You are on page 1of 22

8

FILIPINO
Ikalawang Markahan –Modyul 5:
Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat
Filipino – Baitang 8
Ikalawang Markahan – Modyul 5: MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON AT
PAGSALUNGAT

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang “Alin Ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak: Palo o Pangaral? –
BALAGTASAN ay ginamit sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MELISSA D, MALTO
Editor: RODOLFO F. DE JESUS,PhD
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE, ROSALIE I. ZINGAPAN, PAMELA O.DESCARTIN,
DULCE S. VALENZUELA, NERISA M. ROXAS, BERNARDITA T.MORON

Tagaguhit: LEILANIE S. YUTIAMPO


Tagalapat: BRIAN SPENCER REYES
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 5:

MGA HUDYAT NG
PAGSANG-AYON AT
PAGSALUNGAT
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Modyul para sa araling Mga


Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka ng gurong
tagapagdaloy. Upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Modyul ukol sa Mga Hudyat ng Pagsang-


ayon at Pagsalungat!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay, tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatutoAng
modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan lahat
ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito
upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na
mula sa Malaysia. Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay pahintulot na magamit sa
iba’t ibang pagkakataon sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul ay
kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng
bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito, kung saan mo mababasa ay
maaaring mabago na batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay:

Aralin 5 – Mga Hudyat ng Pagsang-Ayon at Pagsalungat

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang:

A. Natutukoy ang iba’t ibang hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


tekstong binasa

B. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


paghahayag ng opinyon

C. Nakasusulat ng isang iskrip ng balagtasan na ginagamitan ng


pagsang-ayon at pagsalungat

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.


Isulat ang letra ng tamang kasagutan sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay mga pahayag na mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga


pangyayari.
A. katotohanan C. damdamin
B. opinyon D. katuwiran
2. Ang mga pananda gaya ng: ganyan din ang palagay ko, oo, tunay,
talaga, totoo, tama, iyan ang nararapat, pareho tayo ng palagay ay mga
hudyat ng_______________.
A. opinyon C. pagsalungat
B. katotohanan D. pagsang-ayon

3. “Naniniwala akong ang pagpupursige sa buhay ay kaakibat ng


tagumpay.” Anong mga salita sa pahayag ang naghuhudyat ng
pagsang-ayon?
A. naniniwala ako C. pagpupursige sa buhay
B. kaakibat ng tagumpay D. lahat ng nabanggit

4. Ang mga pananda gaya ng: mabuti sana ngunit, ikinalulungkot ko,
nauunawaan kita subalit, bakit di natin, ayaw, hindi, mali at walang
katotohanan ay mga hudyat ng_______________.
A. katotohanan C. pagsang-ayon
B. opinyon D. pagsalungat

5. “Hindi ko matanggap ang pagbabagong nagaganap sa atin ngayong new


normal.” Anong mga salita sa pahayag ang naghuhudyat ng
pagsalungat?
A. pagbabagong nagaganap C. hindi ko matanggap
B. ngayong new normal D. wala sa nabanggit

2
Aralin
Mga Hudyat ng Pagsang-Ayon at
5 Pagsalungat

Balikan

PANUTO: Punan ng tamang impormasyon ang mga kahon ayon sa kahulugan,


katuturan at katangian ng BALAGTASAN. Isulat sa inyong sagutang papel ang
wastong sagot.

Kahulugan

Katangian Balagtasan Katuturan

Tanong:

Paano nakatulong ang balagtasan sa panahon natin ngayon?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3
Tuklasin

Panuto: Masdang mabuti ang mga larawan. Sagutin ang katanungan sa


ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

A.

B.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan sa letrang A at B? Anong damdamin ang
maaaring mangibabaw dito?
__________________________________________________________________________________
___________________________________________

2.Paano mo tatanggapin sakaling ikaw ay sang-ayunan o salungatin?

__________________________________________________________________________________
___________________________________________

Pokus na Tanong

1. Paano nakatutulong ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


pagpapahayag ng iyong opinyon?

4
Suriin

Talasalitaan

Panuto: Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng


salitang nakasalungguhit sa bawat bilang. Isulat ang kasagutan sa
iyong sagutang papel.

1. Dapat supilin agad ang ugali ng anak na tangkakal upang hindi


siya lumaking suwail.

2. Hindi matututo ang kalabaw kung hindi siya hahagkisin ng palo


upang siya ay magtanda sa turo dapat lang na hampasin nito.

3. Ang Lakandiwa, mga makata at naliliping karamihan ay nagtitipon


sa tanghalan para magbalagtasan.

4. Si Makatang Bulakenyo ay sumabat sa usapan upang sumali sa


paksang pagtatalunan.

5. Ang daliwsil na bunso ay kailangan ng hagupit upang ang katigasan


ng ulo ay agad mabago.

5
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang piling bahagi ng Balagtasan.

Paksa: “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak: Palo o


Pangaral?” nina F. Monleon, E. M. Antonio at T. Baylen
Lakandiwa: Fernando (Batubalani), ang makata ng Laguna
Mambabalagtas: Emilio Mar Antonio, ang makata ng Bulacan para sa panig ng
pangaral.
Teo S. Baylen, ang makata ng Cavite para sa panig ng pamalo

Lakandiwa (Pagbubukas):
Itatanghal namin dito’y isang tanging balagtasan na ang paksa’y nauukol
sa usaping pangtahanan; ito’y laging suliranin ng makupkop na magulang na
ang nasa’y patinuin bawat supling nilang hirang; sa paghubog sa ugali nitong
anak na tangkakal----alin ang dapat gamitin: PAMALO ba o PANGARAL?
Akin ngayong tatawaga’y mga tanyag na makata na taimtim ang pag-ibig
sa sarili nating wika.
At kung sila’y narito na at handa nang manalasa, hinihintay ko na
ngayong manawagan silang kusa; samantala, akong ito bilang isang Lakandiwa
ay marangal na labanan ang tangi kong ninanasa.

Pamalo (Panawagan):
Marangal na Lakandiwa’t mga mahal kong kalahi, akong anak ng Cavite’y
nagbibigay-pasintabi; sa binuksan dito ngayong isang paksang katangi-tangi,
iyang panig ng palo ay siya kong pinipili; mahal ko man anak ko (ito’y walang
pasubali) ay hindi ko papayagang maging liko ang ugali; kaya’t ako’y naparito
na ang bao’y hunosdili, sa tanghala’y papanhikin sakali po’t maari…

Lakandiwa
Ang Makata ng Cavite, yamang ngayo’y nanawagan bilang unang
paggunita dito’y aking papayuhan… Kung ang baon mo’y tula at hinaho’y konti
lamang umurong na pagka’t ito ay labanang-kahiyaan; datapwa’t kung handa
kang makihamok ng lutlutan pumanhik ka’t ipagtanggol ang panig mong
pinanigan.

Pangaral (Panawagan)
Maginoong Lakandiwa’t nalilimping karamihan ang Taal sa Bulakenyo’t
bumati’t nagpupugay; yamang diya’t may makatang sa Cavite namuhatan, na
ang dala ay palo sa bunsong may kasalanan, ako sana’y papanhiki’t ang dala
ko’y aklat lamang upang iayos ang anak sa matapat na pangaral; higit itong
makatao’t ito’y handang patunayan sukdang dito’y magkahalo ang balat sa
tinalupan.

Lakandiwa
Sa sumabat kapagkuwan ng Makatang Bulakenyo. Sasabihin ay gayari at
ito ma’y pagpapayo; Sino ka mang nananawagan, buhat ka man sa palasyo, ang
tuntuning isang diwa’y malinis ang pagtatalo; di ano pa’t magpatuloy ka at
ilahad ngayon dito ang kahigtan ng pangaral na tinurang makatao.

6
Pamalo
Ngunit ang isip ng bata’y parang itatayong bahay na ang tablang ihihiyas
ay marapat na pakuan; paano maikakabit ang maganda mong pangaral kung
hindi mo ihahagkis ang pamalong iyong tangan?
Pangaral
Sa panahong ito ngayo’y malawak ang karunungan, kapag bahay na
kungkreto’y walang pakong kailangan iyang bato at buhangin ng magandang
mga aral ay yayari ng gusali ng matino mang isipan.
Pamalo
Ang mahubog sa pamalo’y gumigiting na lalaki at sa baya’y nagagamit na
panulok na haligi…
Pangaral
Di lalo na iyang bunsong sa pangaral kinandili, natatampok na talino’t
lumilitaw na bayani…
Pamalo
Datapwa’t alam mo ba katoto ko’t kabalagtas, ang lumaki sa pangaral
karaniwa’y mga tamad…
Pangaral
Di lalo na iyang batang pinalaki mo sa hampas, karaniwan ay tulala,
torpe, hangal, ubig, tunggak…
Lakandiwa
Hayo’y ngayo’y magtigil na ang dalawang nagtatagis sa wari ko, kayo’y
kapwa tumpak naman bawat hagkis ;ang palo at pangaral ayon sa iyon ring
banggit, kung tayahi’y magkatimbang sa dinagling mga matuwid; merong bata
sa pangaral ay agad nang nakikinig, may daliwsiw namang bunsong kailangan
ay hagupit; kaya’t kayo ngayo’y patas: walang nalo’t walang hagis, at ang tunay
na nanalo’y sintang bayang nakikinig.

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong
kasagutan sa sagutang papel.
1. Anong uri ng panitikan ang binasang teksto?
________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan dito? Ipakilala ang bawat isa.
________________________________________________________________________
_____________________________________________________
3. Ano ang paksang pinagtatalunan? Paano inilahad ng bawat makata ang
kanilang mga panig?
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang naging hatol sa pagtatalo? Paano ito winakasan ni Lakandiwa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Bilang anak, kung ikaw ang papipiliin, alin ang nais mong gamiting pagpapatino
sa iyo ng iyong magulang- palo o pangaral? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

7
Alam mo ba na….

Balagtasan – Ang balagtasan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang


patula. Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang
mambabalagtas na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na nagpapadaloy
ng palitan ng katwiran.

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga HUDYAT ng PAGSANG-AYON at PAGSALUNGAT

Ito ay isang mabisang paraan upang maging kapaki-pakinabang ang


pakikilahok sa anomang usapan, pagbibigay ng sariling palagay, opinyon,
ideya o kaisipan

PAGSANG-AYON
Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag,
pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag.

PANANDA Sang-ayon ako, tama, Iyan ang nararapat, pareho tayo ng


iniisip,ganyan din ang palagay ko, oo, tunay, talaga, sumasang-ayon.

Halimbawa: Ganyan din ang palagay ko na may mga batang nakikinig


lamang sa pangaral at may mga bata namang kailangan pang paluin.

PAGSALUNGAT
Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol,
paglabag at pagkontra sa isang pahayag o ideya.

PANANDA Hindi ako sang-ayon, mabuti sana ngunit, ikinalulungkot ko,


nauunawaan kita subalit, bakit di natin, ngunit, ayaw, hindi, mali, walang
katotohanan.

Halimbawa: Walang katotohanang mas tumitigas ang ulo ng bata kapag


laging pinapalo.

8
Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung PAGSANG-AYON O PAGSALUNGAT ang mga


pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.

1. Masaya sanang mamasyal sa mga probinsya ngayon ngunit kailangan


pa ng travel permit dahil sa COVID.
2. Hindi totoong walang idinulot na mabuti ang pandemyang COVID sa
atin.
3. Ganyan din ang palagay ko na makababangon din tayo mula sa
pagkakalugmok dulot ng pandemyang ito .
4. Hindi ko matanggap na maraming pamilya ang naulila ngayong 2020.
5. Naniniwala akong natuto tayo sa ating kalagayan ngayon.

Pagsasanay 2

Panuto: Piliin sa HANAY B ang kaugnay na lipon ng mga salita na nasa


HANAY A upang mabuo ang kaisipang nagpapahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

HANAY A
1. Naniniwala ako na dapat alam ng magulang ang password ng cellphone ng
kanyang anak
2. Mainam din naman na magkaroon ng cellphone ang mga anak
3. Oo, talatagang kailangan ng lahat ng tao ang cellphone sa panahon natin
ngayon
4. Sumasang-ayon ako na ang maling paggamit ng social media ay isa sa
ikinapapahamak ng kabataan
5. Mabuti sana ang may dekalidad na cellphone dahil sa magagandang features
nito

HANAY B
A. ngunit dapat alam nila ang limitasyon ng paggamit nito

B. isa sa idinudulot nito ang cyber bullying

C. upang masubaybayan ng magulang ang kanyang anak sa paggamit ng social


media.

D. subalit nakalulungkot na kung minsan ito ang nagiging mitsa ng buhay nila

E. lalo na sa pagkakataong may mga emergency

9
Gawain 1:

Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap na ginagamitan ng pagsang-ayon


at pagsalungat tungkol sa paksang “Alin ang mas angkop na gamitin sa
pagsasaliksik - LIBRO O INTERNET? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________

Gawain 2:
Sagutin ang Pokus na Tanong.
Paano nakatutulong ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
pagpapahayag ng iyong opinyon? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Bumuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagdurugtong. Isulat ang sagot


sa iyong sagutang papel

Napatunayan ko na ang pag-aaral sa mga balagtasan ay…..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Natuklasan ko na mainam gamitin ang mga hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat upang …..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Isagawa

Ngayong Buwan ng Wika, isa sa mga paligsahan ang pagsulat ng iskrip ng


balagtasan, bilang mag-aaral nais mong sumali rito. Ang pagsulat ng iskrip ng
balagtasan ay inaasahan ang iyong opinyon at pangangatwiran kung kaya’t
gagamitan mo ito ng iyong pagsang-ayon at pagsalungat. Ipahayag ang iyong
opinyon sa isang isyung iyong pipiliin.Isaalang-alang mo ang mga pamantayan sa
ibaba. Isulat mo ang iyong iskrip sa isang malinis na papel.

Mga Isyu:
1. Alin ang Higit Mong Naibigan, Ang Face to Face Learning
o Online Learning ?
2. Makabubuti o Makasasama ba sa mga Mag-aaral ang Online Games?
3. Makabubuti o Makasasama ba ang pagpo-post ng mga Suliraning
Pampamilya sa Social Media?

RUBRIKS:

A. Gumamit ng 5 pahayag ng opinyon/pangangatwiran na pagsang-ayon ---10 puntos


B. Gumamit ng 5 pahayag ng opinyon/pangangatwiran ng pagsalungat --- 10 puntos
C. Maayos na daloy ng opinyon/kaisipan ayon sa paksang napili --- 10 puntos

KABUUAN 30 PUNTOS

11
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa iyong


sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Ito ay ang pananaw o saloobin tungkol sa isang paksa na maaaring


sumalungat o sumang-ayon
A. katotohanan C. katuwiran
B. opinyon D. damdamin

2. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa


o pakikibagay sa isang pahayag o opinyon.
A. pagsang-ayon C. pagsalungat
B. katotohanan D. pangangatuwiran

3. Alin sa mga pananda ang HINDI KABILANG sa hudyat ng pagsang-ayon?


A. bakit di natin
B. iyan ang nararapat
C. pareho tayo ng iniisip
D. ganyan din ang palagay ko

4. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol, paglabag at


pagkontra sa isang pahayag o ideya.
A. pagsang-ayon C. pagsalungat
B. katotohanan D. pangangatuwiran

5. Alin sa mga pananda ang HINDI KABILANG sa hudyat ng pagsalungat?


A. mabuti sana ngunit
B. ikinalulungkot ko
C. nauunawaan kita subalit
D. iyan ang nararapat

6. “Ganyan din ang palagay ko na kaya siya naabsuwelto dahil sa nagsabi


siya ng pawang katotohanan.” Anong mga salita sa pahayag ang
naghuhudyat ng pagsang-ayon?
A. pawang katotohanan C. ganyan din ang palagay ko
B. kaya siya naabsuwelto D. lahat ng nabanggit

7. “Nauunawaan kita subalit mas mabuting ipasa-Diyos na lamang natin


ang paghihiganti.” Anong mga salita sa pahayag ang naghuhudyat ng
pagsalungat?
A. ang paghihiganti C. mas mabuting ipasa-Diyos

12
B. nauunawaan kita subalit D. wala sa nabanggit

8. Alin ang pahayag na may hudyat ng pagsalungat?


A. Oo, makakaisip rin sila ng lunas sa COVID.
B. Marahil makakaisip rin sila ng lunas sa COVID
C. Hindi sila makakaisip ng lunas sa COVID
D. Talagang makakaisip sila ng lunas sa COVID

9. Alin ang pahayag na may hudyat ng pagsang-ayon?


A. Tunay na napalapit lalo tayo sa Diyos dahil sa COVID.
B. Ikinalulungkot ko na marami rin ang nagtanong sa Diyos dahil sa
ibinunga ng COVID.
C. Mabuti sana kung pareho ang lahat ng sitwasyon ngunit ang iba ay
nalugmok dahil sa COVID.
D. Ayaw ko nang maulit pang muli ang mga kaganapan ngayong may
COVID.

10. “Sadyang totoo na kung mananalig tayo sa Diyos ay malulunasan natin


ang ating problema.” Anong mga salita sa pahayag ang naghuhudyat ng
pagsang-ayon?
A. malulunasan natin C. sadyang totoo
B. kung manalig sa Diyos D. ang ating problema

Karagdagang Gawain

Panuto: Balikan ang iskrip na ginawa sa bahaging Isagawa. Tukuyin dito


ang mga pahayag na ginamit bilang pagsang-ayon at pagsalungat. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

PAGSANG-AYON
1.
2.
3.
4.
5.

PAGSALUNGAT
1.
2.
3.
4.
5.

13
14
Pagsasanay 1 Pag-unawa sa Binasa
1. PAGSALUNGAT 1. balagtasan
Tayahin 2.Makata ng Cavite-panig ng palo
Makata ng Bulacan-panig ng
2. PAGSALUNGAT pangaral
1. B 6. C Lakandiwa at mga manonood
3. PAGSANG-AYON 3.Kung alin ang dapat gamitin sa
pagpapatino ng anak -Palo o
2. A 7. B Pangaral
4. PAGSALUNGAT Palo-kailangan ito para tumibay
3. A 8. C sa buhay at sila tumatapang
kaya maaring naging bayani
5. PAGSANG-AYON Pangaral-kailangan ito dahil
4. C 9. A lumalaking matino at dangal ng
Pagsasanay 2 bayan.
5. D 10. C .4.Ayon kay Lakandiwa ang 2
makata ay kapwa tama,parehong
1. C gamitin sa pagpapalaki ang palo
at pangral kaya ang nakinabang
2. A sa pagtatalo ay ang mga
manonood
5.Mag-aaral ang nakapagbibigay
3 .E ng sariling sagot.
4. B
S. D
Subukin
Talasalitaan Tuklasin 1. B
2. D
Kasingkahulugan 1.Pagsang-ayon at 3. A
pagsalungat 4. D
1. suwail - maaring maging
2. hampasin 5. C
masaya kung sasang-
3. nagtitipon ayon sila sa pananaw Balikan
4. sumali ko at maaaring Kahulugan- pagtatalo sa
5. katigasan ng ulo sumama ang loob kung pamamagitan ng pangangatuwiran
tungkol sa isang paksa
sasalungat naman.
2. tanggapin sa loob Katangian- pagpapahayag ng
pananaw o opinyon tungkol sa
dahil may iba’t ibang
opinyon at pananaw -debate o pagtatalong patula
ang tao na dapat -may tugma sa huling pantig
-makabuluhan
irespeto -gumagamit ng marikit at
matalinhagang salitang
pagtatalunan
Katuturan-nakatatalas ng pag-
iisip at nagiging aliwan
(malayang pagtanggap sa iba pang
sagot ng mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. Guimarie, Aida M. (2018). PINAGYAMANG WIKA AT PANITIKAN 8 –
Modyul sa Filipino -Grade 8. Quezon City. VIBAL Group, Inc..
2. Blanca, Celeste D. et.al (2019). PITAK 8. Quezon City. Educational
Learning Resource Publication.
3. Almario, Virgilio S. (2010). UP- DIKSYUNARYONG FILIPINO. Pasig City.
ANVIL Publishing Incorporated.
4. Department of Education. https://commons.deped.gov.ph/melc
5. https://brainly.ph/question/239470

15

You might also like