You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY


Palompon, Leyte
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Basic Teacher Education Department

Masusing Banghay Aralin

Paaralan MERIDA VOCATIONAL SCHOOL


Guro SHEILA MAE R. NOYNAY Baitang IKA-10 NA BAITANG
Petsa ng Pagtuturo IKA-21 NG OKTUBRE 2021 Asignatura FILIPINO
Oras ng Pagtuturo 8:00 AM – 10:00 AM Markahan UNANG MARKAHAN

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga
sa mga akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinagawang critque tungkol sa alimang akdang pampanitikang
Mediterranean.
C. Kakayahang Pampagkatuto 1.Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar
at kapanahunan ang piling tauhan sa epiko batay sa
napakinggang epiko. F10PN-Ie-f-65
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga
suliranin ay ipinararanas ng may akda sa pangunahing tauhan ng
epiko. F10PB-Ie-f-65
3. Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin.
F10PT-Ie-f-64
4. Naisusulat ang paglalahad na nagpapahayag ng pananaw
tungkol sa pagkakaiba-iba, pagkakatulad at ng mga epikong
pandaigdig. F10PU-Ie-f-67
5. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari. F10WG-Ie-f-60

II. NILALAMAN/PAKSA Aralin 4: Epiko


 Kahulugan ng Epiko
 Kasaysayan ng Epiko
 Epiko ni Gilgamesh
 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika: Pananda at Pangatnig
(Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag)
III. MGA BATAYAN SA PAGKATUTO
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa Teacher’s Guide N/A
2. Mga pahina sa Learner’s Materials Pahina 1-18
3. Mga pahina sa Aklat/Libro N/A
4. Dagdag/Materyales mula sa Malawakang pananaliksik sa internet
Learning Resource (LR) portal
B. Iba pang Batayan sa Pagkatuto Cellphone, Laptop, Powerpoint Presentation, Google Meet(in
call messages), Quizlet,Messenger, Google,Youtube at
Quizizz
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Pasiunang Gawain
1. Pagbati  Magandang umaga sa inyo aking  Magandang umaga rin po sa
mga mag-aaral. inyo aming guro.

 Kumusta kayong lahat? Maayos ba  Mabuti naman po kami,ma’am


ang inyong mga magising ngayong at maayos po ang aming mga
umaga? gising ngayong umaga.

 Mabuti naman kung ganoon. Nag-  Opo, ma’am, kumain na po


agahan ba kayo bago dumalo sa kami ng agahan.
ating birtwal na klase ngayong
umaga?

 Magaling!

2. Panalangin  Magsiayos ang lahat at manalangin  Sige po, ma’am.


muna tayo bago natin simulan ang
ating birtwal na klase ngayong
umaga.

 Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng  Sa ngalan ng Ama, ng Anak,


Espiritu Santo. Amen. (Ipapakita ng Espiritu Santo. Amen.
ang bidyu ng isang panalangin.)
Indicator 3
3. Pagtatala sa mga Para sa inyong attendance, magsend o  Magpapatala ang mga mag-
dumalo magpadala ng inyong kompletong aaral na dumalo sa online
pangalan sa ating groupchat bilang class sa kanilang guro sa
pagtanda na kayo ay dumalo sa ating pamamagitan ng kondisyon na
online class ngayong umaga.Bibigyan ko hinihingi ng guro.
kayo ng limang minuto. Indicator 5

4. Pagpuna sa kaayusan ng  Maririnig nyo ba ang aking boses?  Opo ma’am.Naririnig po


koneksyon at namin.
paghahanda ng  Opo ma’am.Nakikita po
 Mabuti kong ganon.Nakita nyo ba
presentasyon o namin ang slide sa aming
ang slide ng powerpoint presentation
diskusyon screen.
na nasa inyong mga screen?

 Makikinig ang mga mag- aaral


5. Paglalahad ng mga  Upang maging maayos ang daloy ng
at iintindihin ang mga
panuntunan ating talakayan ay ilalahad ko muna
panuntunang ibinibigay ng
sa inyo ang mga alituntunin na
guro sa pamamagitan ng
dapat nating sundin para sa ating
pagpapakita ng slide sa
talakayan. (Babasahin ng guro ang
powerpoint presentation.
ang nakahandang alituntunin).
Indicator 3 and 7

 Opo, ma’am. Naiintindihan po


 Naiintindihan niyo po ba ang mga
namin.
alituntunin na dapat nating sundin
mga mag-aaral?

 Mahusay! Kung ganoon ay


magsisimula na tayo sa ating
 Opo, ma’am.Handa na po
talakayan ngayong araw. Handa na
kami.
ba kayo?

A. Pagbabalik-tanaw sa  Bago ang lahat, magkakaroon muna  Makikinig ang mga mag- aaral
nakaraang aralin o tayo ng panimulang pagtataya. Dito sa mga tagubilin na ibinibigay
pagsisimula ng bagong natin susukatin ang inyong ng guro.
aralin kaalaman tungkol sa tatalakaying
paksa. Indicator 4

 Magtungo sa Quizlet at sagutan ang


mga katanungan doon. Indicator 3
and 6
Panuto:Piliin ang letra na may tamang  Sasagot ang mga mag-
sagot.
aaral sa quizlet
1. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa
lipi ng mga Diyos o Diyosa.
A. mitolohiya
B. epiko
C. alamat
D. korido

2. Ang pinakamatandang epiko sa mundo


at kinikilala bilang kauna- unahang
dakilang likha ng panitikan.
A. Ibalon
B. Iliad at Odyssey
C. Gilgamesh
D. Beowulf

3. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng mga


_______________.
A. Ilokano
B. Hiligaynon
C. Tagalog
D. Bisaya

4. Hari ng Urok at ang bayani ng epiko.


A. Anu
B. Enlil
C. Ninutra
D. Gilgamesh

5. ________ lumalim ang gabi ay


nagsimulang mag-uwian ang mga
residente.
A. Susunod
B. Pagkatapos
C. Nang
D. Samantala

 Pagkatapos sagutan ng mga


mag-aaral ang mga tanong ay
itatama ito ng guro at ilalahad sa
klase kung ilang porsiyento ang
nakakuha ng tamang sagot at ang mga
nagkamali.

 Magaling! Aking nabatid na


mayroon na kayong malawak na
pag-uunawa at kaalaman patungkol
sa ating tatalakayin ngayon.
 Ang mga
nakapaloob sa katanungan ay ilan
lamang sa mga mahahalagang bisa o
kaisipan na nakapaloob sa aralin 4.
Lingid dito, ngayong umaga ay
magbubukas na naman tayo ng
isang panibagong aralin, ang
Aralin 4 na kung saan ay patungkol
 Opo ma’am.Handa na po kami.
ito sa Epiko.Handa na ba kayo?

 Magaling!

B. Paghahabi sa layunin ng  Narito ang mga layunin natin sa  Ang mga mag-aaral ay
aralin araw na ito: makikinig sa mga layuning
Pagkatapos ng talakayan, ang bawat isa binabasa o inilalahad ng guro
ay inaasahang: sa isasagawang talakayan.
1.Nahihinuha kung bakit itinuturing na
bayani sa kanilang lugar at kapanahunan
ang piling tauhan sa epiko batay sa
napakinggang epiko.
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon
kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may akda sa pangunahing
tauhan ng epiko.
3. Nabibigyang-puna ang bisa ng
paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdamin.
4. Naisusulat ang paglalahad na
nagpapahayag ng pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba, pagkakatulad at ng mga
epikong pandaigdig.
5. Nagagamit ang angkop na mga hudyat
sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
C. Paglalahad ng mga Suriin at Ilalahad
halimbawa sa bagong aralin Indicator 1, 2 and 6

 Sa puntong ito ay may ipapakita ako


sa inyong larawan. Ito ay inyong
susuriin at pagkatapos ay ilalahad
kung ano ang kahalagahan at
koneksyon nito sa ating kasaysayan
at sa ating talakayan.

 Ano ang inyong nakikita sa larawan?  Iyan po mga larawan ng mga


dakilang bayani sa ating
bansa.

 Oo, tama! Iyan ay ang ating


kinikilalang bayani ng lahing
Pilipino.
 Ano kaya ang katangiang taglay o  Ang pagiging
lakas ng ating kinikilalang mga matatag,matapang at
bayani? pagkakaroon ng lakas ng loob
upang mapagtagumpayan ang
mga laban at suliranin na
kinakaharap.
 Magaling!
 Sa larawang ating sinuri at binigyan
ng paglalahad, masasabi nating
tunay at nararapat lamang na
tatawagin natin silang mga bayani
dahil sila ang naging susi at
instrumento upang maisapakamay
muli ang ating kalayaan.
 Ano kaya ang kahalagahan ng
 Magbahagi ng sariling ideya o
kalayaan bilang isang Pilipino?
pananaw ang mag-aaral batay
sa ibinigay na tanong.
 Mahusay!

 Sa puntong ito,nais kong ipagbigay-


alam sa inyo na ang aking
ipinapakitang larawan ay hindi ito
basta halimbawa lamang bagkus ito
ay mahalaga dahil ito ay may
malaking kaugnayan sa ating aralin
ngayong umaga na kung saaan ito
ay patungkol sa epiko na siyang
nagsasaad rin ng kabayanihan sa
akda.

D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at pagsasanay ng  Ngayon ay sabay nating  Makikinig ang mga mag- aaral
bagong kasanayan #1 tuklasin,alamin at uunawain kung sa sasabihin ng guro.
ano ba ang isang epiko at kung ano
ang kasaysayan nito. Kalakip nito ay
atin ring susuriin ang isa sa mga
epiko ng Mesopotamia.

 Ngunit bago ang lahat, pumunta  Pupunta ang mga mag-


muna kayo sa In call messages ng aaral sa in call messages ng
inyong google meet app at doon aplikasyon.
ninyo tipahin ang inyong magiging
kasagutan sa ang aking mga
nakahandang katanungan para sa
inyo. Naintindihan ba mga mag-  Opo ma’am. Naintindihan po.
aaral? Indicator 3 and 6

 Magaling! Nabuksan na ba lahat ng  Opo ma’am.


in call messages sa aplikasyon?

 Mabuti naman kung ganoon.


Ngayon ay sagutan na ninyo ang
aking unang katanungan.

 Ano ang unang pumapasok sa


inyong isipan kapag inyong  Sasagot ang mga mag- aaral sa
naririnig ang salitang “Epiko”? in call messages ng
aplikasyon.
 Babasahin ng guro ang mga sagot
ng mga mag-aaral sa messages ng
app.

 Base sa inyong mga ibinagay na


mga salita, ito ay tama at may
kaugnayan sa epiko.

 Ano nga ba talaga ang isang epiko?


Pakibasa nga po ang depinisyon
na makikita sa iyong
screen(tatawag ng mag-aaral).

 Babasahin ng tinawag na mag-


 Ang Epiko ay tulang pasalaysay na
nagsasaad ng kabayanihan ng aaral ang depinisyon ng epiko.
pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan ay
buhay sa lipi ng mga diyos o diyosa.
 Base sa binasang depinisyon ng
epiko, ito pala ay isang uri ng
panitikan na na tumutukoy sa tulang
pasalaysay na kung saan ay
nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan. At base sa
naging depinisyon nito,ating
mahihinuha na ang paksa nito ay
patungkol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanilang
paglalakbay at pakikidigma.
 Sinasabi ring ito ay tumatalakay sa
mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan.
 Dagdag pa rito, ang salitang epiko
ay mula sa salitang Griyego na
“epos” na salawikain o awit ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa
kabayanihan na isinasalaysay.

 Matapos nating mabigyan ng  Susubukan ng mga mag-aaral


pagpapakahulugan ang salitang na magbibigay ng halimbawa
ng epiko.
epiko, mayroon ba kayong
maibibigay na halimbawa ng epiko
partikular na dito sa ating bansa?

 Magaling! Ilan sa mga ito ay ang


Ibalon ng Bikol, Hudhud ni
Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni
Lam-ang ng Ilocos at Tuwaang ng
mga Bagobo at marami pang iba.

 Base sa inyong nabasa at  Opo,ma’am. Base po sa aming


naoobserbahan, tunay nga bang nabasa at naoobserbahan ay
nagsasaad ng kabayanihan ang tunay ngang nagsasaad ng
pangunahing tauhan sa isang epiko? kabayanihan ang pangunahing
tauhan sa isang akda o epiko.

 Ngayon, naging malinaw na ba sa  Malinaw na po, ma’am.


inyo kung ano ang epiko?
 Mabuti naman kung ganoon.

 Para sa ating ikalawang


katanungan,tipahin na nanaman
ninyo ang inyong mga kasagutan sa
pamamagitan ng in call messages .
 Sa tingin ninyo, ano-ano kaya  Sasagot ang mga mag- aaral sa
ang mga layunin ng epiko? pamamagitan ng pagtipa sa in
call messages sa google meet
na aplikasyon.
 Babasahin ng guro ang mga sagot
ng mga mag-aaral sa messages ng
google meet.

 Magaling! Ang inyong mga sagot ay


tama. Maraming salamat mga mag-
aaral, maaari niyo nang lisanin ang
in call messages sa app.
 Ang pangkalahatang layunin ng
epiko ay gumigising sa damdamin
upang hangaan ang pangunahing
tauhan.
 Ito ay naglalayong pumukaw
sa pagkasindak at pagkaawa
ng tao;
 at pagtatagumpay laban sa
mga suliraning nakahaharap.
 Naintindihan ba ang kahulugan at  Opo ma’am.Naintindihan po.
layunin ng epiko, mga mag-aaral?
 Magaling! Ngayon ay dadako
nanaman tayo sa isa sa mga
nakapaloob sa module 4 na kung
saan ay pag – aaralan natin ang epiko
ni Gilgamesh.Ngunit bago ang lahat
ay atin munang alamin ang
kasaysayan ng epiko na ito.
 (Tatawag ng mag-aaral upang
ipabasa ang nasa screen at
pagkatapos ay hihimayin ang
mahalagang kaisipan o ideya ng
kasaysayan)
KASAYSAYAN NG EPIKO
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn
Calibara – Sayson.
 Ang Epiko ni Gilgamesh, isang  Babasahin ng maiigi ng mag-
epikong patula mula sa aaral ang nakasaad sa screen.
Mesopotamia ay kinikilala bilang
kauna – unahang dakilang likha ng
panitikan.
 Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay
nagsimula sa limang tulang
Sumerian tungkol kay
“Bilgamesh” (salitang Sumerian
para sa “Gilgamesh”), hari ng
Uruk. At mula sa magkakahiwalay
na Kuwentong ito ay nabuo ang
iisang epiko.
 Ang kauna – unahang buhay na
bersyon nito, kilala bilang “Old
Babylonian” na bersyon, ay noong
ika-18 siglo BC at pinamagatan
mula sa kaniyang incipit (unang
salita ng manuskrito na ginamit
bilang pamagat. Shutur eli sharri
“Surpassing All Other Kings”.
 Ang huling bersyon ay nasulat
noong ika-13 hanggang ika-10 BC
at may incipit na Sha naqba imuru
“He who Saw the Deep”, sa
makabagong salita:“He who
Seees the Unkown”.
 Tinatayang dalawang katlong
bahagi ng labindalawang tablet na
bersyon ang nakuha. Ang ilan sa
magagaling na kopya ay
natuklasan sa guho ng aklatan ng
7th-century BC na hari ng
Assyrian na si Ashurbanipal.
 Nagsimula kay Homer ng Greece
ang tradisyon ng Epiko sa Europa
noong 800 BC. Mahalagang
mabasa ng mga mag – aaral ng
literaturang Ingles ang The Iliad
and Odyssey. Makikita sa
isinulat ni Homer ang porma ng
isang epiko, ang halimbawang uri
ng mga tauhan, ang banghay, ang
mga talinghaga at iba pa. ito’y
naging inspirasyon ng iba pang
kilalang manunulat ng epiko.
 Samantala, kilalang manunulat ng
epiko sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan at Statius.
 Sinasabing Dactylic hexameter  Ito’y karaniwang nagsisimula
ang estilo ng pagsulat ng epiko. sa isang panalangin o
Ano ang ibig sabihin nito? inbokasyon sa isang musa at
(tatawag ng mag-aaral) naglalaman ng masusing
paglalarawan, mga pagtutulad
at talumpati.
 Mahusay! Kabilang din dito ang
mahalagang pangyayari sa
kasaysayan tulad ng The Tale of
Troy, The Foundation of Rome,
The Fall of Man, at iba pa. Ang
mga tauhan nito ay maharlika.

 Sa Pilipinas, tinatayang umaabot


ng 28 ang kilalang epiko.
Karamihan sa mga epiko ay
natagpuan sa grupo ng mga tao na
hindi pa nagagalaw ng
makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng
mga katutubo at etnikong grupo sa
Mountain Province at sa
Mindanao, sa grupo ng mga
Muslim. Ang mangilan-ngilan ay
makikita sa mga mamamayang
Kristiyano.

 Lingid dito,mayroong mga iba’t  Sasagot ang mag-aaral kung


ibang kumakatawan sa epiko ng alam na ba nila o hindi ang
pilipinas, Alam nyo ba ang mga iba’t ibang kumakatawan sa
ito? Ano-ano ang mga ito? epiko ng Pilipinas.

 Kung hindi nyo pa alam ay


kumakatawan ito sa mga
paniniwala, kaugalian at
mabubuting aral ng
mamamayan.
 Opo ma’am.Nauunawaan po.
 Nauunawaan ba ang kasaysayan
ng epiko?
 Mabuti naman po kung ganoon.

 Sa puntong ito ay sisimulan na


nating alamin,unawain at suriin
ang Epiko ni Gilgamesh. Atin
itong hihimayin upang
mapatunayan na ang pangunahing
tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan.

MULA SA EPIKO NI GILGAMESH


Salin sa Ingles ni N.K Sandras Saling-
buod sa Filipino ni Cristina S. Chico

 Noong Martes at maging kagabi ay


pinaalalahanan ko kayo na basahin at
intindihin ang epiko ni Gilgamesh na
isinalin sa Ingles ni N.K Sandras at
isinaling-buod sa Filipino ni Cristina  Opo ma’am.Binasa at
S. Chico.Binasa at inintindi niyo po iniintindi po namin ang epiko.
ba ang epiko, mga mag-aaral?
Magaling! Kung gayon ay susuriin
natin itong muli at hihimayin ang
mahahalagang pangyayari sa akda.
Indicator 2, 4, and 6
 Ang mga mag-aaral ay sasagot
 Sisimulan natin ito sa sa mga katangiang taglay ng
tauhan(tatawag ng mag-aaral upang bawat tauhan.
tanungin sa mga katangiang taglay
ng bawat tauhan).
MGA TAUHAN:
 Anu - Diyos ng kalangitan; ang
Diyos Ama
 Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan
ng mga tao
 Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh;
matapang na tao na nilikha mula sa
luwad
 Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
 Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang
bayani ng epiko
 Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at
digmaan; ang reyna ng mundo
 Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-
aalitan
 Shamash - Diyos na may kaugnayan
sa araw at sa mga batas ng tao
 Siduri - Diyosa ng alak at mga
inumin
 Urshanabi -Mamamangkang
naglalakbay araw-araw sa dagat ng
kamatayan patungo sa tahanan ng
Utnapishtim.
 Utnapishtim - Iniligtas ng mga
diyos mula sa malaking baha upang
sirain ang mga tao; binigyan ng mga
diyos ng buhay na walang hanggan.
 Mahusay!  Ang mga mag-aaral ay
magtutulungan sa
 Gagabayan at tutulungan ng guro pamamagitan ng pakikilahok
ang mga mag-aaral sa paghihimay- at pagbibigay ng kanilang mga
himay sa pagkasunod-sunod ng sagot at hinuha sa paghimay
pangyayari sa epiko. Indicator 5 sa epiko.

Mga Mahahalagang Tanong: Indicator


2, 4, 5 and 6

Panuto: Sagutin ang mga katanungan


batay sa epikong binasa. Isulat ang sagot  Ilalahad ng mga mag-aaral
sa kahon. ang kanilang
1. Ilarawan si Gilgamesh, ang
komprehensibong sagot,ideya
pangunahing tauhan sa epiko?
2. Kung ikaw si Enkido, nanaisin at kaisipan batay sa mga
mo bang maging kaibigan ang katanungan.
isang tulad ni Gilgamesh? Bakit?
3. Bakit kaya kahiya-hiya para kay
Enkido ang kanilang kamatayan?
4. Kung ikaw si Gilgamesh at
namatay si Enkido, ano ang
iyong mararamdaman? Bakit?

 Sa bawat sagot ng mga mag- aaral


ay bibigyan ito ng halaga ng guro
at dadagdagan ang mga ideya at
kaisipan ng mga mag- aaral upang
mas mapalawak ang talakayan at
kaalaman.

Napakagaling! Ang lahat ng inyong


mga sagot at ideya ay tama at
dahil diyan bigyan ng isang
masigabong palakpakan ang
inyong mga sarili.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at pagsasanay ng
bagong kasanayan #2
Pagsasanib ng Gramatika
at Retorika: Pananda at Ang mga mag-aaral ay
Pangatnig magbabahagi ng kanilang
Indicator 2, 5 and 6 sariling ideya at kaisipan.
 Para sa inyo,kapag inyong naririnig
ang salitang gramatika, ano ang
unang pumapasok sa inyong
isipan?
 Tama! Ang gramatika ay
tumutukoy sa kawastuhan o
tamang gamit ng mga salita para
maging malinaw ang  Ang mga mag-aaral ay
pagpapahayag. magbahagi ng kanilang ideya
at opinyon.
 Ano naman kaya ang retorika?

 Tama! Ang retorika ay tumutukoy


sa isang masining na salita, parirala
at pangungusap na ginagamit sa
pagpapahayag.
 Marahil ay napansin ninyo ang mga
salitang ginamit bilang pananda sa
mabisang paglalahad ng mga
pahayag tungkol sa kasaysayan ng
epiko. Nakatulong ang mga ito
upang maging malinaw ang Magbabahagi ng kanilang
paglalahad ng bawat impormasyon. sariling ideya at kaisipan
ang mga mag-aaral.
 Para sa inyo,ano nga ba ang
pananda?
 Mahusay! Ang pananda ay
nagpapakilala o nagsisilbing tanda
gamit na pambalarila ng isang salita
sa loob ng pangungusap.
 Nakasalalay sa mabisang paglalahad
ang pagiging malinaw ng mga
pahayag. Sa ating wika, may mga
pananda o mga salitang ginagamit
upang maging mabisa ang Sasagot ang mga mag-aaral
kung alam ba nila o hindi
paglalahad ng mga pahayag o
maging interaksyunal.Alam niyo ba
ang mga halimbawa ng pananda?
 Magaling!

 Tatalakayan ng Guro ang anim na  Aktibong makilahok at


halimbawa ng mga salitang makinig ang mga mag-aaral sa
pananda sa mabisang paglalahad pagtatalakay gayun din ang
ng pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ng
paglalahad ng halimbawa na may mga pananda bilang
kaugnayan sa sinuring epiko at partisipasyon sa klase.
pagkatapos ay hihingi rin ng ideya
o halimbawa ang Guro sa mga
mag-aaral na maykaugnayan rin sa
epiko.

 Narito ang halimbawa ng mga


salitang pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag.
1. Kung nais nating ipakita ang
pagkakasunod – sunod ng mga
pangyayari ayon sa panahon, maaari
nating gamitin ang mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo, nang,
noon, pagkatapos, sumunod,
samantala
Halimbawa: Nagsimula ang epiko sa
pagpapakilala kay Gilgamesh sumunod
ay ang pagtugon ng diyos sa kanilang
dasal na magpadala ito ng isang taong
kasinlakas ni Gilgamesh na si Enkido

(tatawag ng mag-aaral upang magbigay  Magbigay ng halimbawa ang


pa ng iba pang halimbawa) mag-aaral

2. Kung nais ipakita ang sanhi at


bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito, bunga nito, resulta ng, sa
mga pangyayaring ito, kung gayon,
samakatuwid, dulot nito, sa gayon
Halimbawa: Hindi pinahintulutan ng
mga diyos ang kanilang kawalan ng
paggalang dahil dito itinakda nilang
dapat mamatay ang isa sa kanila
(tatawag ng mag-aaral upang magbigay  Magbigay ng halimbawa ang
pa ng iba pang halimbawa) mag-aaral
3. Kung nais ipakita ang
paghahambing o kaibahan o
kontradiksyon, maaaring gamitin
ang mga salitang: sa halip na, sa
kabilang dako, di tulad ng, sa
kabilang banda, higit pa rito ,sa
magkatulad na dahilan
Halimbawa: Si Gilgamesh ay kinikilala
bilang matipuno at makapangyarihan sa
kabilang dako si Enkido naman ay
kinikilala bilang matapang na tao na
nilikha mula sa luwad.

(tatawag ng mag-aaral upang magbigay


pa ng iba pang halimbawa)  Magbigay ng halimbawa ang
mag-aaral
4. Kung ang nais ay ang
pagdaragdag ng impormasyon,
maaaring gamitin ang mga
salitang: kabilang dito, at saka,
bukod dito, karagdagan dito.
Halimbawa: Si Gilgamesh ay hari ng
Uruk.Bukod dito,siya rin ang kinikilalang
bayani ng epiko.

(tatawag ng mag-aaral upang magbigay  Magbigay ng halimbawa ang


pa ng iba pang halimbawa) mag-aaral
5. Kung nais magbigay ng diin,
maaaring gamitin ang
sumusunod: sa madaling salita,
sa totoo lang ,higit sa lahat,
tunay na
Halimbawa: Tunay na ang
pangunahing tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan.
 Magbigay ng halimbawa ang
(tatawag ng mag-aaral upang magbigay
mag-aaral
pa ng iba pang halimbawa)

6. Kung nais magbigay ng mga


halimbawa at paliwanag, ang
sumusunod ay maaaring gamitin:
halimbawa nito, dagdag pa rito,
bilang karagdagan, kabilang dito,
ang sumusunod
Halimbawa: Bilang karagdagan,ang
epiko ay hindi lamang nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan
kundi ito ay gumigising sa damdamin
upang hangaan ang pangunahing
gumanap sa epiko.
(tatawag ng mag-aaral upang magbigay  Magbigay ng halimbawa ang
pa ng iba pang halimbawa) mag-aaral

 Magaling! Base sa inyong mga


ibinigay na halimbawa ay lubos
kung napagtanto na mayroon na
kayong mga ideya at kaalaman
patungkol sa mga pananda.

 Ngayon ay dadako na tayo sa mga


pangatnig.

 Alam niyo ba kung ano ang isang  Magbabahagi ang mga mag-
pangatnig? aaral ng kanilang ideya
patungkol sa pangatnig.
 Tama! Ang pangatnig ay
ang mga kataga o lipon ng mga
salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala, o sugnay
upang mabuo ang diwa o kaisipan
ng isang pahayag.
 Mabisang gamit din sa malinaw na
paglalahad ang mga pangatnig. Sa
katunayan,ito ay may dalawang
pangkat ang mga
pangatnig.Mayroon ba kayong mga  Sasagot ang mga mag-aaral
ideya kung ano ang mga ito? kung mayroon na silang ideya
patungkol sa dalawang
pangkat ng pangatnig.
 Kung hindi pa, ang dalawang
pangkat ng pangatnig ay:
1. Pangatnig na nag – uugnay ng
magkatimbang na salita,
parirala o sugnay na
makatatayong mag – isa, tulad
ng: at, ngunit, ni datapwat, saka,
pero, maging, at iba pa, o, pati at
subalit
Halimbawa: Si Gilgamesh ay matapang
ngunit mayabang siya sa kanyang
kapangyarihan.
(tatawag ng mag-aaral upang magbigay  Magbibigay ang mga mag-
pa ng iba pang halimbawa) aaral ng mga halimbawa.

2. Pangatnig na nag – uugnay sa


mga parirala o sugnay na di
makapag – iisa, tulad ng: kung,
kaya, pag, kapag, dahil sa, kung,
gayon, palibhasa, sapagkat, at iba
pa
Halimbawa: Nakaratay si Enkido dahil
sa matinding karamdaman.  Magbibigay ang mga mag-
(tatawag ng mag-aaral upang magbigay
aaral ng mga halimbawa.
pa ng iba pang halimbawa)

 Tatalakayan ng Guro ang dalawang


pangkat ng pangatnig sa
pamamagitan ng paglalahad ng
mga karagdagang halimbawa
galing sa mga mag-aaral na may
kaugnayan sa sinuring epiko
 Naintindihan niyo ba kung ano ang
 Opo ma’am.Naiintindihan na
mga retorikal na pahayag at kung
po namin.
paano ito gamitin mga mag-aaral?
 Mabuti naman po kung ganon.At
dahil diyan bigyan niyo ng isang
Very Good clap ang inyong mga
sarili.

F. Paglinang sa Kabihasaan  Ngayon naman ay lilinangin at


susukatin natin ang inyong
kaalaman sa pagsasanib ng
gramatika at retorika. Handa na ba
kayo?
 Magaling!Ngayon ay magsimula na
 Opo ma’am.Handa na po.
kayong sumagot.
Panuto: Kumuha ng isang malinis na
papel at isulat ang tamang sagot sa bawat
numero.Punan ng angkop na pananda
ang patlang upang mabuo ang ideya ng
pahayag. Hanapin sa kahon ang napiling
sagot.
at at saka dahil sa
kaya kung gayaon
1.Naging malinis ang Barangay Zone III
___________ pagtutulungan ng mga
mamamayan.
2. Maganda ang aking kaibigan
_________________ matalino pa.
3. Sanhi ng init ng panahon
____________ siya ay nilagnat.
4. Nagkasundo na ang aking mga
kaibigan, ________________
magkasama na silang muli sa pagpasok
sa paaralan.
5. Masipag _____ mabait ang aking mga
kaibigan sa paaralan.

 Pagkatapos sagutan ng mga mag-


aaral ang mga tanong ay ipasa ito sa
messenger at ipapakita ito sa screen
upang itatama ng guro at ilalahad
sa klase kung ilang porsiyento ang
nakakuha ng tamang sagot at ang
mga nagkamali.
 Mahusay! At dahil dyan ay bibigyan
ko kayo ng isang Good Job clap.

 Ngayon ay magkakaroon tayo ng


panibago o karagdagang konsepto o
kasanayan sa pagkatuto.

Sisimulan na ng bawat mag-


Panuto: Pumili ng isang gawain na sa
aaral ang pagsasagawa ng
tingin ninyo kaya ninyong gawin. Bawat
kanilang napiling gawain
mag-aaral ay inaasahang gagawa at ito ay
gagawin sa loob ng sampung minuto.
Pagkatapos ay pipili ng isa o dalawang
mag-aaral upang ibahagi sa klase ang
kanilang ginawa. Ang hindi matawag o
mapili ay ipapasa ito sa messenger para
mabigyan ng puntos. Ito ay
nagkakahalaga ng 30 puntos. Indicator 2,
3, 4, 6 and 8,
A. Magbahagi ng isang kilalang
Meridanon na may mga
kabutihang nagawa para sa bayan
o sa lugar ng Merida.Ibigay ang
pagkakakilanlan at
katangian,gamit ang nakatalaang
paglalarawan o Character Profile

Pangalan:
Pangunahing Katangian:
Kakayahang Pangkaisipan:
Kalagayan sa Buhay:
Layunin o motibo:
Nagawa para sa bayan o sa lugar ng
Merida:

B. Sumulat ng talambuhay ng isang


tao o kilalang bayaning
Meridanon na itinuturing na
bayani o nakagawa ng
kabayanihan sa sariling lugar o
bayan.Ipapakilala ito sa
pamamagitan ng Story Frame

Tauhan Katangian

Karanasan Kalagayan sa
buhay

C. Nakapagkikritik ng talambuhay
ng isang tao. Tukuyin ang
katangiang tinaglay
nito,pinagdaanang
pakikipagtunggali at hakbang sa
ginawa sa paglutas ng suliranin.

Pangalan:
Pakikipagtunggali Paglutas/Hakbang na
1. ginawa
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4
5.
D. Pumili o maghanap ng isang
talambuhay ng isang bayani at
buuin sa tamang
pangkakaayos.Hanapin din ang
mga pangungusap na gumagamit
ng mga pananda at salungguhitan  Sisimulan nang ibahagi sa
ito. loob ng klase ang
Pagkaraan ng sampung minuto ay isinasagawang gawain ng
tatawag ang guro ng ilang mga mag-aaral.
mag-aaral upang magbahagi ng
kanilang ginagawa

 Makikinig ang mga mag-aaral


sa talakayan guro.
G. Paglalapat ng aralin sa  Ang ating tinatalakay ngayong
pang-araw-araw na buhay umaga ay patungkol sa
Epiko.Maging dito sa ating bansa ay
mayroon tayong mga epiko.Ito ang
nagpapaunlad ng ating kultura tulad
ng mga katutubo at etnikong grupo.
Indicator 1, 2, 5, and 6.
 Sasagutin ng mga mag- aaral
ang mga katanungang ibinigay
 Ikaw, paano mo pahahalagahan ang ng guro base sa kanilang
mga epiko ng bansang Pilipinas? sariling kaisipan,ideya at
karanasan sa buhay.
 May naitutulong ba ito sa iyong
pangaraw-araw na buhay?

 Nasasalamin ba sa epiko ang


paniniwala ng mga taga-Ehipto
tungkol sa buhay na walang
hanggan? Patunayan. Ano ang
kaibahan nito sa paniniwala nating
mga Pilipino?

 Sa iyong palagay, bakit kailangang


iparanas ng mayakda ang mga
suliranin sa pangunahing tauhan ng
epiko? Maituturing ba silang mga
bayani ng kanilang lugar at
kapanahunan? Bakit?
 Magbigay at magbahagi ng inyong
mga natutunahang mensahe batay sa
nauunawaan at nasusuring epiko na
maaaring maiuugnay sa mga
pangyayari sa iyong buhay.

 Paano mo ito maiuugnay sa iyong


sarili, pamilya, pamayanan, at
lipunan sa pangaraw-araw na
buhay?

 Gagabayan ng guro ang mga mag-


aaral sa kanilang mga sagot at
magbibigay din ng mga
karagdagang ideya upang mas
mapalawak ang kaisipang
ibinahagi.
 Napakahusay naman.Talagang
aking mahihinuha na mayroon na
kayong sapat na kaalaman sa ating
talakayan ngayong umaga.

 Patungkol sa epiko ma’am.

H. Paglalahat ng aralin  Patungkol saan nga ulit ang ating


pagtatalakay ngayon umaga?
 Ang ating tinalakay kanina ay
patungkol sa kahulugan at
 Ano-ano ang mga tinalakay natin kasaysayan ng epiko, Epiko ni
kanina? Gilgamesh at ang pagsasanib
ng gramatika at
retorika:pananda at pangatnig.

 Ang Epiko ay tulang


pasalaysay na nagsasaad ng
 Ano ang kahulugan ng epiko?
kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan
ay buhay sa lipi ng mga diyos
o diyosa.
 Ang salitang epiko ay mula sa
 Saan ito nagmula ang salitang salitang Griyego na “epos” na
epiko? salawikain o awit ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa
kabayanihan na isinasalaysay.
 Ang pangkalahatang layunin
ng epiko ay gumigising sa
 Ano ang pangkalahatang layunin ng damdamin upang hangaan ang
isang epiko? pangunahing tauhan.Ito ay
naglalayong pumukaw sa
pagkasindak at pagkaawa ng
tao at pagtatagumpay laban sa
mga suliraning nakahaharap.
 MULA SA EPIKO NI
GILGAMESH
 Anong pamagat sa epiko na ating
sinusuri? 
Nagsimula ito sa limang
tulang Sumerian tungkol kay
 Saan nagsimula ang epiko ni “Bilgamesh” (salitang
Gilgamesh at anong klaseng epiko Sumerian para sa
ito? “Gilgamesh”), hari ng Uruk.
At mula sa magkakahiwalay
na Kuwentong ito ay nabuo
ang iisang epiko.
 Ito ay isang epikong patula
mula sa Mesopotamia ay
kinikilala bilang kauna –
unahang dakilang likha ng
panitikan.
 Dactylic hexameter ang estilo
ng pagsulat ng epiko.
 Anong estilo ang ginagamit sa
pagsulat ng epikong Gilgamesh?  Ito ay isinalin sa Ingles ni N.K
Sandras at isinaling-buod sa
 Sino ang nagsalin sa Ingles at saling- Filipino ni Cristina S. Chico
buod sa Filipino sa epikong ating
sinusuri?
 Ang mga tauhan ay sina:
 Sino-sino ang mga tauhan sa epiko?
 Anu
 Ea
 Enkido
 Enlil
 Gilgamesh
 Ishtar
 Ninurta
 Shamash
 Siduri
 Urshanabi
 Utnapishtim
1. Kung nais nating ipakita ang
pagkakasunod
 Ibigay ang anim na pananda sa 2. Kung nais ipakita ang sanhi at
mabisang paglalahad ng bunga
3. Kung nais ipakita ang
pagpapahayag.
paghahambing o kaibahan o
kontradiksyon
4. Kung ang nais ay ang
pagdaragdag ng impormasyon
5. Kung nais magbigay ng diin
6. Kung nais magbigay ng mga
halimbawa at paliwanag
1.Pangatnig na nag – uugnay ng
magkatimbang na salita, parirala o
 Ibigay ang dalawang pangkat ang
sugnay na makatatayong mag – isa
mga pangatnig. 2. Pangatnig na nag – uugnay sa
mga parirala o sugnay na di
makapag – iisa

 Magaling! Bigyan ng isang


masigabong palakpakan ang inyong
mga sarili.

 Sasagutan ng mga mag- aaral


ang pagtataya sa ikaapat na
I. Pagtataya sa pagkatuto aralin sa quizizz.com bago
 Para sa inyong pagtataya ay gagamit
matapos ang araw na ito.
tayo ng quizizz.com. Pagkatapos ng
klase natin ngayong araw ay isesend
ko sa ating groupchat ang link at
code para magkaroon kayo ng
access sa ating pagtataya. Indicator
2, 3, 4 and 6

Panuto: Basahin ang bawat pahayag na


naglalarawan ng katangian ng mga
tauhan sa epikong Gilgamesh. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
lamang ang titik.
A.
Gilgamesh Siduri Ninurta

Biag ni Lam-ang Ea Ishtar

Shamash Enkido Enlil

Anu
1. Diyos ng kaugnayan sa araw at sa mga
batas ng tao
2. Kaibigan ni Gigamesh, matapang na
tao na nilikha mula sa luwad.
3.Diyos ng pag – ibig at digmaan; reyna
ng mundo.
4.Diyos ng hangin at ng mundo.
5. Hari ng Urok at ang bayani ng epiko.
6. Diyosa ng alak at mga inumin.
7. Epiko ng mga Ilokano.
8.Diyos ng digmaan at pag – aalitan.
9.Diyos ng kalangitan at ang Diyos Ama.
10. Diyos ng karungungan at kaibigan ng
mga tao.
B.
Panuto:Punan ng angkop na pananda
ang patlang upang mabuo ang ideya ng
pahayag.
1. Aawit ako ______ sasayaw ka.
2. Bata pa si Noel ______________
siya’y maabilidad na.
3. __________ umalis si Don ay
biglang dumating si Jolle May.
4. Ang kuwento ni Adrian ay
__________________ nangyari
sa kanilang lugar.
5. Naging maingat si Jason sa
kaniyang sinabi ___________
nasaktan pa rin si Angeli.

 Makikinig ang mga mag-


aaral sa mga atubilin ng guro.
V. TAKDANG ARALIN Panuto: Pumili ng isang epiko sa
Pilipinas na kumakatawan sa mga
paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino.
Pagkatapos ay magtala ng mga
mahalagang konsepto o kaisipan sa epiko
na naglalahad at nagpapahayag ng
pananaw tungkol sa pagkakaiba,
pagkakatulad at ng mga epiko sa daigdig
at iuugnay ito sa kasalukuyang
paniniwala at kaugalian sa lungsod ng
Merida.Indicator 2, 3, 4, and 6,

(Maaari kayong gumawa ng malawakang


pananaliksik at pagtatanong hingil sa
tinakdang gawain)
 Sasagot ang mga mag-aaral
kung naiintidihan ba o
 Naintindihan ba mga mag-aaral? mayroon pang ibang mga
Mayroon ba kayong mga katanungan.
katanungan o klaripikasyon?
 Ayos na po,ma’am.Wala na
po.
 Ayos na ba ang lahat? Wala nang
ibang nakalimutang itanong?

 Mabuti kong ganon.


 Dito na po nagtatapos ang ating
talakayan ngayong umaga .Nawa’y
maisabuhay at maisasapuso ninyo
ang ating isinagawang talakayan at
sana ay magamit niyo ito sa
pagpapatuloy sa pangaraw-araw na  Maraming salamat din po
buhay.Maraming salamat at ma’am
magkita-kita nalang tayo sa susunod
na araling ating tatalakayan.
VI. Mga Tala

VII. Pagninilay

CPL
A.Bilang ng mga mag-aaral

B.Bilang ng aytem

C. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni:

SHEILA MAE R.NOYNAY

Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:
GNG. MARILYN C. CANILLO
Gurong Tagapagsanay

You might also like