You are on page 1of 5

Grade 1 to 12 Paaralan KAPT. EDDIE T.

REYES Baitang / 9
DAILY LESSON LOG INTEGRATED SCHOOL Antas
(Pang-araw-araw na Tala Guro MIRZELLE C. YANEZA Asignatura FILIPINO
ng Pagtuturo) Petsa / Oras Ika - 15 ng Marso, 2019 Markahan IKAAPAT
6:00am – 12:00pm

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang
pampanitikan ng Pilipinas.
B. Pamantayang sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o
storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga
katangian (dekonstruksiyon)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa kasing kahulugan at
kasalungat na kahulugan. F9PT-IVg-h-60
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa tao at karapatan nito.
3. Naipapahayag ang sariling pananaw at naramdaman ukol sa pinanood.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin Noli Me Tangere isinulat ni Dr. Jose P. Rizal
Kabanata 47 – Sa Aba ng mga Natalo

B. Sanggunian Alab ng Lahi, NOLI ME TANGERE ni Dr. Jose Rizal

III. KAGAMITANG PANTURO

A. PaksangAralin

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk 238 - 241

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng


Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo https://www.youtube.com/watch?v=h5LESf43e7U
E-Learning (Noli Me Tangere) C&E Publishing Inc.
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Sa pamamagitan ng isang napapanahong konsepto ilalahad ng guro at tatalakayin ng
bagong aralin buong klase ang b uong aralin. Bibigayan ang bawat pangkat ng mga “emoji” upang
pailahad ang nararamdaman ng mga mag-aaral.

Ang facebook account ng klase ay bubuksang ng guro, sa pagbukas nito’y malalantad


ang friend request mula sa ibang seksyon. Mula sa bagong kaibigan, nakatanggap ang
klase ng isang video share. Ito’y ipapanood ng guro sa mga mag-aaral.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=h5LESf43e7U
Mga Katanungan:
1. Saan patungkol ang pinanood?
2. Ibahagi ang naramdaman habang pinapanood ang video share.
3. Ano ang tumimo sa isipan pagkatapos manood?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Makatatanggap ang klase ng isang mensahe mula sa kaibigan sa facebook (FB).

Ang katanungan mula sa mensaheng ipinadala ay sasagutin ng mag-aaral mula sa


bawat pangkat.
Katanungan:
- Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa kabanata 57 – SA ABA NG MGA
NATALO?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Muli naghatid ng mensahe ang kaibigan mula sa FB.

Bibigyan ng mga mag-aaral ng kasingkahulugan


ang mga salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap, pamamagitan
ng pagpili nito sa pisara. Kasunod ang pagbibigay ng kasalungat na kahulugan.

Mga Pangungusap (Talasalitaan)


1. Nakasusulasok ang amoy na lumalabas sa pintuang binuksan.
2. Ilang sandal pa’y narinig na ang pukpok at langitngit ng binubuksang pangaw.
3. Ang balong ito’y lubhang marumi at mabaho sapagkat tapunan ito ng lahat ng dumi
at sukal.
4. Napuno ng mabahong burak ang noo at buhok ni Tarsilio.
5. Paroo’t parito ang mababalasik na guardiyang sibil sa harap ng tribunal.

KASINGKAHULUGAN

MABAHO MALULUPIT BASURA

PUTIK POSAS

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Sa pagbalik ng buong klase sa FB home page, mapapansing may nagpasa ng isang
ng bagong kasanayan notification.
Ilalahad sa mga mag-aaral ang nilalaman ng kabanata 57 – ANG ABA NG MGA
NATALO

Ilalahad ng mga mag-aaral ang naramdaman sa pamamagitan nang pagtaas ng emoji.


Kasunod ang pagbibigay ng maikling opinion tungkol sa pinanood.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng pagkakataon upang magbigay ng COMMENT
ng bagong kasanayan tungkol sa pinanood na kabanata.
Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat – Kilalanin ang mga tauhan batay sa mga pangyayari sa kabanata.
Tauhan Uri ng Pagkatao Patunay
a. Alperes
b. Donya Consolascion
c. Padre Salvi
d. Tarsilo

Ikalawang Pangkat – Kung ikaw ang isa sa sumusunod na mga tauhan, paano mo
haharapin ang mga sitwasyong nagaganap?
a. Dalagang kapatid ni Tarsilio: Ang pagkamatay ng kapatid na si Bruno at patuloy at
sobrang pagpapahirap kay Tarsilo.

b. Tarsilo: Ang pilit na pagpapaamin na kilala ang ibang kasangkot sa pag-aalsa at ang
pagpapahirap para siya’y mapaamin.

c. Padre Salvi: Ang pagsaksi sa pagpapahirap kay Tarsilo.

Ikatlong Pangkat – Paghambingin ang paraan ng pagpaparusa sa mga nagkakasala sa


pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol at sa kasalukuyang panahon ditto sa
ating bansa sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Panahon ng Kasalukuyang
Espanyol Panahon

Ikaapat na Pangkat – Bumuo ng makatarungang batas na may kaugnayan sa


karapatan ng tao at sa kabanatang napanood. Ilahad ang batas at ipaliwanag.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungosa Formative Karagdagang katanungan
Assessment) Anong sakit ng lipunan ang makikita sa kabanatang tinalakay?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Pagkatapos mag-send ng message ang bawat pangkat ukol sa pinood na kabanata.
Magsi-share naman ang mga mag-aaral ng sariling damdamin at pananaw sa MY
DAY.
Paglalagay ng sarili sa katayuan ng tauhan:
- Kung ikaw ang nasa katayuan ng kapatid na babae/lalaki ni Tarsilo, ano ang
gagawin mo?
Pagbabahagi ng pananaw:
- Sumasang-ayon ba kayo sa kasabihang “Igalang mo ang tao upang igalang
ka rin niya”? Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng Aralin Magpo-post ang klase sa FB.


Magtataas ng isang Emoji ang bawat pangkat upang ilahad ang naramdaman tungkol
sa paksang pinag-aralan. Kasunod ang paliwanag.

I. Pagtatayang Aralin Bago mag-Log-out ang klase sa FB, maglalaro muna ang mga mag-aaral ng
“DUGTUNGAN MO”.

Dudugtungan ng mag-aaral ang mga putol na pangungusap sa ibaba.


1. Ayaw dumalo ni Padre Salvi sa pag-uusig at pagpapaamin sa mga tulisan dahil
_______________________________________________________________ .

2. Ang sinabing dahilan ni Tarsilo sa pagsalakay ay ______________________


_______________________________________________________________ .

3. Nakita ni Tarsilo na mga patay ay sina ______________________________.

4. Idinikit ni Donya Consolacion ang tabakong may sindi sa talampakan ni Tarsilo


upana _________________________________________________________ .

5. An Titulo ng kabanata 57 ay ______________________________________ .


V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilangng mag-aaral na nakakuhang 80% sa ______ Bilang ng mag-aral na nakakuha ng 80% pataas sa pagtataya.
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng ______ Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
iba pang gawain para sa remediation pagbibigay lunas.
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng ______ Oo _______ Hindi
mag-aaral na nakaunawa sa aralin. ______ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy ______ Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa pagbibigay lunas.
sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya ng pagtuturo ang ______ Inobatibo ______ Dula-dulaan ______ Interaktibo ______ Debate
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? ______ Pagtutuklas ______ Talakayan ______ Panayam
______ Paglulutas ng Suliranin
Bakit? ______________________________________________________________.
F. Anong suliranin ang aking naranasanna na ______ Pambubulas ____ Pag-uugali _____ Sanayang aklat
solusyunan sa tulongng aking punungguro at ______ Kakulangan ng kagamitang pangteknolohiya
superbisor?
G. Anong kagamitanang aking nadibuho na nais ______ Lokalisasyon/ Kontekstwalisasyon na panoorin/musuka/laro
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? _______ Indegenosasyon
H. Repleksyon

Inihanda ni:

MIRZELLE C. YANEZA
Teacher I

You might also like