You are on page 1of 14

8

ARALING PANLIPUNAN
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa
Hamon ng Estabilisadong Institusyon
ng Lipunan

Self-Learning Module 1
8
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Ideolohiyang Politikal at
Ekonomiko sa Hamon ng
Estabilisadong Institusyon
ng Lipunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong


institusyon ng lipunan.

I. ANO ANG NANGYARI?


Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ito ay nagsisilbing kaisipan, panuntunan o pundasyon ng sistemang pang ekonomiya at


pamolitika ng isang bansa, pamahallan o kilusan.
a. Pakikibaka
b. Panghihimasok
c. Idelohiya
d. Pakikilahok
2. Siya anag nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mag
kaisipan.
a. Ferdinand marcos
b. Desttutt De Tracey
c. Corazon Aquino
d. Wala sa nabanggit
3. Isang uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na Karapatan at Kalayaan anuman ang
kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon.
a. Demokrasya
b. Liberalism
c. Kapitalismo
d. Sosyalismo
4. Alin sa sumusuunod na pangungusap ang nagpaplaiwanag ng katagang ito “ Ang sariling
pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensiyang dayuhan.”
a. Napapanatili ang kulltura ng mga dayuhan ang likas ng yaman ng mga kolonya.
b. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas ng yamang ng mga kolonya.

4
c. Ang kulturang dayuhan ang pinahagalahan ng mga bansang umuunlad pa pa lamang.
d. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang
impluwensya
5. Ito ang lunduyan ng mga pampolitikong kilusan sa paglulunsad ng reporma o rebolusyon tungo
sa makabuluhan at pangmatagalang pagbabaong panlipunan.
a. Idelohiya b. ekonomiya c. kabihasnan d. wala sa nabangit
6. Ang ideolohiyang ito ay nagsimula bilanag tugon sa hindi makatao, hindi pantay at di
makatuwirang relasyon ng mga kapitalista at mga karaniwang mamamayan.
a. Sosyalismo b. demokrasya c. kapitalismo d. komunismo
7. Ang ideolohiyang ito ay naninwala sa Sistema ng pag-iipon ng kapital, pribadong pag mamay-ari,
at kompetisyon sa pamilihan.
a. Komunismo b. sosyalismo d. kapitalismo d. demokrasya
8. Ito ang kasalukuyang naghaharing ideolohiyang pangkabuhayn sa daigdig.
a. Sosyalimo b. kapitalismo c. demokrasya d wala sa nabangit
9. Ang ideolohiyang ito ay nagsusulong na makamtan ng kababaihan ang pantay na Karapatan at
pagkakataon sa lahat ng aspekto nby buhay. Isinulong din nito ang proteksyon ng kababaihan at
pagtutol sa lahat ng uri ng karahasan at diskriminasyon.
a. Peminismo b. komunismo c. liberalism d. sosyalismo
10. Ito ay iedolohiyang nakasentro sa mga patakarang pang ekonomiya at paraan ng paghahati ng
mga kayamanan para sa mga mamamayan.
a. Ideolohiyang pangkabuhayan
b. Ideolohiyang pampolitika
c. Ideolohiyang panlipunan
d. Lahat ng nabanggit
11. Tumutukoy sa isang sisteman pangkabuhayan kin saan ang produksyon, distribusyon at
kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
a. Kapitalismo b. sosyalismo c. liberalism d. komunismo
12. Tumutukoy sa pagkapantay-pantay ng mga mamamyan sa tinging ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
a. Ideolohiyang panlipunan
b. Ideolohiyang pampolitika
c. Ideoplohiyang pangkabuhayan
d. Wala sa nabangit
13. Ang Pilipinas ay nakabatay sa ideolohiyang
a. Komunismo b sosyalismo c. demokrasya d. kapitalismo
14. Ang bansang China ay nakabatay sa ideolohiyang
a. Komunismo b. pasismo c. demokrasya d. kapitalismo
15. Tumutukoy sa paraan ng pamumuno at paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamamahala.
a. Ideolohiyang pangkabuhayan
b. Ideolohiyang pampolitika
c. Ideolohiyang panlipunan
d. Lahat ng nabangit

5
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Ang Ideolohiya ay nagsilsilbing kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng


sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa, pamahalaan I
kilusan. Ito rin ang nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang
nagkakaisang lakas. Ideolohiya rin ang nagsisilbing gabay ng bawat
pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito. Ito rin ang lunduyan ng
mga pampolitikong kilusan sa paglulunsad ng reporma o rebolusyon tungo
sa makabuluhan at pangmatagalang pagbabagong panlipunan.

Mga iba’t-ibang kategorya ang ideolohiya


Ideolohiyang Pangkabuhayan – nakasentro ito

• sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng


mga kayamanan para sa mga mamamayan.
• Ideolohiyang Pampolitika – nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno
at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ang
mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihan ng
politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpapahayag ng
opinion at saloobin.

Ideolohiyang Panlipunan – tumutukoy ito sa pagkapantay-pantay ng mga


mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

Mga iba’t-ibang Ideolohiya:

1. KAPITALISMO

Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang


produksyon,distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maliit na lamang ang papel ng pamahalaan

6
2. DEMOKRASYA

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa


demokrasya, maaring makikilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di-
tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng
mamamayan ang gusto nitong mamumuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili
ang mga tao sa pamamagitan ng halalan. Maari rin naming di-tuwirang ang
demokrasya kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinakatawan nila sa
pamahalaan na siya naming pipili ng mga pinuno sa pamahalaan.

3. AWTORITARYANISMO Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang


namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran,
kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam.
May napakalawak na kapangyarihan ang na sinusunod ng mga mamamayan ang
namumuno sa patakarang pangkabuhayan.
4. TOTALIYARNISMO
Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o
grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may
ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang
Karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos at pagsasalita at pagtutol sa
pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-
ayunan ngunit hindi rin namang tahasang pinagbabawal. Lahat ng desisyon
tungkol sa pamamahala at pangkabuhayan ay kontrolado ng isang Partido o grupo
ng diktador. Halimbawa nito ang pamhalaan ni Hilter sa Germany at Mussolini sa
Italy.Isang uri ng pamahalaang totaliyarnismo ang diktatoryal.

5. SOSYALISMO
Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung
saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
Ang pangkat nito ang nagtatakda sa pgmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa,
kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industiya at lahat ng mga
kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng

7
pamahalaan.hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Halimbawa ng
ganitong pamahalaan ang namamayani sa China at ang dating Union Soviet kung
saan ang teoryang Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
6. KOMUNISMO
Layunin ng ideolohiyang ito na tuluyang lansagin ang di pagkapantay pantay
ng mga mamamayan batay sa uri ng kanilang kinabibilangan. Sa ilalim ng
komunismo ang mga kagamitan sa produksyon ay kolektibong paymamay-ari at
pinangagasiwaan ng lahat ng mamamayan. Tinutuligsa rin sa sistemang ang
maluho, makasarili, at materyosong pamumuhay na umiiral sa kapitalismo.
7. PEMINISMO -Tumutukoy sa ideolohiya na nagsusulong ng kagalingan ng
kababaihan at ang kanilang pagtatamasa ng mga karapatang taglay ng
kalalakihan.

MGA GAWAIN

Gawain bilang 1
Gumawa ng Venn diagram na naghahambing sa Ideolohiyang demokrasya at komunismo.

8
Gawain bilang 2 Talahanayan, Punan Mo!

Subukan nating ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng inpormasyon ang kasunod na
data retrieval chart.

Mga Ideolohiya Katangian Bansang Nagtaguyod

1.

3.

4.

5.

9
III. ANO ANG NATUTUNAN?

PANUTO: Piliin ang letra ng wastong sagot

1. Ang teoryang ito ay sinubukang bigyang katuparan ng bansang China at Soviet Union.
a. Sosyalismo b. awtoritaryanismo c. kapitalismo d. demokrasya
2. Ang ideolohiyang nakabatay sa patakarang pang ekonomiya na kung saan ang pamamalakad
ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
a. Sosyalismo b. totalitaryanismo c, kapitalismo d. peminismo
3. Isang ideolohiya na kung saan ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng mga tao.
a. Komunismo b. totalitaryanismo c. demokrasya d. wala sa nabangit
4. Tumutukoy ito sa isang sistmeang pangkabuhayan king saan ang produksyon, distribusyon
at kalakalan ay kontralado ng mga pribadong mangangalakal.
a. Sosyalimo b. kapitalismo c. demokrasya d. peminismo
5. Ang bansang Pilipinas ay nakabatay sa ideolohiyang
a. Sosyalismo b. peminismo c. demokrasya d. komunismo
6. Ito ay ang Sistema ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig
at sa mga pagbabago nito.
a. Agham b. kabihasnan c.ideolohiya d. wala sa nabangit
7. Tumutukoy sa pagkapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa ibang pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
a. Ideolohiyqng panlipunqn
b. Ideolohiyang pqmpolitika
c. Ideolohiyang pangkabuhayan
d. Lahat ng nabangit
8. Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
a. Awtoritaryanismo b. totalitaryanismo c. demokrasya d. kapitalismo
9. Isang uri ng ideolohiya na nakasentro sa pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan sa pamahalaan.
a. Ideolohiyang panlipunan
b. Ideolohiyang pampolitika
c. Ideolohiyang pangkabuhayan
d. Wala sa nabangit
10. Ang pamahalaang Hitler sa Germany at Mussolini sa Italy ay nakabatay sa ideolohiyang
a. Totalitaryanismo b. awtoritaryanismo c. demokrasya c. peminismo
11. Ang pamahalaang Iran ay nakabatay sa ideolohiyang
a. Awtoritaryanismo b. totallitaryanismo c. demokrasa d. wala sa nabangit
12. Siya ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mag kaisipan.

10
a. Desttutt de Tracy b.Ferdinand Marcos c. Corazon Aquino d. Wala sa nabangit
13. Ito ang lunduyan ng mga pampolitikong kilusan sa paglulunsad ng reporma o rebolusyon
tungo sa makabuluhan at pangmatagalang pagbabbagong panlipunan.
a. ideolohiya b. ekonomiya c. komunismo d. wala nabanggit

14. Ang layunin ng ideolohiyang ito ay tuluyang lansagin ang di pagkapantay-pantay ng mga

mamamayan batay sa uri ng kanilang kinabibilangan.

a. demokrasya b. libilarismo c.demokrasya d. kapitalismo

15. Ang United States of America ay nakabatay sa ideolohiyang

a. komunismo b. awtoritaryanismo c. totalitaryanismo d. demokrasya

Reference:

Modyul ng Mag-aaral

Kasaysayan ng Daigdig

11
ANSWER KEY

1. ANO ANG NANGYARI?

1.
2. B
3.
4. D
5.
6. D
7.
8. B
9.
10. A
11.
12. B
13.
14. A
15.

ANO ANG NATUTUNAN? Gawain 2

1. A IDEOLOHIYA BANSANG NAGTAGUYOD


2. CHINA
3. C KOMUNISMO
4. NORTH KOREA
5. C DEMOKRASYA
6. USA
7. B
8.
9. B
10.
11. A
12.
13. A
14.
15. D

12
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

SHEILA O. PIELAGO
Writer

AVE ROSARIO V. ARMECIN PhD


MARITERR P. JUMAO- AS
VERONICA M. ENGLIS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
EVELYN B. MAH
Editor

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor in LRMDS

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

13
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

You might also like