You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
QUIRINO DISTRICT
500068-VILLA CACHO INTEGRATED SCHOOL
Santiago, Quirino, Isabela

MASUSING BANGHAY-ARALIN
sa
FILIPINO 10 – PANITIKANG PANDAIGDIG

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipapaliwanag ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang asal.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang parabula at mga elemento nito;
b. naiuugnay ang pangyayari sa parabula at pangyayari sa sariling karanasan gamit ang tsart;
c. nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal;
d. naikukumpara ang pagkakaiba ng parabula at maikling kwento ayon sa elemento at nilalaman nito sa
pamamagitan ng pagpapangkat.

II. PAKSANG-ARALIN

PARABULA – ANG TUSONG KATIWALA


Sanggunian:
Lukas 16: 1 – 15, Panitikang Pandaigdig-Filipino 10.
Filipino 10-Panitikang Pandaigdig, Kagamitan ng Mag-aaral (pp. 44-49) Gabay sa Pagtuturo
(pp. 16-18) www.google.com at www.youtube.com
Kagamitan:
Laptop, Internet Connection, Powerpoint Presentation, Graphic Organizer, Audio-Visual Presentation
Values Integration:
Pagiging matapat, pagtanggap sa pagkakamali

Istratehiya
Indibiduwal na Gawain
Kolaboratibong Pagkatuto/Gawain
Explicit

III. PAMAMARAAN

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral
A. AKTIBITI

1. Pagbati
Magandang umaga sa ating lahat!

Magandang umaga din po, ma’am! Magandang umaga rin,


kamag-aral!
2. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating klase, tayo
muna ay mag-alay ng isang panalangin na
pangungunahan ni Jelyn.
Manalangin tayo.
Panginoon po naming Diyos, Salamat po ng napakarami,
Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito Upang
makapag-aral po kami ngayon.Patawarin mo po kami sa
aming mga kasalanan. Ihanda mo po ang aming isip sa
pagtanggap ng karunungan.Ilayo mo po kami sa anumang
sakuna, lalong-lalo na sa kumakalat na Covid-19. Ingatan
mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral Sa
inyo po lahat ng kapurihan Hinihingi po namin ang lahat
ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang
Tapapagligtas. Amen...
3. Pagkuha ng Atendans
May lumiban ba ngayong araw?

Wala po, ma’am!


Mabuti kung gayon!
Bago tayo magsiupo, ayusin muna natin ang
ating upuan at pulutin ang mga kalat.

4. Pagbibigay ng Alituntunin
1. Pumasok sa tamang oras.
2. Umupo sa maayos at kumportableng lugar.
3. Magpokus sa talakayan.
4. Magtala ng mahahalagang impormasyon.
5. Irespeto ang kaklase at guro.

5. Balik-aral
Noong nakaraang klase ay tinalakay natin ang
tungkol sa Sanaysay. Maaari bang ibahagi sa
klase ang kahulugan nito?

Ito ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan.


Karaniwang paksa nito ay tungkol sa mga kaisipan at
bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon
na makakatulong sa pagbuo ng sariling pananaw.

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
B. ANALISIS

1. Lunsaran
a. nasusuri ang parabula at mga elemento
nito;
b. naiuugnay ang pangyayari sa parabula at
pangyayari sa sariling karanasan gamit ang
tsart;
c. nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang
parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal;
d. naikukumpara ang pagkakaiba ng parabula
at maikling kwento ayon sa elemento at
nilalaman nito sa pamamagitan ng
pagpapangkat.

Gawain 1: LARAWAN NG BUHAY


Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o
mahalagang kaisipang dapat mabatid sa anumang uri ng
babasahin o panood. Suriin mo ang kasunod video.
Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

1. Tungkol saan ang pinanood na video?


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng
video?
3. Paano nakatutulong ang mensaheng nakapaloob
sa video sa ugali ng isang tao? Pangatuwiran
ang sagot.

Panonoorin ng mga mag-aaral ang audio-visual


presentation at sasagutin ang mga tanong kasundo nito.
2. Paglalahad
GAWAIN 2: PUNAN NATIN!
Ang pinanood nating video ay nagpapakita ng
kabutihan. Ayon sa napanood natin, ano ang
mahihinuha niniyong magiging aralin natin
ngayong araw?

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na ito Parabula po, ma’am!


ay isang Parabula. Ano nga ba ang Parabula?

Punan ang graphic organizer ng mga salitang


maaaring may kaugnayan sa Parabula.

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
Magaling ang inyong naging sagot! Ngayon
naman ating palalimin ang ating kaalaman
tungkol sa parabula sa pamamagitan ng
panonod sa video.

3. Paghawan ng Sagabal
GAWAIN 3: PAGLINANG SA TALASALITAAN:
Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at
ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa
damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Piliin
sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

1. “May taong mayaman na may isang katiwala.


May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito
ang kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking
amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng
Mabuti sa inyong kapwa upang kung maubos
na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan.”
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ng magbibigay sa inyo
ng talagang para sa inyo?”

1. Pagkaawa
2. Galit
Mahusay! Ngayon ay nakilala na natin ang mga 3. Pag-aalinlangan
malalalim na salitang matatapuan sa akda. Handa na ba 4. Panghihinayang
kayo sa kwento? 5. Pagtataka
Kung handa na, atin ng alamin ang mga tanong na
siyang magiging gabay ninyo habang pinapanood o
pinapakinggan ang ating parabula.

MGA GABAY NA TANONG:


1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng
katiwala.
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang
bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin
mob a ang ganitong uri ng katiwala para sa
iyong negosyo?
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa
parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan?

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin
kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong
Negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing
mensahe ng parabula?
7. Saang bahagi ng parabula mababatid ang
mensahe?
8. Paano nakatutulong ang bawat bahagi ng
parabula sa pagpapalutang ng mensahe nito?
Patunayan.

Habang nanonood o nakikinig, subukan nating sagutin


ang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin
ang kwento.

Handa na kami, ma’am!


Panonoorin ng mag-aaral ang video.

C. ABSTRAKSYON
Panimulang Pagtalakay
Lahat ay magpokus at atin ng
mapapanood/mapapakinggan ang parabulang Ang
Tusong Katiwala.

Opo, ma’am!
Panonoorin ng mga mag-aaral ang video.

Pagpapalalim
GAWAIN 3:STOP DANCE! Dumako na tayo sa
pagsagot sa mga Gabay na Tanong. Kayo ay maglalaro
ng Stop Dance. Lahat ay magsasayaw habang umiikot
ang bulaklak. Kapag sa huminto ang tugtog at hawak
moa ng bulaklak, ikaw ang sasagot sa tanong na nasa
likuran nito. Handa na baa ng lahat?

Handa na po ma’am!
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng
katiwala.

Sa kwentong tusong katiwala ang suliraning kinhaharap ay


ay, nang hingan ng amo o panginoon ng isang pag-uulat
ang katiwala tungkol sa kanyang pangangasiwa sa ari-
arian nito. Sa kwento tusong katiwala binahagi ang
suliranin ng kinahaharap nito na Ang mapagkakatiwalaan

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya
rin sa malaking bagay.

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang


bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?

Nais patunayan ng tusong katiwala na hindi niya


nilulustay ang ari-arian ng kanyang mayamang amo kaya
naman, binawasan niya ang mga utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo upang matakpan ito. Na isa
siyang mahusay at matalinong katiwala.

3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin


mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa
iyong negosyo? Hindi, dahil maaring mas lalo itong makasama sa iyong
negosyo at bilang may ari ng isang negosyo alam mo
dapat kung ano at sino ang kukunin mong katiwala na
lubos pagkakatiwalaan.

4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa


parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan? Sa parabulang ito,maari nating maiugnay sa mga
Patunayan ang sagot. pangyayari sa kasalukuyan. Mapagtanto natin na tayo ay
nakigamit lamang sa anuman ang mayroon tayo ngayon,
lahat ng ito ay ari-
Arian ng Diyos. Dapat tayo ay gagamit ayon sa direksyon
ng ating dakilang Panginoon, at para sa kanyang
karangalan.

5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin


kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala? Ipakulong mo na agad ang katiwala mo para wala nang
madamay pang iba kasi kung patuloy ka lang sa
pagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Patuloy rin
siyang mang-aabuso para magnakaw ng bagay na hindi sa
kanya.

6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing Maging tapat sa taong nagtitiwala sa iyo. Huwag mong
mensahe ng parabula? gawing diyos ang salapi dahil ito ang magtutulak sa iyong
gumawa ng hindi mabuti.

Mababatid ang mensahe ng isang parabula ay nasa


7. Saang bahagi ng parabula mababatid ang nilalaman. Ang nilalaman ay binubuo ng mga
mensahe? magkaugnay na mga pangyayari o daloy ng pangyayari na
nakatutulongsa mambabasa upang mauunawaan ang
mesaheng nakapaloob ng parabula.

8. Paano nakatutulong ang bawat bahagi ng Ang bawat bahagi ng parabula ay malaking tulong upang
parabula sa pagpapalutang ng mensahe nito? bigyang buhay at diin ang mensaheng nais ipaabot ng
Patunayan. kwento.

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
Napakahusay ng pagbabahagi niniyo ng inyong mga
sagot. Binabati ko kayo dahil alam kong naunawaan na
ninyo ang kwento.
1. Pagtalakay Pangkagandahan
1. Paano makatutulong sa buhay ng tao
ang mensaheng nais ipabatid ng
binasang parabula?

1. Ang mensaheng nakapaloob sa pabula ay


nagsisilbing gabay sa mga kabataang katulad
ko na gumawa ng mabuti at maging tapat sa
kapwa.

Magaling!

D. APLIKASYON
Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang
pangyayari sa naganap. Nagsisilbing patnubay
at lumilinang sa mabuting asal ang aral na
mapupulot dito. Ang mensahe ng parabula ay
isinulat sa patalinghagang pahayag. Gamit ang
grapikong presentasyon, suriin ang mga
pangyayari sa parabula batay sa nilalaman
kakanyahan at elemento.

Gagawin ng mag-aaral ang gawain.


PAGLALAHAT
UGNAYANG PANGYAYARI
Punan ang tsart ng mga pangyayari na maaaring
iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.
Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa sariling
Karanasan

(Ibabahagi ng mag-aaral ang kanilang awtput)


IV. EBALWASYON
Paano ko nga ba isasabuhay ang turo ng mga
Parabula sa aking pang-araw-araw na pamumuhay?

Sagutin ito sa masining na paraan:

a. IGUHIT MO! Sa pamamagitan ng pagguhit,


ipakita mo ang mensaheng hatid ng binasang
parabola.
b. SPOKEN POETRY! Kumatha ng masining na
paglalarawan sa aral na nais iparating ng tula.
c. ARTISTA AKO! Gumawa ng maikling
pagtatanghal na nagpapakita katapatan.
d. AWITIN NATIN! Bumuo ng isang awitin na
may temang katapatan.

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph
MGA PAMANTAYAN
PAMANTAYAN KAAKIBAT PUNTOS
NA PUNTOS
Kaangkupan sa 25
paksa
Kaayusan 15
Impak 10

Kabuuang puntos 50

V. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang Mensahe ng Butil ng Kape at
sagutin ang mga tanong kasunod nito.

May katanungan pa ba?

Wala na po, ma’am!


Kung wala na, ayusin na natin ang ating
upuan, pulutin ang mga kalat at ako’y
magpapaalam na.

Paalam klas!

Paalam po, ma’am!

Inihanda ni:

GLEN DENISE G. ACACIO


Guro I

Pinagtibay nina:

NOIMIE C. GALANG
Ulong Guro I

SONNY T. DALIT, EdD


Punong Guro I

 www.deped-isabela.com.ph
09690413143
500068@deped.gov.ph

You might also like