You are on page 1of 21

Grade 8

Activity Sheets
Quarter 2 Week 2
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0

Pagpili ng Pangunahin at Pantulong Na kaisipan


Kasanayang Pampagkatuto: Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa
paksa ng balagtasan (F8PB-IIc-d-25)

Konsepto o Input:
Dito ay magiging malaya ka na mailahad/maibigay ang iyong
katwiran, opinyon o pananaw patungkol sa paksa ng balagtasang “Alin ang
nakahihigit sa dalawa: Dunong O Salapi?”

Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi?

Lakandiwa: (Pagbubukas)

Isang dating paksa itong amin ngayong iaalay


Sa naritong makikinig nitong aming Balagtasan;
Kung tunay man gang napiling magtatalao’y kasibulan,
Ngunit sila ay kilalang may matayog na isipan;
Ang kanilang itatampok ay salapi’t karunungan
Na kung alin ang mahigit ngayo’y ating malalaman.

Ngunit bago ko tawagin ang titindig na makata,


Ako muna’y magpapayo sa dalawang manunula;
Hindi baling pag-apoyin ang katwira’t talinghaga,
Dapat huwag magbibitiw ng katagang walang wawa;
Hindi baling magsabuyan ng binanghay na talata,
Huwag lamang isasama ang iringa’t paninira!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
Ang makatang pumapanig sa binanggit nating dunong
Ay si Laya Makabansa na may pusong mahinahon;
At ang aping sa salaping kangina pa tumututol,
Si Tagumpay Dimagiba may salaping bakul-bakol;
Kaya Laya Makabansa kung sa dunong ka sang- ayon,
Tumindig ka’t ang tula mo’y bigkasin mong mahinahon!

Dunong Unang Tindig:

Ginigising ang isp ko nitong pusong pumipintig


At nagbihis na tanawing gumaganyak sa pagmasid;
Inakit ang damdamin sa kalakhang pinagsikip
Ng maraming kaunlarang naging hiyas sa daigdig;
Iya’y isang katanungang ang sagot ko ay matuwid:
Bunga iyan ng dunong ko na lumilok at nagtindig!

Naririyan ang lansanga’t paaralang nakatayo


Napag-asa ng esk’welang di mabilang nating bunso;
Kaya iyan ay inisip at sinikap na mabuo
Upang itong lahi natin na mulala’y mapaanyo;
Patotoo lamang iyan sa marangal na kabunggo
Na ang dunong mahalaga kung hangad mong mapawasto!

Kaya ngayo’y isang isang ilalahad ko sa tula,


Kung paanong itong dunong may hiwagang nalilikha:
At aklat na aralin ng mabunyi kong kabangga,
Di ba’t iya’y maliwanag na sa dunong din nagmula?
Samakatwid ang panig ko’y higit itong mahimala
Kaysa riyan sa salapi na madaling nawawala!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
Lakandiwa:

Habang itong binibini’y mahinahong bumibigkas


Ang makata sa salapi’y napansin kong nagpipiglas;
Palagay ko’y handang –handa ang katwirang isasalag
Kay di ka mapakali habang ikaw’y nagmamatyag;
At Tagumpay Dimagiba, tumayo ka’t magpahayag
Ng tugon mo sa katalong walang awa kung manghampas!

Salapi Unang Tugon:

Nababagbag ang damdamin kapag aking iniisip


Ang dalitang binabata ng maraming anakpawis
Ang sang laksang ama’t inang gumagawang nasa init,
Sa hirap din nauuwi ang kanilang pagsasakit;
A, talagang pag nagdahop sa Salaping panaginip
Ang buhay mo ay madalas na dalawin ng ligalig!

Lilinawin natin ngayon ang sandigang tinatalakay


Ng diwatang nakatalong katatapos mangatwiran;
Yaong aklat na binanggit at pag-unalad nitong bayan,
Tila hindi napagkurong sa Salapi natin utang;
Kaya tayo nagkaroon nitong aklat paraluman
Ay dahil din sa Salaping itinubos sa limbagan.

Inawit din ng katagis ang lansangan at gusali


Na Salapi ang ginamit ng itindig at mayari;
Ay gayundin itong bunsong supling nitong ating lahi,
Di ba’t kaya nag-aaral ay sa hangad mapatangi?
Pag natuto’t namasukan ay masdan mo nahihili
Nasa aking kayamana’y nasasabik makihati!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
Dunong Ika-2 Tindig:

Nakita mo kabalagtas ang Salaping itinubos


Sa aklat mong tinalakay sa paksa tang tinutuos;
Ngunit iyong naligtaan ang katagang nasa loob
Na lagi mong inuusal ang aralin sa taludtod;
Iya’y isang katunayan na hindi mo natatalos,
Dunong lamang ang lumikha sa aklat mong itinatampok!

Oo’t tayo, nag magtayo ng gusaling matataas


Ay salapi ang ginagamit sa pagbuo ng balangkas;
Ngunit yao’y kaya lamang nagkaanyo, kabalagtas
Ay sapagkat itong dunong ang gumuhit at nagpuyat;
At ito rin ang kumipil sa tinipong mga sangkap,
Kaya naman nang mayari’y nakatindig ng matatag!

Salapi Ika-2 Tindig:

Kahit ikaw ang gumuhit sa nilikhang mga plano,


Ang gusali’y di titindig pag wala kang karpintero;
At hindi rin mabubuo ang hinalo mong semento
Kapag ikaw’y nasa iran ng salaping isus’weldo;
Maging iyang minimithing pag-aaral mo katalo,
Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matututo.

Ang halaga ng panig ko ay kong iyong lilimiin,


Hindi tayo mabubuhay kapag walang gugugulin;
At kung ikaw halimbawa ay may anak na sakitin
Ay tatawag ka ng doctor kung may perang dudukutin;
Kaya ako kahit walang karunungang ituturing,
Ibig ko ang mabuhay na sagana sa pagkain!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
Dunong Ika-3 Tindig:

Gayon nalang ang ngitngit mo sa nilikhang nagagahol,


Ngunit kapag nagkasakit ay tatawag din ng doktor;
Baka bukas- makalawa’y sa away ka mapasuong,
Tiyak namang lalapit ka sa isa kong manananggol…
Itong ating pagtatalo ay luminaw na rin ngayon,
Sa dunong din ang hawak mo kapag ikaw’y nililindol!

Salapi Ika-3 Tindig:

Kung ako man ang tatawag ng sariling manggagamot,


May salaping ibabayad sa kanilang pagpapagod;
Dapat mo ring unawaing salapi ko ang nag-utos,
Kaya kayo pag hinili ay malimit magkumamot;
Maging iyang manananggol ay sa akin nakatanod
Pagkat dito sa yaman ko’y sabik kayong makiamot.

Lakandiwa:

Maririing mga ulos ang tinanggap ng diwata


Sa makatang salaping kung mamalo’y walang awa;
Upang itong pagtatalo ay lalo pang magkabisa,
Ang makatang paraluman ay bibigyan nating laya;
Kaya itong binibini ay titindig ngayong kusa
At sa kuta ng kalaba’y pipiliting manalasa!

Dunong Ika-4 na Tindig:

Ang dunong ko, kalianman, yaman mo’y di nanghingi,


At manapa,kadalasa’y lumalapit ang salapi;
Katunayan sa income tax,noong ikaw’y magkamali

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
Ang dunong ko ang umaayos kaya di ka napalungi
Ang Lolo mo’y nang matipus, maramal kong katunggali,
Pinaggaling ng doctor ko kaya hindi rin nasawi!

Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,


Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas;
At sa halip na ingatan ang salaping nakaimbak,
Baka ikaw ay malinlang ng katotong di matapat;
Di kung gayo’y sa wala rin mauuwi kabalagtas
Ang tinipon mong salapi sa taguan ay lalabas!

Lakandiwa:

Si Tagumpay, pag diwata ang kalaban sa tulain,


Di ka man lang matigatig kahit ikaw’y hahambalusin;
Ang hindi ko matitiyak at mahirap hinuhain,
Baka naman mayroon kang nakakubli na damdamin,
At nang upang magliwanag ang panig mong nagkasilim,
Tumayo ka Dimagiba’t ang katwira’y pagitawin!

Salapi Ika-4 na Tindig:

Iba naman kung maglilingkod kabig mong marurunong,


May katapat na salapi yaong pagod sa paghamon;
Payag kayong manilbihan kahit hanggang dulong nayon
Pagkat maroon kang sahod na salaping iniipon;
Ngunit kami, naiiba pag sa kapwa ay tumulong,
Kung magbigay ng Salapi’y kaliwa’t walang tutol.

Kung kami may masasabing hindi ganap na natuto,


Ngunit kaya nagkaroo’y likas namang matalino;
Kaya kami nagsiyama’y sinikhay kahit piso,

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

6
Kaya naman din di naglao’y naging mga milyonaryo;
Kung mayroon g manlilinlang na nanggaling sa katoto,
Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging tuso!

Dunong Huling Tindig:

Bagun-bagon mang salapi’t ang bahay mo ay punuin,


Mamamanyas ka, katalo, pag wala kang ngangalutin;
Ang higit lang kailanga’y ating ngayong paunlarin
Ang pag-asang pagkabuhay na hayupan at pananim;

Magagawa lamang iya’t maaaring paningningin


Nitong isip, karunungang sa dalita nakatingin!

Salapi Huling Tindig:

Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang palibot,


Pag wala kang ibibili mabubusog ka sa lunos;
Kahit ikaw’y may halaman at alagang mga hayop
At iyo ring ilalako yaong bunga nitong pagod;
A, talaga katalo ko, kahit saan ka umikot,
Dugo’t buhay nating lahat ang salapi sa sinukob.

Lakandiwa:

Tinapos namin ngayon itong aming balagtasan


Na kayo na nga ang magpuno kung kami man ay nagkulang:
Sa masusing pagsusuri’t pagsubaybay sa naglaban,
Ang hatol kong ilalagda sa dalawa’y patas lamang;
At sa wakas, kaming ito’y pusong nagpupugay
Sa inyo pong pakikinig nitong aming balindangan!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Gawain 1
Mula sa balagtasang binasa ay mahihinuha na kapwa mahalaga ang
dunong at ang salapi sa buhay ng isang tao. Nais kong buuin mo ang
graphic organizer sa dakong ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong
opinion at katwiran tungkol sa kabutihan ng pagkakaroon ng dunong at
salapi. Sa linya isulat ang mga paraan kung paano mapapakinabangan ang
dalawang bagay na ito. (15 puntos)

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

8
Gawain 2
Mula noon hanggang ngayon ay masasabing tunay na mahalaga ang
pagkakaroon ng salapi at dunong ng isang tao. Halimbawang nabiyayaan ka
ng dalawang bagay na ito, Paano mo ito magagamit upang makatulong sa
mga taong ngangailangan? Sagutin ang double entry journal sa ibaba upang
maibigay ang iyong opinion at katuwiran hinggil dito. (10 puntos)

Kung ako’y may dunong, ito ang Kung marami akong salapi, ang mga
gagawin ko… gagawin ko ay...

Sanggunian:
Baisa – Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S,
Pinagyamang Pluma 8 (K TO 12) Phoenix Publishing House, INC. 927
Quezon City.

Jenny G. Regidor, SST-1 Relialyn A. Ramos


Manunulat Tagalapat
Digos City NHS Pedro S. Garcia ES

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

9
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0

Pagsang-ayon at Pagsalungat
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng
pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento (F8-PU-IIc-d -25)

Konsepto / Input:

Pagsang-ayon - ito ang pagtanggap, pagpayag o pagpapatibay ng


anumang hinihingi, itinatanong o sinasabi ng kausap.

Narito ang ilan sa mga pananalitang nararapat gamitin sa pagsang-ayon.


1. Ganap na pagsang-ayon
• Sumasang-ayon ako sa …
• Nararapat ang iyong ginawa
• Hindi ka nagkamali sa iyong desisyon
• Maaari ka nang magtanong
• Dapat lamang na manindigan siya
• Ganyan din ang iniisip ko
• Kakampi mo ako sa …
• Magkatulad tayo sa paniniwala…

2. Pagsang-ayon na may pasubali


• Sumasang-ayon ako sa iyo subalit…
• Medyo sumasang-ayon ako pero…
• Sumasang-ayon ako sa iyong punto pero…
• Iginagalang ko ang iyong opinyon pero…
• Maaaring tama ka subalit…

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

11
Pagsalungat - ito ang pagtutol o pagbabawal sa isang gawain, katwiran,
paniniwala, opinyon, mungkahi o panukala.

Narito ang ilan sa mga panalitang nararapat gamitin sa pagsalungat.


1. Ganap na pagsalungat
Hindi totoo ang iyong sinasabi at lubos akong hindi sumasang-
ayon/lubos akong sumasalungat sa…
Maling-mali yata ang iyong paniniwala…
Hindi mo ako mahihikayat sa…

2. Pagsalungat na may paggalang


Hindi ako sumasang-ayon pero …
Sa anggulong iyon, masasabi kong may punto ka, subalit …
Sumasalungat ako sa iyong sinasabi pero …

Gawain 1
Panuto: Ilahad ang iyong pananaw kung sumasang-ayon ka o
sumasalungat sa mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek () ang
bilog katapat ng iyong pinapanigan at ilahad ang iyong pangangatwiran sa
patlang na nakalaan.

1. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin.


Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Lubos na nakatutulong ang edukasyon sa pag-unlad ng isang tao.


Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

12
Ang pangangatuwiran ko ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ang tao ay sumasama dahil sa kanyang kapwa.


Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Nakatutulong ang tamang pagdidisiplina sa paghubog ng isang tao.


Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ang kalinisan sa sarili ay nakatutulong upang maiwasan ang anumang


sakit.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

13
Gawain 2
Panuto: Gamitin ang mga pahayag sa ibaba. Dugtungan ito gamit
ang iba’t ibang hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat upang mabuo ang
isang pahayag.

Kung ako ang iyong Maaaring totoo ang


tatanungin, ang iyong sinasabi pero
internet ay - _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________

Naiintindihan ko ang
iyong punto ngunit
_______________________
_______________________
_______________________

Iyon ang dahilan kung Sa kabilang banda,


bakit naktutulong ang
_______________________
_______________________ internet dahil
_______________________ ______________________
_______________________ ______________________

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

14
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng 5 pangungusap. Ilahad dito ang iyong
pagsang-ayon o pagsalungat sa pagpapatupad ng Enhanced Community
Quarantine dahil sa COVID 19.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian:
Kalinangan Workteks sa Filipino 8 Wika at Panitikan para sa Hayskul

Francisco F. Cabrillos Jr. Relialyn A.Ramos


Manunulat Tagalapat
Digos City NHS Pedro S. Garcia ES

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

15
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag


ng Opinyon
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat sa paghahayag ng opinyon (F8WG-IIc-d-25)

Konsepto/Input:

Dito ay maisa isa natin ang pagtalakay tungkol sa paggamit ng mga


hudyat na nagpapakita ng pagsang-ayon o pagsalungat sa isang pahayag o
pananaw ng kausap. Pag sinsabing pagsang-ayon ito ay nagpapakita ng
pagpayag, pagtanggap, pakikiisa at pakikibagay sa isang pahayag.
Ilan sa mga hudyat na ginamit sa paglalahad ng pagsang-ayon ay:
- Bilib ako sa iyong sinasabing… - Ganoon nga…
- Sang-ayon ako… - Sige…
- Kaisa mo ako sa bahaging iyan… - Maaasahan mo ako riyan…
- Iyan din ang palagay ko… - Iyan ay nararapat…•
- Totoong.… - Lubos akong nananalig…
- Oo… - Talagang kailangan…
- Tama ang sinabi mo… at marami pang iba.

Halimbawa
Lubos akong nananalig na makatutulong sa atin ang covid vaccine
para makaligtas tayo sa Crona Virus (CoVid).

Samantala ang pasalungat naman ay nagpapakita ng pagtanggi,


pagkontra, pagtutol at pagtaliwas sa isang pahayag.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

16
Ilan sa mga hudyat na ginamit sa paglalahad ng pagsalungat ay:
- Ayaw ko ang pahayag na… - Hindi ako naniniwala riyan…
- Hindi ako sang-ayon dahil… - Hindi ko matatanggap ang
iyong sinabi
- Hindi tayo magkasundo… - Hindi totoong…
- Huwag kang… - Ikinalulungkot ko…
- Maling-mali talaga ang iyong… - Sumasalungat ako sa

Halimbawa
Ikinalulungkot ko na hindi ko matatanggap ang mga sinasabi mong
iyan.

Gawain 1
Panuto: Gamit ang iba’t ibang hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat,
ibigay ang iyong opinion hinggil sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

1. Ang taong walang isang salita ay walang kredibilidad.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Hindi na dapat pang pagkatiwalaan ang taong nagsinungaling minsan.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng karahasan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

17
4. Hindi uunlad ang buhay ng taong walang edukasyon o hindi nakapag-
aral.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Magulang ang dapat sisihin sakaling maligaw ng landas ang anak.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Sa tulong ng mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat, ipahayag ang iyong opinyon at dahilan tungkol sa
pagpapatupad ng curfew hours.

1. Lubos akong naniniwala na makabubuti sa amin ang …


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

2. Sumasang-ayon ako riyan dahil …


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

18
3. Hindi ako naniniwala na makbubuti sa amin ang …
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

4. Tumututol ako riyan kasi …


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

5. Bilang pagwawakas, sinasang-ayunan ko… subalit tinututulan ko ang



_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

19
Gawain 3
Panuto: Gamit ang iba’t ibang mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat, ibigay ang iyong opinyon hinggil sa “No Cellphones During
Classes Hours Policy”. Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

Sanggunian:
Kalinangan Workteks sa Filipino 8 Wika at Panitikan para sa Hayskul

Francisco F. Cabrillos Jr. Relialyn A. Ramos


Manunulat Tagalapat
Digos City NHS Pedro S.Garcia ES

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like