You are on page 1of 17

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

ARALING GRADE
PANLIPUNAN 6

LEARNING QUARTER 4
MODULE WEEK
5

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 0


MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN 6
KUWARTER 4
LINGGO 5

PAGTATANGGOL AT PAGPAPANATILI
NG DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA

Development Team

Writer: Chanda Rose S. Marcos


Reviewers/Editors: Raul S. Quitoriano Abdon R. Manuel
Janet Rosario P. Luis
Layout Artist: Bryll B. Atienza
Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 1


PANIMULANG SALITA
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa Ikaapat na Kwarter ng Aralin
Panlipunan 6: Ikalimang Linggo. Nilalaman nito ang tungkol sa konsepto ng demokrasya
at demokratikong pamamahala kabilang na ang pagtatanggol at pagpapanatili dito.
.

MELC: Napahahalagahan ang pagtatanggol at


pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong
pamamahala.
➢ Natatalakay ang konsepto ng demokrasya.
➢ Natutukoy ang mga katangian ng demokrasya.
➢ Nasasabi at napahahalagahan ang mga paraan upang maipagtanggol at mapanatili ang
demokratikong pamamahala.

Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang lubos na maunawaan ang konsepto ng
demokrasaya o democracy. Mapag-aaralan na ang demokrasya ay isang sistema ng
pamahalaan na mga mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan
ng mga kinatawan na pinilì nilá sa malayang halalan kaya masasabing ang pamahalaang
demokratiko ay pamahalaan ng mga tao.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 2


Subukin
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin ng buong katotohanan
ang bawat tanong.
1. Nakikilahok ka ba sa eleksiyon o pagpili ng mga opisyales ng organisasyon sa
inyong paaralan na kilala bilang Student Pupil Government o SPG? ________
Bakit kailangan na may mga opisyal na maihahalal sa isang paaralan?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________.

2. Sumusuporta ka ba sa mga programang ipinapatupad ng mga organisasyon sa


inyong paaralan para sa ikabubuti ng nakararaming mga mag-aaral? ________
Bakit mahalagang suportahan ang mga programa at proyekto ng mga
organisasyon ng inyong paaralan?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________.

3. Pinapahalagahan mo ba ang pagkakaroon ng demokratikong pamamahala ng mga


iba’t ibang organisasyon sa inyong paaralan? __________
Paano mo maitataguyod ang mabuting pamamahala ng mga organisasyon sa
inyong paaralan?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 3


Tuklasin

philrights.org

Ang mga larawan ba ay nagpapakita ng pagkakaroon ng isang demokratikong


pamamahala? Ano ba ang demokrasya?
Ang halalan at pagkakaroon ng matatalinong botante ay sumasalamin sa isang
bansang may demokratikong pamamahala. Ang demokrasya ay mula sa salitang
“demos” na ibig sabihin ay tao at “kratos” na nangangahulugang kapangyarihan. Kaya
ang demokrasya ay matatawag na “kapangyarihan ng tao.” Ito ay ang pamahalaan ng
mga tao, para sa mga tao at galing sa mga tao.
https://philippineculturaleducation.com.ph/demokrasya/

Sa ilalim ng pamahalaang demokrasya, ang mamamayang may sapat na gulang


ay maaaring makapamili kung sino ang iluluklok sa pamahalaan upang mapangasiwaan
ang bansa. Ang mga mamamayan ay may karapatan ding makialam o pumuna sa paraan
ng pagpapatakbo ng pinuno sa pamahalaan. Sa demokratikong pamamahala, ang mga
tao ang pumipili ng mga pinunong gagawa ng batas at magpapatupad ng mga ito. Ang
mga inihalal na pinuno ay mananagot sa mga tao sa paraan ng kanilang pamumuno at
pag-uugali sa panahong sila ay nanunungkulan. Kaya naman dapat laging isaisip ng mga
pinunong inihalal ng mga mamamayan ang kagalingang panlahat. Dapat nilang ipatupad
ang mga nakatakdang batas upang mapangalagaan ang karapatan ng mga
mamamayan. Sa demokratikong pamamahala, ang lahat ng mamamayan ay pantay sa
harap ng batas kung saan binibigyan ng pantay na pagkakataon at pribilehiyo ang bawat
isa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 4


Gayundin sa isang pamahalaang demokratiko, ang pagbibigay ng parusa sa mga
taong nagkasala ay dapat naaayon sa batas. Hindi maaaring magbigay ng kaparusahan
ang kahit sinumang opisyal dahil lamang nais nilang makaganti, ang bagay na ito ay
labag sa batas pagkat ito ay isang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Nararapat na
dumaan sa isang legal na proseso ng paglilitis ang isang taong nagkasala bago siya
bigyan ng karampatang parusa. Sa ilalim din ng demokrasya ay hindi kailangang gumamit
ng dahas upang magkaroon ng mga pagbabago. Ang mga pagbabago ay maaaring
makamit sa pamamagitan ng isang mapayapang halalan o sa pamamagitan ng mga
panukalang-batas o pagsususog sa saligang-batas.
Source: Ailene G. Baisa-Julian,et.al.2013. Lakbay ng Lahing Pilipino 6.Quezon Ave., QuezonCity: Phoenix Publishing
House, Inc pp.168-169

Pagpapanatili at Pagtatanggol sa Demokratikong Pamamahala


Sa isang demokratikong lipunan, ang lahat ng mga mamamayan ay pantay-pantay
at nagtatamasa ng parehong mga karapatan, responsibilidad at pagkakataon, kaya
walang uri ng pagbubukod o posibleng diskriminasyon ang isinaalang-alang.
Gayundin, ang mga opisyal ay malayang nahalal ng lahat ng mga naninirahan, na
may pantay na mekanismo at para sa isang tiyak na tagal ng panahon, kung saan
binibigyan sila ng walang uri ng partikular na benepisyo ngunit ang namamahala lamang
sa responsibilidad.
Para sa kanilang bahagi, ang lahat ng mga mamamayan sa isang demokratikong
lipunan ay may karapatang magpahayag ng kanilang mga opinyon nang walang
anumang uri ng paghihigpit, malaya at dapat igalang. May karapatan sila na makialam o
pumuna sa paraan ng pagpapatakbo ng pinuno sa pamahalaan upang maipagtanggol
ang demokrasya at mapanatili ang demokratikong pamamahala.

Mahalaga ang Demokrasya


1. Ang demokratikong pamamahala ay mahalaga dahil maipapahayag ng mga
ordinaryong tao at miyembro ng komunidad ang kanilang mga pananaw.
2. Mahalaga ang demokrasya sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at patnubay para
maipatupad ang pantay na karapatan para sa lahat ng mga mamamayan kahit na
ano pa ang estado nito sa buhay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 5


Masasabi natin na ang isang bansa ay demokratiko ang pamamahala kapag:
▪ ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao.
▪ ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang
pagpapahayag ng kanilang saloobin.
▪ ang mga tao ay may pantay na mga karapatan at pribilehiyo.
▪ kapag nasa taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang
lugar o bansa.
Source: https://philnews.ph/2020/11/18/ano-ang-demokrasya-kahulugan-at-halimbawa-nito/

Uri ng Demokratikong Pamahalaan


1. Tuwirang Demokrasya – pinamamahalaan ng mga tao ang sarili nila sa
pamamagitan ng mga pagpupulong kung saan pinag- uusapan nila ang mga
suliranin at mga solusyong dapat isagawa.
2. Di-tuwirang Demokrasya – ang mga namumuno ay inihahalal ng mga
kwalipikadong manghahalal. Karamihan sa mga bansang demokratiko ay di-
tuwiran dahil sa lawak ng teritoryo at dami ng populasyon.
KAPANGYARIHAN NG PAMAHALAANG DEMOKRATIKO
1. Unitaryo – may malawak na kapangyarihang saklaw ang pambansang pamahalaan.
(gawaing lokal, pambansa, at pang-internasyonal)
Ang pangangasiwa sa mga yunit ng pamahalaang lokal ay tungkulin ng pambansang
pamahalaan.
Unitaryo ang pamahalaan ng Pilipinas, bagamat ayon sa Saligang Batas may
autonomiya na ngayon ang mga pamahalaang lokal.
2. Pederal – nahahati ang kapangyarihan sa pambansa at lokal.
Katangian ng Bansang Demokratiko
1. Ang Pamahalaan ng mga Tao
Ang kapangyarihan sa pamamahala ay nasa mga mamamayan. Sila ang
namamahala sa pagpapalakad ng bansa. Sa pamamagitan ng halalan, nagpapasya ang
taong bayan kung sino ang mamamahala sa bansa.

2. Pamahalaang Galing sa mga Tao


Ang mga nahalal na pinuno ng pamahalaan ay mga kinatawan ng taong bayan.
Ang kagalingan at kabutihan ng lahat ang kanilang layunin sa pamamahala. May

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 6


pananagutan sila sa bayan at kung naging matapat sila sa panunungkulan maaari silang
mahalal muli.
3. Pamahalaan Para sa mga Tao
Para sa kapakanan ng mga tao kaya may pamahalaan. Ang pinuno ay dapat
maglingkod sa lahat ng tao nang pantay-pantay at walang kinikilingan.
4. Pagkilalala sa Pasya ng Nakararami at Paggalang sa Karapatan ng
Sumasalungat
Ang pagpapahayag ng pagtutol sa panukalang batas ng pamahalaan ay karapatan
ng isang tao at iginagalang o dinirinig ang pagbibigay paliwanag ukol dito.
Ngunit ang pasya ng nakararami ang nakapananaig sa lahat.
5. May Karapatan ang mga Taong Sumasalungat sa Pamahalaan
Ang sinumang tumututol o sumasalungat sa pamahalaan ay may karapatang
maipahayag ang kanilang panig. Maaari silang magprotesta, magmartsa o magpakita ng
iba pang paraan ng hindi pagsang-ayon. Ngunit ang pagsasagawa nito ay sa paraang
hindi nakasasagabal sa kalayaan ng iba.
6. Isinaalang-alang ang mga Saloobin ng mga Mamamayan Tungkol sa
Pamamahala
Sa anumang desisyon, isinaalang-alang ang mga saloobin ng mga mamamayan
kaya iniharap sa mga tao ang panukalang Saligang Batas ng 1986 sa isang plebisito.
Ang isang reperendum ay isinasagawa upang iharap sa mga tao ang isang panukala at
upang malaman ang kanilang pananaw hinggil dito.
7. Pamahalaan ng mga Batas
Sa demokratikong pamahalaan, walang taong nangingibabaw sa batas. Lahat ay
pantay-pantay sa ilalim ng batas maging anuman ang katayuan ng tao sa buhay.

8. Lahat ng Tao’y Pantay-pantay


Ang pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang pagbibigay ng pantay na
karapatan at pagkakataon sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap, malusog o may
sakit, kilala o hindi. Iginagalang ng demokrasya ang dangal at karapatan ng isang tao.
Marites B. Cruz, et.al.2007. Yaman ng Pilipinas 6.Palanan, Makati City: EdCrisch International, Inc pp.88-89

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 7


Mga Pakinabang ng Demokrasya Para sa mga Mamamayan
Ang pangunahing pakinabang ng demokrasya ay nakasalalay sa pangangalaga
ng integridad at karapatang pantao ng indibidwal. Pinoprotektahan ng demokrasya ang
mga mamamayan nito mula sa mga rehimen na may isang solong pinuno, sa gayon
pinipigilan ang autokrasya.
Ang mga bansang demokratiko ay nagpapanatili ng isang mas mahusay na
kalidad ng buhay sanhi ng kanilang pagiging bukas at pamamahala sa ekonomiya.
Ang isang napakahalagang benepisyo para sa lipunan ngayon ay ang paggalang
sa mga indibidwal na garantiya at personal na kalayaan.
Source: https://tl.warbletoncouncil.org/tipos-de-democracia-6121

Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang demokrasya?
2. Paghambingin ang mga uri ng demokrasya.
3. Ano-ano ang mga katangian ng demokrasya?
4. Bakit mahalaga ang demokrasya?
5. Paano maipagtatanggol ang demokrasya at mapanatili ang demokratikong
pamamahala?

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang mga pahayag at isulat ang PD kung nagpapakita ito ng
pagtatanggol o pagpapanatili ng demokratikong pamamahala at DPD kung hindi.
1. Pagsasagawa ng protesta upang manawagan sa pamahalaan para sa
pagbabago. Isinagawa ito nang hindi nakasasagabal sa iba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 8


2. Hayaan lang ang pamahalaan kahit pinaparusahan ang mga mamamayan kahit
wala silang ginagawang labag sa batas.
3. Punahin ang mga opisyales ng organisasyon sa inyong paaralan kung mayroon
silang ipinapatupad na hindi sang-ayon sa patakaran ng paaralan.
4. Ang sinumang tumututol sa pamahalaan ay kailangan maparusahan.
5. Pagpapahayag ng pagtutol sa patakaran ng eskwelahan kung hindi ito
makabubuti sa mga mag-aaral.
6. Pinalaya ang isang taong nagkasala sa batas dahil ito ay mayaman at
nakapagbibigay ng donasyon sa pamahalaan.
7. Pakikilahok sa halalan sa paaralan.
8. Ang pamahalaan lamang ang nagpapasya kung sino ang mamamahala para sa
kapakanan ng mga mamamayan.
9. Kinokontrol ng mga opisyal ng gobyerno ang pagpapatakbo ng pamahalaan.
10. Binabantayan ng mga mamamayan ang pagsasagawa ng halalan upang
masiguro na hidi ito mababahiran ng dayaan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 9


Isaisip
❖ Ang demokrasya ay mula sa salitang “demos” na ibig
sabihin ay tao at “kratos” na nangangahulugang
kapangyarihan. Kaya ang demokrasya ay matatawag na
“kapangyarihan ng tao.”
❖ Mahalaga ang demokrasya sapagkat ito ang nagsisilbing
gabay at patnubay para maipatupad ang pantay na
karapatan para sa lahat ng mga mamamayan kahit na ano
pa ang estado nito sa buhay.
❖ Ang lahat ng mga mamamayan sa isang demokratikong
lipunan ay may karapatang magpahayag ng kanilang mga
opinyon nang walang anumang uri ng paghihigpit, malaya
at dapat igalang.
❖ Ang demokrasya ay pamahalaan ng mga tao, para sa mga
tao at galing sa mga tao.
❖ Ang pangunahing pakinabang ng demokrasya ay
nakasalalay sa pangangalaga ng integridad at karapatang
pantao ng indibidwal.
❖ Sa demokratikong pamahalaan, walang taong
nangingibabaw sa batas. Lahat ay pantay-pantay sa ilalim
ng batas maging anuman ang katayuan ng tao sa buhay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 10


Isagawa
ASSESSMENT
PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD):
Ang mag-aaral ay nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa
pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na
pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na
Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa patuloy na
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon ng nagsasarili at
umuunlad na bansa.

WRITTEN WORK: ERROR CORRECTION TEST ITEM


PANUTO: Ang buong pagsusulit ay nasagutan na para sa iyo. Ang iyong gagawin ay
itama ang mga sagot kung ito ay may mali gawin ang mga sumusunod:
1. Itama ang mga sagot.
2. Ipaliwanag kung bakit ang sagot ay mali.
3. At pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit iyong pagwawasto mo
ang tama.

1. Ang demokrasya ay mula sa salitang “demos” na ibig sabihin ay tao at


“kratos” na nangangahulugang kapangyarihan. Kaya ang demokrasya ay
matatawag na “kagalingan ng tao.”
2. May karapatan ang mamamayan na makialam o pumuna sa paraan ng
pagpapatakbo ng pinuno sa pamahalaan upang maipagtanggol ang
demokrasya at mapanatili ang diktaturyang pamamahala.
3. Mahalaga ang demokrasya sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at patnubay
para maipatupad ang hindi pantay na karapatan para sa lahat ng mga
mamamayan kahit na ano pa ang estado nito sa buhay.
4. Para sa kapakanan ng mga tao kaya may pamahalaan. Ang pinuno ay dapat
pagsilbihan ng lahat ng tao nang pantay-pantay at walang kinikilingan.
5. Ang mga nahalal na pinuno ng pamahalaan ay mga kinatawan ng taong
bayan. Ang kagalingan at katapangan ng lahat ang kanilang layunin sa
pamamahala.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 11


ANSWERED TEST WITH ERRORS:

Nakitang Mali Pagwawasto Paliwanag ng Pagwawasto

Rubric

KRITERYA KATANGGAP- BAHAGYANG HINDI MARKA


TANGGAP KATANGGAP- KATANGGAP-
TANGGAP TANGGAP
2 1 0

Pagkilala sa Ang mga Ang mga Walang mga


Kamalian kamalian ay kamalian ay pagkakamali na
tama at tama ngunit hindi naitama o
kumpletong kumpletong nakilala.
nakilala. nakilala.

Paliwanag ng Ang mga dahilan Ang mga dahilan Hindi nagbigay


Kamalian para sa mga sa mga kamalian ng anumang
kamalian ay ay nakalilito. mga
lohikal. kadahilanan.

Pagwawasto at Mahusay na Mahusay na Hindi nagbigay


ang Paliwanag nagawa. nagawa. Subalit, ng anumang
Nito Ang dahilan para nakalilito ang mga
sa pagwawasto mga dahilan pagwawasto o
ay lohikal. para sa paliwanag.
pagwawasto.
Maaari ring
nagsama o
nagdagdag ng
ilang maling
pagwawasto.

TOTAL

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 12


Tayahin

Panuto: Basahin at suriin ang bawat aytem. Sagutin ng TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung hindi.

1. Dumaraan sa isang legal na paglilitis ang isang taong nagkasala.


2. Karapatan ng mga mamamayan na punahin ang mga pinuno sa pagpapatakbo sa
pamahalaan.
3. Maaaring barilin ng mga sundalo ng pamahalaan ang mga nagsasagawa ng
pagwewelga.
4. Dapat igalang ang mga batas na umiiral sa isang barangay, munisipalidad at
maging sa bansa.
5. Ikulong at parusahan ang isang nagkasala kahit hindi pa nalilitis ang kanyang
kaso.
6. May kalayaan sa pamamahayag at pagpili ng pinuno na magpapatakbo ng
pamahalaan ang mga mamamayan.
7. Nasaksihan ni Aling Norma na nandaya sa halalan ang kanilang kapitan.
Isinuplong niya ito dahil mayroon siyang matibay na ebidensiya.
8. Maaaring gumamit ng dahas ang pangulo kung nais niyang magsagawa ng
pagbabago sa bansa.
9. Lumahok si Mang Ben sa halalang pambansa upang iboto ang pinunong
pinaniniwalaan niyang maglilingkod nang tapat at mahusay para sa kagalingang
panlahat.
10. Lahat ng mamamayan ay nabibigyan ng pantay na pribelihiyo sa harap ng batas.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 13


Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
Malayang sasagot ang mga bata sa gawaing ito at maaaring ipakita ito sa guro para sa
pagtatama
SURIIN
1. Ang demokrasya ay mula sa salitang “demos” na ibig sabihin ay tao at “kratos” na
nangangahulugang kapangyarihan. Kaya ang demokrasya ay matatawag na
“kapangyarihan ng tao.”
2. Ang tuwirang demokrasya ay pinamamahalaan ng mga tao ang sarili nila sa pamamagitan
ng mga pagpupulong kung saan pinag- uusapan nila ang
mga suliranin at mga solusyong dapat isagawa habang ang di-tuwirang demokrasya ay, ang
mga namumuno ay inihahalal ng mga kwalipikadong manghahalal.
3. Pamahalaan ng mga tao, Pamahalaang galing sa tao, Pamahalaan para sa mga
tao,Pagkilala sa pasya ng nakararami at paggalang sa karapatan ng mga
sumasalungat,May karapatan ang mga taong sumasalungat sa pamahalaan, Isinasaalang-
alang ang mga saloobin ng mga mamamayan tungkol sa pamamahala, Pamahalaan ng
mga batas, at Lahat ng tao’y pantay-pantay
4. Mahalaga ang demokrasya sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at patnubay para
maipatupad ang pantay na karapatan para sa lahat ng mga mamamayan kahit na ano pa
ang estado nito sa buhay.
5. Ang lahat ng mga mamamayan sa isang demokratikong lipunan ay may karapatang
magpahayag ng kanilang mga opinyon nang walang anumang uri ng paghihigpit, malaya at
dapat igalang. May karapatan sila na makialam o pumuna sa paraan ng pagpapatakbo ng
pinuno sa pamahalaan upang maipagtanggol ang demokrasya at mapanatili ang
demokratikong pamamahala.
PAGYAMANIN TAYAHIN

1. PD 6. DPD 1. TAMA 6. TAMA

2. DPD 7. PD 2. TAMA 7. TAMA

3. PD 8. DPD 3. MALI 8. MALI

4. DPD 9. DPD 4. TAMA 9. TAMA

5. PD 10. PD 5. MALI 10. TAMA

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 14


SANGGUNIAN
Ailene G. Baisa-Julian,et.al.2013. Lakbay ng Lahing Pilipino 6.Quezon
Ave., QuezonCity: Phoenix Publishing House, Inc pp.168-169
Marites B. Cruz, et.al.2007. Yaman ng Pilipinas 6.Palanan, Makati City:
EdCrisch International, Inc pp.88-89

https://philippineculturaleducation.com.ph/demokrasya/
https://philnews.ph/2020/11/18/ano-ang-demokrasya-kahulugan-at-halimbawa-nito/
https://tl.warbletoncouncil.org/tipos-de-democracia-6121
philrights.org

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 15


For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City


Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6

You might also like