You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 4, Linggo 3-MELC 5

Pagsusuri ng mga Pangunahing


Kaisipan ng Bawat Kabanatang
Binasa

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 5
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan m una ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Rio Anne G. Garbo


Editor : Gemma B. Obsiana
Tagasuri : Catherine D. Diaz
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!
Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 5
Kuwarter 4, Linggo 3

Pangalan:_____________________________ Grado at Seksiyon:_____________________


Petsa: ________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pagsusuri ng mga Pangunahing Kaisipan ng Kabanatang Binasa


I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.
(F8PB – IV - cd – 34)

II. Panimula:
Sa araling ito ay pag–aaralan mo kung ano ang mga pangunahing kaisipan at
kung paano suriin ito batay sa kabanatang binasa. Ang pangunahing kaisipan ay
tumutukoy sa pinakamahalagang kaalaman, mensahe, pananaw at saloobing nais
iparating ng akda.

HAKBANG SA PAGSUSURI NG PANGUNAHING IDEA


1) Ang isang teknik na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagkilatis sa
pamagat. Maraming mambabasa ang hindi gaanong nagbibigay-pansin sa
pamagat ng teksto. Sa katunayan, malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang
paksa ng isang teksto.
2) Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat
mong itanong sa sarili ay ganito: “Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng
sumulat tungkol sa paksa? Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing idea
o kaisipan ng teksto.
3) Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing idea ng isang teksto para sa
lubusang pag-unawa nito. Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga
pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye. Ang mga
pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing idea upang
maunawaan ito nang lubos.

III. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 234

IV. Mga Gawain:

1. Panuto: Balikan ang mga akdang tinalakay sa nakaraang Gawaing


Pampagkatuto, saknong 1-83 ng Florante at Laura at gawin ang isinasaad
sa mga kasunod na gawain.

1
2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Panuto: Unawaing mabuti ang ipinahahayag ng mga pangungusap.
Suriin kung ang pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay
ng mga napag-aralang akda sa Florante at Laura. Sabihin kung Tama
o Mali ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel.
Mula sa “Kay Selya”
A. Madaling nawaglit sa kaniyang puso at isipan ang alaala ni Selya.
B. Ang pagkabigo ni Baltazar ang nagsilbing inspirasyon niya upang
sumulat ng tula.
C. Ang paggunita sa larawan ni Selya ang tanging pinagkukunan ng aliw ni
Baltazar sa kalungkutang kaniyang nadarama.
D. Ang alaala ni Selya na naikintal sa kaniyang puso ay hindi mananakaw
hanggang sa siya’y mamamatay.
Mula sa “Babasa Nito”
A. Itinagubilin ni Baltazar sa mga mambabasa na bagama’t sa biglang tingin
ay kulang sa kabutihan ang kaniyang tula, sana ay isaisip ang iniukol
niyang pagod.
B. Ang hiling niya na gumawa ng maikling kuwento hango sa mensahe ng
awit.
C. Ang tanging hinihiling ni Baltazar na huwag lamang baguhin ang berso
ng awit.
D. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi huwag itong husgahan,
basahin mo na ito at suriin nang mabuti.
Mula sa mga Saknong 1-25 ng Florante at Laura
A. Ang pagtanong ni Florante sa langit kung saan ang ganti nito para sa
kasamaang ginawa laban sa bayan ng Albanya.
B. Ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan nila ni Laura.
C. Ang labis na kabiguang naramdaman ni Florante sa ginawang pagtataksil
ni Konde Adolfo.
D. Ang paghihinagpis ni Florante sa sinapit ng kaniyang bayan dahil sa
namayani ang kasamaan.
Mula sa mga Saknong 26-68 ng Florante at Laura

A. Ang pagbabalik-tanaw ni Florante sa matatamis na alaala nila ni Laura.


B. Ang inaakala niyang pagtataksil ni Laura sa kanilang pag-iibigan.
C. Ang pagtulong sa kaniya ng isang estranghero.
D. Ang paghingi ng damay ni Florante kay Laura.
Mula sa mga Saknong 69-83 ng Florante at Laura

A. Ang pagdadalamhati ni Aladin dahil sa sinapit ng kaniyang pag-ibig kay


Flerida
B. Ang plano niyang gantihan ang umagaw sa kaniyang kasintahan.
C. Ang malaking kabiguan niya ay pag-agaw ng kaniyang sariling ama sa
kasintahang si Flerida.
D. Ang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani na mula sa Persya.

2
B. Panuto: Suriin ang pangunahing kaisipang taglay ng mga saknong
sa ibaba. Ibigay ang iyong pagpapakahulugan sa isinasaad ng
mga saknong na ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Ngayong namamanglaw sa pangungulila, Sagot:__________________________
Ang ginawa kong pang-aliw sa dusa, ________________________________
Nagdaang panaho’y inaalala ________________________________
Sa iyong larawang’y ninitang ginhawa” ________________________________
2. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Sagot:__________________________
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari, ________________________________
Kagalinga’t bait nalulugami, ________________________________
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.” ________________________________
3.“Halina, Laura’t aking kailangan, Sagot:__________________________
Ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ________________________________
Ngayong hinihingi ang iyong pagdamay, ________________________________
Ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.” ________________________________
4. “Alin pang hirap na di sa akin? Sagot:__________________________
May kamatayan pang di ko daramdamin? _______________________________
Ulila sa ama’t sa inang nag-angkin, _______________________________
Walang kaibiga’t nilimot ng giliw.” _______________________________
5. “O pagsintang labis na makapangyarihan, Sagot:__________________________
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! ________________________________
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, ________________________________
Hahamaking lahat, masunod ka lamang.” ________________________________

3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang nakikita mong pagkakatulad ng kalagayang panlipunan sa
Reynong Albanya at sa ating bansa?
2. Masasabi mo bang pagmamahal ang nasa puso ng isang tao kapag
nakaramdam siya ng paninibugho? Bakit?
3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Aladin, ano ang iyong gagawin sa sinapit na
kabiguan, lalo’t ang iyong sariling ama pa ang dahilan nito?

4. Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor

PAMANTAYAN PUNTOS
Kaayusan ng mga idea 3
Wastong gamit ng mga salita 3
Kawastuhan ng mga pangunahing idea 3
KABUOAN 9 puntos
1 – Katamtaman ang husay 2 – mahusay 3 – Napakahusay

V. Repleksiyon
Panuto: Dugtungan ang pahayag. Gawin sa sagutang papel.

Natutuhan ko sa araling ito na _________________________________________________

3
4
Gawain 2:
Mga Posibleng sagot
Kay Selya, saknong 5
1. Pagpapakahulugan: Ngayong
mag-isa nalang siya, ang tanging
pang-aliw na lamang niya ay ang
mga alaala nila.
saknong 14
2. Pagpapakahulugan: Ang isang
bayang pinagtaksilan na kung Gawain 1:
saan ang namamayani ay ang Mula sa “Kay Selya”
kasamaan. A. Mali
B. Tama
saknong 55 C. Tama
3. Pagpapakahulugan: Hinahanap D. Tama
ni Florante si Laura. Hinihingi Mula sa “ Sa Babasa Nito”
niya ang pagmamahal o A. Tama
pagdamay nito dahil malapit na B. Mali
siyang mamatay. C. Tama
D. Tama
Mula sa “Hinagpis ni Florante”
saknong 63 A. Tama
4. Pagpapakahulugan: Mas B. Tama
matamis pa ang kamatayan kaysa C. Mali
ang maging ulila sa magulang, D. Tama
kaibigan at sa iniinibig. Mula sa “Alaala ni Laura”
Nangangahulugan lamang walang A. Tama
karamay at pag-iisa. B. Tama
C. Mali
saknong 80 D. Tama
5. Mula sa “Ang Pag-ibig kay
Pagpapakahulugan:Makapangyari Flerida”
han talaga ang pag-ibig. Sa oras A. Tama
na ang pag-ibig ay maramdaman B. Mali
ng sinuman, hahamakin ang C. Tama
lahat at handang ipaglaban D. Tama
hanggang kamatayan.
VI. Susi Sa Pagwawasto

You might also like