You are on page 1of 15

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan
sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon
LGBTQ+

Randy D. Estopa
Teacher III – Apas National High School
Modyul Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu
6 ng Karahasan at Diskriminasyon
Ika-anim na Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at


hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

Kakayahan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon.

Paksa: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Subukin

Isa na namang makabuluhang linggo sa inyo mga butihin kong


estudyante. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at handa na namang
matuto. Pero bago natin umpisahan ang paglalakbay sa aralin ay subuking
sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Paalala: huwag munang buksan ang mga bahagi ng modyul. Mangyari
maging tapat sa sarili at pahalagahan ang pag-aaral.

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang panukalang tumatalakay sa SOGIE?


A. Senate Bill 519 C. House Bill 215
B. House Bill 258 D. Senate Bill 115

2. Anong ordinansa ang umiiral sa Quezon City nang arestuhin ang isang
transwoman sa isang mall ng siyudad?
A. Anti-Mendicancy Ordinance C. Anti-Discrimination Ordinance
B. Anti-Indecency Ordinance D. Anti-Smoking Ordinance

3. Sino sa mga sumusunod ang tinutukoy bilang marginalized women?


A. biktima ng pang-aabuso C. biktima ng illegal recruitment
B. maralitang tagalungsod D. mga babaeng nakakulong

2
4. Sila ang mga kababaihan na nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan sa buhay
A. marginalized women C. marginalized men
B. indigenous people D. women in especially difficult
circumstances
5. Ang panukalang batas na magbibigay proteksiyon laban sa
diskriminasyon at karahasan sa mga lesbian, gay. bisexual at transgender.
A. Bill of Rights
B. Magna Carta of Women
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
D. Sexual Orientation Gender Identity and Expression Bill

6. Isinabatas ang Magna Carta of Women upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng mga babae at lalaki. Kailan ito isinabatas?
A. Hulyo 8, 2003 C. Hulyo 8, 2008
B. Hulyo 8, 2006 D. Hulyo 8, 2010

7. Ito ang kauna-unahan internasyunal na kasunduan na komprehensibong


tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at political
na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya
A. Bill of Rights
B. Magna Carta of Women
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
D. Sexual Orientation Gender Identity and Expression Bill

8. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mga state parties ng CEDAW maliban


sa
A. Igalang ang karapatan ng kababaihan
B. Itaguyod ang karapatan ng kababaihan
C. Ipagtanggol ang karapatan ng kababaihan
D. Ipapagpapaliban ang karapatan ng kababaihan

9. Sino sa mga sumusunod ang saklaw ng Magna Carta?


A. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho
o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan
B. mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae
sa iba’t ibang larangan
C. marginalized women at women in especially difficult circumstances
D. lahat ng nabanggit

10. Ito ay nagsasaad ng mga batas na nagbibigay lunas o proteksyon sa mga


kababaihan at kabataan mula sa karahasan.
A. Anti-Violence Against Women and their Children Act
B. Anti-Violence Against Men and their Spouse Act
C. Anti-Violence Against Lesbian, Gay. Bisexual and Transgender Act
D. Social Orientation and Gender Identity Bill

11. Si Gretchen Custodio Diez ay isang transwoman na inaresto sa Quezon


City, alin sa mga sumusunod ang dahilan ng kanyang pagkaaresto?
A. paggamit ng pinagbabawal na gamut
B. pakikipaghalikan sa pampublikong parke
C. paggamit sa comfort room ng mga babae
D. padadala ng mga malalaswang larawan ng kalalakihan

3
12. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay nagbibigay
proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga anak. Sino sa mga
sumusunod ang tinutukoy na babae sa batas na ito?
A. kasalukuyan o dating asawang babae
B. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
C. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
D. lahat ng nabanggit

13. Ang mga sumusunod ay nilalayon ng CEDAW maliban sa


A. Ipinagbabawal ang mga patakarang umaagrbyado sa kababaihan
B. Nilalayon nitong itaguyod ang hindi pagkakapantay-pantay sa
kababaihan
C. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang
paglabag sa karapatan ng kababaihan.
D. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang mga layunin nito.

14. Layunin ng Magna Carta na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae
at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, paano ito
maipatutupad?
A. Sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang
mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
B. Sa pamamagitan ng pagtatarabaho sa mga gawaing
pinangungunahan ng mga kalalakihan
C. Sa pamamagitan ng pakikipagkompetensiya sa mga kalalakihan
gamit ang kasanayan.
D. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban para matapos ang
diskriminasyon.

15. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang


kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang
mga karapatan. Alin sa mga sumusunod ang patunay nito?
A. Ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa
na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng babae tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan.
B. Gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis
ang mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa
diskriminasyon laban sa kababaihan.
C. Dapat basagin ang stereotype at tanggalin ang istrukturang
panlipunan tulad ng kustombre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi
na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
D. Lahat ng nabanggit

4
Aralin 1: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

Alamin

Malugod na pagbati mga mahal kong mag-aaral, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang ating sisimulan sa linggong ito.

Sa pagkakataong ito isa na namang makabuluhang paksa ang pag-


uusapan natin at ito ay patungkol sa tugon ng pamahalaan at mamamayan
ukol sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Upang magkaroon ng
komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga
sumusunod:

1. natatalakay ang mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng


kababaihan at ng kanilang mga anak;
2. natutukoy ang iba’t ibang tugon ng pamahalaan laban sa karahasan sa
kababaihan at LGBTQ+; at
3. napahahalagahan ang maidudulot nito sa kapakanan ng kababaihan at
LGBTQ+.

Panimulang Gawain

PANUTO: Tingnan ang mga salitang nakasulat sa mga larawan at sagutin


ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
inyong sagutang papel.

Additional pics for LBTQ+ (done)

Pamprosesong Tanong

1. Anong mga salita na makikita sa mga larawan?


2. Ano ang nais iparating ng mga larawan na ito?

5
Tuklasin at Suriin

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at


Diskriminasyon

May mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan tulad ng


Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta of
Women.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ba ang pwedeng
mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?

Ang mga mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang mga


kababaihan at kanilang mga anak. Mula sa batas na ito may mga pagtukoy
ukol sa mga kababaihan, narito ang mga sumusunod: Ang kababaihan sa
ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae,
babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Mula sa pagpapaliwanag na iyan,
lubhang malawak ang pagbibigay ng halaga para sa kababaihan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Ang mga anak naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga
anak na wala pang labing-walong taong gulang, lehitimo man o hindi, at mga
anak na may labing walong taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan
o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng
isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa


ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng sexual o dating
relationship sa babae. Ibig sabihin malawak ang saklaw ng batas na ito sa
mga lalaking lumalabag at gumagamit ng karahasan sa mga kababaihan.

http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinaykomiks.pdf

6
Magna Carta of Women

Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong


Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at
mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of
all Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang


potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.

Itinalaga ng Magna Carta of Women ang pamahalaan bilang


pangunahing tagapagpatupad ng komprehensibong batas. Ginawa na
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababihan sa
lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng
mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin
ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng
mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng babae tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan.
Gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang
mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa
diskriminasyon laban sa kababaihan. Ang isa pang hamon ng batas sa
pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin ang
istrukturang panlipunan tulad ng kustombre, tradisyon, paniniwala, salita
at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o


hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan (ethnicity) ay
saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na
pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, marginalized women
at women in especially difficult circumstances.
 marginalized women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag
na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito
ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka
at manggagawang bukid, mangingisda, migrante at kababaihang Moro at
katutubo.
 women in especially difficult circumstances ay mga babaeng nasa
panganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at babaeng
nakakulong.

Learners Module- Araling Panlipunan 10

7
Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms


of Discrimination Against Women. Karaniwang inilallarawan bilang
International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention
o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at political
na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW


noong Disyember 18, 1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang
PIlipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at niratipika ito noong Agosto
5, 1981. Ang CEDAW ay ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula
sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad
ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan
noong 2006 pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa


kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa


kababaihan. Inaatas nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin may
mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanmay hindi nito
maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang mga layunin nito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang
paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga
institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong
indibidwal o grupo
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil
ng karapatan ng babae at hinahamon nito ang state parties na baguhin
ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa
babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin


ang diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae at
may tungkulin ang estado na solusyonan ito. May tungkulin ang state
parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang state parties ay inaasahang:
1. Ipawalang bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang
diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at
Sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilang karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t
ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.

Sanggunian: CEDAW Primer (UNIFEM CEDAW, 2006)

8
Artikulo ukol sa SOGIE Bill

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang sektor na


maisabatas na ang mga panukalang magpapataw ng parusa sa
magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at
"gender identity or expression" (SOGIE bill) — panukalang batas na
naglalayong proprotekta sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender
atbp.

Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang


isang transwoman na nakilala bilang si Gretchen Custodio Diez sa isang
mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-
discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:

 Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado


 House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara

Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?

Isyu ng 'sexual orientation'

Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may


kaunting pagkakaiba. Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal
na pagkaakit o gawi ng isang tao.

Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito sa tatlo:


 Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex
 Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
 Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex

Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:


 Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit
kaninuman

Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga


"male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome
patterns ng isang tao.

Ayon sa Senate Bill No. 159, ang gender expression ay:

"Outward manifestations of the cultural traits that enable a person to


identify as male or female according to patterns that, at a particular moment in
history, a given society defines as gender appropriate."

Ito naman ang gender expression ayon sa House Bill No. 258:

The way a person communicates gender identity to others through


behavior, clothing, hairstyles, communication or speech pattern, or body
characteristics."
Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na
personal na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit,
kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine"
conventions. Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao
sa kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao. Sa sitwasyon ni
Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae
habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.
Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang
lalaki habang lalaki rin ang gusto. Iba rin ang transmen sa mga lesbyana.

9
Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae habang babae rin ang gusto.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging
kung sino sila.
Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng
tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae. Posible
ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity
sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki. Marami pang ibang
kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.
philstar.com/Pilipino.star.ngayon/bansa/2019/08/14/1943370/sogie.ipinaliwanag

Isagawa/Pagyamanin

Matapos mong nabasa ang mga teksto na nakapaloob sa aralin, isagawa at


pagyamanin ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.

PAGLALARAWAN MO…SASAGUTIN KO: Gamitin ang mga paglalarawan na


nasa loob ng kahon upang maibigay ang mga konsepto. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel

Ito ay isang panukalang batas na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng


diskriminasyon at itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng uring
kasarian.

Isang batas na naglalayong mabigyang lunas at proteksyon ang mga kababaihan


at ang kanilang mga anak laban sa karahasan at naging biktima ng karahasan.

Ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at political gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya

Isang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon laban sa diskriminasyon


sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at iba pa.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga batas ang inilalarawan ng bawat kahon?

10
2. Ano ang pagkakaiba ng mga batas na ito?

3. Ano naman kaya ang pagkakapareho ng mga batas na ito?

Isaisip

Tungkulin ng pamahalaan na mapangalagaan ang kapakanan ng lahat


ng mamamayan anuman ang katayuan sa lipunan at kasarian nito. Sa
paglipas ng panahon maraming mga batas ang nagawa at naipasa halimbawa
nito ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta of
Women para mas mapalawig ang pangangalaga sa kapakanan ng kababaihan.
May mga panukalang solusyon para makamtan ang gender equality sa bansa.
Sa kasalukuyan, may mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga
mamamayan na kasapi ng LGBTQ+ halimbawa nito ang SOGIE Bill.

Pamprosesong Tanong:
1. Nagampanan ba ng pamahalaan ang kanilang tungkulin sa mga
mamamayan partikular sa mga kababaihan? Ipaliwanag.
2. Naging pantay ba ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa kapakanan ng mga kababaihan at
LGBTQ+?

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel. Maging tapat sa sarili.

1. Ang pangalan ng transgender na inaresto sa loob ng isang mall sa Quezon


City dahil sa paggamit ng banyo ng mga __________________.
A. Babae B. Lalaki C. LGBT D. Tomboy

2. Ang House Bill 258 ay mas kilala bilang…


A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill
B. CEDAW D. SOGIE Bill

3. Nilalayon ng SOGIE Bill na maprotektahan ang karapatan ng mga


Pilipinong LGBT. Ano ang ibig sabihin ng SOGIE…
A. “sexual organization for gender initiative and educ.”
B. “sexual orientation" at "gender identity or expression”
C. “selective orientation” at “general information or evolution”
D. “standard operations and general instructions for education”

4. Ang sumusunod ang mga konsepto ng sexual orientation na napapaloob sa


House Bill 258 at Senate Bill 159 maliban sa:
A. Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex
B. Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
C. Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex
D. Pansexual orientation – pagka-akit sa lahat

5. Siya ang may panukala ng SOGIE Bill sa senado…


A. Sen. Franklin Drilon C. Sen. Risa Honiveros
B. Sen. Gwendolyn Garcia D. Sen. Ralph Recto

11
6. Ang kahulugan ng kababaihan sa ilalim ng Anti-Violence Against Women
and Their Children Act ay tumutukoy sa sumusunod maliban sa:
A. kasalukuyan o dating asawang babae
B. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
C. babaeng single na nagkaroon ng mapang-abusong karelasyon
D. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki

7. Ang CEDAW ay kilala rin bilang __________________.


A. The Women's Constitution
B. International Bill for Religious Women
C. The Woman’s Anti-Violence and Education Act.
D. United Nations Treaty for the Rights of Women

8. Ang batas na ito ay ipinasa upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng


mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas
at mga pandaigdigang instrumento, lalo na sa __________________.
A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill
B. CEDAW D. SOGIE Bill

9. Ang pag-gawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga


isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan ay
bahagi sa pagpapatupad ng aling kasunduan / batas?
A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill
B. CEDAW D. SOGIE Bill

10. Ang sumusunod ay layunin ng CEDAW maliban sa?


A. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin may
mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanmay hindi nito
maaaring bawiin.
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang umaagrabyado sa
kalalakihan at LGBTQ+, anumang mga layunin nito.
D. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal
sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo

11. Ano ang pagkakaiba ng marginalized women at women in especially


difficult circumstances?
A. Ang marginalized women ay kababaihang nang-aabuso sa kapwa
babae at ang women in especially difficult circumstances ay mga
babaeng biktima ng LGBTQ+
B. Ang marginalized women ay kababaihang naging biktima ng kahirapan
at ang women in especially difficult circumstances ay mga babaeng
biktima ng karahasan
C. Ang marginalized women ay kababaihang naging biktima ng
karahasan at ang women in especially difficult circumstances ay
mga babaeng biktima ng kahirapan sa buhay.
D. Ang marginalized women ay kababaihang inaabuso ang kanilang mga
anak at ang women in especially difficult circumstances ay mga
babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga anak.

12. Ayon sa mga panukalang batas HB 258 at SB 159 naiiba ang gender
identity sa gender expression? Ang gender identity ay tumutukoy sa gonads
at chromosome patterns ng isang tao isang halimbawa nito ay:
A. Si Juliana na nagpalagay ng suso
B. Si Juliana na naggupit at damit lalaki
C. Si Juliana na isinilang na may aring panalaki
D. Si Juliana na nagpapalit ng ari sa ibang bansa

12
13. Paano inilarawan ng House Bill 258 ang gender expression:
A. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang
tao ang kaniyang pagkakakilanlang pangkasarian o gender identity tulad
ng ayos ng buhok, pananamit, mga gawi, pananalita at iba pa
B. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang
tao ang kaniyang oryentasyong seksuwal o sexual orientation at kung
sino ang nais niyang makasama panghabangbuhay
C. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang
tao ang kaniyang sarili kabiliang dito ang pagiging magaling mag-
English, maging trendy at fashionable sa pananamit at pagiging sikat.
D. Ayon dito ang gender expression ay ang kabuuang pagpapakita na siya
ay hindi naaayon sa kaniyang gender tulad ng pagko-cross dress,
pagsuot ng make-up at iba.

14. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng gender expression?


A. Si Juan ay isinilang bilang isang lalaki, ngunit mas ginugusto niyang
kumain ng tsitsirya habang nanunuod ng tv.
B. Si Marites ay isang bisexual, lagi niyang kinakasama ang kanyang
pinakamamahal sa buhay na si Marisol.
C. Si Marife ay isang babae, matapos ang isang cosplay kung saan
nagdamit siya bilang si Gusion (isang lalaking karakter sa mobile
legends) nadiskubre niyang di pala bagay sa kanya.
D. Si Francis isang lalaki, araw-araw na nagbabasketbol, malinis ang gupit
ng buhok, lalaking lalaki kung magsalita at mahal na mahal ang
kanyang nobya.

15. Alin sa sumsusunod ang nagpapakita ng pagkakakapantay-pantay sa


babae, lalaki at LGBTQ+?
A. Si Mario at Maria ay natanggap bilang construction workers sa isang
ipinapatayong gusali.
B. Si Ben at Aimee na laging kumakain sa isang kainan sa mall kahit hindi
pa bakunado si Aimee.
C. Si Pamela na 35 years old, na pinagbabawalang maghanap ng nobyo o
mag-asawa ng mga magulang dahil bata pa raw ito.
D. Si Juan at Julio na pinipilit buwagin at tapusin kanilang relasyon ng
kanilang mga magulang dahil ayaw nil ana maging bakla ang anak.

13
Karagdagang Gawain

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nais iparating na mensahe ng tula?


2. Makatwiran ba ang paghingi ng pantay na karapatan ng
kababaihan at LGBTQ+? Bigyan ng paliwanag.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita na pantay ang
iyong pagtingin sa lahat ng tao? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian sa
pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan?

14
Susi sa Pagwawasto
Expression)
4. SOGIE BILL (Sexual Orientation Gender Identity and

OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN (CEDAW)


3. CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS

CHILDREN ACT
2. ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR

1. MAGNA CARTA OF WOMEN

ISAGAWA AT PAGYAMANIN:

Sanggunian

Mga Aklat:
 Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Rex Printing
Company Inc.

 Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng Edukasyon.

Mga larawan:
 www.google.com
 https://d3525k1ryd2155.cloudfront.net/h/651/510/843510651.0.l.jpg
 https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSNzmQ-
Qq0WgHsl1yuNH6O3tBgWNfoEm18cvQ&usqp=CAU

15

You might also like