You are on page 1of 19

PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Sa Modyul 5 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral na maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi
pati na rin sa buong Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral
tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa
gramatika at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Sa ikalimang modyul ay magsisimula sa:
Modyul 5: Tula ng Pilipinas
Panitikan…………… Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,
Regalo ng Kasalukuyan at Buhay
Kinabukasan
Magkakasingkahulugang Pahayag
Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula F9PN-Ie-41
• Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang
Asyano F9PB-Ie-41
• Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang
pahayag sa ilang taludturan F9PT-Ie-41
• Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng rehiyong Asya F9PU-Ie-43

Subukin Natin
Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo.
Ito ang magbibigay daan para sa dapat mong matutuhan sa ikalimang aralin.

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.
1. Ayon sa kanya, ang tula ay may higit na kapangyarihang maglagos sa
damdamin, kamalayan at kaluluwa ng isang tao sapagkat taglay nito ang
halos lahat ng mga sangkap ng sining.
A. Monleon C. Villafuerte
B. Rufino Alejandro D. Deogracias Rosario
2. Siya naman ang nagsabi na kapag ang tula ay nakapasok na sa mahiwagang
daigdig ng mapangaraping diwa ng tao, ang bawat himaymay nito ay nagiging
kulay, samyo, linamnam, haplos, himig at pintig na nakapagdudulot ng
kaluwalhatian sa kaluluwa.
A. Monleon C. Villafuerte
B. Rufino Alejandro D. Deogracias Rosario

1
3. Sa tradisyunal na pagpapakahulugan, ang_______ ay masining na
pagpapahayag ng damdamin o kaisipan sa pamamagitan ng paghahabi ng
mga salita sa paraang maaaring may sukat at may tugma.
A. panitikan C. tula
B. sanaysay D. dula
4. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya ng tula.
A. tugma C. guniguni
B. sukat D. aliw-iw
5. Ang pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa hulihang pantig ng
bawat taludtod.
A. sukat C. aliw-iw
B. guniguni D. tugma
6. Mga tulang walang sukat at tugma.
A. tradisyonal na kayarian C. fliptop
B. balagtasan D. malayang taluduran
7. Ito naman ang indayog na nagtatakda ng galaw o himig sa tula.
A. aliw-iw C. guniguni
B. sukat D. tugma
8. Ang galaw ng isip o nalilikhang larawan ng tula sa diwa ng mambabasa na
napupukaw sa pamamagitan ng ating alaala o memorya.
A. aliw-iw C. guniguni
B. sukat D. tugma
9. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim
ang maraming kultura. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?
A. pamana C. kultura
B. kinabukasan D. pagninilay
10. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.
A. paniniwala C. pagtahak sa landas
B. pamamasyal D. pamamaalam
11. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay
bubuhayin ng kinabukasan.
A. nakalipas na nagdaan C. iniwan na sandal
B. nakatatak sa isipan D. nakalimutang alaala
12. Binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa.
A. lubos na damdaming nais ipahayag
B. ipinadamang pag-ibig
C. pagbabahagi ng kaalaman
D. panunuyong damdamin
13. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.
A. nasaktang damdamin C. malungkot na pangyayari
B. muling paglalakbay D. panaghoy ng pagkakawalay
14. Ang________ ay tinatawag ding kalinangan. Ito ay may kabuuang kaisipan,
kaugalian, o tradisyon ng isang bayan o bansa. Binubuo ng mga katutubo at
katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas ng isang bansa.
A. panitikan C. kultura
B. wika D. sining
15. Siya ang may-akda ng Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan.
A. Pat V. Villafuerte C. Rufino Alejandro
B. Monleon D. Deogracias Rosario

2
Modyul
TULA NG PILIPINAS
5
A. Panitikan: Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,
Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay
ng Kinabukasan
Tulang naglalarawan-Pilipinas
ni Pat V. Villafuerte
Magkakasingkahulugang Pahayag
B. Uri ng Teksto: Tulang Naglalarawan

Balikan Natin
Sa muling pagbubukas ng modyul na ito, iyong balikan ang mga natalakay sa
ikaapat na modyul. Mula sa mga nakakahon sa ibaba, tutulungan ka nitong maalala
ang mga paksa. Isip-isip!

Sa aking Sa tingin
palagay ko…

DING RAFFY

MAYA OJIE

LEA Akala ko…

Nakuha mo ba agad? Aba! Ikaw na talagang magaling! Tama ka! Ang


mga paksang tinalakay ay nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?”, iyan
ang nasa unang kahon. Kung saan, ipinadama sa atin ang pagmamalaki at
pagtitiwala sa kakayahan ng isang anak. Isang ina at amang sumuporta sa
gustong gawin ng anak. Sa ikalawang kahon naman ay tungkol sa “Opinyon”
kung saan ito ang ginagamit para maipalabas natin ang ating mga saloobin at
pananaw.

3
Tuklasin Natin
Agaw-pansin ba ang mga larawan? Sino ba naman ang hindi maaakit
sa mga larawang iyan. Ang mga ito ay sumasalamin sa ating pagkatao bilang
Pilipino. Mula sa nakikita mong larawan, hahanapin mo sa puzzle ang kabuuang
salita o kultura na ipinapahiwatig nito.

1. ______________ 2. _______________ 3. _____________

4._________________ 5._________________ 6._______________

4
Talakayin Natin
Sa muli mong paghakbang sa modyul na ito, kilalanin mo muna ang
tungkol sa tula. Hindi na ito bago sa iyo dahil mula elementarya ay naging bahagi na
ito ng iyong pag-aaral at maging sa iyong buhay. At sigurado akong nasubukan mo
nang gumawa ng sarili mong tula. Ngayon, iyong pag-aralan ang iba pang kaalaman
tungkol sa tula.

ANG TULA
Sa pahayag ni Monleon, masasabing ang
tula ay may higit na kapangyarihang maglagos sa
damdamin, kamalayan, at kaluluwa ng isang tao
sapagkat taglay nito ang halos lahat ng mga
sangkap ng sining.
Ayon naman kay Villafuerte, kapag ang tula
ay nakapasok na sa mahiwagang daigdig ng
mapangaraping diwa ng tao, ang bawat himaymay
nito ay nagiging kulay, samyo, linamnam, haplos,
himig, at pintig na nakapagdudulot ng
kaluwalhatian sa kaluluwa.
Sa tradisyunal na pagpapakahulugan, ang
tula ay masining na pagpapahayag ng damdamin o kaisipan sa pamamagitan ng
paghahabi ng mga salita sa paraang maaaring may sukat at may tugma.
Ayon kay Rufino Alejandro, ang tula ay isang pagbabagong-hugis sa buhay at
isang paglalarawan ng buhay na hinahanap ng guniguni, na pinararating sa ating
damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw.
Batay sa pahayag na ito, masasabing ang tula ay tagapaglarawan ng buhay.
IBA’T IBANG PAKSA NITO
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa
guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may
angking aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig at
paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o
kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Ang tula ay isang mabisang paraan ng
pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa buhay. Sa
pamamagitan ng tula naipararating ng may katha sa mga bumabasa o nakikinig ang
kanyang nararamdaman at naiisip. Bunga nito, taglay ng mga tula ang iba't ibang
paksa. Narito ang ilan sa mga karaniwang nagiging paksa ng mga tula partikular sa
Asya:
1. TULANG MAKABAYAN- Maraming tulang Asyano partikular sa Timog
Silangang Asya ang nagsasaad ng maalab ng pagmamahal sa bayan.
Marami sa mga bayani o kilalang Asyano ang nakasulat ng mga tulang
nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo. Ang iba naman ay
nagbibigay-diin sa mga natatanging kasaysayan ng isang bansa,
makasaysayang mga pook, magagandang tanawin, at maging ng temang
may kinalaman sa bahay ng mga dakilang tao o pinuno ng bansa. Ilan sa mga

5
tanyag na tulang may paksang makabayan ay ang “Pahimakas’ ni Dr. Jose
Rizal na pinag-aaralan hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong mundo.
2. TULA NG PAG-IBIG- Ang ganitong uri ng tula ay punumpuno ng damdamin.
Ang paksa ng tulang ito ay may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang
magsing-irog, maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang
minamahal. Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng paksa ng tulang
ito.
3. TULANG PANGKALIKASAN- Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao gayundin ang kadakilaan,
kagandahan, at karilagan ng kalikasan na nakaaakit sa mga makata na
sumulat ng mga tulang may ganitong paksa. .
4. TULANG PASTORAL- Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian
ng buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga
magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at maging ang
kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa. Kilala ito lalo na sa mga
bansang agrikultural sa Asya partikular sa Pilipinas, Indonesia, at Vietnam.
Bukod sa mga nabanggit na paksa ay may ilan pang paksang malimit garnitin ng
mga makata sa paggawa ng tula. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• Iba't ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali
• Dignidad sa paggawa
• Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay
• Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang-asal
• Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap

Impormasyon mula sa Belvez, Paz M. at Catacataca, Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. 856 Nicanor Reyes, Sr.,
Sampaloc Manila. Rex Book Store, Inc. at Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc.

Nadagdagan ba ang iyong kaalaman tungkol sa tula? Kung iyong napansin,


ang tula likas na nagbibigay ng kakaibang lalim. Makapangyarihan ang mga salitang
ginagamit dito. Ika nga, malaki ang hugot ng bawat kataga. Dahil diyan mas titibay
pa ang iyong paghanga sa tula. Basahin mo ang tulang “Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ng likha ng isa sa
kilalang makata sa ating bansa na si Pat V. Villafuerte.

KULTURA: ANG PAMANA NG NAKARAAN, REGALO NG KASALUKUYAN


AT BUHAY NG KINABUKASAN
ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating
ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy

6
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating
kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t
kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad,
anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.
BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng
kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan

7
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang
galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

ALAM MO BA…

Ang tulang “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at


Buhay ng Kinabukasan” ay isang halimbawa ng tulang naglalarawan. Hindi
lamang nauuri ang tula ayon sa anyo at kayarian nito. Nauuri rin ang tula ayon
sa layon. May apat na uri ang tula ayon sa layon. Isa na rito ay ang tulang
naglalarawan na nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring pagkamuhi ng
makata o may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari.
Impormasyon mula sa https://www.depednegor.net

Gawain 1: Ihayag Mo
Gamit ang grapikong pantulong, ibigay ang mensahe o nais palutangin
ng tula tungkol sa kultura. Ibatay ito sa tatlong panahong na binanggit sa akda.
KULTURA

NOON

NGAYON

BUKAS

Kultura

PANUTO: Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula.
Iugnay ito sa iba pang mga kultura sa Timog-Silangang Asya.
2. Ano ang nais iparating ng tulang ito sa mamamayang Pilipino?

8
3. Ano ang nais iparating ng mga pahayag mula sa taludturan ayon sa:
A. panahon ng kawalang malay;
B. tangis ng pamamaalam;
C. sinubok ng maraming taon;
D. kultura ay regalo ng kasalukuyan;
E. sinasalamin ang Pasko’t Pistang Bayan?
4. Para sa iyo, dapat pa bang baunin ang kultura noon sa kinabukasan?
Pangatwiranan.
5. Kung may nais kang tanggalin sa kulturang Pilipino, ano ito at bakit?

GAWAIN 2: Gawin Natin


PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang tula?
2. Bakit naiiba ang tula sa ibang uri ng akdang pampanitikan?
3. Paano naiiba ang panulaan sa akdang tuluyan?
4. Ibigay ang pagkakaiba ng karaniwang paksa ng tula sa Asya mula sa
iyong pagkakaunawa rito..

• Tulang Makabayan
• Tulang Pag-ibig
• Tulang Pangkalikasan
• Tulang Pastoral
5. Sinasabing ang tula ay ay mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga
kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa buhay. Mayroon bang
pangyayari sa iyong buhay na nakatulong ang tula? Sa paanong paraan?

GAWAIN 3: Iugnay Natin ‘Yan


Ang tulang binasa mo ay nakapupukaw ng damdamin. Ang bawat salita
ng may-akda ay malakas ang tama sa ating puso. Sa kabilang dako, isulat ang iba
pang damdamin ng may-akda na makikita sa tula. Ibahagi mo rin ang naramdaman
mo habang binabasa mo ito. Gamitin ang diagram sa pagsasagot.

9
Pagyamanin Natin

GAWAIN 4: Ilahad Mo Na
Itala sa iyong sagutang papel ang mga tulang Asyano na iyong nabasa na o
babasahin pa lamang. Gumawa ng paglalahad ng iyong sariling pananaw sa bawat
tula na hindi bababa sa limang tula ang iyong ilalahad. Gawin ang paglalahad sa
talahanayan sa ibaba.

PAMAGAT NG MGA TULANG AKING PANANAW TUNGKOL SA TULA


NABASA
1.
2.
3.
4.
5.

Magkakasingkahulugang Pahayag
Magkasingkahulugan ang dalawang salita kung
ang mga ito ay magkapareho ng kahulugan. Bagaman mgkaiba
man ito ng bigkas o salita ay magkatulad pa rin ang nais
ipakahulugan. Tinatawag namang talinghaga ang mga salita o
pahayag kung nakatago ang tunay nitong kahulugan. Dahil dito,
hindi nailalantad agad-agad ang diwang taglay ng isang salita o
pahayag. Pag-aralan mo ang mga halimbawa sa talahanayan bilang pagtalakay sa
mga ito.

Kasingkahulugan Talinghaga

mabait-mabuti di-maliparang uwak-malawak


tahimik-payapa may bulsa sa balat-kuripot
tama-tumpak kabunggguang balikat-kaibigan

Ang paggamit ng matatalinghagang salita sa isang akdang pampanitikan ay


hindi mawawala. Sa tulong nito naitatago ang tunay na kahulugan ng isang salita o
pahayag. Karaniwang makikita ito sa tula. Nakasalungguhit ang ilang
matatalinghagang salita sa pahayag. Tingnan ang sumusunod:

10
Talinghaga Kahulugan
Magkabiyak ang puso nina Don mag-asawa
Juan at Namongan.
Halos liparin niyang nilisan ang mabilis
kanilang nayon.
Siya ay pinugutan ng ulo ng mga namatay
Igorot at binawian ng buhay.
Sa tahanan nina Ines ay hindi maraming
mahulugang-karayom. tao
Si Ines at Lam-ang ay nag-isang
dibdib. nagpakasal
Copyright©2018 Quipper Limited

GAWAIN 5: Tukuyin Mo!


Pag-aralan mo ang tulang “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”. Hanapin sa bawat taludtod ang mga
salitang magkakasingkahulugan at ipaliwanag ito. (Maaari mo pang dagdagan ang
bilang)
1.Taludtod:

Paliwanag:

2. Taludtod:

Paliwanag:

3. Taludtod:

Paliwanag:

GAWAIN 6: Isulat Na ‘Yan


Balikan muli ang tulang “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan”. Isulat ang mga taludtod na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
11
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________
Tandaan Natin
Malapit mo nang mapagtagumpayan ang modyul na ito. Kaya simulan
ng dugtungan ang mga pahayag na nasa ibaba upang matukoy ang iyong
natutuhan.

Ang ____________ ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng


buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw. Ang karaniwang nagiging paksa ng tula sa
Asya ay tungkol sa________________, ________________, ______________, at
______________.

_______________ ang dalawang salita kung ang mga ito ay


magkaparehas ng kahulugan. Bagaman mgkaiba man sila ng bigkas o salita ay
magkatulad pa rin sila ng nais ipakahulugan. Tinatawag namang ____________
ang mga salita o pahayag kung nakatago ang tunay nitong kahulugan.

Isabuhay natin

Bilang awput para sa modyul na ito ay basahin ang sitwasyon na


nakalahad at isakatuparan ang hinihiging gawain. Sigurado akong kakayanin mo ang
pagsubok na ito kaya simulan na natin.

SITWASYON: Ikaw, bilang isang kabataan ng kasalukuyang henerasyon, ang


magiging susunod na lider o di kaya’y propesyunal o manggagawa
ng ating lipunan. Malaki ang magagawa mo upang ang ating
ekonomiya at kabuhayan ay patuloy na sumulong. Ngayon pa lang,
habang bata ka pa ay dapat mong makita ang iyong sarili sa isang
katayuang nagtataglay ng mga katangiang minimithi ng makata sa
bawat kabataang Pilipino. Upang mapagtibay ito ay gumawa ka sa
isang tipan o pangako sa iyong sarili.

Gawin ang pagsasanay sa ibaba sa pamamagitan ng pagbuo ng covenant o


pangako mo para sa iyong sarili.

Ako, si_____________________________. Sa abot ng aking makakaya ay


magsisikap akong maging marangal, responsable, at may banal na takot sa Diyos at
nangangakong magiging isang mabuting…

1. anak, magagawa ko ito sa pamamagitan ng


______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

12
2. mag-aaral, magagawa koi to sa pamamagitan ng
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3. kabataan, magagawa ko ito sa pamamagitan ng


______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

4. bahagi ng lipunan, magagawa ko ito sa pamamagitan ng


______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Tayahin Natin

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ang ________ ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,


hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw.
A. panitikan C. tula
B. dula D. sanaysay
2. Marami sa mga bayani o kilalang Asyano ang nakasulat ng mga tulang
nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo. Anong uri ng tula ito?
A. makabayan C. pastoral
B. kalikasan D. pag-ibig
3. Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paligid, sa buhay ng
tao gayundin ang kadakilaan at kagandahan nito.
A. pag-ibig C. pastoral
B. kalikasan D. makabayan
4. Ang ganitong uri ng tula ay punumpuno ng damdamin.
A. makabayan C. pastoral
B. kalikasan D. pag-ibig
5. Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran,
gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang matiyagang
nagbubungkal ng mga lupa, at maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa
ekonomiya ng bansa.
A. makabayan C. pastoral
B. kalikasan D. pag-ibig

13
6. __________ang dalawang salita kung ang mga ito ay magkaparehas ng
kahulugan.
A. magkasalungat C. talinghaga
B. magkasingkahulugan D. pahambing
7. Ang “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng
Kinabukasan” ay isang halimbawa ng tulang ayon sa layon na?
A. tulang nagpapahiwatig C. tulang nagsasalaysay
B. tulang naglalarawan D. tulang nagpapaliwanag
8. Batay sa tula, anong panahon ang binanggit ang linyang ito “kulturang
gagalang sa bata’t matanda”?
A. bukas C. ngayon
B. noon D. baling-araw
9. “Ang kulturang pinagyayabong nang may halong sigla at tuwa”, anong
panahon an binanggit ang linyang ito batay sa tula?
A. bukas C. ngayon
B. noon D. balang-araw
10. “Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan”. Anong panahon an
binanggit ang linyang ito batay sa tula?
A. bukas C. ngayon
B. noon D. balang-araw
11. Magdilang-anghel ka sana anak para maging maganda ang ating buhay.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. magkatotoo sana C. makalipad sana
B. bumalik sana D. makaraos sana
12. Si Bil kagabi ay parang bahag ang buntot.
A. masaya C. takot
B. maligalig D. tatakbo
13. Sa palengke noong isang araw ay di-mahulugang karayom.
A. Kaunti ang tao C. maingay
B. maraming tao D. magulo
14. Sa lugar na ito ay mapayapa.
A. malawak C. nakakapanibago
B. masalimuot D. tahimik
15. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng ahas.
A. mapagkunwari C. mapagkakatiwalaan
B. kataksilan D. mainggitin

Gawin Natin

Bilang pangwakas na gawain sa ikaanim na modyul ay dugtungan lang ang


mga pahayag na iyong makikita sa ibaba. Binabati kita dahil naisakatuparan mo ang
pagsubok na ito at ikaw ay natuto ng panibagong kaalaman. Baunin ang mga
natutuhang ito sa iyong buhay.

14
Natutuhan mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng ating kultura at
kasaysayan ng ating mga tradisyon na unti-unti nang namamatay. Bilang
karagdagang gawain, gumawa ng isang tula na may paksa sa kung paaano
mapananatiling buhay ang mga ito at kahalagahan ng ating kultura at tradisyon na
magsisilbing paalala sa susunod na henerasyon na pahalagaan at patuloy na
pairalin ang mga tradisyon at kulturang mayroon tayo. Kinakailangan na ang
saknong ay hindi bababa sa apat na saknong na may apat na taludtod at nasa
malayang taludturan. Isulat ito sa isang puting papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:

• Pagkamalikhain – 5 na puntos
• Gramatika – 5 na puntos
• Mensahe / Ideya – 5 na puntos
• KABUUAN – 15 na puntos

Repleksiyon ng Natutuhan

PAGHAHANDAAN KO, KINABUKASAN KO!


Panuto: Isulat ang sarili mong “Pagkatutong Repleksyon” batay sa Kultura: Ang
Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan
at Magkakasingkahulugang Pahayag. Gawin mo ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong na nasa loob ng kahon. Ang iyong malalim at
malikhaing pamamaraan sa pagpapahayag ay ang magsisilbing susi mo
sa matagumpay na pagkatuto. Magaling Ka, Kaya Mo ‘Yan!

Ang Kultura: Ang Pamana


ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Natutuhan kong ...
Kinabukasan at Masasabi kong ...
Magkakasingkahulugang
Pahayag ay tumatak sa akin
bilang...

Ang mga gawi at Ang mabisang


Maibabahagi ko sa
pag-uugali na kongklusyon na
aking pamilya at
nahubog sa akin mananatili sa akin
kaibigan na...
ay... ay...

15
Sanggunian:
Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. & Dayag,
Alma M. 2015. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Belvez, Paz M. & Catacataca, Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. Manila: Rex Book
Store, Inc.

Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc &
Nestor S. Pinagyamang Pluma III. 2004. Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

https://www.depednegor.net.May 25-26, 2020

Copyright©2018 Quipper Limited.May 26, 2020

Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.Aurora C.,
Tabora, Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Shiela C., Carpio, Lucelma O.,
Rivera, Julieta U. & Ambat, Vilma C. 2014. Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-
aaral sa Filipino. Pasig City: Vibal Group, Inc.

16
Development Team of the Module

Writer:
GINEIL O. CORNELIO
Editors:
Content Evaluator:
CLARISSA R. SENOSA
MIRIAM C. MABASA
Language Editor:
ROSYL V. ANOOS
MARITA T. LACANLALE
Reviewer: DR. JENNIFER RAMA
Illustrators:
JHOANA R. OLANA
NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist: CAMILLE JEWEL C. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

17

You might also like