You are on page 1of 17

Department of Education

National Capital Region

10 SCHOOLS DIVISION OFFICE


MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 2:
Pagsusuri sa Parabula, Pagbibigay-puna
sa Estilo ng May-akda at Paggamit
ng Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

May-Akda: Deborah C. Joseph


Marcerin R. Permejo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character 1

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin:


● Aralin: Pagsusuri sa Parabula, Pagbibigay-puna sa Estilo ng May-akda
at Paggamit ng Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:


A. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
B. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong
C. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
matinding damdamin
D. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)

Subukin

Bilang panimula ng aralin, subukin ang iyong kaalaman sa pagsagot ng


pagsasanay sa ibaba.

Piliin at bilugan ang mga bilang ng mga pahayag na nagsasaad ng


katangian ng parabula.
1. Makatotohanan ang banghay.
2. Isa itong mahabang salaysay.
3. Hango ito sa Banal na Kasulatan.
4. Mga kakaibang nilalang ang ginamit na mga tauhan.
5. Mayroon itong aral na iniiwan na maaaring pagnilayan ng bumabasa.

City of Good Character 1

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Pagsusuri sa Parabula, Pagbibigay-
Aralin puna sa Estilo ng May-akda,
at Paggamit ng Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa pagsusuri ng parabula,


pagbibigay-puna sa estilo ng may-akda at paggamit ng pang-ugnay sa
pagsasalaysay. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat
ang lahat ng gawain.

Balikan

Alalahanin muna ang panitikang tinalakay sa naunang modyul. Kapag


nasagot mo itong lahat nang tama, tiyak na handa ka na sa bagong aralin.

Lagyan ng markang ang patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
tama para sa mitolohiya. ang ilagay kung ito ay mali.

_____1. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos at diyosa.

_____2. Kabilang sa akdang patula ang mitolohiya.

_____3. Kapupulutan ng aral ang mga mitolohiya.

_____4. Naglalaman ito ng mga di-makatotohanang pangyayari.

_____5. Ang akdang “Si Cupid at Psyche” ay isang mitolohiya.

City of Good Character 2

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tuklasin

A. Panimula:
Basahin ang isang artikulo at alamin ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal na nakapaloob.

Dating Pulubi Noon, Namimigay Na Ngayon Ng Libreng Pagkain


Sa Mga Street Dwellers
Abril 14, 2021
Naaalala n’yo pa ba ang kuwento ng isang gurong palaboy na minsan nang
naging viral sa social media?
Matatandaan na marami sa atin ang naantig sa kuwento ng buhay ng palaboy
na si Roberto Planado Jr. o mas kilala sa tawag na "Berta" sa kanilang lugar sa
Cebu. Siya ay unang naging viral sa social media dahil sa kaniyang husay
pagdating sa pagsasalita ng Ingles bago siya madiskubre sa KMJS.
Si Berta ay mahigit 17 taon na ding nanirahan sa iba't ibang lugar sa Cebu.
Ang panghihingi sa mga tao o panlilimos sa mga residente ang siyang nagiging
pantawid gutom ni Berta. Marami naman sa mga tao ang humanga sa kaniya dahil
sa kaniyang husay pagdating sa pakikipag-usap sa mga tao gamit ang wikang
Ingles.
Dating nagtatrabaho bilang guro si Berta ngunit nawala siya sa tamang pag-
iisip dahil sa pagkasawi sa pagmamahal. Isang vlogger ang nakadiskubre kay Berta
sa lansangan at itinuturing na din niya si Berta bilang kaniyang Kuya. Kaya naman
ang naturang vlogger na si Anton ay humingi ng tulong sa isang treatment facility
para mabigyan ng aksyon ang sitwasyon ni Berta.

Matapos ang paninirahan sa Safe Haven treatment recovery village sa loob ng


isang buwan, labis na nag-iba ang kilos at hitsura ni Berta.
Bukod sa naging malinis at maaliwalas ang kaniyang awra, naging maayos na
din ang kaniyang pakikipag-usap sa ibang tao na nakakasalamuha. Kung dati ay
siya ang binibigyan o nanghihingi ng pagkain sa mga tao na kaniyang
nakakasalubong o nakikita sa daan, ngayon ay si Berta na mismo ang namimigay
ng mga pagkain at ibang mga pangangailangan ng mga street dwellers.

Kasama ni Berta sa pamamahagi ng libreng pagkain ang grupo ng Safe Haven,


kung saan siya naninirahan ngayon at ang Battle Ignorance Foundation Inc.
Samantala, marami naman ang humanga kay Berta dahil kahit malaki na ang
naging pagbabago sa kaniya, nananatili pa din ang kabutihan ng kaniyang puso.

Mula sa https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/dating-pulubi-noon-
namimigay-na-ngayon.html

City of Good Character 3

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Itala sa loob ng kahon ang hinihinging kaisipan mula sa binasa.
Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal

B. Pagbasa:

Ngayon ay magbabasa ka ng isang parabula. Basahin at unawain ang


teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na kasunod.

Ang Tusong Katiwala


( Lukas 16: 1-15 )
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang taong


mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanya na nilulustay nito
ang kanyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala’t tinanong, “ano
ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” 3) Sinabi ng katiwala sa
kanyang sarili, “ano ang gagawin ko? Aalisin na ako sa aking pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. 4)
Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap
naman sa akin sa kanilang tahanan.”

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong
niya ang una, “ magkano ang utang mo sa aking amo ?” 6) sumagot ito,
“isandaang tapayang langis po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang.
Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,” sabi ng katiwala. 7) At
tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, gaano ang utang mo? Sumagot ito,
“isandaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,” sabi
niya. “Isulat mo, walumpu.” 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng
mundong ito.

City of Good Character 4

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


9) At nagpatuloy si Hesus sa kanyang pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa
inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa
inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay
ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala
sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang


panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi
tayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at kayamanan.” 14) Nang marinig
ito ng Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t
sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng tao, ngunit
alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na
mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”
Mula sa: Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp. 47-48

Pag-unawa sa Binasa:

A. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang puna ang estilo ng may-akda sa pamamagitan ng pagsusuri


sa bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin.
Tukuyin kung ano ang damdaming nakapaloob sa bawat pahayag. Piliin ang
sagot sa loob ng kahong inilaan.

Galit
galit pagkatuwa pagkasabik pag-aalala pagkasuklam

1. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang iyong ulat ng


iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”

2. “Ano ang gagawin ko? Aalisin ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi
ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”

3. “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay


may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.”

4. “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan


mo, gawin mong limampu,” sabi ng katiwala.

5. “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng


Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na
mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

City of Good Character 5

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Ilagay sa talahanayan sa ibaba ang iyong kasagutan.

Damdaming Magbigay ng maikling paliwanag kung paano


nakapaloob mo natukoy ang damdamin.
1.
2.
3.
4.
5.

B. Sagutin ang mga katanungan ukol sa parabulang binasa.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa parabulang “Ang Tusong Katiwala”?

2. Ano ang ginawa ng katiwala na ikinagalit ng kanyang amo?

3. Ipaliwanag ang suliraning kinaharap ng katiwala.

4. Paano niya nilutas ang suliraning ito?

5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin sa katiwalang naglustay sa
iyong negosyo?

6. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng katiwala sa mga taong may utang sa


kaniyang amo? Bakit?

7. Ano ang mensahe ng parabulang ito?

8. Paano nakatutulong ang mga mensahe ng mga parabula sa buhay ng


tao?

City of Good Character 6

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Suriin

Panitikan: PARABULA

Ang parabula ayon sa Elements of Literature nina Holt et al (2008) ay


isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral
na karaniwang batayan ng mga kuwento na nasa Banal na Kasulatan.
Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay
may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.
Mula sa Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pah. 47
Bagamat maikli lamang ito, taglay pa rin nito ang sumusunod na
elemento:
1. Tauhan- mga taong pangkaraniwan at mga kilala sa panahon ni
Kristo tulad ng eskribano, manggagawa at iba pa
2. Tagpuan-lugar na pinagyarihan ng kuwento, kadalasang mga
lugar na pamilyar sa panahon ni Kristo
3. Banghay- kinapapalooban ng mga makatotohanang
pangyayaring nauukol sa isang sitwasyon. Dahil ito ay salaysay,
may simula ito na dumadaloy hanggang sa kinahinatnan o
wakas.
4. Mensahe/aral- Mauunawaan sa pagtatapos ng parabula. Ang
mensahe o aral nito ay pinagninilayan upang lubos na
maunawaan lalo na’t ito’y isinulat sa patalinghagang pahayag.
Dahil mula ito sa Bibliya, ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang asal ang nais ipabatid nito sa mambabasa.
Ang kakanyahan o katangiang taglay lamang ng parabula na wala
sa ibang uri ng panitikan ay ang pinagmulan nito. Ang mga parabula ay
nababasa sa Banal na Kasulatan o Bibliya.

City of Good Character 7

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Wika at Gramatika:
A. BISA NG PAGGAMIT NG MGA SALITANG NAGPAPAHAYAG NG
MATINDING DAMDAMIN
Maliban sa kaisipang nakapaloob sa mga pahayag, kinapapalooban din ito ng
damdamin. Narito ang mga paraan upang mabisang maipahayag ang damdamin
gamit ang mga salita sa pangungusap.
1. Paggamit ng padamdam na pangungusap
Ang bantas na pandamdam (!) ay nagpapahiwatig ng matinding damdamin.
Kapag sinamahan pa ng mga ekspresyon o sambitlang nagpapahiwatig ng iba-
ibang damdamin, tiyak na makukuha ang emosyong nais ipabatid.
o Paghanga: Wow! Naks! Galing naman!
o Pagkatuwa: Yehey!
o Pagkagulat: Ay!
Maaari ding gamitin ang tandang pananong upang ipahiwatig ang
pagkabigla na may halong pagtataka.
o Pagkagulat at pagtataka: Ha? Talaga?
o Pagkagalit: Anong sinabi mo?
2. Paggamit ng salita o pahayag na tiyakang nagpapadama ng damdamin ng
nagsasalita
Ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag ngunit maaari ding gamitan ng
tandang padamdam upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin.
o Pagdaramdam: Dinaramdam ko, hindi na ako makasasama sa inyo.
o Pagkasiya: Mabuti naman at nanarito na kayo.
o Pagtataka: Hindi ako makapaniwala sa balitang iyan.
o Pagkainis: Nakakainis ka na ha.
3. Paggamit ng iba’t ibang konstruksyong gramatikal
a. Binubuo ng pariralang adjectival (hal. ang + salitang ugat ng pang-uri)
o Ang ganda ng tulang iyan.
o Ang ilap ng gansa.
b. Ekspresyong nagpapahiwatig ng antas na kasukdulan
o Nakapakulit ng aking nakausap.
o Sobrang bait ng aking ina.
o Pagkasarap-sarap ng kanyang iniluto.
c. Paggamit ng negatibong ekspresyon na binibigyang diin kapag binibigkas
kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa
o Wala kang maaasahang ano man sa kanya.
o Hindi matatalo ng sino man ang nanalong kampeon.
o Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.

City of Good Character 8

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


d. Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang
bigyang diin ang kaisipan. Ito ay tanong na di kailangang sagutin dahil
lantad na.)
o Ang ganda ng ginawa nila, di ba?
o Dahilan ba iyan para malungkot ka?
o Sino hindi nakaaalam niyan?
B. MGA PILING PANG-UGNAY SA PAGSASALAYSAY

Ang mga pang-ugnay ay maaaring gamitin sa pagsasalaysay ng


sunod-sunod na mga pangyayari. Maaaring ito ay para sa pagsisimula,
pagpapatuloy at pagpapadaloy, at pagwawakas.
Sa pagsisimula, maaaring gamitin ang noon, noong una, noong
unang panahon, sa simula at iba pa.
Ang mga pangyayari sa kalagitnaan ay maaaring mapadaloy o
maipagpatuloy sa paggamit ng ikalawa, ikatlo, at, habang, samantala,
pagkatapos, sumunod, saka at iba pang katumbas nito na aangkop sa
pagsasalaysay.
Sa pagwawakas, magagamit ang sa pagtatapos, bilang pangwakas,
sa huli, sa bandang huli, kaya naman at iba pa.
Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pah. 47, 49 at 53

City of Good Character 9

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Pagyamanin

Basahin ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano” at sagutin ang mga


pagsasanay na kasunod.

Ang Mabuting Samaritano

Ang parabulang ito ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng


Lucas, Kabanata 10 Talata 25 hanggang 37 (Lucas 10:25-37)

Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang eskriba na dalubhasa


sa kautusan upang siya ay subukin. Pagkatapos, tinanong niya si Jesus ng,
“Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang
hanggan?”
Kung kaya’t sumagot si Jesus at tinanong sa lalaki, “Ano ba ang
nakasulat sa kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang panginoong Diyos nang buong puso,
kaluluwa at lakas. At ibigin ang kapwa gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay Jesus. Gawin daw iyon at
magkakamit siya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa
sa kautusan ay nagtanong pa ulit ito kay Jesus.
“Guro sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mabuting
Samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalaem papuntang
Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan. Pagkatapos ay hinubaran, binugbog at
iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan siya
ay lumihis siya ng daan at nagpatuloy lamang sa paglalakad na parang
walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog-
saradong katawan. Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking
Samaritanong naglalakbay at nang makita ang lalaki ay agad niya itong
tinulungan. Siya’y naawa dito, binihisan at nilinis ang sugat saka
binendahan.
Kung kaya isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa
bahay panuluyan upang maalagaan siya doon.

City of Good Character 10

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping
pilak sa namamahala ng bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan muna ang
lalaki at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan niyang pera
ay babayaran na lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa
palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang
ng mga tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus. “Kung gayon humayo ka’t gayon din
ang gawin mo.”
Sanggunian: https://pinoycollection.com/parabula

A. Kilalanin ang katotohahanan, kabutihan at kagandahang-asal na


ipinakita sa tekstong Ang Mabuting Samaritano. Sundin ang grapikong
pantulong sa ibaba.

City of Good Character 11

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


B. Ilahad ang hinihingi sa bawat kahon.

Tauhan

Makatotohanang
Tagpuan
Ang pangyayari

Mabuting
Samaritano

Mensahe Kakanyahan

Isaisip

Ang parabula ay isang maikling _________________ na


naglalahad ng __________________ pangyayari. Nagbibigay-aral ito sa
kabutihan at ___________________ na dapat isabuhay ng tao.
Sa tulong ng pili at angkop na mga salita, maipahahayag hindi
lamang ang malinaw na kaisipan, maging ang ____________ sa
pahayag ay nagiging malinaw.

Sa _________________ tulad ng parabula, ginagamit ang mga


pang-ugnay na maghuhudyat sa simula, pagpapadaloy,
pagpapatuloy at pagwawakas.

City of Good Character 12

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Isagawa
Ibuod ang pabulang “Ang Mabuting Samaritano” sa pamamagitan ng
paggamit ng graphic organizer na story frame. Sikaping makagamit ng mga
pang-ugnay sa pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari.

Sundan ang palaso sa paglalagay ng sunod-sunod na pangyayari.

City of Good Character 13

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tayahin
Ngayon naman ay susulat ka ng isang salaysay ng iyong sariling
karanasan tungkol sa kaugnay na mensahe ng parabulang tinalakay sa
aralin, ang pagtulong sa kapwa.
Sa pagsasalaysay, sikaping gumamit ng mga pang-ugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Sikapin ding mailahad ang
damdamin sa pamamagitan ng angkop na mga salita sa pagpapahayag.
Lagyan ng magandang pamagat ang inyong salaysay.
Gamiting gabay sa pagsulat ang mga pamantayang nasa ibaba.

Pamantayan Puntos
Naiugnay ang mensahe ng parabula sa binuong 10
salaysay
Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagsusunod- 10
sunod ng mga pangyayari
Nalapatan ng damdamin ang mga piling pahayag 10
sa pagsasalaysay
Kabuuaan 30

Upang lalong mahasa ang kasanayang may kaugnayan sa ating aralin,


maaari kang pumili ng isa sa gawain sa ibaba.

1. Humanap ng isa pang halimbawa ng parabula na iyong naibigan.


Ilahad ang kaisipang nakapaloob at iugnay ito sa kasalukuyang sitwasyon.

2. Gumupit ng larawang nagpapakita ng kabutihang asal ng mga


Marikeño. Lagyan ito ng kapsyong nagsasaad ng matinding damdamin.

Isang malugod na pagbati dahil natapos mo ang araling ito. Hinahangaan


ko ang iyong kasipagan.

City of Good Character 14

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Susi sa Pagwawasto

5.
4.
3.
2.
1.

Balikan

bumabasa.
5. Mayroon itong aral na iniiwan na maaaring pagnilayan ng
4.
3. Hango ito sa Banal na Kasulatan.
2.
1. Makatotohanan ang banghay.
Subukin

Sanggunian

Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral


https://pinoycollection.com/parabula

City of Good Character 15

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Deborah C. Joseph (Guro, PHS)


Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)
Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (THS)
Kimberly M. Capuno (MHS)
Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (Superbisor sa Filipino)
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)
Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character 16

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like