You are on page 1of 1

NOTE:

 Naka green po ung mga na edit kong part, pwera lang po dun sa may activity na. Nasa
NOTE po ung aking suhestyon.
 Yung Pagtuklas, Paglinang, Pagpapalalim at Paglipat ay dapat magkakasunod po.
 Sa nagawa po ninyo ay may pagkakahalo po na naganap.
 Pakiayos po ang inyong mga Gawain kung saan po sila naka classify kung Pagtuklas,
Paglinang, Pagpapalalim at Paglipat po ba sila.
 Gawing gabay ang mga paalala na ito, ang mga Gawain sa PAGTUKLAS ay dapat na
nakakakuha ito ng mga paunang kaalaman ng mga bata sa aralin na tatalakayin. Mainam
ang paggamit ng map of conceptual change o kaya ay mga graphic organizer na may
pamprosesong katanungan patungkol sa aralin.
 Para sa PAGLINANG, maaaring dito mona ipakilala ang iyong aralin o mismong
discussion na rin. Maaari kang umisip ka ng mga Gawain gaya ng pagpapanood ng video
na naglalaman ng buong paliwanag ng aralin, pagpapanood ng dokumentaryo, pagsusuri
ng teksto, close reading. Tiyakin na pagkatapos gawin ito ng mga bata ay may Gawain sila
na magsusummarize ng kanilang natutunan sa panonood o pagbabasa. Mainam ang
paggamit ng graphic organizer o kaya ay mga pamprosesong katanungan patungkol sa
aralin.
 Para sa PAGPAPALALIM, ang mga Gawain na dapat ilagay dito ay dapat mapagtitibay
nila ang kanilang mga natutunan sa aralin mo. Mag-isip ng mga Gawain na mas mapalalim
pa ng mga bata ang mga natutunan sa iyo at sa aralin.
 Para sa PAGLIPAT, ang mga Gawain dito ay para sa pagsasabuhay ng mga bata sa
kanilang natutunan. Kumbaga magkaroon sila ng real life application nila sa natutunan na
aralin.

You might also like