You are on page 1of 7

WEEK Filipino 9

7
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Rama at Sita (Epiko ng India)

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa


Kanlurang Asya (F9PT-IIIg-h-54)
2. nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring napakinggan
(F9PN-IIIg-h-54); at
3. nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko (F9PB-IIIg-h-
54).

Tuklasin
Panuto: Kilalanin kung ano o sino ang mga nasa larawan. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

Ang dalawang palad ay


pinagdaraop at iniyuyuko ang mukha.
Ito ang paraan ng pagbati at
paggalang ng mga Hindu.

1
Ito ay ipinagawa ni Emperador
Shah Jahan para sa kaniyang
namayapang asawang si Mumtaz
Mahal bilang simbolo ng kaniyang
wagas na pagmamahal sa asawa.
Nagtagal ng 23 taon ang paggawa nito.
Dito siya nakalibing.

Isang madreng Katolikong


nakilala bilang isang “buhay na santo”
noong nabubuhay pa siya.

Pinaniniwalaan ng bansang
India ang kagandahan, katotohanan, at
_______________.

Suriin

Basahin mo ang epikong “Rama at Sita”. Tuklasin ang mga kulturang Asyanong
masasalamin sa epikong ito at hulaan ang mga maaaring mangyari sa mga mababasa/maririnig
na pangyayari

Ang akdang ito ay maririnig din sa link na ito:


https://youtu.be/RhIP1hWwxuw

Rama at Sita (Isang kabanata)


Epiko – Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O.
Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita, atLakshamanan nang


ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae
ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang
ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na
hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging
asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May
asawa na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya.
Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni
Surpanaka. Nagselos nang husto si

2
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag
niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang
asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang
pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang


espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni
Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para
makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa
gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae.
Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kaniyang ilong at tenga.
“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.”
Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit
anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang
makakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi
masasaktan si Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para
maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa.
Tinawag niya agad sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng
mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil
mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kaniyang pana at busog. “Huwag mong
iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang
sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni
Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito.
Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw.
Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis ni Lakshamanan kaya nagalit si Sita.
“Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,” sabi nito kay
Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya
ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay
naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap
naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na
roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng
limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at
nabitiwan ang hawak na banga! Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si
Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila
ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala
siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan.
Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita
iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol
ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong
bumagsak sa lupa.

3
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng
magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng
mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at
demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni
Ravana. Pero hindi niya napasuko si
Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante
ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang
naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari
ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay na ang
kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Anong kabayanihan ang ginawa ng pangunahing tauhan? Ibigay ang ilang pangyayari sa
epiko bilang iyong patunay.
2. Makatotohanan ba ang kaniyang ginawa upang patunayan ang kaniyang pagmamahal kay
Sita? Pangatwiranan.
3. Ano-ano ang mga ‘di makatotohanang pangyayari sa epikong binasa?
4. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
5. Paano naiiba ang epiko sa alamat?

Salamat, sa iyong matiyagang pagbabasa/pakikinig. Inaasahan kong marami kang


natututuhan.

Upang higit na maging malawak ang iyong kaalaman sa aralin, narito ang mga dapat mo
pang malaman tungkol sa epiko.

Tutukan at Pag-aralan!

• Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan

ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang

nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o


diyosa.

• Ang paksa ng mga epiko ay tungkol sa mga kabayanihan ng

pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

4
• Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa

pasalaysay na kabayanihan.

• Mga Epiko sa Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ibaloy, Ullalim,


Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan.

• Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng Gresya, Siegried ng Alemanya,


Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana at
Hiawatha ng India, Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya,
Beowulf ng Inglatera, El Cid ng Espanya, Epiko ni Haring

Gesar (Tibet)

Ngayon ay alam mo na kung ano ang epiko at ang iba pang halimbawa nito. Halika!
Gawin mo ang inihanda kong mga gawain para sa iyo. Alam kong kayang-kaya mo ito!

Pagyamanin
Gawain 1: #KatangiangTaglayIbigay
Panuto: Ibigay ang katangian ni Rama mula sa epikong Rama at Sita. Kopyahin ang pormat sa
hiwalay na papel at isulat ang sagot sa loob nito.

Pisikal Pag - iisip

Ispirituwal RAMA Pagsasalita

Gawain 2: #Hula…hulang may tama!


Panuto: Hulaan ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na pangyayaring napakinggan sa
akda. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Pangyayaring nabasa o narinig Maaaring Maganap

1. Gustong-gusto ni Surpanaka si Ravana.

2. Iniwan ni Rama si Sita para habulin ang usa.

3. Umalis si Lakshamanan papunta sa gubat para


sundin ang kagustuhan ni Sita.

5
4. Inihulog ni Sita ang mga bulaklak sa kaniyang
buhok.

5. Sinundan ng agila ang karuwaheng lulan sina


Sita at Ravana.

Gawain 3: #KilalanAsya at KilalanINDIA


Panuto: Isa-isahing ilarawan ang mga kulturang Asyanong masasalamin sa epikong Rama at
Sita mula sa bansang India. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat
ang sagot sa loob nito.

______________________________________________

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________

Isagawa
Panuto: Magsaliksik ng isang maituturing na bayani sa Kanlurang Asya. Bigyan siya
ng katangian batay sa mga hinihingi sa loob ng kahon. Ilarawan din ang kulturang taglay niya
bilang Asyano. Gayahin ang pormat sa ibaba at sagutin sa hiwalay na papel.

6
Pangalan n g bayani: ________________________________________

A. Pisikal na katangian
________________________________________________________
B. Intelektuwal na kakayahan
________________________________________________________
C. Karangalang ibinigay sa bansa
________________________________________________________
D. Kabayanihang ginawa
________________________________________________________
E. Kulturang taglay bilang Asyano
________________________________________________________

You might also like