You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Cavite
Pambansang Mataas na Paaralan ng Cavite
Kagawaran ng Filipino
Lungsod ng Cavite

UNANG LINGGO:
Pagsusuri ng mga Pangyayari Tungo
sa Paghatol at Pagmamatuwid
(ARALIN 1)

PAGSUSURI NG MGA PANGYAYARI

Ang pagsusuri ng mga pangyayari ay isa sa mahahalagang hakbang sa pagiging matalino at


mapanuring tao. Ang pagiging mapanuri ay isang mahalagang katangiang dapat nating taglayin upang
tayo ay makapagbigay ng tamang impormasyon at detalye tungkol sa isang paksa, isyu o aralin.

PAGHATOL AT PAGMAMATUWID

Ang paghatol at pagmamatuwid ay isang paraan upang maipamalas natin ang ating mga
nalalaman tungkol sa isang isyu, paksa o usapin. Mas nagiging makabuluhan at tama ang pagpapasya,
paghatol o pagmamatuwid sa tuwing tayo ay nakakapagsuri ng tama sa mga pangyayari sa ating paligid.
Kinakailangan ng kaliwanagan ng isipan at tamang pagtitimbang sa bawat panig o anggulo ng paksa o
isyu upang maging patas sa ating paghatol sa mga paksang pinag-uusapan.

Mahalagang ang bawat aspeto at panig ng isyu ay masuri upang maging angkop ang magiging
resulta ng pagsusuri at paghatol. Mahalaga ring maunawaan na sa bawat paghatol ay kailangang
magkaroon ng pagtutuwid na angkop sa mga umiiral na batas at paniniwalang kultural at pangrelihiyon.

You might also like