You are on page 1of 16

9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 2:
Noli Me Tangere - Mga Tauhan
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikaapat na Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Noli Me Tangere - Mga Tauhan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Paghahanda ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol, Juneva P. Ardepolla, Emily Bayla


Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari, Jemar D. Alinabo
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 2:
Noli Me Tangere – Mga Tauhan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng unang bahagi ng Noli noong 1884


sa Madrid. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa Paris, France noong 1885 at
natapos niya ito noong Abril 1886 sa Wilhelmsfeld, Germany. Hindi kaagad
naipalimbag ang nasabing nobela dahil sa kakapusan ng pera. Ipinagbawal
noon ang pagbabasa sa nobelang ito sapagkat ibinunyag ditto ang kasamaan
at kalupitan ng mga pinunong Espanyol at mga prayle sa Pilipinas.

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang


sumusunod:
1. natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela F9PN-IVc-57;
2. nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian F9WG-IVc-59;
3. naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang
monologo tungkol sa isang piling tauhan F9PU-IVc-59.

Subukin Natin
Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito, masusubukan ang dati mong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. Marapat lamang na
basahin ang panuto bago ka magsimula. Kung mayroon kang hindi
naunawaan sa gawaing ito, huwag mag-atubiling magtanong.

A. Panuto: Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng sumusunod na


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

A. Juan Crisostomo Ibarra D. Don Anastacio


B. Padre Damaso E. Kapitan Heneral
C. Padre Salvi

_____ 1. Kumakatawan sa hari ng España at pinakamakapangyarihan sa


Pilipinas.
______ 2. Nag-aral sa Europe at nagplanong magtayo ng isang malaking
paaralan sa kanilang bayan.
______ 3. Isang pari na may lihim na pagtangi kay Maria Clara.
______ 4. Paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego sa loob
ng matagal na panahon.
______ 5. Kilala bilang Pilosopong Tasyo o Tasyong Baliw.

1
B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang pang-
uring ginamit sa pangungusap. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang
sagot.

______ 6. Si Tinyente Guevarra ay isang matapang na guwardiya sibil na


nagtanggol kay Don Rafael Ibarra.
______ 7. Masipag na anak si Basilio kung kaya’t mahal siya ng
kaniyang ina.
______ 8. Si Maria Clara ay isang matapat na anak.
______ 9. Ang labis na paghithit ng opyo ay masama sa katawan.
______ 10. Tahimik siyang namumuhay sa San Diego.

Aralin Natin
Binabati kita at natapos mo ang bahaging Subukin Natin, ngayon, alam kong
nasasabik ka nang basahin ang paksa tungkol sa mga tauhan ng Noli Me
Tangere.

Mga Tauhan

1. Juan Crisostomo Ibarra – Anak na 2acris ni Don Rafael Ibarra, ang


pinakamayaman sa bayan ng San Diego. Nag-aaral sa Europe at
nagplanong magtayo ng isang malaking paaralan sa kanilang bayan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.
2. Elias – Isang sawimpalad na magsasakang nagligtas kay Ibarra at
tumulong sa kaniya upang makilala niya ang kaniyang bayan at malaman
ang mga suliranin nito.
3. Kapitan Tiyago – Isa sa mayayamang mangangalakal sa San Diego. Ama
ni Maria Clara.
4. Maria Clara – Kasintahan ni Ibarra. Anak ni Kapitan Tiyago. Pinaka-
magandang dilag sa San Diego.
5. Padre Damaso – Paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego
sa loob ng matagal na panahon.
6. Padre Salvi – Kurang pumalit kay Padre Damaso. May lihim na pagtangi
kay Maria Clara.
7. Tiya Isabel – Pinsan ni Kapitan Tiyago na nag-alaga kay Maria Clara.
8. Don Anastacio – Kilala bilang Pilosopo Tasyo o Tasyong Baliw. Isa siyang
maalam na matanda kaya’t nilalapitan siya ng mga tao sa San Diego upang
hingan ng payo.

2
9. Alperes – Pinuno ng mga guwardiya sibil. Kaagaw sa kapangyarihan ng
kura kaya’t madalas na nakakaaway ni Padre Salvi.
10. Doña Consolacion – Dating labanderang naging maybahay ng alperes.
Tinaguriang “Paraluman ng mga Guwardiya Sibil”. Kinatatakutan ng mga
taga-San Diego dahil sa kaniyang itsura at kasamaan ng ugali.
11. Sisa – Ang mapagmahal na ina ng mga batang sacristan na sina Basilio
at Crispin.
12. Doña Victorina de Espadaña – Mayamang asawa ni Don Tiburcio de
Espadaña. Nagpanggap na mestisang Español.
13. Don Tiburcio de Espadaña – Español pilay na napadpad sa Pilipinas
upang maghanap ng magandang kapalaran. Nagpapanggap na isang
doctor. Napangasawa ni Dona Victorina.
14. Alfonso Linares – Kamag-anak ng mga de Espadaña. Napili ni Padre
Damaso na ipakasal kay Maria Clara.
15. Sinang – Malapit na kaibigan ni Maria Clara.
16. Kapitan Heneral – Kumakatawan sa Hari ng España.
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Naging kaibigan ni Ibarra.
17. Lucas – Kapatid ng taong madilaw na napag-utusang pumatay kay
Ibarra.
18. Don Filipo – Tinyente Mayor ng San Diego.
19. Basilio – Batang 3acristan, panganay na anak ni Sisa.
20. Crispin – Bunsong anak ni Sisa, isa ring 3acristan.
21. Padre Sibyla – Paring Dominicano, kura-paroko ng Binundok.
22. Tinyente Guevarra – Tinyente ng mga guwardiya sibil. Nagtanggol kay
Don Rafael Ibarra.

Pinagkunan: Ilaw (Pinagsanib na Wika at


Panitikan sa Baitang 9) sa pahina 207-211

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon


o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at
iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan.

Halimbawa:

1. Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.


2. Malinis ang tubig mula sa balon.
3. Si Andres Bonifacio ay matapang.

https://philnews.ph/2018/12/20/ano-ang-pang-uri-kahulugan-
halimbawa-pang-uri/

3
Ngayong natapos mo nang pag-aralan ang tungkol sa mga tauhan ng
Noli Me Tangere at pang-uri, natitiyak kong handa ka na para sa gawaing
susukat sa iyong kaalaman.

Gawin Natin

A. Panuto: Piliin sa hanay B ang mga tauhan na inilalarawan sa hanay A.


Isulat mo ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B
______ 1. Isang sawimpalad na magsasakang
nagligtas kay Ibarra at tumulong sa A. Doña Victorina de
kaniya upang makilala niya ang Espadaña
kaniyang bayan.
______ 2. Tagapag-alaga ni Maria Clara at B. Doña Consolacion
pinsan ni Kapitan Tiyago.
______ 3. Siya ang kaagaw sa kapangyarihan
ng kura kaya’t madalas na nakaka- C. Tiya Isabel
away ni Padre Salvi.
______ 4. Isang mapagpanggap na mestisang D. Elias
Española at asawa ni Don Tiburcio.
______ 5. Tinaguriang “Paraluman ng mga
Guwardiya Sibila” at kinatatakutan E. Alperes
ng mga taga-San Diego.

B. Panuto: Tukuyin ang mga pang-uri sa talata na naglalarawan sa


katangian ng tauhan. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago

Pandak, kayumanggi, bilugan ang mukha at mataba, iyan si Kapitan


Tiyago. Kung titingnang mabuti ay mukhang bata pa si Kapitan Tiyago,
aakalain mong siya ay nasa pagitan lamang ng tatlumpu hanggang
tatlumpu’t limang taon. Mababakas sa kaniyang mukha ang kabanalan.
Mabilog at maliit ang ang kaniyang ulo, may buhok na kasing itim ng
kamagong, mahaba sa harap at maiksi sa likod. Marami ang nagsasabing
siya ay matalinong tao.
Pinagkunan: Ilaw
(Pinagsanib na Wika at Panitikan sa Baitang 9)

4
6. _________________ 9. _________________
7. _________________ 10. _________________
8. _________________

C. Panuto: Tukuyin ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap. Isulat mo


ang iyong sagot sa sagutang papel.

______ 1. Lanta na ang mga bulaklak sa plorera.


______ 2. Ang damit na ibinigay mo ay kupas na.
______ 3. Simple lang ang pangarap ni Donna sa buhay.
______ 4. Huwag kang matakot sa maamong pusa.
______ 5. Si Alfred ay mapagbigay sa mga nangangailangan.

Ang galing mo! Nasagot mo nang tama ang bahaging ito.


Nagpapahiwatig lamang ito na handang - handa ka na sa paglalapat ng iyong
natutuhan sa paksa.

Sanayin Natin

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tama kung


ang pangungusap ay tumutukoy sa angkop na tauhan sa nobela at mali kung
hindi. Isulat mo ang tamang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Si Tiya Isabel ang mapagmahal na ina ng mga batang sakristan.


______ 2. Ang paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego sa loob
ng matagal na panahon ay si Padre Sibyla.
______ 3. Si Crispin ay isang sakristan at bunsong anak ni Sisa.
______ 4. Ang binatang si Lucas ang napili ni Padre Damaso na ipakasal kay
Maria Clara.
______ 5. Si Sinang ang pinakamagandang dilag sa San Diego at kasintahan
ni Ibarra.

B. Panuto: Gamitin ang mga pang-uri sa pagbibigay-katangian ng tao sa


pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. mahinhin
_______________________________________________________________________

2. mabait
_______________________________________________________________________

1
3. matalino
_______________________________________________________________________

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa gawaing ito. Mahusay


mong naiugnay ang aralin sa reyalidad ng buhay.

Tandaan Natin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat tauhan sa isang


nobela sapagkat walang mabubuong nobela kung walang mga tauhan na
gaganap dito. Sa mga tauhan nakasentro ang istorya ng nobela at
nagsisilbing inspirasyon ng mga mambabasa ang karakter na
ginagampanan ng mga tauhan sa akda. Maaaring maiuugnay ng
mambabasa ang kaniyang sarili sa isa sa mga tauhan sa nobela.
Karagdagan, ginagamit ang mga pang-uri upang lalong mabigyan
ng linaw ang paglalarawan sa katangian ng mga tauhan sa nobela. Sa
madaling salita, ang pang-uri ay naglalarawan sa tao, bagay, pook at
pangyayari.

Ngayon, alam kong handa ka na upang palawigin ang iyong natutuhan


sa aralin. Tara na’t galugarin mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na pagtataya.

Suriin Natin

A. Panuto: Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng sumusunod na


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

A. Juan Crisostomo Ibarra D. Don Anastacio


B. Padre Damaso E. Kapitan Heneral
C. Padre Salvi

______ 1. Kilala bilang Pilosopong Tasyo o Tasyong Baliw.


______ 2. Isang pari na may lihim na pagtangi kay Maria Clara.
_____ 3. Kumakatawan sa hari ng España at pinakamakapangyarihan sa
Pilipinas.

2
______ 4. Nag-aral sa Europe at nagplanong magtayo ng isang malaking
paaralan sa kanilang bayan.
______ 5. Paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego sa loob
ng matagal na panahon.

B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang pang-


uring ginamit sa pangungusap. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang
sagot.

______ 6. Tahimik siyang namumuhay sa San Diego.


______ 7. Masipag na anak si Basilio kung kaya’t mahal ito ng
kaniyang ina.
______ 8. Si Tinyente Guevarra ay isang matapang na guwardiya sibil na
nagtanggol kay Don Rafael Ibarra.
______ 9. Si Maria Clara ay isang matapat na anak.
______ 10. Ang labis na paghithit ng opyo ay masama sa katawan.

C. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang pang-uri na bubuo sa diwa ng


pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

magiting matangos malabo


maputi mabangis

______ 11. Nakatanggap ng gantimpala ang mga sundalong ______.


______ 12. Katulad ng mga hayop, may mga tao rin na _________
makipaglaban.
______ 13. Marami ang nagkakagusto kay Ibarra dahil sa ______ ang
kaniyang ilong.
______ 14. Hindi maipagkakaila na maraming taga hanga si Maria Clara
dahil sa _________ nitong balat.
______ 15. _______ na ang paningin ni Kapitan Tiyago.

Payabungin Natin

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tama kung


ang pangungusap ay tumutukoy sa angkop na tauhan sa nobela at mali kung
hindi. Isulat mo ang tamang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Si Padre Damaso ay isang paring Dominico at kura-paroko ng Binundok.


______ 2. Ang malapit na kaibigan ni Maria Clara ay si Sisa.
______ 3. Si Don Anastacio ay isa sa mayayamang mangangalakal sa San Diego at
ama ni Maria Clara.
______ 4. Ang pinuno ng mga guwardiya sibil ay ang Alperes.

3
______ 5. Si Padre Sibyla ang kurang pumalit kay Padre Damaso.
B. Panuto: Gamitin ang mga pang-uri sa pagbibigay-katangian ng tao sa
pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

6. masinop
_____________________________________________________________________

7. makisig
_____________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

Panuto: Pumili ng isang tauhan sa Noli Me Tangere na inyong naibigan at


sumulat ng isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo.
Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. Sundin ang pamantayan sa
pagmamarka upang makakuha ng mataas na puntos.

4
Pamantayan sa Pagmamarka

Katangi-tangi Kapuri-puri Katanggap- Kailangan pang


(20) (15) tanggap (10) pagbutihan (5)
Nilalaman Naisusulat at Nailalahad Kulang ang Nailihis ang
naiisa-isa ang ngunithindi ideya sa pagpapaliwanag
kaalaman sa naiisa-isa ang pagsulat ng sa pagsulat ng
pagsulat ng kaalaman sa iskrip iskrip
iskrip pagsulat ng
iskrip
Gramatika Wasto ang Di gaanong May Hindi wasto ang
pagkabuo ng wasto ang kakulangan pagkabuo ng
pangungusap pagkabuo ng ang pagkabuo pangungusap at
at tama ang pangungusap ng tama ang
pagbaybay ng at tama ang pangungusap pagbaybay ng
mga salita pagbaybay ng at tama ang mga salita
mga salita pagbaybay ng
mga salita
Dayalogo Malinaw ang Di gaanong May Hindi malinaw
usapan o malinaw ang kakulangan ang usapan o
dayalogo ng usapan o ang usapan o dayalogo ng
mga tauhan dayalogo ng dayalogo ng mga tauhan
mga tauhan mga tauhan
Kabuoan

5
6
Suriin Natin Payabungin Natin
A. 1. mali
2. mali
1. D 3. mali
2. C 4. tama
3. E 5. mali
4. A
5. B
B.
6. tahimik
7. masipag
8. matapang
9. matapat Sanayin Natin
10.masama
1. mali
C. 2. mali
11. magiting 3. tama
12. mabangis 4. mali
5. mali
13. matangos
14. maputi
15. malabo
Gawin Natin Subukin Natin
A.
A. C. 1. E 4. B
2. A 5. D
1. D 1. lanta
3. C
2. C 2. kupas
B.
3. E 3. simple
6. matapang
4. A 4. maamo
7. masipag
5. B 5. mapagbigay
8. matapat
9. masama
10. tahimik
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ryan C. Rivera, Ilaw –Pinagsanib na Wika at Panitikan sa Baitang 9, 2012


Innovative Educational Materials, Inc., Philippine Educational
Publishers Association of the Philippines.

Sandy Ghaz (2018), https://philnews.ph/2018/12/20/ano-ang-pang-uri-


kahulugan-halimbawa- pang-uri/ kinuha noong Pebrero 17, 2021.

7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like