puna sa mga bansang Asyano ang mataas na bahagdan ng kalalakihan kaysa
kababaihan. Ito ay bunsod ng ilang tradisyong maaaring nakaapekto sa higit na maraming
kalalakihan kaysa kababaihan sa kontinente.

Pagsasanay

Suriin ang talahanayan 3 sa pahina 94-95. Ano ang napansin mo rito? Ano sa palagay mo ang
maaaring idulot nito.

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 18

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa inaasahang haba ng buhay
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Inaasahang Haba ng Buhay

CONCEPT NOTES:

 Kapansin-pansin ang pagtaas ng porsiyentong itinatagal ng buhay sa kontinente mula sa


pagpasok ng ika-20 siglo. Ang mabilis na kaganapang ito ay higit na mapapansin sa Silangang
Asya.
 Ang pagbabagong ito ay sanhi ng malawak na pagbabagong naganap sa medisina at teknolohiya
na naging daan sa pagpapalaganap ng mataas na antas pangkalusugan sa buong daigdig. Ang
pagtatagumpay ng medisina laban sa mga nakamamatay na sakit at mga proyektong
pangkalusugan, pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa kainaman ng masustansiyang pagkain,
at pagkakaloob ng malinis na inumin ay naging daan upang mabawasan ang bilang ng namamatay
sa batang edad.
 Gayunpaman, maaari namang makabahala sa isang bansa ang paghaba ng buhay kasabay ng
pagbaba ng fertility rate. Ang pagbaba ng fertility rate ay maaaring magdulot ng higit na mababang
bilang ng lakas manggagawa sa pagdating ng panahon kasabay ng paglaki ng dependancy ratio
na nakasasakop sa mga pangkat ng tao nasa 65 pataas.

Pagsasanay

1. Ano sa iyong palagay ang naging dahilan ng pagtaas ng porsiyento ng itinatagal ng buhay sa
kontinente?
2. Ano ang maaaring ibunga ng paghaba ng buhay kasabay ng pagbaba ng fertility rate?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 20

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa bilang ng may hanapbuhay
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Bilang ng may Hanapbuhay

CONCEPT NOTES:

 Mahalaga rin para sa isang bansa na bigyang-pansin ang bilang ng mga walang hanapbuhay.
Ang mg mamamayang walang hanapbuhay ay karaniwang nakararanas ng kawalan, hindi
lamang ng regular na kita, kundi pati na mga benepisyo ng isang naghahanapbuhay tulad ng
pagkakaroon ng pagkakataong mamuhay ng maginhawa, respeto mula sa kapwa, at
pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.
 Ang kakulangan ng hanapbuhay ay malaking suliranin sa isang bansa. Ang suliraning ito ay
maaaring magdulot ng labis na kahirapan na pag-uugatan ng higit pang suliraning may
kinalaman sa kalusugan, pabahay, edukasyon, at krimen
 Upang matugunan ang suliraning ito, mahalaga para sa pamahalaan na makapagbigay ng
maayos na suportang pangkabuhayan o programang pang-ekonomiya na makapagbibigay ng
makabuluhang hanapbuhay para sa lakas manggagawa ng bansa.

Pagsasanay
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mataas na porsiyento ng bilang ng may hanapbuhay sa
isang bansa?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 21

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa migrasyon at kita ng bawat tao
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Migrasyon at Kita ng Bawat Tao

CONCEPT NOTES:

Migration rate ang tawag sa bilang ng mga taong nandarayuhan palabas ng isang bansa matapos
maibawas dito ang bilang ng mga taong nandarayuhan paloob ng nabanggit ding bansa. Mula taong
2000, nagsimulang mangibang bansa ang napakaraming Asyano.
 Ang paglaki ng bahagdan ng migrasyon ng tao sa pagitan ng mga industriyalisadong bansa at
umuunlad pa lamang na mga bansa ay bunsod ng kakulangan ng hanapbuhay sa pinagmumulang
bansa ng mga manggagawa o professionals. Ito ay bunsod din ng kakulangan ng kinikita ng bawat
tao sa kani-kanilang bansa.
 Ang mga pangyayaring ito ng migrasyon ay nagsisilbing mekanismong nakatutulong upang
mabawasan ang malaking agwat ng kalagayan sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Malaking
tulong para sa mga pangunahing bansang pinagmumulan ng mga migrante.

Pagsasanay

Paano nakatutulong ang migrasyon ng maraming bilang ng tao sa mga bansang kanilang pinagmulan?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 22

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Ang Yamang Tao ng Asya

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa bahagdan ng marunong bumasa at sumulat
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Bahagdan ng Literasiya

CONCEPT NOTES:

 Mahalaga ring mabigyang pansin ang literacy rate ng isang populasyon. Ang bahagdan ng
literasiya ay tumutukoy sa bilang ng populasyong marunong bumasa at sumulat sa isang bansa.
 Upang maitaas ang bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, ipinatutupad ng mga bansa sa
Asya ang pagpasok at libreng edukasyon sa elementarya.
 Mahalaga para sa isang bansa na pagtuunan ng pansin ang nakahihigit na bilang ng populasyong
marunong bumasa at sumulat. Ito ang tinatayang pinakamagandang daan tungo sa paglilinang ng
maayos na antas ng kalagayan ng sangkatauhan, ang mataas na na literasiya ay hindi naman
garantiya na maunlad ang bansa. Ito ay isa lamang sa napatunayang salik na maaaring
makatulong sa pagpapasigla at pagsasaayos ng kalagayan ng sangkatauhan pati na ng isang
bansa.

Pagsasanay

1. Suriin ang talahanayan 4 sa pahina 100-101. Aling mga bansa sa rehiyon ang may pinakamataas na
antas ng literasiya?
2. Sa iyong sariling opinyon, Kasiguruhan ba ng pag-unlad ng isang bansa ang pagkakaroon nito ng
mataas na antas ng literasiya?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 23

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng kultura ng mga Asyano
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang Wika at Kulturang Asyano/Komposisyong Etniko ng mga Rehiyon sa Asya

CONCEPT NOTES:

 Ang kultura ay tumutukoy sa sistema ng paniniwala, gawi, pagpapahalaga, o uri ng pamumuhay


ng isang pangkat ng tao. Naisasalin ito sa susunod na henerasyon sa tulong ng umuunlad na
kaalaman.
 Ang wika naman ang isa sa pinakamahalaga at pinakamatibay na pagkakakilanlan ng kultura ng
isang pangkat ng tao o bansa sa bisa ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa't
isa. Isa ito sa pinakamahalagang aspekto sa patuloy na pag-unlad ng sangkatauhan.
 Ang wika rin ang nagtatakda at naglalarawan sa pananaw ng tao sa akanyang kapaligiran. Dahil
sa wika naitatakda at naipadarama ng isang pangkat ng tao ang kanilang damdamin at mga
pagpapahalaga. Ito ang dahilan kung bakit malantad man o makihalubilo nang mahabang
panahon ang isang tao o pangkat ng tao sa ibang pangkat na mayroong ibang uri ng wika, tiyak
na mapapanatili pa rin niya ang kaalaman sa nakagisnang wika.
 Ang heograpiya ay may kinalaman sa kung saan naninirahan ang tao, samantalang ang ethnicity
ay may kinalaman sa pagkakakilanlan ng tao. Natural lamang na kung ang isang pangkat ng tao
ay naninirahan sa lupaing mabundok, ang kanilang mga gawi at tradisyon ay angkop sa
mabundok na kapaligiran.
 Inilalarawan ang mga Asyano ayon sa uri ng wika, relihiyon, pisikal na anyo, uri ng pamumuhay,
at pamahalaang bunga ng magkakaibang paniniwala ng iba't ibang pangkat etniko na bumubuo
rito. Ang pagkakaiba iba ng kultura ng mga pangkat etnikong ito ay bunga ng magkakaibang
kondisyong pangkapaligiran na kanilang ginagalawan.

Pagsasanay

Ipaliwanag ang kahulugan at kaugnayan ng wika at ethnicity sa heograpiya. Buuin ang word concept
map sa ibaba upang maihayag ang kahulugan.

Mga Katangian Wika Mga Kahalagahan

Mga Katangian Ethnicity Mga Kahalagahan

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 24

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
________________________________________________________________________________
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
ACTIVITY TITLE: Ang mga Pangkat-etnolingguwistiko sa Silangang Asya

CONCEPT NOTES:

 Magkakaibang pangkat etniko ang matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Asya. Sa kabila ng


lawak at monolitikong kultura ng China, ang mga Tsino ay binubuo ng mga magkakahalong
pangkat-etniko ng Han, mga Tsinong sumasaklaw sa halos 94 na bahagdan ng populasyon ng
bansa. Ang natitirang minorya naman ay binubuo ng angkan ng mga Tibetan, Uygur, Mongol,
Achang, Bai, Blang, Bonan, Manchu, Miao at iba pa.
 Likas sa mga pangkat-etnikong Tsino ang kahiligan sa pagsasayaw at pag-awit na kanilang
isinasagawa sa panahon ng pagsasaka, pag-aani, tagsibol, at iba pang okasyon. Sa mga pangkat
na ito nagmumula ang mga industriyang gawa sa pagbuburda.
 Ang mga pangkat-etniko sa Japan ay binubuo ng mga Yamato, Ainu, Ryukyuan, Burakumin,
Zainichi Korean, at Zainichi Chinese. Pinaniniwalaan na ang pagkakaroon ng magkakaibang
pangkat-etniko sa Japan ay dala ng naganap na pandarayuhan sa bansa mula noong panahon ng
bato. Ang Nihongo ay kinikilalang pambansang wika ng Japan
 Ang tangway ng Korea ay katatagpuan ng pinakamagkakauring pangkat-etniko sa buong daigdig.
Gamit nila ang wikang Korean na kapamilya ng wikang Tungusic.
 Ang mga Mongolian ay binubuo ng pangkat ng Khalkha na kumakatawan sa halos 94 na
bahagdan ng populasyon ng bansa at kaunting bahagdan ng pangkat ng mga Turki, Tsino, at
Ruso. Ang mga Mongolian ay mayroong sariling wika. Gamit nila ang tatlong diyalekto na Inner
Mongolian, Barag Buryat at Urad.

Pagsasanay
Buuin ang matrix ng mga impormasyon tungkol sa ilang pangkat-etniko sa Silangang Asya.
Pangkat-etniko Bansa Wika Lugar/Kinaroroonan Natatanging Gawi
at Tradisyon

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 25

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Pangkat-etnolingguwistiko sa Timog Asya

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


CONCEPT NOTES:

 Ang pangkat-etniko sa mga estado ng Hilagang India at Pakistan na pinagmulan ng kabihasnang


Indus, Maurya, Kushan, Gupta, at Imperyong Mughal ay nagmula sa angkan ng Indo-Aryan.
 Ang ilang estado naman sa katimugan ng bansa at Sri Lanka ay binubuo ng pangkat-etnikong
Dravidian na may maitim na balat, tulad ng mga Negritong pygmies sa Andaman Island.
 Sa mga bansang Nepal, Bhutan at mga estado ng Sikkim, Jammu, at Kashmir ng India na
nakahanay sa Himalaya naman naninirahan ang mga pangkat-etnikong Lepcha, Bhutia, Hindu,
Parbatiya, Newars, Dolpas, Kalash, at Bhutanese na gumagamit ng wikang kabilang sa
pamilyang Tibeto Burman
 Matatagpuan naman sa Bangladesh ang pangkat-etnikong Bengali na kabilang sa pamilyang
Indo-Aryan. Kabilang din sa pangkat ng wikang ito ang pangkat ng mga Sinhalese at Tamil na
naninirahan sa Sri Lanka, pangkat ng Dhiveli, mga Indian, Arab, Malay, at African na
matatagpuan sa Maldives. Kabilang din sa wikang Indo-Aryan ang wikang gamit ng mga
Pakistani, Nepalese, at kalakhang Hilaga, Kanluran, at Silangang India.
 Ang sinaunang lipunan sa Timog Asya ay nakabatay sa tradisyonal na pagsasama sama ng
magkakaangkan sa iisang nayon (village-based society). Ang lipunang tradisyonal ay binubuo ng
isang tribu na nahahati sa mga angkan o kamag-anakan. Ang kasapi sa tribu ay maaari lamang
makapag-asawa sa loob ng angkang kasapi rin ng nsabing tribu
 Bahagi rin ng lipunan sa Timog Asya ang sistemang caste kung saan ang mga mamamayan ay
may kinabibilangang antas sa lipunan na namamana. Sa ilalim ng sistemang ito, nalilimitahan
ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan.
 Extended o pinalawak ang uri ng pamilya na mayroon sa Timog Asya. Karaniwan na ang sama-
samang paninirahan ng magkakamag-anak sa iisang sambahayan.

Pagsasanay
Magbigay ng mga klasi ng tao na sa Timog-Asya.
1.
2.
3.
4.
5.

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 26

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Pangkat-etnolingguwistiko ng Timog-silangang Asya

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


CONCEPT NOTES:

 Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog-silangang Asya ay binubuo ng maraming pangkat-etniko.


Sa Myanmar matatagpuan ang mga Shan, Karen, Kachin, Burman, Achang, Padaung, at Kayah
na karaniwang mga Buddhist.
 Sa Thailand naman matatagpuan ang mga Miao, Mon, Thai, Ho, at angkang Muong na dumayo
mula sa China.
 Ang mga Akha, Vietnamese, at Tsino ng Vietnam ay nahaluan naman ng mga pangkat Khas na
mula sa Indonesia.
 Sa Laos, ang 69 na bahagdan ng mga tao ay binubuo ng pangkat-etnikong Lao at walong
bahagdang Laoloum, Lao Soung, Hmong, Yao, etnikong Vietnamese, Tsino, at Thai.
 Sa Cambodia, ang mahigit sa 90 bahagdan ng populasyon ay nagmula sa pangkat etnikong
Khmer at ang natitira nama'y binubuo ng mga Tsino, Vietnamese, Cham, at Khmer Loeu.
 Sa Malaysia ay binubuo ng nakararaming pangkat ng Malay, pangkat ng Bumiputra sa Sabah at
Sarawak, Bajaos, at Orang Asli.
 Sa Indonesia, ang pangkat-etnikong Javanese ang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng
populasyon.
 Ang Timor-Leste ay binubuo ng magkahalong pangkat ng mga Malayo-Polynesian, Malanesian,
at Papuan.
 Ang pangkat-etniko sa Brunei ay binubuo ng mga Malay at Tsino.
 Ang karamihan naman sa mga Pilipino ay nagmula sa pangkat Austronesian. Ilan sa mga ito ay
ang Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Kapampangan, Bikolano, Pangasinense, Igorot, Lumad,
Mangyan, Ibanag, Badjao, Ivatan, at mga tribu ng Palawan.

Pagsasanay
Itala ang mga uri ng pangkat-etniko ayon sa mga bansang nakatala sa tsart.
Bansa Mga Pangkat-etniko Pangunahing Relihiyon Kinabibilangang
Hanapbuhay Pamilya ng Wika
Pilipinas
Malaysia
Thailand
Indonesia
Vietnam
Myanmar
Timor-Leste

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 27

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Pangkat-etnolingguwistiko sa Kanlurang Asya

CONCEPT NOTES:
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher
 Ang mga taga Kanlurang Asya ay karaniwang nagmula sa mga angkang Turk, Arab, Afghan,
Jew, at Farian. Sa rehiyon din ng Kanlurang Asya matatagpuan ang mga pangkat-etnikong
Kurd, Assyrian, Iraqi, Turkmen, Persian, Armenian, Bakhtiari, Lurs, Qashari, at Shahsavan. Ang
mga Kuwaiti ng Kuwait ay nahaluan naman ng mga Arab at Iranian.
 Ang Kanlurang Asya ang pinagmulan ng mga makasaysayang relihiyon Judaism, Kristiyanismo,
at Islam. Mga Turkish, Arab, at Persian ang tradisyonal na bumubuo sa rehiyong ito. Ang
Kanlurang Asya ay pinag-iisa ng salitang Turkish na tumutukoy sa mga pangkat o indibidwal na
mamamayang lumaki at naiuugnay ang sarili sa kulturang Turkish at kabilang sa populasyon,
Turkish ang ginagamit na wika; mga Arab ang gumagamit ng wikang Arabic at may tradisyong
Arabic sa gawi at paniniwalang pampolitika at panlipunan; mga Persian na kabilang sa pangkat
Iranian at gamit ang wikang Indo-Iranian.
 Ang malaking bilang ng mga Arab sa rehiyon ay mga Muslim, samantalang ang ilang bahagdan
naman ay mga Kristiyano at Jew na karaniwang matatagpuan sa Syria, Jordan, Palestine, Iraq,
at Lebanon. Ang wikang Arabic ay lumaganap kasabay ng relihiyong Islam. Ito ang gamit na wika
ng Quran o Koran, ang banal na aklat ng mga Muslim. Ang panitikan, musika, at arkitektura sa
Kanlurang Asya ay kombinasyon ng pinagyamang Arabic at Persian, na naimpluwensiyahan ng
mga relihiyong Judaism, Kristiyanismo, at islam.

Pagsasanay
Patunayan ang pagkakaroon ng sumusunod na katangiang etniko ng mga pangkat ng tao sa
Kanlurang Asya.

1. Natatanging wika

2. May natatanging gawi at tradisyon

3. May matinding diwa ng pagkakakilanlan

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Manibaug Paralaya, Porac, Pampanga
Q1_ G7 ARALING PANLIPUNAN - LEARNING ACTIVITY SHEET No. 28

CONTENT STANDARDS: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at


tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
CONTENT COVERAGE: Komposisyong Etnolingguwistiko ng mga Rehiyon sa Asya
LEARNING COMPETENCE: Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
________________________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Ang mga Pangkat-etnolingguwistiko sa Hilagang Asya

CONCEPT NOTES:

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher


 Magkakaibang pangkat-etniko rin ang matatagpuan sa Hilagang Asya. Sa rehiyon matatagpuan
ang mga Turbic, Tajic, Uzbek, Kazakh, Kyrgyz, Turkmeeni, at Karakalpak.
 Ang mga pangunahing relihiyon sa rehiyon ay Islam na pinananaligan ng mga pangkat ng
Turkic/Indo-Iranian at Buddhism na pinananaligan ng mga Mongolian.
 Ang mahabang kasaysayan ng rehiyon ay pinagyaman ng kultura ng mga bansang Mongol,
Persia, Russia, China, India, Saudi Arabia, at Turkey na napangingibabawan ng impluwensiyang
Islam. Ito ay dulot ng estratehikong kinalulugaran ng rehiyon sa kilalang Silk Road na nagsilbing
daan ng pangkalakalan sa pagitan ng silangan at kanluran. Karaniwan ng nomadic ang mga
pangkat-etnikong naninirahan sa mga steppe ng rehiyon.
 Ang pagkakakilanlan ng mga bansa sa Hilagang Asya ay unang itinatag ng makasaysayang
Kazakh Khanate noong ika-16 na siglo. Ang dating nomadic na mga pangkat ng tao sa rehiyon
ay pinag-isa ng Kazakh Khanate, ang estadong Kazakh noong taong 1456 hanggang 1731, na
itinatag sa kasalukuyang Kazakhstan.

Pagsasanay
Alam mo na ang Silk Road ay naging at patuloy na nagsisilbing daanan sa Himalaya. Sa iyong palagay,
paano pinagyaman ng Silk Road ang kultura ng mga pangkat-etniko ng Hilagang Asya? Buuin ang
graphic organizer ng sanhi at epekto sa ibaba.

Sanhi Epekto
Silk
Road

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan- HTS Araling Panlipunan Teacher

You might also like