You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY


PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Name: Merry Joy D. Contreras Date: 02/19/21


Course: BSED Social Studies 3-A Course Facilitator: Dr. Edwin D. Daliva

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Merry Joy D. Contreras Dr. Edwin D. Daliva


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang kaibahan ng pangangailangan (needs) at kagustuhan
(wants)
b. Naipapaliwanag ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan
c. Napapahalagahan ang konsepto ng teorya ng herarkiya ng
pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay
d. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa matalinong pagdedesisyon sa
pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng pangangailangan
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan
b. Sanggunian: Ekonomiks 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2018 DepEd pahina 42-53
c. Kagamitan: Mga larawan, PowerPoint slides, infographics/classification
chart, tarpapel
d. Pagpapahalagang Moral: Pagkakaroon ng masusing desisyon sa pagpili ng
kailangan at kagustuhan upang matugunan ang kakapusan
III. Pamamaraan

Gawaing Pangguro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Pagbati

Magandang umaga mga bata Lahat: magandang umaga po Bb. Contreras


b. Panalangin

Bago natin umpisahan ang ating aralin,


maaaring tumayo ang lahat at simulan ang
ating araw sa isang panalangin, Salem maaari Salem: Opo Ma’am
mo bang pangunahan ang panalangin? Ama namin, maraming salamat sa pagkakataon na
ibinigay mo ngayon, nawa’y gabayan mo kami,
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Amen.

c. Pagtatala ng Liban
Wala po ma’am lahat po ay nariyan
Lahat ba ay pumasok sa ating klase? Maaari
nyo bang sabihin ang apelyido ng mga
lumiban?

Mabuti naman at walang lumiban.

d. Balik-aral

Sa puntong ito, tayo ay mag babalik-aral. Sino Kahapon, tinalakay natin ang kahulugan ng
ang nakakaalala sa ating nakaraang aralin. kakapusan at paano ito nakakaapekto sa araw-araw
na pamumuhay
Claire?

Magaling! Ngayon, ano naman ang inyong


natutunan sa ating araling tinalakay? Mahalaga ang matalinong pagdedesisyon ng tao
upang hindi maransan ang kakapusan
Abby?

Mahusay! Nangangahulugan lamang na


nakikinig kayo sa ating aralin kahapon na
kung saan ay konektado sa ating aralin
ngayon. Kung kakapusan ang suliraning
kinahaharap natin, ano nga ba ang dapat
isaalang-alang sa pag dedesisyon? Ano ang
mga batayan sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon, pangangailangan ba o
kagustuhan? Masasagot natin lahat ito sa
pagtatalakay sa ating aralin. Kaya’t making,
matuto at maging handa!

B. Pangganyak

Bago natin pormal na simulan ang ating aralin


ay magkakaroon tayo ng gawain na tatawagin
natin Piliin at Sagutin. Kailangan niyo lamang
suriin ang bawat aytem o larawan at
pagpasyahan kung ano ang pipiliin niyo sa
option A at B at ibigay ang dahilan sa
pagdedesisyon. Umpisahan na natin!

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Option A. Bibili ng pagkain, dahil ang pagkain ay


kailangan na bagay upang tayo ay mabuhay
Option A Option B
1.
Option B. Matutulog dahil, masama sa kalusugan
ang walang sapat na tulog
Bibili ng pagkain Bibili ng pabango
2.

Option A. Bibili ng vitamins, upang hindi


Manunuod ng Kdrama Matutulog magkasakit lalo na ngayong may pandemya

3.

Bibili ng Vitamins Bibili ng Milk Tea Option B. Gagawa ng module upang maging
mataas ang grado
4.

Option A. Iinom ng tubig, dahil malalasing ka sa


Maglalaro ng ML Gagawa ng Module
Soju at masama sa kalusugan
5.

Iinom ng tubig Iinom ng Soju

Ang galing ng inyong mga kasagutan, nawa’y


Sa palagay ko po, ang ating aralin ay tungkol sa
ang naging desisyon at dahilan ninyo ay totoo.
pangangailangan at kagustuhan
Base sa ating Gawain, may ideya ba kayo
kung ano ang aralin natin ngayong araw? Ano
sa palagay niyo?

Magaling! Sa araw na ito tatalakayin natin ang


pangangailangan (needs) at kagustuhan
(wants), nakapaloob sa araling ito ang teorya
ng herarkiya ng pangangailangan at mga salik
na nakakimpluwensya sa pangangailangan at
kagustuhan.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

C. Paglalahad ng paksa at layunin

Upang tayo ay may mga gabay sa ating


talakayan, ilalahad ko muna ang ating mga
layunin.

(babasahin ang layunin)

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay


inaasahang:
a. Natutukoy ang kaibahan ng
pangangailangan (needs) at kagustuhan
(wants)
b. Naipapaliwanag ang mga salik na
nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan
c. Napapahalagahan ang konsepto ng
teorya ng herarkiya ng
pangangailangan sa pang araw-araw na
pamumuhay
d. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa
matalinong pagdedesisyon sa pagpili
ng mga pangangailangan batay sa
herarkiya ng pangangailangan Opo, handa na po!

Ngayon, dumako na tayo sa ating paksang


aralin at tuklasin ang inyong kaalaman tungkol
sa pangangailangan at kagustuhan. Handa na
ba kayo?

D. Paghahawan ng Sagabal

Sa ating talakayan, maaari kayong


makakasalubong ng mga salitang hindi
pamilyar

Heograpiya- pag-aaral ng mga lugar at mga


relasyon sa pagitan ng tao at sa kanilang
kapaligiran

Sosyolohikal- pag-aaral tungkol sa sosyal at


lipunan, pag-unlad, mga organisasyon at
institusyon

Sikolohiya- pag-aaral sa kahalagahan ng isip


Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

at kilos ng isang tao

Ekonomiks- pag-aaral sa kung paano


matutugunan ang walang hanggang
katapusang pangangailangan at kagustuhan

Pisyolohiya- pag-aaral sa galaw at tungkulin


ng bawat bahagi ng pangangatawan

Herarkiya- sistema ng paghahanay ng mga


bagay, tao at organisasyon bilang batayan

Paglinang ng Aralin

E. Pagtatalakay Ang pangangailangan ay mga pangunahing


kailangan na bagay ng tao, ito ay lubhang
Sa inyong sariling pagkakaunawa, ano ang mahalaga para tayo ay mabuhay. Ang kagustuhan
kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan? naman ay ang mga bagay na ninanais ng ating
sarili bilang luho.

Magaling!
Ang bawat tao, ay may mga pangangailangan
at kagustuhan, kung kaya’t araw-araw, tayo ay
nahaharap sa ibat-ibang uri ng pagpasya.
Minsan, nakakaranas tayo ng kakapusan, kaya
kailangan nating maging matalino sa papili ng
produkto o serbisyo.

(tatalakayin ang pagkakaiba ng


pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng PowerPoint)
Pangangailangan

 Mga bagay na dapat mayroon ang tao


sapagkat kailangan niya nito sa pang
araw-araw na gawain.
 Halimbawa: pagkain, damit at tirahan
ay nabibilang sa mga batayang
pangangailangan.
Kagustuhan

 Ang mga bagay na hinahangad ng tao,


upang mabuhay ng marangal at
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

maayos sa lipunan na mas mataas sa


kaniyang mga batayang
pangangailangan.
 Halimbawa: ang pagkakaroon ng
bahay na may aircon, at pagsusuot ng
mamahaling damit
 Hinahangad ito ng mga tao sapagkat
nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.

Maraming pagkakataon na ang kagustuhan ng


isang tao ay maaaring pangangailangan ng iba
at ang pangangailangan mo ay kagustuhan
lang ng iba. Halimbawa, ngayong may
pandemya mas kinakailangan ng mga batang
kapos sa pera ang cellphone upang may
magamit sa online class, subalit para sa iba
lalong lao na ang mayayaman, ay maaaring
kagustuhan lang.
Alam kong naliwanagan nakayo sa pagkakaiba
ng pangangailangan at kagustuhan, ngayon
naman, pagnilayan at sagutin ang sitwasyon at
katanungan.

Kung ako po ay bibigyan ng isang libong piso,


Kung ikaw ay bibigyan ng isang libong piso, bibili po ako ng bigas at ulam kung may matira pa
paano mo ito gagastusin? Ano ang iyong po ay ipambibili ng gatas at kape, mga dilata at
naging batayan sa pagpili? noodles. Ang aking napili ay mga pagkaing
kailangan sa araw-araw na pamumuhay. Dito,
Sino ang ang makakapagbahagi ng sagot?
isinaalang-alang ko ang kabutihan para sa aking
pamilya at kalusugan.

Ako naman po, gusto ko pong bumili ng damit at


sapatos, dahil marami naman po kaming bigas at
ulam.
Abah, napakahusay! Sino pa ang gustong
sumagot?

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Okay, maaaring iyan ang naging desisyon mo,


ngunit, walang masama kung ano ang iyong
bibigyang atensyon dahil nakadepende ito sa
tao mismo. Maliwanag? Okay! Upang lubos
ninyong maunawaan ang mga bagay at dahilan
na nag uudyok sa tao na mamili sa
pangangailangan at kagustuhan, ay pag-aralan
ang graphic organizer ng mga salik na
nakakaimpluwesnya sa pangangailangan at
kagustuhan.
(tatalakayin ang graphic organizer na nasa
PowerPoint)
Mga Salik na Nakakaimpluwenysa sa
Pangangailangan at Kagustuhan

 Heograpiya
Ang pisikal na kapaligiran at
heograpiya ay nakakaapekto sa
pangangailangan ng tao. Maaaring
klima at lugar ang isa ring natatanaw
na dahilan kung bakit ang isang
produkto ay hindi kayang matugunan
ang pangangailangan ng mamamayan,
kung kaya’t nagkakaiba-iba ang
pinagbabasehan ng tao pagdating sa
pangangailangan at kagustuhan.
Halimbawa kung malamig ang lugar,
maaaring maghahangad ka ng mga
damit at jacket na makakapal,
samantala, kapag nasa lugar ka na may
mainit na klima, maghahanap ka ng
electric fan o airconditioner

 Sosyolohikal
Ang katayuan ng tao sa lipunan, sa
pamayanan at pinagtatrabahuan ay
nakakaapekto sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan.
Maaari silang mapanuri sa pipiliin.
Kung isa kang mahirap, magsusumikap
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

kang makakain at mapagtuunan ng


pansin ang pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan.
Samantala kapag ikaw ay mayaman,
lahat ng pangangailangan ay
natutugunan at patuloy na sinusunod
ang luho at kagustuhan.

 Sikolohiya
Ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao ay nagbabago ayun sa ugali ng
isang tao. Maaaring edad at panlasa,
katulad ng mga bagong uso o istilo.
Halimbawa, ang mga kabataan ngayon,
naisisiyahang kumain ng pagkaing
patok sa panlasa ng nakararami, ngunit
sa kanilang pagtanda, kailangan na
nilang maging maingat sa kinakain
upang maiwasan ang mga kagustuhan
na bawal sa katawan at kalusugan.

 Ekonomiks
Ang dapat na isinasalang-alang ng tao
sa pagtugon sa pangangailangan at
pagkamit ng kagustuhan ay ang halaga
ng pera o kita upang mapagkasya sa
pangangailangan at maisantabi muna
ang kagustuhan. Kapag maliit ang kita,
malimit na magkasya lamang sa
pagkain, tubig at pambayad sa
kuryente, samantala ang mga taong
naghahangad ng malalaking bahay at
Opo
mamahaling sasakyan ay ang mga
taong may malalaking kita. Wala po

Malinaw ba sa atin ang natalakay?


May mga katanungan ba? Maaari siyang magkaroon ng kakapusan sa pera o
di kaya’y sa produkto, dahil ang pangangailangan
Kung wala, ako ang magtatanong.
at kagustuhan ay hindi dapat inaabuso.
Ano kaya ang mangyayari kapag ang tayo ay
hindi isinasaalang-alang ang mga salik sa
padedesisyon?

Abah, magaling. Kailangan nating tatandaan


Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

na bawat tao, magkaiba ang pangangailangan


at kagustuhan, upang maiwasan ang
kakapusan, kailangan din natin ang batayan ng
pangangailangan bilang gabay sa matalinong
pag dedesisyon.
Sa theory of “human motivation” ni Abraham
Maslow, ipinanukala niya ang teorya ng
herarkiya ng pangangailangan. Ayon sa
kaniya, habang patuloy na napupunan ng tao
ang kaniyang batayang pangangailangan,
umuusbong ang mas mataas na antas ng
pangangailangan (higher needs). At ayon sa
Mga pangangailangang pisyolohikal,
kaniyang teorya, may limang bahagi ang mga
pangangailangan ng seguridad at kaligtasan,
pangangailangan ng tao.
pangangailangang panlipunan, pagkamit ng
Anu-ano ang mga ito? respeto sa sarili at respeto sa ibang tao, kaganapan
ng pagkatao.
(tatalakayin ang powerpoint at classification
chart/infographics sa tarpapel)

Makikita sa pigura sa kaliwa ng pyramid ang mga


positibong katangian na maaaring makamit ng
indibidwal sa kaniyang pag-akyat sa susunod na
antas ng kaniyang pangangailangan. Nasa kanang
bahagi naman nito ang maaaring negatibong
Pagmasdan ang infographics tungkol sa
epekto sa pagkabigo ng tao na makaakyat sa
pyramid ng herarkiya ng pangangailangan, ano
susunod na antas.
ang inyong napansin batay sa epekto at resulta
ng bawat antas ng pangangailanagn?

Napakagaling, at ako’y napahanga sa iyong


kasagutan. Ang nasa kaliwang parte ng
pyramid ay mga bagay na napabilang sa antas
ng pangangailangan na maaaring makamit
kapag ito ay natugunan, subalit ang nasa kanan
Pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at
ay kabaliktaran ng nasa kaliwa. Upang lubos
tirahan
nating maintidihan ang pyramid, simulan
nating talakayin ang nasa pinakababa ng
herarkiya. Ang pangangailangang

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

pisyolohikal.
Anu-ano ang mg bagay na napabilang dito?

Okay, sa antas na ito, kapag nagkulang ang Seguridad sa katawan, pamilya, kalusugan, trabaho
mga pangangailangan sa antas na ito maaring at ari-arian
magdulot ng sakit o humantong sa
pagkamatay, katakawan, pagkagutom at
pagkakasakit
Sunod ay ikalawang antas ang
pangangailangan ng seguridad at kaligtasan.
Anu-ano ang mga positibng bagay na dulot
Magdudulot ng kabalisahan, kawalang katiyakan
nito?
at mahinang pangangatawan

Magkakaroon tayo ng ganitong


pangangailangan kapag natugunan na ang
naunang pangangailangan.
Ano naman ang mangyayari kapag hindi ito
natugunan?

Ma’am may tanong po ako, paano naman po


kapag, ang tayo ay palaging nag iisa at hindi ito
natutugunan ang pangangailangang panlipunan?
Sunod ay ang ikatlong antas ang
pangangailangang panlipunan na kung saan
nabibilang ang pakikipagkaibigan,
pagkakaroon ng pamilya, pakikipag kapwa. Ito
ay kailangan ng tao upang makipag-ugnayan
sa kaniyang kapwa dahil may mga
pangangailangan siyang hindi matugunanng
mag-isa.

Opo

Napakaganda ng iyong katanungan, maaaring


magdulot ito ng kalungkutan sa kaniya,
pagging makasarili at pangkainggit. Kaya nga
lahat tayo diba naniniwala na “no man is an
island” diba? Malinaw ba yun?
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Dumako naman tayo sa ikaapat na antas ang Magdudulot ng mababang moralidad, mapahiya,
pagkamit ng respeto sa sarili at respeto sa mabigo at kawalan ng tiwala sa sarili.
ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman
ang kaniyang halaga sa lahat ng pagkakataon.
Ang tiwala sa sarili at sa ibang tao ay
nagdudulot ng tagumpay ang nagpapataas ng
dignidad. Ngunit ano naman ang mangyayari
kapag may kakulangan sa antas na ito?

Siguro ay dahil po, ito ay mahirap marating.


Dahil po, ilang tao lamang ang nagnanasa na
marating ang mga pangangailangan na ito at mas
Ang panghuli ay ang pinakamataas na antas ng
binibigyan nila ng atensyon ang nasa mababang
pangangailangan, ang kaganapan ng pagkatao.
antas.
Sa tingin niyo, bakit ito ang pinakamataas na
antas sa herarkiya?

Aba, napakagaling! Ayon kay Maslow, ang


taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay
ng mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip
na katanungan. Ang mga taong nasa ganitong
kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa
kanyang sarili, sila ay nagiging malikhain,
nagkukusang loob, mapagpahalaga sabuhay at
pagtugon sa mga suliranin. Sa kabilang banda
ang mahirap sa antas na ito kapag nabigo kang
tumugon nito ay kalungkutan at depresyon ang
mangyayari sayo.
Ang pagkakaroon ng pangangailangan ay
nakabatay sa matagumpay na pagtugon sa mga
naunang antas ng pangangailangan. Kung
kaya, nararapat lamang na ilagay at iayos ang
pangangailangan ng tao ayon sa kahalagahan
nito.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Pangwakas na Gawain
F. Paglalapat

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


gawain

Gawain: Ang Aking Pamantayan sa Pagpili


ng Pangangailangan
Panuto: Bumuo ng sariling pamantayan sa
pagpili ng mga pangangailangan batay sa
herarkiya ng mga pangangailangan sa Mga kasagutan:
pamamagitan ng checklist at paghambingin sa 1. Hindi naglalayo ang checklist ng
pamatayan ng aking kaklase sa aking mga
mag aaral ang nabuong checklist. Pagkatapos
sagot, pareho naming inuna ang
niyan ay sagutan ang mga katanungan sa loob pangangailangang pisyolohikal
ng 5 minuto. 2. Sa pagbuo ng aking mga pamantayan,
isinasaalang-alang ko muna ang aking
1. Ano ang pinagkaiba ng iyong checklist katayuan sa lipunan bilang mag-aaral at
ng pamantayan at ng iyong kamag- antas ng aming buhay. Mas inuna ko ang
aral? mga esensyal na pangangailangan dahil
2. Ano ang mga naging dahilan sa pagbuo yun ang nararapat lalo na’t kapos kami sa
ng pamantayan? pera
3. Paano mo maisasakatuparan ang iyong 3. Upang maisakaturapan ko ang aking
pamantayan? pamantayan, uugaliin kong maging
matalino sa pagpili at pagdedesisyon at
wag basta-bastang magpapadala sa ganda
ng mga bagay.

Opo

Tapos na ba ang lahat? Kung tapos na, ipasa Opo Ma’am!


ang inyong papel sa unahan.

G. Pagbabahagi

Malinaw na ba satin lahat ang ating aralin?

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

Ang layunin ng herarkiya ng pangangailangan ay


magabayan ang isang tao mula sa mababang antas
Natapos na nating talakayin ang Teorya ni
hanggang sa pinakamataas na antas, nang sa gayun
Maslow, ang herarkiya ng pangangailangan,
ay unti-unting matugunan ang bawat
alam kong handa na kayo sa mga susunod na
pangangailangan at maiwasan ang mga negatibong
katanungan at nais kong ibahagi ninyo ang
resulta, lalong-lalo na ang kakapusan. Magiging
inyong mga natutunan at mga opinyon.
mapanuri at mabusisi ang tao na isaalang-alang
Bakit mahalaga ang konsepto ng herarkiya ng muna ang sariling kalusugan at pangangatawan
pangangailangan sa buhay ng tao sa pang bago alalahanin ang mga bagay na
araw-araw na pamumuhay? pangkagustuhan lang. Minsan ang tao ay nakatuon
na lang ang pansin sa mga materyal na mga
kagustuhan at nakakalimutan na ang mga bagay
upang mabuhay.

Kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan, mga


salik na nakakimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan at ang teorya ni Maslow, ang herarkiya
ng pangangailangan

H. Paglalagom ng paksang tinalakay

Sa kabuuan, ano-anu ang ating mga tinalakay?

Ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa


pangangailangan at kagustuhan, ang heograpiya,
sosyolohikal, pisyolohikal at ekonomiks. At ang
herarkiya ng pangangailangan, ang mga
pangangailangang pisyolohikal, pangangailangan
ng seguridad at kaligtasan, pangangailangang
Mabuti at nadagdagan ang inyong kaalaman! panlipunan, pagkamit ng respeto sa sarili at respeto
Anu-ano naman ang dapat isaalang-alang ng sa ibang tao, kaganapan ng pagkatao.
tao upang magkaroon ng matalinong
pagpapasya sa pagtamo ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan?

Sa tingin ko po, kailangang pagtuunan ng pansin


Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

ang ating pangangailangan, lalong lalo na, walang


kita o sapat na pera ang karamihan sa atin,
Mahusay, alam kong isa kayo sa mga taong
kailangan muna nating ipagpaliban ang kagustuhan
magkakaroon ng matalinong pagdedesisyon.
ng sa ganun ay maging praktikal at mabuhay sa
Sa huling bahagi ng ating talakayan nais ko panahon ng krisis ng COVID.
kayong tanungin, ano sa palagay niyo ang
pinakaimportanteng bagay na kailangang
matugunan ngayong may pandemya,
pangangailangan ba o kagustuhan?

Opo ma’am maraming salamat!


Abah, ako’y inyong pinahanga sa taglay ng
kaalaman ninyo sa ating aralin, lagi nating
tatandaan na hindi masama ang maghangad ng
kagustuhan, ngunit punan at tugunan muna
natin ang pangangailangang na magiging daan
upang tayo ay maging matagumpay. Malinaw
na ba sa atin ang lahat?

IV. Pagtataya

Test I. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap o sitwasyon ay nagsasaad ng pangangailangan,


at kagustuhan. Ipaliwanag kung anong salik ang nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan sa pangungusap.

Halimbawa:

“Si Lola Pipay ay kumakain na ng gulay at masustansyang pagkain at iniiwasan ang mga junk
foods dahil matanda na siya”

Sagot: Pangangailangan – ang salik na nakakaimpluwensiya dito ay sikolohiya dahil sa edad ni


lola Pipay, magbabago na ang kaniyang pag-uugali sa pagpili ng pagkain upang mapanatili ang
kanyang kalusugan.

1. Si Mang Bert ay nakatira sa tuktok ng bundok, ngunit gustong-gusto niyang makabili ng


tricycle.
2. Mag sesenior citizen na si Mang Eddie, kung kaya ay bumubili siya ng vitamins, gulay at
prutas.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
PONTEVEDRA CAMPUS
Bailan, Pontevedra, Capiz
website: www.capsu.edu.ph email address: pontevedra@capsu.edu.ph

3. Sweldo na ni Marites ngayon, bibili sana siya ng iPhone, ngunit hindi magkasya ang kita
sa presyo ng cellphone.
4. Inimbitahan si Tonya sa party ng mga negosyante, bumili siya ng mamahaling alahas at
bag upang mapansin ng mga kaibigang mayayaman sa party.
5. Pagkatapos maglaba ni Mercedita, ay bumili siya ng sardinas at sibuyas sa tindahan dahil
pinagkakasya nya ang pera sa pitaka.

Test II. Panuto: Isulat ang mga antas sa pyramid at magbigay ng tig-iisang halimbawa (10
points.)

Kasunduan (Takdang-
Aralin)

Magsaliksik tungkol sa alokasyon at ang kaugnayan nito sa pangangailangan at kagustuhan.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
State Universities and Colleges Teacher Educators Association, Inc. (SUCTEA)

You might also like