You are on page 1of 11

1

Filipino 8-Q4-W3
Aralin Pagsusuri sa mga Pangunahing Kaisipan
Pagsulat ng Iskrip ng Monologo
3

Mga Inaasahan

Mababasa mo sa araling ito ang tungkol sa pangunahing kaisipan o ideya


at mga ilang paraan o teknik sa pagtukoy nito gayundin ang kahulugan ng
monologo at mga gabay sa pagsulat ng iskrip nito.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


sumusunod na kasanayan:

1. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa; (F8PB-


IVc-d-34)

2. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa


pagkapoot, pagkatakot, at iba pang damdamin. (F8PU-IVc-d-36)

Sasagutan mo ang mga gawain at pagsasanay sa nakalaang sagutang


papel.

Batid kong ikaw ay nasasabik nang magsimula sa pagbabasa subalit


dapat mo munang sagutin ang paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Hanapin sa loob ng kahon ang pangunahing kaisipang nais ipahayag ng


mga piling saknong. Piliin ang letra ng wastong sagot.

A. Ang may-akda ay nagpapasalamat sa babasa ng kaniyang


tula.
B. Hindi hinihiling ng makata na magustuhan ang tula, basta’t
huwag lamang daw papalitan ang mga linya nito.
C. Kung sa umpisa ay para itong hilaw na prutas, maaaring
tikman muna at ika’y matutuwa.
D. Kung may mga salitang hindi maunawaan, tumingin sa
dakong ibaba at doon matatagpuan ang kahulugan.
E. Kung sa umpisa ay parang malabo ang tula, huwag muna
itong husgahan, tingnan at suriin muna nang mabuti.

1. “Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
2

ang tula ma’y bukal ng bait na kapos


pakikinabangan ng ibig tumarok.”

2. “Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap


palibhasa’y hilaw at mura ang balat,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.”

3. “Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana’t dustain ang abang tula ko,
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.”

4. “Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,


bago mo hatulan, katkatin at liko,
pasuriin muna ang huwasa’t hulo
at makikilalang malinaw at wasto.”

5. “Ang may tandang letra, alin mang talata,


di mo mawatasa’t malalim na wika,
ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga’y mapag-uunawa.”

Magbalik-aral muna tayo sa nakaraang aralin bago tayo magpatuloy.

Balik-tanaw

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat taludtod o saknong ng


tula. Isulat ang letra ng wastong sagot.

1. “Nagwikang, ‘O palad!’ sabay ang pagtulo


sa mata ng luhang anaki’y palaso”
A. Padamdam o Eksklamasyon C. Panawagan
B. Pagwawangis D. Pagtutulad

2. “Ang matinding sintang ikinalulunod”. Ito ay halimbawa ng


A. Tanong Retorikal C. Pagmamalabis
B. Anapora D. Kabalintunaan

3. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi


kaliluha’y siyang nangyayaring hari”
Ang mga taludtod na ito ay nagsasaad ng _________.

A. Kabalintunaan C. Alegorya
B. Pagwawangis D. Pagtutulad

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
3

4. “Ang matatawag kong palayaw sa akin


ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin,
agawan ng sinta’t panasa-nasaing
lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil”

Ang saknong na ito ay nagsasaad ng __________.

A. Panawagan C. Tanong Retorikal


B. Kabalintunaan D. Padamdam

5. “Ay Laurang poo’y bakit isinuyo


sa iba ang sintang sa aki’y pangako
at pinagliluhan ang tapat na puso
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?”

Ito ay halimbawa ng __________.

A. Anapora C. Alegorya
B. Tanong Retorikal D. Pagmamalabis

Pagpapakilala ng Aralin

Ang araling ito ay inihanda upang matulungan ka para sa ibayong


paglinang ng iyong kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing kaisipan at
pagsulat ng monologo. Inilalahad sa araling ito ang kahulugan ng pangunahing
kaisipan at ilang paraan o teknik sa pagtukoy nito gayundin ang tungkol sa
monologo at mga gabay sa pagsulat nito.

Pangunahing Kaisipan o Ideya

Ang pangunahing kaisipan o ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol


sa paksa ng isang teksto. Ito ay tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat
tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata o
teksto.

Upang madaling matukoy ang pangunahing kaisipan o ideya ng isang teksto,


kinakailangang alamin ang paksa o pinag-uusapan at ang nais ipaunawa ng sumulat
tungkol sa paksa.

Ang isang teksto ay binubuo rin ng pansuportang detalye. Ito ay nagbibigay-


linaw sa pangunahing kaisipan o ideya. Ang pansuportang detalye ay nagtataglay ng
mahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang maunawaan ang
pangunahing kaisipan o ideya ng isang teksto tulad ng pangalan, paglalarawan, lugar,
datos, at iba pang mahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing
kaisipan o ideya.

Halimbawa:
Saknong Pangunahing Kaisipan
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Kataksilan ang namamayani sa loob at
kaliluha’y siyang nangyayaring hari, labas ng kaniyang bayan at kung sino
kagalinga’t bait ay ay nalulugami, pa ang mabubuti at mahuhusay ay sila
pa ang pinapatay.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
4

ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

“Datapwat sino ang tatarok kaya Ang Diyos ay talagang


sa mahal mong lihim diyos na dakila? makapangyarihan at siya lang ang
walang mangyayari sa balat ng lupa, tanging nakaaalam ng mga mangyayari
o magaganap sa lupa.
di may kagalingang iyong ninanasa.”

“Katiwala ako’t ang iyong kariktan, Hindi sukat akalain ni Florante na sa


Kapilas ng langit anaki’y matibay, likod ng kagandahan ni Laura ay isa
Tapat ang puso mo’t di pala itong taksil.
nagunamgunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.”

Monologo

Ang monologo ay isang uri ng pagsasadulang pampanitikan na ginagampanan


ng iisang tao. Maaaring ito ay pagsasalita ukol sa kaniyang kaisipan na ipinararating
sa mga manonood, o sa karakter na kaniyang ginagampanan. Ito ay pangkaraniwang
isinasagawa sa mga panooring pandrama tulad ng teatro, pelikula, palabas sa
eskwelahan, at iba pa.

Sa pagsulat ng iskrip ng monologo, laging isaalang-alang ang sumusunod:

a. Mahalaga ang awtentikong karanasan


b. Ilarawan ang bawat detalye
c. Maging matapat sa pagbuo at pagtatala

Halimbawa:

Florante: (Sumisigaw habang nakagapos sa puno ng higera) Mahiganting langit!


Bangis mo ay nasaan? Ngayon ako ay labis na naghihirap. Dahil sa kayamanan at
kapangyarihan, ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng kasamaang ito. Mapangahas na
Konde Adolfo, napakasama mo! (Galit) Oh Diyos, bakit ninyo hinayaang sapitin ko ang
ganitong kalupitan? Bakit kalangitan ay bingi ka sa akin, ang tapat kong pagsamo ay
hindi mo dinggin? Datapwat sino ang nakaaalam sa iyong mga plano, Oh Diyos na
dakila? Wala namang mangyayari sa lupa kung hindi mo ninanasa. (Tumutulo ang
luha)

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. Piliin ang letra ng


tamang sagot.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
5

1. Labis ang pighati na nadarama ni Florante habang siya ay nakagapos sa puno


ng higera.
A. dalamhati C. saya
B. galit D. gala
2. Kaliluhan ang naghahari sa loob at labas ng Albanya.
A. kapayapaan C. kataksilan
B. kabutihan D. kagutuman

3. Ang mga bulaklak sa gubat na iyon ay may masangsang na amoy.


A. mabango C. maalinsangan
B. mabaho D. masamyo

4. May gumagalang basilisko sa gubat na mapanglaw.


A. Ahas o serpiyente
B. Isang hayop na may anyong butiki
C. Isang uri ng hayop na kahawig ng lobo
D. Isang mabangis na hayop na kahawig ng pusa

5. Ang korona ng hari at kayamanan ng duke ang minimithi ni Adolfo.


A. hinihintay C. hinahanap
B. hinahangad D. hinahayaan

Gawain 2. Basahing mabuti ang mga pangunahing kaisipan. Ilahad ang iyong
sariling ideya tungkol dito.

1. Paghahanagad sa yaman at karangalan ang ugat ng kasamaan.


2. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi dapat pagdudahan.
3. Ang panibugho o pagseselos ay tanda ng wagas na pag-ibig
4. Ang isang nagmamahal ay labis-labis magmalasakit.
5. Anomang hirap ay dapat pagtiisan.

Pagpupuntos:

5 Naipakita at mahusay na naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

3 Naipakita at naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

1 Hindi gaanong naipakita at naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

Gawain 3 Tukuyin ang kaisipan o ideyang nais ipakahulugan ng mga taludtod.


Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.

1. “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,


langit na mataas aking mababata”
A. Matitiis niya ang lahat ng hirap.
B. Nais niyang magdusa si Florante.
C. Si Florante’y makapagtitiis kung siya niyang nais.
D. Mahihirapan si Florante dahil sa labis na pagtitiis.

2. “Gunita ni Laura sa naabang ibig,


siya ko na lamang ligaya sa dibdib”
A. Lagi kong naaalala si Laura.
B. Si Laura ang babaeng aking iniibig.
C. Maligaya na si Laura sa piling ni Adolfo.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
6

D. Ang alaala ni Laura ang tangi kong kaligayahan.

3. “Sa pagkakagapos ko’y kung guni-gunihin,


malamig nang bangkay ako’y nahihimbing”
A. Para na akong patay.
B. Sa pagkakagapos ako’y tila bangkay.
C. Ako’y isang bangkay dahil hindi na makapag-iisip.
D. Aking naiisip na para na akong bangkay sa pagkakagapos.

4. “Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,


aking natatanaw si Laurang sinta ko”
A. Lagi kong nagugunita si Laura.
B. Nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura.
C. Nakikita ko si Laura sa kandungan ni Konde Adolfo.
D. Parang lagi kong nakikita si Laura sa piling ni Konde Adolfo.

5. “Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,


kinagagapusang kahoy ay nadilig”
A. Nadiligan ng luha ang puno.
B. Nangawit na ang ulo sa kaiiyak.
C. Nalungayngay ang ulo sa pag-iyak.
D. Nalungayngay ang ulo sabay patak ng luha kaya nabasa ang puno.

6. “Ang kahima’t sinong maramdamin,


kung ito’y makita’y magmamahabagin”
A. Si Florante ay maramdamin.
B. Lagi siyang nakikitang umiiyak.
C. Mahahabag sa kanya ang sino mang makakita.
D. Magdaramdam ang sino mang makakikita sa kaniya.

7. “Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,


nalumbay ang bangis ng kapighatian”
A. Mabangis ang kapighatian.
B. Ang lungkot ay nagmula sa ulo.
C. Mabangis at malungkot ang kaniyang nararamdaman.
D. Punumpuno ng kalungkutan ang kaniyang buong pagkatao.

8. “Halos buong gubat ay nasasabugan,


ng dinaing-daing na lubhang malumbay”
A. Malungkot sa gubat.
B. Malumbay ang buong gubat.
C. Maraming dumaraing sa gubat.
D. Ang buong kagubatan ay napalilibutan ng malungkot na daing.

9. “Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo,


sa iba ang sintang sa aki’y pangako?”
A. Bakit nagtaksil si Laura?
B. Maraming kasuyo si Laura.
C. Bakit ibinigay sa iba ang pagsintang ipinangako ni Laura kay Florante?
D. Bakit nagtaksil si Laura kay Florante at nagpakasaya kasama si Konde
Adolfo?

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
7

10. “Di sinumpaan mo sa harap ng langit,


na di maglililo sa aking pag-ibig”
A. Wala silang ginawang sumpaan.
B. Nagsumpaan silang magmamahalan.
C. Sumumpa sila sa langit na walang magtataksil sa kanila.
D. Nagsumpaan ang dalawang nag-iibigan sa langit subalit hindi natupad ang
kanilang sinumpaan.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Patuloy mo


pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Narito ang mga dapat mong tandaan.

Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa


pangunahing kaisipan o ideya dahil sa:

1. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa sa pangunahing kaisipan o ideya.


2. Nakatutulong ang mga ito upang matandaan ang mahalagang impormasyon sa
isang teksto.
3. Makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng isang iskrip ng monologo na magsasalaysay at magpapakita ng


pansariling damdamin tungkol sa pagkapoot, pagkatakot, at iba pang
damdamin. Sundin ang sumusunod na pamantayan.

1. Pumili ka ng isa sa mga damdaming nakalahad sa ibaba para sa iyong gagawin


na iskrip ng monologo.
A. Poot o matinding galit
B. Pagkatakot at kawalang pag-asa
C. Matinding dalamhati o kalungkutan
D. Kaligayahan

2. Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng monologo

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip ng Monologo


Pagpupuntos:
Krayterya 3 2 1

Nilalaman Lubhang makabuluhan Hindi gaanong Hindi maayos na


ang mga makabuluhan ang mga naipapahayag ang

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
8

impormasyong inilahad impormasyong inilahad nilalaman ng paksa at


ukol sa paksa at ukol sa paksa at kulang ang mga
nagpamalas ng limitado ang impormasyong
pagkamalikhain sa pagpapahayag ng inilahad patungkol sa
pagpapahayag ng patungkol sa tauhan. tauhan.
patungkol sa tauhan.
Impak Mahusay na pinag- May ilang bahagi na Naghatid ng
isipan ang naghatid ng nakalilito sa diwang kaguluhan at
makabuluhang diwa sa nais ipabatid sa kalituhan sa diwang
mambabasa. mambabasa. nais ipabatid sa
mambabasa.

Mekaniks Walang pagkakamali sa May ilang pagkakamali Marami at


(Ispelling gamit ng mga salita, sa gamit ng mga salita, nakagugulo ang mga
at kapitalisasyon, kapitalisasyon, pagkakamali sa gamit
Paggamit pagbabaybay at pagbabaybay at ng mga salita,
ng Salita) pagbabantas. pagbabantas. kapitalisasyon,
pagbabaybay at
pagbabantas.

Pangwakas na Pagsusulit

Hanapin sa Hanay B ang pangunahing kaisipang nais ipahayag ng mga na


saknong sa Hanay A. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa sagutang
papel.

Hanay A Hanay B

1. “Kung sa gunita ko’y pagkuro-kuruin A. Ang pagmamahal ni


ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, Duke Briseo kay Florante
parang nakikita ang iyong narating, at kung paano siya
parusang marahas na kalagim-lagim.” aliwin sa tuwing
nalulungkot.

2. “Walang ikalawang ama ka sa lupa B. Ang labis na pag-ibig ni


sa anak na kandong ng pag-aaruga, Florante kay Laura
ang munting hapis kong sumungaw sa hanggang sa kaniyang
mukha, kamatayan.
sa habag mo’y agad nanalong ang luha.”
3. “Ang matatawag kong palayaw sa akin C. Ang pinakamasakit na
ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin, pagdurusa ni Florante ay
agawan ng sinta’t panasa-nasaing ang pag-aakala niyang
lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.” hindi na siya mahal ni
Laura.

4. “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, D. Ang masaklap na naging


mahal ka ring lubha dini sa panimdim kapalaran ni Duke
at kung mangyayari, hanggang sa malibing Briseo sa kamay ng mga
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.” traydor.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
9

5. “Sa abang aba ko! diyata O, Laura, E. Ang pagtataksil ng


mamamatay ako’y hindi mo na sinta! sariling ama ni Aladin at
ito ang mapait sa lahat ng dusa, pang-aagaw sa babaeng
sa akin ay sinong mag-aalaala?” kanyang minamahal.

Pagninilay

Basahin at pagnilayan ang mga saknong at ilahad ang iyong sariling pananaw tungkol
dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Saknong Pagpapakahulugan sa Saknong

“Nagbabalik mandi’t parang hinahanap 1. Ang nais ipakahulugan ng saknong na ito


dito ang panahong masayang lumipas, ay…
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.”
-Kay Selya, saknong 11

“At ang balang bibig na binubukalan, 2. Kung tutumbasan ng isang pangyayari sa


Ng sabing magaling at katotohanan, kasalukuyan ang saknong na ito ay…
Agad binibiyak at sinisikangan,
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.”
-Hinagpis ni Florante, saknong 18

“Datapwat sino ang tatarok kaya 3. Sa tuwing ako ay may pinagdadaanang


sa mahal mong lihim diyos na dakila? problema, ang saknong na ito ay…
walang mangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang iyong ninanasa.”
-Hinagpis ni Florante, saknong 24

“Kung ako’y may kahapisang munti, 4. Ipinakikita sa saknong na ito na si Laura


tatanungin muna kung ano ang sanhi, ay isang kasintahang…
hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi.”
-Alaala ni Laura, saknong 51

“O, pagsintang labis ng kapangyarihan 5. Ang pag-ibig ayon sa saknong na ito ay …


sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.”
-Ang pag-ibig kay Flerida, saknong 80
Pagpupuntos:

5 Naipakita at mahusay na naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

3 Naipakita at naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

1 Hindi gaanong naipakita at naipaliwanag ang sariling ideya o pananaw

Pagbati! Ikaw ay nagpakita nang kahusayan at pagtitiyaga sa pagsagot


ng modyul na ito. Kung may mga bahagi na hindi mo naunawaan, maaari kang
makipag-ugnayan sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
10

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan- Ikatlong Linggo

Pangalan: _____________________________ Guro: ________________________

Baitang at Seksyon: __________________ Iskor: ________________________

Paunang Pagsubok Balik Tanaw

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Gawain 1

Pagpapalawak ng Talasalitaan
1
2
3
4
5

Gawain 2

1.

2.

3.

4.

5.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo
11

Gawain 3
1 6

2 7

3 8

4 9

5 10

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1
2
3
4
5

Pagninilay

1.

2.

3.

4.

5.

Modyul sa Filipino 8
Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like