You are on page 1of 5

EMILIO V.

QUIZON NATIONAL HIGH SCHOOL


(Formerly Camflora National High School Annex)
Talisay, San Andres, Quezon

Pangalan ng
guro
Baytang 10
Asignatura Araling Kwarter 3rd Paksa Tugon ng Pamahalaan
Panlipunan at Pamayanan sa mga
Isyu ng karahasan at
Diskriminasyon.
Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
(Content Standard) nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi
ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at
(Performance Standard) hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,
(Learning Competency) kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender)
Mga Layunin Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at
nagsusulong sa kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+
Self-Learning Modules, Books, Cartolina, Marker,
Kagamitan Duration of the Lesson 1 hour
Laptop, Pen and Paper

Date of Implementation: March 27, 2023/Monday

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


A. Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa
kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+

II. PAKSA: Tugon ng Pamahalaan at Pamayanan sa mga Isyu ng karahasan at


Diskriminasyon.
KAGAMITAN: Self-Learning Modules, Books, Cartolina, Marker, Laptop, Pen and
Paper
SANGGUNIAN: G10 Araling Panlipunan Self-learning modules

III. PAMAMARAAN
1. A. Paghahanda na gawain
Panalangin
Pagsusuri ng Atendans
Pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin
1. B. Pangunahing Gawain

TUKUYIN MO AT ALAMIN!
Panuto:
Basahin ang isang tula na aantig sa iyong damdamin. Unawain mong mabuti ito at
sagutan ang pamprosesong tanong.

KKK: Kalalakihan, Kababaihan, Kakaiba


Ni: Marie Cris F. Tecson

Iisang entablado na may ibat ibang mga mukha


Kapwa may kanya kanyang istorya,
Gampaning nirerepresinta,
Taglay ang 'di matatawarang halaga,
Na mas pinagtitibay ng pagkakaisa.
Mula sa marilag na kaanyuan
Mayuming pagkilos, balingkinitang katawan
Natatago ang namumukod tanging kakayahan
Maglululan ng pag asa buhat sa sinapupunan
At pagtitibayin ng pag-ibig ang bawat sulok ng tahanan.

Ngunit sa kabilang banda,


Sa likod ng isang matagumpay na pamilya,
Hindi lamang isa ang siyang nagbabata
Sa ilalim ng araw madalas magkumahog ang kanilang mga paa
Bitbit ang pangakong, uuwing may dala.

Subalit teka, telon ay 'wag munang isara


Halina muna't ating tunghayan
Silang mga naging tampulan ng panghuhusga
Iba man ang kasarian at malayo sa nakagisnan,
Kapwa nararapat parangalan tangi nilang ambag sa lipunan.

Diskriminasyon at karahasan ay di maiwaksi


Sa kasarian nila'y nakatali
Nasaan ang batas na may talas?
Batas na uusig Laban sa mga kaluluwang walang habas

2. PAGSUSURI
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang
kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang mawakasan na
ang diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+?

3. PAGHAHALAW

Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito
bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito
ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan
kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre


18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng
Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o
state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3,
1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng
lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag ditto.
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga
anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating
asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak
ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labingwalong (18) taong gulang, lehitimo man
o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak
ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga

Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Ginagawang
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri
ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang
sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang
nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga
batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa
kababaihan.

Ang Paternity Leave


Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang bawat
empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi
pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban
ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng
manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa Paternity
Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang
lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong
ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at
regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa dalawampu’t
limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (30) arw
o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.

4. PAGLALAPAT

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa isang papel..

A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D.Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad ng
batas na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong kakayahan, at
maralitang-tagalungsod.

IV. EBALWASYON

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa
lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D.Anti-Violence Against Women and Their Children Ac

2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for
Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D.Women in Especially Difficult Circumstances

3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o
primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan B. senado C. pamahalaan D. simbahan
4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga
babaeng nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D.Women in Especially Difficult Circumstances

5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan
ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D.Act Against Women Discrimination

6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang
community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima
ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D.Women in Especially Difficult Circumstances

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantaypantay


sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang state party sa
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.
D.ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng:


A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng
karahasan
D.pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng
pang-aabuso at diskriminasyon

9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalangtao.


Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag
nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave B. Paternity Leave
C. Leave for Fathers D.Paternity Leave of Absenc

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong


tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan
kundi pati na rin sa aspetong kultural, pangekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst Women
D.Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst Women

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang kasama sa bahay


ng mga programa, samahan, batas o ordinansa na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ sa iyong pamayanan. Gumawa ng isang talahanayan
upang mailagay ang mga nasaliksik. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

KALALAKIHAN KABABAIHAN LGBTQIA+

You might also like