You are on page 1of 2

National Capital Region

Schools Division Office


PANGARAP HIGH SCHOOL
Caloocan city

ARALING PANLIPUNAN 8
Unang Markahan- SUMMATIVE TEST
Pangalan________________________Taon/Pangkat______________________Guro___________________Iskor___________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang lokasyon ay isa sa limang tema ng heograpiya na naglalarawan sa paraan ng pagtukoy ng isang lugar. Alin sa mga
pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lokasyon?
A. Ang Indonesia ay halimbawa ng isang kapuluan.
B. Malaki ang suliranin ng Tsina sa polusyong dulot ng mga pabrika
C. Ang Cambodia kaanib ng Association of South East Asian Nation
D. Nasa silangan ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko at nasa timog ang Bashi Channel
_____2. Ano ang pangunahing kahalagahan ng linyang International Date Line?
A. Maghati sa mundo sa Timog at Hilagang Hemisphere B. Maghati sa mundo sa Silangan at Kanlurang Hemisphere
C. Magtakda ng pagbabago ng petsa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran
D. Magtakda ng pagbabago ng oras pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran
_____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng impluwensiya ng klima sa pamumuhay ng tao?
A. Nagsusuot ng makakapal na damit ang mga bansang nakararanas ng taglamig o winter
B. Mabenta ang halo-halo at ice cream sa Pilipinas kapag tag-init.
C. Maraming turista ang pumupunta sa Baguio at Tagaytay kapag tag-init.
D. Mabili ang mga produktong pang-Noche Buena kapag papalapit na ang Pasko.
_____4. Ano ang tawag sa iisang masa ng lupa na pinagmulan ng mga kontinente sa daigdig ayon sa teorya ni Alfred Wegener?
A . Eurasia B. Laurasia C. Gondwanaland D. Pangaea
_____5. Ang Pilipinas ay kabilang sa Asia-Pacific Economic Cooperation, binubuo ng mga bansa sa Asia-Pacific. Anong tema ng
heograpiya ang organisasyong mga kaugnayan ditto? A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw ng tala
_____6. Kung nais mong ilarawan ang heograpiyang pantao ng isang lugar, ano ang iyong dapat alamin?
A. Anyong tubig at anyong lupa B. Paggalaw, lokasyon at lugar C. Klima, panahon at behetasyon D. Wika, relihiyon at
pangkat-etniko
_____7. Ano ang isa sa mahahalagang kaalaman ang matutuhan mula sa pag-aaral ng heograpiyang pantao sa mundo?
A. Distribusyon at ugnayan ng mga tao. B. Pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa.
C. Pisikal na katangian ng mga rehiyon. D. Kasaysayan ng mga pangkat ng tao.
_____8. Anong konsepto ang higit na inuugnay sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. ekonomiya B. kultura C. lipunan D. poltika
_____9. Ano ang susing elemento sa pagpapahayag ng sarili at pagpapasa ng kultura?
A. lahi B. pangkat-etniko C. relihiyon D. wika
_____10. Bakit maraming wika ang nanganganib na mawala o maglaho?
A. Pagiging bilingual o multiligual ng mga mamamayan. B. Pagtuturo ng ibang nanginigbabaw na wika sa mga bata.
C. Pagkakaroon ng maraming dayalekto sa isang bansa. D. Paninirahan ng maraming uri ng lahi sa isang bansa.
_____11. Ano ang nangingibabaw na pamilya ng wika sa mundo batay sa bilang ng mga gumagamit nito?
A. Austronesian at Trans-New Guinea B. Indo-European at Sino-Tibetan
C. Afro-Asiatic at Niger-Congo D. Mandarin Chinese at English
_____12. Ano ang batayan sa pagtukoy ng lahi? A. kultura B. katangiang pisikal C. relihiyon D. wika
_____13. Ano ang isa sa aspekto ng kultura na makikita ang impluwensiya ng relihiyon?
A. dayalekto B. kasaysayan C. pagdiriwang D. wika
_____14. Ano ang mga relihiyon na nagmula sa Kanlurang Asya? A. Judaism, Islam at Kristiyanismo B.Jainsim at Sikhism
C. Hinduism at Buddhism D. Taoism at Confucianism
_____15. Anong relihiyon kabilang ang Sunni at Shiite? A. Buddhism B. Hinduism C. Islam D. Kristiyanismo
_____16. Pundasyon ng pilosopiya tulad ng Confucianism at Taoism.
A. Indo-European B. Niger-Congo C. Sino-Tibetan D. Non-Religious
_____17. Lahi ng mga itim A. Negroid B. Mongoloid C. Caucasoid D. Austronesian
_____18. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig, A.Kristiyanismo B. HInduismo C. Confucianismo D. Islam
PAGPIPILIAN SA NO.19-20- A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D. Lahi
_____19. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
_____20. Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa kanilang makapangyarihang nilalang ng
Diyos.
_____21. Sa anong yugto sa Panahong Paleolitiko nagsimulang lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan?
A. Prehistoric Period B. Middle Paleolithic Period C. Lower Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period
_____22. Isa itong Homo Species na nanganghulugang able man o handy man, sila ang unang hominid na marunong gumawa ng
kagamitang bato.
A. Homo Erectus B. Homo Sapiens C. Homo Habilis D. Homo Neanderthal
_____23. Sa panahon ng Upper Paleolithic ang mga taong Neanderthal ay nawala at napalitan ng mga taong Cro – Magnon. Ang
mga Cro – Magnon ay kakaiba sa mga sinaunang tao dahil sa:
A. gumagamit ng apoy B. bumuo ng isang sistema ng irigasyon
C. nakikipagkalakalan sila sa malayong pook D. gumagamit sila ng mga kasangkapang yari sa bronse
_____24. Alin sa mga sumusunod ang pag-unlad na naranasan sa panahon ng Middle Paleotic Period?
A. paggamit ng apoy
B. paggamit ng magaspang na kagamitan
C. nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso
D. umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan
_____25. Ang mga Homo Sapiens ay nangunguna sa lahat ng sinaunang tao sa karunungan. Ito ay nagpapatunay na:
A. higit na marami silang kagamitan kaysa sa ibang sinaunang tao B. pagala–gala sila sa paghahanap ng makakain
C. hindi sila nakakasulat ng anumang bagay D. umasa sila sa kalikasan upang mabuhay
_____26. Panahon kung kailan mayroon nang maunlad na pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at kultura ang isang pamayanan o
lungsod-estado.
A. Kabihasnan B. Klasikal C. Kontemporaryo D. Midyibal
_____27. Nagtataglay ng 232 batas na naglalaman ng pamantayan ng sinaunang Babylonian.
A. Bibliya B. Kodigo ni Hammurabi C. Torah D. Vedas
_____28. Itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo, ang unang pangkat ng mga tao na nakasakop sa isa pang
pangkat ng tao.
A. Imperyong Akkadian B. Imperyong Babylonian C.Imperyong Assyrian D. Imperyong Chaldean
_____29. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa maraming Diyos.
A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular
_____30. Sinaunang paraan o sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglypics D. Pictogram
_____31. Ang itinuturing na kauna-unahang pharaoh na babae sa Kabihasnang Ehipto at buong daigdig.
A. Amethyst B. Cleopatra C. Hatshepsut D. Nefertiti
PAGPIPILIAN SA NO,32-33- A. Amenhotep B. Khufu C . Menes D. Rameses
_____32. Kauna-unahang paraon o pharaoh ng Sinaunang Ehipto
_____33. Pharaoh na pinasimulan ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang Diyos, si Aton, na sinasagisag ng
araw.
_____34. Ang uri ng tao sa lipunan ng sinaunang Ehipto na nangangalaga sa katahimikan at kaayusan.
A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo
_____35. Ang itinuturing na Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan sa sinaunang Ehipto.
A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris
_____36. Siklo ng kamatayan at muling pagsilang sa ibang anyo, paraan o nilalang.
A. karma B. nirvana C. reinkarnasyon D. repleksyon
_____37. Pinaniniwalaang nagtatag ng Kabihasnang Indus.
A. Aryan B. Dravidian C. Hyksos D. Sumerian
_____38. Isa sa mahahalagang ambag ng Kabihasnang Indus sa sibilisasyon ng mundo
A. bakal B. piramide C. mga telang lino D. sistema ng patubig at irigasyon
_____39. Antas sa lipunang Hindu na binubuo ng mga mangangalakal, artisan at magsasaka na may sariling lupa.
A. Brahmin B. Kshatriya C. Pariah D. Vaisya
_____40.. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog A. China B. Egypt C. Indus D. Mesopotamia
_____41. Aklat ng sagradong kaalaman, mga koleksyon ng mga ritwal at himnong panrelihiyon sa kabihasnang Indus.
A.Bibliya B. Quran C. Torah D. Veda
_____42. Ang nagbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinamim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan
ang itinanim sa kapwa. A. Brahma B. Karma C. Nirvana D. Veda
_____43. Kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India. A. Akbar B. Asoka C. Kalidasa D. Kautilya
_____44. Nangangahulugan na “Ang Naliwanagan”. A. Akbar B. Asoka C. Buddha D. Kautilya
_____45. Pilosopiyang Tsino na naniniwala na kailangan ng malupit na batas at mabigat na parusa upang makamit ang kaayusan.
A. Buddhism B. Confucianism C. Legalism D. Taosim
_____46. Dinastiyang umiral nang pinakamahabang panahon sa Tsina. A. Chou B. Song C. Sui D. Yuan
_____47. Ang dayuhang dinastiya sa Tsina na pinamunuan ni Kublai Khan. A. Ming B. Song C. Tang D. Yuan
_____48. Nagsisilbing tahanan ng emperador ng sinaunang Tsina. A. Forbidden City B. Grand Canal C. Great Wall D. Palace
_____49. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan.
A. Aristokrasya B. Dinastiya C. Demokrasya D. Monarkiya
_____50. Paniniwala ng mga Tsino na sila ang sentro ng daigdig at itinuturing ito bilang "Gitnang Kaharian"
A. Mandate of Heaven B. Kowtow C. Sinocentrism D. Son of Heaven

You might also like