You are on page 1of 104

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay maingat na inihanda at isinulat bilang pagtugon sa


pangangailangn ng mga mag-aaral sa Heograpiya ng Asya. Hangarin ng modyul na ito
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

na maipaunawa sa mga mag-aaral ang kasaysayan at kultura ng Asya, mabigyan-diin


ang kahalagahan ng heograpiya at kaisipang Asyano bilang puwersa at paghubog ng
pagkakakilanlan ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mataas na paaralan upang maunawaan ng


mag-aaral ang mga pangunahing kaisipan at maipamalas ang mga kasanayan sa pag-
aaral ng kasaysayan ng rehiyong kanilang kinabibilangan.

Ang pangunahing layunin nito ay ang mabigyan at matugunan ang mga


pangangailangan ng mga mag-aaral para sa makabuluhan at napapanahong mga
gawain sa pagkatuto na naaayon sa kanilang interes at kasanayan.

Upang maging madali at kasiya-siya ang mga gawain sa modyul na ito, ang mga
nilalaman nito ang bawat aralin ay ay hinati sa limang (5) bahagi.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Yunit 1: Katangiang Pisikal ng Asya
Yunit 2: Mga Likas na Yaman ng Asya
Yunit 3: Yamang Tao ng Asya

Simulan- ito ang interaktibong panimulang aralin. Layunin nito ang


maganyak at mapukaw ang interes ng mag-aaral. Ang mga pampasiglang gawain ay
nakabatay sa mga dati nang kaalaman at kaugnay na karanasan na karaniwang
nakapagpapasimula ng pag- iisip.

Tunghayan- sa bahaging ito makakalap ang mga mahahalagang


impormasyon, pangyayari,teorya, konsepto at iba pang kaalaman at
pagpapahalag.

2
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Tandaan- paglalahat ng mga mahahalagang kaisipan, konsepto,


impormasyon at pagpapahalaga. ito ay nagsisilbing patnubay sa kung anong bahagi
ng aralin ang nararapat mabigyan diin.

Paghusayan- ito ay ang mga pagsasanay at gawain na mapanghamon. Ito


ay isinaayos mula sa madali patungo sa pagpapalawak at pagpapalalim na kaalaman
at kakayahan.

Kaya Mo Ito – sinasanay ang mga mag-aaral na mag-organisa ang mga ng


mga ideya na kanilang natutunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain.

Talaan ng mga Nilalaman

Yunit I: Katangiang Pisikal ng Asya


3
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Aralin 1: Konsepto ng Asya ------------------------------------------------ 10


Aralin 2: Kapaligirang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya ----------- 19

Yunit II: Yamang Likas ng mga Rehiyon sa Asya


Aralin 3: Yamang likas sa Asya ------------------------------------------- 38
Aralin 4: Yamang Likas ng Asya at Implikasyon nito ---------------- 50
Aralin 5: Sitwasyong Ekolohikal sa Asya ------------------------------- 59

Yunit III: Yamang Tao ng Asya


Aralin 6: Pangkat Etnolingguwistiko at Yamang tao ng Asya ------71

Unang Kwarter
Heograpiya at Kabihasnang Asyano
Balangkas ng Paglinang ng Buong Pagkatao

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayang
heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonmiya ng mga bansang sa

4
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

rehiyon tungo sapagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkatuwang nap ag-unlad


t pagharap sa mga hamon ng Asya.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-
unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng
sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang tao at kapaligiran sa pagbuo at paghubog ng
Asyano. kabihasnang Asyano.

II. SAKLAW NG MODYUL

Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang ang mga sumusunod na


kasanayan:

 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –


heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya,
Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya
 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
 Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya
 Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang
pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
 Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon
 Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao
 sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang
panahon

5
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Modyul 1: HEOGRAPIYA NG ASYA


Alam nating maraming magagandang tanawing makikita at mapupuntahan sa
Asya. Kaya’t maraming turista ang dumarayo sa Asya gaya na lamang ng Bulkan
Mayon, Hundrend Islands, Coron Palawan sa Pilipinas at Angkor Wat sa Cambodia,
Bali Island sa Indonesia at iba pa. Marami ring makasaysayang lugar sa Asya tulad ng
Great Wall of China, Cebu na unang kolonyal na lungsod sa Pilipinas at Mount Everest
na mangilan-ngilang Pilipino ang nakapunta na sa tuktok na ito.Ikaw ba isa ba sa
pangarap mo ang makapunta sa mga magagandang tanawin ng asya at mga likas na
yaman na mayroon ang Asya ? Kung oo, halika’t tuklasin natin kung “Paanong ang

6
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang


Asyano?

Sa modyul na ito ay matutuklasan ang mga angking katangian ng Asya bilang isang
kontinente, yamang likas na mayroon ito kasama na ang yamang-tao at ang implikasyon
nito sa bansang Asyano. Halina’t tuklasin at siyasatin natin ang kamanghang manghang
katangiang mayroon ang Asya.

III. PANIMULANG PAGSUSULIT

Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.


1. Ano ang pinakamalaking kontinente ng daigdig?
A. Aprika C. Europa
B. Asya D. Hilagang Amerika
2. Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?
A. Bundok Everest B. Mayon C. Taal D. Mount Fuji
3. Ano ang tawag sa mahahalagang kayamanan ng mga anyong lupa at anyong tubig?
A. Yamang tubig C. Yamang Likas
B. Yamang lupa D. Yamang gubat

4. Ang Hong Kong at Macau ay pawing Special Administrative Regions ng anong


bansa?
A. Tsina C. Saudi Arabia
B. India D. Japan

5.Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng wika, maliban sa?


A. sumasalamin sa isang lahi
B. nagpapalawak ng imahinasyon
C. kaakibat ng paniniwala
D. pagpapahayag ng saloobin
6.Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga salik na sanhi ng mabilis mg paglaki ng
populasyon?

7
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

I. urbanisasyon III. Pag-unlad ng medisina


II. Pag-unlad ng teknolohiya IV. Pag-unlad ng bansa
A. Iat II B. I,II at III C. II,III at IV D. I,II at IV
7. Ano ang tawag sa iba’t-ibang uri ng pananim na nakabaloy sa lupain ng daigdig?
A. Vegetation plant C. Rainforest
B. Vegetation cover D. savanna
8. Ano ang tawag sa pinakamatibay na pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao o
bansa?
A. Kultura B. tradisyon C. relihiyon D. wika
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian g pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa
o anyong tubig
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa :tangway, kapuluan,
bundok
kapatagan, talampas, disyerto at kapatagan
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halamanan.
D. Ang iba-iabng panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano
10.Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais, at barley
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto

8
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

YUNIT 1: ANG KATANGIANG PISIKAL


NG ASYA

Aralin 1: Konsepto ng Asya


Aralin 2: Klima At Vegetation Cover ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente ng daigdig. Dahil sa lawak na sakop


ng Asya, magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima at vegetation cover ng mga
.lupaing napapaloob ditto. Bunga nito, nagkakaiba rin ng pamumuhay at kultura ng
mga taong naninirahan dito.

Sa aralin na ito lubos mong makikilala ang kontinenteng iyong tinitirhan.


Malalaman ang mga katangiang naglalarawan sa kapaligirang pisikal ng Asya at

9
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

kung anoo ang bahaging ginagampanan ng mga katangiang ito sa paghubog ng


kultura at kasaysayan ng kontinente.

Aralin 1: Konsepto ng Asya

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:


Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at
Hilagang Asya at Kanlurang Asya AP7HAS-la-1.1

Layunin:
a.
a. Nasusuri ang konsepto ng Asya

b. Naipapaliwanag ang paghahating heograpiko ng Asya

c. Napag-iisa-isa ang mga rehiyon ng Asya sa pamamagitan ng pagguhit at

pagkukulay ng mapa ng Asya

Paano nakaapekto ang heograpiya sa buhay ng mga Asyano?

SIMULAN
Suriin ang pisikal na mapa ng Asya. Ano-anong pisikal na detalye ang kapansin-
pansin sa kontinente? Isulat ang mga detalye sa kahon sa ibaba.

10
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

TUNGHAYAN
Ang salitang heograpiya ay hango sa mga salitang Griyego na “geo” na
nangangahulugang daigdig at “graphien” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa. Ang heograpiya ay tumutukoy
sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, pinagkukunang yaman at klima
nito, at aspetong pisikal ng populasyon nito.

Konsepto ng Asya
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng
lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Latitud - distansyang angular na


natutukoy sa hilaga o timog ng equator

Longitude - (mga distansyang angular


na natutukoy sa silangan at kanluran ng
Prime Meridian

11
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Ekwador - ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na


hemisphere

Prime Meridian - ay ang zero-degree longitude

Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga


kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104
kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North
America, South America, at Australia, at halos sangkapat (¼) lamang nito ang
Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang

kabuuang sukat ng Asya.

Kinaroroonan, Hugis at Sukat

Natatangi ang Asya sa lahat ng kontinente sa daigdig dahil sa lawak nito. Sakop nito
ang halos ikatlong bahagi ng kabuuang lupain sa daigdig na humigit kumulang sa
44,486 104 kilometro kuwadrado.

Paghahating Heograpikal ng Asya

12
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilagang Asya, Kanlurang Asya,


Timog Asya, Timog-Silangan Asya, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na
sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal,
historikal at kultural na aspeto. Nakakaapekto din sa paghahating ito ang iba’t ibang
lahi, wika at kultura ng mga Asyano maging ang pisikal na kalagayan ng bansa.
Sinasabi din na noong unang panahon ng mga griyego at Romano, ang kontinente ay
hinati-hati ng mga heologo sa tatlong bahaging heograpikal: ang Near East, Middle
East, at ang Far East. Ang paghahating ito ay binatay sa distansya ng mga rehiyon
ng Asya sa Europa, Near East o malapit na Silangan ang itinawag sa rehiyong
malapit sa Europa. Ang mga lupaing umabot sa Mediterranean Sea ay tinawag na
Middle East. Nang matuklasan nila ang ruta patungo sa ibang lupain, narating ng
mga Europeo ang India, Tsina, Hapon at iba pa at tinawag nial itong Far East. Sa
kasalukuyan ang kinikilalang Near East ay ang Timog Asya, ang Middle East ay
Timog at Kanlurang Asya at ang Far East naman ay Silangang Asya at Timog-
Silangang Asya.

13
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

5 Rehiyon ng Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Tsina Afghanistan Yemen
Hapon Bahrain UAE
Mongolia Cyprus Turkey
North Korea Iran Syria
South Korea Israel Qatar
Taiwan Jordan Oman
Timog Silangang Asya Kuwait Lebanon
Saudi Arabia
Brunei
Cambodia
Indonesia Timog Asya
Laos
Malaysia Bangladesh
Pilipinas Bhutan
Singapore India
Thailand Maldives
Timor East Nepal
Vietnam Pakistan
Sri Lanka

14
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Hilagang Asya
Armenia Tajikistan
Azerbaijan Turkmenista
Georgia Uzbekistan
Kazakhstan Krygyzstan

Pinagkunan: https://www.facebook.com/g7asya/photos/2017-2018
q1_post-2ang-asya-ay-binubuo-ng limang-rehiyon-hilagang-asya-
timog-asy/1025048917625909/

TANDAAN:
 Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
 Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig
 Latitud - distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator
 Longitude - (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng
Prime Meridian
 Ekwador - ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog
na hemisphere
 Prime Meridian - ay ang zero-degree longitude
 AngPAGHUSAYAN
Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Hilagang Asya, Kanlurang Asya,
Timog Asya, Timog-Silangan Asya, at Silangang Asya

PAGHUSAYAN
A. Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang numero.

_______________1. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa


daigdig?
_______________2. Ano ang tawag sa pinakamalaking kontinente ng daigdig?

15
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

_______________3. Ano ang distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng


equator?
_______________4. Ano ang tawag sa humahati sa globo sa hilaga at timog na
hemisphere?
_______________5. Ito ay hango sa mga salitang Griyego na “geo” na
nangangahulugang daigdig at “graphien” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa.
B. Narito ang mapa ng daigdig. Suriin mo ito at sagutan ang mga katanungan sa
ibaba.

1. Ilarawan ang kontinente bilang anyong lupa. Paano natutukoy ang lokasyon at
kinaroroonan ng isang kontinente o ng isang bansa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ilan ang kontinente ng daigdig? Gamit ang world map sa nakaraang pahina,
takdaan mo ng sariling kulay ang bawat isa at isulat sa loob o bahagi nito ang
pangalan ng bawat kontinente. Ano ang napapansin mo sa hugis ng bawat
kontinente? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Kung ang mga kontinente sa buong mundo ay hindi nahahati at ito’y nananatiling
isang malaking buong lupalop, may pagbabago kaya sa katangiang pisikal nito at
anong uri kaya ng pamumuhay, kultura, kasaysayan, sibilisasyon, at kabihasnan
mayroon ang mga tao sa buong daigdig?
16
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya. Paano isinagawa ang paghahating
panrehiyon nito? Para sa iyo, dapat bang maging batayan ang mga ito ng tinukoy
na paghahati?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

C. Bago ka magsimula sa susunod na tatalakayin, tiyakin mo munang alam mo


ang mga hangganan ng pitong kontinente ng Asya. Ito ay magagawa mo sa
pamamagitan ng ng pagkukulay sa bawat kontinente.
Panuto: Kulayan ang pitong kontinente ng daigdig na naayon sa isinasaad ng mga
kulay sa ibaba.

Hilagang Asya- Blue


Silangang Asya- Red

17
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Timog-Silangang Asya- Yellow Kanlurang Asya- Orang

Timog Asya- Green

KAYA MO ITO
Para saiyong huling gawain para sa talakayan na ito. Alamin ang hangganan ng mga
rehiyon ng Asya sa pamamagitan ng pagguhit ng mapa ng Asya at kuluyan ito base
saiyong napiling kulay. Lagyan ng pananda kung anong rehiyon ito nabibilang.

18
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayan sa Pagguhit

Pamantayan sa Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Pagtaya ng 4 3 2 1
Pagguhit ng
Mapa
Nilalaman Ang poster ay Ang poster ay Ang poster ay Ang poster ay
(30%) naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng kulang sa
komprehensibo, tumpak at may tumpak impormasyon
tumpak at may kalidad na impormasyon
kalidad na impormasyon
impormasyon

Organisasyon Maayos, detalyado May wastong May lohikal na Hindi maayos at


(20%) at madaling daloy ng kaisipan organisasyon hindi maunawaan

19
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

maunawaan ang at madaling ngunit hindi sapat


nkaguhit maunawaan ang
nakaguhit
Pagkamalikhain Ang pagkakagawa Ang Ang pagkakagawa at Ang pagkakagawa
(30%) at paglalahad ng pagkakagawa at paglalahad ng poster at paglalahad
phoster ay paglalahad ng ay hindi gaanong ng postern ay hindi
nilapatan ng poster ay nilapatan ng nilapatan ng
mataas na antas ng nilapatan ng malikhaing anumang
pagkamalikhain malikhaing pamamaraan malikhaing
pamamaraan pamamaraan
Hikayat Ang dating larawan Ang dating ng Mahina ang dating Walang dating ang
(20%) ay lubos na larawan ay ng larawan upang larawan
nakahihikayat at nakahihikayat. makapanghikayat.
nakakatawag
pansin.

Aralin 2: Kapaligirang Pisikal ng mga


Rehiyon sa Asya

Matatagpuan sa Asya ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito ay
ginagamit, nililinang, at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga Asyano.
Halos lahat ng anyong lupa ay matatagpuan sa Asya. Ang kontinente ay katatagpuan
ng nagtataasang hanay mga bundok, aktibong bulkan, malalawak at nagtataasang
talampas, masasaganang lambak at kapatagan, nagllalakihang tangway at
mayayamang pulo
20
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


kabihasnang Asyano. AP7HAS-la-5

Layunin:

a. Natutukoy ang kapaligirang humubog sa mga Asyano

b. Nakapagbibigay ng saloobin tungkol sa implikasyon ng ugnayan ng

kapaligiran sa buhay ng mga Asyano

c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kontribusyon ng likas na kapaligiran

sa gawaing pangkabuhayan ng tao sa pamamagitan ng paggawa ng photo

essay

Paano hinubog ng heograpiya ang buhay ng mga Asyano?

SIMULAN
Bago tayo magsimula, mag-isip muna tayo. Sa pamamagitan ng isang graphic
organizer, magbigay ng limang halimbawa ng anyong lupa at anyong tubig.

Halimbwa

Anyong Lupa Anyong Tubig

21
1._______________ 1.________________
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

TUNGHAYAN

Anyong Lupa

1. Bundok – anyong lupa na nakaangat mula


sa kapatagan at karagatan

Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay


ang Bundok Everest o tinaguriang “House
of Snow” na nasa hanay ng kabundukan ng
Himalaya na matatgpuan sa Pamir. Ang
taluktok nito ay may taas na 8848 metro
(29,028 talampakan)
mula sa pamantayan ng tubig.
Mt. Everest
22
Pinagkunan: https://www.gettyimages.com/detail/photo/mt-
everest-summit-and-south-col-himalayas-nepal-royalty-free-
image/164927557a
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

2. Bulkan – may hukay sa ibabaw at nakikitang


umuusok kung aktibo
Mount Fuji ang pinakatanyag na
bundok sa Japan. Sa Pilipinas naman,
ipinagmamalaki ang Mayon, ang hugis
konong
bulkan at ang Taal, ang pinakamaliit na
bulkan

Pacific Ring of Fire- binubuo ng mga


aktibong
hanay ng mga bulkan na nakapalibot sa
Pacific Ocean.
Mt. Fuji
Pinagkunan: https://gogonihon.com/en/blog/history-
of mount-fuji/

3.Bulubundukin o hanay ng
mga bundok

Himalayas- pinakamahabang hanay


ng mga bulubundukin sa Asya

Himalayas
Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/Himalayas

4.Talampas-ang kapatagan sa itaas ng bundok

Ang Tibetan Plateau na itinuturing na pinakamataas na


talampas sa buong mundo (16,000 talampakan)
at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya

Tibetan Plateau
Pinagkunan: https://phys.org/news/2011-03-
soot-tibetan-plateau-climate.html
23
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

5.Disyerto – anyong lupa na may


pinong buhangin
Ang Gobi Desert ang siyang
pinakamalaki
sa Asya at pang-apat sa buong
mundo, ito ay isa
lamang sa mga disyertong
matatagpuan sa Asya

Gobi Dessert
Pinagkunan: https://www.steppestravel.com/destinations/north-
and-central-asia/mongolia/gobi-desert/

6.Kapatagan -pantay at
malawak na lupain
-Ang Indo-Gangetic Plain at
malaking bahagi ng Timog
Silangang Asya ay bahagi nito.

Indo-Gangetic Plain
Pinagkunan: https://www.scidev.net/south-
asia/agriculture/news/conservation-agriculture-on-the-indo-
gangetic-plain.html
7.Lambak- kapatagan na napapagitnaan ng
matataas na bulubundukin
- ang lambak ng Huang Ho, Tigris at Euphrates at
Indus ay pawang masagana ng lambak na
sinilangan ng sinaunang kabihasnan.
-Lambak ng Cagayan sa Pilipinas

Lambak ng Cagayan
Pinagkunan:
https://philippineculturaleducation.com.ph/lambak/

24
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Anyong Tubig

1. Karagatan- pangunahing bahagi ng anyong


tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng
tubig
3 karagatan na nakapalibot sa Asya

Karagatang Pasipiko
(pinakamalaking karagatan sa buong
mundo na matatagpuan sa silangang
Asya)
Karagatang Indian (pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati
ng karagatan sa mundo sa Timog Asya)
Karagatang Arktiko (pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga
limang karagatan ng mundo)

2. Dagat- malaking bahagi ng anyong tubig subalit mas maliit sa karagatan.


South China Sea (pinakamalaking
dagat sa Asya ay napapaligiran ng
bansang Vietnam, Malaysia, Indonesia
at Pilipinas)
Dagat Mediterranean (pangalawa sa pinakamalaki sa Asya, Aprika,
at Europa

Meditteranean Sea
Pinagkunan: https://phys.org/news/2017-09-
mediterranean-sea-

3. Ilog-dumadaloy mula sa dagat o nagmumula


sa umaagos na tubig mula kabundukan
Huang Ho o Yellow River
Ilog Yangtze (pinakamahabang
ilog sa Asya)
Ilog Cagayan (pinakamalaking ilog
sa Pilipinas)
Tigris-Euphrates at Jordan
(pinakamalaking ilog sa Kanlurang
Asya)

Ilog Yangtze
Pinagkunan: https://gazkomplekt- 25
saratov.ru/tl/mestoraspolozhenie-i-dlina-reki-yanczy- l
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

4. Lawa- nakakulong o napapaligiran


ng matataas na bahagi ng lupa.
Lake Baikal (pinakamalalim
na tubig tabang sa daigdig)
Laguna de Bay
(pinakamalawak na tubig
tabang sa Pilipinas)
Caspian Sea (pinakamalawak
na lawa sa daigdig)

Laguna De Bay
Pinagkunan: http://laguna-uosm2005.weebly.com/fish.html
5.Golpo- nakadikit at napapaligiran ng
kalupaan na karugtong dagat.
Golpo ng Persia (isa sa mga
mahalagang golpo sa Asya na
dinaraanan
ng mga tanker ng langis)
Golpo ng Lingayen at Golpong
Davao (pinakamalaking golpo sa
Pilipinas)
Golpo ng Lingayen
Pinagkunan:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Golpo_ng_Lingayen

6. Look- napapaligiran din ito ng


kalupaan at karaniwang
pasyalan ng mga tao
Look ng Bengal
(pinakamalaki sa
rehiyon)
Look ng Maynila
(ang dalawa sa
pinakamalaking
daungan sa daigdig
– ang North at
South Harbor)

Implikasyon ng Anyong Lupa at Anyong Tubig ng Rehiyon sa Buhay ng mga Asyano

26
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga anyong lupa at Anyong tubig ng


Asyasa kasaysayan, kultura at kabuhayan ng ng mahalaga sa kanilang pang-araw-
araw na buhay.mga Asyano. Dahilan sa pagkakaiba-iba ng anyong lupa at anyong
tubig na nakapaligid sa mga Asyano, nagkakaiba-iba rin ang rin ang gamit nila sa
mga kapaligirang ito.

1. Umusbong ang sinaunang kabihasnan sa mga lambak-ilog ng Asya


2. Pagpapastol ng tupa, ksmbing at bakang pinagkukunan ng karne ang kanilang
,karaniwang hanapbuhay
3. Pinagkukunan ng mga yamang mineral
4. Materyales, herbal na gamut
5. Panirahan ng mga hayop
6. Ambag sa paghubog ng uri ng pamumuhay o kabihasnan
7. Likas natanggulan o depensa -bundok

Klima at Vegatation Cover ng Asya


Sa araling ito matutuklasan ang pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay ng mga
Asyano ay hindi lamang bunga ng pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay ng mga
Asyano ay hindi lamang bunga ng pagkakaiba ng topograpiya sa mga bahaging
lupain at tubig ng Asya, kung hindi dahil na rin sa pagkakaiba ng klima at Vegetation
Cover o pananim sa mga bansang matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon ng kontinente.
Ang Klima ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob
ng mahabang panahon, samantalang ang kondisyon ng atmospera sa isang
natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras ay tinatawag na panahon.

Malaki ang kinalaman ng klima sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang


lupain. Ito ay maaaring maging batayan ng uri ng kanilang hanapbuhay,
pananahanan, gawi, at iba pang aspeto ng pamumuhay.Ang Klima rin ang
nagtatakda ng Vegetation Cover ng isang rehiyon. Sa lawak ng Asya, ibat’ibang uri
ng klima ang nararanasan dito.

27
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mga Uri ng Klima sa Asya

1. Tropical – palaging mataas ang temperature sa mga nakakaranas ng klimang


tropical. Ang temperature ay umaabot ng 180 ° C o higit pa. Ang klimang ito ay
nauuri sa mga sumusunod:

Tropical Rainforest – karaniwang maulan sa mga lupaing nararanasan ng


ganitong klima. Ang Singapore, Palembang, Indonesia at Malaysia ay
ilan sa mga nakakaranas ng ganitong uri ng klima.

Tropical Monsoon – may dalang hanging habagat na karaniwang


nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa India, Timog Silangang Asya,
Tsina, at Hapon. Itp ay nararanasan sa buwan ng Mayo at Setyembre.

Tropical Wet and Dry Savanna – ito ay ang tuyong panahon. Umiiral ang
klimang ito Trinicomalee, Sri Lanka.

2. Arid at Semi-Arid – karaniwang nasa madisyertong lupain ng Asya. Ang mga


bansang India, Sri Lanka, Bangladesh at Pakistan ang may ganitong klima.
3. Temperate – ang temperatura ay karaniwag umaabot ng 10° C at bihira ng
umabot ng 40℃ buwan ng tag-init at ang pinakamalamig naman na buwan ay
umaabot ng 3℃ hanggang 18℃ . Ang klimang temperate ay nauuri sa
sumusunod.

Mediterranean – ang lupaing ito ay lubhang mainit at tuyo, maliban sa


mga baybayin kung saan nararanasan ang higit na mahalumigmig na
tag-init dala ng malamig na ihip na hanging namumula sa karagatan.
Ang Turkey, Cyprud, Syria, Lebanon at Israel ang mga bandsang
nakakaranas ng ganitong klima.

28
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Subhumid Tropical – ang tag-init sa klimang ito ay mahalumigmig dala ng


hanging amihan. Ang klimang ito ay nararanasan sa timog baybayin ng
Korea, Hapon, Pakistan, Hongkong at Taipei.

4. Maritime Temperate – ang tag-init sa klimang ito ay mainit, samantalang ang


taglamig ay katamtaman lamang. Ang mga bansang nakakaranas nito ay
Pilipinas, Vietnam, Malaysia at India.

5. Polar – ang araw ay sumisinag lamang sa loob ng dalawampu’t apat na oras


sa panahon ng tag-init bunga ng kawalan ng puno sa mga pook na ito na
natatabunan ng permanenting yelo. Ang malaking bahagi ng Siberia ay
nakakarans ng klimang Polar.

Vegetation Cover
Vegetation – ay tumutukoy sa ibat’ ibang uri ng pananim na nakabalot sa
lupain ng daigdig ay epekto ng klima nito.

Mga uri ng Vegetation Cover


1. Steppe - may ugat na mabababaw o shallow rooted short grasses. Maliliit na
damuhan, halamang herbaceous ang karaniwang tawag sa mga damuhang
ito.
Paghahayupan ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito.
Saan: Mongolia, Manchuria at Ordos Desert

29
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

STEPPE
Pinagkunan: https://www.pugetsound.edu/academics/academic-resources/slater-museum/biodiversity-resources/world-
https://www.flickr.com/photos/plant_diversity/5881275315/

1. Prairie - lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply


rooted tall grasses.
Saan: Mongolia, Manchuria at Russia

PRAIRIE
Pinagkunan: https://www.csbsju.edu/outdooru/prairie https://e360.yale.edu/features/forgotten-landscapes-bringing-back-the-rich-
grasslands-of-the-southeast

2. Savanna - pinagsamang mga damuhan at kagubatan.


Saan: Myanmar at Thailand

SAVANNA
30
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pinagkunan: https://www.nsf.gov/news/news_summ.jsp?cntn_id=121029 https://www.botany.one/2019/08/savanna-


tree-and-c4-grass-acclimation-responses-across-low-to-high-co2/

3. Taiga - coniferous ang mga kagubatan bunsod ng malamig na klima dahil sa


presipitasyon namaaaring nasa anyong yelo o ulan. Coniferous ang mga
kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na
maaaring nasa anyong yelo o ulan.
Saan: Siberia

TAIGA
Pinagkunan: https://www.britannica.com/science/taiga https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/taiga/

4. Tundra – ang tundra ay salitang Ruso na ang ibig sabihin ay kapatagang


latian. Halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.
Saan: Siberia, Russia at nasa baybayin ng Arctic Ocean

TUNDRA
Pinagkunan: https://sciencing.com/tundra-climate-6389826.html

5. Tropical Rainforest – kagubatan

31
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Likas sa ganitong uri ng lupain ang punong tropical deciduous na nagtatagal


sa klimang mayroong mahabang tuyong panahon at napakalakas na tag-
ulan.karaniwan rin ditto ang mga naggagandahang airplants tulad ng orkidya.
Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan
ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay na
panahon ng tag-ulan at tag-araw.
Saan: Timog Silangang Asya

RAINFOREST
Pinagkunan: https://www.climatecentral.org/news/tropical-forests-store-less-carbon-climate-changes-20052
https://study.com/academy/lesson/tropical-rainforest-biome-facts-lesson-for-kids.html

Implikasyon ng Klima at Vegetation Cover sa Buhay ng mg Asyano


Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng klima sa buhay ng mga Asyano.
Palay ang pangunahing pananim ng mga Asyano dahil ito ang pangunahing
;pananim na angkop sa klima ng rehiyon. Sa mga lupaing maigsi lamang ang
tagtuyot o tag-init, ang mga Asyano ay nakapagtatanim ng buong taon. Sa pagdating
namn ng masaganang ulan, sila ay nakapagtatanim at nakapag aani ng dalawang ulit
sa loob ng isang taon. Dahil karamihan sa mga Asyano ay mga magsasaka na likas
na umaasa sap ag aani ng bigas, ang hindi pagdating ng ulan ay maaaring magdulot
ng taggutom na naganap na sa iba’t ibang bansa sa kontinente.

Tinutustusan din ng klima ng sapat na damuhan ang mabato, matalampas, at


mabundok para sa pagpapanginain at pagpaparami ng tupa. Ang tupa ang
tumutustos sa kailangang balat ng hayop na ginagawang kasuotan sa mga
malalamig na pook.

32
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Maaari rin magdulot ang klima ng pinsala sa buhay ng mga Asyano. Ang
pagdaan ng isang bagyo ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng pananim at ari-
arian ng mga Asyano. Sa kabilan dako, ang hindi pagdaan ng ulan sa rehiyon ay
maaaring maging sanhi ng nakamamatay na taggutom at kahirapan.

TANDAAN:
 Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
 Matatagpuan sa kontinente ang halos lahat ng uri ng anyong lupa at anyong
tubig.
 Sa Asya matatagpuan ang sumusunod na natatanging anyong lupa at anyong
FILL
tubig IN THE
na kilala BLANK
sa buong daigdig:
Punan Mt.
ng tamang
Everest sagot ang bawat na
– pinakamataas patlang sa sa
bundok binuong
buongtalata sa ibaba.
daigdig
-Yangtze River -pinakamahabang ilog sa Asya
-Tibetan Plateau- pinakamataas na talampas sa daigdig
-Caspian Sea- pinakamalawak na lawa sa daigdig
-Lake Baikal- pinakamalawak na tubig tabang sa daigdig
 Naaayon sa uri ng klima at vegetation cover ang uri ng pamumuhay at
paninirahan ng mga Asyano.

PAGHUSAYAN
A. Punan ng tamang sagot ang bawat patlang sa binuong talata sa ibaba.

Ang _____________ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dito


matatagpuan ang pinakamataas na hanay ng mga bundok ng Pamir na kung
tawagin ay __________________. Kabilang sa Pamir ang _______________,
ang pianakamahabang hanay ng mga bundok o tinatawag na bulubundukin sa
Asya. Sa nasabing kabundukan ay matatagpuan ang

33
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

____________________, ang pinakamataas na bundok sa daigdig. Sakop din


ito ng Pamir ang ________________, ang pinakamataas na talampas sa
daigdig.May mga bahagi naman ng kontinente ay matatagpuan ang hanay ng
mga aktibong bulkan na kung tawagin ay ________________. May ibat-iba
ring anyong tubig ang kontinente ng Asya. Mahalagaang mga anyong tubig na
ito sa buhay ng mg Asyano. Pinanggagalingan ang mga ito ng kanilang
ikinabubuhay. Ang ilog _________________Tsina,ang kilalang
pinakamahabang ilig sa Asya. Pawang pinagmulan naman ng sinaunang
kabihasnan ang lambak ng ilog _____________________ng Tsina,
__________________,at _____________ ng India, at mga kambal ilog ng
__________________________________ ng Iraq. Sa Asya rin matatagpuan
ang ______________________ na itinuturing na pinakamalaking lawa sa
daigdig.

B. Tukuyin ang uri ng klimang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang KL para sa
klimang tropical, KT para sa klimang temperate, KA para sa klimang arid, MT
para sa Maritime Temperate at KP para sa klimang Polar.

_______________1. Karaniwang maulan sa mga lupaing nararanasan ang


ganitong klima ang Singapore, Palembang, Indonesia at Malaysia ay ilan sa mga
nakakaranas ng ganitong uri ng klima.

_______________2. ang araw ay sumisinag lamang sa loob ng dalawampu’t apat na


oras sa panahon ng tag-init bunga ng kawalan ng puno sa mga pook na ito na
natatabunan ng permanenting yelo

_______________3. Karaniwang nasa madisyertong lupain ng Asya ang


nakakaranas ng ganitong klima.

_______________4. Ang lupaing ito ay lubhang mainit at tuyo, maliban sa mga


baybayin kung saan nararanasan ang higit na mahalumigmig na tag-init dala ng
malamig na ihip na hanging namumula sa karagatan.

34
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

_______________5. May dalang hanging habagat na karaniwang nagdudulot ng


malalakas na pag-ulan sa India, Timog Silangang Asya, Tsina, at Hapon.

C. Punan ang sumusunod na tsart ng hinihinging kasagutan.

Bahagi ng Kapaligiran Mga Oportunidad Mga Banta o Panganib

Anyong Lupa

Anyong Tubig

D. Ipaliwanag
1. Paano nakakaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya sa buhay
ng mga Asyano?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Batay sa mga impormasyong naihayag sa itaas, anu-anong hamon ang dulot
ng anyong lupa at anyong tubig sa mga bansa sa Asya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Paano nakakaapekto ang iba’t ibang uri ng klima at vegetation cover sa Asya
sa uri ng pananahanan, pamumuhay, at gawi ng mga Asyano sa ibat’ ibang
rehiyon?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

35
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

E. Gamit ang “Graphic Organizer” sa ibaba upang makasulat ng isang sanaysay na


may tatlong parirala. Isulat ang sanaysay ayon sa pamagat nito.
Paligid ko Sagot ko

KAYA MO ITO

36
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Gamit ang iyong cellular phone o digital camera, kuhanan mo ng larawan ang
anumang makikita mo sa paligid na nagpapakita ng paraan ng paggamit ng tao sa
likas na yaman. Sakaling walang cellular phone o digital camera, maaari mo ding
iguhit ang mga larawan. Kakailanganin mo ng tatlong iba’t ibang larawan ngunit
magkakaugnay at nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nito’y susulat ka ng
isang sanaysay na iinog sa paksang “Ano ang kontribusyon ng likas na
kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan ng tao?” Ang sanaysay ay dapat na may
kaugnayan rin sa mga larawan

“Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing


pangkabuhayan ng tao? “ 37
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayan sa Paggawa ng Photo Essay

Pamantayan sa Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Pagtaya ng 4 3 2 1

38
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Photo Essay
Pamantayan
Nilalaman Ang photo essay ay Ang photo essay Ang photo essay ay Ang photo essay
(30%) naglalaman ng ay naglalaman ng naglalaman ng ay kulang sa
komprehensibo, tumpak at may tumpak impormasyon
tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa
kalidad na impormasyon tungkol sa kontribusyon ng
impormasyon tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran
tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing
kontribusyon ng likas na sa gawaing pangkabuhayan ng
likas na kapaligiran kapaligiran sa pangkabuhayan ng tao
sa gawaing gawaing tao
pangkabuhayan ng pangkabuhayan
tao ng tao
Organisasyon Maayos, detalyado May wastong May lohikal na Hindi maayos at
(20%) at madaling daloy ng kaisipan organisasyon hindi maunawaan
maunawaan ang at madaling ngunit hindi sapat ang mga
daloy ng mga maunawaan ang upang mailahad impormasyong
kaisipan at impormasyong ang kontribusyon inilahad tungkol sa
impormasyong inilahad tungkol ng likas na kontribusyon ng
inilahad tungkol sa sa kontribusyon kapaligiran sa likas na kapaligiran
kontribusyon ng ng likas na gawaing sa gawaing
likas na kapaligiran kapaligiran sa pangkabuhayan ng pangkabuhayan ng
sa gawaing gawaing tao tao
pangkabuhayan ng pangkabuhayan
tao ng tao
Mensahe May malinaw at May malinaw na Limitado ang Malabo at limitado
( 20%) malawak na mensahe tungkol mensahe tungkol ang mensahe
mensahe tungkol sa sa kontribusyon sa kontribusyon ng tungkol
kontribusyon ng ng likas na likas na kapaligiran kontribusyon ng
likas na kapaligiran kapaligiran sa sa gawaing likas na kapaligiran
sa gawaing gawaing pangkabuhayan ng sa gawaing
pangkabuhayan ng pangkabuhayan tao pangkabuhayan ng
tao ng tao tao
Pagkamalikhain Ang pagkakagawa Ang Ang pagkakagawa at Ang pagkakagawa
(20%) at paglalahad ng pagkakagawa at paglalahad ng photo at paglalahad
photo essay ay paglalahad ng essay ay hindi ng photo essay ay
nilapatan ng photo essay ay gaanong nilapatan hindi nilapatan ng
mataas na antas ng nilapatan ng ng malikhaing anumang
pagkamalikhain malikhaing pamamaraan malikhaing
pamamaraan pamamaraan
Hikayat Ang dating sa , Ang dating sa Mahina ang dating Walang dating sa
(10%) mambabasa ay mambabasa ay sa mambabasa o mga mambabasa
lubos na nakahihikayat. tagapakinig upang ang photo essay
nakahihikayat at makapanghikayat.
nakakatawag
pansin.

39
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

YUNIT 2: YAMANG LIKAS NG ASYA

Aralin 3:
Yamang Likas ng Asya
Aralin 4: Yamang Likas ng Asya at Implikasyon nito
Aralin 5: Sitwasyong Ekolohikal sa Asya

Ang yamang likas ay tumutukoy sa mahahalagang kayamanan ng mga


anyong lupa at anyong tubig. ang mga ito ay binubuo ng mga hilaw na materyales na
nagmumula sa likas na kapaligiran ng isang bansa. Kadalasan ang yamang likas na
ito ang siyang nagtatakda ng kayamanan ng isang bansa sa pandaigdigang
ekonomiya. Sa kabila nito may mga bansa rin naming salat sa yamang likas. Bunga
nito, kinakailangan nilang gumawa ng paraan upang maitaguyod ang kanilang
ekonomiya, Malaki ang pakinabang natin sa ating likas na yaman.

Aralin 3: Yamang Likas ng Asya


40
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Nailalarawan ang Yamang likas ng Asya. AP7HAS-le-1.5

Layunin:

a. Natutukoy ang mga yamang likas ng Asya

b. Nakabubuo ng talahanayan ng mga likas na yaman na matatagpuan sa

Asya

c. Nakagagawa ng paglalarawan sa pamamagitan ng paggawa ng sanaysay

tungkol sa yamang likas na taglay ng Asya

“Paanong ang interaksiyon ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa


pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?”.

SIMULAN
Kaban ng Yaman Ko, Iguhit Mo

Sa ibaba ay makikita mo ang hanay ng larawan ng mga produkto. Isulat mo sa


dakong ibaba nito kung ito’y yamang lupa, yamang tubig, yamang kagubatan, o
yamang mineral. Sa kahon na may arrow sa tapat nito ay iguhit mo ang yamang likas
na pinanggalingan ng produktong ipinakikita. Sa pamamagitan nito ay matutukoy mo
ang pauna mong mga kaalaman sa kapakinabangan ng ating kapaligiran.

41
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

TUNGHAYAN
42
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na


damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya
bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga
troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang
pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon,
ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng
ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang
mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng
natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya
ng Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at
langis, samantalang isa sa mga nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo
ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may
produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley,
gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag-
aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga
tao ng lana, karne at

gatas.

43
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

TIMOG ASYA

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang


sa Timog Asya. Palay ang mahalaganag produkto dito bagama’t may mga pataniman
din ng trigo, jute, tubo at mga gulay. Pinakamahalaganag likas na yaman sa India
ang lupa lalo’t higit ang mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng mga ilog
Indus, Ganges, at Brahmaputra. Malaki rin ang reserba ng bakal at karbon sa
bansang ito. Bagama’t ipinagbabawal ng pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa
pagtatanim ng opyo. Ang mga kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa mga gulod ng
bulubunduking Himalayas. Sa mga baybaying dagay ng Pakistan ay matatagpuan
ang mga gubat bakawan. Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-Kanlurang Sri
Lanka na hitik sap uno ng mga mahogany at iba’t ibang uri ng palm. Sa dakong gitna
ng pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang
evergreen samantalang sa hilaga at silangang bahagi nito ay naroon ang mga
punong ebony at satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon
dahil sa pagtustos nito ng iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon
tulad ng Afghanistan at Bangladesh ay may paghahayupan. Batong apog, bakal,
karbon, natural gas, langis, tanso, asin, at gypsum ay ilan sa mga pangunahing
yamang ng Timog Asya.

Mga Likas na Yaman

Trigo
44
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

https://tl.wikipedia.org/wiki/Trigo
Barley
https://www.medicalnewstoday.com/articles/295268

Tubo Jute

Ebony Palmera Evergreen Mahogany

Timog-Silangang Asya

Sa Timog Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang


malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang
nagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon at reptile. Sa kagubatan ng
Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo,
samantalang ang maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong,
yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng dapo
ay nasa kagubatan ng Pilipinas. Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy River at
Sittang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid
ng Mekong River at Tonle Sap. May iba’t ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay
isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng
niyog at kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang
45
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon. Sa yamang mineral, malaki ang deposito


ng langis at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog
Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ng
liquefied gas sa buong daigdig. Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng
Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas. Ang malalaking ilog ay
pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power
na siya namang pinagkukunan ng kuryente.

Mga hayop na nanganganib ng maubos sa rehiyon ng Asya

Agila Tarsier Elephant Rhinoceros

Tradisyunal na pagsasaka
http://timogsilangangasya.blogspot.com/2015/08/tuklasin-ang-timog-silangang-asya.html
http://oltime.ru/tl/elimination/industrial-agriculture-unlike-industry

46
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Silangang Asya

Ang mga bansang China, North Korea at Tibet ay mayaman sa depositong


mineral. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at
tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserba ng karbon dito na isa sa mga
pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa yamang mineral ang Japan bagamat
nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman, nagtatanim sila ng
mga punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkwork kaya nangunguna
ang Japan sa industriya ng telang sutla. Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay
matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na
lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring
bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing
pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo.
Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at
paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop
ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay
nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito.

Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ay kilala rin sa tawag na “Middle East” o Gitnang


Silangan. Maraming mga mga manggagawang Pilipino ang naghahanapbuhay rito
sa kasalukuyan. Sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo.
Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at
malaki rin ang produksyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab
Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may
natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium, phosphate, at iba pa. Sa
agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga
oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais tabako, at
mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng dates at dalandan, ang

47
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan sa mga


lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.

Dead Sea- ito ang pinakamababang


bahaging nasa ibabaw ng mundo.
Halos siyam na ulit na mas maalat
ito kaysa dagat. Madaling
nakalulutang ang isang tao na may
kaginhawahan. Pumupunta ang mga
turista sa Dagat Patay upang
makalutang sa tubig nito at maenjoy
ito

https://www.mentalfloss.com/article/75086/9-deep-facts-aabout-
dead-sea

TANDAAN
 Ang yamang likas ay tumutukoy sa mahahalagang kayamanan ng mga anyong
lupa at anyong tubig.
 Halos lahat ng bansa sa Asya ay pagsasaka ang ikinabubuhay
 Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng ba’t ibang uri ng hayop, mineral at mga
gubat.
 Ditto sila kumukuha ng kanilang kabuhayan o pantustos sa kanilang pang-
araw araw.

PAGHUSAYAN

48
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

A. Ngayong tapos ka ng mapag-aralan ang paksa. Ngayon namna susubukin ang


iyong natutunan sa paksang iyong pinag-aralan. Basahin ng mabuti ang bawat
pahayag. Ayusin ang mga nakabuhol na salita at isulat ito sa patlang ng bawat
sagot.

eadd aes ___________ 1. ito ang pinakamababang bahaging nasa


ibabaw ng mundo. Halos siyam na ulit na mas maalat ito
kaysa dagat.

nlkuarng saya ____________2. Kilala rin sa tawag na “Middle East” o


Gitnang Silangan.
sasapagak ____________3. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa
mga bansang nabibilang sa Timog Asya.
lapay ____________4. Ito ang mahalaganag produkto ng Timog
Asya.
yalpa _____________5. Pangunahing pananim at siyang
nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo sa
Silangang Asya
ilansgang aysa ____________6. Ito ang may pinakamalaking reserba ng
antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig.
ausid baraia ____________7. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo
sa buong daigdig.

qiliueefd sag ____________8. Pangunahing mineral ng Malaysia.


poyo _____________9. Tanyag ang bansang Afghanistan sa produkto
ito ngunit isang pinagbabawal na halaman.

lipisapin ____________10. Ito ang bansang nangunguna sa buong


daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra.

B. Gamit ang Data Chronicle Chart. Punan ang talahanayan ng mga taglay nitong
likas na yaman.

Mga Rehiyon Mga Likas na Yaman

Silangang Asya

Timog-
Silangang Asya
49
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Kanlurang Asya

Hilagang Asya

Timog Asya

KAYA MO ITO

Pagsulat ng Sanaysay

Pumili ng isang paksa upang maging iyong paksa sa pagsulat ng sanaysay.


1.Paanong ang langis at petrolyo ay nagbunsod sa paglago at pag-unlad ng
ekonomiya ng Kanlurang Asya?
2.Ano-ano lawak ng ambag ng mga yamang dagat sa kaunlaran ng Timog Silangang
Asya?
3.Ang pag-unlad ng kabuhayan ng Hilagang Asya dahil sa ginto.
4. Paano hinubog ng agrikultura ang kabuhayan ng mga tao sa Timog Asya?
5. Ang kapakinabangan ng mayamang depositong mineral at yamang lupa sa
pamumuhay ng mga bansa sa Silangang Asya?

50
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

51
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay

52
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Aralin 4: Yamang Likas ng Asya at


Implikasyon nito

Malaki ang ginagampanng papel ng yamang likas sa pamumuhay ng mga


Asyano kagaya ng yamang tubig, yamag gubat, at yamang mineral, gulad ng ginto,
natural gas at iba pa.

Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa


pamumuhay ng mga Asyano AP7HAS-le-1.5

Layunin:

a. Natutukoy ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga

Asyano

b. Nakabubuo ng talahanayan upang ilarawan ang malaking gampanin ng yamang

likas sa pamumuhay ng mga Asyano

c. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa ano ang implikasyon ng yamang

likas sa pamumuhay, pananahanan at agrikultura ng mga Asyano

Ano ang implikasyon ng yamang likas sa pamumuhay, pananahanan, at


agrikultura ng mga Asyano?

SIMULAN
Bago dumako sa talakayan, Suriin ng mabuti ang larawan na nasa ibaba at sagutan
ang katunungan.

53
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Paano

nakakaapekto ang mga gawain ng tao sa pag-


unalad ng bansa?

TUNGHAYAN

Agrikultura
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong
panluwas nito ay nagmumulas sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain,
mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng
mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit m

54
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

makabagong makinarya, May ilang mga may mga maliliit na sakahan at nagbubukid
para sa pansariling ikinabubuhay lamang.

Ekonomiya
Sa tema ng ekonomiya naman marami sa mga bansa sa Asya ay
papaunlad bunsod kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukunan
Mga makabagong makinarya sa pagsasaka
ng mga materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan. Maging ang mauunlad
na bansa ay dito kumukuha ng mga hilaw na materyales kung kaya’t halos nauubos
ang likas na yaman ng huli at hindi sila nakikinabang dito. Kagaya ng bansang
pilipinas na patuloy na pinapakinabanagan ng mga foreign investor kapalit ng
kakarampot na tax na ating nakukuha sa kanila. Resulta nito ang pagkaubos at
pagkasira ng ating mga likas na yaman, pagbagal ng pag-unlad ng ating ekonomiya
dahil sa iba ang nakikinabang ng ating likas na yaman .Sa kabilang banda, likas na
yaman din ang kanilang iniluluwas , kasabay ng paggamit ng mga tradisyunal at
makabagong teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita nang sa
gayon ay mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.

Larawan ng labis na pagkaubos ng yamang likas ng Asya dahil sa labis na paggamit


nito.

Panahanan

55
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy rin ang pagdami ng nagangailanagan ng


ikabubuhay at pananahanan nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay

nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang


populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t ang ilan ay
isinasagawaang land conversion, na nagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga
hayop. Land conversion o pagpalit n lupa ay pagpapatag ng mga bundok o maburol
na lugar upang gawing kabahayan. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang
baguhin ang kakayahan ng lupa at ang kanilang kapaligiran.

Katangi-tangi ang Asya bilang isang kontinente sapagkat naririto ang napakaraming uri ng
mga bagay na may buhay na patuloy na dumadaan sa isang uri ng ugnayan at bumubuo ng
kapaligiran at kalikasang siyang nililinang ng tao para sa kanyang pamumuhay. Ngunit sa
paghahangad ng tao na mas mapaunlad ang kanyang gawaing pangkabuhayan ay ginamit nya
ang kapakinabangan ng teknolohiya, mga imbensyon, at mga inobasyon na nagbunsod sa

industriyalisasyon.

Land conversion upang gawing kabahayan


TANDAAN
 Mayroong tatlong implikasyon sa yamang likas at kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano ito ay ang mga sumusunod:
-Agrikultura
-Ekonomiya
-Panahanan 56
 Land conversion o pagpalit n lupa ay pagpapatag ng mga bundok o maburol
na lugar upang gawing kabahayan.
 Dahil sa paghahangad ng tao na mas mapaunlad ang kanyang gawaing
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

PAGHUSAYAN
A. Basahin ng mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ng bawat bilang kung
ano ang isinasaad ng pahayag.Isulat ang Eko kung itoy tumutukoy sa
ekonomiya, Agri naman kung itoy tumutukoy sa agrikultura at Pana kung ito
naman ay panahanan.

_______________1. Pagamait ng mga makabagong ekonomiya sa


pagsasaka.
_______________2. Pagpapatayo ng mga gusali
_______________3. Pagpapatayo ng bahay
_______________4. Pag-angkat ng abaka sa Pilipinas
_______________5. Pagpunta ng mga turista sa ating bansa
_______________6. Pag-unlad ng industriyalisasyon
_______________7. Pagsasagawa ng mga programang pagkabuhayan
_______________8. Pagtatanim ng palay
_______________9. Pagpapatag ng mga nurol at bundok
______________10. Paghihikayat ng mga foreign investor

B. Narito ang isa sa mga balitang nailathala tungkol sa pagsasakripisyo ng kalikasan bunsod
ng industriyalisasyon. Pagkatapos nito’y ipahayag mo ang iyong puna at saloobin sa
pamamagitan ng pagsagot sa pamprosesong mga tanong.Basahin at unawain.

Asia’s

Asia Pacific countries must maintain their natural capital such as forests, biodiversity,
freshwater, and coastal and marine ecosystems to achieve a green economy, according to a
joint report by the Asian Development Bank (ADB) and Worldwide Fund for Nature (WWF).
The report entitled “Ecological Footprint and Investment in Natural Capital in Asia and the
Pacific” said that the Asia Pacific region is consuming more resources than its ecosystems
57
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

can sustain, threatening the future of the region’s beleaguered forests, rivers, and oceans as
well as the livelihoods of those who depend on them. In the past two decades, the report
noted that the state of ecosystems in the region has been declining because of the activities
such as conversion of primary forests to agricultural land or monoculture plantations;
extensive coastal developments and unsustainable exploitation of marine resources; and
conversion of freshwater ecosystem for agricultural use.
The joint ADB-WWF study, looks in more detail at the state of ecosystems in Asia-
Pacific and what can be done to sustain them. It focuses on ways of preserving key large-
scale regional ecosystems, including the forests of Borneo, the marine wealth of the Coral
Triangle, the Mekong region’s diverse habitats, and the mountainous Eastern Himalayas.
These areas contain some of the region’s most important natural resources on which millions
of people depend for their sustenance and development.
Nessim Ahmad, ADB director for Environment and Safeguards, said that major
ecosystems such as the Coral Triangle and the heart of the Borneo rainforest are vital to the
future of Asia-Pacific. ”We need large-scale programmatic efforts based on regional
cooperation and local level action to make sure they are sustained for future generations,”
Ahmad added
Per capita drops
Moreover, the report explained that by 2008, the per capita natural resources in these
regional ecosystems had shrunk by about two-thirds compared to 1970. Despite the rich
natural capital in the region, the report noted that biodiversity is in decline in all types of
ecosystems, with the rate of species loss about twice the global average.
The report used the Living Planet Index—one of the more widely used indicators for
tracking the state of biodiversity around the world—to measure changes in the health of
ecosystems across the Asia-Pacific. The global index fell by about 30 percent between 1970
and 2008, while the Indo-Pacific region shows an even greater decline of 64 percent in key
populations of species during the same period.
Across the region, the gap between the ecological footprint, or human demand for
natural resources, and the environment’s ability to replenish those resources is widening, it
added.
The report also said that the challenge for countries of Asia Pacific is to manage their
natural sustainability, so that they maintain ecosystems services such as food, water, timber,
pollination of crops and absorption of human waste products like carbon dioxide, to attain
long-term development.
“We need to create mechanisms that make protecting our resources the right
economic choice for the communities that use and depend on them,” said WWF Director
General Jim Leape.
Investing in the region’s resources pays. It is estimated that every dollar spent on
conservation efforts would yield an economic and social value of ecosystems worth over
$100, it added.
On the other hand, ADB said that it places environmentally sustainable growth at the
core of its work to help reduce poverty in the region. It approved a record of 59 projects
supporting environmental sustainability in 2011, which amounted to about $7 billion in
financing.

Carballo, Mayvelin U., The Manila Times


June 07, 2012

58
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Glosaryo ng mga mahahalagang salita

beleaguered forests inabusong mga kagubatan


biodiversity pagkakaiba at pagiging katangi-tangi ng lahat
ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na
kalikasan
diverse habitat Iba-ibang panahanan o tirahan
ecosystem masalimuot na sistema ng interaksiyon sa
pagitan ng mga bagay na may buhay at ng mga
bagay na walang buhay sa pisikal na
kapaligiran
exploitation pananamantala sa iba para sa sariling
kapakanan
natural capital likas na puhunan
programmatic masusing pinaghandaan
replenish muling punuan o tustusan
strained sobra o labis na nagamit
sustainability kakayahang magpanatili ng isang estado o
kalagayan

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang suliraning inilahad sa balita? Sino ang direktang apektado ng
nasabing suliranin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Sa inilahad sa balita, ano ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong seryosong
suliranin? Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o pagtutol sa industriyalisasyon
at sa paraan ng paggamit ng likas na yaman.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ayon sa may-akda, anu-ano ang mga posibleng solusyon upang mapigil o
mahinto ang mga inilahad na problema? Anong mga proyekto ang dapat na
isagawa? Sa iyong palagay, posible bang maisakatuparan ito? Sa papaanong
paraan?

59
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
C. Gamit ang talahanayan, ilagay ang mga maaaring implikasyon ng Yamang
likas sa pamumuhay ng mga Asyano.

Mga Gampanin Implikasyon

Agrikultura

Ekonomiya

Panahanan

KAYA MO ITO

Pagkatapos mong maunawaan ang tinalakay. Gumawa ng isang sanaysay na na ang

tema sa “Ano ang implikasyon ng yamang likas sa pamumuhay, pananahanan at

agrikultura ng mga Asyano”

60
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

“Ano ang implikasyon ng yamang likas sa pamumuhay, pananahanan at


agrikultura ng mga Asyano?”

61
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay

62
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Aralin 5: SITWASYONG EKOLOHIKAL


SA ASYA

Batay sa inilahad sa nakaraang kabanata , hindi matatawaran ang kasaganaan


ng yamang likas ng kontinente ng Asya. Ngunit lulan nitong mahigit na kalahating
populasyon ng daigdig, iba’t-ibang uri ng suliraning ekolohikal o pangkapaligiran ang
unti-unting lumaganap sa buong daigdig.

Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang ng kalagayang


https://www.slideshare.net/moontine/ecosystem-13668045
ekolohiko ng rehiyon AP7HAS-lg-1.7

Layunin:

a. Nasusuri ang mga kinakaharap na suliraning pangkapaligiran sa Asya

b. Nakapagbabahagi ng saloobin upang masolusyunan ang mga suliraning

pangkapaligiran
Bakit mahalagang mapangalagaan natin ang kalagayang ekolohikal?
c. Nakabubuo ng photo slogan na nagpapakita ng kahalagahan sa pangangalaga

ng kapaligiran o ekolohiko

63
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Bakit mahalagang mapangalagaan natin ang kalagayang ekolohikal?

SIMULAN
Ginagamit natin ang mga bagay sa kalikasan upang mabuhay. Ngunit
mahalagang maunawaan natin ang mga anumang bagay sa ating kapaligiran ay
mayroong hangganan na kailangan nating isaalang-alang.

Labis na nga bang ang nakokonsumong yamang likas ng sangkatauhan? Pag-


aralan ang karikatura at grap sa ibaba. Ano-ano ang ipinpahiwatig nito?

https://www.researchgate.net/figure/Global-demand-for-
and-plantation-supply-of-roundwood_fig3_262418619

http://homes.chass.utoronto.ca/~oflahert/ANTB01S/footprint.html

TUNGHAYAN
Ang hangganang yamang likas na maaaring gamitin ng sangkatauhan sa
ecosystem ay tinatawag na carrying capacity ng daigdig.Nadaragdagan ng
teknolohiya ang kakayahan ng daigdig. Halimbawa, nakapag-aani ng higit na
maramingGayunpaman kailangan nating maunawaan na ang paggamit ng yamang likas
ay may hangganan din produkto ang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mg pataba,
makinarya at iba pa. Maraming pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran .Dahil
64
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

ditto ang ating ecosystem ay mabilis na bumubulusok sa kapamahakan. Sa katunayan,


nararamdaman na natin na ang kalagayang ito ay nasa bingit ng krisis.

Ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na interaksyon sa pagitan ng isang


pamayanang biyolohikal at walang buhay na organismo. Ito ay may kinalaman sa
ugnayan ng mga katangiang pisikal, kemikal, biyolohikal,at mga enerhiyang tulad ng
ubig, hangin, lupa at organism.

Dalawang uri ng Likas na Yaman

 Napapalitan na likas na yaman (renewable natural resources)


 Di napapalian na likas yaman (non rewable natural resources).

Mga Panukat ng Kalagayan ng Ecosystem

 Living Planet Index o LPI – sumusuri sa yamang likas at kalusugan ng


ecosystem.

-
-
-
-
-
-
-
-
Talaang nakabatay sa takbona binubuo ng iba’t ibang species o uri
ng ibon,, mammal, reptilya, ampibyo, at mga isda sa daigdig.

65
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

 Ecological Footprint o EF – tumutukoy sa lawak o laki na naagmit na


napapalitang yamang likas ng isang bansa, rehiyon, o buong daigdig. Ang
ecological footprint naman ng populasyon o EFP ay tumutukoy sa
karampatang lawak ng lupain at bahaging tubig na kailanagn o maaaring gamitin
ng populasyon upang makapagpalago ng yamang likas na makatutustos sa
kanyang pangangailangan. Layunin ng EFP na maituro ang maayos na paggamit
ng yamang likas

Ecological Footprint
http://www.sustainablescale.org/ConceptualFramework

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Sa pagdaraan ng panahon, ang Asya ay ay nagtamo ng di pangkaraniwang


pagsulong. Ngunit ang mabilis na pagsulong na ito ay nagbunga ng mabilis na
pagsulong na ito ay nagbunga ng mga suliranin.

Mabilis na pagdami ng Urbanisasyon


populasyon

Polusyon
Pagbaba ng kalidad ng Lupain

Global Warming

66
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mabilis na Pagdami ng Populasyon

Mahigit sa kalahati ng populasyon ng daigdig ang nainirahan sa Asya. Sa


katunayan, noong 2006, lulan ng Asya ang 60.7 bahagdan ng 5.5 bilyong populasyon
sa daigdig. Sa Asya rin matatagpuan ang mgay pinakamabilis na pagdami ng
populasyon at mataas na bahagdan ng kakapalan ng tao. Ito ay nangangahuluagn na
higit na paggamit ng yamang likas upang mabigyang buhay ang sangkatauhan.

Gatunpaman, maaari pa rin namang matugunan ang suliraning ito sa


pamamagitan ng pagsusulong at pagpapatupad ng mga proyektong pampamilya na
makapagpapabagak sa pagdami ng populasyon. Kinakailangan din ang
pagpapalaganap ng edukasyon, kalusugugan at higit a opurtunidad sa hanapbuhay
para sa mga kababaihan.

Populasyon ng Pilipinas
Pagbabahttps://tnt.abante.com.ph/populasyon-ng-pilipinas-lolobo-sa-109m-sa-2019-popcom/
ng Kalidad ng Lupain

Naaayon sa kalidad ng lupa ang pag-unlad ng mga taong naninirahab dito. Ang
pagpapanatili at pagpapaunlad ng buhay ng to ay naaayon sa kakayahan ng
kasaganaan ng lupaing pinaninirahan nito. Sanhi ng labis na pang-aabuso ng tao sa
lupaing kanyang pinaninirahan, bumababa ang kalidad o kakayahan nitong makapag
bigay ng masaganang ani.Ang kadalasang pagkapinsala ng lupa ay bunga ng walang
ingat na pagputol ng mga puno sa kagubatan. Ang labis na paggamit ng pataba,
pestisidyo at iba pang kemikal ay nagiging sanhi ng pagkalason ng lupain, ang
kadalasang bunga nito ay tinatawag na desertification.

67
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Deserification-ang lupa ay halos nauubusan na ng nutrisyong kailangan upang


makabuhay ng anumang halaman.

https://www.dutchwatersector.com/news/regreening-
Urbanisasyon

Ang urbanisasyon ng populasyon ay isang natural na paglaganap ng kasalukuyang


populasyon sa mga lungsod na karaniwang sentro ng edukasyon, pamahalaan, at
ekonomiya ng Asya. Sa Asya nararanasan ang pinakamtaas na anyas urbanisasyon sa
buong daigdig. Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit lumalago ang mga slum o
karaniwang naninirahan sa mga lungsod.

Urbanisasyon

68
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Polusyon

Ang polusyon ay tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig at


lupain. Ito ay bunga ng lanis na paggamit at pagtapon ng mga bagay na nakakalason
sa kapaligiran.Ang polusyon ng hangin, tubig at lupain sa Asya ay nangyayari sa mga
rehiyong laganap ang industriyalisasyon at nagtataglay ng malaking populasyon.

Global Warming

Global Warming ay pagtaas ng temperature sanhi ng pagtaas ng greenhouse


gases (water vapor, carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Sinisira ng global
warming angozone layering daigdig. Ang pagkasira nito ay nauuwi sa pagpasok ng
ultraviolet rays mula sa sinag ng araw.

Global warming
https://climate.nasa.gov/resources/global-warming-vs-
climate-change/

Sustainable Development

Ang sustainable development ay tumutukoy sa matinding pananagutan sa


maingat na paggamit ng kapaligiran upang matugunan ang kasalukuyang
pangangailanagn ng henerasyon, nang hindi isinusuko ang kakayahang matugunan
ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. Ang pangunahing layunin nito
69
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

ay masusing maipatupad ang matinding pananagutan ng mga Asyano na pangalagaan


ang kasalukuyang lkalagyan ng kapaligiran.Ang pokus ng sustainable development ay
produksiyon, paggamit at distribusyon ng mga produkto sa kabuuang rehiyon.

TANDAAN
 Ang ecosystem ay tumutukoy sa nagaganap na interaksyon sa pagitan ng isang
pamayanang biyolohikal at walang buhay na organism.
 Ang ecological balance ay balanseng kalagayan ng pamayanan ng mga orgaismo
 May 2 panukat sa kalagayan ng ecosystem: living planet index at ecological
footprint ng populasyon.
 Mga hamono suliranin sa kapaligiran: Mabiis na pagdami ng populasyon, pagbaba
ng kalidad ng lupain, urbanisasyon, polusyon at Global warming

PAGHUSAYAN
A. Iugnay ang katawagan sa hanay A sa kaukaulang kahulugan nito sa hanay B.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

B
A

a. interaksyon sa pagitan ng isang


_______1. Sustainable development
pamayanang biyolohikal at walang
_______2. Ecosystem buhay na organism
_______3. Polusyon b. pananagutan sa maiangat na
paggamit ng yamang likas
_______4. Urbanisasyon
c. natural na paglaganap ng
_______5. Global warming kasalukuyang populasyon sa mga
lungsod
d. kontaminasyon o pagdumi ng hangin,
tubig at lupain 70
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

B. Suriin ang larawang nasa ibaba. Sagutin ang katanungan.

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Maraming kinakaharap na problema ang Asya. Gamit ang talahanayan,


magbigay ng mga suliraning pangkapaligiran na labis na kinakaharap ng Asya sa
kasalukuyan at kung ano ang mungkahing solusyon mo rito.

Mga Suliraning Mga Mungkahing Solusyon


Pangkapaligiran

71
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

KAYA MO ITO

Gamit ang inyong cellular phone kumuha ng larawan na mismong ikaw ang
nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran o kung walang cellular phone na
magagamit, gumuhit na lamang ng larawan Pagkatapos gumawa ng sariling ‘islogan”
na nagpapahayag o nagbibigay ng mensahe tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.

Photo Slogan

72
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayan sa Paggawa ng Photo Slogan

Pamantayan sa Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Pagtaya ng 4 3 2 1
Photo Slogan
Pamantayan
Nilalaman Ang photo slogan ay Ang photo slogan Ang photo slogan Ang photo slogan
(30%) naglalaman ng ay naglalaman ng ay naglalaman ng ay kulang sa
komprehensibo, tumpak at may tumpak impormasyon
tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa
kalidad na impormasyon tungkol sa kontribusyon ng
impormasyon tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran
tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing
kontribusyon ng likas na sa gawaing pangkabuhayan ng
likas na kapaligiran kapaligiran sa pangkabuhayan ng tao
sa gawaing gawaing tao
73
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

pangkabuhayan ng pangkabuhayan
tao ng tao
Organisasyon Maayos, detalyado May wastong May lohikal na Hindi maayos at
(20%) at madaling daloy ng kaisipan organisasyon hindi maunawaan
maunawaan ang at madaling ngunit hindi sapat ang mga
daloy ng mga maunawaan ang upang mailahad impormasyong
kaisipan at impormasyong ang kontribusyon inilahad tungkol sa
impormasyong inilahad tungkol ng likas na kontribusyon ng
inilahad tungkol sa sa kontribusyon kapaligiran sa likas na kapaligiran
kontribusyon ng ng likas na gawaing sa gawaing
likas na kapaligiran kapaligiran sa pangkabuhayan ng pangkabuhayan ng
sa gawaing gawaing tao tao
pangkabuhayan ng pangkabuhayan
tao ng tao
Mensahe May malinaw at May malinaw na Limitado ang Malabo at limitado
( 20%) malawak na mensahe tungkol mensahe tungkol ang mensahe
mensahe tungkol sa sa kontribusyon sa kontribusyon ng tungkol
kontribusyon ng ng likas na likas na kapaligiran kontribusyon ng
likas na kapaligiran kapaligiran sa sa gawaing likas na kapaligiran
sa gawaing gawaing pangkabuhayan ng sa gawaing
pangkabuhayan ng pangkabuhayan tao pangkabuhayan ng
tao ng tao tao
Pagkamalikhain Ang pagkakagawa Ang Ang pagkakagawa at Ang pagkakagawa
(20%) at paglalahad ng pagkakagawa at paglalahad ng photo at paglalahad
photo slogan ay paglalahad ng slogan ay hindi ng photo slogan ay
nilapatan ng photo slogan ay gaanong nilapatan hindi nilapatan ng
mataas na antas ng nilapatan ng ng malikhaing anumang
pagkamalikhain malikhaing pamamaraan malikhaing
pamamaraan pamamaraan
Hikayat Ang dating sa , Ang dating sa Mahina ang dating Walang dating sa
(10%) mambabasa ay mambabasa ay sa mambabasa o mga mambabasa
lubos na nakahihikayat. tagapakinig upang ang photo slogan
nakahihikayat at makapanghikayat.
nakakatawag
pansin.

74
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Yunit 3: YAMANG TAO NG ASYA

Aralin 6: Pangkat Etnolingguwistiko at Yamang Tao ng Asya

Ang Yamang tao ang pinakamahalagang salik sa lipunan. Nakasalalay sa


yamang tao ang maaaring ikahina o ikaunlad ng isang bansa. Dahil ditto, mahalagang
magkaroon ang isang bansa ng malakas, matalino at malusog na yamang tao.

75
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Aralin 6: PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO


AT YAMANG TAO NG ASYA

Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon

Layunin:

a. Napapahalagahan ang yamang tao ng Asya

b. Nakabubuo ng talahanayan tungkol sa komposisyong etniko ng Asya

c. Naipapaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng pagdami ng

populasyon sa lipunan

d. Nakagagawa ng sanaysay o repleksiyon tungkol sa implikasyon ng yamang

tao sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya

Ano ang implikasyon ng yamang tao sa pag-unlad ng mga bansa


sa Asya?

SIMULAN

76
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Dahil sa lawak ng sukat at pagkakaiba-iba ng kapaligirang pisikal na kinalulugaran ng


napakalaking populasyon nito, hindi nakapagtatakang ang mga pangkat ng taong
naninirahan sa kontinenteng ito ay nagkakaiba-iba rin sa anyo, wika, tradisyon at
paniniwala.

Ano ang kapansin-pansin sa


larawa ng mga tao sa Asya?

_________________

_________________

_________________

__________________

__________________

TUNGHAYAN

Pangkat Etnolingguwistiko
Ang Asya ay larawan ng isang masalimuot na pagkakaiba-iba. Ito ay binubuo ng

mga magkakaibang pangkat-etnikong nagtataglay ng namumukod na mga katangiang


pisikal, paniniwala, at wika. Iniaangkop ng bawat pangkat ang kanilang pamumuhay sa
mga bundok, disyerto, damuhan at mga kagubatang nakapaligid sa kanila o kanilang
pananahanan.

77
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Ang etnolingguwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa


isang bansa ayon sa kultura. Ang kultura ay nababatay sa dalawang komposisyon:
Etnisidad at wika.

Paano mo malalaman na ikaw ay isang kabilang o kasapi ng isang pangkat


etnolingguwistiko?

 Wika
 Pinanggalingan
 Pag-unlad ng kasaysayan
 Tradisyon

Batayan ng pagkakaiba ng mga grupong etnolingguwistiko

 Etnisidad- sinasabing ito ay mistulang KAMAG-ANAKAN


 Wika- pangunahing pagkakakilanlan ng mga grupong etnolingguwistiko
1 kategorya ng Wika sa Asya

Tonal-ang kahuluganng salitaat pangungusapay nagbabagosabataysatonong


pagbigkas nito. Halimbawa ng wikang tonal ay,Chinese, Tibetan, Burmese, at ibapa.

Hal.

búkas –sa susunod na araw

bukás –walangtakip, hindi sarado

1. Hindi ako ang pumatay//(Maaaring ibang tao ang pumatay, at hindi ang
nagsasalita.)

2. Hindi// ako ang pumatay.(Inaminng nagsasalita na siya ang pumatay.)

Non-Tonal o Stress language–ang pagbabago sa tonong salita o pangungusapay hindi


nagpapabago sa kahulugan ng salita o pangungusap.Halimbawa ang wikang Cham at
Khmer sa Cambodia, Tagalog at Japanese.

Halimbawa

Báta, Batá, baTA, Bata (kahit anong paraanng iyong pagbigkas ay hinding-hindi
magbabago ang kahulugan)

78
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Bakit nga ba mahalaga ang Wika?

 Sumasalamin sa isang lahi


 Kaakibat ng Kultura

Ang Mga Pangkat Etnolingguwistiko Ng Asya

79
Ang pagkakapareho Ng WIKA at ETNISIDAD a y
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pangkat Etnolingguwistiko ng Hilagang Asya

1. Ural-Altaic –matatagpuan sa Hilagang Mongolia at sa parte ng Russia nasakop


ng Asya

2. Paleo Siberian at Eskimo–matatagpuan sa Hilagang Siberia (Russia).Ang mga


Eskimo ay tinaguriang “The Snow Men”.

Mga Pangkat Etnolingguwistiko ng Kanlurang Asya

-Itinuturing na tagpuan ng iba’t ibang kultura dahil sa estratehikong lokasyon nito.

80
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Ang Kanlurang Asya ay tahanan ng mga grupong:

Sumerian Elamites Kassite Hatti

Mga Pangkat Etnolingguwistikong Timog Asya

1. Austro Asiatic. Matatagpuan sa mga


bansa ng India, Bangladesh, Bhutan at
Nepal.

2.
Dravidian-
ang
wikang ginagamit ng mgaTamil, Kerala,
Kannada o Kanarese. Tinatawag silang iba na
“Original people of India”.

81
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

a) Tamil - pinaunlad nila ang itinuturing na


klasikal na kulturang India.
- magagarbong templo
- Bharata Natyam mga mananayaw na
mga babae
-Kathakali lalaking mananayaw.
-mangangalakal

Curry na maanghangang kanilang karaniwang


pagkain.

Mga Pangunahing Produkto

b) Kerala/Maliali– matatagpuan sa Timog


Kanlurang Dalampasigan ng India pagitan
Arabian Sea at Western Ghats.

-sagana sila sa ulan

- pinaka edukadong pangkat etniko sa India


82
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mga Pangunahing Produkto

c)

Kannada/Kanarese-matatagpuan sa Karnataka o Mysore na makikita sa Deccan


Plateau.

-Bukod sa wikang Dravidian ay gumagamit din silang wikang Hindi, Urdu, at Tegulu.

3. Aryan –sila ang mga dayuhang nanakop sa Dravidian. Sila ay nagmula sa kanlurang
Asya.

-Para sakanilaay sila ang mas makapangyarihang grupong etnolingguwistiko sa India


dahil sa kanilang lahi, kulay ng balat at katalinuhan .
83
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mga Pangkat Etnolingguwistiko ng Silangang Asya

1. Sino-Tibetan –wikang Chinese


at Tibeto-Burman. Ito ay
matatagpuan sa Tibet-China,
China, Hongkong at Taiwan.

2. Korean –matatagpuan sa dalawang


bansang Korea, Hilagang Korea at
Timog Korea.

4. Hapones/Japonic –binubuo ng iba’t-ibang grupong etnolinguistiko. Isa narito ang


AINU.

84
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

-Matatagpuan sila sa bansang Japan.

Ainu– Ayon sa mitolohiya sila ang


orihinal at pinakamatandang nanirahan
sa Japan.

-balbon, may balbas at makapal


nakulot ang buhok.

Walang nakakaalam sa pinagmulan


nila

-Caucasian (lahing puti) samantalang


angTsino, Hapones at Korean ay
kabilang sa lahing Mongoloid.

-Hokkaido saJapan at Sakhalin sa Kuril Islands ng Russia

Mga Pangunahing Hanapbuhay ng mga Ainu

Mga Pangkat Etnolingguwistikong Timog Silangang Asya

1.Austro-Asiatic –Kabilang dito ang mga wikang Khmer, Mon at Vietnamese.

85
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

2. Austronesians–tinatawag rin na Malayo-Polynesian. Wikang ginagamit sa Indonesia


Peninsula, Pilipinas, Vietnam, Cambodia, Laos at ibapa.

3. Javanese-matatagpuan sa Indonesia sa islang Java, Sumatra, Kalimantan,Sulawesi,


at iba pang kapuluan sa Indonesia. Tinatayang 45% ng populasyon ang ginagamit ito
bilang wika nila.

-Malaki ang ambag nila sa sining at kulturang Indonesia.

-Consensus o pagpayag ng lahat ay nagging batayan sa pagdedesisyon at pagpili ng


pinunong lalaki.

4. Balinese –matatagpuan sila sa kapuluan ng Bali, Lombok at Kanlurang bahaging


Sumbawa.

-Hinduism-mga taong maganda ang kilos at tindig at mahilig sa sining.

-dinarayo sila dahil sa kanilang lugar at tradisyunal na sayaw kung saan ang galaw ng
mata at kamay, maging ang ekspresyon ng mukha ay mahalaga.

Ang pag-aaral natin sa mga grupong etnolingguwistiko sa asya ay para sa pag-


unlad ng ating respeto’t paggalang sa iba’t-ibang kultura sa mundo. Nawa’y itong ating
pag-aaral ang maging susi para lawakan natin ang ating mga isipan sa pagtanggap sa
mga kultura ng naiiba satin sa halip na magkaroon pa ng diskriminasyon.Hayaan nating
tayo’y. MAGKAISA sa kabila ng ating PAGKAKAIBA!

Yamang Tao ng Asya

86
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Suriin ang karikatura sa ibaba. Ano ang nais ipahiwatig nito? Ano ang
implikasyon nito sa pahayag sa ibaba?

“Labis na tayong lumalaki para

saating tahanan”

https://pt.slideshare.net/VanessaDelbo/populasyon-
52716202?ref=&smtNoRedir=1

Ang Yamang tao ay tumutukoy sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang


maghanapbuhay upang mapaunlad ang sarili at ng bansa. Ang paglaki ng populasyon
ay itinakda ng birth rate at death rate. Ang birth rate ay tumutukoy sa bilang ng mga
batang ipinapanganak nang buhay taon-taon sa bawat 1000 katao. Ang death rate
naman ay tumutukoy sa bilang ng taong namamatay taon-taon sa bawat 1000 katao.

Populasyon ng Asya

Populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa. Patuloy ang


paglaki ng populasyon sa daigdig.Ito ay isa sa mga suliraning kinakaharap ng ilang mga
bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Ayon sa ulat ng United States Census
Bureau tinatayang ang kabuuang bilang ng populasyon ng daigdig ay umaabot sa 7.005

87
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

bilyon. Sinasabi sa ulat na 60 bahagdan ng kabuuang populasyon sa daigdig ay


naggaling sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking
populasyon ay matatagpuan sa Asya ang China at India.

Talahanayan blg 1: Katangian ng Populasyon sa Asya

Life Grow
Gulang Expect th Kasarian
Bansa Populasyon ancy Rate
0--14 15-64 65+ Babae Lalaki

Afghanistan 28,149,916 43.2 54.4 2.5 44.65 2.47 14,578,682 13,571,234


Armenia 3,082,951 17.4 72.7 9.9 72.96 0.02 1,436,966 1,645,985
Azerbaijan 8,832,172 22.7 71 6.3 67.01 0.81 4,316,716 4,515,456
Bahrain 791,473 20.2 77.2 2.6 75.40 1.24 454,152 337,321
Bangladesh 162,220,762 33.6 61.6 4.8 60.63 1.27 82,032,166 80,188,596
Bhutan 697,335 28.4 65.8 5.8 66.71 1.24 367,631 329,704
Brunei 399,687 25 71.3 3.7 75.96 1.73 206,305 193,382
Cambodia 14,805,358 31.9 64.3 3.8 65.52 1.78 7,244,747 7,560,611
China 1,345,750,973 17.4 73.5 9.1 74.51 0.49 698,405,850 647,345,123
Georgia 4,260,333 15.5 68.4 16.1 76.93 -0.33 2,003,918 2,256,415
India 1,198,003,272 29.3 65.2 5.6 66.46 1.38 618,942,535 579,060,737
Indonesia 229,964,723 27 66.6 6.4 71.05 1.10 114,807,198 115,157,525
Iran 74,195,741 23.9 71.7 5.1 71.43 0.94 37,729,913 36,467,828
Iraq 30,747,296 37.6 59.3 3.1 70.25 2.45 15,545,729 15,201,567
Israel 7,169,556 27.5 62.2 10.3 80.86 1.63 3,555,439 3,614,117
Japan 127,156,225 13.5 62.6 23.9 82.17 -0.24 61,939,779 65,216,446
Jordan 6,316,432 34.9 60.2 4.9 79.92 2.16 3,239,280 3,239,280
Kazakhstan 15,636,987 24.4 68.8 6.7 68.19 0.40 7,447,034 8,189,953
North Korea 23,906,070 22 68.7 9.3 64.13 0.39 11,804,293 12,101,777
South Korea 48,332,820 15.1 7.3 11.9 78.81 0.26 23,931,788 24,401,032
Kuwait 2,985,046 25.1 72.3 2.1 77.89 3.50 1,777,238 1,207,808
Kyrgyzstan 5,482,200 29.6 65.5 4.9 69.74 1.41 2,704,978 2,777,222
Laos 6,320,429 36.1 60.1 3.7 56.96 2.29 3,153,478 3,166,951
Malaysia 27, 467,837 29.4 65.5 5.1 73.55 1.70 13,946,639 13,521,198
Maldives 309,430 21.2 74.6 4.1 74.21 -0.18 156,260 153,170
Mongolia 2,670,966 27.1 68.9 4 67.98 1.50 1,320,984 1,349,982
Myanmar 50,019,775 27.1 67.8 5.1 64.9 1.75 24,433,683 25,586,092
Nepal 29,330,505 33.5 62 4.4 65.81 1.42 14,567,674 14,762,831
Oman 2,845,415 30.8 66 3.2 73.97 2.00 1,605,162 1,240,253
Pakistan 180,808,096 34.7 61 4.2 65.62 1.51 93,101,700 87,706,396
Philippines 91,983,102 34.3 61.3 4.3 71.38 1.93 46,327,763 45;655,339
Qatar 1,409,423 12.5 86.7 0.8 75.51 0.87 1,062,942 346,481
Singapore 4,736,878 14 78.3 7.8 82.06 0.86 2,380,071 2,356,807
Sri Lanka 20,237,730 24.9 67 8.1 75.30 0.86 9,965,629 10,272,101
Syria 21,906,156 34.6 61.6 3.8 74.46 1.95 11,056,330 10,849,826
Tajikistan 6,952,223 33.7 63 3.3 65.68 1.85 3,432,263 3,519,960
Thailand 67,764,033 19.5 71 9.5 73.36 0.60 33,327,947 34,436,086

88
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Timor - Leste 1,133,594 43 53.5 3.5 67.61 2.00 577,044 556,550


Turkey 74,815,703 26.2 67.4 6.4 72.23 1.27 37,579,409 37,236,294
Turkmenistan 5,109,881 27.2 68.8 4.1 68.20 1.14 2,517,980 2,591,901
UAE 4,598,600 20.5 78.5 0.9 76.32 3.56 3,093,246 1,505,354
Uzbekistan 27,488,220 25.8 69.5 4.7 72.24 0.94 13,664,259 13,823,961
Vietnam 88,068,900 24.9 69.6 5.5 71.94 1.10 43,498,243 44,570,657
Yemen 23,580,220 42.5 54.9 2.6 63.36 2.71 11,922,786 11,657,434
UAE 4,598,600 20.5 78.5 0.9 76.32 3.56 3,093,246 1,505,354
Uzbekistan 27,488,220 25.8 69.5 4.7 72.24 0.94 13,664,259 13,823,961
Vietnam 88,068,900 24.9 69.6 5.5 71.94 1.10 43,498,243 44,570,657
Yemen 23,580,220 42.5 54.9 2.6 63.36 2.71 11,922,786 11,657,434
en.worldstat.info/Asia/List_of_countries_by_Net_migration_rate

UN Statistics Division Department of Econmic and Social Affairs. “World Population Prospects: The 2008
Revision”

Talahanayan blg 2: Katangian ng Populasyon

Bansa Bahagdan Bahagdan Unemploy GDP Per


Ng ng ment Capita
marunong migrasyon Rate
bumasa
Afghanistan 29 3.3 36.0 1,000
Armenia 99.6% - 3.8 7.0 5,500
Azerbaijan 99.8% - 1.1 6.0 10,300
Bahrain 94.6 16.1 15 27,900
Bangladesh 56.8 - 1.6 5.0 735
Bhutan 47 0 4.0 6,200
Brunei 92.7 2.6 3.7 50,000
Cambodia 73.6 - 0.3 1.68 2,200
China 92.2 - 0.3 4.1 8,500
Georgia 99.7 - 4.1 16.3 5,600
India 74.04 - 0.1 3.8 3,700
Indonesia 90.4 - 1.2 6.56 4,700
Iran 77 - 0.1 11.5 13,200
Iraq 78.2 0 18 3,501
Israel 97.1 2.1 7.1 31,282
Japan 99 0 4.5 35,200
Jordan 92.6 -14.3 11.9 4,666
Kazakhstan 99.5 -3.3 6.1 13,200
North Korea 99 0 NA 1,800
South Korea 97.9 0 3.7 32,150
Kuwait 93.3 0.7 1.5 62,664
Kyrgyzstan 98.7 - 2.6 8.2 2,400
Laos 73 - 1.2 2.5 2,700
Malaysia 88.7 - 0.4 3.0 15,800
Maldives 94.7 -12.6 14.5 6,405
Mongolia 94.6 0 11.7 3,056
Myanmar 89.9 - 0.3 5.5 1,310
Nepal 60.3 0.6 NA 619
Oman 81.4 - 0.5 24.4 25,221
Pakistan 54.9 - 2.2 5.7 2,800
Philippines 92.6 - 1.3 6.9 4,100
Qatar 96.3 - 4.9 0.5 92,501
Singapore 92.5 4.6 1.9 60,500
89
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Sri Lanka 90.6 - 2.2 4.2 5,700


Syria 79.6 -11.2 9.2 5,100
Tajikistan 99.7 - 1.2 60.0 2100
Thailand 92.6 0 1.2 9,500
Turkey 94.1 0.5 8.0 10,498
Turkmenistan 98.8 - 1.9 70 4,722
UAE 77.9 19.0 4.3 45,653
Uzbekistan 99.3 -2.7 8.0 3,300
Vietnam 94 - 0.4 2.9 3,400
Yemen 63.91 0 35.0 1,361

Kaya’t mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga bansa sa Asya.
Sa pag-aaral na gagawin kinakailangang mabigyang kahulugan ang pangunahing salita na karaniwang
ginagamit sa pagtataya ng implikasyon ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar bansa
gaya ng mga sumusunod Ang kabuuang bilang ng tao matapos maibawas ang death rate at
birth rate ang tinutukoy ay population growth. Kapag nakakahigit ng bilang ng mga
taong ipinangank sa bilang ng mga taong namamatay sa isang bansa sa loob ng isang
ato, ang growth rate niaya positibo, kapag nakakahigit naman ang dami ng mga
namamatay laysa ipinanganganak sa loob ng isang aon, neagtibo naman ang growth
rate ng isang bansa o daigdig.

Birth Death Birth Death


Bansa Rate Rate Bansa Rate Rate
Afghanistan 45.82 19.56 Bangladesh 28.86 8
Yemen 42.42 7.83 Saudi Arabia 28.85 2.49
Oman 35.26 3.68 Pakistan 28.35 7.85
Laos 34.46 11.02 Tajikistan 27.18 6.94
Iraq 30.77 5.14 Syria 26.57 4.68
Nepal 29.92 8.97 Timor-Este 26.57 4.68
Talahanayan 3
Pinagkuna: CIA World Factbook, 2007 est

Suriin ang talahanayan 1.1, makikita ang malaking kalabisan sa pagitan ng birth
rate at death rate ng maraming bansa. Patunay ito na napakabilis ng paglaki ng
populasyon ng kontinente.

Mga Salik na Sanhi ng Mabilis na Paglaki ng Populasyon

-Population explosion ang tawag sa mabilis at biglaang paglaki ng populasyon.


Ang kaganapan na ito ay bunga ng mga salik .Demographer ang tawag sa taong nag-
90
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

aaral ar sumusuri sa mga salik na may kinalaman sa populasyon tulad ng bilang,


kakapalanat paglaki nito.

Pag-unlad ng Medisina
- Ang mga makabagong tuklas sa larangan ng medisina ay
nagbigay daan upang higit na maraming bilang ng bagong
panganak ng ina ang makaligtas sa mga kinatatakutang sakit na
dati ay walang lunas tulad ng smallpox, cholera, chicken pox, at
iba pa. Bukod sa maraming bata ang nabubuhay, humahaba rin
ang kanilang life expectancy.
Pag-unlad ng Teknolohiya
- Maliban sa mga pagbabagong nagawang medisina pinaunlad
din ng teknolohiya ang produksyon na nakabubuhay at
nakapagbibigay ng suporta ng pagkain sa higit na maraming
bilang ng populasyon.
Pandarayuhan o migration
- Tumutukoy paglipat ng tirahan ng tao sa ibang pook sa loon ng
kanyang bansa o sa ibang lupain o bansa. Ito ay nagaganap
binga ng mga salik na push at pull. Ang push ay sapilitang
tumutulak sa mga indibidwal na iwanan ang kanilang bayan. At
ang Pull naman ay naaakit sa mga taong mamuhay sa ibang
lupain.
Urbanisasyon
- Ang urbanisasyon ng populasyon ay tumutukoy sa paglaganap
ng mga tao sa lungsod. Ito ay bunga ng mga salik na push or
pullna karaniwang nagaganap sa mga lungsod ng kontinente.
Ang pagdagsa ng mga tao sa mga lungsod ay nagbunga ng
pagkapal ng populasyon.

Distribusyon ng Populasyon

Hindi pantay ang pagkakabahagi ng populasyon sa daigdig. Ito ay maaaring


makapal o manipis batay sa bilang ng mga taong nabubuhay sa isang tritoryo, bansa o
rehiyon. Ang distribusyon ng populasyon sa isang teritoryo ay nasusukat sa
pamamagitan ng population density. Ang population density o kakapalan ng

91
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga taong naninirahan sa bawat isang


kilometrong kuwadrado na sukat ng lupain.

Ang klima, vegetation cover at topograpiya ay nakakaapekto sa kakapalan mg


tao sa isang lupain. Karaniwang kakaunti lamang ang ang taong naninirahan sa mga
lupaing mataas ang elebasyon. Sa kabilang dako, higit na mas marami ang naninirahan
sa matatabang lambak at ilog-lambak. Patunay nan ais ng taong manirahan sa mga
lupaing maraming panustos na yamang likas.

Komposisyon ng Populasyon

Tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng isang bansa


batay sa gulang, kasarian, literasiya, lakas manggagawa at iba pa. Ito rin ay
nagsisilbing batayan ng mga programang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan.

Komposisyon ng Gulang ng Populasyon

Ito ay repleksiyon ng takbo at pagbabago ng fertility rate, migration rate, at


mortality rate ng mga nagdaang taon. Ang fertility rate ay tumutukoy sa ratio o
katumbas na buhay na ipinapanganak sa isang bansa sa bawat 1000 bilang ng
populasyon sa loob ng isang taon. Ang migration rate naman ay tumutukoy sa bilang
ng populasyong lumilipat ng tirahan sa loob o labas man ng isang bansa. Sa katumbas
na ng bilang ng namamatay na tao sa bawat. Ang mortality rate naman ay tumutukoy sa
katumbas na bilang ng namamatay ng tao sa bawat 1000 idibidwal.

92
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Ang dependency ratio ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may gulang


na 14 pababa at 65 pataas.

https://country.eiu.com/article.aspx?articleid=186958002&Country=China&topic=Economy

Bunga ng mataas na dependency ratio , kinakailangan mapatupad ng bnsa ng


higit na pnustos para sa serbisyong panlipunan, pangkalusugan, pang edukasyon, at
pangkabuhayn kung nais nitong magkaroon ng malakas, malusog st produktibong
mamamayan at lakas paggawa.

Komposisyon ng Kasarian ng Populasyon

Ang komposisyon ng kasarian ng populasyon ay tumutukoy sa bilang ng


kalalakihang ipinapanganak ng buhay kada bilang ng kababaihang ipinanganak ng
buhay sa loob ng isang bansa.

Sa Tsina ang higit na bilang ng kalalakihan ay bunga ng patakarang sex


selection o nakagawiang higit na pagkagusto sa anak na lalaki kaysa babae. Sa kabila
ng ipinatupad na “one child policy” sa bansa, ang mag-asawang nagkaanak ng babae
sa unang panganak ay pinapayagang muling mag-anak sa pagsisiskap na magkaroon
ng anak na lalaki. Sakaling ang pangalawang magiging anak ay babae pa rin, ang
pagdadalang-taong ito ay nawawala. Sa pagkakataong ito ay nagpapababa ng
bahagdan ng kababaihan ng bansa.

93
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Ang kakauntian ng kababaihan ay


nagiging dahilan din ng madalas na
kidnapping, pangangalakal ng
kababaihan at lumalalang prostitusyon
ng mga kababaihan at paglaganap ng
nakakahawang mga sakit.

http://edition.cnn.com/2010/WORLD/asiapcf/09/27/china.one.child.policy/index.html
Bahagdan ng Literasiya

Mahalagang mabigyan pansin ang literacy rate ng isang populasyon. Literacy


rate ay tumutukoy sa bilang ng marunong bumasa at sumulat. Upang maitaas ang
bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, ipinatutupad ng mga bansa sa asya ang
sapilitan at libreng edukasyon sa elementarya.

Bahagdan ng Lakas Paggawa

Ang galaw ng ekonomiya ng isang bansa ay nauugnay sa pagbabagong


nagaganap sa tatlong salik: lakas paggawa, produktibidad ng lakas paggwa sa lahat ng
sector mg ekonomiya, at alokasyon ng lakas paggawa sa mga sector ng arikultura,
industriya at serbisyo. Ang mataas na bilang ng populasyon may gulang 15-64, mataas
din ang produktibidad ng laks paggwa, samantalang mababa naman ang dependency
ratio.

Ang paglilinang ng malakas, matalino at malusog na lakas paggawa ay


makapagpapanatili ng laks paggawang makatutugon sa mabilis na nagbabagong
ekonomiya.

TANDAAN
 Ang Asya ay katatagpuan ng napakaraming pangkat etniko na may ibat’-ibang
wika, relihiyon, pisikal na anyo at uri ng pamumuhay.
 Etnolingguwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang
94
bansa ayon sa kultura.
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

 Migrasyo o pandarayuhan ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao ng tirahan sa


ibang pook sa loob ng bansa o sa ibang bansa.
 Komposisyon ng populasyon ay tumutukoy sa Takdang bilang o bahagdan ng mga
tao sa loob ng isang bansa batay sa gulang, kasarian, literasiya, laks paggawa at
iba pa.
 Higit na mas madami ang bilang ng kalalakihan kaysa sa kababaihan
 Ang mataas na literasiya ay garantiya lamang ng pagkakaroon ng isang
matalinong lakas paggawa o yamang tao.
 Ang galaw ng ekonomiya ng isang bansa ay nauugnay o naaayonsa pagbabagong
nagaganap sa lakas paggawa, produktibidad ng lakas paggawa, at alokasyon ng
lakas paggawa sa lahat ng sector pang-ekonomiya

PAGHUSAYAN
A. Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahong
nasa ibaba.
______________1. Ang __________ pangunahing at pinakamatibay na
pagkakakilanlan ng mga grupong etnolingguwistiko.
______________2. Ang _______ ang siyang nagpaunlad sa itinuturing na
klasikal na kulturang India.
______________3. Wikang ginagamit sa Indonesia Peninsula, Pilipinas,
Vietnam, Cambodia, Laos at ibapa.
______________4. Ang mga _________ ay tinaguriang “The Snow Men”.
______________ 5. Ang wikang ________ ang ginagamit ng mgaTamil, Kerala,
Kannada o Kanarese.

B. Lagyan ng kung tama ang isinasaad ng bawat pahayag at naman kung


mali ang pahayag.
______1. Lulan ng Asya ang 60.7 bahagdan ng populasyon ng daigdig.
95
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

______2. Malaki ang kaugnayan ng klima at vegetation cover sa kakapalan ng


populasyon.
______3. Ang mataas na bahagdan ng literasiya ng bansa ay maaaring
makatulong sa ekonomiya ng ating bansa.
______4. Amg population density ay tumutukoy sa bilang ng mga taong lumipat
ng tirahan.
______5. Ang Tsina ay nagpatupad ng patakarang “one child policy”.
______6. Ang paglipat ng tao ng tirahan ng tao sa ibang pook sa loob ng
kanyang bansa ay nangngahulugang urbanisasyon.
______7. Ang pag-unlad ng medisina ay isa sa mga salik ng pagbilis ng paglaki
ng populasyon.
______8. Demographer ang tawag sa nag-aaral ng populasyon.
______9. Higit na mas madami ang bilang ng kalalakihan kaysa sa kababaihan
______10. Mahalaga ang mataas na literacy rates sa isang bansa.

C. I-Profile mo
Gamit ang mga datos, gumawa ng profile ng pangkat etnolingguwistiko sa Asya.
Gamiy ang data retrieval cahart ilagay ang iyong mga kasagutan.

Profile ng mga pangkat etnolingguwistiko sa mga Rehiyon


Pangkat
Rehiyon etnolingguwistik Wika Kultura/Etnisidad
o

96
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

D. Gamitin ang “Phone Message Graphics” upang mapailiwanag mo ang


magaganda at di magagandang maaring maging epekto ng patuloy na paglikha
ng tao ng mga makabagong teknolohiya sa pag unlad ng Asya sa kasalukuyang
panahon.

Maganda Di maganda

97
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

E. Kung ikaw ay magiging pinuno ng isang bansang Asyano, alin sa mga suliranin
ngayon sa Asya ang nais mong bigyan agad ng solusyon at bakit? Pumili ng
dalawa at gamitin ang “Mind Map Graphic sa pagsagot.

Poverty Religious Human


Rights Climate
Conflict Economic
change
Condition

98
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

KAYA MO ITO

REFLECTIVE JOURNAL
Para saiyong huling gawain, Bilang isang mag-aaral, “Ano ang implikasyon ng yamang
tao sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya?” Isulat ito sa ibaba.

, “Ano ang implikasyon ng yamang tao sa pag-unlad ng mga


bansa sa Asya?”

99
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Pamantayayan sa Paggawa ng repleksiyon

Mga kayterya 10 8 6 4
Organisasyon (10 Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maaayos
pts.) pagkakasuno- pagkakasunod- organisasyon ang organisasyon
sunod ng ideyasa sunod ng ideya sa ngunit hindi at walang
kabuuan ng talata, talata. May masyadong panimula at
mabisa ang angkop na simula mabisa ang konklusyon
panimula at at konklusyon panimula at
malakas ang konklusyon
kabuuang batay
sa ebidensya
Lalim ng Napakalalim na Malalim na Mababaw at hindi Napakababaw at
Repleksiyon makikita ang pag- makikita ang dati gaanong makikita walang pag-
(10pts) uugnay ng dating at bagong ang pag-uugnay uugnay ang dati at
kaalaman at kaalaman ng dating at bagong kaalaman
karanasan sa bagong kaalaman
bagong kaalaman
Paggamit ng Wika Napakahusay ng Mahusay dahil Maraming mali sa Kailangang
at Mekaniks (10 paggamit ng wika, kakunti lamang grammar at baguhin dahil
pts.) walang maali sa ang mali sa baybay ganun din halos lahat ng
grammar, baybay grammar, baybay sa gamit ng pangungusap ay
at gamit ng bantas at gamit ng bantas bantas may mali sa
, mayamang gramma, baybay
bokabularyo at gamit ng bantas
Presentasyon Malinis at maayos Malinis ngunit May kahirapan Mahirap basahin,
(10pts.) ang pagkakasulat hindi maayos ang unawain ang hindi maayos at
ng talata pagkakasulat ng pangkakasulat ng malinis ang
talata pangungusap pagkakasulat ng
talata
Pamamahala ng Ginamit ang sapat Natapos at Natapos at Maisumite ngunit
oras (10 pts ) na oras upang naisumite sa naisumite isang hindi handa at
ihanda at tapusin takdang oras o lingo pagkatapos hindi tapos
at naibigay isang deadline ng deadline
lingo bago ang
deadline

100
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

PANGHULING PAGTATAYA

Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.


1. Ano ang pinakamalaking kontinente ng daigdig?
A. Aprika C. Europa
B. Asya D. Hilagang Amerika
2. Ano ang tawag sa pinakamatibay na pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao o
bansa?
A. Kultura C. relihiyon
B. tradisyon D. wika
3. Ano ang tawag sa mahahalagang kayamanan ng mga anyong lupa at anyong tubig?
A. Yamang tubig C. Yamang Likas
B. Yamang lupa D. Yamang gubat
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian g pisikal
ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa
o anyong tubig
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa :tangway, kapuluan,
bundok
kapatagan, talampas, disyerto at kapatagan
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halamanan.
D. Ang iba-iabng panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano
5. Ano ang tawag sa iba’t-ibang uri ng pananim na nakabaloy sa lupain ng daigdig?
A. Vegetation plant C. Rainforest
B. Vegetation cover D. savanna
6.Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga salik na sanhi ng mabilis mg paglaki ng
populasyon?
I. urbanisasyn III. Pag-unlad ng medisina
II. Pag-unlad ng teknolohiya IV. Pag-unlad ng bansa
101
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

A. Iat II B. I,II at III C. II,III at IV D. I,II at IV


7. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng wika, maliban sa?
A. sumasalamin sa isang lahi C. kaakibat ng paniniwala
B. nagpapalawak ng imahinasyon D. pagpapahayag ng saloobin
8. Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?
A. Bundok Everest C. Taal
B. Mayon D. Mount Fuji
9. Ang Hong Kong at Macau ay pawing Special Administrative Regions ng anong
bansa?
A. Tsina C. Saudi Arabia
B. India D. Japan
10.Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais, at barley
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto

102
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

Mga Sanggunian

Kayamanan II published and distributed by REX Book Store 856, Nicanor Reyes, Sr.
St., Manila Philippines. 2010

Makisig : Araling Asyano. Published by Maggalanes Publishing House Sampaloc,


Manila, Philippines 2016
Mateo Ph.D. ,Grace Estela C., et al ., Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura Vibal Publishing House ,
Quezon , City 2008
https://www.academia.edu/37025095/mga_pangkat_etnolingguwistiko_ng_asya
https://www.slideshare.net/iamrachmendoza/ecosystem-ng-asya
https://www.thedollarbusiness.com/news/oil-seeds-production-to-decline-by-10-in-2015-
16/32886

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18690766305

https://en.wikipedia.org/wiki/Jute

https://www.gardeningknowhow.com/ornamental/trees/mahogany/information-on-
mahoganytrees.htm

https://www.carousell.ph/p/palmera-plant-233525641/

https://extension.umn.edu/trees-and-shrubs/fertilizing-evergreens

https://www.pinterest.ph/pin/217369119487426857/?nic

https://www.kingsford.com/how-to/shellfish/

https://en.wikipedia.org/wiki/Atlantic_bluefin_tuna

https://www.healthbenefitstimes.com/mackerel-fish/

https://www.shutterstock.com/tr/search/salmon

https://nationalzoo.si.edu/animals/news/celebrating-national-panda-day

http://www.globaltimes.cn/content/962560.shtml

https://www.dolphins-world.com/chinese-white-dolphin/

https://www.facebook.com/100620941425875/posts/112242896930346/
103
HEOGRAPIYA NG ASYA MODYUL 1

http://www.asianews.it/news-en/Civil-servants-and-teens-forced-to-pick-cotton-39809.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Dagat_Patay

https://kishore.asokans.com/information/the-tundra-region/
https://www.facebook.com/Suliraning-Pangkapaligiran-Group4-1548160378538544/

https://www.kissclipart.com/design-thinking-clipart-design-thinking-think-outs-rqvycz/

https://www.pngitem.com/middle/mJRbRb_barrel-clipart-barrel-clipart-png-transparent-
png/

https://www.pinclipart.com/pindetail/ibhiboJ_page-border-clipart-transparent-
background-border-clip-art/

https://www.teacherspayteachers.com/Browse/Search:brainstorming%20web

https://www.graphicsfactory.com/Clip-Art/Cartoon/Holidays/Easterl

https://www.downloadclipart.net/browse/27348/pyramid-clipart

https://summericeworld.wordpress.com/smiley-face-clip-art-thumbs-up-clipart-two-
thumbs-up-happy-smiley-emoticon-512x512-eec6-2/

https://goalbookapp.com/toolkit/v/strategy/graphic-organizers

https://app.emaze.com/@ATWZLCOQ#1

http://kimandre.blogspot.com/2013/11/kalikasan-noon-at-ngayon-kalikasan-ang.html

104

You might also like