You are on page 1of 20

10

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Parabula
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Parabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
Sariling Linangan Kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Yvette Rosanna P. Escalera/ Mary Jean L. Sarol
Editor: Lyn Vincent J. Balatero
Tagasuri: Rene P. Sultan / Lyn Vincent J. Balatero
Tagaguhit: Hareld O. Candari / Jemar D. Aliňabo
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI

Department of Education Division of Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave., Davao City
Telefax: (082) 227 4726
E-mail Address: davaocity,division@deped.gov.ph
10

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Parabula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining, at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa
mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Magandang araw sa iyo.

Ang araling inyong babasahin ay isang napakagandang panitikan dahil


ito ay hango sa Bibliya. Kapupulutan ninyo ito ng aral at magsisilbing gabay
rin sa inyong buhay. Kaya halina’t basahin at unawain ang araling inihanda
para sa iyo.

Sa araling ito ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang tiyak na bahagi ng *nabasang parabula na naglalahad ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal;
2. nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong;
3. nabibigyang-puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda;
4. nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas).

Subukin Natin

Larawan ng Buhay
Marahil batid mo ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang
kaisipang dapat matutunan sa anomang uri ng babasahin. Suriin mo ang
mga larawan. Sagutin ang mga tanong at isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

A. Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ito ba ang ipinakikita sa larawan.

1) 2)

1
3)

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?


___ nagsauli ng alahas ang mag-aaral
___ nagmamano ang isang bata sa matanda
___ hinila ng tao ang matanda sa kalye
___ nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda
___ sumusunod sa batas trapiko
___ isinauli ang pitaka sa babae
___ inalalayan ang matanda na tumawid sa tawiran

2. Ano ang makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?


___ nagbibigay-aral sa mga mag-aaral
___ nagpaaalala sa mabuting ugali ng mga Pilipino
___ hindi maganda ang ipinakikita ng nasa larawan
___ nakaluluwag ng kalooban ang makatulong sa iba
___ nakatataba ng puso ang malaman na may mga mabubuting tao
sa mundo
___ masama ang tumulong sa kapwa
___ kung mabuti ang ipinakikita sa kapwa ay mabuti rin ang babalik
sa iyo

2
Aralin Natin
Basahin at unawain ang parabula.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May isang mayaman na


may isang katiwala. May nagsumbong na nilulustay ng katiwalang ito ang
kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano
ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin’. 3) Sinabi
ng katiwala sa kaniyang sarili, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin!
Maaalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa
kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong
niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito,
‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo gawin mong limampu (50), sabi
ng katiwala. 7) Tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang (100) kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng
iyong pagkakautang.’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu (80). 8) Pinuri ng amo

3
ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang
mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga
maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

9) Nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa nang mabuti sa inyong
mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliliit na
bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay, ang mandaraya sa
maliliit na bagay ay mandaraya rin sa malalaking bagay. 11) Kaya kung
hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
kayamanan na talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang


panginoon. Sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin naman ang
ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.
Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at kayamanan.”
14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim
sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong
matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng
inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Filipino Modyul 10 p. 47-48

❖ Ang inyong binasang akda ay isang maikling kuwentong may-aral na


hinango mula sa Bibliya. Ang tawag dito ay Parabula. Maaari rin itong
mangyari sa tunay na buhay kung saan nagtuturo ito ng kagandahang-
asal na siyang magiging gabay sa pagpili ng desisyon sa buhay.

Pag-unawa sa Binasa

A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala?


A. kulang ang koleksiyon
B. gagawin siyang tagabungkal
C. tatanggalin na siya sa trabaho

4
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng
mga taong may obligasyon sa kaniyang amo?
A. Paalisin man siya ay may tutulong at tatanggap sa kaniya.
B. Nagpapabango siya sa mga may utang.
C. Pagpapakita na siya ay makonsiderasyon.

3. Kung ikaw ang amo, kukunin mo pa rin ba ang ganitong uri ng katiwala
sa iyong negosyo?
A. Oo, dahil isa siyang tuso.
B. Hindi na, dahil isa siyang tuso.
C. Hindi na, dahil nawala na ang tiwala ko sa kaniya.

4. Kung alam mong nalulugi na ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong
katiwala, ano ang iyong gagawin?
A. Panatilihin ko ang naglustay ng aking negosyo.
B. Paaalisin ko siya agad at pagbabayarin sa kanyang ginawa.
C. Pahihirapan ko siya para maibalik niya ang kanyang nilustay.

5. Ano ang pangunahing mensahe ng parabula?


A. Isipin muna ang sariling kapakanan bago ang iba.
B. Maging tuso sa lahat ng bagay.
C. Huwag sirain ang tiwala ng ibang tao sa iyong sarili.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na ekspresyong ginamit sa


pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi
ng parabula. Isulat ang napiling sagot sa iyong.

lungkot galit panghihinayang


mapanghusga pagbati nakatitiyak

_____________1. “Ano ba itong narinig ko tungkol sa iyo?” Ihanda mo ang


ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa
iyong tungkulin.
_____________2. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos.”
_____________3. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang
ipinamalas nito.
_____________4. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.
_____________5. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa
kayamanan. Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si
Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.

5
Kasanayang Panggramatika at Pangretorika

Basahin at unawain ang nasa loob ng kahon.


Para sa katuparan ng isang napakatagal na pangarap ng aking lola,
naglakbay kami sa Banal na Lupain ng Gitnang Silangan na kinabibilangan
ng bansang Israel. Ako ang napiling maging kasama sa paglalakbay dahil
una, ako ang gusto niyang kasama at pangalawa, ako lang ang pwede.
Naging mabilis ang paghahanda ng aming mga papeles para sa pagkuha
ng visa at di ko na namalayang sakay na kami ng eroplano.
Mula sa Ehipto ay tumungo na ang aming tour group sa Israel. Upang
malubos ang araw na ito ay tinungo namin ang Jericho, ang itinuturing na
pinakamatandang lungsod sa buong mundo.
Para kay Lola, ang highlight ng aming pamamasyal ay nangyari sa ikaapat
hanggang ikaanim na araw kung saan naming “sinundan” ang mga yapak
ni Hesus sa buong Jerusalem gayundin sa Bethlehem at sa Nazareth.
Maliban sa mga nabanggit ay napuntahan din namin ang Church of
Nativity, Basilica Grotto, Manger Square, at Milk Grotto gayundin ang lugar
kung saan nangyari ang kasalan sa Cana.
Bagama’t nakapapagod ang lahat ng paglalakad at pamamasyal ay hindi
ko narinig na nagreklamo kahit minsan si Lola.

❖ Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin sa pagsasalaysay. Ito ay


tinatawag na pang-ugnay. Nagagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng
pagsasalaysay.

Halika, kilalanin mo pa nang lubusan ang mga pang-ugnay.

Pang-ugnay- ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng


dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.

Tatlong Pang-ugnay sa wikang Filipino

1. Pang-ukol – kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan


sa iba pang salita sa pangungusap

Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang mga kataga, salita, o


pariralang ginagamit bilang pang-ukol

Alinsunod sa / alinsunod kay Laban sa / laban kay


Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay
Hinggil sa / hinggil kay Tungkol sa / tungkol kay
Kay / kina Ukol sa / ukol kay

6
2. Pangatnig- mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, sugnay, o payak na pangungusap

Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang mga kataga, salita, o


pariralang ginagamit bilang pangatnig.

at kapag ngunit samakatuwid


anupa kaya sa madaling salita o
bagaman kundi pagkat upang
bagkus kung palibhasa sapagkat
bago habang pati subalit
dahil sa maliban sakali sanhi
datapwa nang samantala ni

3. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa pang-uri at


salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan.

Uri ng Pang-angkop

➢ Ang pang-angkop NA– ay ginagamit kapag ang unang salita ay


nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita
ng panuring.
Halimbawa: hinog na mangga, mataas na gusali

➢ Ang pang-angkop NG - ay ginagamit kung ang unang salita at


nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: pulang rosas mabuting kaibigan,
masamang kaaway

❖ Ang G- ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa


titik n na magdudugtong sa ikalawang kasunod na salita.
Halimbawa: bituing maningning, upuang sira

Gawin Natin

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sinalugguhitang salita ay nasa


anyong pang-ukol, pangatnig o pang-angkop. Isulat mo sa
sagutang papel ang iyong mga sagot.

______________1. Ayon sa balita, laganap na ang pagkalat ng Corona virus.


______________2. Nagbigay ng utos ang DOH palaging malinis ang
kapaligiran, at iwasang dumalo sa mga mass gathering.

7
______________3. Mahigpit na mahigpit ang pamamahala ng aming mayor
upang masugpo ang pagkalat ng virus.
______________4. Para sa kaligtasan ng nakararami, iniutos na manatili lang
sa bahay, gumamit ng face mask kapag lalabas at ugaliing
maghugas palagi ng kamay.
______________5. Kung susunod lang ang lahat sa mga patakaran ng IATF ay
maiiwasan ang pagtaas ng insidente ng COVID 19.

B. Panuto: Punan ang mga linya ng angkop na pang-ugnay upang


mabuo ang diwa ng talata. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.
Isang beses lang dapat gamitin ang bawat pang-ugnay.
Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

kayâ at
para sa dahil sa
upang laban sa

Ang Pilipinas ay nakatala ng kauna-unahang ginto sa Tokyo Olympics


1 ___________sa isang Pinay na weightlifter. Siya si Hidilyn Diaz. Halos isang
daang taong nanamlay ang Pilipinas sa pagwagi ng ginto. 2____________
ngayon nagkaroon na ng napakalaking pagbabago sa kaniyang buhay.
Hindi naging hadlang ang kalagayan at edad niya 3____________ ipakita ang
taglay niyang talento at lakas. Hindi siya sumuko 4___________ sa huli ay
nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong mundo ang kaniyang
talento at determinasyon. Napatunayan niyang may kaya pang gawin ang
mga Pilipinong tulad niya. 5_________ lahat ng Pilipino ang tagumpay na ito
ni Hidilyn Diaz.

Binabati kita dahil naunawaan mo ang aralin. Ihanda pa ang sarili sa


karagdagan pang pagsasanay ang sasagutin mo upang lumawak pa ang
iyong matutunan.

Sanayin Natin

Narito ang isa pang Parabula. Basahin at unawain ito nang mabuti.
Tinitiyak kong may mapupulot kayong aral mula rito.

8
Parabula ng Nawawalang Tupa

Ang “Parabula ng Nawawalang Tupa” ay hango sa Bibliya na


matatagpuan sa aklat ng Lucas Kabanata 15 talata 1 hanggang 7 (Lucas
15:1-7).
Isang araw ay lumapit kay Hesus ang mga taong makasalanan at
mga maniningil ng buwis upang makinig sa kaniyang mga turo. Nakita
ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay
nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo raw umano si Hesus sa
mga taong makasalanan.
Nang marinig ito ni Hesus ay kaniyang ibinahagi ang talinghaga ng
nawawalang tupa. May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit
nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang
nawalang isa.
Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan
saka umuwi.
Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kaniyang kaibigan at
mga kapitbahay at sinabing, “Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko
na ang tupa kong nawawala!”
Makaraang ilahad ni Hesus ang talinghaga ay kaniyang sinabi,
“Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang
makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam
na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Panuto: Piliin at bilugan ang tamang letra ng sagot batay sa


nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasa.

1. Sinong tauhan sa binasang parabula ang binigyang pansin ni


Hesus?
A. tupa B. lalaki C. Pariseo

2. Ano ang turing ng mga Pariseo kay Hesus?


A. Siya’y maniningil ng buwis.
B. Siya’y isa ring makasalanan dahil sa pakikipaghalubilo nito sa
mga tao.
C. Siya’y nagtuturo sa mga maniningil ng buwis.

3. Nang marinig ni Hesus ang mga sinabi ng Pariseo, ano ang ginawa
ni Hesus?
A. Pinagsabihan Niya ang mga ito.
B. Nagsermon Siya ukol sa isandaang tupa.
C. Ibinahagi Niya ang ukol sa isang lalaking hinanap ang
nawawalang tupa.

9
4. Ano ang naging kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa
akda?
A. Nawawala ang isang tupa mula sa isandaang tupa ng isang
lalaki.
B. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam na tupa at hinanap ang
isang nawawala.
C. Nagkaroon na kasayahan sa bahay ng lalaki nang matagpuan
niya ang nawawalang tupa.

5. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda? Ito


ay isang akdang
A. nangungumbinsi B. naglalarawan C. nagbabalita

Tandaan Natin

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral ng karaniwang batayan ng mga kuwento na nasa Banal
na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga
parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng
misteryo.

Ang pang-ugnay ay ginagamit natin sa pagsusunod-sunod ng


pangyayari. Sa pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon at
pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal.

Mga uri ng pang-ugnay:


a. pang-angkop; b. pangatnig; c. pang-ukol

Suriin Natin

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa parabulang Ang Tusong Katiwala


batay sa nilalaman, kakanyahan at elemento. Isulat sa loob ng
kahon ang inyong sagot. Isulat sa iyong sagutang papel, sundin
ang format ng gawain.

Nilalaman ng Parabulang Tusong Katiwala


(2 puntos)

10
Kakanyahan (mensahe/aral) ng parabulang Tusong
Katiwala (3 puntos)

Elemento ng parabula
(tauhan, tagpuan, banghay) (5 puntos)

Payabungin Natin

A. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang pangatnig na nawawala sa


pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

kaya habang upang at dahil

1. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti ______makapasa sa


kanilang pagsusulit.
2. Nakikinig sila sa paliwanag ng guro _______ naiintindihan nila ang
paksa.
3. Tuwang-tuwa ang kaniyang magulang _______ mataas ang kaniyang
marka sa Filipino.
4. Ang mga Pilipino ay umaasa _______ nananalig na uunlad ang Pilipinas.

B. Panuto: Piliin ang titik ng wastong pang-angkop upang mabuo ang diwa
ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

5. Naging bansa__ (A. ng B. na C. g) malaya na ang Pilipinas dahil sa


mga Amerikano.
6. Ang mga papel __ (A. g B. ng C. na) basa ay inihiwalay niya ng
lalagyan.
7. Kakaibang angkin __ (A. na B. ng C. g) talino ang ipinakita niya sa
patimpalak.

11
C. Panuto: Tukuyin ang wastong pang-ukol na ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

8. (Labag sa, Tungkol sa, Ayon sa) batas ang magnakaw.


9. Ang seminar na ginanap ay (para sa, kay, ayon sa) pagpapalawig ng
kaalaman ukol sa masamang dulot ng pandemya sa bawat isa.
10. (Ayon sa, Tungkol sa, Laban sa) mga nangangasiwa ng Kagawaran ng
Kalusugan, ang pagpapanatili sa bahay ang pinakamainam na tulong
ang maiambag ng mga tao laban sa COVID 19.

Pagnilayan Natin
Narito ang isa pang Parabula na inyong babasahin.

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo sa Lawa

Ang kwento sa Bibliya na “Pinatigil ni Hesus ang Bagyo sa Lawa” ay


hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 8 talata 23
hanggang 27 (Mateo 8:23-27).

Nang minsang sumakay si Hesus sa bangka kasama ang kaniyang


mga alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Sa lakas ng
bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila.
Nagkataon namang natutulog noon si Hesus kaya ang mga alagad ay
nilapitan at ginising siya.
“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”

12
Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y
natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!” Nang oras ding yaon ay
bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang
panahon. Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing,
“Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod
sa kaniya!”

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Sumulat lamang ng tatlo


hanggang limang (3-5) pangungusap ng inyong sagot. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel. Kopyahin ang tanong.

1. Ano ang ipinakikitang pag-uugali ng mga taong nakasakay sa bangka?


Magbigay rin ng isang halimbawa na magpapatotoo sa iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Anong mensahe o aral ang hatid ng binasa mong parabula?


Magbigay ng sitwasyong kaugnay sa iyong ibinigay na sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamantayan 5 4 3
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Epektibong nailahad ang
mensahe
Naihayag nang malinaw ang
kabutihan at magandang-asal

Binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. Hanggang sa susunod mo


pang paglalakbay.

13
14
Payabungin Natin
A. 1. upang
2. kaya
3. dahil
4. at
B. 5. A
6. C
7. C
C. 8. labag sa
9. para sa
10. ayon sa
Subukin Natin
1. ✔ nagmamano ang isang bata sa matanda
✔ nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda
✔ sumusunod sa batas trapiko
✔ isinauli ang pitaka sa babae
✔ inalalayan ang matanda na tumawid
Gawin Natin
A. 1. pang-ukol 2. ✔nagbibigay aral sa mga mag-aaral
2. pang-angkop ✔nagpapaalala sa mabuting ugali ng Pilipino
✔nakaluluwag ng kalooban ang makatulong
3. pangatnig
sa iba
4. pang-ukol
✔nakatataba ng puso ang malaman na may
5. pangatnig mabubuting tao sa mundo
✔kung mabuti ang ipinakikita sa kapwa ay
B. 1. dahil sa mabuti rin ang babalik sa iyo
2. kaya
3. upang Aralin Natin
4. at A. 1. C
5. para sa 2. A
3. C
4. B
Sanayin Natin 5. C
1. B
2. B B. 1. Galit
3. C 2. lungkot
4. B 3. pagbati
5. A 4. nakatitiyak
5. mapanghusga
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, V., M.T. Barcelo, E. Cariňo, M.J. Dasig, W. Enrijo, S. Molina, J. Rivera,
R. Sayson, M.G. Tabora, at R. Urgelles. Filipino 10 Modyul Para sa
Mag-aaral (2015), Vibal Group, Incorporation, Pasig City Philippines.

Marasigan, E., M.G. Del Rosario, A. Dayag., Pinagyamang Pluma 10 K to 12,


(2015), Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City Philippines.

Santiago, Alfonso, at N. Tiangco. Makabagong Balarilang Filipino, (2003)


Nicanor Reyes, Rex Book Store, Sr. St. Manila Philippines.

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like