You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikatlo


Most Essential Learning Competency:
Napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at
demokratikong pamamahala AP6TDK-IVb-3
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap
P. 248-249, Tuklas Lahi 6 pahina 197
➢ Paksa: Ang Mga Paraan ng Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang
Pantao at Demokratikong Pamamahala
➢ Layunin: 1. Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtatanggol at pagpapanatili
sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala
2. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng People Power 1 sa
muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan

Tuklasin Natin

Kahalagahan ng Demokrasya

Mahalagang maunawaan natin ang kahalagahan ng demokrasya upang


maintindihan natin ang ipinaglaban ng sambayanang Pilipino noong panahon ng
Batas Militar. Bakit tiniis ng mga makakaliwang grupo ang mga paglabag sa kanilang
karapatang pantao. Bakit mas pinili pa rin ng maraming Pilipino na mag-alay ng
kanilang buhay makamtan lamang ang minimithing demokrasya.
Demokrasya ang tawag sa sistema ng pamahalaan na mga mamamayan ang
humahawak ng kapangyarihan. Ikinakatawan sila ng mga taong kanilang pinili sa
malayang halalan. Ganito ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas. Kapag walang
demokrasya, walang kakayahan ang mga mamamayan na maging parte sa pamimili
ng pinuno. Wala ring kalayaan ang mamamayan na maglabas ng hinaing laban sa
gobyerno sa isang bansang walang demokrasya. Walang partisipasyon ang
mamamayan sa mga pambansang pagpapasya.

Ang mga sumusunod na pangyayari ang naging sanhi ng panunumbalik ng


demokrasya ng bansa pagkatapos ng batas militar sa panahon ng pamamahala ni
Pangulong Marcos:
1. Ang Ikaapat na Republika
2. Pagpaslang kay Benigno Aquino Jr.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


3. Krisis Pang-ekonomiya
4. Ang Snap Election
5. People Power Rebolusyon sa EDSA

Mapayapang Rebolusyon sa EDSA

Sama-samang pagkilos ang ginanap hindi lamang sa Maynila kundi sa mga


lungsod at bayan ng ibat ibang bahagi ng bansa. Nagkaroon ng mga
demonstrasyong suporta sa Cebu, Davao at Baguio. Magandang halimbawa nito
ang naganap sa kabisera ng Sorsogon na nagpamalas ng sarili nilang People
Power. Minatyagan nila ang paligid ng estasyon ng radio na nasa simbahan at
pinatakbo ng Obispo ng Bicol.
Ang mga madre, pari at kalalakihang walang armas at mga kababaihang
kasama ang kanilang mga anak, ay nagsama sama sa EDSA,hinarang nila ang
mga tangkeng ipinadala ni Marcos, umupo sa harap ng mga tangke at nagbigay
ng pagkain at bulaklak sa mga sundalo na di alintana ang panganib na
mangyayari. Samantala, sa mga tahanan at simbahan naman ay nag-aalay ng
mga panalangin ang maraming tao para sa kapayapaan upang maiwasan ang
pagdanak ng dugo sa magkabilang kampo.

Subukin Natin

Naranasan mo na bang ipaglaban ang iyong karapatang pantao? Isulat ang


tama sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtatanggol at
pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala at mali
naman kung hindi.

_______1. Isinaalang-alang ni Mayor Rivera ang hinaing ng taumbayan ukol


sa pagpapatayo ng pabrika sa kanilang bayan.

_______2. Pinilit ni Mang Ambo ang kanyang anak na kumuha ng kursong


ayon sa kanyang gusto.

_______3. Napaghinalaang may shabu sa bulsa si Arnold. Pilit niya itong


itinanggi. Bago siya hinatulan at pinarusahan, dumaan muna siya
sa marapat na kaparaanan ng batas.

_______4. Ang tatlong sangay ng pamahalaan sa bansa ay patuloy na


nagsisiyasat sa bawat isa at ginagampan ang tungkulin ayon sa
Saligang Batas.

_______5. Palaging iniisip ni Congressman Shirlyn ang kapakanan at


kaligtasan ng kanyang nasasakupan.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isagawa Natin

Sa nangyaring mapayapang rebolusyon sa EDSA, ipinakita ng taumbayan ang


pagmamahal sa demokrasya. Nais kong punan mo ang grahic organizer ng mga
isinagawa ng makabayang Pilipino sa People Power I sa EDSA upang muling makamit
ang kalayaan at kasarinlan ng bansa.

Ilapat Natin

Ang mga tekstong binasa ay tutulong sa iyo upang mahusay mong maibigay ang
iyong kaalaman sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa mga
patlang na nasa ibaba.

1. Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas ang mga karapatang pantao. Bilang


isang Pilipino paano mo maipagtanggol at mapanatili ang karapatang pantao?
Magbigay ng tatlong paraan. (5 puntos)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Madalas makikita natin ang mga makabayang Pilipino na isinasagawa ang
pagrarally laban sa pamahalaan sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin. Bakit
patuloy na gising at aktibo ang taumbayan upang pangalagaan, ipagtanggol at
panatilihin ang demokratikong pamamahala sa ating bansa? (5 puntos)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Rubrik

Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.

Rubriks sa Paggawa ng Sanaysay


Puntos Interpretasyon Katangian ng sanaysay
Malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng kaisipan at
5 Napakahusay paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin ukol sa paksa
Malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng kaisipan
4 Mahusay ngunit hindi masyadong nailahad ang ideya, impormasyon at
saloobin sa paksa
Hindi gaanong malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy
Katamtamang
3 ng kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin
Husay
sa paksa
Hindi malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng
Hindi gaanong
2 kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin sa
mahusay
paksa
Kulang ang May kaguluhan ang konstruksyon at daloy ng kaisipan at
1 paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin sa paksa
kahusayan

Sanggunian

Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap– Instructional Materials, Department of


Education, DepEd Complex, Pasig City

SSLM Development Team


Writer: Marie Flor T. Facurib, Gina V. Dumas
Evaluator: Carolina L. Cruz, Lulu Dayupay, Teresita M. Cornelia
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lito S. Adanza, Ph.D.
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like