You are on page 1of 20

9

FILIPINO
UNANG MARKAHAN – MODYUL 3
NOBELA

1
Filipino- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Nobela

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ria Fe G. Guipo
Editor: Fe M. Gultiano
Tagasuri at Tagalapat: Dr. Liezl R. Borlasa
Tagaguhit : Ramesh A. Rosillo , Jim Ryan Dela Cruz
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wilfreda D. Bongalos, CESO V
Assitant Schools Division Superentendent : Dr. Marcelita S. Dignos, CESO VI
Curriculum Implementation Division Chief : Dr. Oliver M. Tuburan
EPS-FILIPINO : Dr. Herminia N. Leyson
EPSVR-LRMDS : Teresita Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng, Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu


Departmento ng Edukasyon – Rehiyon VII, Central Visayas
Division ng Lungsod ng Lapu-Lapu
Office Address: B.M. Dimataga Street, Poblacion, Lapu-Lapu City
Tele. No : (032 ) 410-4525
E-mail Address : oliver.tuburan@deped.gov.

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino Baitang-9) ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Nobela.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro


O kumusta naman? Sa tingin mo ba’y tama ang iyong mga sagot? Ihambing ang iyong
mga sagot sa mga nasa Susi sa Pagwawasto sa pahina___ upang malaman mo.
Magaling kung tama ang lahat ng iyong sagot! Ibig sabihin nito ay marami ka nang
alam tungkol sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul upang balik-
aralan ang mga alam mo na. Malay mo, baka may matutunan ka pang mga bagong
bagay. Kung mababa ang iyong nakuha, huwag sanang sumama ang loob.
Pinapatunayan lang na ang modyul na ito ay para sa iyo. Tutulungan ka nitong
intindihin ang ibang konseptong maaari mong gamitin sa iyong pang araw-araw na
pamumuhay. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul na ito, malalaman mo ang
mga sagot sa lahat ng mga aytem sa pagsusulit at iba pa! Handa ka na ba? Maaari ka
nang tumuloy sa susunod na pahina upang simulan mo ang araling ito.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Filipino Baitang-9) ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa (Nobela)
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa babasahin mong kuwento at tekstong pang-impormasyon, inaasahang


magagawa mo ang sumusunod:

1. Nakaguguhit ng larawan o simbolo na magpapakita ng kanilang


nais na pangarap sa buhay.
2. Naihahambing ang pagkakaiba ng tunggaliang tao vs. sarili sa
paraang grapikong presentasyon.
3. Naipapahayag ang pansariling interpretasyon sa mga pahiwatig na
ginamit sa loob ng akda.
4. Naipapamalas ang angking kakayahan sa pagsulat mula sa piling
senaryo sa nobela na nagpapakita sa pagsusuri sa tunggaliang tao
vs. sarili.

Subukin

A. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
1. Ang pangalawa sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunan.
2. Uri ng tunggalian na kung saan ang kalaban ng pangunahing tauhan
ay ang mga tao sa kanyang paligid.
3. Ang pangunahing tauhan sa Nobelang “Timawa”.

A. Tunggalian G. Tao laban sa tao L.Tao laban sa kalikasan


B. Timawa H. Tao laban sa sarili M.1953
C. Nobela I. Tao laban sa lipunan N. 1952
D. Agustin Fabian J. Lualhati Baustista O. napasaya
E. Andres K. Paghuhugas ng pinggan P. Wala sa katinuan
F. Paghuhugas ng kotse
4. Ito ay paglalaban ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kanya.
5. Uri ng panitikan na kung saan nahahati sa bawat kabanata.na
naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng
isang mahusay na balangkas.
6. Anong uri ng tunggalian ang pangungusap na ito: Hindi malaman ni
Andres kung dapat ba niyang patayin si Bill upang matapos ang
problema o makikipag-ayos siya sa mapayapang paraan.
7. Ang may-akda ng nobelang “Timawa”.
8. Kailan nailimbag ang nobelang “Timawa”?
9. Tulos pa rin si Andres sa pagkakatayo. Ano ang ibig sabihin sa salitang
nakasalungguhit.
10. Uri ng tunggalian na kung saan pilit na pinaglalaban ng pangunahing
tauhan ang kalikasan.
11. Uri ng tunggalian na kung saan ang kaniyang sariling kilos, paniniwala
at iba pa ang kanyang kalaban.
12. Anong uri ng tunggalian ang pangungusap na ito: Maraming tao ang
namatay dahil sa bagyong Yolanda.
13. Si Pinkaw ay gustong maipagamot ang kanyang mga anak subalit ayaw
siyang tanggapin sa ospital dahil mukha siyang mahirap. Anong uri ng
tunggalian ito.
14. Sa nobelang “Timawa” ano ang naging unang trabaho ni Andres?
15. Uri ng tunggalian na kung saan kalaban ng pangunahing tauhan ang
mga pangyayari sa kanyang lipunang ginagalawan.

Aralin
Nobela:TIMAWA
3

Ang modyul na ito ay naglalaman ng nobela na makatutulong sa mag-


aaral sa pagpapaunlad ng kanyang kaisipan at pang-unawa.

Sa nobela laman ng modyul na ito ay inaasahang malilinang ang


mapanuring pag-iisip ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng ibinibigay na mga
gawain at kasanayan ng guro, mahahasa ang kanyang kakayahan sa sining
at pakikipagkomunikasyon. Babasahin ng mag-aaral ang nobelang may hatid
na impormasyon at sasagutin ang mga tanong tungkol sa nabasa. Ibabahagi
niya ang kanyang mga kaalaman sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasagot
sa mga katanungang inilaan upang masukat ang kanyang pang-unawa. Sa
pamamagitan ng nobela ay mapapalawak ang kognitibong kamalayan ng mag-
aaral. Sa pangkalahatang ideya, lalawak ang kaalaman at kalinangan ng mag-
aaral sa araling inilalaan sa kanya.

Balikan

Subukin muna natin ang iyong dating kaalaman.


A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin
ang hinihingi ng bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang
iyong sagot sa MALAKING TITIK sa patlang na nakalaan bago ang
bawat bilang.

_______1. Ito ang nagbibigay buhay sa isang kuwento.


A. Tauhan B. Banghay C. Tagpuan D. Simbolo
_______ 2. Bahagi ng banghay kung saan makikita ang kapana-panabik
na pangyayari sa kuwento.
A. Panimula C. Kasukdulan
B. Saglit na Kasiglahan D. Kakalasan
_______ 3. Dito nagaganap ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.
A. Tema B. Tauhan C. Banghay D. Tagpuan
_______ 4. Ito ang pinakaluluwa ng kuwento.
A. Kaisipan C. Suliranin
B. Paksang-Diwa D. Tunggalian
_______ 5. Bahagi ng banghay na tumutukoy sa unti-unting
pagkakaayos ng suliranin.
A. Kakalasan C. Saglit na Kasiglahan
B. Wakas D. Kasukdulan
_______ 6. Bahagi ng banghay kung saan dito nagaganap ang
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento.
A. Panimula C. Kasukdulan
B. Saglit na Kasiglahan D. Kakalasan
_______ 7. Ito ang katapusan ng kuwento.
A. Kakalasan C. Saglit na Kasiglahan
B. Wakas D. Kasukdulan
_______ 8. Ito ang problemang hinaharap ng pangunahing tauhan sa
kuwento.
A. Panimula C. Suliranin
B. Tunggalian D. Kakalasan
_______ 9. Ibang katawagan ng maikling kuwento.
A. Kathambuhay C. Dula
B. Sanaysay D. Maikling Katha
_______ 10. Ito ay anyo ng panitikan na nahahati sa kabanata.
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Dula D. Sanaysay

Alamin kung tama ang iyong mga sagot. Tingnan ang susi ng wastong
sagot sa huling pahina ng modyul na ito. Ilang iskor ang nakuha mo?

Tuklasin

Gawain 1: IGUHIT MO!

Ano ba ang iyong pangarap? Mula dito iguhit sa long


bondpaper ang bagay na sumisimbolo sa pangarap na nais mong
matamo, at lagyan ng paliwanag. Dapat makita sa paliwanag ang
kahalagahan, kabutihan at kagandahan sa pagkaroon ng pangarap sa
buhay.

Pamantayan:

Nilalaman – 30
Pagkamalikhain – 10
Kalinisan-10
Kabuuan-50
Paglalahad sa nobelang “TIMAWA ni Fabian C. Agustin”, sa
pamamagitan ng isang video presentation gamit ang link na ito :
https://www.youtube.com/watch?v=OEmlUYh7ZYo

Kung hindi kayang panoorin ang bidyo, ay pwedeng basahin


ang buong teksto. Narito ang kopya ng buong teksto :

TIMAWA (Unang Kabanata) ni Agustin C. Fabian

Sabado noon at mag-iikapito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap


na estudyante, ay kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang kinainan sa
ladies dormitory, sa isang Unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang paraan
upang makapagpatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina. Nakatali sa
kanyang baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang
kamisadentro. Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging mukha. Ang
bula sa sabong nakabalot sa kanyang mga matipunong bisig ay umabot sa
siko.
At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina.
Labing-anim na taon siya nang mamatay ang kanyang ama at lubusang naulila.
Katatapos lamang niya ng intermedia. May kamag-anak naman siyang isang
kusinero sa isang bapor na nagyayao’t ditto sa Amerika at sa Pilipinas.
Sumama siya.
“At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan,
kubyertos, at mga lutuan sa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y
eksperto sa mga gawaing iyan”, tapos ni Andres. “Usisera ka rin lamang, Alice”,
ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay Andres kung ano-ano ang
nagging karanasan niya dito sa Amerika.” “Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni
Alice. “Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng tayo’y mapuyat.”
“Alam niyo”, ani Andres na nagpapahid na ng kamay, “ako ay may
pagkahampaslupa.” “Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong
basura. Ibig kong marinig uli iyan.”
Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng
isang silya at nakiumpok sa dalawa.
“Ngayon, simulan mo na”, sabi ni Bill na humilig mabuti sa kanyang upuan.
“Saan ninyo ako gustong magsisimula?”
Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan ang
unang naging hanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng
California. Namitas ng mansanas sa Oregon at Washington. Dalanghita sa
Florida. Lalo na raw siyang umitim sa taniman ng kamatis, letsugas, repolyo, at
iba pang gulay. Naging serbidor sa mga restawran at naging utusan.
Naglingkod sa salmunan sa Alaska. Nagpatag ng bato sa daang-tren sa
Nevada.
“Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong
ng dalagang Amerikano. Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya
sa marami niyang karanasan ang pinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si
Andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ng kanyang
buhay. “Halimbawa”, untag ni Alice, “bakit mo naisipan ang mag-aral? Bakit mo
iniwan ang paglalagalag?” “Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang
bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas ay sinabi ni Andres. “Doon sa
amin sa Pilipinas nangyari ito.” Paano?” sabat ni Bill.
“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni
Andres. “Kung pista ng bayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa
malaking bahay ng may-ari ng lupa at tumutulong sa karaniwang malaking
handaan doon. Nagsisipagsaing, nagsisibak ng panggatong. Nagpapatay ng
manok, baboy, kambing at baka. Sabihin pa, ang lahat ng tumulong ay doon
kakain.
“At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-
ari ng lupang aming sinasaka. May labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan
na ang mga nanunulungan ay dumating ang donyang asawa ng aming kasama,
at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natatapos kumain ang mga
panauhin sa itaas ay inuuna na raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming
mga timawa.
“Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig.” Patuloy ni Andres. “ Noong
papauwi na lamang kami at sabihin sa akin ni amang ang kanyang
pagdaramdam, noon ko lamang lubos na naunawaan ang kahulugan ng
salitang timawa.
Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang ‘wag
kong sapitin ang kaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking magsasaka at
hindi akin ang sasakahing lupa ay ganoon din ang aking kapalaran. Aalimurain
ng mayaman. Ang isang timawa, ay higit na pangit kaysa gutom.
Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Huwag
daw akong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niyang lahat ang kanyang
makakaya upang ako’y matuto.
“Kay buti ng iyong ama”, ani Alice.
“Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig
niyang makaipon. Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.”
Huminto muna si Andres sa kanyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa
malayo na waring nakikitang muli ang kanyang ama. At pagkatapos ng ilang
sandal ay nagpatuloy na naman sa pagsasalita.
“At nang ako ay nakatapos sa intermedia ay gayon na lamang ang galak
niya. Ngunit ang humalili sa kagalakang iyan ay malaggim na kalungkutan. Si
ama’y inabutan ng ulan sa tanghaling siya ay nagbubungkal ng lupa.
Nagkasakit siya. Pulmunya. At…at…namatay.”
Dinampi ni Alice ang kanyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig
si Bill. Lumapit kay Andres at pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino.
“Maupo ka, Bill”, sabi ni Andres. ‘Hindi pa ako natatapos.”
Naupong muli si Bill, at muling nagsimula si Andres.
“Naubos na lahat,” aniya, “ang kaunting naipon ni ama. Ulila na akong lubos
ay wala pa ni isang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng
bangkay ng aking ama, na ako’y pilit na mag-aaral, at ako’y magiging
manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang
maging akin.”
Maluwat ring walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres.
Nadama ni Bill at ni Alice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay
nagsalita si Alice.
“Nauunawaan kita ngayon,” paikli ni Bill.
“Bakit? Ako ba ay nagging hiwaga sa inyo? Tanong ni Andres at wala na
sa kanyang tinig ang pagdaramdam at kalungkutan.
“Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang
mabuting tao. Masipag ka. Matalino. Magalang. Ngunit tila ayaw
mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw mong ikaw ay maabala. Ibinubukod mo
ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang lahat ng nasa paligid mo’y
makaaabala sa iyo.”
“Napapansin ko nga,” tudyo na naman ni Bill, “na maluwat mo nang
sinusubaybayan si…
“Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama
si Andy. Wari ay malayo siya. Gayong kay lapit ay kay layo. Mayroon ba naman
gayung araw-araw ay nagkakabungguan-balikat ay di mo matawag na
kapalagayang-loob?”
“Lumalabas pa yatang malaking tao ako?” tanong ng Pilipino.
“O kaya’y dungo naman,” sundot ni Bill.
“Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanag ni Alice.
“May anyo si Andy na nag-uudyok sa nagmamalas na mataho kung ano siya,
pinipigil ang nagmamalas na iyan naman ng isang hindi maunawaang kilos ni
Andy. Tila hindi mahalaga kay Andy ang magkaroon ng maraming
kapalagayang-loob.”
“Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “Di yata’t ako ang
pinag-aaksayahan mo ng kuru-kuro?”
“Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo
ang iyong sarili sa karamihan.” “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang
madalas na mauntog ay natututong yumuko.”
“Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang
tototo, Andy, ay ito: walang alinlangan mararating mo ang iyong patutunguhan.
Ngunit mag-aliw-aliw ka naman. Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali
man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa libro. Maaari ba namang ang
isang malusog na gaya mo ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayan si
Alice…’yang gandang ‘yan…” “Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?”hadlang
ni Andres”. “Kahit na sa biruan ay may hangganan,”
“Tigilan mon a si Andy,” palki ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-
ukulan. Ano ang malay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa
si Alice.
“May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa
akin iyan. Iyan ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makikiinom.”
“At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres.
“Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung
tatanggihan ka o kung hindi?” nakatawang tanong ni Alice.
Tumindig na bigla si Andres.
“Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice.
“Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang palki ni Bill.” Ang magaling na kaibigan
kong Pilipino ay takbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo
niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na. Walang mangyayari sa akin kung ang
manok ko ay takbuhin.”
Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at
sumunod sa kaibigan. Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may
kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ng liwanang ng ilaw.
“Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,”
paalam ni Andres. “Hindi pangkaraniwang gabi ito sa gabi.
Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi…

Suriin

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang mga tanong tungkol


dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.(Tigtatatlong puntos bawat
aytem)
1. Paano ba hinarap ni Andres ang pang-aalipusta ng Donya sa kanila?
2. Sino ang kalaban ni Andres?Maituturing ba itong tunggalian sa
tao?Patunayan.
3. Masasabi mo rin ba na ang naging kalaban din ni Andres ay ang
kanyang sarili?Patunayan.
4. Paano napadpad si Andres Talon sa Amerika? Ilarawan ang kanyang
nagging buhay rito?
5. Bakit gayon na lamang ang paghanga ni Alice sa binata sa kalidad ng
pagtatrabaho nito? Isa-isahin ang mga trabahong pinasukan ng binata
sa Amerika.
6. Bakit taglay ni Andres ang mabuting pag-uugali sa pagtatrabaho o work
ethics?
7. Anong karanasan ang bumago sa takbo ng buhay ni Andres upang siya
ay magsumikap na makaahon sa kahirapan?
8. Paano nakaapekto sa katauhan ni Andres ang mga katagang binitiwan
ng donya na sila raw ay lubha pang masahol sa timawa?
9. Paano nga ba nabago ang buhay ni Andres, mula nang nakarinig siya
ng mga mapanglait na salita mula sa donya?
10. Paano ba nakamtan ni Andres ang kanyang inaasam na pangarap sa
buhay?

Pagyamanin
Piliin at hanapin ang mga nagpapakita ng kabutihan at kagandahan sa
buhay na napakinggan mula sa akdang binasa.

Pinakamataas na Katotohanan sa Paliwanag


Akda

Kabutihang Nakita sa Akda Paliwanag

Kagandahang Nakita sa Akda Paliwanag


Isaisip

Isaisip Mo.
Ang nobelang “Timawa” ay ginamitan ng may-akda ng pangatlong paningin.
Sa kanyang nobela, ipinapakita nang mahusay ang iba’t ibang pag-uugali ng
tao, kitang-kita ito sa mga diyalogo na nasa nobela. Dito din ipinakita ang sakit
ng lipunan na diskriminasyon na nakita sa pag-uuri ng mga tao dahil ang iba ay
Pilipino at ang iba namang tauhan na ginamit ay dayuhan.

Isagawa

A. HAMBINGIN MO!
Mula sa grapikong presentasyon ihambing ang naging katunggali mo
sa sarili at sa tauhang si Andres sa nobela.

IKAW ANDRES

B. INTERPRET MO! IPAHAYAG MO!

Basahing mabuti ang mga pahiwatig na may salungguhit na ginamit sa


akda. Ibigay ang iyong sariling interpretasyon nito ayon sa sarili mong pang-
unawa.

1. Nangingintab sa pawis ang kayumangging mukha ni Andres habang


naghuhugas ng pinggan.
2. Ang mga timawa, aniya, ay higit na pangit sa isang gutom. Ito raw ay
kahalintulad ng isang aso, sagpang nang sagpang.
3. “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog
ay natutong yumuko,” wika ni Andy.
4. “Hindi pangkaraniwang gabi ito sa akin,” wika ni Andres kay Alice.
5. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari ay malayo siya. Gayong kay
lapit ay kay layo.”

Tayahin

Pansinin ang mga larawang ito hinggil sa patuloy na pang-aapi ng mayayaman


sa mahirap. Paano nga ba ito masusugpo?Sumulat ng isang maikling sanaysay
kung ano-ano ang inyong hinuha ukol sa senaryong ito.

Iginuhit ni Joven F. Sangilan


https://www.google.com/search?q=mayaman+at+mahirap&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjVgNbg5PHqAhX1yIs
BHfZIBt0Q_AUoAXoECBQQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=pJs-Bvnjiu_okM

________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangai-


5 4 3 langan ng
Gabay
2
Pagkalahad Napakahusay na Mahusay ang Katamtaman Nangangai-
ng Paksa inilahad ang paksa pagkalahad ng ang langan ng
sa pamamagitan ng paksa at may pagkalahad ng kasanayan
pagiging pagkamalik- pagkamalikhain paksa at may sa Pagsulat
haing pagkasulat ang pagkasulat pagtatangka sa
pagiging
malikhain
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat Hindi
katawan ayon sa katawan ayon ang naisulat
suporting ideya na sa dalawang katawan ang katawan
tumutugon sa ideya na ayon sa ayon sa
kabuuan ng kwento tumutugon sa isang ideya paksang
batay sa paksa kabuuan ng na dapat
kwento batay tumutugon talakayin
sa paksa sa bahagi
ng kwento
batay sa
paksa
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May Hindi
bawat talata dahil may sapat na kakulangan Nadebelop
sa mahusay na detalye sa detalye ang mga
pagpapaliwanag at pangunahing
pagtalakay sa ideya.
paksa
Konklusyon Nakapanghahamon Naipapakita Hindi Hindi nakita
ang konklusyon at ang ganap na sa ginawang
nagpapakita ng pangkalahatang naipakita sanaysay.
pangkalahatang palagay o ang
palagay batay sa pasya tungkol pangka-
katibayan at mga sa paksa batay lahatang
katwirang inilahad. sa katibayan at palagay
katwirang batay sa
inilahad katibayan
at
katwirang
inilahad

Karagdagang Gawain

A. SINGING BEE!

Pakinggan ang awiting “PATULOY ANG PANGARAP” ni Angeline


Quinto. Punan ng salita o liriko ang mga patlang mula sa awitin.
https://www.youtube.com/watch?v=ZKyJ5GDa8FE
PATULOY ANG PANGARAP (ni Angeline Quinto)
Di pa rin makapaniwala
Sa lahat ng nangyayari
Pangarap parang kailan lang
Sa ________ ko'y nakita

Ngayon ay dumating
Nang bigla sa aking _________
Di naubusan ng pag-asa
Ako'y _________ sa

Isang pangarap
Ako'y naniniwala
Ako ay _______
At ang lahat makakakita

Sa isang pangarap
Ako'y naniniwala
Hindi ako _________
Hangga't aking _________

Unti-unting mararating

___________ko’y makikita

Patuloy sng pangarap

Adhika - hangarin

Alimura - mapang-uyam

Bapor - barko

You might also like