You are on page 1of 25

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aurora T. Casinillo
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit: Keno Paulo B. Estrera
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Heograpiya at mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Modyul 1:
Heograpiya ng Daigdig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiya ng Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Heograpiya ng Daigdig !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto Gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at


sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang Heograpiya
ng Asya kung saan natututunan mo kung ano ang heograpiya at ang
kaanyuang pisikal ng Asya na kinabibilangan ng kinaroroonan, laki o lawak,
sukat, hugis, klima, anyong-lupa, at anyong-tubig. Ngayon, mas mapalalawak
pa ang iyong kaalaman hindi lang sa heograpiya ng Asya kundi pati na ang
heograpiya ng daigdig .
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang mapagtutuunan mo ng
pansin ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao.
Mahalagang malaman mo ang malaking bahaging ginagampanan ng
heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Heograpiya ng Daigdig

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig [ Ap8HSK-1d-4 ]

2. Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto kaugnay ng katangiang pisikal


ng daigdig.

3. Nakagagawa ng paraan upang makatulong sa mga pagbabagong


naganap sa katangiang pisikal ng daigdig ; at

4. Napahahalagahan ang epekto ng katangiang pisikal ng daigdig sa


pamumuhay at paghubog ng sangkatauhan mula noon hanggang ngayon
at sa susunod na salinlahi.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto


ang hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Isa ang daigdig sa mga planetang umiinog sa isang malaking bituin


kung saan malaking bahagi nito ay may kaaya-ayang atmospera dahil
sa kasapatan ng sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang
pangangailangan ng mga tao, halaman, at hayop. Bakit kaaya-aya ang
atmospera ng daigdig?
A. Dahil sa araw C. Dahil sa planeta
B. Dahil sa buwan D. Dahil sa habagat

2. Ang daigdig ay may pitong kontinente na ang iba ay magkakaugnay


samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred
Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati
ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
A. Africa B. Asya C. Australia D. Europe

3. Ang daigdig tulad ng ibang bagay ay may simula. May mga panukala
tungkol sa pinagmulan ng ating daigdig. Ilan sa mga teoryang ito ay
Nebular, Big Bang, Planetisimal at Panrelihiyon. Alin sa mga teoryang
nabanggit ang nagpanukala na ang daigdig ay gawa ng isang kinikilalang
Diyos?
A. Big Bang B. Nebular C. Panrelihiyon D. Planetisimal

4. Ang katangiang pisikal ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan,


klima, katubigan, halaman, hayop, at mga mineral. Anong uri ng
pamumuhay mayroon ang mga taong nasa bulubundukin na lugar subalit
may mainam na lupa?
A. Pangangahoy B. Pagsasaka C. Pangingisda D. Paghahayupan

5. Ang heograpiya ay may limang tema. Ito ay ang lokasyon, lugar, rehiyon,
interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Alin dito ang
pinagkukunan ng pangangailangan ng tao gayon din ang pakikiayon ng
tao sa mga pagbabagong naganap sa kanyang kapaligiran?
A. Lokasyon C. Rehiyon
B. Lugar D. Interaksiyon ng tao at kapaligiran

2
6. Ang lokasyon ay may dalawang pamamaraan sa pagtukoy sa kinalagyan
ng isang lugar, ang absolute at relatibo. Anong anyong tubig ang nasa
silangang bahagi ng Asya gamit o batay sa relatibong lokasyon?
A. Karagatang Arctic C. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantic D. Karagatang Pasipiko

7. Ang salitang heograpiya ay nagmula sa wikang Greek na geo o daigdig


at graphia o paglalarawan. Ito ang tumutukoy sa siyentikong pag-aaral
ng katangiang pisikal ng daigdig. Ano naman ang tawag sa pisikal na
katangian ng isang lugar o rehiyon?
A. Daigdig B. Kalawakan C.Heograpiya D. Topograpiya

8. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo at may


pinakamalaking populasyon rin. Anong bansa sa Asya ang nangunguna
sa dami ng populasyon?
A. Bangladesh B. China C. India D. Philippines

9. Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw


ng daigdig. Ayon sa Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang
mga kontinente sa isang super kontinente. Ano ang tawag sa super
kontinenteng ito?
A. Pangga B. Pangaea C. Panthasia D. Pathfinder

10. Ang klima ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon


o lugar sa matagal na panahon. Magkaiba ang klima sa daigdig dahil sa
natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar. Aling lugar ang nakaranas
ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan sa buong daigdig?
A. Malapit sa araw C. Malapit sa ilog
B. Malapit sa buwan D. Malapit sa equator

3
Aralin

1 Heograpiya ng Daigdig
Halika pag-aralan natin ngayon ang Heograpiya ng Daigdig!

Simulan natin ito sa mga katanungan na ito:


➢ Ano ang Heograpiya?
➢ Bakit kailangan nating pag-aralan ito?
➢ Ano ang kahalagahan para sa iyo bilang mag-aaral na mapag-aralan mo
ang Heograpiya ng Daidig?
Ang lahat nang mga katanungan na ito ay iyong masagot pagkatapos mong
masigasig na tapusin ang modyul na ito! Sige na…umpisa na!

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa globo o mapa?
a. Bansa b. Kapuluan c. Karagatan d. Kontinente

2. Ilang rehiyon mayroon ang Asya?


a. 3 b. 5 c. 10 d. 17

3. Ang mga anyong tubig na nakapaligid ay maaari ring gawing hangganan ng


Asya. Anong anyong tubig ang nasa hilaga ng Asya?
a. Karagatang Arktiko c. Karagatang Pasipiko
b. Karagatang Indian d. Dagat Pula, Itim, Caspian

4. Ang Asya ay may kabuuang sukat na 43,940,000 kilometrong parisukat.


Anong kontinente ang kailangang pagsama-samahin upang maging katubas
ang laki ng Asya?
a. Australia, Hilaga at Timog Amerika c. Antarktika, Africa, Europa
b. Europa, Africa, Australia d. Hilaga at Timog Amerika

5. Gaano ka laki o lawak ang kontinente ng Asya?


a. Kalahating bahagi ng mundo c. Ikaapat na bahagi ng mundo
b. Ikatlong bahagi ng mundo d. Ikawalong bahagi ng Mundo

4
Tuklasin

Gawain 1: Guhit Mo, Sagot Ko!

A. Panuto: Suriing mabuti ang larawan at basahin ang mga konsepto na nakasulat sa
loob ng kahon sa hanay A at pag-isipan ang sa tingin mo ay maaaring kahulugan ng
mga nasabing konsepto mula sa hanay B. Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang
espasyo sa ibaba.

Project Ease

1.______ 2. ______ 3._____ 4.______ 5._____

6.______ 7. .______ 8._____ 9.______ 10.______

5
(A) (B)
a) Ang distansyang angular sa pagitan ng
1. Equator dalawang parallel.
b) Ang pinaka-dulong bahagi ng Northern
2. Prime Meridian Hemisphere na direktang sinisikatan ng
araw.
3. Longitude
c) Ang humahati sa globo sa hilaga at timog
4. Tropic of Cancer hemispero.
d) Ang distansyang angular na nasa pagitan ng
5. Continent dalawang meridian.
e) Ang pinaka-dulong bahagi ng Southern
6. Tropic of Hemisphere at direktang sinisikatan ng araw.
f) Ang pinakamalawak na masa ng lupa sa
Capricorn
ibabaw ng daigdig.
7. Latitude g) Ito ay guhit na kaagapay sa kapwa nito guhit
at walang paraan para sila magsalubong.
8. North Pole h) Ito ay nasa Greenwich, England ay
itinatalagang “zero degree longitude.”
9. Parallel i) Ang polo na makikita sa dulong hilagang
bahagi ng globo.
10. Grid
j) Mga kathang-isip na guhit sa mundo.

Gawain 2: Tatlong Salita, Isang Sagot


Panuto: Gamit ang mapa ng daigdig, tukuyin kung saang kontinente makikita
o matatagpuan ang mga halaman, hayop, lugar o pook ang tinutukoy ng bawat
bilang. Isulat sa hugis ang sagot.

https://www.pinterest.ph/pin/659144095441398741/?nic_v1=1a0iYSCjSMuh6%2BJqCR6Ei1zZgwy4XqfgllBQJ%2FJfhZiHMWaoSRA09fmHTKrnGA2Xwe

6
Kangaroo Micronesia Tasmanian Devil

1.

Lhotse Nepal Marang

2.

Penguins Villa Las Estrellas Earless Seal

3.

Sahara Dessert Capetown Sphinx

4.

Playtypus Melanesia Great Victoria Dessert

5.

Applachian Mountain Skycraper Jamestown

6.

Tibet Everest Great Wall of China

7.

7
Cape Horn Andes Mountains Amazon

8.

Melanesia Lake Eyre Koala

9.

Kuang-si Falls Tarsier Jeju Island

10.

Suriin
Gawain 3: Tara Kwentuhan Tayo!
Panuto: Basahin ang kwentuhan ng mag-ama tungkol sa katangiang pisikal ng
daigdig at gawin ang Data Retrieval Chart upang maproseso ang binasang
kwento.

Aurora T. Casinillo

Lora: Papa pwede ba kitang ma interbyu tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig,


kung ano ito, paano nabuo at kung ano makikita dito?

8
Loreto: Oo naman anak, napag-aralan ko yan noong hayskol. Gusto mo e-kwento
ko sa iyo?
Lora: Opo Papa upang marami akong maibahagi sa klase namin, kung paano
nagsimula ang ating daigdig at ano ang katangiang pisikal nito.
Loreto: Sige makinig ka ng mabuti ha? Simulan natin sa ating daigdig.
Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiinog sa araw na bumubuo sa
solar system. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao-ay
kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa
daigdig ay dahil sa tiyak na posisyon nito sa solar system. Ang daigdig ay
nahahati sa pitong kontinente ang Asia, bilang pinakamalaking
kontinennte sa mundo, Africa, na may malaking suplay ng ginto at
diyamante, Europe, ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente,
Antarctica, ang tanging kontinente na natatakpan ng makapal na yelo,
Australia, kinilala ring pinakamaliit na kontinente sa daigdig, North
America, na may hugis tatsulok dito makikita ang Applachian Mountains
sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran, at South America, na hugis
tatsulok din.
Lora: Ay ang dami mong alam Papa!
Loreto: Hindi lang yan anak. Alam mo bang may paraan kung paano malaman
ang lokasyon ng isang bansa at kontinente?
Lora: Paano po Papa?
Loreto: Sa pamamagita ng Longitude at Latitude matutukoy natin ang lokasyon ng
isang lugar sa globo o mapa. Dahil dito magkaiba ang lokasyon, at klima ng
mga bansa na nakakaapekto sa paghubog at pamumuhay ng tao.
Maswerte tayo dito sa Pilipinas dahil malapit tayo sa equator, nakaranas
tayo ng kaaya-ayang panahon. Maraming iba’t ibang species tayo ng
halaman at hayop na dito lang makikita. Kaya ikaw, pahalagahan mo ang
ating mundong ginagalawan dahil wala ng iba pang kagaya nito.
Lora: Opo Papa at maraming Salamat po sa kwento ninyo, marami akong
natutunan.

Kontinente Hugis Sukat Likas na Yaman


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

9
Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang nagkwentuhan sa kwento? Ano ang paksa ng kanilang
kwentuhan?
2. Ano ang naging damdamin mo sa binasang kwento?
3. Paano isinasalaysay ng ama ang tungkol sa katangiang pisikal ng
daigdig sa kanyang anak?
4. May pagpapahalaga ka bang nakita sa anak mula sa kwento ng
kanyang ama?
5. Sumasang-ayon kaba sa pagpapahalaga ng anak? Bakit? Ipaliwanag.
6. Bilang isang kabataan, paano mo pipahalagahan ang ating daigdig.

Gawain 4: And My World!

Ang Aking Daigdig, Tahanang Mahal Ko


//Ang daigdig ang mundong kinagisnan ko;
Likha ng kong sino na pinasasalamatan ko.
Di ko man maintindihan sa simula kung paano nabuo;
Ang mahalaga may mundo ako kasama ng pamilya ko.//
//Sa aking pananaliksik ay may natuklasan ako;
Tungkol sa mundong ginagalawan at minamahal ko.
Maraming teorya tungkol sa pinagmulan nito;
May Big Bang, Continental Drift, Panrelihiyon at maraming iba
pa.//
//Mula sa isang super kontinente na Pangaea ay naging pito;
Ang naglalakihan at kakaibang hugis ng kontinente dito.
Hindi man pantay-pantay ang katangiang pisikal nito;
Subalit taglay parin ang ganda at kakaibang yaman dito.//
//Masalimuot man ang pinagmulan ng daigdig ko;
Isa lang ang klaro, perpekto ang pagkagawa nito.
Dahil ito lang ang planetang kayang makapagpanatili ng buhay;
May sapat na sinag ng araw at atmosperang kay aya-ayang
tunay.//
// Kaya sa lahat ng panahon nais kong mapangalagaan;
Ang daigdig na ito’y iniaalay sa sa iyo at sa akin.
Sa lahat ng di-kanais-nais at mapang-abusong gawain;
Upang sa susunod na henerasyon ito’y masilayan pa rin.//

10
Gabay na mga tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano sa tingin mo ang naramdaman ng may akda ng tula?
3. Bakit kailangang pag-aralan at pangalagaan natin ang ating daigdig?
4. Paano nakatutulong sa iyo ang binasang tula upang magkaroon ng
masusing pagsusuri sa katangiang pisikal ng daigdig?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
mundong ginagalawan na siyang humubog sa kasaysayan ng
sangkatauhan?
6. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang tula.?

Pagyamanin
Gawain 4: REAKSIYON KO, IGUHIT KO!
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga gawain o proyekto ang nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng ating kapaligiran. Isulat sa bawat bilang
ang iyong reaksiyon gamit ang emoji.

1. Global warming - _______________________


2. Pagkasira ng kabundukan-_________________
3. Pagbabago ng atmospera - _______________
4. Reduce, Reuse, Recycle - _________________
5. Pagmimina sa kabundukan - _______________
6. Pagtatanim ng mga puno - _________________
7. Pakikipagdigmaan sa mga bansa - ___________
8. Paglilinis ng mga anyong-tubig - _____________
9. Panghihimasok sa teritoryo ng iba - ___________
_
10. Pagpapanatili sa anyo ng daigdig - __________

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang masasabi mo sa iyong reaksiyon?
2. Sumasang-ayon kaba sa mga reaksiyon mo?
3. Mula sa mga ibinigay mong reaksiyon, paano ito makatutulong sa iyo upang pag-
isipan muna ang maaaring kahinatnan nito bago gumawa ng kilos upang maiwasan
ang panghihinayang sa huli?

11
Isaisip

Heograpiya
saklaw ang

Anyong lupa at anyong tubig Distribusyon at interaksiyon ng tao at


iba pang organismo sa kapaligiran nito

Likas na yaman

Klima at panahon

Flora at Fauna

Absolute
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng
mga lugar sa daigdig
Relatibo

Katangian ng
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang
kinaroroonan tulad ng
natatangi sa isang pook klima

Katangian ng mga taong


Rehiyon: Bahagi ng daigdig na naninirahan tulad ng wika
pinagbubuklod ng magkakatulad na
katangiang pisikal o kultural

Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang


kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang
taglay ng kaniyang kinaroroonan
Tatlong uri ng
distansiya sa isang
lugar:
Paggalaw: ang paglippat ng tao mula sa
kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; ➢ Linear
kabilang din ditto ang paglipat ng mga bagay at ➢ Time
likas na pangyayari, tulad ng mga hangin at ulan ➢ Psychological

12
Isagawa

Gawain 5: AMAZING EARTH!


Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan ng mundo. Di ba’t napakaganda? Bakit
mahalagang mapangalagaan natin ang ating daigdig? Magbigay ng tatlong pahayag
tungkol sa katangian pisikal ng daigdig.

Pdf.Deped- Project Ease:Module.Araling Panlipunan IV

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. ___________________________________________________________

A. Tukoy-Tema: Tukuyin kung anong uri ng temang heograpiya ang


inilalarawan. Ayusin ang ginulong mga titik upang makuha ang tamang
sagot.

R Y I N 1. Ang Pilipinas ay kasapi ng iba’t ibang samahan


H E O ng mga bansa kasam na ang samahan sa
Timog-Silangang Asya.

L K O Y A 2. Ang Japan ay matatagpuan sa 36.2048 N at


S N O 138.2529 E

13
L R G U A 3. Ang NCR ang may pinakamataong lugar sa
Bansa sanhi ng pagiging industriyalisado dito.

I E K R S Y
I O T N A A 4. Maraming tao ang dumarayo sa Baguio hindi lang
G N T T O A upang bumili ng mga preskong gulay kundi upang
A K P L G R mamamasyal sa malamig na lugar.
A A I I A N

P W L G A A A 5. Marami ang nagnanais na makaalis Sa kanilang


G nayon upang makipagsapalaran sa mga bayan at
lungsod.
Gabay na mga tanong:
1. Naging madali ba ang pagsagot sa gawain? Ipaliwanag.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya?
3. Nakatulong ba sa iyo ang mga tema sa pag-unawa sa heograpiya ? Ipaliwanag.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na


konsepto ang hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Isa ang daigdig sa mga planetang umiinog sa isang malaking bituin kung saan
malaking bahagi nito ay may kaaya-ayang atmospera dahil sa kasapatan ng
sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng
mga tao, halaman, at hayop. Bakit kaaya-aya ang atmospera ng daigdig?
A. Dahil sa kasapatan ng sinag ng araw, init at tubig
B. Dahil sa lamig na dulot ng buwan at hanging habagat
C. Dahil sa ibayong pag-iingat ng tao sa kanyang paligid.
D. Dahil sa koordinasyong ng mga planetang umiikot sa araw

2. Ang daigdig ay may pitong kontinente na ang iba ay magkakaugnay


samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener,
isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng
magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Paano
nagkakahiwa-hiwalay ang super kontinente na Pangaea?
A. Dahil sa pagputok ng bulkan
B. Dahil sa mga plates na hindi nananatili sa posisyon
C. Dahil sa paggalaw ng lupa sa ibabaw ng super kontinente Pangaea
D. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung
saan nakapatong ang kalupaan

14
3. Ang daigdig tulad ng ibang bagay ay may simula. May mga panukala tungkol sa
pinagmulan ng ating daigdig. Ilan sa mga teoryang ito ay Nebular, Big Bang,
Planetisimal, Panrelihiyon, at iba pa. Bakit may binuong mga teorya o panukala
tungkol sa pinagmulan ng daigdig?
A. Upang magkaroon ng batayan sa pagkakaroon ng simula ng daigdig.
B. Upang mawala ang pag-aalinlangan ng tao tungkol sa mundo.
C. Dahil mas nakakabuti na may pagkukunan ng simula sa daigdig totoo man o
hindi.
D. Dahil mahalaga na may nakahandang kasagutan sa tanong.

4. Ang katangiang pisikal ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan, klima,


katubigan, halaman, hayop, at mga mineral. Ito ay mahalagang mapangalagaan
upang makapamuhay ang tao. Paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa
kaanyuang pisikal na kanyang kinaroroonan?
A. Kapag umaayon ang pamumuhay ng tao sang-ayon sa kanyang
lugar na kinaroroonan
B. Kapag pilit niyang ginawan ng paraan ang makipamuhay sang-ayon
sa batas ng kalikasan
C. Kapag pilit niyang nilalabanan ang kalikasan at
D. Kapag kaya niyang nakipagsabayan

5. Ang lokasyon ng isang bansa sa daigdig ay may dalawang pamamaraan sa


pagtukoy, ang absolute gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng longitude at
latitude line na bumubuo sa grid at relatibo, na batay sa mga lugar at bagay na nasa
paligid nito. Gaano ka halaga eksaktong pagtukoy sa kinaroroonan ng isang lugar
o bansa?
A. Mahalaga ito upang madaling matuntun ang isang lugar.
B. Upang kaya mong mapuntahan ito kahit nag-iisa
C. Upang hindi mawala sa landas
D. Upang makatulong.

6. Ang salitang heograpiya ay nagmula sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia


o paglalarawan. Ito ay tumutukoy sa siyentikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng
daigdig. Paano mo ilalarawan ang heograpiya ng daigdig?
A. Ang heograpiya ay makulay
B. Ang heograpiya ay puno ng buhay
C. Ang heograpiya ay masalimuot at may kababalaghan.
D. Ang heograpiya ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay- halaman at buhay hayop, at mineral.

7. Ang heograpiya ay may limang tema. Ito ay ang lokasyon, na may dalawang paraan
sa pagtukoy, lugar na tumutukoy sa katangian sa isang pook, rehiyon, interaksiyon
ng tao at kapaligiran, at paggalaw na may tatlong uri ng distansiya, linear, time, at
psychological. Bakit nangyayari ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar
patungo sa ibang lugar?
A. Dahil sa migrasyon.
B. Dahil sa paghahanap ng tao ng kasaganaan sa buhay.
C. Dahil sa kagustuhang makaranas ng lamig sa ibang pook
D. Dahil sa mga di-kanais-nais ng pangyayari tulad ng digmaan at kalamidad.

15
8. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo na may kabuuang lawak na
44,614,000 at populasyon na tinatayang 4.6 sa kasalukuyan kung saan nangunguna
dito ang China at binubuo ng 44 na bansa. Ano ang posibleng dahilan ng paglaki ng
populasyon ng Asya ?
A. Dahil sa pandemya na naranasan
B. Dahil sa kainaman ng klima ditto
C. Dahil sa relihiyon ng mga bansa ditto.
D. Dahil sa dami ng bansa na bumuo sa kontinenteng ito

9. Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng


daigdig. Ayon sa Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga
kontinente sa isang super kontinente na kung tawagin ay Pangaea na pinalilibutan
ng karagatang Panthalassa. Bakit nagbabago ang posisyon ng mga kontinente sa
loob ng milyon-milyong taon?
A. Dahil sa paggalaw at pag-uumpugan ng mga plate na nagdudulot ng mga
paglindol, pagputok ng bulkan, at pagkabuo ng mga kabundukan.
B. Dahil sa paghihiwalay ng kalupaan ng Pangaea at patuloy na paghihiwalay nito
sa pagdaan ng maraning taon.
C. Dahil sa plate o malalaking masa ng solidong bato na nananatili sa posisyon.
D. Dahil sa paglikha ditto ng Poong Maykapal.

10. Ang klima ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar
sa matagal na panahon. Magkaiba ang klima sa daigdig dahil sa natatanggap na
sinag ng araw ng isang lugar. Ang mga bansa na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan. Ano ang epekto ng
ganitong kalagayan ng atmospera sa isang rehiyon?
A. Nagdudulot ito ng maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t
ibang species ng halaman at hayop sa naturang pook.
B. Nagbubunga ito ng paglaki ng populasyon sanhi ng mainam na klima.
C. Nagdudulot ito ng napakainit na panahon sa isang lugar.
D. Maaaring kaunti lamang ang mabubuhay

Karagdagang Gawain
IT’S HARVEST TIME SHOUT OUT
Task: Sa bilang na 3-2-1 Magaling! Nalampasan mo ang mga pagsusulit na
ibinigay sa iyo.
Subukan at tingnan natin ang antas
Ikaw ay inaasahan ngayon na makapagbahagi ng
ng iyong natutunan iyong kaalaman sa ibang kamag-aral at maging
Top 3 na natutunan ko ngayon responsible sa mga yamang handog ng daigdig sa
1. ____________________________________ iyo.
2. ____________________________________ Ngayon ilahad ang iyong natutunan sa
3. ____________________________________ pamamagitan ng pagdugtong sa mga kataga na
Top 2 na nakakuha sa atensyon
nakikita sa ibaba:
1. ____________________________________ Nadiskubre ko na __________________________
2. ____________________________________
Namalayan ko na __________________________
Top 1 na gusto kong matutunan pa
1. ____________________________________ Gagawin ko ang ______________________________

16
17
Subukin
Tayahin
1. A
2. B 1. A
3. C 2. D
4. B 3. A
5. D 4. A
5. A
6. D
6. D
7. D
7. D
8. B
8. C
9. B
9. A
10.D
10.A
Isagawa Tuklasin
A. Answer may vary A. B.
1. C 1. Australia
B. 2. H 2. Asya
1. Rehiyon 3. D 3. Antarctica
2. Lokasyon 4. B 4. Africa
3. Lugar 5. F 5. Australia
4. Interaksiyon ng tao at 6. E 6. North America
kapaligiran 7. A 7. Asya
5. Paggalaw 8. I 8. South America
9. G 9. Australia
10. j 10. Asya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Luna, Telesforo W., et. al, Mga Kasangguni [ Kabihasnang Asyano ] 2-9, 2013
Blando, Rosemarie C. et.al., [ Kasaysayan ng Daigdig ] 10-29, 2013

Deped-Project Ease: Module. Araling Panlipunan IV PDF

Harper, Douglas. "Online Etymology Dictionary". Etymonline.com (sa Ingles). Online Etymology
Dictionary. Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.

"Geography". The American Heritage Dictionary/ of the English Language, Fourth Edition (sa Ingles).
Houghton Mifflin Company. Nakuha noong 9 Oktubre 2006.

Eratosthenes (2010-01-24). Eratosthenes' Geography (sa Ingles). Sinalin ni Roller, Duane W.


Princeton University Press (nailathala 24 Enero 2010). ISBN 9780691142678.

Pidwirny, Dr. Michael; Jones, Scott. "CHAPTER 1: Introduction to Physical


Geography". Physicalgeography.net (sa Ingles). University of British Columbia Okanagan. Nakuha
noong 10 Nobyembre 2016.

Bonnett, Alastair (2008-01-16). What is Geography? (sa Ingles). SAGE Publications (nailathala 16
Enero 2008). ISBN 9781849206495. Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.

Johnston, Ron (2000). "Human Geography". In Johnston, Ron; Gregory, Derek; Pratt, Geraldine; et al.
(mga pat.). The Dictionary of Human Geography. Oxford: Blackwell. pp. 353–360.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Heograpiya

Sharemylesson.com/seach?grade=hih-school&subject=social-studies

Sharemylesson.com/teaching-resouce/-bringing-oral-history-classr

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FFile%3APohnp
ei_of_Micronesia.jpg&psig=AOvVaw1tpFAZbtoKtcgrl8ul22pX&ust=1596523360961000&source=imag
es&cd=vfe&ved=2ahUKEwiezNuPt_7qAhW2zIsBHRUfDJ0Qr4kDegUIARDbAQ

https://www.pikist.com/free-photo-vngnz

https://www.sciencephoto.com/media/701549/view/duckbill-platypus-illustration

https://live.staticlickr.com/7077/6937374484_434f71b049_b.jpghttps://publicdomainvectors.org/en/fre
e-clipart/Penguin-vector-drawing/13017.htmlhttps:// p0.pik

https://c1.wallpaperflare.com/preview/606/221/74/everest-lhotse-himalaya-
mountains.jpgrepo.com/preview/898/927/great-wall-of-china-thumbnail.jpghttps://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSwDAEJQ8LQrmAIbcz5ZjHPj3vvWqtLsgFYZQ&usqp=C
AU

https://www.flickr.com/photos/biagkensiak/8617976545

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Villa_Las_Estrellas._View_to_the_bay.jpghttps://en.wikipedia
.org/wiki/Villa_Las_Estrellashttps://www.vhv.rs/file/max/5/50827_seal-animal-png.png

https://c7.uihere.com/files/901/924/886/camel-desert-sand-mongolia-thumb.jpg

https://photojournal.jpl.nasa.gov/jpeg/PIA04961.jpg

18
https://www.tourhttps://www.needpix.com/photo/903512/australia-rock-landscape-nature-desert-
sunset-ulu%E1%B9%9Fu-or-ayers-rock-holiday-northern
territoryistsecrets.com/destinations/australia-south-pacific/melanesia-where-and-why-visit/

https://www.kamloopsthisweek.com/community/travel-one-world-trade-center-rises-defiantly-
1.23423957

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:1639_Jamestown_Church_(2883847775).jpg

https://en.wikipedia.org/wiki/File:Jeju_Island.jpg

https://en.wikipedia.org/wiki/Tibet_Autonomous_Region

https://en.wikipedia.org/wiki/File:Everest_kalapatthar_crop.jpg

https://pixabay.com/photos/andes-mountains-pass-valley-5343705/

https://p0.pxfuel.com/preview/68/64/878/jungle-palms-aguaje-amazon-royalty-free-thumbnail.jpg

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRZB06IQvfRjXVeWLqk_362J_T9rEZKO
1CmwQ&usqp=CAU
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tarsier_white_background.jpg
https://pixabay.com/photos/australia-animals-koala-nature-4756184/
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.com%2Fphotos%2Fbookabee_to
urs_australia%2F4872011884&psig=AOvVaw36xjYtlbIF8YWf6zxlU7qr&ust=1596633543219000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjV9drK0YHrAhWGzIsBHWnpA_gQr4kDegUIARDVAQ
https://www.pikist.com/free-photo-ivhgk

https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/1-heograpiya-ng-daigdig
https://www.slideshare.net/AILEENOCAMPO15/heograpiya-ng-daigdig-63506333
https://www.slideshare.net/tonixander25/aralin-1-heograpiya-ng-daigdig-katuturan-at-limang-
tema-ng-heograpiya
https://teacherkarizza.files.wordpress.com/2015/08/ap-8_heograpiya-ng-daigdig.pdf

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

19

You might also like