You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
ASYA
Unang Markahan-Modyul 2
Ang mga Anyong Lupa, Anyong
Tubig, Klima at Vegetation Cover
sa Asya
Araling Panlipunan Ika - 7 - Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Klima at
Vegetation Cover sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayun paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari o Aring Intelektwal.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang Aring
Intelektwal. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o sipiin at


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: CONNIE C. QUIÑONES
Editor: JINKY C. SANTOS
Tagasuri: VERIDA G. PITOS, MARY ANN ANG, JUN NICOLAS
LEONILO C. ANGELES I, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
7

Araling Panlipunan
ASYA
Unang Markahan-Modyul 2
Ang mga Anyong Lupa, Anyong
Tubig, Klima at Vegetation Cover
Paunang Salita
Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan 7- Asya ay suplementaryong materyal na
nakabatay sa MELCs o Most Essential Learning Competencies na magagamit ng mga
mag-aaral sa ika-7 Baitang upang matutunan ang mga paksa sa Unang Markahan.
Nilalaman nito ang Yunit 1- Heograpiya ng Asya na nakatuon sa Kasanayang
Pagkatuto Bilang 2, ang mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Klima at Vegetation Cover
sa Asya. Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang matututuhan at malilinang
ang mga itinadhana ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga
kasanayang pan-21 siglo at mga pamantayang itinakda ng K-12 Kurikulum.

Para sa mag-aaral. Malaki ang iyong tungkulin sa iyong sariling pagkatuto.


Sa pamamagitan ng paggamit mo ng modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang
mga mahahalagang pag-unawa at kasanayang dapat mong matutuhan sa pag-aaral
ng Araling Panlipunan 7. Sikapin mong pag-aralan, suriin, at isagawa ang bawat
bahagi ng modyul nang buong katapatan sa ilalim ng gabay ng iyong guro at
magulang. Sa mga pagkakataong mahirapan ka sa pagsasagawa o pag-unawa sa
nilalaman ng modyul, huwag mag-atubiling humingi ng tulong iyong magulang o
makipag-ugnayan sa iyong guro upang ikaw ay maliwanagan. Inaasahang sa
pamamagitan ng modyul na ito ay magpatuloy ang pagkalinang ng iyong kaalaman
at kasanayan kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Para sa magulang/tagapatnubay ng mag-aaral. Kayo ay may malaking


bahagi sa pagkatuto ng inyong anak. Ang inyong paggabay sa bawat aralin at gawain
na nasa modyul na ito ay napakahalaga. Kung may mga paksa at gawaing hindi
maunawaan kung paano gagawin, maaari kayong makipag-ugnayan sa guro ng
inyong anak sa Araling Panlipunan. Katuwang niyo po ang mga guro ng Araling
Panlipunan sa paghahatid at paglilinang ng kaalaman at kasanayan ng inyong mga
anak. Upang makamit ito, kinakailangan ng ibayong pagtutulungan at bukas na
komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mga magulang.

Para sa Guro. Dinisenyo ang modyul na ito batay sa mga pamantayang


itinakda sa K-12 Kurikulum. Layunin ng materyal na ito na epektibo mong
magampanan ang iyong tungkulin sa pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng
mga mag-aaral kahit pa sila ay wala sa pisikal na silid-aralan. Inaasahan ang iyong
ibayong paggabay at patnubay sa mga mag-aaral habang ginagamit nila ang modyul.
Sinikap ng may-akda na maiangkop ang bawat gawain sa kakayahan at
pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng
mga layunin, gawain, at pamantayang inilahad sa modyul, inaasahang epektibo
mong matataya ang bawat pag-unlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag sulatan, markahan, tupiin,
o punitin ang anumang bahagi nito. Sagutan ang bawat gawain gamit ang
hiwalay na papel.
2. Isagawa ang bawat bahagi ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
3. Bago sagutin ang bawat gawain, basahing mabuti at unawain ang mga
panuto.
4. Isagawa nang may katapatan at integridad ang mga gawain gayundin sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Ibalik ang modyul sa iyong guro kapag natapos mo nang maisagawa at
masagutan ang lahat ng bahaging ito.

i
Alamin

Maraming mga inihandang gawain sa mga susunod na mga pahina na iyong


magiging gabay upang iyong matamo ang mga takdang kakayahan at
kaalaman ukol sa modyul na ito.

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran


at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)

• Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging


ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

• Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


mga sinaunang kabihasnang Asyano.

D. PAKSANG ARALIN
1. Ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa mga
rehiyon ng Asya
2. Ang iba’t-ibang klima sa mga rehiyon ng Asya
3. Ang mga vegetation cover sa mga rehiyon ng Asya

E. MGA TIYAK NA LAYUNIN


• Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga konsepto at pagsasagawa ng
mga inihandang gawain sa modyul na ito, ikaw bilang isang mag-aaral
sa ika-pitong baitang ay inaasahang;

1. Nakikilala ang mga natatanging anyong lupa at anyong tubig sa


bawat rehiyon ng Asya.
2. Natatalakay ang mga uri ng klima at vegetation cover sa bawat
rehiyon ng Asya.
3. Naitatala ang mga kapahamakan at kapakinabangan ng mga
anyong lupa at anyong tubig sa mga tao.
4. Nasusuri ang mga epekto ng klima at vegetation cover sa
pamumuhay ng mga tao.

1
Binabati kita! Sa matagumpay mong pagkamit ng mahalagang konsepto
sa paghahating heograpiko sa kontinente ng Asya (Silangang Asya,
Timog Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang
Asya).

Ang Mga Anyong Lupa,Anyong


Aralin
Tubig, Klima at Vegetation Cover
2
sa Asya

Subukin

Panuto: Ang mga sumusunod na mga tanong ay naglalayong masukat ang iyong
nalalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin sa modyul na ito kung kaya huwag
kang mangangamba kung hindi mo masagot nang tama ang mga ito. Matatamo mo
rin ang mga karunungang inaasahan kapag natapos mo ng pag-aralan ang buong
modyul. Isulat ang iyong napiling kasagutan sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?


a. Ilog Ganges sa Saudi Arabia
b. Disyerto ng Gobi sa India
c. Ilog Euphrates sa Iraq
d. Tibetan Plateau sa Kabundukang Ural
2. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapalibutan ito ng
iba’t- ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing
silangan ng kontinente?
a. Karagatang Pasipiko c. Karagatang Indian
b. Karagatang Antartiko d. Karagatang Arctic
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan
hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang
bansa?
a. Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at
malalakas na hangin ang mga nagtatatasang mga kabundukan.
b. Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na mas
malapit sa mga katubigan
c. Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at
bagyo
d. Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
klima ng mga bansa?
a. taglay na mga anyong lupa c. laki ng lupain
b. distansiya sa katubigan d. lokasyon

5. Ang Bundok Everest na nakahanay sa pinakamahabang bulubundukin na


matatagpuan sa anong rehiyon?

2
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Timog Asya d. Kanlurang Asya
6. Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya Pasipiko
na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa ang hindi
kabilang?
a. Pilipinas c. China
b. Japan d. Indonesia
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapahayag ng katotohanan
ukol sa kabuhayan ng Asyano?
a. Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na
pamumuhay ng mga tao.
b. Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng mga
Asyano.
c. Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga
Asyano.
d. Mayroong paagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa
iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan.
8. Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naapektuhan ng
klima ng isang bansa?
a. sukat c. vegetation cover
b. lokasyon d. hangganan
9. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas ng
pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
a. taiga c. tundra
b. desert d. prairie
10. Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi
ng karagatan maliban sa___.
a. Typhoon c. Cyclone
b. Earthquake d. Hurricane

Balikan

Bago natin tuluyang bigyang linaw ang ugnayan ng tao at


kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano, balikan mo muna ang nakaraang
talakayan bilang patunay ng iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na mga gawain.

A. TALArawan ng Asya

Panuto: Ilarawan ang Asya batay sa mga sumusunod na katangiang pisikal. Isulat
sa sagutang papel ang iyong mga tugon.
Sukat km²
Hangganan ng A _________
Asya sa

Hilaga- _______ S Takdang kinaroroonan


Timog- _______ _________
Silangan- _____ Y
Kanluran- _____
Timog Silangan A Anyo/Hugis
__________ _________

3
B. ALIN – ALIN ANG NAIIBA?

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang hindi kabilang sa pangkat

1. Tukmenistan Afghanistan Bhutan Pakistan


2. Pakistan Kazakhstan Tajikistan Azerbaijan
3. Saudi Arabia Qatar Brunei Bahrain
Darussalam
4. Pilipinas Timor Leste Sri Lanka Indonesia
5. China India Mongolia Taiwan
6. Nepal Oman Yemen Cyprus
7. Sri Lanka Maldives Taiwan Bhutan
8. Cyprus Armenia Georgia Uzbekistan
9. Vietnam Syria Cambodia Myanmar
10 Lebanon Bahrain Myanmar Kuwait

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

4
Pamprosesong Tanong

1. Ang Asya ay may iba’t-ibang mga anyong lupa at anyong tubig. Alin sa mga
nasa larawan ang nasubukan mo ng marating?
2. Sa iyong naging karanasan, paano naaapektuhan ng mga anyong lupa at
anyong tubig ang uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar?
3. Bakit kaya nakakaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa
pamumuhay ng mga tao?

Ang iyong mga kasagutan at pang-unawa sa ating aralin ay bibigyang


katuturan sa mga kontekstong iyong mababasa sa mga susunod na mga pahina.

Suriin
Sa tulong nang mapanuring pagbabasa sa mga konteksto sa bahaging ito,
higit mong mapapaunlad ang iyong pag-unawa sa arain

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.Nakapalibot sa


malawak na kalupaang ito ang naglalakihang mga karagatan tulad ng Karagatang
Pasipiko sa Silangan, ang Karagatang Indian at Dagat Arabian sa Timog, ang
Karagatang Arctic at Atlantic sa Hilaga at Dagat Mediterranean at Dagat Pula naman
sa Kanluran. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at anyong
tubig sa uri ng klima na maaaring maranasan at mga uri ng halaman na bumabalot
sa kalupaan.

Tunghayan natin ang mga anyong lupa, anyong tubig, klima at vegetation
cover sa limang rehiyon ng Asya.

Kilala ang Hilagang Asya sa taglay nitong malawak na damuhan. Nauuri ang
mga damuhan o Grassland sa tatlo: ang Steppe, Prairie at Savanna. Matatagpuan
sa dakong kanluran ng Black Sea at
patungong silangan ng Lake Balkhash
ang lupain ng steppe, prairie naman ang
makikita sa hilagang bahagi ng Russia at
Manchuria. Ang kabundukang Ural na
nasa rehiyong ito na humahati sa mga
kontinente ng Europa at Asya makikita
ang kakaibang kabundukan dahil
kakaunti lamang ang mga puno dito.
Tinatawag ang itong Boreal Forest o
Taiga na sa wikang Ruso ito ay nangangahulugang rocky mountainous terrain.
Coniferous ang mga puno na tumutubo rito. Sa lupain naman ng Siberia makikita
ang Tundra na may katumbas sa wikang Ruso na Treeless Mountain Tract. Malamig
ang Klima rito at madalang ang pagdating ng presipetasyon na nasa anyong yelo o
ulan. Ang Bering Sea ang nag- uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Sa hilaga ng

5
Hilagang Asya matatagpuan ang Lake Baikal na pinakamalalim na lawa sa buong
mundo. Dahil ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng tag-lamig kaya
hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang uri ng punongkahoy.
Prairie – uri ng matataas na damuhan
Steppe- uri ng damuhan na may
na may malalim na ugat
mababaw na ugat.

Savanna- pinagsamang damuhan Taiga- Kagubatang coniferous na


at kagubatan tinatawag ding rocky mountainous terrain

1. Sa lamig na nararanasan ng mga bansa sa Hilagang Asya, anong mga vegetation cover
ang karaniwan dito?
2. Paano kaya namumuhay ang mga tao sa mga bansa sa rehiyon ng Hilaga?

May anyong hugis tatsulok


ang Timog Asya mula Indian
Ocean sa Timog hanggang
Kabundukang Himalayas sa
Nepal na siyang pinakamahabang
bulubundukin sa buong mundo.
Dito rin matatagpuan ang Tibetan
Plateau na pinakamataas na
taampas sa buong mundo at
tinaguriang “Roof of the World”.
Nakahanay rin dito ang
tinaguriang “House of Snow”, ang
bundok Everest na pinakamataas
na bundok
sa buong mundo.

6
Ano ang kahalagahan ng Indo –Gangetic Plain sa Timog Asya?

Maliban sa mga nabanggit, ang bundok ng


Hindu Kush kung saan makikita ang Khyber
Pass sa Afghanistan, Karakum Range sa
pagitan ng Pakistan at China ay dito sa
rehiyon ng Timog matatagpuan. Sa
katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang
Indo- Gangetic Plain, ang pinakamalawak na
kapatagan sa buong mundo at ang Thar TUNDRA
Desert at Deccan Plateau. Sa kanluran at
silangan naman ng talampas na ito ay ang
kabundukan ng Ghats- ang Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea at ang
Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal. Ang Ilog ng Indus, Ganges at
Brahmaputra na ilan sa makasaysayang mga ilog ng daigdig ay matatagpuan din sa
rehiyon. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga lugar na mabubundok na
nakararanas ng sobrang lamig o pagyeyelo.

Ang rehiyon ng Silangang


Silangang Asya
Asya ang may pinakakaunting
bilang ng bansa subalit sakop nito
halos 20% sukat ng kontinente.
Matatagpuan sa rehiyon ang Gobi
Desert na pinakamalawak na
Disyerto sa Asya, Mongolian
Tibetan Plateaus at ang Himalayas
ng Nepal ang nagsisilbing pisikal
na hangganan ng rehiyon sa Timog
Mga Mapa ng rehiyon ng Asya. Mula sa commons.wikimedia.org Asya samantalang ang Karagatang
Pasipiko ang sa Silangan. Sa
pangkalahatan, matataba ang lupain sa rehiyon, malalalim ang lambak at matataas
ang mga bundok. Sa katunayan, 80% ng kalupaan ng China ay may ganitong uri ng
lupa. Matatagpuan din sa China ang ilan sa mga mahahalagang ilog na naging
lundayan ng sinaunang sibilisayon, KANLURANG
ang Huang Ho at Yang Tze na ASYA
pinakamahabang ilog sa Asya, at ang
Xi Jiang na nagpapataba sa kalupaan
ng bansa at nagsilbing ruta sa
pakikipagkalakalan.
Ang Japan naman ay ang
bansang kapuluan na nahihiwalay sa
rehiyon na binubuo ng malalaki at
maliliit na isla. Kabilang sa mga islang
ito ay ang Kyushu, Shikoku, Honshu at Hokkaido. Dagdag pa dito, ang bansang
Sa paanong paraan nakakatulong ang mga ilog na dumadaloy sa malawak na agrikultural na lupain
Hapon ay nagtataglay ng mga aktibong bulkan tulad ng Fuji. Kabilang ang Japan sa
ng China?
tinatawag na Pacific Ring of Fire.

7
Nahahati sa tatlong rehiyong
pisikal ang Kanlurang Asya: Ang
Northern Tier na kinabibilangan ng
Turkey at Iran kung saan matagpuan
ang mga kabundukan at talampas
tulad ng Anatolian Plateau at Iranian
Plateau. Pangalawa ang Arabian
Peninsula, ang malawak na tangway
na napalilibutan ng iba’t-ibang anyong
tubig.

Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea,


Arabian Sea, at Persian Gulf. Kahit
malawak ang lupaing ito, ang Arabian
Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit
populasyon. Ito ay sa kadahilanang salat sa
tubig ang lupaing ito sapagkat ang
malaking bahagi nito ay disyerto. Ang mga
tao rito ay naninirahan malapit sa mga
oasis. Ito ay isang lugar sa disyertong
nagtataglay ng matabang lupa at tubig na
maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop. Isa pang bahagi ng kanlurang
Asya ay ang tinatawag na Fertile Crescent. Ang lupaing ito ay nagsisimula sa
silangang bahagi ng Mediterranean patungo sa Tigris-Euphrates Rivers hanggang
sa Persian Gulf. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng matabang lupa at saganang
suplay ng tubig. matatagpuan ang lupaing ito sa bansang Iraq. Sa bansang ito
sumibol ang pinakamatandang kabihasnan sa Asya.

1. Sa uri ng klimang nararanasan ng kalakhang Kanlurang Asya, bakit nananatiling kapaki-


pakinabang ang mga lupain dito?
2. Ano ang tawag sa matabang lupain sa Kanlurang Asya na sinasabing nagging lundayan ng
sinaunang kabihasnan?

Ang Timog Silangang Asya ay


TIMOG
binubuo ng dalawang rehiyong SILANGANG
heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ASYA
ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa
silangan at timog silangan. Ang mga
bansang nasa kalupaang Asyano ay
kinabibilangan ng Cambodia, Laos,
Myanmar, Thailand at Vietnam; Ang mga
bansang nasa karagatan ay binubuo ng
Brunei Darussalam, Timor Leste,
Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at
Singapore.
Kasama ng Japan ang Pilipinas at Indonesia sa Seismic Pacific Ring of Fire
dahil sa taglay na mga aktibong bulkan ng mga nabanggit na bansa. Bulkan ng
Semeru at Krakatoa sa Indonesia, Pinatubo, Taal at Mayon dito sa Pilipinas. Iba’t-

8
ibang anyong tubig din ang nakapalibot sa rehiyon kaya ang klima dito ay
karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.

Paghambingin ang katangiang pisikal ng


Karagdagang Pagtalakay sa salik sa pagkakaiba-iba
kalupaang Asyano a kapuluaang ng Timog ng klima sa pahina 14
Silangang Asya.

Pagyamanin

Makakatuong ang mga gawaing nakahanda sa bahaging ito ng


modyul upang mas tumimo sa iyo ang katuturan ng iyong mga
binasa.
A. naLAMAN mo Ba?

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod batay sa paglalarawan. Nasa ibabang kahon
ang ian sa mga posibeng kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga tugon.

_____________________1. Pinakamahabang hanay ng kabundukan sa


buong mundo.
_____________________2. Pinakamalalim na lawa sa buong mundo.
_____________________3. Pinakamalawak na lawa sa buong mundo.
_____________________4. Pinakamataas na bundok sa buong mundo.
_____________________5. Pinakamalawak na kapatagan sa Asya.
_____________________6. Pinakamalawak na Disyerto sa Asya.
_____________________7. Pinakamataas na talampas sa Asya.
_____________________8. Pinakamahabang ilog sa Asya.
_____________________9. Pinakamalaking kapuluan sa Asya.
_____________________10. Pinakamalaking kontinente ng daigdig

Gobi Everest Ural Baika


Indonesia Asya K2 Tibet
Himalayas Baikal Indo-Gangetic Plane Caspian

B. Data Retrieval Chart


Batay sa iyong mga nalaman, kompletuhin ang talahanayan.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

NATATANGING VEGETATION
Mga Rehiyon ng NATATANGING KLIMA
ANYONG LUPA ANYONG TUBIG COVER
Asya

9
HILAGANG

ASYA

SILANGANG

ASYA

TIMOG ASYA

KANLURANG

ASYA

TIMOG SILANGAN

ASYA

C. Anong rehiyon ang nakakaranas ng mga sumusunod na klima. Nasa ibaba ang
tiyak na paglalarawan sa bawat klima, isulat kung sa anong rehiyon ito nararanasan

3. Maaring magkaroon ng

2. Karaniwang tumatagal labis o di kaya ay

ng anim na buwan at katamtamang init o lamig


1. Iba’t – ibang klima rin
maigsi lamang ang tag-init. ang lugar. Bihira at halos
ang nararanasan sa
Malaking bahagi ng rehiyon hindi nakararanas ng ulan
rehiyong ito. Maay
ang hindi kayang tirahan ng ang malaking bahagi ng
mahalumigmig na buwan,
tao sa sobrang lamig. rehiyon. Kung umulan man,
tag-init at tag-tuyot at may
ito ay sa mga bahaging
nga lupain din na
malapit sa dagat.
nababalutan ng yelo tulad
ng Himalayas.
KLIMA SA ASYA

4. Halos lahat ng mga bansa sa


rehiyong ito ay may klimang 5. Dahil sa laki ng rehiyong ito,

tropikal. Nakakaranas sila ng pag- nakakaranas ng iba’t-ibang

ulan, init, lamig sa ibat’t ibang panahon ang mga bansa. Mainit

buwan dulot ng distansiya nito sa na panahon para sa mga nasa

katubigan. mababang latitud, malamig at


nababalutan naman ng yelo ang
ilang bahagi.

10
Pamprosesong Tanong

1. Ang pagtataglay ba ng mga anyong lupa at anyong tubig ng isang bansa ay


may kaugnayan sa uri ng klima na nararanasan nito? Ipaliwanag ang sagot.
2. Bakit iba’t-ibang uri klima ang nararanasan ng mga bansa?
3. Paano nakaaapekto ang monsoon sa mga Asyanong naninirahan sa Timog,
Silangan at Timog Silangang Asya?
4. Bakit iba-iba ang vegetation cover ng mga bansa sa Asya?
5. Sa paanong paraan nakaaapekto ang klima at vegetation cover sa aspektong
kultural at pangkabuhayan ng mga Asyano?

Isaisip

Kapakinabangan at Kapahamakan

Panuto: Sa iyong natanto, maari bang magtala ka ng mga kapakinabangan at


kapahamakan na idinudulot ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga Tao.
Gamitin ang sagutang papel sa pagsagot ng iyong tsart.

KAPAKINABANGAN KAPAHAMAKAN
1. 1.

ANYONG LUPA 2. 2.

3. 3.

1. 1.
ANYONG TUBIG
2. 2.

3. 3.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa 3 gawain na nasa ibaba. Ihanda ang gawain upang
maibahagi rin sa iyong kaklase kung bakit ito ang iyong napili. Ang mapipiling
gawain ay bibigyang puntos gamit ang rubrik sa ibaba.
A. Mangolekta ng mga larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa iba’t-
ibang bansa sa Asya at buuin ito sa pamamagitan ng Photo Collage. Lumikha
ng maikling sanaysay tungkol dto na nagpapahayag ng ugnayan ng mga
anyong lupa at anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano.
B. Mangolekta ng mga larawan ng mga Asyano na nagpapakita ng uri ng klima
na nararanasan sa bansa. buuin ito sa pamamagitan ng Photo Collage.

11
Lumikha ng maikling sanaysay tungkol dto na nagpapahayag ng ugnayan
klima sa pamumuhay ng mga Asyano.
C. Lumikha ng flow chart na nagpapakita ng malinaw na ugnayan ng kapaligiran
at pamumuhay ng mga tao. Isama sa iyong flow chart ang natutunan hinggil
sa klima, vegetation cover, anyong lupa at anyong tubig. Bumuo ng maikling
sanaysay na tumatalakay sa iyong flow chart.

Pamantayan 5 3 1

Kaausayan at Organisado, mahusay ang mahusay ang


disenyo mahusay ang presentasyon at presentasyon
presentasyon at maikhain ang
maikhain ang pagkakagawa
pagkakagawa

Nilalaman Wasto at angkop Wasto subalit Di wasto at di


ang mga datos hindi tiyak ang tiyak ang mga
mga datos datos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong, Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

11. Ang Bundok Everest na nakahanay sa pinakamahabang bulubundukin na


matatagpuan sa anong rehiyon?
c. Hilagang Asya c. Silangang Asya
d. Timog Asya d. Kanlurang Asya
12. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapalibutan ito ng
iba’t- ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing
silangan ng kontinente?
c. Karagatang Pasipiko c. Karagatang Indian
d. Karagatang Antartiko d. Karagatang Arctic
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapahayag ng katotohanan
ukol sa kabuhayan ng Asyano?
e. Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na
pamumuhay ng mga tao.
f. Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng mga
Asyano.
g. Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga
Asyano.
h. Mayroong paagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa
iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan.
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
klima ng mga bansa?
c. taglay na mga anyong lupa c. laki ng lupain
d. distansiya sa katubigan d. lokasyon
15. Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naapektuhan ng
klima ng isang bansa?
c. sukat c. vegetation cover

12
d. lokasyon d. hangganan
16. Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya Pasipiko
na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa ang hindi
kabilang?
c. Pilipinas c. China
d. Japan d. Indonesia
17. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas ng
pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
c. taiga c. tundra
d. desert d. prairie
18. Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi
ng karagatan maliban sa___.
c. Typhoon c. Cyclone
d. Earthquake d. Hurricane
19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan
hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang
bansa?
e. Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at
malalakas na hangin ang mga nagtatatasang mga kabundukan.
f. Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na mas
malapit sa mga katubigan
g. Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at
bagyo
h. Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
20. Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
e. Ilog Ganges sa Saudi Arabia
f. Disyerto ng Gobi sa India
g. Ilog Euphrates sa Iraq
h. Tibetan Plateau sa Kabundukang Ural
11-20 Kilalanin ang mga bansa, anyong lupa o anyong tubig na matatagpuan sa
bahagi ng mapa na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. __________________
B. __________________
C. __________________
D. __________________
E. __________________
F. __________________
G. __________________
H. __________________
I. ___________________
J. __________________
K. __________________
L. __________________

Karagdagang Gawain

Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan ng


isang lugar sa loob ng mahabang panahon. Maraming elemento ang
nakakapagpabago ng panahon tulad ng temperatura, presipitasyon sa anyong ulan
o yelo at hangin- maging ang direksyon ng hangin: ang Hanging Amihan o North

13
East Monsoon na nagdadala ng mababang temperature sa kalupaan subalit walang
masyadong ulan at ang Hanging Habagat o Southwest Monsoon na nagdadala
naman ng ulan sa kalupaan. Ang klima ng isang lugar ay nababatay sa lokasyon,
taas at layo ng kalupaan mula sa katubigan at taglay na mga nagtataasang
kabundukan.

Tulad ng nabanggit sa mga naunang pahina, ang mga lupain na malapit sa


baybayain gaya ng mga bansa sa Silangang Asya, Insular sa Timog Silangang Asya
at mga Isla sa Timog Asya ay madalas nakararanas ng pag-ulan at matitinding
bagyo. Maraming mga bansa sa Kanlurang Asya ay bihira o hindi nakararanas ng
pag-ulan dahil sa distansya nito sa katubigan. Samantalang ang mataas na lokasyon
ng Hilagang Asya ang sanhi ng labis na lamig sa rehiyon.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Ang klimang tropikal ay nilalarawan bilang isang klimang hindi-arid, na ang lahat
sa labindalawang buwan ng taon ay may katamtamang temperatura hindi bababa
sa 18 °C. Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at 23.5° T
latitud, at kasama dito ang lahat ng parte ng lupa na direktang tinatamaan ng araw
(o kung saan naka-anggulong 90° altitud ang araw mula sa lupa) nang maski isang
beses lang sa isang taong solar (hindi nagagawa ito ng araw lampas hilaga ng Tropiko
ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn).
Ang klimang monsoon ay madalas ding kilala sa dalawang anyo: ang Tropical
Savanna. Sa klimang ito nakararanas ang lupain sa tuyong buwan ng hindi tataas
sa 60 milimetrong presipetasyon at ang Tropical Rainforest ay halos katulad ng
klimang tropical.
Ang klimang arid o semi arid ay kadalasang klima sa mga lupain na bihira o halos
hindi nakararanas ng pag – ulan dahil sa distansya ng mga lupain sa katubigan
Ang klimang polar ay kadalasang may temperaturang hindi tataas sa 10°C sa
pinakamainit na buwan. Nababalutan ng yelo o niyebe ang kalupaan sa halos buong
taon
Ang klimang sub humid tropical ay nararanasan sa dalawang anyo, mainit na
mamasa-masang panahon at malamig na mahalumigmig na panahon.

14
15
PAGYAMANIN
B. Klima sa Asya
naLAMAN mo ba?
1. Timog Asya
2. Hilagang Asya
1. Himalayas 6. Gobi Desert
3. Kanlurang Asya
2. lake Baikal 7. Tibetan Plateau
4. Timog Silangang Asya
3. Caspian Sea 8. Yang Tze
5. Silangang Asya
4. Mount Everest 9. Indonesia
5. Indo-Gangetic Plane 10. Asya
BALIKAN
ALIN-ALIN ANG NAIIBA?
HANGGANAN:
1. Tukmenista 6. Nepal
2. Pakistan 7. Taiwan
Hilaga: Ural Mountains, Kara Sea
3. Brunei Darussalam 8. Cyprus
4. Sri Lanka 9. Syria
Silangan: Japan, Pacific Ocean, Bering Sea 5. India 10. Myanmar
Timog: Arabian Sea, Indian Ocean Kanluran: Caspian Sea, Turkey, Red Sea
Timog Silangan: Timor Sea, Pilipinas Sukat: humigit-kumulang 44, 936,000 km²
Lokasyon: mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang Latitude at mula 11° kanluran hanggang 175° Silangang Longhitude
Anyo: Malawak at hiwa-hiwalay na lupain na napalilibutan ng maliliit at malalaking anyong tubig.
Susi sa Pagwawasto
10. c
Timor Sea G. 9. c
L. Caspiam Sea Pilipinas F. 8. b
K. Turkey Japan E. 7. b
J. Red Sea Pacific Ocean D. 6. c
I. Arabian Sea Bering Strait C. 5. c
H. Indian Ocean Kara sea B. 4. c
G. Timor Leste Ural mountains A. 3. c
2. a
1. b

TAYAHIN

Sanggunian

Aklat at artikulong sanggunian

M. Cruz et. Al, Araling Asyano, Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon, 2017. Pp 2-40

M. Cruz et. Al, Araling Asyano, Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon, 2017. Pp 11-35

Elektronikong sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tropiko

https://en.wikipedia.org/wiki/Tropical_monsoon_climate

https://www.google.com/search?bih=549&biw=1366&hl=en-
https://en.wikipedia.org/wiki/Polar_climate
https://www.google.com/search?q=mapa+ng+daigdig&authuser=

https://www.google.com/search?q=sukat+ng+mga+kontinente+sa+daigdig&authuser

https://www.slideshare.net/gipak24/katangiang-pisikal-ng-asya-49801666

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+asya+na+nagtatala+sa+mga+hangganan+nito+sa+iba+pang+konti
nente&authuser=1&hl=en&source=

https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

16
17

You might also like