Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 4- Sanaysay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim
na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!
ii
Alamin Natin
Subukin Natin
Panuto: Piliin ang titik ng iyong tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1
3. Anong paghahanda ang maaaring gawin ng isang taong nagbabalak na
magbakasyon sa ibang bansa?
A. Mag-iipon ng pera para sa binabalak na bakasyon.
B. Manghihingi sa magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa.
C. Mangungutang upang may panggastos sa pamamasyal.
D. Magtipid sa gastusin habang nasa bakasyon.
Aralin Natin
2
sina Nanay at Tatay subalit ito pa lang ang unang pagkakataong naisama
nila ako. Nagkataon kasing nagbago ang school calendar ng unibersidad na
papasukan ko. Sa halip na sa nakasanayang Hunyo ay sa buwan ng Agosto
pa magbubukas ang klase kaya sinamantala namin ang mahaba habang
bakasyon mula Abril hanggang huling linggo ng Hulyo upang sa halip na
sila ang umuwi sa Pilipinas ay ako ang pinapunta nila sa Barcelona, isa sa
pinakakilalang lungsod sa Espanya.
Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking
magulang. Bago pa ako dumating ay inayos na nila ang oras ng kanilang
pagpasok upang lagi akong may makasama isa sa kanila. Magkaiba ang
kanilang shift sa trabaho subalit nagawan nila ng paraang tuwing Sabado
at Linggo ay maging libre sila pareho para makasama ako. Dahil dito,
napasyalan namin ang magagandang lugar sa mga lungsod ng Madrid,
Seville, Toledo, at Valencia. Sa apat na buwan ng pamamalagi ko sa
Espanya at pamamasyal namin sa iba’t ibang lungsod dito ay marami
akong natutunan at naranasan sa kanilang mga kaugalian, kultura, at
tradisyon.
Klima at Panahon
Sa mga unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay
nakaranas ako ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo
gayundin daw sa buwan ng Agosto (na hindi ko na inabutan) na itinuturing
na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng panahong maihahambing sa
ating nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng Marso at Abril. Sa mga
panahong ito’y napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya lalo na sa
Lungsod ng Barcelona upang mapasyalan ang kanilang magagandang
dalampasigang nasa baybayin ng Dagat Mediterranean.
Kultura at Tradisyon
Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang
kultura at tradisyong nag-uugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami
nilang museo at mga teatro kung saan masasalamin ang kanilang
kasaysayan. May mga araw at oras silang nakalaan para sa libreng
pagpasok sa mga museo. Halimbawa, napasok namin nang libre ang Reina
Sofia sa Madrid, isang museong tanyag sa buong mundo, libreng
nakapapasok dito ang publiko sa mga araw ng Lunes, Miyerkules,
Huwebes, at Biyernes mula ikapito hanggang ikasiyam ng gabi. Libre rin
ang pagpasok dito mula 2:30 ng hapon kapag araw ng Sabado at kapag
Linggo, libre ito mula umaga hanggang 2:30 ng hapon.
Sa pamamasyal namin sa iba’t ibang museo nakita ko ang mga obra
maestro ng mga tanyag na alagad ng sining tulad nina Salvador Dali, Pablo
Picasso, Joan Miro, Antoni Tapies, at iba pa. Ang isa pang tanyag na
museong napasok din namin nang libre ay ang National Art Museum of
Catalonia kung saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga na.
3
Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfight
kung saan ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa isang toro
gayundin ang pagsayaw ng flamenco, na labis kong nagustuhang panoorin
dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw na tila
nakaangat sa hangin at hindi lumalapat sa sahig.
Ang mga Tahanan at Gusali
Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nakita ko sa Espanya ay
ang kanilang mga gusali. Marami na ring makabagong tahanan at gusali
subalit ipinagkakapuri nila ang mga gusaling naitayo pa noong gitnang
panahon at nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang lugar. Ilan
sa mga ito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient Rooftops sa
Toledo, isa sa pinakamatandang lungsod sa Espanya kung saan
matatagpuan ang mga lumang bahay at makasaysayang mga gusali, at ang
hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia, isang UNESCO World
Heritage Site na sinasabing sinimulang gawin sa pamumuno ng tanyag na
arkitektong si Antoni Gaudi noon pang 1883. Ang mga lumang gusaling
dinisenyo rin ni Gaudi sa Barcelona tulad ng Casa Vicens, Casa Batllo,
Guell Pavilions, at iba pa ay isa-isa rin naming pinasyalan. Ang bawat
gusali ay may taglay na kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod
at maging ng bansa.
Wika
Ang kanilang wikang pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag
naman nating Espanyol. Mayroon din silang ilang diyalektong ginagamit
ng ilang pangkat tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Ang Ingles ay
nauunawaan ng ilan subalit ang pagsasalita nito ay hindi gaanong
laganap. Sabi ng aking magulang, mas kakaunting Espanyol daw ang
nakapagsasalita ng English kompara sa ibang mga bansa sa Europa.
Gayonpaman, sa hotel kung saan sila nagtatrabaho ay mahuhusay sa
Ingles ang kanilang mga katrabahong Espanyol dahil ang karamihan sa
kanilang mga bisita ay mga turistang mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kung titira ka nang matagalan sa bansang ito ay kailangang mong
matuto ng wikang Espanyol dahil ang halos lahat ng mababasa tulad ng
mga babala sa daan, mga paskil o signages, mga pangalan ng produkto, at
mahahalagang dokumento ay nasusulat sa kanilang wika. Natuwa lang
ako dahil may mga salita silang agad kong naintindihan tulad ng mga
salitang banyo, calle, ventana, coche, at iba pa. Nasakop nga pala nila tayo
sa loob ng mahigit tatlongdaang taon kaya naman marami silang naging
impluwensiya sa ating kultura kasama na ang sa ating wika.
Relihiyon o Pananampalataya
Ang isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa Espanya ay ang
pagkakaroon ng naglalakihang Simbahang Katoliko sa halos lahat ng dako
4
kaya’t ang dayuhang manggagawa tulad ng aking magulang na
naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi mahihirapan.
5
Pagsapit ng ikalima o ikalima’t kalahati ng hapon ay muli silang kumakain
ng tinatawag nilang La Merienda (sa kanila pala galing ang katawagan
nating meryenda). Magaan lang ang pagkaing ito na karaniwang tinapay
na may palaman. Ikasiyam naman ng gabi ang karaniwang oras ng
kanilang hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti ang pagkaing
nakahain na minsa’y pritong itlog o isda at ensaladang gulay lang. Hindi
rin nawawala ang paborito nilang minatamis na karaniwang gawa sa itlog
at gatas na tinatawag naman nating leche flan.
Kung ikokompara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay
masasabing huli na ang ikasiyam ng gabi subalit hindi pa rito nagtatapos
ang maghapon ng mga Espanyol. Pangkaraniwan na sa kanila ang lumabas
pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad (tinatawag nilang paseo) at
dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi lang sila upang matulog kapag
maghahatinggabi o lagpas hatinggabi na. Sa mga araw na walang pasok ay
inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng umaga sa labas ng tahanan at bago
umuwi ay karaniwang kumakain uli sila ng churros o tila pahabang donuts
na tsokolate. Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay
namana natin sa mga Espanyol sa sumakop sa atin subalit kahit anong
gawin kong paggaya sa kaugalian nila kaugnay ng pagkain at pagtulog ay
hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong walong taon na rito ay
hindi rin magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras
ng pagtulog dahil na rin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.
Isports
Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa halos lahat ng sulok
ng barangay, sa Espanya ay soccer o football naman ang tanyag na tanyag
na laro at nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng kabataan saanmang
bahagi ng bansa. Hindi makokompleto ang kanilang linggo kung hindi sila
makapanonood ng paborito nilang koponan ng soccer. Ang Real Madrid,
isang koponan ng soccer club sa buong mundo na may mahigit 228
milyong tagasuporta.
Kasuotan
Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng mga Espanyol
kompara sa atin. Tanging mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng
pantalong maong at t-shirt lalo na sa Lungsod Madrid. Ang mga
nakatatandang babae ay karaniwang nakasuot ng blusa at palda o bestida.
Ang kalalakihan ay karaniwan namang nakasuot ng may kuwelyong pang-
itaas, pantalong slacks (hindi maong), at sapatos na balat. Sa aming pag-
iikot ay halos wala akong nakitang naka-rubber o tennis shoes maliban sa
mga turistang namamasyal sa mga baybayin ng Barcelona. Sa loob ng
simbahan ay pormal ang pananamit. Katunayan, mayroon silang dress
code at ipinagbabawal ang mga damit o kasuotang hindi angkop sa
simbahang itinuturing na banal na lugar. Sa pamamasyal nila pakatapos
ng hapunan ay maayos at pormal din ang kanilang pananamit.
6
Napakarami kong natutuhan sa apat na buwang pagtira sa
Espanya. Marami silang mga kaugaliang nahahawig sa atin dahil na rin sa
impluwensiya ng matagal nilang pananakop subalit nananatili silang iba at
natatangi sa maraming bagay. Ipinagpapasalamat ko kina Nanay at Tata
yang pagkakataong ibinigay nila sa akin upang matuto ng maraming bagay
at lalong maging bukas at gumalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi
sa mundo.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 10 pp. 67-69, Rebecca De Dios
Dahil natapos mo nang basahin ang akdang ito, susukatin naman natin ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.
7
I. Pag-unawa sa Binasa
8
Mga pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw
• Ang masasabi ko ay . . .
• Ang pagkakaalam ko ay . . .
• Ang paniniwala ko ay . . .
• Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita.
• Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil . . .
• Kung ako ang tatanungin . . .
• Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
• Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
• Mahusay ang sinabi mo at ako man ay . . .
Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit…
Para sa akin . . .
• Sa aking palagay . . .
• Sa tingin ko ay . . .
• Tutol ako sa sinabi mo dahil . . .
9
➢ Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong
pananaw o paninindigan kung may matibay siyang dahilan para
maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
Panuto: Ibigay ang iyong sariling pananaw gamit ang angkop na mga
pahayag.
10
Gawin Natin
Sanayin Natin
11
Panuto: Piliin sa loob ng pangungusap ang kaugnay o pareho ang
kahulugan sa salitang may salungguhit. Isulat sa inyong
sagutang papel.
Tandaan Natin
12
Suriin Natin
Halika! Sukatin natin kung gaano na kalalim ang iyong pag-unawa sa akda.
Angkop ang
pagpapaliwanag.
Payabungin Natin
13
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
Ugaliin ang puspusang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon
o kaya gamit ang hand sanitizer na may alcohol. Lagi nating ginagamit
ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na mahawakan
natin ang ating mukha, naililipat na ang virus sa mata, ilong at bibig
at nahawahan tayo.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Madalas nating hinahawakan ang ating mata, ilong at bibig nang hindi
namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong
makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat
ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong bibig kapag uubo at babahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa
tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig
at ilong gamit ang loob ng iyong siko o tisyu kapag uubo o babahing.
Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at
maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliliit
na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may dalang virus. Sa
pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiwasan ang pagkalat ng mga virus
at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu at hindi ang
iyong kamay sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng
kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang
paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa
taong may lagnat at ubo.
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang edad ay 60 pataas o may
dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at
baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula
sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo. Bakit? Ang pagkalat ng
COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong
kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga
matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1
metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may
iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat
at ubo lang.
14
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi paglalabas gagaling ka
nang mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health
facility.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakonsulta
nang maaga kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center
para masabihan ka kung saan ka pupunta.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa
mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay
mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health
(DOH) World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health
worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay
nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa
pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa
iyong lugar. Sila ang mas nakaaalam kung anong tamang payo na
dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.
https://www.who.int/Philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-
hakbang-upang- maprotektahan -ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa covid-19.
15 10 5
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Nailahad nang malinaw
ang isyung pandaigdig.
Tiyak ang pagpapaliwanag
sa paksa.
15
Pagnilayan Natin
15 10 5
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Makabuluhan ang
pagpapaliwanag
Nailahad nang malinaw
ang sagot
16
17
Sanayin Natiin Pag-unawa sa Binasa Subukin natin
A. 1. B 1. A
2. A 2. A
1. Masayang mukha 3. D 3. C
2. Masayang mukha 4. B 4. D
3. Masayang mukha 5. C 5. B
4. Masayang mukha
5. Malungkot na mukha
B.
1. Panahon at Klima
2. Bahay at Tahanan
3. Pananampalataya at
Relihiyon
4. Pananamit at
Kasuotan
5. Hilig at Gusto
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat, Vilma C., Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariño, Mary Jane R. Dasig,
Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn C. Sayson,
Mary Grace A. Tabora, at Roderic P. Urgelles Filipino 10 Modyul para sa
Mag-aaral (2015), Vibal Group Inc., Pasig City Philippines.
Marasigan, Emily V., and Mary Grace Del Rosario, Alma M. Dayag,
Pinagyamang Pluma 10 K to 12 Aklat 1 (2015), Phoenix Publishing House
Inc., Quezon City Philippines.
https://www.who.int/Philippines/news/feature-stories/detail/ pitong-
simpleng-hakbang- upang-maprotektahan -ang-sarili-at-ang-iba-laban-
sa-covid-19.
For inquiries or feedback, please write or call:
Telefax: 227-4726