You are on page 1of 7

JUDGE FELICIANO BELMONTE SR.

HIGH SCHOOL
SANAYANG GAWAIN
Filipino 10

Pangalan: ______________________________ Pangkat: ______________ Petsa: _______________

ARALIN 3: Parabula-Syria
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
Gramatika/Retorika: Mga Piling Pag-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)

Mga Layunin:
A. Panitikan
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal.
2. Nabibiigyang-puna ang istilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng
pagkilala sa damdaming ipinahahayag.
B. Gramatika – Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas).
C. Produkto – Nakagagawa ng sariling hashtag o islogan tungkol sa pagiging huwarang kabataan.

SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Agad na gumawa ng paraan ang Tusong Katiwala upang hindi siya tanggalin sa tungkulin. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Mahusay C. Mapanlinlang
B. Mayabang D. Mapagkakatiwalaan
2. Ito ay tumutukoy sa mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng
buhay.
A. Dagli C. Pabula
B. Nobela D. Parabula
3. Sa anong aklat ng Bibliya Matatagpuan ang “Tusong Katiwala”?
A. Roma C. Mateo
B. Marcos D. Lukas
4. Pinuri ng amo ang tusong katiwala __________________sa katalinuhan nito. Ano ang angkop na pang-
ugnay sa pangungusap?
A. Ngunit C. Dahil
B. Upang D. Subalit
5. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian
________________ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. Ano ang angkop na pag-ugnay?
A. Kaya’t C. Ukol
B. Tunay nga D. Saka
I- TUKLASIN
A. Gawain
Panuto: Masdan at suriing mabuti ang larawan at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

https://www.youtube.com/watch?v=aqXWUwa1nTc

1. Ano ang tinutukoy ng larawan? _______________________________________________


2. Kung magkakaroon ka ng pagkakataon gagawin mo rin ba ang ginawa ng sidecar boy?
Bakit____________________________________________________________________
3. Marami pa kaya sa kasalukuyan ang mga katulad ng sidecarboy ang may mabubuting
kalooban? Patunayan. _______________________________________________________

B. Pokus na Tanong
1. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabola bilang akdang pampanitikan?
2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito?

II- LINANGIN
A. Paglinang ng Talasalitaan
Sa pagtukoy ng ekspresyong nais ipahiwatig ng isang pahayag ay mahalaga na malaman mo ang
nilalaman ng damdamin nito katulad ng mga sumusunod…

1. Maraming empleyado ng ABS-CBN ang apektado ng pagkakansela ng kanilang prangkisa. Lungkot


2. Ayon sa DOH ay pababa na ang kaso ng mga tinatamaan ng sakit na Covid-19. Tuwa

Panuto: Bigyang-puna ang istilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng
pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming
angkop sa pahayag at isulat sa sagutang papel.

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang
kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin”.
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos”.
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti
sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan.”
5. “Hindi mo iningatan ang tiwala na ibinigay ko sa iyo pamamanahan pa naman sana kita”.

Panghihinayang Pag-aalala Lungkot


Pagaalinlangan Galit Pagpapaalala

B. Pagbasa ng Teksto

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko?
Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang
utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman
niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan
kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.9) At nagpatuloy si Hesus sa
pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng
mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay;
ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na
kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa
inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng
mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga
puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Sanggunian: Philippine Bible Society


C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

1. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala? _________________________________________


2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa
kaniyang amo?_______________________________________________________________
3. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan?
Patunayan ang iyong sagot. _____________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?_______________________
5. Aplikante ka sa isang kompanya, ano ang mayroon ka at bakit ikaw ang pipiliin para sa
trabaho? __________________________________________________________________

Alam mo ba na…
Ang Parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay nito at ang mga tauhan ay
tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaring my sangkap ng misteryo.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Sanggunian: mula sa Elements of literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

• Ang Alibughang Anak


• Parabula ng Sampung Dalaga
• Ang Mabuting Samaritano
• Parabula ng Nawawalang Tupa
• Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
• Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
• Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
• Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

III- UNAWAIN
A. Gramatika
Mga Gamit ng Pang-ugnay o Panandang Pandiskurso sa Pagsunod-sunod ng Pangyayari

1. Ginagamit sa pagdaragdag at pag-iisa isa ng mga impormasyon ang mga salita na gaya ng
pagkatapos, saka, una, sumunod, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
Halimbawa:

A. Matindi ang ating pinagdadaanan dahil sa pandemyang nararanasan ngayon, maniwala tayo na sa
dakong huli ay malalampasan din natin ang pagsubok na ito.

2. Ginagamit naman sa ugnayang lohikal ang kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
Halimbawa:
A. Maraming tao ang apektado dahil sa COVID-19 kaya naman naglunsad ang pamahalaan ng
programa upang matulungan ang mga kababayang apektado.
B. Ibinaba na sa GCQ o “general community quarantine” ang buong NCR dahil sa pagbaba ng bilang
ng kaso ng COVID-19, bunga ito ng mahusay na pagsunod sa patakaran ng ating mga kababayan.

Sanggunian: Filipino, Modyul para sa Mag-aaral: Panitikang Pandaigdig

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang pagsasalaysay sa ibaba punan ng ito wastong pang-ugnay at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Kailangan kong tibayan ang aking loob (upang, dahil) maipagpatuloy ang aking pag-aaral, 2. (kaya
naman,pagkatapos) gagawin ko ang lahat ng paraan upang matupad ang aking pangarap. Gagawin ko ang
mga ibibibigay na gawain ng aking mga guro 3. (pagkatapos, gayun din) ang pagtulong sa mga gawaing
bahay. 4. Hindi hadlang ang pandemyang ito upang magpatuloy sa buhay (bagama’t, sapakat) mahirap ay
kailangang lumaban dahil sa 5. (bandang huli, pagkatapos) ay malalampasan din natin ang pagsubok na ito.

Pagsasanay 2
Panuto: Bumuo ng 5 pangungusap gamit ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso tungkol sa iyong
naranasan o saloobin ngayong may pandemya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

B. Pagsagot sa Pokus na Tanong

1. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?


_________________________________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito?
__________________________________________________________________________________

IV- ILIPAT
Panuto: Laganap ang karahasan sa panahon natin ngayon minsan pa nga ay sangkot ang mga kabataan.
Bilang isang huwarang kabataan, bumuo ka ng 5 sariling #hashtag o Islogan na dapat hangaan at tularan ng
mga kabataan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: #Maging mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon


#Ingatan ang kalusugan bisyo ay iwasan

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Puntos


1. Mensahe at aral na nakapaloob sa iyong #hashtag 10
2. Kaayusan at kalinisan ng pagkakasulat 5
3. Orihinalidad 5
KABUOAN 20
V- TAYAHIN
PANUTO: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Tatang ako na po ang magbibitbit ng iyong mga dala upang kayo ay makapagpahinga. Anong damdamin
ang nais ipahayag ng pangungusap?
A. Pagkaawa B. Galit C.Pagtataka D. Pag-aalinlangan
2. Tayong lahat ay nananalangin na sana ay matapos na ang pandemyang ito upang bumalik na sa normal
ang lahat. Anong damdamin ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pag-aalinlangan B. Galit C. Pagtataka D. Pag-asa
3. Sa wakas ay pababa na ang kaso ng mga tinatamaan ng sakit na COVID 19.
A. Pagkaawa B. Galit C. Pagtataka D. Pagkatuwa
4. Ano ang ginawa ng katiwala sa mga taong may utang sa kaniyang amo upang hindi siya tanggalin
sa trabaho?
A. Dinagdagan ng utang C. Pinilit magbayad
B. Binawasan ang utang D. Sasampahan ng asunto
5. Ano ang naging reaksiyon ng amo sa ginawa ng katiwala sa mga may utang sa kaniya.
A. Pinuri ang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas
B. Tinanggal sa trabaho ang katiwala
C. Nalungkot ang amo
D. Itinaas sa katungkulan ang katiwala
6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng parabula?
A. Nagpapakita ng pinagmulan ng mga bagay C. Mga hayop ang pangunahing tauhan
B. Nagtuturo ng mabubuting asal. D. May kakintalan sa mga mambabasa
7. Ang pahayag na “At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin
ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung
maubos na iyon at tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan” ay nangangahulugan
lamang na.
A. Wala ng hihigit pa sa kaligayahan dulot ng pera
B. Wala ng hihigit pa sa maaring idulot ng pagiging mabuting tao sa kanyang kapwa.
C. Ang pagbibigay ng pera ay tanda ng pagiging mabuting tao
D. Magbigay ka upang pamarisan ng iba
8. Pinuri na amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito______________darating
din ang araw na magsisi siya sa kaniyang ginawa. Ano ang angkop na pang-ugnay sa
pangungusap?
A. Gayon din B. Upang C. Saka D. Subalit
9. May mga tao talagang matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng
pandemya__________________ay Diyos ang magbabalik ng kanilang mabubuti gawa. Ano ang
angkop na pang-ugnay o panandang pandiskurso sa pangungusap.
A. Pagkatapos B. Gayon din C. Sa dakong huli D. Subalit
10. Maraming pagbabago ang mararanasan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayong taon
tulad na lamang ng pananatili sa loob ng bahay at isa pa, ang paraan ng pagtuturo sa
pamamagitan ng internet. Anong salita ang ginamit sa pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga
impormasyon?
A. Tulad B. Internet C. Mag-aaral D. Isa pa

You might also like