You are on page 1of 4

DIOCESE OF BAGUIO-SCHOOLS

SAINT LOUIS SCHOOL OF SABLAN, INC.


MODYUL PAMPAGKATUTO SA
ARALING PANLIPUNAN 07:
KASAYSAYAN NG ASYA

UNANG MARKAHAN
A.Y. 2020-2021
Name of Learner:
PAGTANAW SA YUNIT
Sa kwarter na ito ng pag-aaral sa Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya, inaasahang maipamamalas mo
ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng Sinaunang Kabihasnang Asyano.
Gayundin, inaasahang higit mong makilala ang kontinenteng kinabibilangan ng iyong bansa sa
pamamagitan ng mga araling naghahayag ng pisikal na katangian ng kontinentang Asya. Iyong masuri ang mga
katangiang pisikal at likas na yaman nito, mga isyu at suliraning pangkapaligiran maging ang impluwensya ng
kapaligiran at likas na yaman sa kabuhayan, kultura at lipunan ng Asya. Higit sa lahat ay iyong maipamalas ang
pag-unawa sa ugnayang naganap sa pagitan ng tao at kapaligiran tungo sa paghubog ng Kabihasnang Asyano.

GABAY SA NILALAMAN NG MODYUL


Ang modyul pampagkatuto na ito tungkol sa KASAYSAYAN NG ASYA ay masusing binuo at ang saklaw at
pagkakasunod-sunod nito ay masusing inihanay alinsunod sa K to 12 Curriculum ng Araling Panlipunan. Ang mga
konsepto at gawain ay naka-angkla sa tinatawag na MELC (Most Essential Learning Competencies) upang
makamtan ng mga mag-aaral ang mga inaasahang kakayahan at kasanayan tungo sa pagiging isang mabuti at
responsableng mamamayan.
Ang modyul na ito ay kakikitaan ng sumusunod na bahagi:
A. Pamagat: Ito ang kabuoang paksa ng aralin.
B. Pagpapakilala: Binibigyan ng pahapyaw na pagpapakilala ang paksa.
C. Gabay sa Aralin: Nakatala rito ang magiging daloy ng aralin.
D. Mga Kompetensi: Kakayahan at kasanayang dapat makamit ng mga mag-aaral base sa MELC.
E. Mga Layunin: Mga espesipikong kaalaman at kakayahan na dapat makamtan ng mga mag-aaral upang
makamit ang nilalayon ng komptensi.
F. Gabay sa Modyul: Naglalaman ito ng panuto sa kung paano gagamitin ng mga mag-aaral ang modyul.
G. Mga Konsepto: Sa bahaging ito ay tatalakayin ang lahat ng mga mahahalagang konsepto. Bawat konsepto
ay may kaugnay na gawain na inaasahang sasagutan/ gagawin ng mga mag-aaral sa nakalaang answer
sheet. Ang talakayan ay nahahati sa 4 na bahagi. Ito ay nagkakasunod ayon sa antas ng kaalaman at
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga aralin sa bawat yugto ay mahalaga sapagkat ang kaalamang
matutunan ng mag-aaral mula rito ay magagamit nila upang makamit ang mahalagang kasanayan batay sa
layunin. Ito ay ang sumusunod:
a. Pagtuklas(Explore): Sa bahaging ito ay ipinapakilala ang aralin. Tinatalakay rito ang
mahahalagang konsepto na karaniwang nakatuon sa antas ng Kaalaman/ Knowledge (kung ibabase
sa Bloom’s Taxonomy)).
b. Pagpapatibay(Firm-up): Nililinang sa bahaging ito ang mga kaalamang inyong natutunan sa
bahagi ng pagtuklas. Gayundin ay mas pinapayaman pa ang inyong mga natutunang kaalaman
sapagkat nagpapatuloy pa ang pagpapakilala ng mga mahahalagang konsepto na mas lalo pang
lilinang sa inyong pang-unawa (Comprehension).
c. Pagpapalalim (Deepen): Ang inyong kaalaman at pang-unawa ay binibigyang-pansin sa bahaging
ito. Sa pamamagitan ng mga gawain at karagdagang konsepto ay matatalos ng mag-aaral ang
aplikasyon at kaugnayan (Application at Analysis) ng kaalamang kanyang natutunan sa kanyang
pang-araw-araw na pamumuhay.
d. Paglalapat (Transfer): Sa bahaging ito naman inilalapat ng mag-aaral ang kanyang mga natutunan
upang makabuo ng isang performance/ produkto (Synthesis at Evaluation).
H. Pagtataya: Ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral
I. Mga Sanggunian

GABAY SA PAGSAGOT SA MODYUL


Ang modyul na ito ay dinisenyo upang inyong makamtan ang mga kaalaman at kakayahan base sa itinakdang
content standard at performance standard ng MELC. Pakatandaan na ang inyong determinasyon upang matuto ay
masasalamin sa kalidad ng inyong mga awtput. Sa pagsagot sa modyul na ito, tandaan ang sumusunod na
alituntunin:
1. Lahat ng gawain ay dapat ipasa sa nakatakdang panahon. Kapag nahuli ang iyong awtput, ito ay bibigyan ng
kaukulang deduction/ kaltas. Gamiting gabay ang talaan ng kalendaryo ng mga gawain para sa maayos na pagpasa
ng inyong gawain.
2. Ang inyong mga sagot sa bawat gawain ay susukat sa inyong mga natutunan, kung kaya, gawin ito base sa
inyong kakayahan at huwag itong ipagawa sa inyong mga magulang o nakatatandang kapatid, o ibang tao.
Naniniwala ako na mas higit ang inyong kaalaman at kayang gawin. Gayundin, i wasang mangopya ng mga sagot
sa internet. Lahat ng konseptong inyong kakailanganin sa pagsagot sa mga gawain ay nasa inyong modyul. Kapag

i
kayo ay nahuling nangopya ng sagot sa internet, ang inyong kabuoang marka ay kakaltasan.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga konsepto bago gawin ang mga nakatakdang gawain. Mas mainam ito
sapagkat mas mapapaigi nito ang inyong pagkatuto.
4. Sa pagsagot ng mga gawain, tandaan ang mga sumusunod:
- Panatilihing malinis ang inyong sagutang papel.
- Siguraduhing buo ang diwa ng inyong mga pangungusap. Bantayan ang inyong gramatika at balarila. Sa inyong
mga gawain, lalo na sa pagsulat ng maikling sanaysay, ito ay mabibigyan ng kaukulang puntos.
- Gumamit ng ballpen (black o blue ink) sa pagsagot.
- Iwasang gumamit ng ALL CAPS sa pagsulat.
- Huwag kalilimutang kilalanin ang inyong mga sanggunian.
- Mahalaga ang inyong pangalan, huwag itong kalimutan na isulat. Kapag walang naisulat na pangalan, ang iyong
papel ay hindi mamarkahan at ikaw ay hindi mabibigyan ng puntos.
5. Kapag may hindi malinaw sa inyo sa mga konsepto/ mga gawain, maaari niyo akong i-contact sa messenger, o
sa aking contact number.

“Honesty is the best policy.”

ANG MGA MAHAHALAGANG KOMPETENSI at ANG MGA LAYUNIN


Araling Panlipunan 09: Ekonomiks
S.Y. 2020-2021
Unang Markahan
Content Performance Most Essential Mga Layunin Duration
Standards Standards Learning
Competencies
Ang mga Ang mga mag- Naipapaliwanag ang - Natatalakay ang pinagmulan at Week 1
mag-aaral ay aaral ay konsepto ng Asya kahulugan ng salitang ekonomiks;
naipamamalas malalim na tungo sa - Nakakapagbigay ng mga sitwasyon
ng mag-aaral nakapaguugnay- paghahating- kung saan nagagamit ang konsepto ng
ang pag- ugnay sa heograpiko: ekonomiks sa pang-araw –araw na
unawa sa bahaging Silangang Asya, pamumuhay bilang bahagi ng lipunan.
ugnayan ng ginampanan ng Timog-Silangang - Natatalakay ang kahalagahan at
kapaligiran at kapaligiran at Asya, Timog Asya, ugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-
tao sa tao sa paghubog Kanlurang Asya, araw nilang pamumuhay
paghubog ng ng sinaunang Hilagang Asya at
sinaunang kabihasnang Hilaga/ Gitnang
kabihasnang Asyano. Asya.
Asyano. Napapahalagahan -Nailalarawan ang mga katangian ng Week 2
ang ugnayan ng tao kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng
at kapaligiran sa Asya katulad ng lokasyon, kinaroroonan,
paghubog ng hugis, sukat, anyo, klima, at kalatagan ng
kabihasnang lupain o ‘vegetation cover’ (tundra, taiga,
Asyano. grasslands, desert, tropical forest,
mountain lands).
-Nakapaghahambing ng kalagayan ng
kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
-Nakagagawa ng pangkalahatang
paglalarawan o profile pangheograpiya ng
Asya.
Nailalarawan ang - Nailalarawan ang katangian at Week 3-
mga yamang likas kalagayan ng likas na yaman ng Asya; 4
ng Asya - Natataya ang mga implikasyon ng
kapaligirang pisikal at likas na yaman
ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon sa aspekto ng:
agrikultura, ekonomiya, panahanan,
kultura.
- Naipapahayag ang kahalagahan ng
pangangalaga sa balanseng kalagayang
ekolohikal ng rehiyon.
ii
*Nasusuri ang - Naipaliliwanag ang konsepto ng Week 5
yamang likas at ang pagkonsumo.
mga implikasyon ng - Nasusuri ang mga salik na
kapaligirang pisikal nakaaapekto sa pagkonsumo.
sa pamumuhay ng - Naipamamalas ang talino sa
mga Asyano noon pamamagitan ng paggamit ng
at ngayon. pamantayan sa pamimili.
Naipapahayag ang - Naipagtatanggol ang mga karapatan at Week 6
kahalagahan ng nagagampanan ang tungkulin bilang
pangangalaga sa isang mamimili.
timbang na - Naibibigay ang kahulugan ng
kalagayang produksiyon.
ekolohiko ng - Napahahalagahan ang mga salik ng
rehiyon. produksiyon at ang implikasyon nito sa
*Nasusuri ang pang-araw-araw na pamumuhay.
komposisyon ng
populasyon at
kahalagahan ng
yamang-tao sa Asya
sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at
lipunan sa
kasalukuyang
panahon.

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pabalat at Pamagat……………………………………………………………..
Pagtanaw sa Modyul…………………………………………………………… i
Gabay sa Nilalaman ng Modyul………………………………………….…… i
Gabay sa Pagsagot sa Modyul…………………………………………………. i
Mga Mahahalagang Kompetensi at ang Mga Layunin. ……………………….. ii
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………… iii
Modyul 1………………………………………………………………………. 1
Modyul 2………………………………………………………………………. 5
Modyul 3………………………………………………………………………. 9
Modyul 4. ……………………………………………………………………... 14
Modyul 5………………………………………………………………………. 17
Mga Sanggunian……………………………………………………………….. 22

iii

You might also like