You are on page 1of 10

F.

9
FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 1:
Pagpapatunay na Maaaring Mangyari
sa Tunay na Buhay ang Binasa

May-akda: Linda A. Delgaco


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin -Pagpapatunay na Maaaring Mangyari sa Tunay na Buhay


ang Binasa

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:

A. nasasagot ang mga tanong sa binasang parabula;


B. naiisa-isa ang mga pangyayari sa parabula na maaaring maganap
sa tunay na buhay sa kasalukuyan; at
C. napatutunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan

Subukin

Bago tayo magsimula, piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa isang
malinis na papel ang iyong napiling sagot.

1. Saan kadalasang hinahango ang mga parabula?


A. Batas B. Aklat C. Relihiyon D. Bibiliya

2. Isa itong akda ukol sa makatotohanang pangyayaring naganap noong


panahon ni Hesus.
A. Pabula B. Mitolohiya C. Parabula D. Anekdota

3. Ano sa iyong palagay ang kaibahan ng parabula sa iba pang akda?


A. nilalaman at istilo B. nilalaman at tauhan
C. nilalaman at tagpuan D. nilalaman at anyo

4. Hindi lamang mabubuting asal ang nililinang sa atin ng mga parabula kundi
maging _______________ na bahagi ng ating pagkatao.
A. personal B. moral C. espirituwal D. moral at espirituwal

5. Ayon nga kay Hesus, ‘’Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli,”
ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A. Mabuti ang nagpapahuli kaysa nauuna.
B. Mabuti ang nauuna kaysa nagpapahuli
C. Mabuti ang matiisin hanggang sa huli.
D. Mabuti ang mauna at mahuli.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Pagpapatunay na Maaaring Mangyari
Aralin sa Tunay na Buhay ang Binasa

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapatunay na ang mga pangyayari


sa binasang parabula na maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.

Balikan
Kumusta ang iyong naging pagsagot? Kung iyong matatandaan, noong
huling bahagi ng Ikalawang Markahan, napagtagumpayan mo ang mga gawain
ukol sa kasanayang lingguwistiko. Nakasulat ka pa ng isang akdang nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano. Maaari mo bang balikan ang iyong
isinulat? Pumili ng limang pangungusap mula sa iyong naisulat at ilahad ang mga
kasanayang linggwistiko na ini-aplay mo dito. Punan ang grapikong pantulong sa
ibaba.

PANGUNGUSAP MULA SA ISINULAT KASANAYANG LINGGWISTIKO

1.

2.

3.

4.

5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Tuklasin
A. Panimula

Oras na ngayon upang mabigyan ka ng panibagong kaalaman. Tingnan ang


larawan sa ibaba, pagkatapos ay isulat sa katapat nito ang iyong mga ideya
tungkol sa larawan.

B. Pagbasa
Ang larawan sa itaas at ang iyong mga ideya tungkol rito ay may
malaking kaugnayan sa paksang aralin. Handa ka na ba? Umpisahan natin sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga gabay na tanong.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan


(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang
maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang
mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa
palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking
ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas
na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon,
at sa ganoon din ang ginawa niya.
Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga
ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo dito
sa buong maghapon?” “Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila.
Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking
ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala,
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli
hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon
ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.”
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon;
ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang
mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa
ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming
upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita
dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para
sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad
ng ibinayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo
ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “May
nahuhuli na nauuna, at may nauuna na mahuhuli.”

B. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang katangian ng mga manggagawang nauna sa ubasan?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
2. Ilarawan naman ang katangian ng mga mangagagawang nahuli sa pagpunta sa
ubasan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
3. Sa iyong palagay, sa dami ng maaaring pagpiliang lugar, bakit ubasan ang
naging tagpuan ng binasang parabula? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
4. Kung ikaw ang manggagawang nagtrabaho nang buong araw ngunit katulad ang
upa sa nahuling dumating na manggagawa, ano ang magiging reaksyon mo?
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
5. Kung ikaw naman ang manggagawang nagtrabaho ng maikling oras lamang
subalit nakakuha ng buong upang katulad ng mga nagtrabaho nang buong araw,
tatanggapin mo ba ito? Pangatuwiranan.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
6. Anong pag-uugali ang masasalamin sa pahayag ng mga manggagawang “isang
oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa?”
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
7.Ilahad ang nangibabaw na katangian ng may-ari ng ubasan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
8. Ipagpalagay na ikaw ang may-ari ng ubasan sa binasang parabula, gagawin mo
rin kaya ang paraan nito ng pagbibigay ng upa? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
9. Sa inyong lugar o barangay, may kakilala ka bang maaaring katulad ng may-ari
ng ubasan? Paghambingin sila.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
10. Batay sa konsepto ng binasa, ano ang ibig ipakahulugan ng “Ang nahuhuli ay
nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

Suriin

Alam mo ba na…
ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na nagsasaad ng
dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin?
Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa Bibliya o banal na aklat ng mga Kristiyano. Ang mga aral na
mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang
parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi
binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao.

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kakayahan sa pag-iisa-isa ng


sampung (10 )pangyayari mula sa binasang parabula na maaaring maganap sa
tunay na buhay. Sipiin sa isang papel ang ilustrasyon sa ibaba at isulat sa
nakalaang lobo ang iyong mga sagot.

3 4
2 5
7 9
1
8 10
6

Mga Pangyayari sa Parabula na


Maaaring mangyari sa Tunay na
Buhay

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Isaisip

Tandaan:
 ang parabula ay pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa Bibliya o banal na aklat ng mga Kristiyano.
 ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao.
 maaaring mangyari sa tunay na buhay o maaaring maiaplay sa ating
pang-araw-araw kung kinakailangan ang mga pangyayari rito.

Isagawa
Ilapat sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa aralin. Balikan ang
sampung (10) pangyayaring iyong naitala sa bahaging PAGYAMANIN. Pumili ng
limang (5) pangyayari na maiuugnay mo sa iyong sariling karanasan.

Pangyayari sa Pabula Kahalintulad na Pangyayari


Ayon sa Karanasan
1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, oras na para sukatin ang
iyong natutuhan. Gawin ang sumusunod:
Ipagpalagay na isa kang vlogger. Bilang vlogger, layunin mong maipakita
ang kahalagahan ng parabula at makapagbahagi ng mga patunay na nangyayari sa
kasalukuyan ang mga pangyayari sa binasang parabula. Sa paggawa ng vlog,
isaisip ang sumusunod na panuntunan:
1. Tatagal lamang ng 3-4 na minuto.
2. Umpisahan ang blog sa pagpapaliwanag ng parabula at pagbanggit ng binasang
halimbawa.
3. Ilahad ang 10 pangyayaring naitala mo sa bahaging PAGYAMANIN. Mag-
interbyu ng mga tao o kasama sa bahay na magpapatunay na totoong nakaranas
ng partikular na pangyayaring kahalintulad sa iyong mga inilahad(ang interbyu ay
maaaring gawin nang personal o kaya’y gumamit ng social media platform
(opsyunal).
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
4. Huwag ipakita ang mukha ng ininterbyu o kaya’y takpan ang mga personal na
impormasyon katulad ng pangalan at numero ng telepono.
5. Huwag i-upload sa social media platform kaagad, ipasuri muna sa guro ang
nabuong vlog.

PAMANTAYAN:
Kategorya Kaukulang Marka ng Guro
Puntos
1. Nilalaman 10 puntos
2. Kaayusan ng buong Vlog 10 puntos
3. Kalinawan ng Pagsasalita 10 puntos
4. Pagpapakita ng Pagiging
10 puntos
Malikhain sa Vlog
KABUOAN 40 puntos

1. Gumuhit sa isang bond paper ng collage na nagpapakita ng patunay na


nangyayari sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa mga parabula.
PAMANTAYAN:
Kategorya Kaukulang Marka ng Guro
Puntos
1. Nilalaman 10 puntos
2. Kaayusan ng Kabuuan 10 puntos
3. Pagiging malikhain 10 puntos
KABUOAN 30 puntos

2. Batay sa mga pangyayari sa parabula at sa kasalukuyan, bumuo ng isang


HUGOT. Isulat sa nakalaang kahon sa ibaba ang iyong nagawa at disenyuhan
upang higit na maging kaaya-aya.
PAMANTAYAN:
Kategorya Kaukulang Marka ng Guro
Puntos
1. Nilalaman 10 puntos
2. Kawastuhan ng mga salita 10 puntos
3. Pagiging malikhain 10 puntos
KABUOAN 30 puntos

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating aralin. Binabati kita!


Hanggang sa muli nating talakayan!
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Panitikang Asyano 9 (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Linda A. Delgaco (Guro, KNHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like