You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tugon ng Pamahalaan at
Mamamayan sa mga Isyu
ng Karahasan at Diskriminasyo
Alamin

Matutunghayan mo sa modyul na ito ang ukol sa mga tugon


ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon.
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tugon o sagot ng
pamahalaan at mamamayan na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa
kapakanan ng iba’t ibang kasarian sa lipunan?
Sa pagtalakay sa mga aralin ukol dito, ikaw ay inaaasahang napahahalagahan
ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon.
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito ikaw ay
inaasahang:
1. nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa
kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+;
2. nakapagpapaliwanag ng tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu
ng karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+;
at
3. nakapagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon ng pamahalaan at ng iba’t
ibang samahan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat bilang.
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang


mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga
ng kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

1
2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna
Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing


tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan

4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan


tulad ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng
prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances

5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination

6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong


ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-


pagkakapantaypantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay
tungkulin ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

2
8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa
pamamagitan ng:
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang
layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang
biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang-


tao. Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya
kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave
B. Paternity Leave
C. Leave for Fathers D. Paternity Leave of Absence

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na


komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural,
pangekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst Women

11. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at


lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women

12. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa
loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.
A. Republic Act 1161 C. Republic Act 8187
B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162

13. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang


employer ang pagdadalang-tao at ang inaaasahang petsa ng panganganak ng
kanyang asawa?
A. Sapagkat ito ay kanyang karapatan

3
B. Dahil siya ay magpa-file ng paternity leave
C. Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa
D. Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

14. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga


kababaihan at anak nito?
A. Live-in partners na lalaki
B. Kasalukuyan at dating asawang babae
C. Kasalukuyan at dating kasintahan babae D. Mga lalaking nagkaroon ng
anak sa lalaki

15. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki maliban sa:
A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

4
Aralin Tugon ng Pamahalaan at
1 Mamamayan sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon

Naunawaan mo sa ikalawang modyul ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon


at karahasang nararanasan ng babae, lalaki at LGBTQIA+. Nabatid mo na walang
pinipiling edad, oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ang mga
biktima nito.
Bago mo tunguhin ang bagong aralin na ito, balikan ang iyong kaalaman sa
nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at
diskriminasyong ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

5
Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay makaranas o makasaksi ng
karahasan at diskriminasyong ipinakita sa mga larawan?

Mga Tala para sa Guro


Kailangang masiguro na mayroong panulat at
papel na magagamit ang mag -aaral sa pagsagot niya
sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Tiyakin din na siya ay magabayan sa mga
nakahandang teksto sa aralin.

Mahusay! Natapos mo na ang paunang gawain. Inaasahang mas lalawak pa


ang iyong kaalaman at pag-unawa sa araling ito.
Hindi maitatanggi na sa lipunang ating ginagalawan ay laganap ang
karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.
Sa pamamagitan ng araling ito, pagtutuunan mo ng pansin at
bibigyanghalaga ang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu ng
karahasan at diskriminasyong nararanasan ng mga kalalakihan, kababaihan at

6
LGBTQIA+. Pagtitibayin ng mga inihandang gawain sa modyul na ito ang iyong
pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan sa isyu ng kasarian.
Halina’t simulan ang iyong pagtuklas at paglinang ng kaalaman sa araling ito.

Tuklasin

Sa pagkakataong ito mababasa mo ang isang tula na aantig sa iyong


damdamin. Unawain mong mabuti ito at sagutan ang pamprosesong tanong.

7
KKK: Kalalakihan, Kababa ihan, Kakaiba
Ni: Marie Cris F. Tecson

Iisang entablado na may ibat ibang mga mukha


Kapwa may kanya kanyang istorya,
Gampaning nirerepresinta,
Taglay ang 'di matatawarang halaga,
Na mas pinagtitibay ng pagkakaisa.

Mula sa marilag na kaanyuan


Mayuming pagkilos, balingkinitang katawan
Natatago ang namumukod tanging kakayahan
Maglululan ng pag asa buhat sa sinapupunan
At pagtitibayin ng pag -ibig ang bawat sulok ng tahanan.

Ngunit sa kabilang banda,


Sa likod ng isang matagumpay na pamilya,
Hindi lamang isa ang siyang nagbabata
Sa ilalim ng araw madalas magkumahog ang kanilang mga paa
Bitbit ang pangakong, uuwing may dala .

Subalit teka, telon ay 'wag munang isara


Halina muna't ating tunghayan
Silang mga naging tampulan ng panghuhusga
Iba man ang kasarian at malayo sa nakagisnan,
Kapwa nararapat parangalan tangi nilang ambag sa lipunan.

Diskriminasyon at karahasan ay di maiwaksi


Sa kasarian nila'y nakatali
Nasaan ang batas na may talas?
Batas na uusig
Laban sa mga kaluluwang walang habas.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?


2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang mawakasan na ang
diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+?

8
Suriin

Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis
sa ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang
makaiwas sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang patuloy na
nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa kayang maipakita ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang angking husay nang walang
mararanasang diskriminasyon at karahasan?
Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano
mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+.

Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala
rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of
Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,
1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na
sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang
ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan
noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa


kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may


responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring
bawiin.

9
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa


karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng


karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?


Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang
diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na igalang,
ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;

2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at


maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;

3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang


hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at

4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga


isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No.
9262)
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang
mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan
o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang
labingwalong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na
labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol
ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.

10
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at
pananakit at maaaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim
ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan
at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak
sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay
isa ring batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin
ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang
mga kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo
sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan
upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na
nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna
Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng mga batang
babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.

11
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa
hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawangbukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang
mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.
Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
kababaihan, ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na magbibigay ng
benepisyo sa mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.

Ang Paternity Leave


Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang
bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang
lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa
rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki
sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking
empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa
kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang
inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga
empleyadong lalaki.
Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan
at regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa
dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa
tatlumpung (30) arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at
pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang
niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa Paternity Notification Form
buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng marriage contract.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa
kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan
at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga
panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

Pagyamanin

12
A. Da-Hu?
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa isang papel.

A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D. Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.

_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at


anak nito.

_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.

_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at


prostitusyon.

_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.

B. Hanep-Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat bilang
upang mabuo ang mga salita.
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

1. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
20 1 7 1 16 1 7 16 1 20 21 16 1 4

13
2. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
16 18 15 20 5 11 19 25 15 14

3. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
20 1 7 1 16 1 7 20 1 14 7 7 15 12

4. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
2 1 19 1 7 9 14 1 14 7 19 20 5 18 5 15 20 25 16 5

5. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
12 21 13 9 11 8 1 14 7 2 1 20 1 19

C. Mind Map ko ‘to


Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng mga tugon
ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at diskriminasyong nararanasan
ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung paano ito makatutulong sa iyo bilang isang
mag-aaral.

Tugon ng
pamahalaan sa mga
isyu ng karahasan
at diskriminasyon

D. Magkalinawan tayo
Panuto: Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong na sa kaliwang
bahagi ng papel. Isulat ang iyong paliwanag sa 2-3 pangungusap. Isulat ang mga ito
sa isang papel.

14
Ano ba ang Paternity Leave?

Sino kaya ang maaaring


magkamit nito?

Paano ito nakapagbibigay


ng benepisyo sa mga
kalalakihan?

E. I-minapang Konsepto
Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng kararahasan
at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba. Ibigay ang maaaring tugon
ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ito. Isulat ang sagot sa papel.

Napapanahong
isyu ng
karahasan at
diskriminasyon

F. Aking aalamin
Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang kasama
sa bahay ng mga programa, samahan, batas o ordinansa na nagtataguyod ng mga
karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ sa iyong pamayanan.
Gumawa ng isang talahanayan upang mailagay ang mga nasaliksik. Isulat ang iyong
sagot sa isang papel.

15
KALALAKIHAN KABABAIHAN LGBTQIA+

Nasagot mo ba ang lahat ng katanungan sa Pagyamanin? Napakahusay! Ngayon


naman ay atin pang pagtibayin ang iyong mga natutuhan sa aralin sa pamamagitan
ng susunod na gawain.

Isaisip

#Wall ng Kaalaman
Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at punan ito ng angkop na mga
kasagutan. Isulat ang sagot sa isang papel.

16
Like ko i -share Tatlong bagay na aking natutuhan sa aralin

Share ko,
comment mo Dalawang kanais -nais na hakbang na aking isasagawa
naman

Pupusuan ko Isang kaalaman na aking ibabahagi sa iba

Isagawa

#Ikampanya mo na!
Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng
kasarian at diskriminasyon sa lipunan? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang
campaign slogan. Gamiting gabay ang pamantayan sa rubrik.

Hindi gaanong Hindi magaling


Napakagaling magaling (2 puntos)
Pamantayan Magaling (4
(5 puntos) puntos) (3 puntos)

17
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong Medyo magulo Magulo at hindi
madaling maunawaan ang laman ng maunawaan
unawain ang ang campaign campaign slogan ang campaign
campaign slogan slogan tungkol tungkol sa tugon slogan tungkol sa
tungkol sa sa tugon ng ng pamahalaan at tugon ng
tugon ng pamahalaan at mamamayan sa pamahalaan at
pamahalaan at mamamayan mga isyu ng mamamayan sa
mamamayan sa mga isyu ng karahasan at mga isyu ng
sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon karahasan at
karahasan at diskriminasyon sa lipunan diskriminasyon
diskriminasyon sa lipunan sa lipunan
sa lipunan

Organisasyon Maayos at may Hindi gaanong Kaunti ang Walang


malaking maayos ang kaunayan sa kaugnayan sa
kaunayan sa kaunayan sa paksa ng paksa ang
paksa ang paksa ng campaign slogan campaign slogan
campaign slogan campaign slogan tungkol sa tugon tungkol sa tugon
tungkol sa tungkol sa ng pamahalaan at ng pamahalaan
tugon ng tugon ng mamamayan sa at mamamayan
pamahalaan at pamahalaan at mga isyu ng sa mga isyu ng
mamamayan mamamayan karahasan at karahasan at
diskriminasyon diskriminasyon
sa mga isyu ng sa mga isyu ng
sa lipunan sa lipunan
karahasan at karahasan at
diskriminasyon diskriminasyon
sa lipunan sa lipunan

Pagkamalikhain Nakahihikayat Hindi gaanong Medyo Walang


ang campaign nakahihikayat nakahihikayat panghihikayat
slogan tungkol ang campaign ang campaign ang campaign
sa tugon ng slogan tungkol slogan tungkol sa slogan tungkol sa
pamahalaan at sa tugon ng tugon ng tugon ng
mamamayan pamahalaan at pamahalaan at pamahalaan at
sa mga isyu ng mamamayan mamamayan sa mamamayan sa
karahasan at sa mga isyu ng mga isyu ng mga isyu ng
diskriminasyon karahasan at karahasan at karahasan at
sa lipunan diskriminasyon diskriminasyon sa diskriminasyon
sa lipunan lipunan sa lipunan

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa


bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination

2. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang


mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga
ng kaukulang parusa sa lumalabag nito? A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

3. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna
Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

4. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing


tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan

5. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong


ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

6. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

19
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman
ang layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga
kababaihang biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-


pagkakapantaypantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay
tungkulin ng Estado bilang State Party sa Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay


nagdadalangtao. Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya
sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence

9. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan


tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng
prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of The Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na


komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural,
pangekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst
Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst
Women

11. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa
loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.
A. Republic Act 817 C. Republic Act 8187

20
B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162

12. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang


employer ang pagdadalang-tao at ang inaasahang petsa ng panganganak ng
kanyang asawa?
A. Sapagkat ito ay kanyang karapatan.
B. Dahil siya ay mag-a-apply ng paternity leave.
C. Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa.
D. Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

13. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga


kababaihan at anak nito?
A. live-in partners na lalaki
B. kasalukuyan at dating asawang babae
C. kasalukuyan at dating kasintahan babae
D. mga lalaking nagkaroon ng anak sa lalaki

14. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki maliban sa:
A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

15. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at


lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women

21
Karagdagang Gawain

#Makatutulong ako
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging epektibo
ang mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa iba’t ibang kasarian?

22
23

You might also like