You are on page 1of 4

EMILIO V.

QUIZON NATIONAL HIGH SCHOOL


(Formerly Camflora National High School Annex)
Talisay, San Andres, Quezon

Pangalan ng
guro
Baytang 10
Asignatura Araling Kwarter 3rd Paksa Tugon ng Pamahalaan
Panlipunan at Pamayanan sa mga
Isyu ng karahasan at
Diskriminasyon.
Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
(Content Standard) nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi
ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at
(Performance Standard) hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,
(Learning Competency) kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender)
Layunin Naibibigay ang mga layunin at sinasaklaw ng mga organisasyon ng
pamahalaan laban sa diskriminasyon at karahasan para sa
kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+
Self-Learning Modules, Books, Cartolina, Marker,
Kagamitan Duration of the Lesson 1 hour
Laptop, Pen and Paper

Date of Implementation: March 28, 2023/Tuesday

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


A. Naibibigay ang mga layunin at sinasaklaw ng mga organisasyon ng pamahalaan laban sa
diskriminasyon at karahasan para sa kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+

II. PAKSA: Tugon ng Pamahalaan at Pamayanan sa mga Isyu ng karahasan at


Diskriminasyon.
KAGAMITAN: Self-Learning Modules, Books, Cartolina, Marker, Laptop, Pen and
Paper
SANGGUNIAN: G10 Araling Panlipunan Self-learning modules

III. PAMAMARAAN
1. A. Paghahanda na gawain
Panalangin
Pagsusuri ng Atendans
Pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin
1. B. Pangunahing Gawain
TUKUYIN MO AT ALAMIN!
Panuto:
Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at diskriminasyong
ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
2. PAGSUSURI
1. Ano ang nais ipahayag sa mga larawang iyong nakikita?
2. Bilang isang mamayan sa ating lipunan, paano mo maipapakita ang iyong
pagtugon laban sa karahasan at diskriminasyon?

3. PAGHAHALAW

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan


nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may responsibilidad
ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan,
anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng
mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng
babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at
mga gawain nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang
estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na igalang, ipagtanggol at
itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Ang State Parties ay inaasahang:
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon
at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang
para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaaring


kasuhan ng batas na Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act
No. 9262)?

Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng


batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating
kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga
lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae. Maliban sa Anti-Violence
Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas sa Pilipinas na
nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.

Sino ang saklaw ng Magna Carta?


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in
Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa hindi
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo ang mga
batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa,
maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawangbukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga
babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment,
human trafficking at mga babaeng nakakulong.

4. PAGLALAPAT

PANUTO: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat
bilang upang mabuo ang mga salita. Pagkatapos ay iyong ibigay ang mga kahulugan
ng salitang iyong mabubuo

IV. EBALWASYON

A. Gumawa ng sariling Mind Map. Punan ito ng mga tugon ng pamahalaan at mamamayan
sa mga karahasan at diskriminasyong nararanasan ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung
paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral.
B. Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong na sa kaliwang bahagi ng
papel. Isulat ang iyong paliwanag sa 2-3 pangungusap.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng kararahasan at


diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba. Ibigay ang maaaring tugon ng
pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ito

You might also like