You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 1

Pangalan___________________________________________________________________
Pangkat________________Guro _______________________________________________

Aralin MGA IDEOLOHIYANG POLITIKAL AT


EKONOMIKO SA HAMON NG
4 ESTABILISADONG INSTITUSYONG LIPUNAN

MELC/Kasanayan
Nasusuri ang ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong
institusyong lipunan. (AP8AKD-IVi-9)

Inaasahan
Sa araling ito inaasahan na iyong matutuhan ang mahahalagang konsepto
tungkol sa mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong
institusyong lipunan.

Sa ilang pagtatalakay na nakapaloob sa araling ito, mauunawaan mo rin


kung bakit mayroong iba’t-ibang prinsipyo o paniniwala ang mga bansa lalo na sa
pagpapatakbo ng kanilang gobyerno o pamahalaan.

Pagkatapos mong basahin ang mga nilalaman sa araling ito, may mga gawain
ding inihanda upang masukat ang iyong natutunan tungkol sa aralin. Inaasahan
ko na magiging interesado ka sa araling ito sapagkat ito ay may kinalaman sa mga
nangyayaring pagbabago sa ating lipunan at ang epekto nito sa pamumuhay ng
mga tao sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, tutulungan kitang malaman, masuri, at


maunawaan ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyong lipunan.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Ito ay ideolohiya na naniniwalang napapailalim ang kapakanan ng
mamamayan sa tunguhin at interes nito.
A. Demokrasya C. Nasismo
B. Komunismo D. Pasismo

2. Isang ideolohiya at uri ng pamalahaan na nagbibigay ng pantay na


karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian
o relihiyon.
A. Demokrasya C. Kapitalismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo

8- AP -Qtr 4-Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 2

3. Sino ang nagpakilala sa ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng


mga kaisipan o ideya?
A. Abraham Lincoln B. Alice Apollo C. Destrutt de Tracy
D. Victor Hugo

4. Ito ay tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
A. Arkeolohiya C. Ideolohiya
B. Antropolohiya D. Sosyolohiya

5. Ito ay isang pamamaraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak


ng pambansang kapangyarihan ng mga bansa sa Europa.
A. Alyansa B. Imperyalismo C. Militarismo D. Nasyonalismo

Balik-Tanaw

Napag-aralan at nasuri natin sa nakaraang aralin ang mga dahilan,


mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Upang masukat kung mayroon kang naunawaan at natutuhan sa
araling ito, sagutin ang gawain na nasa ibaba.

Panuto: Punan ng sagot ang bawat kahon ng mga sanhi at bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

KAGANAPAN SANHI BUNGA

Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ikaw ba ay nagtataka kung bakit iba’t-iba ang
kalagayang pampulitika ng mga bansa? At kung
papaano pinapatakbo ng gobyerno ang pamahalaan
gayundin ang mga perspektibo o pananaw ng isang
lider? Sa araling ito, iyong masusuri ang mga
ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyong lipunan.

8- AP -Qtr 4-Week 6
By After Charles Toussaint Labadye - http://gallica.bnf.fr/themes/PolXVIIIIj.htm,
Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=1361212
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 3

Ano nga ba ang ideolohiya? Ang ideolohiya ay mga paniniwala o kaisipan na


nagbigay o nagbibigay ng malaking epekto sa iba’t-ibang perspektibo sa mundo at
naging gabay din ito sa pagkilos ng tao, gawi, at pagpapasya. Mula ito sa salitang
ideya o kaisipan na direktang sinusunod ng mga tao.

Kilala si Desttut De Tracy na siyang nagpakilala ng salitang ito na may layuning


maipaliwanag ang mga pagbabago sa daigdig. May mga iba’t-ibang kategorya and
ideolohiya. Ito ay ang mga (a) Ideolohiyang Pangkabuhayan, (b) Ideolohiyang
Pampolitika, at (c) Ideolohiyang Panlipunan.

A. Ideolohiyang Pangkabuhayan
- Sentro ng kategoryang ito ang mga patakaran upang mapaunlad at
mapayabong ang ekonomiya ng isang bansa. Sa ideolohiyang ito,
tinatalakay ang tamang pagbabahagi ng yaman sa mga nasasakupan o
mamamayan nito.

Mga halimbawa ng Ideolohiyang Pangkabuhayan na nakapaloob dito:


1. Karapatan sa pagnenegosyo
2. Karapatan sa pagtatrabaho o pamamasukan
3. Karapatan sa pagbuo ng samahan o unyon
4. Karapatan sa pagsiwalat ng mga hinaing o reklamo ng mga manggagawa
laban sa mga kapitalista

B. Ideolohiyang Pampulitika
- Ang ideolohiyang ito ay nakasentro sa pakikipag ugnayan ng mga tao sa
gobyerno o pamahalaan. Nakasentro ang kategoryang ito sa mga
hakbangin at pamamaraan na dapat sundin at gawin ng isang lider.
Saklaw din ng ideolohiyang pampulitka ang bawat karapatan ng
mamamayan lalo sa pagtuligsa sa mga mali o anomalyang ginagawa o
nangyayari sa pamahalaan.

C. Ideolohiyang Panlipunan
- Sa kategoryang ito, nakasentro ang karapatan ng mga mamamayan sa
isang pantay-pantay na pagtrato. Ibig sabihin, walang mayaman o
mahirap sa harap o mata ng isang batas at sa iba pang aspeto ng
pamumuhay.

Ang mga sumusunod ay kilalang ideolohiya na nasa uring politikal:

A. Awtokrasya
Ang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao lamang o ng tinatawag na
‘awtokrato.’ Sa awtokrasya, walang legal na batayan o regular na
mekanismo para maimpluwensiyahan ng taumbayan ang kapasiyahan ng
isang awtokrato, maliban lamang kung magkakaroon ng kudeta o
rebolusyon.

B. Totalitaryanismo
Ang pamamahala ay hawak ng estado kasama ang awtoridad o
pamamalakad sa lipunan. Kinukontrol nito ang lahat ng aspekto ng
pampubliko at pribadong buhay ng mga mamamayan. Walang Kalayaan ang
indibidwal at hangad nito’y ilagay sa kontrol ng pamahalaan. Diktador ang
tawag sa namumuno rito.

8- AP -Qtr 4-Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 4

C. Anarkismo
Isa itong doktrina o teorya na nagpapahayag na masama ang lahat ng
pamahalaan. Sa ideolohiyang ito ang lahat ng uri ng pamahalaan ay
mapanikil at hindi naman talaga kinakailangan.

D. Konstitusyonalismo
Ang kapangyarihan ay itinatakda ng saligang-batas o konstitusyon na binuo
ng mga kinatawan ng mga mamamayan upang sundin ng mga tao at maging
ng mga namumuno.

E. Demokrasya
Ang pamamahala at kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao o may
pakikilahok ang mga mamamayan sa pamamahala. Sa ideolohiyang ito, mas
makapangyarihan ang mga mamamayan ng bansa.

F. Monarkismo o Monarkiya
Ang kapangyarihan ay nasa pamamahala na tinatawag na ‘maharlika’, tulad
ng reyna at hari. Sa ideolohiyang ito, nakapaloob ang soberanya sa isang
namumuno hanggang sa kaniyang kamatayan o pagbaba sa kapangyarihan.

G. Komunismo
Ito ay isinulat ni Karl Marx at Friedrich Engel, mga kilalang komunismo. Ito
ay itinaguyod at pinayabong ni Vladimir Lenin sa Russia at ni Mao Zedong
sa China. Hangad ng ideolohiyang ito ang pagkakapantay-pantay.

Nakakaapekto ang mga ito sa kaayusang pampulitika't pang-ekonomiya ng


daigdig sa maraming paraan: nagkaroon ng digmaan dulot ng pagkakaroon ng
pagkahati ng mundo sa dalawang malaking ideolohiya kung saan naging bunga
nito ang cold war.
Dahil sa mga ideolohiya, naapektuhan nito ang ekonomiya, pulitikal na
aspeto at pamumuhay sa iba't ibang bansa. Nagsilbing gabay ito upang magkaroon
ng matalino at rasyonal na pagpapasya ang mga tao lalo na ang mga namumuno
sa gobyerno sa lahat ng hakbangin upang lalong mapayabong at mapaunlad ang
pamahalaan ng isang bansa.

Mga Gawain
Gawain 1: Acrostic
Batay sa mga konseptong nabasa, paano mo mabibigyan ng sarili mong
depenisyon ang salitang ideolohiya?
isang paniniwala o kaisipan na nagbigay o nagbibigay ng malaking epekto sa iba’t-ibang perspektibo
I sa mundo
D Desttut De Tracy (nagpakilala ng salitang "ideolohiya")
E epektong pang-ekonomiya, pulitikal na aspeto at pamumuhay ang idinulot nito sa iba't- ibang bansa
O
L
O opinyon o kaisipan ng bawat tao
H hango ito mula sa salitang ideya o kaisipan na direktang sinusunod ng mga tao
I iba’t-iba ang kategorya and ideolohiya
Y
A Awtokrasya (isa sa kilalang ideolohiya na nasa uring politikal)

8- AP -Qtr 4-Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 5

Gawain 2: Kung Ako Ang!

Sa mga nangyayaring kaganapan ngayon dulot ng nakapipinsalang sakit na


COVID-19, ano para sa iyo ang mabisa at mainam na ideolohiyang pwedeng
gamitin upang maging gabay sa pamamahala ng ating gobyerno. Dugtungan
lamang ang “Kung ako ang”

A. Kung ako ang Punong Barangay _______________________________________________.

B. Kung ako ang Pangulo ______________________________________________________.

Gawain 3: Gintong Butil!


Anong gintong butil ng karunungan ang iyong natutunan mula sa mga
ideolohiyang politikal at ekonomiko na naging gabay sa hamon ng estabilisadong
institusyong lipunan lalo na sa bansang Pilipinas. Ilahad ito sa pamamagitan ng
pagsulat sa isang Reflective Journal.

Reflective Journal
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Tandaan!

✓ Ang ideolohiya ay mga kaisipan o paniniwala na nakaaapekto sa pananaw sa


mundo at nagsisilbing batayan sa pagpapasya at gabay sa pagkilos.
✓ Si Desttut De Tracy ang siyang nagpakilala ng salitang Ideolohiya.
✓ May mga iba’t-ibang kategorya and ideolohiya. Ito ay ang mga (a) Ideolohiyang
Pangkabuhayan, (b) Ideolohiyang Pampolitika, at (c) Ideolohiyang Panlipunan

Pag-alam sa mga Natutuhan

Binabati kita at natapos mo ang araling ito! Bilang pagwawakas, maaari mo


bang sagutan at dugtungan ang Open-ended Statement na nasa ibaba? Ito ay
magpapakita at sasalamin sa mga iyong nalaman at naunawaan sa araling ito.

Nalaman ko __________________________________________________________.

Naunawaan ko _______________________________________________________.

Gagawin ko __________________________________________________________.

8- AP -Qtr 4-Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 6

Pangwakas na Pagsusulit

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ay isang pamamaraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak


ng pambansang kapangyarihan ng mga bansan sa Europa.
A. Alyansa B. Imperyalismo C. Militarismo D. Nasyonalismo

2. Ang pinsalang idinulot sa agrikultura, industriya, transportasyon at


pananalapi ng maraming bansa ay isa sa mga naging bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng _________.
A. Pamahalaan C. Edukasyon
B. Relihiyon D. Ekonomiya
Para sa bilang 3-6
HANAY A HANAY B

3. Paghina ng industriyalisasyon at A. Ekonomiya


pananalapi dulot ng malawakang
digmaan.

4. Pagkasira ng mga ari-arian, daan,


tulay, at iba pang mga B. Lipunan
imprastraktura.

5. Pagkilala ng mga Alemanya na


sila ang nangungunang lahi o tao C. Politikal
sa mundo.

6. Pagsisikap ng Hapon sa layunin


nito na magkaroon ng Greater D. Relihiyon
East-Asia Co-Prosperity Sphere.

7. Ito ay tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
A. Arkeolohiya C. Ideolohiya
B. Antropolohiya D. Sosyolohiya
8. Sino ang nagpakilala sa ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng
mga kaisipan o ideya?
A. Abraham Lincoln C. Destrutt de Tracy
B. Alice Apollo D. Victor Hugo
9. Ito ay tumutukoy sa ideolohiya na kung saan hawak ng estado ang buong
awtoridad sa lipunan.
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Demokrasya D. Totalitaryanismo
10. Ito ay ideolohiya na naniniwalang napapailalim ang kapakanan ng
mamamayan sa tunguhin at interes nito.
A. Demokrasya C. Nasismo
B. Komunismo D. Pasismo

8- AP -Qtr 4-Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 7

PALASAGUTANG PAPEL- WEEK 6

Pangalan_________________________________________Petsa: _________________
Pangkat ________ Guro ____________________________Iskor: _________________
ARALIN 4:
Paunang Pagususulit.
1. 2. 3. 4. 5.
Balik Tanaw: Panuto: Punan ng sagot ang bawat kahon ng mga sanhi at bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

KAGANAPAN SANHI BUNGA

Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

Gawain 1: Acrostic
Batay sa mga konseptong nabasa, paano mo mabibigyan ng sarili mong depenisyon
ang salitang ideolohiya?
I
D
E
O
L
O
H
I
Y
A
Gawain 2: Kung ako ang!
A. Kung ako ang Punong Barangay _______________________________________________.

B. Kung ako ang Pangulo ______________________________________________________.

Gawain 3: Gintong Butil!

Reflective Journal
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pag-alam sa Natutuhan:
Nalaman ko __________________________________________________________.

Naunawaan ko _______________________________________________________.

Gagawin ko __________________________________________________________.
Pangwaka na Pagsusulit:
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

8- AP -Qtr 4-Week 6

You might also like