You are on page 1of 3

REVIEWER SA FILIPINO ( 3rd Grading)

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Gamitin ang salita sa sariling pangungusap

1. Nahimok
2. Magpanggap
3. Naghihingalo
4. Ubasan
5. Trabahador

6..Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole Ito ay makatotohanang


pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang
parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin
nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao

7,. Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na


nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alala ng isang mahal sa buhay.

8. May katangian ang elehiya. Ito'y tula ng pananangis, pag-alaala at pagpaparangal sa mahal
sa buhay na ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di-masintahin.

9. Tono- ang saloobin/ damdamin ng may-akda sa paksa.

10. Paksa- pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa tanong
na "tungkol saan ang akda?"

11. Kaisipan- ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito umiinog ang maliliit na
himaymay ng may akda.

12. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na


nahahati sa mga kabanata

13. Ang Epiko ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng


isang tao

14. Si Ravana ay isang nilalang na sakim gagawin ang lahat mapangasawa lamang
niya ang isang babaeng nais niyang makasama habambuhay

15. “Huwag mong iiwan si Sita kahit anong mangyari” ang pahayag na ito ay sambit ni
RAMA.

16. Ayodha Ang kahariang pinanggalingan nina Sita, Rama at Lakshamnan.


17. Ang Taj Mahal ay ipinatayo ni Shah Johan na sumisimbilo ng pagmamahal
noong namatay ang kanyang kabiyak na si Mumtaz Mahal

18. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay lebel o antas na
katangian ng isang bagay o anuman.
- Ginagamitan ng Panlaping:

KA,MAGKA,GA,SING,
KASING,MAGSING,
MAGKASING
at mga salitang
PARIS,TULAD,HAWIG\KAHAWIG,MISTULA,MUKHA\
KAMUKHA.

19. Paghahambing na Di-magkatulad


-Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakairt,pagtanggi, o pagsalungat
- ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas o lebel ng isang bagay o
anuman.

May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:

20. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na


inihahambing.

Halimbawa:

"Di-gaano kahusay ang mga baguhang artist kaysa sa mga matagal nang nasa industriya ng
multimedia."

Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang nakatangian.
Di-gasino - tulad ng .ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.
Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.
Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawassa karaniwang uri. Nagagamit itong
pamalit sa di-gasino at di-gaano.

21. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:

Halimbawa:

"Lalong nagalit ang mga pintor kaysa sa mga digital artist na gagamitin ang mga makabagong
application sa computer para sa paligsahan."

Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulankung ang


sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli,
katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

Higit/mas-kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa


paghahambing.Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o masHalimbawa: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri

22. Ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa lebel o antas ng emosyon na


nararamdaman.

Halimbawa

1. inis 2. Asar 3. Galit 4. poot

1. paghanga 2. Pagsinta 3. Pagliyag 4. Pagmamahall

1. madamot 2. sakim 3. gahaman 4. ganid

23. Mga Hakbang sa Paggawa ng TV / Movie Trailer

1. Pagbuo ng konsepto.

2. Pagpili ng mga artistang gaganap.

3. Ayusin ang magiging lokasyon para maging kapani-paniwala ang tagpuan.

4. Likumin ang lahat ng mga kagamitan at subukin kung ito’y nasa tamang kondisyon.

5. Kunan ang mga senaryo

23. Ang mga karaniwang uri ng anggulo at pagkuha gamit ang kamera,

1 Long Shot - malayo ang pagkuha upang maipakita sa mga manunuod ang kabuuan ng
senaryo at lugar

2 Medium Shot - kuhang mula tuhod o baywang pataas upang magbigay pokus sa maaksyong
detalye o dayalogo

3 Close-up Shot - kuhang may pokus sa iisang bagay at hindi sa paligid

4 Extreme-Close up Shot - halimbawa ay ang pagpokus sa mata lamang

5 High Angle Shot - mula sa itaas ang anggulo

6 Low Angle Shot - mababa ang posisyon ng kamera

7 Birds Eye view Shot - madalas ay ginagamitan ng aerial shot

You might also like