You are on page 1of 2

: Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Ang bahaging ito ay naglalayong ipaliwanag ang kaugnayan ng ating mga karapatan sa
ating pagiging mamamayan ng isang estado. Inaasahan na sa pagtatapos ng paksang ito
ay magagamit natin ng wasto ang ating mga karapatan para sa ikabubuti ng ating bayan.

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao. Inilahad sa


Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal,
ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa
mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng
estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang
pagkamamamayan ng mga Pilipino. Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang
pantao ng mamamayan, naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat
indibiduwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng
mga positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot
ng mga karapatang pantaong ito. Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng
kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao.
Makikita ang mga antas na ito sa sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator’s
Manual on Human Rights Education (2003).
Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling pagpapaubaya sa mga
paglabag ng karapatang pantao
Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong kaalaman tungkol sa mga
karapatang pantao ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang mga
karapatang ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga kondisyong
panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa
Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao,
paghanap ng mga solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng
reklamo
Antas 4 – Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa – may kamalayan, aktibo, at malayang
pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at sama-samang
pagsisikap

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi dapat


nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. Tungkulin din ng
mamamayan na isa-alangalang at isakatuparan ang mga ito upang maging aktibo ang
mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa kanilang lipunan.
Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang
nakapaloob na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong
mamamayan. Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang
pantao kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang
nararapat na mangibabaw. Ito ang tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang
mamamayan ng isang bansa. Sa kasalukuyan, nahaharap ang mamamayang Pilipino sa
samu’t saring suliranin at isyung panlipunan. Batay sa mga paksang iyong tinalakay sa
mga nakaraang modyul, ipinakita ang seryosong kalagayan ng mamamayan na tunay na
nakaaapekto sa pagkakaroon ng mas mabuti at matiwasay na pamumuhay. Bilang mga
aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid, tungkulin nating
tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang
pantao ay isang paraan nito.
Gawain 15. Pagsusuri.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala nito ng mga
karapatang pantao ng mamamayan?
______________________________________________________
____________________________________________________
2. Magbigay ng isang patunay na ginagampanan ng pamahalaan
ang tungkulin nito sa pagkilala ng mga karapatang pantao ng
mamamayan.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Sa mga antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan
ng karapatang pantaong mga mamamayan, alin ang pinaka-
mahalaga sa mga ito? Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang mulat sa
mga taglay niyang karapatan? _________________________________________________
_________________________________________________ ______

You might also like