You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress


Z P
eal of artnership

Araling Panlipunan
Pangatlong Markahan – Modyul 7:
Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan:
Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan
at Diskriminasyon

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Janet C. Bacalso

Editor ng Wika: Sharleen S. Jaca

Tagasuri: Victor M. Cabellon Jr.

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edwin dela Torre

Tagalapat: Roldan A. Leparto

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde. EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS –LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS – Araling Panlipunan

2
Alamin
Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may kaugnayan
sa Kasarian at Lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig. Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang
na ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian
at Lipunan.

Handa kana ba?

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


 Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa
mga isyu ng karahasan at dikriminasyon. (MELC 7)

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


 Nasusuri ang pagtugon ng Pandaigdigang Samahan sa karahasan at
Diskriminasyon.
 Napahahalagahan ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon.

Balikan
Gawain 1. Hulaan Mo
Panuto: Tukuyin ang mga ilang kaugalian sa lipunan na nagpapakita ng paglabag
nga karapatan ng kababaihan na ayon sa United Nations ay maituturing na
karahasan sa kababaihan (violence against women). Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

3
Tugon ng Pandaigdigang
Aralin
Samahan sa Karahasan at
7
Diskriminasyon

Nasagutan mo bang lahat ang mga naunang gawain? Huwag mag-alala dahil
sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
mga tugon at isyu ng Kasarian at Lipunan. Maaari mong balikan ang kasagutan at
katanungan na iyong nabuo sa unang bahagi ng araling ito upang mapagtibay ang
tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong nabuo kung mayroon
man. Pagtuunan ng pansin ang susunod na babasahin at sagutan ang mga gawain.

Tuklasin
Gawain 2. Discussion Web

Basahin at suriin ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa


Prinsipyong Yogyagarta at ang pahayag ng UN Secretary General na si Ban Ki-
Moon tungkol sa mga LGBT.Sa kasunod na discussion web isulat kung ikaw ay
sang-ayon o hindi sa kaniyang pahayag at isulat sa discussion web ang iyong
kasagutan.
Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta

Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy


ring lumalakas ng kanilang boses upang tugunan ang kanilang hinaing tugkol
sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong
seksuwal at pagkakakinlanlang pangkasarian (sexual orientation at gender
indentify o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang pagtipon-tipon
sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 Nobyembre, 2006 upang
pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga
LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas
ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at
ilang mga rekomendasiyon.

4
Pamprosesong mga Tanong

1. Ano and dahilan kung bakit ka sang-ayon o di sang ayon sa pahayag ni UN


Sec. Gen. Ban Ki-Moon? Bakit?
2. Naging madali ba ang iyo ang makabuo ng konklusyon tungkol sa isyu?
Bakit?

Suriin
Gawain 3. Ipaglaban Mo!

Sa gawaing ito, matutunghayan mo ang ilan sa mahahalagang prinsipyo ng


Yogyagarta. May 7 prinsipyong napili upang ito’y suriin at pagnilayan. Maaring
pagtuunan ng pansin sa pagsusuring gagawin kung sumasang-ayon kayo o hindi sa
prinsipyo at ipaliwanag and dahilan kung bakit.

Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA
KARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga
karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao.

5
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON

Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang


pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong
seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay
pantay pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang
anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao.
Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa
lahat.

Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta


na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman
dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o
batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakinlanlang pangkasarian

Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang


diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian

Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang


diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 25
ANG KARAPATANg LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko,


kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga
patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan.

6
Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyogarta?


2. May pagkakaiba ba ang mga karapatang nilalayon ng mga LGBT sa
Pandaigdigang batas ng mga Karapatang pantao?
3. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong aplikasyon ang
mga bansa ng Prinsipyo ng Yogyogarta

Pagyamanin

Natapos mo nang suriin at naintindihan ang ibat—ibang prinsipyo ng


Yogyakarta na isang basehan sa pagkapantay-patay ng mga LGBT at ng buong tao
sa daigdig lalo na sa usaping karapatang pantao. Halika at ating pagyamanin ang
ating kaalaman tungkol sa iba pang mga pandaigdigang tugon sa isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa lipunan.

Gawain 4. Basa Suri

Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na babasahin tungkol sa


Convention on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women.
Basahin at Suriin ang teksto. Pagkatapos sagutan ang pamprosesong tanong.

Convention on the Elimination of All Forms of discrimination Against Women

Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Agains’t Women. Karaniwang inilalarawan bilang
International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention
o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan
at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan
kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang
CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child,
ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda
o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan
noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero
kaunti pa lang ang nakakaalam nito.

7
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay
sakababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng
konkretong
Resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, ay mga
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang
Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at
opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o
grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil
ngkarapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin
ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa
babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?


Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa
rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng
babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang
State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:

1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga


nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon
at maglagay ng mga epektong mekanismo at Sistema kung saan
maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang
karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pammagitan ng ibat ibang
hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinigawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.

Pamprosesong mga Tanong

1. Sang-ayon kaba sa paglagda ng Pilipinas sa mga Probisyon ng CEDAW?


2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa mundo?

8
GAWAIN 5: Triple-Burger Organizer

Upang matiyak kung naunawaan mo ang nilalaman ng CEDAW, punan ng


tamang impormasyon ang hinihingi ng kasunod na burger organizer.

9
Isaisip

Gawain 6: Unawain at Dugtungan mo


Basahin at unawain ang sumusunod na mga pangngusap at
dugtungan ang patlang ayon sa mga paksa na natalakay. Isulat sa hiwalay na
papel ang iyong sagot.

1. Ang mga prinsipyo ng Yogyakarta ay mahalaga sa pagpapatibay ng


pagsulong sa pagkapantay-pantay ng lahat ng mga tao sa daigdig sapagkat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

2. Naglalayon ang CEDAW na wakasan ang diskriminasyon at karahasan sa


mga kababaaihan sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

YTayahin
Gawain 7: Pagtataya
Panuto: Basahin at unawin ang mga sumususod a pagtataya. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

A. Suriin at pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot.
1. Sumasalamin ito sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng
mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.

A. Prinsipyo ng Geneva
B. Prinsipyo ng Yogyakarta
C. Prinsipyo ng LGBT
D. Prinsipyo ng CEDAW

2. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at


kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito
at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

A. Anti-Violence Agains’t Women and Their Children Act


B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Agains’t Women
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta

10
3. “LGBT rights are human rights” Ban Ki – Moon UN secretary General. Alin sa
mga sumusunod ang mas naglalarawan sa pahayag ni Ban Ki-Moon?

A. Ang mga miyembro ng LGBT ay mga tao rin.


B. Ang mga LGBT ay may eksklusibong karapatang-pantao
C. Ag LGBT ay may karapatan na mas mataas sa ibang tao
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao

4. Isa sa prinsipyo ng Yogyakarta na kung saan lahat ng tao ay isinilang na


malaya at pantay sa dignidad at mga karapatang pantao.

A. Ang karapatan sa Buhay


B. Ang karapatan sa Pagkakapantay-pantay
C. Ang karapatan sa Edukasyon
D. Ang karapatan sa Unibersal na Pagtatamasa ng mga Karapatang Pantao

5. Ano ang CEDAW?


A. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t
Welfare
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t
Women
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t War
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t Will-
Being

B. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung TAMA ang sinasaad ng pangungusap at ekis
(X) kung MALI.

_________ 6. Ang CEDAW ay kilala din bilang “The Women’s Convention”,


pangunahing tagapagpatupad ng komprehensibong batas na ito.

_________ 7. Ang karapatan ng mga LGBT ay karapatang pantao.

_________ 8. Ipinagbabawal ng CEDAW ang lahat ng aksiyon o patakarang


uma-agrabyado sa kababaihan, anuman ang layunin nito.

_________ 9. Sa bansang Indonesia unang naipagtibay ang mga prinsipyong


nakakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.

_________ 10. Ang layunin ng Prinsipyo ng Yogyakarta ay ang di pagkilala sa


karapatang pantao ng LGBT

11
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Islogan

Gumawa ng malikhaing islogan na nagpapakita ng iyong kampanya bilang


mag-aaral sa pagsugpo sa diskriminasyon at karahasan sa kababaihan,
kalalakihan, o sa LGBT.

Basahin ang rubrik sa kabilang pahina para sa iyong gabay.

12
Rubrik para sa Islogan

Dimensyon Napakahusy Mahusay Katamtamn Nangangailanga


n ng
Pagpapabuti
10 Puntos 8 Puntos 5 Puntos
2 Puntos

Nilalaman Ang Di gaanong Medyo Walang


mensahe ay napakita ang magulo ang mensaheng
mabisang mensahe mensahe naipakita
naipakita
Pagkamalikhai Napakagand Mganda at Maganda Di maganda at
n a at malinaw ang ngunit di Malabo ang
napakalinaw pagkakasula gaanong pagkakasulat ng
ng t ng mga malinaw ang mga titik
pagkakasula titik pagkakasula
t ng mga t ng mga
titik titik

Kaugnayan sa May Di gaanong Kaunti lang Walang


Paksa malaking may ang kaugnayan sa
kaugnayn sa kaugnayan kaugnayan paksa ang slogan
paksa ang sa paksa ng islogan sa
islogan ang islogan paksa

Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang


malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo pagkakabuo

13
14
Balikan
1. FGM (Female Genital Mutilation)
2. Lutos Feet/ Lily Feet
3. Breast Ironing
Tayahin
I. A
1. B
2. A
3. D
4. D
B
5. B
6. D
7. B
8. A
9. C
10.B
Susi sa Pagwasto
Sanggunian:
Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.
Learner’s Module

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.


Teacher’s Guide

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belongs to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like