You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8
Zest for Progress
Z Peal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Isang
Kawili-wiling Radio Broadcast

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: 1 ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Meljade Y. Bolos , Medania T. Manupac
Editor/Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio
Tagalapat:
Tagapamahala:
Dr. Isabelita M. Borres, CESO III -Regional Director
Eugenio B. Penales, EdD -Chief Education Supervisor-CLMD
Sonia D. Gonzales, EdD - Education Program Supervisor LRMDS RO IX
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI - Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD - Asst. Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador EdD - ASDS
Juliet A. Magallanes, EdD - Chief Education Supervisor, CID
Josephine L. Tomboc, EdD - Education Program Supervisor- Filipino
Florencio R. Caballero, DTE - Education Program Supervisor, LRMS
Alma D. Belarmino -Public School Supervisor/ADM Division Coordinator

Panimulang Pagtataya!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang mabisang paraan ng epektibong paghahatid ng mga napapanahon
at mahahalagang balita sa paraang biswal o maaari rin namang sa radyo?
a. Band b. simulcast c. transmitter d. broadcasting
2.Ano ang mabisang paraan ng epektibong paghahatid ng mga napapanahon at
mahahalagang balita sa paraang biswal o maaari rin namang sa radyo?
a. Band b. simulcast c. transmitter d. broadcasting
3.Ano ang tawag sa isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga salitang
kilos at di-pandiwang kilos na kailangan sa pagbo-broadcast?
a. Teaser b. Airtime c. Burador d. Radyo- Iskrip
4.Ano ang tawag sa paglilipat ng audio patungong digital data at pagsasalin nito
sa internet?
a. AM b. FM c. Streaming d. broadcasting
5. Paano ka makakukuha ng kaalaman sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling
radio broadcast?
a. Sa pamamagitan ng pakikinig ng mga drama sa radyo.
b. Sa pamamagitan ng panonood ng mga teleserye sa telebisyon.
c. Sa pamamagitan ng paghahanap ng mga sponsor para sa pagbabalita.
d. Sa pamamagitan ng panonood ng programang nagbabalita sa telebisyon.
6.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang kawili-wiling radio broadcast?
a. Masulit ang airtime.
b. Maghanda ng mga paksang tatalakayin.
c. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon.
d. Maging maingat sa mga salitang gagamitin dahil iba-iba ang tagapakinig.
7.Sa pagbabalita, ang paksang tatalakayin ay dapat _____________________.
a. Napapanahon
b. Noon pang nakaraang buwan
c. Noon pang panahon ng Kastila

2
d. Noon pang hindi ipinanganak si Kristo.
8.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halaga ng radyo-iskrip?
a. Nararapat may duplicate ang iskrip.
b. Maghanda ng awit na patutugtugin.
c. Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.
d. Pakinggan kung angkop ba ang pagbigkas ng DJ sa isang salita.
9.Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa radyo?
a. Nagpapalabas ng pelikula.
b. Naghahatid ng mahalaga at napapanahong balita.
c. Naghahatid ng mga programang nakakaaliw at kawili-wili.
d. Nagpaparinig ng mga awit na nagbibigay kasiyahan sa mga tagapakinig.
10. “Ang programang ito ay hatid sa inyo ng M Lhuiller, ang tulay ng Pilipino”.
Ito ay halimbawa ng _________________.
a. Bumper b. Airtime c. Billboard d. Frequency

Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang Ang mga mag-aaral ay nakabubuo


pag-unawa sa isang dakilang ng makatotohanang radio broadcast
akdang pampanitikan na na naghahambing sa lipunang
mapagkukunan ng mahalagang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa
kaisipang magagamit sa paglutas ng kasalukuyan.
ilang suliranin sa lipunang Pilipino
sa kasalukyan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang;


● Nakatutukoy ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-
wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon
tungkol dito. (F8PB-IVi-j-38)
• Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast. (F8PT-IVi-j-38)
• Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan
sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita. (F8PD-IVi-j-
38)

Pagbati sa iyo kaibigan. Naririto na tayo sa huling bahagi ng ating


paglalakbay, ang ikaapat na kwarter.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

3
Aralin Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
7 Isang Kawili-wiling Radio Broadcast

Alam mo ba na kahit patuloy ang pagtaas ng antas ng teknolohiya marami pa


rin ang nakikinig sa radyo. Ginagawa kasi itong aliwan ng ibang mga tao. Nagiging
malawak din ang kamalayan ng mga mamamayan dahil sa araw-araw na
pagsasahimpapawid ng napapanahong balita sa iba’t ibang estasyon ng radyo.

Balikan
Ngayon, babalikan muna natin ang iyong napag – aralan sa ikaanim na
modyul. Naalala mo pa ba kung ano ang salitang nanghihikayat? Sige, balikan natin.
Ang salitang nanghihikayat ay karaniwang ginagamit sa pagkukumbinsi ng
isang tao. Ginagamit din ito upang manghikayat ng isang mambabasa o tagapakinig
na sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari. Malaki
ang kaugnayan ng salitang nanghihikayat sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling
radio broadcast.

Gawain 2: Kaya kong balikan ito!

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang


angkop na salitang nanghihikayat sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. ___________ may panahon pa upang matulungan natin ang inang kalikasan.
a. Talaga b. Ngayon na c. Kaya natin ito d. Naniniwala akong
2. ___________ hindi ito kakayanin kung ako lang mag-isa.
a. Tara b. Tama c. Subalit d. Kaya natin ito
3. ___________ lahat tayo’y may maitutulong.
a. Pero b. Tama c. Ito na d. Kaya mong maging bahagi ng
4. ___________ sa gagawin naming “Tree Planting Activity”.
a. Tumpak b. Subalit c. Sama na d. Kitang-kita mo
5. __________ simulan na natin.
a. Tara b. Tunay c. Siguradong d. Kaya mong maging bahagi ng

Tuklasin
Tara! Ipagpatuloy na natin ang ating paglalalakbay. Sa puntong ito
muli ko kayong susubukin, alam kong kaya mo ito!

4
Panuto: Piliin ang titik na may tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
________ 1. Dapat bang pag-aralan ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang
kawili-wiling radio broadcast?
a. Hindi, dahil hindi naman nakakatulong at nakakaaliw ang pakikinig
ng radyo.
b. Hindi, dahil wala namang katotohanang naririnig sa radyo pawang mga
kathang isip lamang.
c. Hindi, dahil wala ng gumagamit ng radyo ngayon. Telebisyon at
internet na ang inaatupag ng mga tao.
d. Oo, upang maihatid ang napapanahon at mahahalagang balita ng
tama, may kaayusan, at makapagbigay ng kahanga-hangang serbisyo sa
mamamayan.
________ 2. Maaari bang sumali ang mga tagapikinig tungkol sa paksang tinatalakay
ng DJ o anchor?
a. Oo, maaari silang magpadala ng kanilang reaksyon o opinyon.
b. Hindi, dahil wala silang karapatan na magpahayag ng kanilang
opinyon.
c. Oo, para naman may kausap ang DJ o anchor upang hindi sila
antukin.
d. Hindi, dahil tanging ang DJ o anchor lang ang bihasa tungkol sa
paksang tinatalakay.
_______ 3. Dapat bang mag-ingat sa mga salitang gagamitin sa pagbo-broadcast?
a. Hindi, dahil may kalayaan tayo sa pamamahayag.
b. Hindi, dahil ang mahalaga ay maaliw ang tagapakinig.
c. Oo, dahil iba-iba ang tagapakinig. Maaaring bata o kaya’y matanda.
d. Hindi, dahil tanging boses lang ang naririnig. Hindi naman nila
kilala ang nagbo- broadcast.
_______ 4. Ano ang katangian ng pagsasalita ang nararapat kung ikaw ay
nagsasagawa ng radio broadcast?
a. Dapat sila ay malinaw magsalita at angkop ang kanilang pagbigkas.
b. Dapat malakas upang paniwalaan ka at makombinsi mo ang
tagapakinig.
c. Hindi mahalaga kung ano ang katangian ng pagsasalita dahil hindi
ka naman nakikita.
d. Hindi kailangan ang katangian ng pagsasalita. Ang mahalaga ay
nagsasagawa ka ng broadcasting.
_______ 5. Sapat na ba ang pagkakaroon ng magandang boses sa pagsasalita?
a. Oo, dahil marami ang maaakit na tagapakinig.
b. Oo, dahil masayang pakinggan kapag maganda ang boses.
c. Hindi, dahil dapat maganda o kaya’y gwapo ang isang broadcaster
upang dumami ang tagahanga.
d. Hindi, dahil hindi lang boses ang puhunan ng isang broadcaster
kundi ang kahusayan din sa pagpili ng salita at ang malawak na
kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

Suriin
Maraming salamat sa iyong kasagutan kaibigan. Tayo na’t suriin ang bagong
tuklas na kaalaman.

5
Ang kahulugan ng salitang “broadcasting” ay isang mabisang paraan ng
epektibong paghahatid ng mga napapanahon at mahahalagang balita o pahayag sa
paraang biswal katulad ng telebisyon o maaari rin namang sa radyo.
Ang broadcast ay naihahatid sa pamamagitan ng mga tansmitter ng estasyon
upang masagap ng sagayun maihahatid nang malawakan sa mga tagapakinig o
manonood at maibabahagi ang mga maiinit at kailangang balita.
Mga hakbang sa Pagsasagawa ng Isang Kawili-wiling Radio Broadcast.

1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon. Ang ilan sa pangalan ng mga


estasyon ng radyo partikular sa Tangway ng Zamboanga ay ang RMN DXPR-
AM (Pagadian City), DXBZ-AM/Radio Bagting (Pagadian City), 94.3 DXIR-FM
(Ipil), 101.7 DXML-FM (Kabasalan), RMN DXRZ-AM (Zamboanga City), DXZH
– AM (Zamboanga City), RMN DXDR-AM (Dipolog City), DXKD-AM (Dipolog
City), at iba pa.

2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJs sa radyo. Sila ba’y malinaw
magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba sa tagapakinig
ang kanilang boses? Pag-isipan din ang magiging estilo mo sa pagbo-
broadcast.

3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba-


iba ang iyong mga tagapakinig. Hindi lang ang ganda ng boses ang puhunan
ng isang broadcaster kundi ang kahusayan din sa pagpili ng salita at ang
malawak na kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. Ang


paksang tatalakayin ay dapat napapanahon o kayay patuloy na nakaaapekto
sa mamamayan sa kasalukuyan.

5. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan ng iyong mga tagapakinig.
Maaari silang magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa pamamagitan
ng text message o kaya’y private message sa Messenger.

6. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit na


nagsasaad ng kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga tagapakinig ang
magbigay ng posibleng solusyon o payo sa mga suliranin.

7. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbrobroadcast. Ang


mga awitin ay dapat yung nakapagbibigay inspirasyon sa iba.

Alam mo ba?

• Ang radyo Iskrip ay isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga salitang


kilos (Pandiwa) at di-pandiwang kilos na kailangan sa programa. Sinasabi sa
atin kung ano ang gagawin, sasabihin o kailan at paano.

Bago makasulat ng isang radyo iskrip narito ang mga dapat tandaan:
➢ Magsaliksik ng mga impormasyon.
➢ Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat.
➢ Magkaroon ng malinaw ng pagpapasiya sa paksa.

6
• Halaga ng Radyo Iskrip
*Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.
*Masiguro ang daloy ng programa.
*Masulit ang airtime.
• Karagdagang kaalam:
*Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-
usap.
*Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog.
*Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-iingat.
*Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay hindi maligoy o
pasikot-sikot.
*Limitahan ang bilang ng isang balita. Mas maraming bilang, mas nakakalito.
*Gawing mas kaunti ang pangungusap upang mas makahinga ang taga-ulat.
*Gawing aktibo ang pangungusap: “Inakyat niya ang bubungan ng mga
bahay” sa halip na “Ang mga bubungan ng bahay ay inakyat ng tao.”
* Gawing kasalukuyan ang nagaganap na balita. Sundan ang pinakahuling
kaganapan.
*Huwag haluan ng personal na opinyon ang balita.

Narito ang isang halimbawa ng iskrip panradyo:

DZRM
Scriptwriting and Broadcasting
September 8, 2015

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)


Station ID: DZRM! Mata bg bayan, boses ng katotohanan.
DZRM, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio.

Anchor 1: Jeric Paglingayen


Anchor 2: Quennie De Leon
News Presenter: Jhunrey Corrales
Sports Reporter: Jhon Carlo Nadura
Scriptwriter: Rodalyn San Andres
Technical Application: Joseph Angelo Dela Torre
Infomercial: Princess Nogar
(Sound Effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalita, himpilan at sandigan ng bayan. Ito ang DZRM!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2: Mga isyung tinututukan.
Voice: DZRM!
Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang sik-sik, sulit na
sulit. Sa DZRM. Narito ang tambalang magkasingko QJC.
Ito ang SINGKO BALITA!

(Sounds TING)

7
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay 30 minuto makalipas ang alas 7 ng umaga,
araw ng Martes, ikawalo ng Setyembre taong dalawang libo labing lima at
isang pagbati para sa ating Mahal na birheng Maria para sa kanyang
kaarawan.

(Sounds magpapalit)
(Background music lively)

Anchor 1: Isang mapagpalang umaga Pilipinas!


Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay. Quennie De Leon.
Anchor 1: At inyong kaagapay, Jeric Paglingayen
Anchor 1 & 2: At kayo’y nakikinig sa….
SINGKO BALITA!
(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nagbabagang balita.
Anchor 1: Estados Unidos, mas nagpalakas.
Voice: DZRM
Anchor 2: Duterte, hindi na nag-asam ng anumang posisyon.
Voice: DZRM

(dagling pagputol ng kanta)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background Sound)

Anchor 1: Mas pinaigting ng Estados Unidos ang plano laban sa Islamic State. Mas
pinaghandaan ng puwersa ang pakikipagsagupaan sa Syria. Pinalaki rin ang
bilang ng mga sundalo sa safer zones at pagpapalawig ng kaalaman at
kakayahan sa pakikipagsagupaan. Matapos ang ginawang pag-atake ng Islamic
State, dalawang lider ng US at ibang miyembro nito ang nabihag.
Ayon sa tagapagsalita ng US military na si Kapitan Chris Connoly alam nilang hindi
magiging madali ang misyon sa umpisa pa lamang.
Anchor 2: Duterte, hindi tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan ayon sa
kanyang pahayag sa Grand Menseng Hotel kahapon. Si Former Mayor Sara Duterte
ang may posibilidad na tumakbo sa pagka mayor sa susunod na taon habang ang
isa pa niyang anak na si Sebastian Duterte ay tatakbo bilang kongresista sa ikatlong
distrito, Davao City. Nagpasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta at
naniniwala sa kanya. Sa kabilang banda patuloy ang pag suporta niya sa kaniyang
malalapit na kaibigan na tatakbo sa pagka senador sa susunod na taon, kabilang
na dito sina Mark Villar ng Las Piñas, Roman Romulo ng Pasig at Samuel Pagdillao
ng ACT-CIS.

(Sounds Malakas magpapalit)

Anchor 1: Korte Suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case. Kasingko


Jhunrey, Ibahagi mo.

8
News Presenter: Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng
alyansa ng mga samahang nagkakaisa sa Payatas na humingi ng mas pinaigting na
kalinisan sa kanilang komunidad sa pangunguna ni Leonita Panoy dahil sa
kakulangan sa mga kagamitan at papeles. Ang nasabing petisyon ay ipinaglalaban
dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga residente na nakatira malapit
dito. Gayun paman nananatiling hindi sang-ayon ang Korte Suprema dahil mauuri
naming residente ang payatas at hindi maaaring ituloy ang operasyon ngayon.
Anchor 1: Salamat Jhunrey, para sa isang paalala. Magbabalik po ang
Anchor 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pagputol ng sounds)


(Bagong sounds effects)
Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo? Eh, bakit hindi mo pinaparamdam?
Tubig lang ako, nababawasan, nauubos din. Ikaw na nga ang nagsabi walang
forever, kaya paghindi mo ako tinipid, iningatan at pinahalagahan mawawala ako
sayo at kahit ikaw mawawala rito sa mundo, kaya mahalin mo ang isang hamak na
tubig na gaya ko.
Panahon naman ng El Niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng
wasto ang tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila Water.
(Malakas na pasok ng kanta papahina)

(Pasok ng bagong kanta)


Anchor 1 & 2: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …
Voice: DZRM… DZZZZ… RADYO NG MASA… DZRM
Anchor 1 & 2: SINGKO BALITA!

(Sounds - magpapalit)
Anchor 1: Para naman sa balitang isports, mula sa Taipei, Taiwan Kasingko Carlo,
ibahagi mo.
Sports Presenter: Matapos itanghal sa ikalawang puwesto ng William Jones Cup sa
Taipei, Taiwan ang Gilas Pilipinas na pinamumunuan ng Samahang Basketbol ng
Pilipinas (SBP) ay naiipit sa matinding sitwasyon sa pagkuha sa Los Angeles Lakers
guard Jordan Clarkson para sa final line-up na ipapasa ng Gilas hanggang ngayong
tanghali para sa nalalapit na FIBA Asia Championship. Ang pormal na desisyon para
sa paglalaro ni Clarkson ay magmumula sa SBP Executive Director Sonny Barios na
siyang humiling sa pamunoan ng FIBA sa Geneva, para makapaglaro ang nasabing
LA Lakers guard at ang pangalawang pasya ay magmumula sa LA Lakers Head
Coach Byron Scott. Ayon kay Gilas Head Coach Tab Baldwin ang kompletong line -
up ay maipapasa ngayon subalit hindi ipapaalam sa publiko. Lahat ay gagawin nila
para sa Gilas at ang line-up na ipapasa ay maaari pang baguhin bago magsimula
ang mga laro dagdag ni Baldwin. Ang line – up na ipapasa ng Gilas ay ang “best
choice” para maiwas ang “penalty roster change” sa nasabing liga.
Mula sa Taipei, Taiwan Kasingko Carlo, nag-uulat.
(Sound lakas)
Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan, DZRM…

9
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa estasyong di lamang
naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Quennie De Leon.
Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Jeric Paglingayen.
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang sapat.
Anchor 1 & 2: Lahat ilalantad, sa inyo’y nararapat
SINGKO BALITA.
Voice: DZRM, otso-otso.

Mga Mahahalagang Termino Sa Radio Broadcasting


Sign on – oras na ng estasyon ng radyo ay magsisimula sa pagbo-broadcast
nito.
AM – nangangahulugang amplitude modulation, tumutukoy ito sa standard
radio band.
FM – isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating – current (AC)
wave sa pag-iba-iba sa frequency ng wave na iyon.
Frequency – ang teknikal na kahulugan nito ay ang electromagnetic wave
frequency na namamagitan sa audio at infrared ngunit kapag ginamit sa
programming, tumutukoy ito sa dalas ng pagkahantad ng target audience sa
isang mensahe.
Interference – ito ang tunog na tila naggigisa dahil sa pagbo-broadcast ng
dalawang estasyon ng radyo sa iisang band.
Band – ang lawak na naaabot ng pagbo-broadcast o ang haba ng waves ng
isang tunog.
Simulcast – ang pagbo-broadcast ng iiisang programa sa dalawa o higit pang
magkakaibang estasyon.
Streaming – ang paglilipat ng audio patungong digital data at pagsasalin nito
sa internet.
Transmitter - ang pinanggagalingan o tagalikha ng signal sa isang transmission
medium.
Bumper – ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.
- Ipinababatid nito sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may
mga salitang kasunod.
Teaser – Ito ay ginagamit upang ma-stimulate ang pag- iisip ng mga
tagapakinig upang manatili sa pinakikinggang palatuntunan.
Billboard - maririnig matapos ang balita.
- Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ng sponsor
ang naghatid ng balita.
Announcer - taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng iskrip.

Gawain 3- Pagsunod- sunurin


Panuto: Gamit ang Sequence Flow Map. Isulat ang mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang kawili-wiling Radio Broadcast. Gayahin ang Sequence Flow Map sa inyong
sagutang papel.

10
Sa pagsasagawa ng radio broadcast ay hindi mapipili kung sino-sino ang mga
tagapakinig dahil kahit sino ay pwedeng makinig bata man o matanda basta’t
nakabukas na ang radyo. Kung gayon, dapat lang na maging responsable sa
kanyang pananalita ang isang DJ o Anchor.

Gawain 4: Tukuyin at lagyan ng masayang mukhang emotikon ( ) ang bilog kung


ito ay angkop sa isang radio broadcast at ng malungkot na mukha ( )kung hindi.

Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na nakaphone


patch habang nagbo- broadcast ay makabubuting sigawan mo siya
upang malaman niyang galit ka.
Gumamit ng mga salitang simple upang nauunawaan ng lahat ng iyong
mga tagapakinig .
Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng tagapakinig ay
tila “nakangiti” rin ang boses na naririnig nila.
Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.

Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang


erpat, ermat, bebot at iba pa.

Isaisip
Mahalagang malaman ang mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling
radio broadcast sapagkat ang radyo ay;
1. Naghahatid ng balita na may kredibilidad na maaaring maging daan upang
maimulat ang mamamayan sa katotohanan na nangyayari sa kanyang
paligid.
2. Naghahatid ng mga programang nakaaaliw at kawili-wili.
3. Nagpaparinig ng mga awit na nagbibigay kasiyahan sa mga nalulungkot.
4. Nagiging tulay upang maipabatid ang mga hinaing, panawagan at mga
mungkahi ng mamamayan sa ating pamahalaan.
5. Nagiging daluyan ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng mga
tagapakinig tungkol sa isang paksa.

Binabati kita kaibigan. Ikaw na ngayon ay bagong DJ/anchor sa isang


estasyon ng radyo. Kailangang paghandaan mo itong Mabuti dahil tiyak na
maraming makikinig sa gagawin mong radio broadcast.

11
Gawain 5-Panonoorin ko… Gagawin ko…
Panuto: Manonood kayo sa telebisyon ng programang nagbabalita. Kung mayroon
kayong kompyuter, laptop, tablet o kaya’y android phone at koneksyon sa internet
pwede rin ninyo itong panoorin sa https: www.youtube.com/watch?v=_CZnufgSXFE
Pagkatapos, magsasagawa kayo ng radio broadcast batay sa kaalamang
natutuhan ninyo mula sa inyong napanood. Kukunan ng video ang inyong
isasagawang radio broadcast at ipadala ito sa group chat ng ating seksyon upang
makita ng guro at kapwa mag-aaral.

Narito rin ang ilan sa mga napapanahong isyu na maaaring maging paksa ng
inyong iskrip panradyo. Pumili lang ng isa.
• Tama bang kumuha ng vaccine galing Tsina para sa Covid-19?
• Face to face classes, maaari na ba sa ating komunidad?
• Pamahalaan, lagi bang handa sa mga kalamidad?
• Kakulangan sa trabaho, masosolusyonan pa ba?

1. Basahing mabuti ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga radio broadcast.


Maaari mo pa itong palawakin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
kaalamang nasaliksik mo.
2. Susulat ng iskrip batay sa mga hakbang na nabasa at nasaliksik mo. Taglay
na ng iskrip ang mga paksang tatalakayin mo sa pagbo- broadcast, mga
mensaheng pasasagutan sa iyong mga tagapakinig, liham na babasahin sa
ere, mga awiting patutugtugin, at mga komentaryo sa mga pangyayaring
babanggitin.
3. Tiyaking pilimpili ang mga salitang gagamitin dahil tanging boses mo lang ang
maririnig at hindi ka naman makikita ng iyong tagapakinig. Huwag mong
kalimutang banggitin ang pangalan ng iyong estasyon sa iyong pagbo-
broadcast. Dito rin lalabas ang sarili mong estilo.
4. Isagawa ang radio broadcast. Isa ka nang ganap na radio DJ. Binabati kita.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang binuong iskrip ay komprehensibo at nagtataglay ng lahat
ng kakailanganin sa pagbo-broadcast.
Ang radio broadcast ay naisagawa nang makatotohanan at
nakasusunod sa mga wastong hakbang o paraan ng pagbo-
broadcast.
Ang boses ay malumanay, malinaw, at nakaaakit sa mga
tagapakinig.
Ang mga salitang ginamit ay pilimpili, simple subalit
malaman at mauunawaan ng lahat ng uri ng tagapakinig.
Kabuoang Puntos
5 – Napakahusay 2- Di – Mahusay
4 – Mahusay 1- Sadyang Di – Mahusay
3 – Katamtaman

Tayahin
Gawain 6: Pagsunod – sunurin mo!

12
A. Panuto: Punan ng tamang bilang ang pagkakasunod - sunod ng mga hakbang
sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast.

1. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJs sa radyo. Sila ba’y malinaw
magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba sa tagapakinig
ang kanilang boses? Pag-isipan din ang magiging estilo mo sa pagbo-
broadcast.

2. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan ng iyong mga tagapakinig.
Maaari silang magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa pamamagitan
ng text message o kaya’y private message sa Messenger.

3.Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil


iba-iba ang iyong mga tagapakinig. Hindi lang ang ganda ng boses ang
puhunan ng isang broadcaster kundi ang kahusayan din sa pagpili ng salita
at ang malawak na kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

4. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.

5. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbrobroadcast.


Ang mga awitin ay dapat yung nakapagbibigay inspirasyon sa iba.

6. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. Ang


paksang tatalakayin ay dapat napapanahon o kayay patuloy na nakaaapekto
sa mamamayan sa kasalukuyan.

7. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit na


nagsasaad ng kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga tagapakinig ang
magbigay ng posibleng solusyon o payo sa mga suliranin.

B. Punan mo!
Panuto: Pumili ng angkop na salita mula sa kahon upang mabuo ang diwa ng
pangungusap mula sa natutuhan sa ating aralin.
nakakatakot pilimpili maragsa
estasyon malumanay

Huwag kalimutang banggitin ang pangalan ng sa inyong


pagbo-broadcast. Tiyaking , simple subalit malaman ang mga
salitang gagamitin dahil tanging boses mo lang ang maririnig at hindi ka naman
makikita ng iyong tagapakinig. Ang boses ay , malinaw at
nakakaakit sa mga tagapakinig.

C. Pilipinas, Noon at Ngayon!


Panuto:
Sumulat ng isang iskrip na magtatampok ng ideya na maghahambing sa
lipunan ng Pilipino noon at ngayon. Tatalakayin mo kung may pagbabago at paglutas
ba sa mga suliraning panlipunan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Inatasan kang
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula

13
sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka
ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang
programa sa radyo.
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong iskrip
panradyo. Pumili lang ng isa.
• Dagdag kontribusyon ba ang kailangan sa Philhealth o matinong pinuno para
sa ikabubuti ng lipunan?
• Pagpaslang ng isang pulis sa mag-inang Gregorio, kadakilaan ba o kasuklam-
suklam?
• Pagdami ng mga Intsik sa Pilipinas, nakababahala ba sa ating soberanya o
hindi?
• Sino ang nakinabang sa Rice Tarriffication Law, magsasaka o negosyante?
• Isyu ng kalayaan noon at Pandemyang Covid-19 ngayon, maituturi bang
labanan sa dalawang magkaibang panahon?

Pamant Napakahusay Mahusay Mahusay – Hindi Pun


ayan (5) (4) Suhay ( 3) Mahusay (2) -tos
Iskrip Napakahusay Ang binuong Di – gaanong Hindi
nang pagkakabuo iskrip ay isang komprehensib komprehensib
ng iskrip at ito ay komprehensibo at o at o at
nagtataglay ng nagtataglay ng nagtataglay nagtataglay
lahat lahat ng lahat ng lahat
kakailanganin sa kakailanganin sa kakailanganin kakailanganin
pagbo-broadcast. pagbo-broadcast. sa pagbo- sa pagbo-
broadcast. broadcast.
Pagta Napakahusay na Ang radio Hindi Hindi
tanghal naisagawa ang broadcast ay gaanong naisagawa ng
radio broadcast. naisagawa ng naisagawa ng makatotohan
Ito ay makatotohanan makatotohan an at di
makatotohanan at at nakasusunod an at nakasusunod
nakasusunod sa sa mga wastong nakasusunod sa mga
mga wastong hakbang ng sa mga wastong
hakbang ng pagbo-broadcast. wastong hakbang ng
pagbo-broadcast. hakbang ng pagbo-
pagbo- broadcast.
broadcast.
Boses Mahusay ang Ang boses ay Di-gaanong Hindi
paglakas at malumanay, malumanay, malumanay,
paghina ng boses malinaw at malinaw at malinaw at
at lubos na nakaaakit sa mga nakaaakit sa nakaaakit sa
nakakaakit sa tagapakinig. mga mga
mga tagapakinig. tagapakinig. tagapakinig
Salitang Napakahusay ng Ang mga salitang Di – gaanong Hindi
ginamit mga salitang ginamit ay nauunawaan nauunawaan
pinili. Simple pilimpili, simple ng mga ng mga
subalit malaman subalit malaman tagapakinig tagapakinig
at nauunawaan ng at nauunawaan ang mga ang mga
lahat ng uri ng ng lahat ng uri ng salitang salitang
tagapakinig. tagapakinig. ginamit. ginamit.

Kabuuang Puntos:

14
Karagdagang Gawain
Gawain: Kakayanin ko, Gagawin ko!

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod. Limang puntos bawat aytem.

1. Ano-ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio


broadcast?
2. Bakit kailangang gumamit ng angkop na mga salita habang nagbo-broadcast?
3. Nakatulong ba sa iyo ang panonood ng programang nagbabalita sa telebisyon
sa pagsasagawa ng radio broadcast?

Sanggunian
“Radio broadcasting glossary.” Radio Connection. Accessed December 2020.
https://www.radioconnection.com/glossary/.

“Radio stations in Zamboanga City Province, Philippines.” Accessed December 2020.


https://www.asiawaves.net/philippines/zamboanga-city-radio.htm.

“Radio stations in Zamboanga del Norte, Philippines.” Accessed December 2020.


https://www.asiawaves.net/philippines/zamboanga-del-norte-radio.htm.

“Radio stations in Zamboanga del Sur Province, Philippines.” Accessed December


2020. https://www.asiawaves.net/philippines/zamboanga-del-sur-
radio.htm.

“Radio stations in Zamboanga Sibugay, Philippines.” Accessed December 2020.


https://www.asiawaves.net/philippines/zamboanga-sibugay-radio.htm.

“Rubric sa pagtataya ng talata.” Accessed December 2020.


https://www.scribd.com/doc/274148770/Rubrik-Sa-Pagtataya-Ng-Talata.

Dela Torre, Joseph. “Filipino radio broadcasting script.” Accessed December 2020.
https://www.academia.edu/15716681/Filipino_Radio_Broadcasting_Script.

Department of Education. “K to 12 Filipino 8 learners’ module.” Accessed December


2020.
https://www.google.com.ph/search?q=K+to+12+Filipino+Learners+Module&
r1z=1C1GTPM_enPH552PH552&oq=K+to+12+Filipino+Learners.

GMA News. “24 oras express: May 22, 2020.” Premiered May 23, 2020. Youtube
video, 0:57. https:www.youtube.com/watch?v=_CZnufgSXFE.

Legaspi, Lanie Lyn. “Performance task: Rubric sa radio broadcast.” Accessed


December 2020. http://www.scribd.com/document/340061809/Pangalan-rubric-
radio-lanie-lyn-docx.

15
16
Isaisip
Gawain 5
Iba – iba
ang sagot.
Gawain 3
Paunang pagtataya 1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon.
Gawain 1: 2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJs
1. D 6. A sa radyo. Sila ba’y malinaw magsalita? Angkop
2. D 7. A ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba sa
tagapakinig ang kanilang boses? Pag-isipan
3. D 8.C din ang magiging estilo mo sa pagbo-
4. C 9. A broadcast.
5. D 10. C 3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo
sa pagbo-broadcast dahil iba-iba ang iyong
mga tagapakinig. Hindi lang ang ganda ng
boses ang puhunan ng isang broadcaster
kundi ang kahusayan din sa pagpili ng salita
Balikan at ang malawak na kaalaman sa mga paksang
Tuklasin tatalakayin.
1. D 4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin
1. D kasama ang iyong co-anchor. Ang paksang
2. A 2. C tatalakayin ay dapat napapanahon o kayay
3. C 3. B patuloy na nakaaapekto sa mamamayan sa
kasalukuyan.
4. A 4. C 5. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan
5. D 5. A ng iyong mga tagapakinig. Maaari silang
magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa
pamamagitan ng text message o kaya’y
Tayahin
private message sa Messenger.
A. 6. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula
sa mga tauhan ng awit na nagsasaad ng
1. 2 kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga
2. 5 tagapakinig ang magbigay ng posibleng
solusyon o payo sa mga suliranin.
3. 3
7. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa
4. 1 iyong pagbrobroadcast. Ang mga awitin ay
5. 7 dapat yung nakapagbibigay inspirasyon sa
iba.
6. 4 Gawain 4
7. 6
1. 2. 3. 4. 5.
B.
Estasyon, pilimpili, malumanay
C. Iba – iba ang sagot
Susi ng Pagwawasto

You might also like