You are on page 1of 5

FILIPINO – G9

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikatlo Linggo: Una Sslm no. 1


MELC(s): 1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay. F9PB-111a-50
Layunin:
1. Nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang piling salita na
nabanggit mula sa parabula;
2. Nakapagbibigay ng patunay ukol sa mga pangyayaring nabanggit sa
binasang parabula.

Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Panitikang Asyano 9


Paksa: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Pahina 193-196

Tuklasin Natin

Maglaro tayo, Dugtungan mo ako


1. Ang nauuna ay nahuhuli, ____________________
2. Walang matigas na tinapay ____________________
3. Aanhin pa ang damo ______________________
4. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ____________________
5. Nasa Diyos ang awa, ___________________
Ang mga nabanggit sa itaas ay hindi nalalayo sa paksang ating tatalakayin, ang
Parabula.
Ano ang Parabula?
Ito ay isang kuwento na hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito’y
paghahambing na karaniwang ginamit ni Hesus sa kanyang pangangaral.
Karaniwan itong nangyayari sa buhay ng tao.
Narito ang halimbawa ng isang parabula. Basahin at unawain.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas ng maagang-
maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang
mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa
palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman
siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa
ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at
nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-
tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi po’y walang nagbigay sa amin ng
trabaho.” sagot nila.Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho
kayo sa aking ubasan.”
Nang gumabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala,
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli
hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula ng mag-ika-lima ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang
tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang
salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila,
“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita
dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para
sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng
ibinayad ko sa iyo?
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo
ba’y naiingit dahil ako’y nagmamagandang loob sa iba?”
Naibigan mo ba ang parabula na iyong binasa?

Subukin Natin

Nais ko ngayong masubok ang iyong kagalingan sa pag-unawa ng iyong


binasa.
Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa hinihingi.
1. Ano ang dalawang uri ng mga manggagawang nabanggit sa
parabula?Ilarawan ang mga ito.( 2 puntos)
Sagot: _____________________________________________________________
2. Sa iyong palagay,saan ka sa dalawang uri ng mga manggagawa
napabilang?
Ipaliwanag.
Sagot: _____________________________________________________________

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


3. Ilang beses naghanap ng mga manggagawa si Hesus? Ano-anong oras
ang mga ito? Isa-isahin.
Sagot: _____________________________________________________________

4. Kung isa ka sa manggagawang nagtrabaho ng isang buong araw


pagkatapos nalaman mo na pareho lang kayo ng sahod na tinanggap ng
manggagawang iisang oras lamang nagtrabaho , ano ang magiging
reaksyon mo?Pangatwiranan.
Sagot: _____________________________________________________________

5. Kung ikaw naman ang binigyan ng parehong sahod sa manggagawang


isang buong araw na nagtrabaho, gayong ikaw ay isang oras lang
nagtrabaho, tatanggapin mo ba ang parehong sahod? Pangatwiranan.
Sagot: _____________________________________________________________

Isagawa Natin

Panuto: Bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang mga sumusunod na salita ayon sa
hinihingi. Tingnan ang halimbawa.

literal na kahulugan pamalo


latigo kalupitan
simbolikong kahulugan
katarungan
ispirituwal na kahulugan

Sana’y natulungan ka ng halimbawang binigay ko. Ngayon, ikaw naman ang


gumawa nito.

literal na kahulugan

UBASAN simbolikong kahulugan

ispirituwal na kahulugan

literal na kahulugan

MANGGAGAWA simbolikong kahulugan

ispirituwal na kahulugan

literal na kahulugan
Usapang simbolikong kahulugan
salaping pilak
ispirituwal na kahulugan

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ilapat Natin
Panuto: Magbahagi ng isang karanasan sa iyong buhay na
nagpapatunay na ang pagiging mainggitin sa kapwa ay hindi mabuti. Gamiting
batayan sa pagsusulat ang rubriks.

Rubrik

5 4 3 2 1
PAGPAPAHAYAG
⚫ Malinaw ang pagkabuo
⚫ Simple at maliwanag
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA
⚫ Wastong baybay at bantas
ORGANISASYON
⚫ Lohikal ang pagkakaayos
⚫ Madaling maunawaan
5- Pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan
4- Mahusay 2- maari pang paghusayan pang ayusin

Sanggunian
EASE Module 24, LRMDS
LRMDS, DepEd Philippines

SSLM Development Team


Writer: Rosemarie M. Jintula
Content Editor: Rosemarie M. Jintula /Krystelyn G. Villanueva
LR Evaluator: Grace Yguinto/Vernaliza Cornel Forones
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Pansangay na Koordineytor sa Filipino: Lelita M. Laguda
Education Program Supervisor: Norma E. Pascua
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Susi sa Pagwawasto

Tuklasin Natin
1. ang nahuhuli ay nauuna
2. sa mainit na kape
3. kung patay na ang kabayo
4. ay hindi makakarating sa paroroonan
5. nasa tao ang gawa

Subukin Natin
1. Manggagawang nagrereklamo at manggagawang kuntento
3. Limang beses naghanap ng manggagawa
- maagang-maaga
- mag-ikasiyam ng umaga
- mag-ikalabindalawa ng tanghali
- mag-ikatlo ng hapon
- mag-ikalima na ng hapon

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like