You are on page 1of 46

Panuto:

1.Balikan ang mga kaisipan at konseptong


naitanim sa iyo na tungkol sa kahulugan ng
Kalayaan gamit ang gabay na pormat ng
word web.
2.Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Gamit ang tsart sa ibaba punan ang kolum ng kinakailangang
datus.

Tamang pananaw Maling pananaw tungkol


tungkol sa kalayaan sa Kalayaan.

1. 1.
2. 2.
3. 3.
ANG
MAPANAGUTANG
PAGGAMIT NG
KALAYAAN
Mga Layunin:
1.Nakapagbibigay ng kahulugan ng
Kalayaan
2.Nakikilala ang kahulugan ng
Kalayaan.
3.Naipapaliwanag ang tunay na
kahulugan ng Kalayaan.
Ang nangyayari sa
buhay ng tao ay
hindi magic. Dulot
ito ng pagpapasya na
ginagawa ng tao sa
kanyang buhay at sa
kanyang pagsisikap
na makamit ito.
Kalayaan
Ang tunay na
May mga Kalayaan ay
kabataang masusumpungan sa
nagaakala na ang pagsunod sa likas
Kalayaan ay na batas moral.
kapangyarihan na
gawin ang
anumang naisin.
 Ang tao ay may taglay na kalayaan mula
pa sa kanyang kapanganakan.

Ayon kay Santo Tomas De


Aquino, “ Ang Kalayaan ay
katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kanyang
kilos tungo sa maari niyang
hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito.”
“Galit ako sa kaibigan
ko nagsinungaling sya
sa akin, kaya nasira
ang araw ko dahil sa
kanya!”

“Napakaboring naman sa
klase! Wala akong
natutuhan sa leksyon
dahil sa aming guro”
Ang remote control ng
kanyang buhay ay hawak
ng sarili niyang kamay,
siya ang pumipili ng
estasyon ng gawain,
sapagkat ang
kapangyarihan ng kilos-
loob ay hindi maaaring
ibigay sa iba.
Dahil sa pagiging Malaya may kakayahan
ang taong piliin kung paano sya kikilos.
Bagamat may Kalayaan ang
tao na piliin at gawin ang
isang kilos, hindi sakop ng
kalayaang ito ang piliin ang
kahihinatnat ng kilos na pinili
niyang gawin. Palaging may
pananagutan ang tao sa
kahihinatnat ng kanyang
piniling kilos.
Dalawang pakahulugan ng kalayaan

1. Ang malayang kilos ay ang kilos na


mananagot ang tao.

2. Ang tao ay responsible sa kanyang kilos subalit hindi ito


nangangahulugang ang kilos ay mapanagutang kilos o ang
tao ay responsableng tao.
Dalawang paliwanag tungkol sa Kalayaan mula sa
aklat

Ang malayag kilos ay ang kilos na


mananagot ang tao.

Ang tao ay karaniwang nananagot o tinatawag


nating “accountable” sa isang bagay na hindi niya
mabigyan ng mapangatwirang dahilan o “
justifiable reason”
Ayon kay Johann
Ang tunay na Kalayaan ay ang makita ang kapwa at mailagay siya
bago ang sarili.
Hindi tunay na Malaya ang tao kapag hindi niya makita
ang lampas sa kanyang sarili; kapag wala siyang pakialam
sa mga nakapalibot sa kanya; kapag wala siyang
kakayahan na magmalasakit nang tunay at kapag siya ay
nakakulong sa pansarili lamang niyang interest.
Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004)

Ang tunay na Kalayaan ng tao ay hindi


hiwalay sa sambayanan kundi kabahagi
nito ang kapwa sa isang sambayanan.

Kailangang maging Malaya ang tao mula sa mga pansariling


hadlang upang maging Malaya siya para sa pagtugon sa
pangangailangan ng kanyang kapwa; ang magmahal at
maglingkod.
Ayon kay Max Scheler, “
Ang Kalayaan ay kilos
kung saan dumaraan ang
isang tao mula sa
pagtataglay nito patungo sa
pagiging isang uri ng taong
ninais niyang makamit.
Dalawang (2) Aspekto ng kalayaan
1. Kalayaan mula sa 2. Kalayaan para sa
(Freedom from) (Freedom for)
- Karaniwang
binibigyan ng - Ang tunay na
katuturan ang Kalayaan Kalayaan ay makita
bilang kawalan ng ang kapwa bago ang
hadlang sa labas ng tao sarili.
sa paggamit ng
kanyang ninanais.
Dalawang (2) uri ng kalayaan
1. Malayang pagpili o 2. Vertical level o
Horizontal freedom fundamental option
- Nakabatay naman sa uri ng estilo ng
- Tumutukoy sa
pagpili ng kung ano pamumuhay na pinili ng isang tao.
- May dalawang fundamental option na
ang sa palagay ng tao
na makabubuti sa bukas sa tao.
kanya. Pinipili natin a. Pataas tungo sa mas mataas na halaga
ang isang bagay dahil o pagmamahal
nakikita natin ang b. Pababa – tungo sa mas mababang
halaga nito sa atin. halaga o ang fundamental option ng
Tukuyin kung nagpapakita
ng Kalayaan o kawalan ng
kalayaan
TANDAAN:
Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahan
ng taong pumili at gumawa ng desisyon
kung saan tumutugon sa kabutihan di
lamang ng sarili ngunit maging ng kapwa.
Ito ay pagpiling gawin ang Mabuti sa kahit
anumang sitwasyong kinasusuungan.
Ang tunay na Kalayaan ay ang kakayahan
na tumugon sa tawag ng pagmamahal at
paglilingkod. Hindi tunay na Malaya ang tao
kapag hindi niya makita ang lampas sa
kanyang sarili kapag wala siyang pakialam
sa nakapalibot sa kanya; kapag wala siyang
kakayahang magmalasakit nang tunay at
kapag siya ay nakakulong sa pansarili
lamang niyang interest.
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot upang mabuo ang mga pahayag.
Pananagutan, Fundamental option
Freedom from, freedom for
Kalayaan egoism
Horizontal freedom

1. Ang ______ ng pagmamahal ay isang panloob na Kalayaan.


2. Ang _____ ay tumutukoy sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa
kanya.
3. Ang _______ ay karaniwang gumugising sa puso ng bawat tao.
4. Kakabit ng _____ ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong
tawag ng pangangailangan.
5. Ang dalawang aspekto ng Kalayaan ay ang ______ at _______.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin kung alin ang tama. Kung ang pahayag ay
mali, salungguhitang ang bahaging nagpamali at isulat sa tapat nito ang nararapat na kasagutan.

________1. Dahil ako ay may kakayahan, maaari akong umuwi sa aming bahay kahit
anong oras ko gusto. 

________2. Sa aking mga libreng oras, maaari ko itong gamitin kasama ang aking mga
kaibigan kung may permiso ng aking mga magulang.

________3. Ginagawa ko parin ang pumasok at sinisikap na makinig sa guro upang


matuto kahit na hindi ko gusto ang kanyang pamamaraan.

________4. Kapag wala ang aking mga magulang sa aming tahanan, ipinagagawa ko ang
lahat ng ayaw kong gawin sa nakababata kong kapatid.

________5. Dahil galit ako sa aking kaibigan na nagkasala sa akin, hinding-hindi ako
gagawa ng anumang hakbang upang kami ay magkabati.
Panuto: Buuin ang konsepto kaugnay sa aralin.

Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahan


ng taong 1._______ at gumawa ng desisyon
kung saan tumutugon sa 2.______ di
lamang ng 3.________ ngunit maging ng
4._________. Ito ay pagpiling gawin ang
5.____________ sa kahit anumang
sitwasyong kinasusuungan.
Panuto: Buuin ang konsepto kaugnay sa aralin.

Ang tunay na Kalayaan ay ang kakayahan na


1__________ sa tawag ng pagmamahal at
2._____________. Hindi tunay na Malaya ang tao
kapag hindi niya makita ang lampas sa kanyang
sarili kapag wala siyang 3.__________ sa nakapalibot
sa kanya; kapag wala siyang kakayahang 4.
__________ nang tunay at kapag siya ay nakakulong
sa 5.___________ lamang niyang interest.
Panuto:
1.Magkakaroong ng limang (5) pangkat.
2.Bumuo ng isang sitwasyon na nagpapakita
ng kilos o pasya na tumutugon sa tunay na
kahulugan ng Kalayaan.
3.Bubuuin ito sa loob ng limang (5) minute.
4.Bibigyan ng tatlong (3) minute ang bawat
pangkat sa kanilang presentaston.

You might also like