You are on page 1of 3

National Capital

National Region
CapitalRegion
Region
National Capital
DIVISIONDOF CIVISION
D ITY SCHOOLS
OF CITY,SC , CALOOCAN
ALOOCAN
CHOOLS
IVISION OF CITY SCHOOLS, CALOOCAN
PANGARAP HIGH
PANGARAP
PANGARAP SCHOOL
HIGH
HIGH SCHOOL
SCHOOL
CALOOCAN CITYCC
CALOOCAN
CALOOCAN ITY
ITY

SUMMATIVE TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

PANGALAN: ___________________________________________________________________________ ISKOR: ____________


BAITANG - PANGKAT: ______________________________ LAGDA NG MAGULANG: _________________ PETSA: _____________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon ang itinuturing na pinakamaliit at
pangunahing yunit ng lipunan?
A. paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay
_____2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
_____3. Ano ang ibig sabihin ng “kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa”?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
_____4. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pinagsama ng kasal ang magulang
B. pagkakaroon ng anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya
_____5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama
tuwing Linggo. Ano ang ipinakita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. buo at matatag
B. may disiplina ang bawat isa
C. nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
D. hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
_____6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa
panlipunang buhay (social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
B. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
_____7. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
B. dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
C. sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
D. sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa
_____8. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang
kaniyang isasabuhay?
A. higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao
B. nakakatulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema
C. ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
D. madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
_____9. Isang gampanin ng pamilya na kung saan inaalam ang mga karapatan sa lipunan at hindi pagpapabaya sa mga tungkulin.
A. panlipunan B. pangkabuhayan C. pansarili D. pampolitikal
_____10. Ito ay ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan na pinatatatag ng iisang misyon
A. organisasyon B. konstitusyon C. institusyon D. lahat ng nabanggit
_____11. Ano ang tawag sa isang magandang kaugalian ng mga Pilipino na kung saan ito ay pagbubukas ng tahanan sa kapwa.
A. kindness B. resiliency C. bayanihan D. hospitality
_____12. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) na gumagabay sa
bawat pamilya?
A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa eskuwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
_____13. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay
turuan
B. sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan
C. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
D. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
_____14. Ang karapatan para sa________ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. kalusugan C. buhay
B. edukasyon D. pagkain at tahanan
_____15. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay ________.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
_____16. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
A. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa
kanilang hinaharap.
C. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain,
pangangailangan at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
D. Sina Ata at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng
kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamliya.
_____17. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
B. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na
malampasan
C. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsiyensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang
paglingkuran at alagaan
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at
hindi pagganap sa mga ito
_____18. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
B. upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
C. upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
D. upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya
_____19. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A. pagtanggap C. pagmamahal
B. katarungan D. pagtitimpi
_____20. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
A. pagtitiwala C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
B. pagtataglay ng karunungan D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
_____21. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
A. pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
B. pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamliya
C. paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
D. pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan
_____22. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
A. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
B. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
C. maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalataya
D. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
_____23. Ano ang hamon sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon?
A. kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
B. ang mga kahirapan sa pagsalin ng pagpapahalaga
C. entitlement mentality
D. inilalayo ng mga anak ang sarili sa mga magulang
_____24. Ano nga ba ang komunikasyon?
A. Ang komunikasyon ay ano mang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan,
kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.
B. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at ang
kanilang pagmamalasakit.
C. Sa pamamagitan ng komunikasyon nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating.
D. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga
kasapi nito.
E. Lahat ng nabanggit
_____25. Ano ang Diyalogo?
A. ang diyalogo ay uri ng pakikipag-usap ng dalawa o higit pang tao
B. ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadayalogo
C. pakikipagpalitan ng kuru-kuro o opinyon
D. handang makinig at marinig
E. pakikipag-usap sa mga tao
_____26. Ano ang monologo?
A. ito ay may pakay na marinig lamang at hindi ang makinig
B. isang uri ng pagsasalita kung saan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa sarili mismo
C. pagpaparatang sa kausap
D. pagmumungkahi sa isang usapan
E. nagsasalita na mag-isa
_____27. Ano ang “I-Thou”?
A. sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t inilalagay mo ang iyong sarili at
ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya
B. hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais
C. pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinyon
D. handang makinig at marinig
E. sarili lagi ang nasusunod
_____28. Ano ang “I-It”?
A. sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t inilalagay mo ang iyong sarili at
ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo
B. hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais
C. pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinyon
D. handang makinig at marinig
E. sunudsunuran sa sinasabi ng iba
Para sa Bilang 29-34 Tukuyin kung ang uri ng Diyalogo sa sitwasyon ay
A. I-Thou B. I-It C. I agree D. I doubt E. I-Know
_____29. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kanyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo siya sa kanyang
kumpareng si Kyle upang kumbinsihin itong bilhin ang kanyang lumang kotse. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila’y nagkasundo sa
halaga nito.
_____30. May suliranin si Jane sa kanyang pamilya. Kailangan niya nang mapaghihingan ng kanyang sama ng loob. Pumunta siya sa
kanilang gurong tagapayo. Mahusay na tagapakinig ang kanilang gurong tagapayo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at
hindi siya nito huhusgahan.
_____31. Maganda ang samahan nina John at kanyang ama. Pinakikinggan nito ang kanyang mga opinyon sa tuwing sila’y
nagkakausap. Bagama’t hindi siya nito laging pinagbibigyan sa kanyang mga gustong gawin, alam ni John na ito’y para sa kaniyang
ikabubuti.
_____32. Malapit na ang semestral break. Niyaya si Jose ng kanyang kaibigan na magbabakasyon sa isang kilalang resort. Nag-isip si
Jose nang paraan upang makumbinsi ang kanyang mga magulang na siya’y payagan. Sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya ito
napapayag. Masamang-masama ang loob ni Jose sa mga ito.
_____33. Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw
magpatalo sa argumento ang dalawa.
_____34. Gandang ganda si Juan kay Mila. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na lapitan ito at kausapin.
Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Wari ba’y si Mila at siya lang ang nasa silid, hindi nila kapwa
napapansin at naririnig ang ibang tao.
Para sa bilang 35-37: Tukuyin kung ang sumusunod ay
A.diyalogo B. monologo
_____35. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang K-PSEP sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay magsalita.
Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa
nalalapit na “Boys and Girls Week”, ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.
_____36. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis ng walang paalam. Walang magawa si Milet kundi ang
umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa pagsuway sa kanyang ina.
_____37. Malapit na ang ika-13 na kaarawan ni Jules. Kinausap ito ng kanyang mga magulang tungkol sa nais nito sa kanyang
kaarawan. Sinabi ni Jules sa magulang na nais niya sana ang isang party upang maimbita ang kanyang mga kaibigan. Iminungkahi naman
ng kanyang mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sana sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa
mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng magulang. Nais nitong maging mas makabuluhan ang kanyang
kaarawan.
_____38. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng mapanagutang kasapi ng lipunan?
A. pagsunod sa batas trapiko C. pakikiisa sa mga proyekto ng baranggay
B. paglilinis ng kapaligiran D. lahat ng nabanggit
_____39. Alin sa mga ito ang papel pampolitikal ng pamilya?
A. mapanagutang pagboto
B. pagtulong sa pagsasaayos ng kalsada
C. pakikiramay sa namatayan
D. pagbibigay ng relief goods sa mga naapektuhan ng (ECQ) Enhanced Community Quarantine.
_____40. Bilang pagtugon sa tungkuling panlipunan ng pamilya, alin sa sumusunod ang iwasan sa panahon ng pandemyang
Covid-19?
A. pagdalo ng pamilya sa mga “social gatherings” C. paggamit ng “face mask” kapag lumabas ng bahay
B. pagsunod sa mga quarantine guidelines D. pagpapanatiling malinis ang kapaligiran.
Para sa bilang 41-45: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng wastong kaisipan at isulat ang
MALI kung ito ay nagsasaad ng hindi wastong kaisipan.
_______41. Ang marapat na pakikitungo sa mga kasapi ng lipunan ay nakasalalay sa kanyang pang-ekonomiyang katayuan sa buhay.
_______42. Ang pagiging bukas palad ay unang natututuhan sa pamilya.
_______43. Ang pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan ay isa sa mga mahahalagang papel ng pamilya.
_______44. Ang karapatang magiging pribado ang buhay mag-asawa at buhay pamilya ay mahalagang bantayan upang maiwasan
ang paglabag dito.
_______45. Ang pamilya ay pundasyon ng lipunan, kaya nararapat na patatagin ito upang magkaroon ng maayos na lipunan.
Para sa bilang 46-50: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at pahayag, piliin sa pagpipilian ang mga dahilan at konsepto nito.
A. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig at iba pang nilikha.
B. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay
nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkuling ng pamilya.
C. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa kaysa sa debosyon sa pamilya.
D. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pangibabawan ng batas ng malayang pagbibigay.
E. Nagagampanan ng pamilya ang kanyang tungkulin na panatilihin at paunlarin ang kanyang lipunang ginagalawan sa pamamagitan
ng pagtupad sa kanyang papel sa lipunan at papel pampolitikal.
_____46. Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan; siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya. Nakahanda siyang magtiis ng
pagod at hirap para lamang maitaguyod ang kanyang asawa’t mga anak.
_____47. Hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya. Sa halip na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at
pagkakaniya-kaniya ang nililikha nito.
_____48. Dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangan na hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan.
_____49. Ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao.
_____50. Si Ka Desto ang pinakamatanda sa magkakapatid na Reyes. Lahat sila ay may kaniya-kaniya nang pamilya. Tuwing sasapit
ang eleksyon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang magkakapatid sa kani-kanilang mga pamilya tungkol sa mga kandidatong kanilang
susuportahan sa eleksyon.

You might also like