You are on page 1of 5

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ________________________________


Module Code: LDS1-F9-Q1-W1-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION- BARMM REGION


SCHOOLS DIVISION OF LANAO DEL SUR 1

MODYUL SA FILIPINO 9
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda (F9PN-Iab-39)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


 Magsuri ng akda batay sa mga pangyayaring nakapaloob at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang
pangyayari sa lipunang Asyano

PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Paano natin mabibigyan ng paghatol o pagmamatuwid ang
isang maikling kuwento?
Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga
pangyayari. Ang banghay nito ay hindi gaanong tumatalakay sa masasalimuot na pangyayari
sapagkat inaasahang mababasa ito sa isang upuan lamang. Ang maikling kuwento ay hindi
kahabaan tulad ng nobela, higit na kakaunti ang mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit
na matipid sa paggamit ng pananalita.
Gayunpaman, may mga kuwentong hindi laging winawakasan. Minsan ay hinayaan
ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento at nasa mambabasa ang paghatol o
pagmamatuwid kung ano sa palagay niya ang maaaring kahihinatnan ng kuwento.
Ang paghatol o pagmamatuwid ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na
maniwala sa opinyon ng isang tao. May dalawang paraan ng paglalahad ng pagmamatuwid, ang
pabuod at pasaklaw. Ang
pabuod ay nagsisimula sa pagbanggit ng mga detalye patungo sa isang konklusyon.
Samantalang ang paraang pasaklaw ay nagsisimula sa alituntunin o simulain at patungo sa mga
tiyak na detalye o katibayan.
Kung magkaminsan, sa iyong pagbabasa ay may matatagpuan kang mga kaisipang
nagpapagulo sa iyong isipan. Ito ang mga kaisipang maaaring may kaugnayan sa
pangunahing paksa ng akdang binabasa. Dahil dito, nagkakaroon ng mga ideya upang
makabuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid hinggil sa pagiging mabisa ng mga
ideyang inilalahad sa binasang akda. Makikilala kaagad ang mga kaisipang ito sapagkat
ito ay nagsasaad ng mga ideyang nais ipabatid ng akdang binasa.

Mga sangguniang ginamit:

1. Panitikang Asyano 9- Unang Markahan /p.17


2. Ang Batikan- Unang Markahan /p.8
3. Pluma 9
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

HANDA KA NA BA?
Sa bahaging ito, hawiin mo muna ang mga salitang may malalim na kahulugan upang mas lalo
mong maunawaan ang nilalaman ng akdang babasahin.

C. MGA GAWAIN
Gawain 2: Paglinang sa Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot
sa unahang bilang.
_____1. Si Muimui ay palaging naririnig ng kanyang ama na humahalinghing na parang kuting
kung kaya’t naiinis ito sa kanya.
A. dumadaing C. sumisigaw
B. naglalambing D. umiiyak
_____2. Masama ang loob ng ama nang siya ay masisante sa kanyang trabaho.
A. mapagalitan C. mautusan
B. matanggal D. mapagtawanan
_______3. Matapos ang nangyari sa mag-anak ay walang nagawa ang ama kung hindi ang
magmukmok sa tabi.
A. mag-isa C. magdabog
B. magmaktol D. magalit
____4. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit.
A. malapit nang umulan C. nagsasaad ng pagkasira
B. papalapit na ang gabi D. paparating ang kidlat
_____5. Nanatili sa kanilang pinagkukublihan ang mga batang matagal nang nakamasid sa
kanilang ama.
A. kinatatayuan C. pinagtataguan
B. kinaroroonan D. pinaglalaruan

Gawain 3:

Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng mga salitang madiin mula sa iba pang salita sa loob
ng pangungusap.
1. Sa tuwing darating ang ama ay magkaholong takot at pananabik ang nararamdaman ng
mga bata dahil sa palagiang kumakabog ang kanilang dibdib kung sila ay papaluin.
2. Madalas na nasasapok ang kanilang ina ng ama kaya palagi rin silang umiiwas sa tuwing
nagagalit ito sa bahay.
3. Maririnig din ang hikbi ng ina pati ang kanyang mga anak na tila nagpapalakasan ng iyak
dahil sa kagutuman at pananakit ng ama.
4. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo upang ipangako
sa sarili at pamilya na hindi na siya ang magdudulot ng kalungkutan sa mga ito.
5. Matagal na pinagmasdan ng mga bata ang dalang supot ng ama at sinipat kung ano ang
lamang ng mga ito.

Mahusay mong nasagot ang mga salitang may malalim na kahulugan, kaya naman handa ka
nang basahin ang akdang nasa ibaba

ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena
Ibinuod ni Elizabeth M. Avila
Sa tuwing darating ang ama ay nakadarama ng magakahong takot at pananabik ang mga bata. Ang takot
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Sa kanyang pagdadalamhati ay naisip niya ang magbago. Tumayo siya at ipinangako sa sariling
magiging mabuti na siyang ama. May dinukot siyang pera sa bulsa na mula sa kanyang amo (na kiming
iniabot sa kanya ng asawa tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko at ipinangako sa
sariling hindi na niya ito gagastahin sa alak kailanman. Pinagmasdan siya ng mga bata at tinanong siya
kung saan pupunta. Pupunta siya sa bayan at mamimili. Bakas ang lungkot sa mukha ng mga bata sa
pag-aakalang uuwi ito na may dalang bote ng alak. Ngunit makalipas ang isang oras, bumalik ang ama
na may bitbit na malaking supot. Nabigla ang mga bata ng makita ang laman ng mga iyon. May supot
ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Pamilyar kasi sa panganay na lalaki ang kahon niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Pero para sa pangalawang anak ito ay kendi, na tulad ng ibinigay sa
kanila ni Lau Soh, na nakatira sa pinaglalabhan ng kanilang ina. Ngunit para sa kambal ay nasasabik
sila ano pa man ang laman ng kahon.
Natatakot ang mga bata na hipuin ang yamang nasa mesa nang walang pahintulot ng kanilang ama.
Naiinip sila sa paglabas nito sa kanyang kwarto. Lumabas ito at nakapagpalit na ngunit wala pa ring
senyas na matikman ng mga bata ang dala nito. Kinuha nniya ang supot at lumabas ng bahay.
Nagbulungan ang dalawang pinakamatandang anak at nag-usap na sundan ang kanilang ama.
Nagpumilit din ang kambal na sumama at sinundan ang ama nang makalayo na ito. Hindi man lamang
sila napansin ng ama dahil sa malalim na pag-iisip.
Narating ng ama ang libingan ni Mui Mui. Halatang bago pa lamang ang hukay sa puntod nito.
Lumuhod ang ama at inilabas ang laman ng supot. Napahikbi siya habang sinasabi ang mga katagang,
"Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y
tanggapin mo." Patuloy sa pag-iyak at pagdarasal ang ama habang nakamasid sa kanilang
pinagkukublian ang mga anak na sumunod sa kanya. Nagbabanta na ang malakas na ulan pero
patuloy pa rin ang ama sa pag-iyak hanggang sa mabasa ito. Hanggang sa makalapit ang mga anak na
kanina pa inip na inip na matikman ang yaman na alam nilang hindi nila mararanasang muli.

Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa


Sagutin ang mga katanungan batay sa binasang akda.
1. Paano sinimulan ang kwento ng may-akda?

2. Ano-ano ang katangian ng ama sa kwento? Tukuyin ang mga pangyayari sa kwento na
nagpapatunay sa kanyang katangian.
Katangian Pangyayaring Nagpapatunay

3. Paano pinatunayan na ama na hindi masama ang kanyang ugali? Kapani-


paniwala ba ito? Patunayan ang sagot.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________
4. Anong kulturang Tsino ang makikita sa kwentong ito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________
5. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa mga kaanak na
yumao?

Integrated the Development of the Following Skills:


1. Communication Reasoning Responding to ideas
2. Communication Understanding of words/vocabulary Following instructions/directions
3. Communication Understanding of words/vocabulary Following instructions/directions
4. Communication Understanding messages Following instructions/directions
5. Communication Creativity (Writing)
6. Critical Thinking Understanding messages Critical Thinking
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Upang matiyak mo kung talagang naintindahan ang ating araling ating tinalakay panahon na upang suriin
mo naman ang iyong sarili at ang iyong napagtanto mula sa binasang akda.

D. PAGLALAHAT
Gawain 5: Paupuin ang mga mag-aaral,gumawa ng hugis bilog.Hayaan ang mga mag-aaral
na ikwento ang kanilang di malilimutang karanasan kasama ang kanilang ama. Ipalarawan
sa mga ito ang kani-kanilang mga ama.

E. PAGTATAYA
Gawain 6: Suriin at tukuyin ang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa bawat sitwasyon
sa akda. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. tamang pagpaplano ng pamilya C. kakulangan ng trabaho
B. malnutrisyon D. pang-aabuso sa kababaihan at mga bata

_____1. May mga gabing naririnig nila ang paghikbi ng kanilang ina at ang ninenerbyos nitong tinig.
_____2. Anim ang lahat ng bata. Mayroong dose anyos, onse, nueve na kambal, otso at dos anyos na
mga bata.
_____3. Kapag umuuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati ay inilalayo na nila si Muimui dahil
palahalinghing ito at madalas kainisan ng ama.
_____4. Si Muimui ay uhugin, pangiwi-ngiwi, mahilig magtuklab ang langib sa galis na nagkalat sa
kanyang binti.
_____5. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa
kanyang trabaho sa lagarian, nakadama ng takot ang mga bata.
_____6. Pagkaraan ng dalawang araw, si Muimui ay namatay matapos ang nangyari.
_____7. Hindi nagkasya ang pansit na kanilang pinagsaluhan dahil sa dami ng mga bata.
_____8. Naawa ang amo ng ama sa nangyari kung kaya ay tinanggap na lamang niya itong muli.
_____9. Nag-agawan ang mga bata sa pagkaing dala ng kanilang ama nang umalis na ito sa puntod.
_____10. Nanatiling nakakubli ang mga bata sa may puno dahil sa kabang makita sila ng ama.

Inihanda ni:
JOHAIRA B. ESMAIL
SST-SULTAN MALUNGUN NHS

You might also like