You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL
City of San Pedro, Laguna
FILIPINO - 8
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAMPAGKATUTO NO: 3.6
IKATLONG MARKAHAN – IKA LABING APAT NA ARALIN: MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
MELC #: 45 KODA AT KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F8PS-IIIe-f-32 Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga
pananaw at katuwiran
NAME: ________________________________________ DATE: _______________
GRADE & SECTION: _________________________ SCORE: ______________

SUSING KONSEPTO: MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


Bawat pangungusap ay may mga konseptong nagiging higit na makabuluhan at makahulugan kapag pinagsama
sa tulong ng pang-ugnay.Ito ang mga konseptong naglalahad ng relasyon o kaugnayang lohikal

GAWAIN #1: PAGSUSURI SA ISANG TEKSTO


PANUTO: Basahin ang lunsarang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
Ayon sa National Statistical Coordinating Board, ang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay dapat na
may kitang Php. 8,251.00 upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa badget daw na Php. 275.00
kada araw,hindi sila maghihirap.

Ito ang inilantad ng I-Witness nang makilala nila si Mang Ronaldo. Si Mang Ronaldo na walang regular na
hanapbuhay ay nagtitinda ng prutas sa tapat ng kanilang bahay kaya naman nakatutulong siya sa asawang
namamasukang tindera sa Divisoria.

Si Delma naman na ang asawa ay nagtitinda ng ice cream ay nakaraos sa pang-araw-araw na gastusin sa labis
na pagtitipid. Lahat yata au tinipid niya; ilaw,tubig,luho sa katawan at hindi nila binibili ang mga hindi kailangan.Sa
pagiging mapamaraan at matiisin,nabibili nila ang mga pangunahing pangangailangan.

Totoo nga naman, Kung ang mga mamamayan ay may sistema, marunong magtipid at talagang marunong
magbadget,walang maghihirap at walang mag-asawang mag-aaway nang dahil sa pera.

Sanggunian: Kayumanggi Batay sa kurikulum na K-12 (Ikatlong Markahan)


ni Perla Guerero, et. al

Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang talataan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Mapapansin na may bahagi ng pangungusap na sinalungguhitan ng dalawang ulit. Ano ang kaugnayan ng mga
ito sa bahagi ng pangungusap na minsan lang sinalungguhitan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng sanhi at bunga?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang
mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan,
paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.
1. Dahilan at Bunga/Resulta
Ang dahilan ay nagsasaad ng sanhi ng mga pangyayari. Isinasaad naman ng bunga ang resulta nito.
Mga Pang – Ugnay na ginagamit sa pagsasabi Mga Pang – Ugnay na naghuhudyat ng
ng dahilan o sanhi: resulta o bunga:
- Sapagkat - Kaya
- Dahil - Kaya naman
- Dahilan sa - Dahilan dito
- Kasi - Bunga nito

2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Sa
relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na - para, - upang, o - nang sa ganoon upang maihudyat ang
layunin.

3. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong
ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
Halimbawa: Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral. (resulta + paraan)

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan


Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon.
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na - kung at karaniwan
itong sinamahan ng - sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan.
Halimbawa: Kung nag-aaral ka nang mabuti, sana’y natuto ka nang husto. (Pang-Ugnay + Kondisyon + bunga)

Sa ikalawa, ginamit ang - kapag, - sa sandaling… o - basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang
pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Halimbawa: Matututo ka nang husto kapag/sa sandaling/basta’t nag-aral kang mabuti.

GAWAIN #2: PAGSUSURI SA MGA PANGUNGUSAP AT ANG KONSEPTONG LOHIKAL NITO


PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng Mga Konseptong may KaugnayangLohikal ang mga sumusunod na pangungusap.
Letra lamang ang sagot:

A.Dahilan at Bunga/ Resulta C. Paraan at Layunin


B.Paraan at Resulta D. Kondisyon at Bunga oKinalabasan

_____ 1. Kapag (o kung) maganda ang panahon bukas, pupunta tayo sa perya.
_____ 2. Nakaipon siya ng malaking halaga sa pagtitinda lamang ng yema at pulboron.
_____ 3. Kung inagahan mo ang pagpunta, nakakuha ka sana ng grasya.
_____ 4. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil ang ulan ay malakas.
_____ 5. Lumuwas siya ng Maynila, upang maghanap ng trabaho.
_____ 6. Para hindi antukin habang nagbabasa, nagtimpla si Leo ng kape.
_____ 7. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng GAS 12 ang paligsahan.
_____ 8. Si Liza ang itinanghal na kampeon, kaya’t lubos ang kanyang galak.
_____ 9. Sa masinop na paggawa ng proyekto, nakakuha siya ng mataas namarka.
_____ 10. Nagsikap siyang mabuti upang makatapos ng mag-aaral.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al


Inihanda ni: Gng. Sarah Joyce D.M. Pastoral

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

You might also like